Christian
Churches of God
No. F027v
Komentaryo
sa Daniel Kabanata 5
(Edition 1.0 20200929-20200929)
Ang Kabanata 5 ay isang babala sa kalapastanganan at huwad
na relihiyon na nagmumula sa sistema ng Babilonya na lumaganap sa mga bansa.
Christian Churches of God
PO Box 369,
WODEN ACT 2606, AUSTRALIA
E-mail: secretary@ccg.org
(Copyright © 2020 Wade Cox)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the
World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Komentaryo
sa Daniel Kabanata 5
Panimula
Gaya
ng nakita natin sa bahaging tumatalakay sa Panimula ng Aklat ni Daniel, ang
Kabanata 5 ay tumalon upang talakayin si Belsasar, ang anak ng huling pinunong
Neo-Babylonian, na naging viceroy dahil sa matagal na panata sa relihiyon.
Ginamit sa piging ng estado ang mga kagamitang dinala sa Babilonia sa kabanata
1:2 mula sa Templo ng Diyos sa Jerusalem (tingnan din ang Ezra 1:7-11) at
nagdulot ng parusa ng Diyos sa mga kalapastanganang ginawa. Ito ang nagsilbing
babala sa mga sistemang panrelihiyong itinatag mula sa Babilonia at naipasa sa
iba't ibang sumunod na imperyo. Sa pamamagitan ng mga aspetong ito sila ay
hahatulan at kinokondena at ang kanilang mga imperyo ay kukunin mula sa kanila
at ibibigay sa mga mas karapat-dapat. Sa huli ay walang napatunayang
karapat-dapat at ang Mesiyas ay isinugo upang sakupin ang mga relihiyon sa
mundo at itatag ang mga ito sa ilalim ng mga Kautusan ng Diyos gaya ng makikita
natin sa wakas.
Ang Sulat sa
Pader
Ang
mga salitang isinulat ng daliri sa pader ay Mene, Mene, Tekel, Parsin (Lat. mane, thecel, phares) o Upharsin sa AB,
na kadalasang tinatama sa peres ngunit pinanatili ito sa MT. Ang “u” ay ang
copulative na “at.” Ang salitang pharsin o parsin ay peres sa plural
na nangangahulugang “mga hati”. Ito ang mga pangalan ng mga timbang bilang
salapi ng Babilonia. Ang salitang mene ay
inuulit, na kumakatawan sa dalawang mina, ngunit ang salita mismo ay inuulit
upang magpahiwatig ng dalawang entidad. May ilang mga iskolar na hindi
nauunawaan ang kahalagahan ng teksto at inalis ang pangalawang mene sa pag-iisip na ito ay pagkakamali.
Ang Mn’ ay binibigkas ni Daniel, habang binabasa niya ito at gaya ng nakatala
dito, gamit ang lemedh-he root bilang menah na
nangangahulugang “Kanyang binilang.” Ang paggamit ng pangalawang mene ay hindi lamang tumutukoy sa
pangalawa sa mga namumuno mayroon din itong epekto ng pagpapanatili ng apat na
bahagi para sa unang imperyo ng ulo na Ginto dahil ang mga imperyo mismo ay
nasa apat na bahagi kasama ang ikalimang bahagi bilang pag-uulit ng ikaapat
ngunit ito ay isang relihiyosong imperyo at ang ikaanim bilang isang
reorganisasyon ng ikalima. Ang ikaanim na imperyo ay ibabagsak ng ikapito na
siyang batong hindi tinabas ng kamay ng tao. Ito ang pagbabalik ng Mesiyas at
ang milenyong pamumuno ni Cristo na wawasak sa ikaanim at epektibong gigiba sa
buong istruktura ng panrelihiyong sistema ng Babilonia at ang mga naunang
istruktura para sa muling pagsasaayos ng sanlibutan. Ang simbolismo ay
pinananatili rin sa sanglinggo bilang anim na araw ng paggawa o anim na libong
taon ni Satanas kasama ang Sabbath bilang milenyong kapahingahan sa ilalim ni
Jesucristo.
Ang
Tekel (Tql) ay nangangahulugang isang
shekel na mas mababa sa isang mina. Binibigkas bilang Teqal ito ay
nangangahulugang “Kanyang tinimbang”. Ang parsin
ay isang hinati o kalahating mina na kinuha ang pangalan nito mula sa peres na hatiin. Ang nakasulat na prs ay
binibigkas bilang peras na nangangahulugang “Kanyang hinati.” Ang salitang peres ay matatagpuan sa kalahating mina
ng Babilonia at sa gayon ito ay nauugnay sa timbang na iyon para sa konteksto.
Ang pagkakaugnay nito sa kalahating mina at hindi kalahating shekel ay lubos na
nauunawaan mula sa LXX na umaayos sa mga ito sa ganoong pagkakasunod-sunod at
tinutukoy ito ng Talmud bilang kalahating mina (at hindi ayon sa Eissfeldt cf. Interpreters Dict. of the Bible
, Vol. 3, p. 349a). Ito ang
ginawa ni Nabonidus sa kaharian at hinati niya ang pamamahala ng Babilonia sa
pagitan niya at ng kanyang anak, bilang viceroy sa kanyang mga pagliban at
bilang kasamang tagapamahala bagaman tinutukoy bilang prinsipeng tagapagmana sa
mga talaan. Kaya sila, si Nabonidas at ang kanyang anak ay dalawang kalahating
mina. Ang konsepto ng paghahati ay pinaniniwalaang mahahati sa pagitan ng mga
Medo at ng mga Persian dahil sa kanilang kalapastanganan sa Diyos at ang
pagpapanumbalik ng kulto ng diyos ng buwan na si Sin sa Ur kung saan ginawa
high priestess ni Nabonidas ang kanyang anak na babae. Ang mga konsepto ng mga
pangalan ay nauugnay sa mga naunang hari pagkatapos ni Nabucodonosor
(Nebuchadrezzar) (605-562 BCE). Si Evil-Merodach, ang kaniyang anak, at si
Neriglissar ay kinakatawan ng, o tumitimbang ng, isang mina. Ang ikatlong
kahalili na si Labashi-Marduk ay kinakatawang tumitimbang sa lamang ng isang
shekel. Ang Parsin ay may kahulugang isang hinating mina o kalahating mina.
Kaya dala rin nila ang mga konsepto ng pagbilang, ng pagtimbang, at paghahati.
Sa ganitong paraan sila ay ipinakita bilang propesiya alinsunod sa propesiya ng
Daniel kabanata 2, na ibinigay niya kay Nabucodonosor na nagpapahiwatig ng
pagtatapos ng ulo na ginto ng Babilonia at ang konsepto ng pagbabawas ng tunay
na halaga sa ikatlo at ikaapat na magkasunod na pamamahala. Alam ni Daniel kung
ano ang mangyayari dahil inilahad niya kay Nabucodonosor ang pang-unawa sa
propesiya ng estatwa ng ulo na ginto atbp. kay Nabucodonosor apat na paghahari
ang nakalipas. Ito ay magpapatuloy ngayon hanggang sa panahon ng wakas at sa
huling imperyo ng sampung daliring bakal at putik. Ang propesiyang ito ay
mauunawaan lamang muli sa mga huling araw habang ang mga katotohanang ito ng
mga hari ay muling malalaman mula sa archaeology at kasaysayan. Ang Bibliya ay
hindi naglalaman ng lahat ng mga pangalan ng mga hari at maaaring magdulot ng
maling interpretasyon.
Nang
gabing iyon ay pinatay si Belsasar, hari ng Babilonia at si Darius na taga-Medo
ang humalili sa kaharian (Dan. 5:29–30). Ang haring ito ng Medo ay halos tiyak
na isang regent para kay Cyrus na hari ng Persia dahil ang mga panahon nina
Nabonidus at Cyrus ay nagkasabay sa loob ng dalawang buwan at maging ang
Bibliya ay malinaw sa pamamahala ni Cyrus bilang kahalili nina Nabonidus at
Belsasar. Hindi Darius ang pangalan na kilala sa kasaysayan ng pinuno ng
nasakop na Medo. Ang Darius ay isang pangalang Persian ngunit ang lahi ng mga
Medo noon ay maaaring pinangalanan o ginamit ang pangalan ni Darius gaya ng
nakasaad sa Bibliya.
Ang
mga tapyas ay nagpapatunay na si Astyages ang huling kilalang hari ng Medo.
Dahil sa isang panaginip ay tumanggi si Astyages na ipakasal ang kanyang anak
na babaeng si Mandane sa isang taga-Medo ngunit sa halip ay ipinakasal siya kay
Cambyses na Elamita (ng Anshan, kalaunang tinawag na Persia) na ama ni Cyrus.
Kaya naman manugang ni Cambyses si Astyages at si Cyrus ay apo ni Astyages.
Matapos ang isang kasunod na panaginip at ang interpretasyon ng isang orakulo,
sinubukan niyang ipapatay ang bagong panganak na si Cyrus.
Ang
angkan ng mga Anshan Elamites ay ang mga sumusunod
Archamenes
Si
Darius ay sumusunod sa isa pang lahi mula sa (4) Teispes hanggang Ariaramnes,
Arsames, Hystaspes, bilang (9) Darius ang Dakilang Hari.
Si
Astyages ay nasakop ni Cyrus noong 549 BCE at noong 546 BCE, sa unang
pagkakataon, tinawag ni Cyrus ang kanyang sarili bilang hari ng mga Parsu o
Persians. Itinala sa kasaysayan na si Astyages ay pinakitunguhan ng mabuti ni
Cyrus. Ang paggamit ng pangalang Darius ay hindi pa kilala.
Si
Darius na Medo ay itinala ni Josephus bilang tiyuhin ni Cyrus, anak ni
Astyages, na inilagay sa pamamahala sa Media (Jospehus, A. ng J., Book X, ch. X, s. 4). Ipinahihiwatig ng katibayan ng
Bibliya na isa sa pamilyang nagngangalang Darius ang inilagay sa pamumuno ng
mga Medo. Kaya siya ay isang vassal king na namumuno sa Media para sa Persians.
Ang
heneral ni Cyrus na si Gobryas ang humawak ng pamamahala sa militar ng
Babilonia bago dumating si Cyrus ngunit hindi siya isang Medo o 62 taong
gulang. Sa gayon ay mayroong dalawang entidad na namumuno sa Babilonia sa unang
pananakop noong 539 BCE.
Noong
525 sinalakay ni Cambyses na anak ni Cyrus ang Ehipto (tingnan ang araling The Fall of Egypt the
Prophecy of Pharaohs Broken Arms (No. 036) at
gayundin Ang Tanda ni Jonas at ang
Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo [013]).
Siya
ay hinalinhan ni Darius na anak ni Hystaspes noong 521 BCE pagkatapos ng isang
taong paghahari ng Magi noong 522. Ang teksto sa Ezra 4 ay sumusunod ng
pagkakasunod-sunod na ito mula kay Cyrus hanggang kay Artaxerxes II at sa
pagtatapos ng yugto ng LT nang mamatay si Ezra noong 323 BCE na kaparehong taon
ng kay Alexander the Great at ang pagsasara ng LT canon.
Sa
gayon ay makikita natin kung paano inilapat ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga
Imperyo kahit na sa loob ng mga sistemang iyon ay unti-unting nababawasan ang
halaga sa ilalim ng pamamahala ng Babilonia sa pamamagitan ng apat na haring
kasunod ni Nabucodonosor at patuloy hanggang sa mga Medo at Persian bilang
katawan na gawa sa pilak na may dalawang braso at ang dibdib ay kasama rin ang
Babilonia.
Ang
mga Griyego ang ibabang katawan na tanso na kumakatawan kay Alexander the Great
at ang mga binti ay nahati sa dalawang bahagi na nagpapatuloy sa mga binti na
bakal na kumakatawan sa Imperyo ng Roma na siyang naging epektibong Hari ng
Hilaga pagkatapos ng mga Griyego. Tatalakayin natin ang aspetong iyon sa angkop
na kabanata nito.
Ang
sinumang namuno sa Ehipto ang naging hari ng Timog at sa mahabang panahon ito
ay ang sistema ng Muslim.
Ang
Imperyo ng Roma sa katunayan ay nahahati sa dalawang bahagi ng Silangan at
Kanluran na pinamumunuan mula sa Roma at Constantinople. Ang Imperyong ito ay
nagwakas mula 410 nang salakayin ni Alaric na Goth ang Roma at tuluyan at ganap
noong 475 CE. Ang imperyo ay muling itinatag bilang Banal na Imperyong Romano
na siyang imperyong mga paa na bakal at putik noong 590 ni Pope Gregory
(tinaguriang Dakila). Ang bawat pag-unlad ay mas marahas at brutal kaysa sa
nauna ngunit mas mababa ang halaga sa sibilisasyon.
Ang
sampung daliri ng paa ay ang pinakahuli at institusyong pinakamababa ang halaga
sa lipunan at wawasakin ni Cristo sa kanyang ikalawang pagdating upang iligtas
ang mga hinirang at pamahalaan ang mundo. Ang mga konseptong ito ay tinatalakay
sa mga nauugnay na kabanata nang mas detalyado kung saan ito ay angkop. Sa
bahaging ito ang pangunahing aral ay ang progresibong paghina ng mga imperyo at
loob ng mga imperyong iyon hanggang sa makita ng mga Huling Araw ang isang
istrukturang mababang halagang panlipunan at kawalan ng katarungan at isang
lubos na korap na pangangasiwa na pinamumunuan ng isang oligarchic structure na
sinasagisag ng sampung daliri ng paa. Ipapaliwanag natin ang mga aspetong iyon
habang tayo ay nagpapatuloy.
Daniel Kabanata 5
1Kung tungkol kay Haring Belsasar,
naghanda siya ng isang malaking salusalo para sa isang libo sa mga opisyal
niya, at umiinom siya ng alak sa harap nila. 2Habang nasa
impluwensiya ng alak, iniutos ni Belsasar na ipasok ang mga sisidlang ginto at
pilak na kinuha ng kaniyang amang si Nabucodonosor mula sa templo sa Jerusalem,
para makainom siya sa mga ito at ang kaniyang mga opisyal, mga pangalawahing
asawa, at iba pang asawa. 3At ipinasok nila ang mga sisidlang ginto
na kinuha mula sa santuwaryo sa bahay ng Diyos sa Jerusalem, at uminom sa mga
ito ang hari at ang kaniyang mga opisyal, mga pangalawahing asawa, at iba pang
asawa. 4Uminom sila ng alak at pinuri ang mga diyos na gawa sa
ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato. 5Nang sandaling iyon,
may lumitaw na kamay ng isang tao at nagsimula itong sumulat sa palitada ng
pader ng palasyo ng hari, malapit sa patungan ng lampara, at nakikita ng hari
ang kamay habang sumusulat ito. 6At namutla ang hari at natakot, at
nanginig ang balakang niya at nag-umpugan ang mga tuhod niya. 7Pasigaw
na ipinatawag ng hari ang mga salamangkero, Caldeo, at astrologo. Sinabi ng
hari sa matatalinong tao sa Babilonya: “Ang sinumang makababasa sa sulat na ito
at makapagsasabi sa akin ng ibig sabihin nito ay bibihisan ng purpura, susuotan
ng gintong kuwintas, at magiging ikatlong pinakamataas na tagapamahala sa
kaharian.” 8Dumating ang lahat ng matatalinong tao sa kaharian niya,
pero hindi nila kayang basahin ang sulat o ipaalám sa hari ang ibig sabihin
nito. 9Kaya takot na takot si Haring Belsasar at namutla ang mukha
niya; at litong-lito ang mga opisyal niya. 10Nang marinig ng reyna
ang pinag-uusapan ng hari at ng mga opisyal niya, pumasok siya sa bulwagan kung
saan sila nagsasalusalo. Sinabi ng reyna: “O hari, mabuhay ka nawa
magpakailanman. Bakit ka namumutla? Huwag kang matakot. 11May isang
lalaki sa iyong kaharian na may espiritu ng mga banal na diyos. Noong panahon
ng iyong ama, nakilala siya bilang isang tao na may kaalaman, unawa, at
karunungan na tulad ng karunungan ng mga diyos. Inatasan siya ng iyong amang si
Haring Nabucodonosor bilang pinuno ng mga mahikong saserdote, salamangkero,
Caldeo, at astrologo; ginawa ito ng iyong ama, O hari. 12Si Daniel,
na pinangalanan ng hari na Beltesasar, ay may di-pangkaraniwang talino at
kaalaman at unawa para masabi ang ibig sabihin ng mga panaginip, maipaliwanag
ang mga bugtong, at malutas ang mahihirap na problema. Kaya ipatawag mo si
Daniel, at sasabihin niya sa iyo ang ibig sabihin nito.” 13Kaya
dinala si Daniel sa harap ng hari. Tinanong ng hari si Daniel: “Ikaw ba si
Daniel, ang isa sa mga bihag na dinala ng ama kong hari mula sa Juda? 14Narinig
ko na taglay mo ang espiritu ng mga diyos, pati ang kaalaman, unawa, at
di-pangkaraniwang karunungan. 15Iniharap sa akin ang matatalinong
tao at mga salamangkero para basahin ang sulat na ito at sabihin sa akin ang
kahulugan, pero hindi nila maibigay ang kahulugan ng mensaheng ito. 16Pero
narinig ko na kaya mong ibigay ang kahulugan ng mga tanda at lutasin ang
mahihirap na problema. Ngayon, kung kaya mong basahin ang sulat na ito at
ipaalám sa akin ang ibig sabihin nito, ikaw ay bibihisan ng purpura, susuotan
ng gintong kuwintas, at magiging ikatlong pinakamataas na tagapamahala sa
kaharian.” 17Sumagot si Daniel sa hari: “Hindi ko matatanggap ang
mga regalo mo; ibigay mo na lang sa iba. Pero babasahin ko sa hari ang sulat at
sasabihin ang kahulugan nito. 18O hari, ibinigay ng Kataas-taasang
Diyos sa iyong amang si Nabucodonosor ang kaharian at kadakilaan at karangalan
at karingalan. 19Dahil sa kadakilaang ibinigay Niya sa kaniya, lahat
ng bayan at bansa na iba’t iba ang wika ay nanginginig sa takot sa harap niya.
Pinapatay niya o hinahayaang mabuhay ang sinumang gusto niya, at pinararangalan
niya o hinihiya ang sinumang gusto niya. 20Pero dahil naging
pangahas siya nang magmatigas siya at magmataas ang puso niya, ibinaba siya
mula sa trono ng kaniyang kaharian at inalis sa kaniya ang kaluwalhatian niya. 21Itinaboy
siya ng mga tao, at ang puso niya ay ginawang gaya ng sa hayop, at nanirahan
siyang kasama ng maiilap na asno. Pananim ang naging pagkain niya gaya ng mga
toro, at nabasâ ng hamog ng langit ang katawan niya, hanggang sa malaman niya
na ang Kataas-taasang Diyos ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao at na
ibinibigay niya ang pamamahala kung kanino niya gusto. 22“Pero ikaw,
na anak niyang si Belsasar, hindi ka pa rin nagpakumbaba kahit na alam mo ang
lahat ng ito. 23Sa halip, nagrebelde ka sa Panginoon ng langit, at
ipinakuha mo ang mga sisidlang nasa kaniyang bahay. At uminom kayo ng alak sa
mga iyon, ikaw, ang iyong mga opisyal, mga pangalawahing asawa, at iba pang
asawa, at pinuri ninyo ang mga diyos na gawa sa pilak, ginto, tanso, bakal,
kahoy, at bato—mga diyos na hindi nakakakita, nakaririnig, o nakaaalam ng
anuman. Pero hindi mo niluwalhati ang Diyos na nagbibigay sa iyo ng hininga ng
buhay at may kapangyarihan sa iyong buong pamumuhay. 24Kaya isinugo
niya ang kamay, at ipinasulat niya ito. 25Ang nakasulat ay MENE,
MENE, TEKEL, at PARSIN. 26“Ito ang kahulugan ng mga salita: MENE,
binilang ng Diyos ang mga araw ng iyong kaharian at winakasan iyon. 27“TEKEL,
tinimbang ka at napatunayang kulang. 28“PERES, hinati ang kaharian
mo at ibinigay sa mga Medo at mga Persiano.” 29At ibinigay ni
Belsasar ang utos, at binihisan nila si Daniel ng purpura at sinuotan ng
gintong kuwintas; at inianunsiyo nila na siya ang magiging ikatlong
pinakamataas na tagapamahala sa kaharian. 30Nang mismong gabing
iyon, napatay ang hari ng mga Caldeo na si Belsasar. 31At tinanggap
ni Dario na Medo ang kaharian; mga 62 taóng gulang siya. (BSS)
Bullinger’s
Notes on Chapter 5
Verse
1
Belshazzar. He was the son of Nabonidus. The
inscriptions show that he was made co-regent while he (Nabonidus) went to meet
Cyrus. See note on verses: Daniel 5:2, Daniel 5:7, Daniel 5:1.
a great feast. The hall in which it was held has
lately been excavated. It is 60 feet wide and 172 feet long, the walls being
beautifully decorated with painted stucco designs. See Records of the Past, vol. i, part v, p. 160.
lords = great ones, or nobles. Chaldee. rabreban, same as "princes" in verses: Daniel 5:2, Daniel 5:3.
wine. Chaldee. chamra". Same as Hebrew. chemer.
App-27.
Verse
2
father Nebuchadnezzar. No "historical difficulty".
Critics should tell us what word Daniel could have used, seeing there is no
word in Chaldee or Hebrew for "grandfather". The word
"father" is used by Figure of speech Synecdoche (of Species), App-6, for ancestor. Compare 1 Kings 15:11-13, where David is called the
"father" of Asa, and Maachah is called his mother (compare 2 Kings 15:1, 2 Kings 15:2 with 11-13). In 2 Kings 14:3 the same is said of Amaziah; and in
2 Chronicles 34:1, 2 Chronicles 34:2, of Josiah. Compare Romans 9:10, where Paul speaks of "our
father Isaac". But Jeremiah 27:7 explains the matter fully:
"all nations shall serve him (i.e. Nebuchadnezzar), and his son
(Nabonidus), and his son"s son (Belshazzar), until the very time of his
land come". See note on Daniel 7:1.
wives. Showing that the "queen"
mentioned in Daniel 5:10 must have been his mother.
Verse
7
be the third ruler = rule as one of three: i.e. the
third: Nabonidus being the first, and Belshazzar the second.
Verse
10
the queen. Nitocris, the daughter in law of
Nebuchadnezzar, and mother of Nabonidus.
came into, &c. She was not present among the "wives"
of Daniel 5:2.
Verse
18
the MOST HIGH. Same as Hebrew. "elyon.
App-4.
Verse
23
the Lord. Chaldee. mare. The equivalent for the Hebrew Adonai. App-4. Compare Maran in "Maranatha"
(1 Corinthians 16:22).
breath. Chaldee. nishma". Same as Hebrew. neshamah.
App-16.
Verse
24
this writing. The Divine prophetic meaning could
not be known or understood till interpreted by Daniel.
written: or graven.
Verse
25
MENE, MENE = NUMBERED, NUMBERED. Figure of
speech Epizeuxis (App-6), for great
emphasis. Chaldee. mene", mene"
= numbered [yea] ended. See note on Jeremiah 27:7.
TEKEL = WEIGHED. Chaldee. tekel (compare Hebrew. shekel. App-51.)
UPPHARSIN = AND DIVIDED (or BROKEN). Chaldee.
upharsin (the "u"
being the conjunction = and), from Chaldee. paras
= to break. See note on Daniel 4:27. There is a further reference, by
the Figure of speech Syllepsis (or
combination), App-6, to the Persians,
by whom the kingdom of Babylon was broken up.
Verse
30 .
the Chaldeans. Here spoken of in the national
sense, not of a special class. See note on Daniel 1:4.
slain. Either by the Persians, or it may
have been by assassination by one of his own followers, or accidentally in the
tumult. Chaldee. ketal, used of a
violent death. Compare Daniel 5:19. This was on the third of the month
Marchesvan. On the eleventh, Belshazzar"s wife died, perhaps from grief.
See Encycl. Brit, vol. iii, p. 711,
712, 11th (Cambridge) edition. See App-57.
Verse
31
Darius the Median. Through not noting the fact that "Darius"
was an appellative denoting "the Maintainer", and used by Xerxes and
others, modern critics have denied the existence of such a king. ASTYAGES was
called "Darius". CYRUS (his son) was co-regent. His general GOBRYAS
took the city in the name of CYRUS. See Isaiah 45:1. Compare Jeremiah 51:30, Jeremiah 51:31. See notes there. Consult App-57.
took. Chaldee. kebal = to take from another. Compare Daniel 7:18. Not the same word as in verses: Daniel 5:5, Daniel 5:2, Daniel 5:3, which is nephak = to take out; or Daniel 5:20, which is "adah = remove. …
q