Christian Churches of God

No. F027viii

 

 

 

Komentaryo sa Daniel Kabanata 8

 

(Edition 1.0 20200929-20200929)

 

Ang pangitaing ito ay sumasaklaw sa propesiya ng mga pagbabago ng mga imperyo.

 

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

E-mail: secretary@ccg.org

 

 

 

(Copyright © 2020 Wade Cox)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 

 

Komentaryo sa Daniel Kabanata 8

 

 

Panimula

(cf. P210A). Si Daniel ay binigyan ng isang pangitain ng Panahon ng Wakas na bahagi lamang ang ipinaliwanag sa kanya. Ang pagtukoy ng petsa ay mula sa labanan ng Media at Persia. Ito ang dalawang sungay ng Lalaking Tupa, at ang isa ay mas huli kaysa sa isa at ang mas mataas ang huli. Si Darius na taga-Media ang haring binanggit sa Daniel at siya ay napapailalim sa mas makapangyarihang Persia. Tinalo sila ng mga Griyego, at ang mga Griyego ay pinalitan din ng sistemang Romano. Ang lahat ng pangyayaring ito ay nagaganap sa ilalim ng isang mahigpit na talaan ng oras na nagtatapos sa mga Huling Araw.

 

Daniel Kabanata 8

1Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong napakita sa akin nang una. 2At ako'y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako'y may nakita sa pangitain, at ako'y nasa tabi ng ilog Ulai. 3Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli. 4Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

Ang Elam ay Persia, ang bansa ng mga anak ni Elam. Sila ay semitic. Sila ay modernong Iran. Ang Media ay mga anak ni Madai, anak ni Japhet, at mga kaalyado ng Persia at bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng modern-day Kurds. AngKurds, gayunpaman, ay mayroon ding malaking bahagi ng Semitic Haplogroup J2 tulad ng iba pang nakapaligid na mga lipi sa hilagang Levant. Ang Haplogroup J2 ay karaniwang matatagpuan sa Europe, ngunit mas matatagpuan sa hilagang Levant (Kurdistan, Armenia), Anatolia: Muslim Kurds (28.4%), Central Turks (27.9%), Georgians (26.7%), Iraqis (25.2%), Lebanese (25%), Ashkenazi Jews (23.2%) at at Sephardi Jews (28.6%) (cf. Wikipedia art. ‘Haplogroup J’).

 

Ang Persia ay naglabas ng isang proklamasyon at tumulong sa pagtatayo ng pangalawang Templo sa Jerusalem. Ang Templo ay iniutos na tapusin at natapos sa paghahari ni Darius II, Darius na Persian, noong 423 BCE. Noong taong 334 BCE si Alexander, hari ng mga Macedonian, ay pumasok sa Persia at nakipagdigma sa Media at Persia na pinamumunuan ni Darius III.

 

5At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata. 6At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan. 7At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay. 8At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit.

Ang kwento ni Alexander ay kilala. Namatay siya noong 323 BCE at hinalinhan ng kanyang apat na heneral na hinati ang imperyo sa kanilang sarili. Mula sa pagkakahating ito umusbong ang kalaunang naging Imperyo ng Roma.

 

9At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain. 10At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.

Sinakop at winasak ng mga Griyego sa ilalim ni Alexander ang Tyre ngunit hindi nila winasak ang Jerusalem dahil ang propesiya ni Daniel ay ipinakita kay Alexander at siya ay nasiyahan na maghain doon. Sinakop ng mga Romano ang Juda at naging instrumento sa kamatayan ni Cristo; sapagkat si Cristo ang Prinsipe ng Hukbo. Ang patuloy na handog na susunugin ay inalis at ang Templo ay nawasak noong 70 CE. Ang propesiyang ito ay sakop sa Daniel kabanata 9 at ipinaliwanag sa araling Ang Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo [013].

 

11Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak. 12At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.

Ang sungay ang lilikha ng isang imperyo, at pagkatapos ito ay ibabagsak at isang sistemang panrelihiyon ang hahalili dito bilang larawan sa sistema ng imperyo na bakal sa Daniel kabanata 2.

 

13Nang magkagayo'y narinig ko ang isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa? 14At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.

Ang pagpapanumbalik sa nararapat na kalagayan nito ay isang napakahalagang pahayag at may kinalaman sa Jerusalem. Ibinigay ang Jerusalem sa Roma at niyurakan sa loob ng maraming siglo. Ang Jerusalem ang nararapat na kabisera ng Israel pagkatapos itong masakop ni David at nang kanyang pagpasok ca. 1005 BCE. Ito ay naging bahagi ng Judea bilang ang Banal na Bundok ng Sion.

 

Hindi naunawaan ni Daniel ang pangitain at humiling paliwanag nito. Si Anghel Gabriel ay sinabihan ni Arkanghel Miguel na ipaliwanag ang pangitain.

 

15At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao. 16At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai, na tumatawag at nagsasabi, Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain. 17Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.

Kaya nga ang pangitain ay para sa Panahon ng Wakas, ngunit mayroong direktang kaugnayan sa pagitan ng mga kaganapan sa propesiya at sa Panahon ng Wakas.

 

18Samantalang siya nga'y nagsasalita sa akin, ako'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa; nguni't hinipo niya ako, at itinayo ako. 19At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan. 20Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia. 21At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari. 22At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. 23At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita. 24At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya'y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan. 25At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay. 26At ang pangitain sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay: nguni't ilihim mo ang pangitain; sapagka't ukol sa maraming araw na darating. 27At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa. (AB)

 

Ang paliwanag ng pangitain ay ito.

 

Alam natin mula sa teksto na ito ay nauugnay sa Media at Persia at ang kanilang mga kahalili, ang mga Macedonian at mga Griyego. Naging dakila ang kanilang kaharian sa pamumuno ni Alexander at sa kanyang kamatayan ay nahati ito sa apat sa kanyang mga heneral.

 

Namatay si Alexander noong 323 BCE. Wala siyang iniwang tagapagmana sa trono. Ang kawalan ng namamahala ay nagbunga ng matinding tunggalian sa kanyang mga heneral para sa kontrol ng imperyo. Ang kanyang asawang si Roxana, prinsesa ng Bactria, ay nagsilang ng isang anak na lalaki pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang bata ang nararapat na tagapagmana ng trono. Gayunpaman, pinatay ni Cassander, isa sa mga heneral, si Roxana at ang kanyang sanggol.

 

Ang tunggalian para sa kapangyarihan ng mga heneral ay nagpatuloy hanggang 315 BCE, nang magkasundo ang mga partido na pinamumunuan ng nangungunang apat na heneral na hatiin ang kaharian sa apat na bahagi. Inihula ni Daniel ang paghahating ito sa Daniel 8:21-22. Ang apat na heneral na ito ay kilala bilang ang Diadochoi, nangangahulugang ay mga Kahalili sa Griyego.

 

Ang mga heneral at ang saklaw ng kanilang pamamahala ay:

Si Ptolemy Lagi ang namuno sa Egypt, Palestine, Arabia, at Peterea. Siya ay tinulungan ni heneral Seleucus. Si Heneral Seleucus ay orihinal na binigyan ng Babilonia, ngunit napalayas ni Antigonus.

Si Antigonus ang namuno sa Siria, Babilonia, at gitnang Asya.

Si Cassander ang namuno sa Macedonia at Greece.

Si Lysimachus ang namuno sa Thrace at Bythinia.

 

Ang patuloy na tunggalian sa pagitan ng mga Diadochoi ay nakita si Antigonus, ang pinakamasama sa mga heneral, na napailalim sa isang alyansa ng iba pa noong 312 BCE. Tumakas ang kanyang pamilya sa Macedonia kung saan nagtayo sila ng isang maliit na kaharian. Ang paliwanag ng mga tunggalian at ang kahalagahan ng mga tunggaliang ito mula sa Labanan ng Granicus hanggang sa Labanan ng Ipsus ay ipinaliwanag sa bahagi sa ibaba kung saan mas maraming detalye ang ibinigay kasama ang kanilang kaugnayan sa propesiya tungkol sa mga Huling Araw.

 

Ang mga sumunod na bahagi ay nabawasan sa dalawa batay sa Ehipto sa ilalim ng Ptolemies at Asia sa ilalim ng Seleucids. Kalaunan ay natalo ng mga Romano ang mga Seleucid at ang imperyo na lumago mula sa sistemang ito ay Romano. Ang sistemang panrelihiyon na kanilang nilikha ay nakabatay sa panlilinlang, at ang katotohanan ay ibinaon sa lupa. Marami silang pinatay na makapangyarihang tao at ang bayan ng mga banal ay pinatay nila sa loob ng halos dalawang libong taon. Itinaas nila ang kanilang sariling sa mga isipan at ipinahayag ang kanilang sarili bilang mga diyos bilang mga emperador at bilang mga pinuno ng relihiyon o mga papa.

 

“Walang babalang papatayin niya ang marami at tatayo laban sa prinsipe ng mga prinsipe.” Ito ang nagsasabi sa atin na ang sistemang ito ay mananatili hanggang sa mga Huling Araw at ito ay wawasak ng marami at lalaban sa Mesiyas bilang Prinsipe ng mga prinsipe kapag siya ay dumating upang iligtas ang mga hinirang.

 

Panahon ng Pangitain

Ang pangitain ay naganap noong Labanan sa Granicus noong Mayo 334 BCE.

 

Ang Persia ay nasa ilalim ng kontrol ni Darius III na pinangalanang Codomannus (ca. 380-330 BCE). Siya ang huling hari ng Achaemenid Empire ng Persia.

 

Sinabi ng Wikipedia na ang ambisyosong chiliarch na si Bagoas ang pumatay kay Haring Artaxerxes III ng Persia noong 338 BCE at pagkatapos ay pinatay ang kanyang anak na si Asses noong 336 BCE. Itinalaga ni Bagoas si Codomannus sa paniniwalang madali itong makontrol. Si Codomannus ay isang malayong kamag-anak ng maharlikang angkan na nakilala sa isang labanan ng mga kampeon sa isang digmaan laban sa Cadusii at nagsisilbi bilang isang royal courier noong panahong iyon. Si Codomannus ay anak ni Arsames na anak ni Ostanes, isa sa mga kapatid ni Artaxerxes at Sisygambis, anak ni Artaxerxes II Memnon.

 

Tinangka ni Bagoas na lasunin si Darius nang maging mahirap siyang kontrolin. Binalaan si Darius at pinilit si Bagoas na inumin mismo ang lason. Ang Imperyo ng Persia ay hindi naging matatag. Ang malalaking bahagi ay pinamamahalaan ng mga naninibugho at hindi maaasahang satraps at tinitirhan ng mga di-mapagmahal at mapanghimagsik na mga nasasakupan.

 

Noong 336 BCE, si Philip II ng Macedon, ama ni Alexander, ay pinahintulutan ng League of Corinth bilang Hegemon nito na simulan ang isang sagradong digmaan ng paghihiganti laban sa Persia dahil sa paglapastangan at pagsunog sa mga templo ng Athens noong Ikalawang Digmaang Persian. Nagpadala siya ng paunang pwersa sa Asia Minor sa ilalim ng utos ng kanyang mga heneral na sina Parmenion at Attalus upang "palayain" ang mga Griyego na naninirahan sa ilalim ng kontrol ng Persia. Kinuha nila ang mga lungsod ng Griyego sa Asya mula Troy hanggang sa Ilog Maiandros. Pagkatapos ay pinaslang si Philip. Ang kampanya ay nasuspinde sa pagpaslang sa kanya habang si Alexander bilang kanyang tagapagmana ay pinagtibay ang kanyang kontrol sa Macedonia at sa iba pang bahagi ng Greece.

 

Noong tagsibol ng 334 BCE si Alexander, na 20 noong panahong iyon, matapos kilalanin bilang Hegemon ng League of Corinth bilang kahalili ng kanyang ama, ay sinalakay ang Asia Minor sa pamumuno ng isang pinagsamang hukbong Macedonian at Griyego. Agad niyang hinarap ang Hukbong Persian kasama ang 8000 Greek mercenaries sa Ilog Granicus noong Mayo 334 BCE malapit sa lugar ng sinaunang Troy.

 

Naganap ang labanan sa daan mula Abydos hanggang Dascylium (malapit sa kasalukuyang Ergili, Turkey), sa tawiran ng Ilog Granicus (kasalukuyang Biga Cay).

 

Ang mga detalye ay nakalista sa Wikipedia site sa

http://en.wikipedia.org/wiki/Battle_of_the_Granicus

“Tumawid siya sa Hellespont mula Sestos patungong Abydos, at nagpatuloy sa daan patungong Dascylium, na siyang kabisera ng Satrapy ng Phrygia. Ang iba’t ibang satrap ng Imperyo ng Persia ay nagkaisa at nag-alok ng labanan sa pampang ng Ilog Granicus. Isang Greek mercenary, si Memnon ng Rhodes ang nagmungkahi ng isang scorched-earth policy ng pagsunog ng mga pananim at suplay at pag-urong sa pagsulong ni Alexander” (ibid.).

 

Ang mga tala sa labanan ay hindi gaanong makatwiran sa mga sundalo dahil ang mga posisyon ng hukbo ng Persia ay kakaiba at tila resulta ng naunang sagupaan na maaaring pinagtakpan ni Alexander upang itago ang isang malubhang pagkakamali sa kanyang pagiging heneral. Muntik na siyang mamatay sa labanang ito. Matindi ang pagdududa sa kanyang pamumuno. Ang mga Macedonian ay nanalo sa isang mahigpit na labanan, nakipaglaban sa pinagsanib na puwersa ng mga Persian at 8000 Greek mercenaries. Kung tama ang mga tala.

 

Ang mga pwersa ay nilista ng Wikipedia tulad ng sumusunod:

Ang Macedonian at ang kanilang Greek Allies, na pinamumunuan ni Alexander, na may humigit-kumulang 5,000  cavalry at 30,000 infantry, laban sa:

Persia sa ilalim ng isang “committee” ng satraps na may humigit-kumulang 10,000 Persian infantry (peltasts), 8,000 Greek mercenary at 15,000 Persian cavalry.

 

Ang mga bilang na kabilang ay nag-iiba ayon sa iba't ibang tala, kung saan ang mga Macedonian ay nasa pagitan ng 30,000 hanggang 35,000 at ang mga Persian ay nasa pagitan ng 25,000 at 32,000.

 

Ang kahanga-hangang pagsasanay ng Macedonian Phalanx ay pangunahing dahilan ng tagumpay. Nagawa nilang manalo sa kabila ng kahinaan sa pamumuno.

 

Mga sumunod na pakikipaglaban sa Persians

Noong 333 BCE si Darius mismo ang humarap kay Alexander. Ang mas malaking hukbo ng Persia ay nalusutan at natalo sa Labanan sa Issus at si Darius ay napilitang tumakas. Nakuha ni Alexander ang mga bagahe kasama ang karwahe, kampo, at pamilya ni Darius. Noong 331 BCE, ang kapatid at asawa ni Darius na si Statira, ay namatay sa panganganak habang nasa pagkabihag. Noong Setyembre ng taong iyon sinubukan ni Darius na makipagsundo kay Alexander na tumanggi sa kanyang mga alok at tinalo siya sa Labanan sa Gaugamela. Napatay ang chariot driver ni Darius at si Darius ay natumba. Ang pwersa ng Persia, sa pag-aakalang siya ay napatay, ay tumakas. Pagkatapos ay tumakas si Darius patungong Ecbatana upang tangkaing magtayo ng ikatlong hukbo. Samantala kinuha ni Alexander ang Babylon, Susa at ang Persian capital ng Persepolis.

 

Si Darius ay pinatalsik ng kanyang satrap na si Bessus at pinaslang sa utos ni Bessus noong Hulyo 330 BCE upang mapabagal ang pagsulong ni Alexander. Inangkin ni Bessus ang trono bilang Artaxerxes V. Si Alexander ay naantala, dahil binigyan niya si Darius ng isang maringal na libing. Kalaunan ay pinakasalan niya ang anak na babae ni Darius na si Statira sa Opis noong 324 BCE. Ayon kay Plutarch, kinuha ni Alexander ang isa sa catamites ni Darius, ang bating na si Bagoas (tingnan din ang artikulo sa Wikipedia na http://en.wikipedia.org/wiki/Darius_III_of_Persia).

 

Konklusyon

Sa unang labanang ito sa Ilog Granicus noong 334 BCE na ang Lalaking kambing na si Alexander ay dumating sa ibabaw ng Lupa at sinalakay ang hari ng Persia. Ang labanang ito ay nagmarka ng pagsisimula ng propesiya.

 

Dapat na malinaw na ang 2300 propetikong araw mula 334 BCE ay nagtatapos ng 1967 (walang taong 0).

 

Noong 1967 ang mga Israeli ay nakipaglaban sa Pitong Araw na Digmaan at nagwagi. Ang Arab legion ay sumali sa kabila ng mga kahilingan ng Israeli na si Hussein ng Jordan ay manatiling neutral. Ang Arab legion ay natalo at ang mga teritoryong kontrolado ng Jordan sa West Bank ng Jordan ay sinakop ng Israel. Kasama doon ang Jerusalem. Kaya pagkatapos ng 2300 taon, mula sa unang labanan ng mga Griyego sa lupain ng Persia, ang Jerusalem ay naibalik sa mga kamay ng mga Judio. Ang Banal na Lupain ay niyurakan sa loob ng 2300 gabi at umaga mula sa Ptolemies at sa Seleucids hanggang sa mga Romano at hanggang sa Arabs.

 

Gayunpaman, ang pagkakasunod-sunod na iyon ay nagsisilbi lamang na simula ng mga Huling Araw bago ang pagdating ng Mesiyas at humahantong sa huling digmaan kung saan ang pwersang militar at pulitikal na ito sa ilalim ng pamumunong panrelihiyon ay literal na aatake sa Prinsipe ng Hukbo, na si Jesucristo, sa kanyang pagbabalik. Hindi sa pamamagitan ng mga tao wawasakin ang sistemang ito kundi sa pamamagitan ni Cristo at ng Hukbo.

 

Ang propesiya tungkol sa pagbabalik sa dating kalagayan nito ay hindi nangangahulugang ang Templo ay itatayo pagkatapos ng 2300 araw kundi sa halip ay ibabalik ito sa Juda sa pagtatapos ng panahon. Magkakaroon din ng isa pang tiyak na yugto ng 2300 araw at pitong taon din sa Panahon ng Wakas na makikita ang pagkakatupad ng mga propesiya at ang Mesiyas ay susupilin ang huwad na sistema. Pagkatapos ay sasakupin niya ang mga bansa.

 

Ang taong 1967 ang simula ng animnapung taon bago ang milenyong pananakop sa Banal na Lupain sa ilalim ni Jesucristo. Ito ay minarkahan sa Exodus prototype bilang ang tatlumpung araw ng Pagluluksa para kay Aaron. Ito ay may kinalaman sa pagkawala at pagsupil sa mga banal na tinutukoy ni Daniel. Ito ay tatagal ng tatlumpung taon hanggang 1997 kung kailan magsisimula ang huling tatlumpung taon ng katapusan, na kinakatawan ng Pagluluksa para kay Moses na magtatapos sa 2027 (tingnan ang araling Ang Huling Tatlumpung Taon: ang Huling Pakikibaka [219]).

 

Sa animnapung taong yugtong ito makikita natin ang buong digmaan at katuparan ng mga propesiya ng mga Huling Araw.

 

Ang Jerusalem at Israel ay masasaksihan ang digmaan sa panahong ito hanggang sa masakop ang mga bansa sa labanan sa Megiddo gaya ng ipinakita sa War of Hamon Gog (No. 294).

 

Kapag natapos na ito ang Israel ay lalawak hanggang sa Eufrates, at ang Jordan, Syria at Lebanon ay magiging mga lalawigan ng mas malaking bansa ng Israel sa ilalim ng Mesiyas.

 

Bullinger’s Notes on Daniel Chapter 8 (KJV)

Verse 1

In the third year: … Bullinger states: “Daniel being eighty-seven. “

a vision. Like the vision in Dan 7, this also is complete in itself, but is necessary to contribute its proof of the unity of the book as a whole. This vision (and the rest of the book from here) is written in Hebrew; because its purpose is to show how Gentile dominion (of Dan 2) specially concerns and affects Israel.

after. Two years after. At the end of the Babylonian empire, for Belshazaar reigned little more than two years.

Verse 2

I was at = I was in. Daniel may have retired there (during the lycanthropy of Nebuchadnezzar) when Nehemiah and Mordecai were in the court of Astyages (Nehemiah 1:1). That Daniel was there employed by Astyages is clear from Daniel 8:27.

Shushan. The chief city of all Persia.

river. Hebrew. "ubal = canal. Only here, and in verses: Daniel 8:3, Daniel 8:6.

 

Verse 3

saw = looked.

a ram. In Daniel 8:20 this is interpreted of Persia. A ram is always the symbol of Persia. Found to-day on ancient Persian coins. The king wore a ram"s head of gold, and rams" heads are to be seen on the sculptured pillars of Persepolis.

two horns. In Daniel 8:20 these are interpreted of the kings of Media and Persia.

higher, &c. Cyrus (the latter) became greater than his father Astyages. Both were in existence when Daniel saw the vision. Compare Daniel 8:20.

 

Verse 4

pushing = butting: always hostile.

westward = to the west. Not the same word as in Daniel 8:5.

became great = acted proudly.

 

Verse 5

he goat = a leaper of the goats. The acknowledged symbol of Greece, as the ram was of Persia (see Daniel 8:3), because the first colony was directed by an oracle to take a goat for a guide and build a city, which they did, and called it Egeae (from Aix = a goat). Figures of a goat are found to-day on ancient Macedonian monuments.

from the west. Hebrew. ma"rab. Not the place of origin, but the direction from it. In Daniel 8:4 the Hebrew = to the west.

on = over.

notable = conspicuous.

 

Verse 6

ran unto him. Symbolizing the rapidity of Alexander"s conquests, which, in the short space of thirteen years, subdued the world.

 

Verse 7

was moved with choler = moved himself, or strove violently with.

choler = bile. Put by Figure of speech Metonymy (of Cause), App-6, for anger or wrath, which was supposed to be due to excess of bile. Greek, cholos = bile; whence we have "cholera".

none that could, &c. = no deliverer for.

hand = power. Put by Figure of speech Metonymy (of Cause), App-6, for the power put forth by it.

 

Verse 8

waxed very great. Referring to the great extent of Alexander"s conquests, as "ran" (Daniel 8:6) refers to the rapidity of them.

very = exceedingly.

great: or, proud. Compare Daniel 8:4.

broken = broken in pieces.

for it = instead of it.

came up. Septuagint adds "afterward".

four notable ones = four conspicuous [ones].

the four winds. See note on Daniel 7:2.

winds. Hebrew. ruach. App-9.

 

Verse 9

one = [the] one.

a little horn. See note on Daniel 7:8, where it is already shown that this name, and these members (Daniel 8:9 and Daniel 8:23) belong to the still future time of the end. See App-90.

waxed = grew. Anglo-Saxon, weaxan = to grow. Supply the Ellipsis (App-6), "grew [and became]"

south: i.e. Egypt.

east: i.e. Babylonia and Persia.

pleasant land = the glory of [gems]: i.e. the land of Israel. Only Ezekiel (Daniel 20:6, Daniel 20:15) and Daniel here use this term of the Holy Land. The same land as in Daniel 11:16, Daniel 11:41. Compare Psalms 106:24. Jeremiah 3:19. Zechariah 7:14.

 

Verse 10

even to = as far as.

host = stars. Compare Revelation 12:4.

of the host and of the stars. Figure of speech Hendiadys (App-6), for emphasis = the starry host.

stamped upon them = trampled them under foot. Compare Daniel 8:13; Daniel 7:21, Daniel 7:25.

them: i.e. the people symbolized by them.

 

Verse 11

to = against.

the Prince of the host. God Himself, the Creator and Ruler of the starry host, verses Daniel 10:11 are "difficult" only if Antiochus Epiphanes is assumed to fulfil them. There is no difficulty arising from "the state of the text".

Prince = Ruler. Hebrew. sar. See note on Daniel 10:13.

by him . . . was taken: or, it took away from Him: i.e. God.

daily sacrifice = the continual [burnt offering]: i.e. the morning and evening sacrifice (Numbers 28:3. 1 Chronicles 16:40. 2 Chronicles 29:7). This belongs to the time of the end, and was not fulfilled by Antiochus. His career was a foreshadowing of it, to show that the fulfillment will yet be exhausted by him who is "the little horn". See App-90; and note all the references there given (Daniel 8:11, Daniel 8:12, Daniel 8:13; Daniel 9:27; Daniel 11:31; Daniel 12:11). Reference to Pentateuch (Exodus 29:38. Numbers 28:3). App-92.

 

Verse 12

an host. Here the word is used of a military host, in opposition to the "host" of Numbers 4:23, Numbers 4:30, Numbers 4:35, Numbers 4:39, Numbers 4:43; Numbers 8:24, Numbers 8:25.

was given him against = was set over: i.e. war is raised against "the daily sacrifice".

by reason of = by.

transgression. Hebrew. pasha". App-44.

it cast down the truth = truth was cast down. The verb is passive.

truth: i.e. the truth of God as revealed in the law and the prophets.

practised = did it with effect. Compare Daniel 8:24.

and prospered = and succeeded.

 

Verse 13

saint = holy [one]. An angelic attendant. Compare Daniel 4:13. Deuteronomy 33:2. Job 5:1; Job 15:15. Psalms 89:5, Psalms 89:7. Zechariah 14:5.

that certain saint = a certain [unnamed] one, or such an one, as in Ruth 4:1. Or, a proper name Palmoni = the wonderful one, or the wonderful [numberer], as in Judges 13:18. Isaiah 9:6. Psalms 139:6.

How long . . . ? Referring to the duration of what is said concerning "the daily sacrifice" and the desolation; not the interval before the fulfillment.

concerning, &c. = of "the daily sacrifice" [as taken away].

and. Supply "and [the setting up of] the desolating (or astounding) rebellion.

to give, &c. : or, after He hath given over the sanctuary, &c.

the host. Here it is the "host", the technical term for the ministers of the sanctuary. Compare Numbers 4:23, Numbers 4:30, Numbers 4:35, Numbers 4:39, Numbers 4:43; Numbers 8:24, Numbers 8:25.

 

Verse 14

me. Septuagint, Syriac, and Vulgate read "him".

two thousand and three hundred days. See App-91, and note on Daniel 8:26 below.

days = evenings and mornings, the times of the offering of the "continual" or daily sacrifice.

cleansed = vindicated or sanctified: in this form, occurs only here. Compare Daniel 9:24; and see App-90.

 

Verse 15

man = a mighty man. Hebrew. geber. App-14. Here it is Gabriel, whence his name.

 

Verse 16

man"s. Hebrew. "adam. App-14.

Gabriel. The first of two angels who are named in Scripture (Compare Daniel 9:21. Luke 1:19, Luke 1:26). The second is Michael (Daniel 10:13, Daniel 10:21; Daniel 12:1; Jude 1:9. Revelation 12:7).

 

Verse 17

son of man. Only Daniel and Ezekiel so called, beside Messiah. See note on Psalms 8:4.

at the time of the end. This gives the time to which this vision refers. See the interpretation in (verses: Daniel 8:20-25), and especially (verses: Daniel 8:23-25). See also App-90; and Compare Daniel 7:26; Daniel 9:26; Daniel 11:40; Daniel 12:4, Daniel 12:9, Daniel 12:13; and Matthew 24:14.

shall be. Supply the Ellipsis (App-6) by reading "[belongeth]".

 

Verse 19

the last end. Another indication of the time of the fulfillment of the vision at the time appointed, &c.

indignation = wrath [of God].

 

Verse 20

the kings. Here in Daniel 8:20 we have the beginning of the interpretation; which commences with past history with which the prophecy (which belongs to the future) is linked on. This is to connect the anticipatory and partial, or foreshadowing, fulfillment, which shows how the "little horn" will act, in a similar way as an individual, and not as a series of kings or popes.

 

Verse 21

is the first king = representeth the first king: i.e. Alexander the Great (Daniel 8:5).

 

Verse 22

for it = in the place thereof.

four kingdoms. These are said to have been: (1) Ptolemy"s (Egypt, Palestine, and some parts of Asia Minor); (2) Cassander"s (Macedonia and Greece); (3) Lysimachus"s (Bithynia, Thrace, Mysia, &c.); (4) Seleucus"s (Syria, Armenia, and territory east of the Euphrates). But the continuity of Alexander"s dominion ceased with him, and will not be seen again till "the little horn" arises.

the nation. Septuagint and Vulgate read "his nation".

not in his power: i.e. not with Alexander"s vigour of action and endurance.

 

Verse 23

the latter time of their kingdom, &c. This is a further indication as to the interpretation of this vision.

the transgressors. The Septuagint, Syriac, and Vulgate read "transgressions". Hebrew. pasha", as in Daniel 8:12 = rebellions. Compare Daniel 9:24.

are come to the full: or, have filled up their measure. Therefore not full yet. This is a blow to all who are vainly trying to make the world better, and to "realize the kingdom of God on earth" now.

a king of fierce countenance = a king of mighty presence. One of the titles of the antichrist. See note on Daniel 7:8.

understanding dark sentences = skilled in dissimulation.

 

Verse 24

not by his own power. We are not told here who is the giver of the power, but we are not left in ignorance. Revelation 13:2, and 2 Thessalonians 2:9, 2 Thessalonians 2:10, are clear on this point.

holy People = People of the holy ones. These are "the holy ones of the Most High" (Daniel 7:18, Daniel 7:22).

 

Verse 25

the Prince of princes: i.e. the Messiah.

he shall be broken without hand. To understand this read Isaiah 11:4. 2 Thessalonians 2:8. Revelation 19:19, Revelation 19:20. Compare Isaiah 10:12; Isaiah 14:25; Isaiah 31:8. Micah 5:6-7. Zephaniah 2:13. Zechariah 10:11. Nahum 1:11.

 

Verse 26

the evening and the morning. See note on "days" (App-90). These are interpreted as being 2,800 days. No one may interpret the interpretation and say they are "years".

it shall be, &c. Supply the Ellipsis (App-6) thus: "it [belongeth] to many days [to come]": i.e. to a yet future time

q