Christian Churches of God

No. F027xii

 

 

Komentaryo sa Daniel Kabanata 12

 

(Edition 3.0 20200930-20201019)

 

Ang Kabanata 12 ay tumatalakay sa panahon ng wakas at sa pagbabalik ng Mesiyas at sa Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay.

 

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

E-mail: secretary@ccg.org

 

 

 

(Copyright © 2020 Wade Cox)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 

 

Komentaryo sa Daniel Kabanata 12

 

 

Panimula

Dito tayo ay nahaharap sa katapusan ng sistema ng sanlibutan at ang kapangyarihan ng Banal na bayan ay mawawasak.

 

Sa panahong ito si Miguel na dakilang Elohim o prinsipe ng ating bayan ay babangon kasama ng hukbo. Ang panahong ng kaguluhan na ito ang pinakadakilang makikita ng mundo.

 

Sa panahong ito ay darating si Cristo upang iligtas ang mga masigasig na naghihintay sa kanya. Makikita natin ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli at pagkatapos ay itatatag natin ang Milenyo na siyang pamamahalaan niya sa loob ng 1000 taon at pagkatapos ay magpapatuloy tayo sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at sa muling pagsasanay ng lahat ng nabuhay mula paglalang kay Adan (Apoc. Kab. 20).

 

Daniel 12:1-13 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. 2At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. 3At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. 4Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago. 5Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon. 6At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito? 7At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos. 8At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito? 9At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. 10Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa. 11At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.  12Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw. 13Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw. (AB)

 

Kaya't haharap tayo sa tatlo at kalahating panahon o 1260 araw ng isang matinding holocaust at ang kapangyarihan ay mawawasak at ang lahat ng ito ay magwawakas (cf. Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C] at Mga Digmaan ng Wakas Bahagi II: 1260 Araw ng mga Saksi [141D]).

 

Ang Kasuklam-suklam na naninira.

 

Sa Mateo 24:3 ay tinanong si Cristo:“Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?”

 

Ang kanyang sagot ay direkta.

Sinabi niya: 

 

Mateo 24:4-45 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. 5Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. 6At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. 7Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. 8Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. 9Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. 10At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. 11At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. 12At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.  13Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. 14At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas. 15Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal 16Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: 17Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: 18At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal. 19Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon! 20At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man: 21Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. 22At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon. 23Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. 24Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. 25Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo. 26Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. 27Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. 28Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak. 29Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: 30At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 31At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila. 32Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; 33Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga. 34Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito. 35Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. 36Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. 37At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. 38Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, 39At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. 40Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan: 41Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan. 42Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. 43Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. 44Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip. 45Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan? (AB)

 

Pansinin na ang pagtukoy ay direkta sa tekstong ito sa Daniel 12:11. Ang kasuklam-suklam na naninira ay itinatag sa Bundok ng Templo sa pagtatapos ng 1260 araw ng mga Saksi sa pagbabalik ng Mesiyas. Ang pagparito ay hindi isang pribadong kilos na lihim na gagawin ni Cristo. Ang Kasuklam-suklam ay isang mapanirang sandata na marahil itinatag sa pagkamatay ng mga Saksi bago ang pagdating ng Cristo upang pigilan ang kanyang pagdating. Ito ay magdudulot ng malaking kapighatian at ang bayan ay pinapayuhan na bantayan ang pagkakatupad nito at agad na tumakas mula sa Jerusalem.

 

Pagkatapos sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay makikita tayo sa Jerusalem at ang mundo ay dadalhin sa Megiddo at sasakupin (cf. Wars of the End Part III: Armageddon and the Vials of the Wrath of God (No. 141E)).

 

Ang mundo ay makikipagdigma laban kay Cristo at sisikaping wasakin siya (cf. Wars of the End Part IIIB: War Against Christ (No. 141E_2)).

 

Pagkatapos ay pamamahalaan natin ang mga bansa sa pamamagitan ng pamalong bakal at ang Kautisan ng Diyos ay mananatili magpakailanman. Mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago at mula sa Bagong Buwan hanggang sa panibago ay sasamba tayo sa Diyos (Is. 66:23). Ipagdiriwang natin ang mga Kapistahan ng Diyos at sa bawat Kapistahan ng Tabernakulo ang bawat bansa ay magpapadala ng kanilang mga kinatawan sa Jerusalem at ipangingilin ang mga Kapistahan sa bawat bansa kung hindi ay hindi mawawalan tayo ng ulan sa takdang panahon at magkakaroon ng mga salot ng Ehipto at mamamatay (Zac. 14:16-19).

 

Ito ang Kasulatan at ang Kasulatan ay hindi masisira (Juan 10:34-35).

 

Tingnan din ang sumusunod:

Wars of the End Part IV: The End of False Religion (No.141F)

Wars of the End Part IVB: End of the Age (No. 141F_2)

Wars of the End Part V: Restoration for the Millennium (No. 141G)

Wars of the End Part VB: Preparing the Elohim (No. 141H)

 

Ang teksto ng P184 ay tumatalakay sa Pagparito at sa pagkabuhay na mag-uli sa mga huling araw. Inilalarawan nito ang isang yugto o panahon na 1,290 araw at 1,335 araw. Ang 1260 araw ay tumutukoy sa huling Holocaust sa ilalim ng mga Saksi. Ito ang apatnapu't dalawang buwan ng kapangyarihan ng Hayop. Ang dagdag na tatlumpung araw sa huling buwan o ika-43 buwan kung kailan babalik ang Mesiyas at wawasakin ang mga pamahalaan sa mundo. Ang Apatnapu't limang araw ay ang 40 araw ng mga Mangkok ng Poot ng Diyos at pagpapasailalim ng mga Bansa. Ang limang araw ay ang muling pagsasaayos para sa Tatlong beses na Pag-aani para sa Jubileo.

 

Ipinapakita rin ito ng muling pagbuhos ng Banal na Espiritu, kung saan ang matatalino ay magtuturo sa marami ng mga hiwaga ng Kaharian ng Diyos.

 

Dahil sa Mesiyanikong layunin ng propesiyang ito, marami ang tumukoy kay Miguel bilang Cristo. Halimbawa, ang isang Iglesia ng Diyos na matatagpuan sa UK ay naniniwala na si Miguel ang Cristo ngunit itinatanggi na si Miguel ay isang arkanghel. Ang ibig sabihin ni Miguel ay Sino ang katulad ng Diyos.

 

Ito lamang ang lohika. Ang nilalang ay malinaw na may pananagutan sa Israel. Mula sa Deuteronomio 32:8, ang Mesiyas ay may pananagutan sa Israel bilang Yahovah – ito ay inilaan sa kanya ng Kataas-taasang Diyos. Samakatuwid maaaring si Miguel ang Mesiyas. Ang konklusyon ay hindi kailangang sundin dahil si Miguel ay maaaring inilaan sa Israel upang tulungan ang Mesiyas. Parehong mga anak ng Diyos gaya ng nalalaman natin mula sa maraming mga teksto. Ang mga anghel ay idineklara lamang na nilikha ex nihilo mula sa Ikaapat na Konseho ng Lateran noong 1215 upang ipagkait ang kapasidad ng co-eternality kay Satanas dahil sa diumano'y Dualist heresy, sa Cathars sa timog France sa Albighensians. Maraming sangay ng Iglesia ng Diyos ang gumawa ng konklusyong ito sa loob ng maraming siglo at ito ay hindi matukoy sa biblikal na ebidensya na mayroon tayo. Si Miguel at Mesiyas ay parehong mga anak ng Diyos at samakatuwid ay nakikibahagi sa Banal na Espiritu ng Diyos bilang mga anak. Tingnan ang araling Christ and the Archangel Michael (No. 076B2).

 

Noong 2016 ng Nobyembre 8 si Pangulong Donald J Trump ay nahalal at pagkatapos ay pinasinayaan noong 20 Enero 2017. Sinisikap niyang ayusin ngayon ang katiwalian ng Globalist sa US. Ang pagsalakay sa Europe ay naganap at dinala ng Globalist Communist na si Merkel ang Europe sa krisis sa paanyayang pagsalakay sa Europe at ang pagsalakay na ito ang halos nagpabagsak sa UK. Ang France, NL at Italy ay naghihimagsik. Ang UK ay bumoto para sa Brexit noong 23 Hunyo 2016 at sila ay nahadlangan ng mga taksil na Globalist sa mga kilusang Labour at Tory pati na rin sa SNP at sa Lib-Dems. Ang Lords ay pugad ng mga ulupong na sinisikap pigilin ang kalayaan ng Britain. Ang mga hukuman ay hayagang taksil.

 

Tatalakayin natin ang pagkakasunod-sunod sa susunod na siklo ng mga taon hanggang 2027 at pagkatapos ay patuloy sa Milenyo mula 2028-2077 sa Ginintuang Jubileo. (Tingnan ang araling Ang Ginintuang Jubileo [300].)

 

Tingnan din

Habakuk -  www.ccg.org/weblibs/study-papers/p021h.html at Hagai (No. 021J).

Tingnan din ang Ester Bahagi I (No. F017) at Bahagi II: Purim sa mga huling Araw (No. F017B).

 

Mga Panahon

Ang akda ay sumasaklaw mula sa pag-usbong ng sistemang Babilonia mula sa Labanan sa Carchemish noong 605 BCE hanggang sa mga huling araw noong ika-21 siglo CE at sa pagtatapos ng mga Araw ng sistemang Babilonia bago ang sistemang milenyo sa ilalim ng Laws of God (L1).

 

Pagkatapos ng Milenyo, ang Ikalawa o Pangkalahatang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay at ang Paghuhukom sa Dakilang Puting Trono at ang muling pagsasanay ng sangkatauhan ay magaganap (tingnan ang P143b).

 

Ang Pitong Panahon ay mula 605 BCE-525 BCE hanggang 1916-1996 CE.

 

Ang Huling Tatlumpung taon ay sumasaklaw mula 1997 hanggang 2027 CE.

 

Ang 80 taon ng kapighatian ay binubuo ng 1260 araw at ang Simula ng Holocaust mula 1941-1945 at ang huling yugto ng pagkawasak ng Banal na bayan at ang imperyo ng Hayop mula 2021 hanggang katapusan ng 2024 kasama ang mga digmaan ng Armageddon atbp (P141E).

 

Ang Daniel ay may kaugnayan sa Isaias at Ezekiel at sa mga propesiya ng Mesiyas sa Isaias at gayundin ang mga tungkol sa Pagbagsak ng Ehipto sa Ezekiel (cf. (P036) at (P036_2)).

 

Bullinger’s Notes on Daniel Chapter 12 (for KJV)

Verse 1

This is not the epilogue to the book, Daniel 12:1-3 are the conclusion of the prophecy given by the hierophant, which commenced at Daniel 10:20.

at that time. This fixes the end of the Tribulation. Note the three subjects thus connected with "the time of the end".

Michael. See note on Daniel 10:13.

children = sons.

thy People: i.e. Daniel"s People, Israel.

a time of trouble: i.e. the great Tribulation. Compare Daniel 8:24, Daniel 8:25; Daniel 9:26. Isaiah 26:20, Isaiah 26:21. Jeremiah 30:7. Matthew 24:21. Mark 13:19. Revelation 16:17-2, Revelation 16:1.

trouble = tribulation.

shall be delivered. Compare Isaiah 11:11, &c.; Daniel 27:12, Daniel 27:12. Jeremiah 30:7. Ezekiel 37:21-28; Ezekiel 39:25-29. Hosea 3:4, Hosea 3:5. Joel 3:16-21. Amos 9:11-15. Obadiah 1:17-21. Zechariah 12:3-10. Romans 11:5, Romans 11:6, Romans 11:15, Romans 11:26.

written in the book. Reference to Pentateuch (Exodus 32:32, Exodus 32:33). App-92. Compare Psalms 56:8; Psalms 69:28. Isaiah 4:3. Ezekiel 13:9. Luke 10:20. Revelation 3:5; Revelation 13:8; Revelation 20:12, Revelation 20:15.

 

Verse 2

of them = from among them.

sleep, &c. An inspired revelation as to death.

shall awake. This is bodily resurrection.

some = these (the former).

everlasting life. John 5:28, John 5:29. Acts 24:15.

some = those. The latter: i.e. the rest of the dead (Isaiah 26:19, Isaiah 26:21; Isaiah 27:6. Revelation 20:5, Revelation 20:6). Compare 1 Corinthians 15:23. 1 Thessalonians 4:16.

contempt = thrusting away.

 

Verse 3

they that be wise = they that make wise. The Maskilim of Daniel 12:10; Daniel 11:33, Daniel 11:35.

 

Verse 4

run to and fro: or, apostatize. The Hebrew shut = to rove, turn about, despise. Hence, to do despite (Ezekiel 16:57; Ezekiel 28:24, Ezekiel 28:26). But if we spell sut with (= S), instead of with (= Sh), the meaning is to swerve, turnaside, apostatise, "those who turn aside", or revolters (Psalms 101:3. Hosea 5:2); as in Psalms 40:4 (5), "such as turn aside to lies". So the Oxford Gesenius, p. 962 (these are the only occurrence of sut, unless Daniel 12:4 be another). The dots over the letter making it (Sin = S) and (Shin = Sh), formed no part of the inspired primitive text, but were added by the Massoretic scribes, and with the vowel points were gradually introduced into the Hebrew text. The Septuagint, Swete"s edition, vol. iii, p. 572 (A) reads heos an apomanosin = "till many shall have gone raving mad".

knowledge: or, calamities, or wickedness. Ginsburg would read hara"oth for hadda"ath. The Sept, (A) reads adikias, "wickedness" (Swete"s edition, vol. iii, p. 572). The Vatican (B), Theodotion"s translation, reads "knowledge" (gnosis): Ginsburg"s hypothesis for this reading arises from the two letters (= R) for (= D), being not infrequently mistaken.

 

Verse 5

the river. See note on Daniel 10:4.

 

Verse 6

man. Hebrew "ish. App-14.

upon = above.

How long . . . ? Note the two questions ("5, 6" and "8" in the Structure above).

 

Verse 7

held up his right hand, &c. Reference to Pentateuch (Deuteronomy 32:40). App-92.

a time, times, and an half. See App-90and App-91.

he: i.e. the "little horn" or Antichrist.

 

Verse 8

MY Lord. Hebrew. Adoni. See App-4.

what . . . ? Note the correspondence of these two questions in verses: Daniel 12:6 and Daniel 12:8.

the end of these things? (i.e. the "wonders" of Daniel 12:6). The prophecy from Daniel 10:14 is given in view of these questions.

 

Verse 10

tried = refined.

wicked . . . wickedly . . . wicked = lawless . . . lawlessness . . . lawless. Hebrew. rasha". App-44.

understand. The Maskilim of Daniel 12:3.

 

Verse 11

the daily sacrifice . . . taken away. See note on Daniel 8:11; and App-89.

abomination, &c. See note on Daniel 8:12; and App-89.

a thousand two hundred and ninety days. See App-90.

 

Verse 12

Blessed = O the blisses! See Psalms 1:1. The only Beatitude in this book.

waiteth = is steadfast. Compare Matthew 24:13. Mark 13:13. Revelation 2:26.

the thousand three hundred and five and thirty days. See App-90. The Hebrew accent suggests the rendering: "Blessed is he that expecteth and shall reach [the goal: he shall reach] to day, 1335. "

 

Verse 13

the end. This is the sole object of the hierophant"s words from Daniel 10:14 onward.

rest: in death.

stand: i.e. in resurrection.

Bibliography Information
Bullinger, Ethelbert William. "Commentary on
Daniel 12:4". "E.W. Bullinger's Companion bible Notes". https://www.studylight.org/commentaries/bul/daniel-12.html. 1909-1922.

q