Christian
Churches of God
No. F027iv
Komentaryo sa Daniel Kabanata 4
(Edition 1.0 20200928-20200928)
Ipinapaliwanag ng Kabanata 4 ang pagkakasunod-sunod ng mga takdang panahon ng propesiya at ang istruktura ng sistema ng Babilonia sa pagkakasunod-sunod na iyon.
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN ACT 2606,
AUSTRALIA
E-mail: secretary@ccg.org
(Copyright © 2020 Wade Cox)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the
World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Komentaryo sa Daniel Kabanata 4
Panimula
Ang
Kabanata 4 ay tumatalakay sa pagtatatag ng mga hinirang sa
mata ng mga pinuno sa sistema
at kung paano sila napilitang kilalanin ang kapangyarihan ng Nag-iisang Tunay
na Diyos. Sa kabanatang ito makikita natin ang propesiya ng Pitong panahon sa pagputol ng kahoy at ang pagtali sa tuod nito.
Ang Pitong panahon ay may dobleng propesiya ng pitong taon ni
Nabucadonosor o Pitong panahon na 2520 taon (tingnan sa
ibaba). Sa pagtatapos ng panahon ng mga imperyo ay naipanumbalik ang katwiran sa sangkatauhan
at ang sistemang milenyo ng
Ikapitong Libong taon ay itinatag at ang Templo ay
itatayong muli (cf. Ang Ginintuang Jubileo
at ang Milenyo [300]) at pagkatapos nito ay maghahari tayo magpakailanman (cf. Ang Lungsod ng Diyos
[180]).
Ang
pagkakasunod-sunod ng propesiya
sa Daniel ay batay sa isang propetikong
panahon na 360 araw bilang isang
propetikong panahon at ang
“Pitong Panahon” na makikita natin sa versikulo 16 ay ang pitong propetikong taon at gayundin Pitong Panahon na 2520 taon sa
isang taon para sa isang araw
na batayan sa ilalim ng propetikong
sistema. Ang Pitong Panahon
ng Imperyo ay tatagal ng
2520 taon mula sa Labanan sa
Carchemish noong 605 BCE hanggang
1916 sa panahon ng Kabagabagan ng Jacob na nagsimula sa mga
labanan ng Somme at sa
Western Front. Ang huling yugto
ng Pitong panahon ay mula sa pagsalakay
ni Cambyses sa Ehipto noong 525 BCE, gaya ng inihula ni Ezekiel, hanggang 1996 sa pagtatapos ng Panahon ng mga Bansa o mga
Gentil (tingnan sa ibaba) at ang Huling Tatlumpung taon ng pagtatapos ng sistema ng Hayop sa ilalim ng NWO/UN at ang Pagbabalik ng Mesiyas.
Sa
loob ng yugtong iyon ng Pitong Panahon ang pag-uusig sa mga
Iglesia ng Diyos ay naganap
sa ilalim ng mga Romano sa loob
ng 309 taon hanggang sa ideklara si
Constantine bilang emperador
sa York noong 309 CE gaya ng binanggit sa Surah 18 “Ang Yungib” (Q018)
at kung saan (kasama ang
Juda) naganap din sa loob ng panahong iyon sa loob
ng tatlo at kalahating panahon ng 1260 CE mula 590 CE sa ilalim ng Banal na Imperyong Romano hanggang 1850 at patuloy sa “Panahon ng Kabagabagan ng
Jacob” sa pamamagitan ng
WWI at WWII hanggang sa
Holocaust na 1260 araw o isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon. Ang buong yugto ay parehong panlipunan at panrelihiyosong pag-uusig na sumusubok
sa pagsunod ng mga hinirang sa
Diyos at sa kanilang pagtitiis at pananampalataya. Ang huling kalahati ng pagkumpleto sa Pitong taon
o panahon ay magaganap sa huling bahagi
o yugto sa ilalim ng pamamahala ng Hayop ng NWO o sistema ng
Anticristo mula 2021 hanggang
katapusan ng 2024 kasama
ang mga Digmaan ng Mesiyas at ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos, para sa tatlong beses
na pag-aani ng 2025 sa ilalim ng sistemang
Jubileo.
Panahon ng mga Gentil
Ang
Panahon ng mga
Gentil sa istruktura ng
Bibliya sa Bibliya ay tumutukoy sa mga Bansa
bilang mga Gentil at sumasaklaw ito sa kanilang panahon
ng pamumuno ngunit sa Daniel ito ay tumutukoy sa mga
Bansa sa ilalim ng Kulto ng Misteryo at Araw na itinatag mula sa
sistemang Babilonia. Gaya ng ipinaliwanag
sa itaas ito ay isang yugto
ng “pitong panahon”. Ang mga pangitain ay ibinigay sa simula
upang ang wakas ay maihula mula pa sa simula.
Ang karunungan ng mga hinirang ay naging malinaw mula sa
panahong iyon, mula kay Daniel hanggang sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Daniel 4:8-9 Nguni't
sa kahulihuliha'y dumating sa harap
ko si Daniel, na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan
ng aking dios, at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking
isinaysay ang panaginip sa harap niya,
na aking sinasabi, 9Oh Beltsasar,
na pangulo ng mga mahiko, sapagka't
talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo,
at walang lihim na bumabagabag sa iyo, isaysay
mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita,
at ang kahulugan niyaon.
(AB)
Ang
pitong panahon ay matatagpuan sa Daniel 4:32. Ang panahong ito ay nagsimula sa Babilonia at magtatapos din sa sistemang iyon.
Daniel 4:32 At ikaw ay
palalayasin sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga
hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya
ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo;
hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian
ng mga tao, at ibinibigay sa kanino
mang kaniyang ibigin. (AB)
Ang
yugto ng pitong panahon ay sumasaklaw ng 2,520 taon mula sa
sistemang iyon, na nagsimula noong
605 BCE at pinagtibay noong
525 BCE. Ang pitong panahon
ay nagwakas sa mga digmaan noong
1914-18 (at lalo na noong 1916 sa mga
labanan sa Somme) at nagpatuloy hanggang sa mga huling
yugto noong 1995-96. Ang prosesong ito ay isang patuloy na
proseso ng muling pagsasaayos. Ang “panahon ng mga bansa” ay tapos
na ngayon at ang panahon ng wakas ay narito na sa atin.
Sa
buong panahong ito hinarap ng Diyos ang Iglesia sa mga bansa. Kinokontrol
niya ang mga bansa sa pamamagitan
ng ibang mga bansa at pinigilan ang pag-usbong ng kumpletong sistemang pandaigdig upang hindi mapuksa
ang Iglesia at ang mga bansa
ay managot. Sa ganitong paraan, ang lupa ay naprotektahan at nailayo mula sa pagkawasak.
Ang panahong iyon ay natapos noong Nisan 1996 at ang
Huling pagpapatibay ng NWO ay nagsimula
noong 1997 sa pamamagitan ng sistema ng Hayop gamit ang Banking at UN
systems. Ang Iglesia ay hindi kailanman
naging isang international
organization. Dahil dito ang iglesiang
Athanasian ay nabuo mula sa Konseho ng Constantinople noong 381 CE. Ang ipinanganak sa Espanya na
si Theodosius ay hinirang ni Gratian bilang unang emperador ng Athanasia. Ang
lahat ng mga nauna sa kanyang Cristiano ay mga Unitarian. Tinawag silang mga Arian ng mga
Athanasian upang pagtakpan
ang kalikasan ng pagtatalo
at upang itago ang sinaunang posisyon ng Unitarian, na nagmula pa sa
panahon ng mga Apostol at siyang istruktura ng Bagong
Tipan. Ang posisyong Triune ay tuluyang
itinatag sa Konseho ng Chalcedon noong 451
CE, kung saan ang posisyon
ng Banal na Espiritu ay itinatag
at ang Trinity ay tuluyang naitatag.
Ang tunay na layunin ng iglesiang ito ay paghahari sa daigdig at hierarchical power
(cf. ang araling Sociniaism, Arianism and
Unitarianism (No. 185) (cf. din No 151)
Daniel Kabanata
4
1Si Nabucodonosor na
hari, sa lahat na bayan, bansa, at wika, na nagsisitahan
sa buong lupa: Kapayapaa'y managana sa inyo.
2Inaakala kong mabuti
na ipahayag ang mga tanda at mga
kababalaghan na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios. 3Kay dakila
ang kaniyang mga tanda! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali't saling lahi.
4Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay, at gumiginhawa sa aking palasio. 5Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot
sa akin; at ang pagiisip ko
sa aking higaan at ang mga pangitain na suma
aking ulo ay bumagabag sa akin. 6Kaya't nagpasiya
ako na iharap
sa akin ang lahat na pantas sa Babilonia, upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip. 7Nang
magkagayo'y nagsidating ang
mga mahiko, ang mga enkantador, ang mga Caldeo, at ang mga manghuhula; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila;
nguni't hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon. 8Nguni't sa kahulihuliha'y dumating sa harap ko si
Daniel, na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan ng aking dios, at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking
isinaysay ang panaginip sa harap niya,
na aking sinasabi, 9Oh Beltsasar,
na pangulo ng mga mahiko, sapagka't
talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo,
at walang lihim na bumabagabag sa iyo, isaysay
mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita,
at ang kahulugan niyaon. 10Ganito
ang mga pangitain ng aking ulo sa aking
higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy sa gitna ng lupa,
at ang taas niyao'y di kawasa. 11Ang punong kahoy
ay lumaki, at tumibay, at
ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang
sa wakas ng buong lupa. 12Ang mga dahon niyao'y magaganda,
at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim
niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid
ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon,
at ang lahat na laman ay nangabubusog doon. 13May nakita
ako sa mga
pangitain ng aking ulo sa aking higaan,
at, narito, isang bantay at isang banal ay bumaba mula sa
langit. 14Siya'y sumigaw
ng malakas, at nagsabi ng ganito, Ibuwal ang kahoy, at putulin ang mga sanga niyan,
lagasin ang mga dahon niyan, at isambulat ang mga bunga niyan: paalisin
ang mga hayop sa ilalim niyan,
at ang mga ibon sa mga sanga
niyan. 15Gayon ma'y
inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat
sa lupa, na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo
sa parang; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa
damo sa lupa:
16Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao
ay mapalitan at ang puso ng hayop
ay mabigay sa kaniya; at mangyaring makapito sa kaniya.
17Ang hatol ay sa
pamamagitan ng pasiya ng mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan
ng salita ng mga banal; upang makilala ng mga may buhay na
ang Kataastaasan ay nagpupuno
sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay
niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa
sa mga tao.
18Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita
ng panaginip na ito: at ikaw, Oh Beltsasar, ipahayag ang kahulugan, sapagka't lahat na pantas sa
aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan; nguni't maipaaaninaw mo; sapagka't ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa
iyo. 19Nang magkagayo'y
si Daniel na ang pangala'y Beltsasar, natigilang sangdali, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip.
Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Beltsasar, huwag kang bagabagin ng panaginip, o ng kahulugan. Si Beltsasar ay sumagot, at nagsabi, Panginoon ko, ang panaginip ay mangyari nawa sa napopoot
sa iyo, at ang kahulugan niyao'y mangyari nawa sa
iyong mga kaaway, 20Ang punong kahoy
na iyong nakita na tumutubo,
at tumitibay na ang taas ay umaabot sa langit, at ang tanaw niyao'y sa
buong lupa; 21Na
ang mga daho'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; na ang lilim ay tinatahanan ng mga hayop sa parang, at ang kaniyang mga sanga'y
dinadapuan ng mga ibon sa himpapawid:
22Ay ikaw, Oh hari,
na lumalaki at nagiging malakas; sapagka't ang iyong kadakilaan ay lumaki, at umaabot hanggang sa langit, at ang iyong kapangyarihan ay hanggang sa wakas ng lupa. 23At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa
langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo
ang tuod ng mga ugat niyaon sa
lupa na magkatali
ng bakal at tanso, sa murang damo
sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa
parang, hanggang sa mangyari sa kaniya
na makapito; 24Ito
ang kahulugan, Oh hari, at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking
panginoon na hari: 25Na ikaw ay mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga
hayop sa parang, at ikaw ay pakakanin ng damo na gaya
ng mga baka, at mababasa ka
ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang
sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay
niyaon sa kanino mang ibigin niya. 26At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy;
ang iyong kaharian ay tunay na magiging
iyo, pagkatapos na iyong maalaman
na ang mga langit ay nagpupuno. 27Kaya't,
Oh hari, tanggapin mo ang aking payo,
at lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong
katampalasanan; baka sakaling
ikatibay ng iyong katiwasayan. 28Lahat ng ito'y
sumapit sa haring
Nabucodonosor. 29Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia. 30Ang
hari ay nagsalita, at nagsabi, Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo
na pinaka tahanang hari, sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan? 31Samantalang ang salita
ay nasa bibig pa ng hari, ay may isang tinig na nanggaling
sa langit, na nagsasabi, Oh haring
Nabucodonosor, sa iyo'y sinalita: Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo. 32At ikaw ay palalayasin sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga
hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya
ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo;
hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian
ng mga tao, at ibinibigay sa kanino
mang kaniyang ibigin. 33Nang
oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor: at siya'y
pinalayas sa mga tao, at kumain
ng damo na gaya ng mga baka, at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit, hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila, at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga
ibon. 34At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata
sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay
magpakailan man; sapagka't
ang kaniyang kapangyarihan
ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali't saling lahi;
35At ang lahat na mananahan
sa lupa ay nabilang sa wala;
at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang
kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan
sa lupa; at walang makahahadlang sa kaniyang kamay,
o makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo? 36Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa; at sa ikaluluwalhati
ng aking kaharian, ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan; at hinanap ako ng aking mga
kasangguni at mga mahal na tao; at ako'y
natatag sa aking kaharian, at marilag na kadakilaan
ay nadagdag sa akin. 37Ngayo'y
akong si Nabucodonosor ay pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan;
at yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa. (AB)
Bullinger’s
Notes on Chapter 4
Verse
1
Nebuohadnezzar. What follows is evidently a proclamation. Given probably in
the last of the seven years of his "madness", the same year as the
decree of Astyages, Daniel being then fifty-nine.
Verse
2
God. Chaldee. "elaha" (emphatic). App-4.
Verse
6
to bring in all the
wise men, &c.
Probably done from motives of state policy, or acting on Daniel"s
own advice. A writer clever enough to be a forger would be wise enough not to
leave the loophole alleged.
Verse
9
master of the
magicians.
Daniel still held the position given him in Daniel 2:48.
Verse
13
a watcher and an holy
one.
Figure of speech Hendiadys (App-6) =
an holy angel.
watcher. A Chaldee name ("ir) for
an angelic being, watching over the affairs of men. Compare: Daniel 4:17, Daniel 4:23. Not the same root as in Daniel 9:14.
Verse
15
the stump of his roots = his root-trunk.
tender grass = herbage.
wet = drenched.
Verse
16
Let his heart, &c. The figure here changes from a
tree to that of a beast, mentioned in Daniel 4:15.
man"s. Chaldee. "anasha". App-14.
seven times. The inscriptions state that there
were several years in which Nebuchadnezzar did nothing,
Verse
19
one hour. Chaldee. sha "ah = a moment,
as Daniel 4:33; Daniel 3:6, Daniel 3:15; Daniel 5:5.
Verse
25
drive thee, &c. The mental disease of
Nebuchadnezzar is rare. It is called Lycanthropy
(from Greek, lukos
= a wolf, and anthropos = a man), because the man imagines
himself to be a wolf, or some other animal.
Verse
27
counsel = advice. Not the same word as in Daniel 3:24, Daniel 3:27; Daniel 4:36; Daniel 6:7.
break off. This is rendered in the Vulgate
(the Authorized version of the Church of Rome) by "redeem"; but the
Chaldee perak
= break off. First occurs in Hebrew (parak) Genesis 27:40. Exodus 32:2, Exodus 32:3, Exodus 32:24, &c. See note on Psalms 136:24.
righteousness. This is rendered as "almsgiving"
in the Vulgate. But Chaldee. tzidkah (Hebrew. tzedakah)
= righteousness never signifies alms or almsgiving.
iniquities. Chaldee. "ivya". Same as App-44.
poor = wretched, miserable. Chaldee. "anah.
See note on "poverty",
Proverbs 6:11. Here referring doubtless to the
Jewish captives.
Verse
30
great Babylon. The German Orient Society"s excavations during recent years have shown
how "great"
it was. See Records of the Past, vol.
i, p, &c.
that I have built. Everywhere this is repeated by
Nebuchadnezzar on bricks, pavements, walls, &c.
house of the kingdom = the royal palace.
Verse
34
I Nebuchadnezzar,
&c.
Here the king again speaks. This corresponds with the Proclamation (verses: Daniel 4:1-3), and is the ground of its being
made.
the Most High. Compare verses: Daniel 4:17, Daniel 4:32.
I praised, &c. Modern critics are stumbled
because Nebuchadnezzar should do this while he was an idolater. But surely it
is the token that a great change had taken place. …
q