Christian Churches of God

No. F027xiii

 

 

 

Komentaryo sa Daniel Epilogue

 

(Edition 2.5 20201011-20211114-20240909)

 

Ito ay isang buod sa layunin at propesiya ng Aklat.

 

 

 

 

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

Email: secretary@ccg.org

 

 

 

(Copyright © 2020, 2021, 2024 Wade Cox)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 

Komentaryo sa Daniel - Epilogue

 

 

Buod

Nakita natin na ang Aklat ni Daniel ay nahahati sa labindalawang kabanata na tumatalakay mismo sa magkakahiwalay na mga yugto ng mga panahon ng mga sistema ng Babilonia o mga Imperyo at ang kanilang pamamahala sa mundo sa ilalim ng diyos ng sanlibutang ito at ng sistemang panrelihiyon na kanyang inimbento upang pahinain ang bansang Israel at ang lipi ni Juda.

 

Ipinakikita ng teksto na ang Diyos ang nagtatakda ng pamamahala at kapangyarihan. Siya bilang ang Nag-iisang Tunay na Diyos na humihingi ng katapatan sa lahat ng aspeto ng pananampalataya.

 

Gaya ng nakita natin ang unang Bahagi o kabanata ay tumatalakay sa pagkabihag ng Juda at ang pagpili at paglipat ng mga prinsipe ng Juda alinsunod sa mga propesiya sa Bibliya. Sinubok sila sa kanilang pananampalataya at pagsunod sa mga Kautusan ng Diyos na nagsimula sa mga pagsubok sa mga Kautusan sa Pagkain at mga utos bilang pagpapakita ng kanilang katapatan sa Diyos ng Bibliya.

 

Ang Kabanata 2 ay tumatalakay sa pagtatatag ng takdang panahon ng nalalabing panahon sa anim na Imperyo mula Babilonia (ginto), Medo-Persia (pilak); ang Griyego (tanso) at ang Romano (bakal). Ang lahat ng mga Imperyong ito ay nakuha ang kanilang impluwensya mula sa mga sistema ng Babilonia at sa mga impluwensyang panrelihiyon na umusbong mula doon at kumalat sa buong mundo ngunit bubuo sa mga sistema ng sanlibutan hanggang sa panahon ng wakas. Ito ay wawasakin ng Mesiyas sa kanyang pagdating kasama ang Makalangit na Hukbo sa katapusan ng panahong ito.

 

Hindi mauunawaan ang Daniel nang hiwalay sa iba pang mga teksto ng Bibliya at partikular ang mga propesiya na kaugnay ng Aklat ni Ezekiel at sumusunod sa mga propesiya ni Isaias tungkol sa Mesiyas at sa Plano ng Kaligtasan (No. 001A). Gayundin ang propesiya ng Nabaling mga Bisig ng Faraon, kung titingnan kasama ng Aklat ni Daniel, ay nagpapakita ng lawak at bigat ng sistema mula 605 BCE hanggang 1997 CE at ng simula ng huling Imperyo ng Hayop na nagtatapos sa Panahong ito sa 2027 CE (cf. Fall of Egypt Part I (No. 036)  at Fall of Egypt Part II: Wars of the End (No. 036_2)).

 

Ipinaliwanag ni Ezekiel ang pagkakahati ng mga hari ng Hilaga at ng Timog at ang simula ng dalawang naglalabang kaharian at pinagmulan ng kapangyarihan at salungatan sa buong kapanahunan. Ang propesiya ng Daniel Kabanata 3 ay nagpapakita na ang pinagbabatayang salungatan sa pagitan ng mga lingkod ng Diyos ng sanlibutang ito, na sinisimbolo ng mga Caldeo, at ng mga lingkod ng Nag-iisang Tunay na Diyos, na sinisimbolo ng mga Judio at ang kanilang katapatan sa Kanya. Ang Israel ay naipadala na sa pagkabihag sa ilalim ng Asiria noong 722 BCE. Sa ugat ng salungatang ito ay ang pagsamba sa diyos-diyosan na sumisimbolo sa ugat ng kasalanan, na pagsamba sa ibang Diyos maliban sa Kanya na Nag-iisang Tunay na Diyos. Siya ay si Eloah o Elaha/Elahh na siyang Ha Elohim - Ang Diyos na Ama ng lahat at ang Naglalang. Ang salitangkasalanan” ay nagmula sa pagsamba sa Diyos ng Buwan na si Sin ng Babilonia na siyang pagsamba na salungat sa Laws of God (L1).

 

Sa ikalawang pagsubok na ito sina Sadrach, Mesach at Abed-nego ay sinubok at sila ay itinapon, sa ng utos ng Hari, sa hurnong nagniningas at naligtas at inilabas mula roon ng isang anghel ng Panginoon sa harap ng hari ng Babilonia.

 

Dahil sa pangyayaring ito sila ay itinaas sa harap ng Hari at sa harap ng lahat ng tao at naging mga tagapamahala ng lugar ng Babilonia sa ilalim ni Daniel na naunang itinaas sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa panaginip sa Kabanata 2 at ang kahulugan nito.

 

Ang Kabanata 4 ay tumatalakay sa pangitain sa Pitong Panahon at iniuugnay si Daniel sa pagkakasunod-sunod sa Ezekiel. Ang parehong mga propesiyang ito ay tinatakan hanggang sa panahon ng wakas at hindi ito mauunawaan kung wala ang isa. Ang pagkakasunod-sunod ng mga Imperyo sa Kabanata 2 ay magsisimula sa sistema ng Babilonia mula sa Labanan sa Carchemish noong 605 BCE sa loob ng dalawang apatnapung taong yugto hanggang sa pagsalakay ng Ehipto ni Cambyses noong 525 BCE, at magtatagal ng 2520 taon at magtatapos sa Walumpung taon yugto mula 1916 CE hanggang sa pagtatapos ng Panahon ng mga Gentil noong 1996/7 CE at nasaksihan ang huling yugto mula 1997-2027 sa pagtatapos ng ika-120 Jubileo sa Pagtutubos 2027. Ito ay eksaktong 40 Jubileo o 2000 taon mula sa pagpapahayag ng Kaaya-ayang Taon ng Panginoon noong 27 CE. At ang pagtatapos ng 6000 taon mula sa pagpapaalis kay Adan mula sa Eden at sa pagtatalaga kay Satanas bilang diyos ng sanlibutang ito mula sa pagpapaalis, na nagsisimula ng 6000 taon ng kanyang pamamahala mula 3974 BCE, tatlumpung taon pagkatapos ng paglalang kay Adan noong 4004 BCE. Ang pagpapahayag ay nagsimula sa Ikatlo o Huling Yugto ng Panahon na nagpasimula sa Espirituwal na Templo ng Diyos mula 70 CE gaya ng inihula mula sa Daniel kabanata 9:24-26.

 

Mula lamang sa panahong ito ni Cristo at sa pagkakabuo ng iglesia at pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Romano tayo maaaring magpatuloy sa Ikalima at Ikaanim na Imperyo ng mga Paa na bakal at luwad mula 590 CE hanggang 1850 CE at pagkatapos ay sa ika-20 Siglo hanggang sa Panahon ng Kaguluhan para kay Jacob at ang huling yugto ng walumpung taon na nagbunga ng Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa na bakal at luwad. Ang huling Ikaanim na Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa ay dudurugin ng Mesiyas at ng Matapat na Hukbo sa Huling Sabbath cycle ng ika- 120 Jubileo ng Panahong ito. Ang bakal at luwad ay sumasagisag na mayroon itong bakal ng sistemang Romano ngunit ito ay nasira sa kaguluhang pampulitika ng mga bansa at nananatiling ganito kahit sa ilalim ng Ikaanim na Imperyo ng sistema ng Hayop.

 

Ang Daniel ay hindi patungkol sa propesiya ng Mesiyas. Ito ay ibinigay sa pamamagitan ni Isaias. Hindi rin ito patungkol sa propesiya ng Babala ng mga Huling Araw [044] at ang katayuan ng Israel at ang pagkawasak sa mga Huling Araw, gaya ng ibinigay sa pamamagitan ng propetang si Jeremias (4:15-27). Ang Daniel ay patungkol lamang sa pagtatatag ng Templo ng Diyos at Pagtatayo ng Pisikal na Templo at ang pagkawasak ng Pisikal na Templo at ang pagpapalit nito ng Espirituwal na Templo noong 70 CE, na nabuo mula sa Sakripisyo ng Mesiyas bilang tao noong 30 CE gaya ng inihula sa Isaias Kabanata 53. Ang pagkawasak at pagpapalit ang propetikong paksa ng Daniel 9:24-26ff. at nagtatapos lamang sa pagbabalik ng Mesiyas kasama ang Matapat na Hukbo sa katapusan gaya ng inihula sa Kabanata 12.

 

Ang Kabanata 5 ay tumatalakay sa paglilipat ng kapangyarihan mula sa Imperyo ng Babilonia patungo sa Imperyo ng Medo-Persia. Ang huling kaganapan ng pagkakasala ay dahil sa kalapastanganan ni Belsasar  sa maling paggamit ng mga sisidlan ng ginto at pilak ng Templo sa isang piging. Gayunpaman, ang kanyang ama na si Nabonidas, na namumuno kasama niya, ay muling itinatag ang pagsamba sa Diyos ng Buwan na si Sin at inilagay ang kanyang anak na babae bilang Punong Pari ng Kulto sa Kanluran ng Babilonia. Ito ang huling yugto ng Babilonia at sila ay ibinigay sa Medo at Persia kasunod bilang Ikalawang Imperyo ng pilak.

 

Ang propesiya ng pagpapanumbalik sa Israel

Ang Lahi ni David ay binigyan ng isang prinsesa ng Persia upang mapangasawa halos kasunod ng mga propesiya ni Esther (F017) at ang pagpapalawig hanggang sa mga huling araw bilang Purim in the Last Days (F017B) cf. din David and the Exilarchs to the House of Windsor (No. 067).

 

Kaya makikita na ang maharlikang sambahayan ng Persia ay may magandang pakikitungo sa mga Judio at ang sambahayang ito ay umabot sa Medo kasama si Dario na Medo na ang ina ay isang Persian at kapatid na babae ni Ciro.

 

Sa pamamagitan ng kaugnayang ito na ang Persia ay naglabas ng utos para sa Pagpapanumbalik ng Jerusalem at ng Templo sa ilalim ni Ciro. Ang panahon ng pagtatayo ay pinalawig hanggang kay Darius II, ang Persian, at kay Artaxerxes II para sa Pagpapanumbalik sa ilalim ni Ezra at Nehemias (cf. Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo [013]).

  

Ang pagpapalawig hanggang sa mga Huling Araw ay inihula din sa pamamagitan ng mga propetang sina Habakuk (F035) at Hagai (F037). Ang Jerusalem ay muling nakuha ng Australian Light Horse noong 1917 noong 7 Disyembre 1917 na 24 Chislev ayon sa Kalendaryo ng Templo na inihula ni Hagai.

 

Ang 24 Chislev, ayon kay Hillel, ay 9 Disyembre at kaya binago ng mga Judio ng ika-20 siglo ang mga tala doon (cf. Wikipedia) upang ituon sa British Garrison na tumapat sa petsang iyon (upang maling suportahan si Hillel) pagkatapos makuha ang lungsod noong ika-7 ng Disyembre ng ALH alinsunod sa propesiya sa ilalim ng kalendaryo ng Templo kapwa sa Hagai at Habakuk sa itaas.

 

Ang Kabanata 6 ay nagsasaad na si Dario (ito ay si Dario na Medo) ang nagtalaga kay Daniel bilang isa sa tatlong pangulo kung saan mag-uulat ang mga Satrap. Kalaunan ay nadagdagan ito sa kabuuang 127. Kasunod nito, si Daniel ay iminungkahing itinatag bilang pinuno ng kaharian sa taas ng mga Satrap at mga pangulo at sa gayon ay hinangad nilang lipulin siya. Nagtatag sila ng batas upang sa ilalim ng batas ng Medo at Persia kung ipapasa ng hari ang batas na ito ay hindi na niya ito mababawi o masira. Nagsinungaling sila na sinasabing sumang-ayon ang lahat ng mga pangulo at Satrap gayong malinaw na hindi man lang nila sinabi kay Daniel, lalo na ang sumangguni sa kanya. Kaya ang kanyang pagdarasal sa publiko sa Diyos ng tatlong beses sa isang araw ay labag sa batas at mapipilitang itapon siya sa yungib ng mga leon.

 

Napilitan ang hari na sumunod at inutusang itapon siya sa yungib. Isang anghel ng Diyos ang nagpakita sa yungib at iniligtas si Daniel. Dahil dito ang lahat ng nagsabwatan laban kay Daniel sila mismo, kasama ang kanilang mga pamilya, ay nawasak sa yungib dahil hinagad nilang patayin si Daniel. Ito ay itinatag bilang pamantayang parusa para sa mga taong naghahangad na pumatay ng isang propeta ng Diyos at isasagawa sa mga Huling Araw sa ilalim ng mga Saksi (cf. No. 141D)).

 

Gayundin ang Diyos ay idineklara na kataas-taasang diyos at kinikilala hanggang sa wakas (6:26).   Siya ang nagliligtas at nagpapalaya at gumagawa ng mga tanda at kababalaghan sa langit at sa lupa (v. 27).

 

Ang Kabanata 7 ay nagsasalita tungkol sa Apat na Hayop na bumubuo ng magkakasunod na kapangyarihan ng mga bansa at huling Hayop na nagpabagsak sa mga bansa at hinatulan ng hukuman sa harap ng Matanda sa mga Araw.

 

Ang anak ng tao ay iniharap at pagkatapos ay binigyan ng awtoridad sa lahat ng mga tao at mga bansa at ang awtoridad na ito ay ibinigay sa mga tapat na tagapaglingkod ng Mesiyas at ng Katawan ni Cristo at ang kapangyarihan ay inilipat sa Pitumpu at sa kanilang bayan (Luc. 10:1,17). Ito ang huling paglilipat ng kapangyarihan ng Pitumpu at dalawa; ang una ay ang mga anak ng Diyos sa mga matatanda ng Israel sa Sinai, mula sa mga anak ng Diyos ayon sa Deuteronomio 32 (Hindi ang MT at KJV cf. RSV, LXX at DSS (sa v. 8)), hanggang sa Sanhedrin sa Exodo (Blg. 11:16ff.).

 

Ang ikaapat na Hayop ay maghahangad na wasakin ang mga hinirang at kanyang pahihinain ang mga banal ng Kataas-taasan ngunit sila ay pagkakalooban ng kaharian at kapamahalaan sa ilalim ng buong kalangitan at lahat ng mga kapangyarihan ay maglilingkod sa kanila (6:24-27). Ito ang huling kapangyarihan na magmumula sa huli o Ikaanim na Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa at lalamunin ang buong mundo. Muli itong magtatangka na baguhin ang mga panahon at ang kautusan, gaya ng ginawa ng Ikalimang Imperyo ng mga Paa na bakal at luwad, o Banal na Imperyong Romano bago ito.

 

Ipinahayag ng Mesiyas ang Kaaya-ayang Taon ng Panginoon noong 27 CE at pagkatapos ay itinatag ang Iglesia ng Diyos, na itinayo sa mga Patriyarka at mga Propeta na nauna sa kanila (cf. Establishment of The Church under the Seventy (No. 122D)).   

 

Ang pagkakasunod-sunod na ito ay tatagal hanggang sa masakop nito ang buong mundo sa huling Sabbath Cycle ng ika-120 na Jubileo sa Pagbabalik ng Mesiyas at sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A].   

 

Ipinakilala rin nila ang Mga Araw ng mga Santo sa pseudo-Christian Church.

 

Ang ikalawang huwad na sistema ng Hadithic Islam ay inilipat sa Mecca mula sa Becca ca. 699 CE at itinatag doon pagkatapos ng Four Rightly Guided Caliphs at ang Abbasid revolution (cf. Becca and the Four Rightly Guided Caliphs (Q001D)).

 

Sa Kabanata 8 si Daniel ay binigyan ng isang pangitain ng ikalawang Paglipat ng kapangyarihan mula Medo-Persia patungo sa mga Griyego. Ang Imperyong ito ang nagtakda ng panahon ng paglapastangan sa Templo matapos mahati ang mga Griyego at naging mga Imperyo ng Hilaga bilang mga Hari ng Hilaga sa ilalim ng Seleucids at mga Hari ng Timog na namuno sa Ehipto sa ilalim ng Ptolemies.

 

Ang propesiya ng dalawang libo tatlong daang gabi at umaga (v. 14) ay nagsimula sa tagumpay ng mga Griyego sa Labanan sa Ilog Granicus (334) at nagtatapos sa pagpapanumbalik ng satuwaryo sa nararapat na kalagayan nito. Eksaktong 2300 taon mula sa Labanan ng Ilog Granicus ay ang taong 1967. Ito ang taon ng Anim na Araw na Digmaan ng Arab–Israeli at ang Bundok ng Templo ay naipanumbalik sa Estado ng Israel bilang resulta ng kanilang tagumpay sa digmaan. Ang pagkakasunod-sunod ay ipinaliwanag sa Komentaryo sa Daniel Kabanata 8.

 

Sa Kabanata 9 nakita ni Daniel na ayon kay Jeremias ay napakaraming taon pa ang natitira para sa pagkawasak ng Israel, sa kabuuang pitumpung taon. Pagkatapos ay bumaling siya sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno na nakasuot ng sako at ipinahayag ang mga kasalanan ng Israel. Ipinahayag niya na ang buong Israel ay nagkasala laban sa Diyos at sa Kautusan ng Diyos na siyang susi sa pagpapanatili ng proteksyon ng Diyos.

 

Pagkatapos niyang magsumamo, ang Anghel na si Gabriel ay isinugo sa Pag-aalay sa Hapon upang makipag-usap kay Daniel. Pagkatapos ay ibinigay ni Daniel ang propesiya ng Pitumpung Sanglinggo ng mga Taon na magtatapos sa pagkawasak ng Templo noong 70 CE sa Jerusalem at ang pagsasara ng Templo sa Heliopolis sa Ehipto sa parehong taon sa utos ni Vespasian. Ang Templo ay itinayo ni Onias IV ca 160 BCE alinsunod sa propesiya sa Isaias 19:19. Ang Espirituwal na Templo ng iglesia ay inilipat sa Pella pagkatapos ng pagkamartir ni Santiago noong 63/4 CE sa pagtatapos ng 69 na sanglinggo ng mga taon. Ang propesiyang ito ay maunawaan mula sa panahong ito ay ibinigay at sa gayon ay alam at naunawaan ng iglesia na kailangan nilang tumakas sa Jerusalem at sa mga kalapit nito at pumunta sila sa Pella para sa proteksyon, dahil humiling ito ng Roman Garrison.

 

Ang Kabanata 10 ay talagang isang paunang salita sa mga propesiya ng paglipat sa sistemang Romano at ang mga salungatan ng mga hari ng Hilaga at Timog at kung paano magiging hari ng Hilaga ang Roma sa Kabanata 11.

 

Ang Kabanata 12 ay tumatalakay sa Pagbabalik ng Mesiyas at sa mga Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay kapwa sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli [143A] at sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at Paghuhukom sa Dakilang Puting Trono [143B] sa katapusan ng Milenyo. (cf. Apoc. Kab. 20).

 

Ang mga Digmaan ng Wakas sa mga huling araw na ito ay sinusuri sa pagkakasunod-sunod:

Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C];

Mga Digmaan ng Wakas Bahagi II: 1260 Araw ng mga Saksi [141D];

Wars of the End Part III: Armageddon and the Vials of the Wrath of God (No. 141E);

Wars of the End Part IIIB: War Against Christ (No. 141E_2);

Wars of the End Part IV: End of False Religion (No. 141F);

Wars of the End Part IVB: End of the Age (No. 141F_2);

Wars of the End Part V: Restoration for the Millennium (No. 141G); at

Wars of the End Part VB: Preparing the Elohim (No. 141H).

Tingnan ang mga Diagram na nakalista sa ibaba.

q

 



 

The Beast of the Revelation 13

Daniel  Chapter 7

First Beast

The Roman Empire and The Holy Roman Empire.

Second Beast

 

The Empire formed from the Russian system.

Third Beast

Asian systems and extends from the Middle East to the Far East.

Fourth Beast

The empire of the system of the Antichrist throughout until the end of time and the arrival of the Messiah.

 

       Ang Huling Hari ng Hilaga sa Aklat ni Daniel ay ang Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa. Ito ay pinamumunuan ng European Union na noon nakasentro sa Club of Rome na nabuo mula Marso 1957.

 

       Ang Kapangyarihan ng Hilaga (i.e. sistema ng NATO) ay nagbalik sa Jerusalem at itinayo ang malalaking tolda nito para sa paghahari sa mundo, sasakupin nito ang lugar mula Gaza hanggang Jerusalem sa loob ng 42 buwan o 1260 araw ng mga Saksi.

 

       Maliban kung dumating ang Mesiyas at iligtas tayong lahat, walang sinumang mabubuhay.

 

 

 

The Prophecy of Pharaoh's Broken Arms

The Time of the Gentiles was controlled by a Bible prophecy uttered by God through the prophet Ezekiel (Ezekiel 32:1-8). That was what is termed the Prophecy of Pharaoh’s Broken Arms and controls the dates from 605 BCE to 1916.

 

Dates

                                       Events

Duration

 

 

605 BCE

Beginning of the Time of the Nations (Daniel 4:32):

Battle of Carchemish:

    Nebuchadnezzar began his joint reign with his father, following his victory.

    Nebuchadnezzar (605-562 BCE) established Babylonian supremacy over the Egyptians and the Middle East.

Promise regarding the Fall of Egypt

80 years

First Block

525 BCE

Occupation of Egypt by Cambyses (Ezekiel, Ch. 29-30ff.)

Cambyses’ invasion of Egypt in 525 BCE.

1916 CE

The 1914/18 War. First World War.

The wars of the end begin.

Final phases

80 years

Second Block

1996/97 CE

End of the Time of the Gentiles or Time of the Nations

Seven Times = 2520 years.