Christian
Churches of God
No. F027ii
Komentaryo
sa Daniel Kabanata 2
(Edition 1.0 20200927-20200927)
Ang propesiya ng Daniel 2 ay tumatalakay sa pag-usbong ng
mga bagong kaharian sa mundo na nagsimula sa ulo na ginto ng Babilonia sa
ilalim ni Nabucodonosor. Ang pinagmulan ng mga sumunod na imperyo ay
unti-unting nabubuo sa likod ng mga pangyayari.
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN ACT 2606,
AUSTRALIA
E-mail: secretary@ccg.org
(Copyright © 2020 Wade Cox)
This
paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with
no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright
notice must be included. No charge may
be levied on recipients of distributed copies.
Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews
without breaching copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Komentaryo sa Daniel Kabanata 2
Panimula
Ang
lahat ng kapangyarihan ay mula sa Diyos. Ang daloy ng kapangyarihan ay
ipinapakita sa Daniel kabanata 2 at 3. Nakita natin mula sa panaginip sa Daniel
2 na ang pamamagitan ng Diyos ay nasa katapusan ng panahon ng mga kapangyarihan
na dumaloy mula sa ulo na ginto hanggang sa mga paa na bakal at putik at ang
imperyo ng sampung daliri sa paa. Binabago ng Diyos ang mga panahon at mga
kapanahunan. Siya’y nag-aalis ng mga hari at naglalagay ng mga hari. Siya’y
nagbibigay ng karunungan sa marunong at kaalaman sa mga nakakaalam o may
pang-unawa. Siya’y naghahayag ng malalalim at lihim na mga bagay. Kanyang
nalalaman kung ano ang nasa kadiliman (o kung ano ang nakatago) at ang liwanag
ay nananahan sa Kanya (Dan. 2:21-22,28).
Ang
interpretasyon sa imperyo ng mga sistema ng sanlibutan ay ipinaalam sa hari sa
pamamagitan ni Daniel para sa mga huling
araw (Dan. 2:28). Ang pagkaunawa sa pangitain ay hindi ibinigay kay Daniel
para sa anumang karunungan na mayroon siya o para sa sinumang nabubuhay noon.
Ito ay ibinigay para sa mga magpapakahulugan ng pangitain sa hari ng sistemang
iyon sa hinaharap. Pansinin ang kakaibang pananalita ng Daniel 2:30.
Daniel 2:30 Ngunit tungkol sa akin, ang hiwagang
ito ay hindi ipinahayag sa akin dahil sa anumang higit na karunungan mayroon
ako kaysa sinumang may buhay, kundi upang ang kahulugan ay maipaalam sa hari,
at upang iyong maunawaan ang mga nilalaman ng iyong isipan. (AB01)
Kaya
ibinigay ang pangitain upang maunawaan ang mga panahon hanggang sa wakas. Ito
ang panahong tinutukoy natin bilang Panahon
ng mga Gentil o ang “panahon ng mga bansa”. Ang huling yugto ng ikaapat na
kaharian ng bakal ay tumagal ng mahabang panahon hanggang sa wakas at ang
pamamagitan ng Diyos. Ang huling yugto ng panahong ito ay nakita ang pagkakaisa
ng sampung hari na kinakatawan ng bakal at putik ng mga paa at sampung daliri
sa paa.
Daniel
2:40-45
Ang
pangarap na ito ay mahalaga sa Plano ng Diyos at hindi mabibigo. Ang takdang
panahon ay itinatag sa pamamagitan ni Nabucodonosor, at ang kanyang paghahari
ay ginamit upang simulan ang pagkakasunod-sunod. Siya ang ulo na ginto (Dan.
2:38). Sumunod sa kaniya ang Medes at Persians na kinakatawan ng pilak. Sumunod
ang mga Griyego, at sila ang katawan na tanso at na siyang sumakop sa hanggang
Asya at pagkatapos ay hinati ito. Ang mga Romano ang pumalit sa Hellenic
kingdom na ito bilang imperyo ng bakal. Ang sistemang ito ay binago mula sa
pamumunong militar patungong imperyong panrelihiyon at ang imperyong ito ng
bakal at putik ay nagpatuloy hanggang sa mga Huling Araw. Ang Banal na
Imperyong Romano na nabuo noong 590 CE sa ilalim ni Gregory I ay binuwag noong
1850 pagkatapos ng 1,260 taon mula sa pagkakabuo nito. Ang panahong ito ay
hindi simula o wakas ng sistema. Nagsimula ang sistema sa pag-angat ni
Nabucadonosor sa labanan sa Carchemish (605 BCE) at tumagal ng walumpung taon
sa pagkakatatag hanggang sa pagsalakay sa Ehipto ni Cambyses noong 525 BCE. Ang
panahong ito at ang kahalagahan ay matatagpuan sa araling The Fall of Egypt: The
Prophecy of Pharaoh’s Broken Arms (No. 036).
Ang
mga lingkod ng Diyos ay hindi dapat sumamba sa sistemang ito. Ito ang kahulugan
ng Daniel 2:1-7. Ang mga bansang gumagawa nito ay inaakusahan ang mga hinirang
na hindi sumasamba sa larawan ng Hayop.
(cf.
din God and the Church (No. 151))
Ipinapakita
ni Daniel na ang omniscience ay hindi nauugnay sa posisyon o layo. Ang kaalaman
sa mga huling araw ay nalaman mula pa sa simula at ipinahayag ng Diyos (Dan.
2:20-28). Inihayag ito ng Diyos sa iba’t ibang yugto sa pamamagitan ng mga
propeta at mga hinirang na tinawag ayon sa predestinasyon at Kanyang
karunungan. Inihayag din ng Diyos ang pag-aalis sa ilalim ni Nebuchadnezzar sa
pamamagitan ng propetang si Jeremias. Kapag hindi siya kumikilos bilang
instrumento ng Diyos siya ay tinutukoy bilang Nebuchadrezzar.
Ang
pagkakasunod-sunod ng pitong yugto ay nakalista sa Panimula sa itaas tulad ng
sumusunod:
Ang Kabanata 2 ay
nagbibigay ng balangkas ng mga imperyo na sumasaklaw sa pagkakasunud-sunod ng:
Mga Metal ng
Diyos-diyosan
Ang
mga metal ay bumababa ang kalidad mula sa ginto hanggang sa pilak, tanso at
bakal at pagkatapos ay sa bakal na hinaluan ng putik sa loob ng dalawang
imperyo ng huling pagkakasunod-sunod.
Ang
imperyo ng Babilonia ay batay sa lubos na kapangyarihan ng Babilonia na
nagpapatupad ng kanilang sistema ng mga kulto ng araw at misteryo batay sa mga
sistema ni Baal at Ashtoreth o Ishtar, kaya't ang Easter at ang pista ng diyosa
at gayundin ang pista ng kapanganakan ng diyos ng araw sa winter solstice. Ang
mga aspetong ito ay ipinagbabawal sa Kasulatan (Jer. 10:1-9) kabilang ang
pagbake ng mga cake para kay Tammuz o Dumuzi. Ang Medes at Persians ay
kinakatawan ng katawan na pilak na mas mababa kaysa sa Babilonia at ginamit ng
Diyos upang maipanumbalik ang sistema ng Templo sa ilalim ni Cyrus hanggang sa
utos ni Darius II na Persian at ang utos ng paglalaan ni Artaxerxes II kasama
sina Ezra at Nehemias bilang gobernador (ang aspetong ito ay ipinaliwanag sa
araling Ang Tanda ni Jonas at ang
Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo [013]. Ipapaliwanag pa natin nang higit sa kabanata 9 sa ibaba.
Ang
tanso ng mga Griyego ay kumakatawan sa lumakas na kapangyarihan ng mga European
systems. Bagaman sila ay mas mababa sa
kanilang mga sistemang panrelihiyon, naging mas mahusay sila sa militar.
Ang
mga binti ng bakal ay kumakatawan sa Imperyo ng Roma na nakuha ang
kapangyarihan mula sa labanan sa Actium (2 Setyembre 31 BCE). Sinuportahan ni
Herodes na Idumean si Octavian at pagkatapos ay pinagkalooban ng Kaharian ng
Judea na nagtakda ng tagpo para sa kapanganakan ni Cristo (cf. Christ’s Age at Baptism
and the Duration of His Ministry (No. 019)).
Mula
sa paglipat na ito itinatag ng sistemang Romano ang malawakang sistema ng
Triune God at kinorap ang pag-usbong ng Iglesia mula 20-30 CE sa ilalim ng
Mesiyas. Ang Holy Spirit (No. 117) ay ibinigay sa tao sa pagkamatay ng Mesiyas sa Paskuwa gaya
ng inihula ni Isaias at sa Kapistahan ng Pentecostes sa taong iyon.
Noong
192 CE sa Roma sa ilalim ng obispo na si Victor ang Eater festival ay ipinilit
sa mga Cristiano at sa Roma at pinilit ang paghahati ng Quarto-Deciman Disputes
(No. 277) sa Iglesia.
Ang
Imperyo ng Roma ay nawasak mula 390 CE hanggang sa pagkakahiwalay sa Dark Ice
Age. Noong 451 CE ang teolohiya ng Triune God ay itinatag sa Cristianismo at
noong 375 ang pista ng Pasko ng Diyos ng Araw ay itinatag sa Cristianismo (cf. Origins of Christmas and
Easter (No. 235)).
Ang
mga pagkakahati sa imperyo na nakabatay sa Roma ay humantong sa pagkakabahagi
ng mga lipi at iglesia. Mula 327 CE ang mga bahaging ito ay humantong sa Unitarian/Trintarian Wars
(No. 268).
Mula
sa kaguluhan ito ang Iglesia sa Roma sa tuluyuang naitatag ang mga paa na bakal
at putik bilang Banal na Imperyong Romano sa ilalim ni Gregory I noong 590 CE.
Ang imperyong ito ay tatagal hanggang 1850 at ang plebiscite sa Roma sa Estado
ng Papa nang ito ay buwagin at tuluyang nabuwag noong 1872.
Ang
bakal ay kumakatawan sa dalawang bahagi batay sa kapangyarihan ng imperyo
ngunit sa kahinaan ng mga bansa at pagkakaiba-iba ng relihiyon na dulot ng
kanilang Trinitarianism at ng mga pananaw ng mga Kulto ng Araw at Misteryo.
Mula Ikadalawampung Siglo ang 2,520 taon mula sa Labanan sa Carchemish noong
605 BCE ay natupad noong 1916 at ang panahon ng Kabagabagan ng Jacob ay
nagsimula. Noong 1917 nakita natin sa mga propesiya nina Hagai at Habakuk ng Labindalawang Propeta
[021] na naganap ang pagpapanumbalik ng
Israel sa ilalim ng mga propesiyang iyon.
Ang
dalawang yugto ng apatnapung taon ng 80 taon na nadoble mula sa mga propesiya
sa Ezekiel tungkol sa Fall of Egypt (No. 036) ay naganap ang kalayaan ng Ehipto noong 1953-6 kasama ang
krisis sa Suez noong 1956 (cf. din The Fall of Egypt Part II: The Wars of the End
(No. 036_2)); at pagkatapos ay naganap ang
katapusan ng panahon ng mga Gentil noong 1996, 2,520 taon mula sa pananakop ni
Cambyses sa Ehipto noong 525 BCE. Ang takdang panahon ng 2300 gabi at umaga ay
tinatalakay sa ibaba na sumasaklaw sa oras mula sa 2300 taon mula sa Labanan ng
Granicus hanggang sa pagpapanumbalik ng Jerusalem bilang isang lungsod sa
bansang Israel sa Anim na Araw na Digmaan ng 1967 (tingnan sa ibaba). Makalipas
ang tatlumpung taon noong 1997 nakita natin na nagsimula ang huling yugto ng
pamamahala ng sistema ng Babilonia at ang imperyo ng Hayop sa NWO ay
nagsimulang umusbong para sa huling yugto hanggang sa wakas ng Imperyo ng Hayop
at ng mga propesiya ni Daniel (cf. Ang Huling Tatlumpung
taon: Ang Huling Pakikibaka [219]).
Ang
Holocaust ay tumagal ng 1260 Araw mula 1941-1945. Walumpung taon mula sa
dakilang kapighatian at pagsubok na iyon sa bayan ng Diyos makikita ng iglesia
ang huling Holocaust at kapighatian sa mga huling araw mula 2021 hanggang 2024.
Iyon ang makakakita ng katapusan ng mga digmaan sa wakas at ang pagkawasak ng
sistema ng Hayop ng Apocalipsis Kabanata 18.
Ang
pagkakasunod-sunod ng anim na imperyo ay tatagal hanggang sa mga huling araw at
ito ay mawawasak sa Pagparito ng Mesiyas kasama ang Matapat na Hukbo sa umaga
ng ika-apat na araw pagkatapos ng kamatayan ng mga Saksi gaya ng inihula sa
Apocalipsis Kabanata 11. Mula roon ang lahat ng huwad na relihiyon ay aalisin
at ang mga kautusan ng Diyos ay itatatag sa ilalim ng milenyong paghahari ni
Cristo sa Ikapitong libong taon ng Kabanata 20.
Si
Daniel ay hinirang upang ipaliwanag ang panaginip na ito sa hari upang
maunawaan ng lahat ang kahalagahan nito. Ang mga hindi nakauunawa sa
kapangyarihan at omniscience ng Diyos at ang layunin ng propesiya ay hinahamak
ang pagiging tunay at kahalagahan ng propetikong gawaing ito. Tandaan na ito ay
tumutukoy sa mga huling araw at sa katunayan ay sumasaklaw sa mahigit 2550 taon
mula sa pagsalakay ni Cambyses sa Ehipto noong 525 BCE.
Tandaan
ang takdang panahon ng pangitain ay mula sa ikalawang taon ni Nabucodonosor, na
naghari kasama ng kanyang ama mula sa Labanan sa Carchemish at pagkatapos ay
mag-isa noong 604 BCE.
Daniel Kabanata 2
1At nang ikalawang taon ng paghahari
ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang
kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog. 2Nang
magkagayo'y ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang
mga manghuhula, at ang mga Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga
panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari. 3At
sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking
Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip. 4Nang
magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay
ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming
ipaliliwanag ang kahulugan. 5Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga
Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang
panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y pagpuputolputulin, at ang inyong mga
bahay ay gagawing dumihan. 6Nguni't kung inyong ipaliwanag ang
panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob
at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang
panaginip at ang kahulugan niyaon. 7Sila'y nagsisagot na ikalawa, at
nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming
ipaliliwanag ang kahulugan. 8Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay
na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala
sa akin ang bagay. 9Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang
panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda
ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay
magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong
maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon. 10Ang mga Caldeo ay
nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na
makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o
pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o
Caldeo. 11At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang
ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, liban ang mga dios, na ang tahanan ay
hindi kasama ng tao. 12Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at
totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa
Babilonia. 13Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na
tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang
patayin. 14Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo
at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang
patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia; 15Siya'y sumagot, at
nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong
madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay
Daniel. 16At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan
siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan. 17Nang
magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay
Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama: 18Upang
sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang
si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga
pantas na tao sa Babilonia. 19Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay
Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios
sa langit. 20Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan
ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya. 21At
kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga
hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at
ng kaalaman sa makakaalam ng unawa; 22Siya'y naghahayag ng malalim
at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang
liwanag ay tumatahang kasama niya. 23Pinasasalamatan kita, at
pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa
akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa
iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari. 24Kaya't
pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga
pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito,
Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap
ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan. 25Nang
magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing
ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag
sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan. 26Ang hari ay
sumagot, at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo
baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon? 27Si
Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng
hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga
enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man. 28Nguni't
may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa
haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong
panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito: 29Tungkol
sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan,
kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga
lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari. 30Nguni't
tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang
karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang
maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng
iyong puso. 31Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking
larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay
mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot. 32Tungkol
sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at
ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay
tanso, 33Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang
bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto. 34Iyong
tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na
tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y
binasag. 35Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso,
ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang
dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong
kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok,
at pinuno ang buong lupa. 36Ito ang panaginip; at aming sasaysayin
ang kahulugan niyaon sa harap ng hari. 37Ikaw, Oh hari, ay hari ng
mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng
kalakasan, at ng kaluwalhatian; 38At alin mang tinatahanan ng mga
anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay
ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na
ginto. 39At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa
sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa. 40At
ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang
bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong
dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik. 41At
yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na
luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati;
nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang
bakal ay nahahalo sa putik na luto. 42At kung paanong ang mga daliri
ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang
kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok. 43At
yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y
magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng
bakal na hindi lumalakip sa putik. 44At sa mga kaarawan ng mga
haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi
magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan;
kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y
lalagi magpakailan man. 45Yamang iyong nakita na ang isang bato ay
natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng
putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang
mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y
tapat. 46Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa,
at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap
na amoy sa kaniya. 47Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa
katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at
tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito. 48Nang
magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang
kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging
pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia. 49At si
Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si
Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa
pintuang-daan ng hari. (AB)
Bullinger’s Notes on Daniel Chapter 2 (for KJV)
Verse
1
And.
Thus linking on this chapter of momentous prophecy with Dan 1, which is pure
history.
the
second year:… Therefore Jehoiakim"s fifth year, the year of the burning of
the roll which marked the official rejection of Jehovah. Hence Nebuchadnezzar’s
dream. Daniel was in Babylon, and writes from that standpoint. The supposed
difficulty is a proof of genuineness; for the writer would have been a fool as
well as a forger to have left it unexplained.
Nebuchadnezzar.
See note on Daniel 1:1.
spirit.
Hebrew. ruach. App-9.
Verse
2
to
call, &c. = to send for. This tells us of the religious system of
Babylonia, of which subsequent Jewish commentators and Greek translators would
know little or nothing. There were six classes of the Chaldean priesthood.
magicians.
Hebrew. chartummim. Connected with
the kharutu (the sceptre) or rod of
office of those who repelled demons and evil spirits by incantations, &c.
astrologers.
Hebrew. "ashshaphim = in
Babylonian, asipi, prophets who assumed to announce the will of heaven and
predict the future. These were a class apart from the others. The inscriptions
speak of bab - 4ssaput = the gate of the oracle; also of bit Assaput = the house of the oracle.
Chaldeans.
Hebrew. Kasdim. See note on Daniel 1:4.
Verse
4
in
Syriack. Hebrew. "aramith =
Aramaic. The insertion of this word here is to call our attention to the fact
that what follows is written not in Hebrew, but in Aramaic, as far as the end
of Dan 7. See note on the Structure, p. 1178; and note the other Aramaic
portions (Ezra 4:8, Ezra 6:18 with Ezra 7:12-26; also Jeremiah 10:11. The Syriac and Chaldee are
properly Western and Eastern Aramaic.
O
king. This is the first Aramaic word so written. Compare Daniel 3:9; Daniel 5:10; Daniel 6:6, Daniel 6:21. Nehemiah 2:3.
Verse
5
cut
. . . made a dunghill. Compare Daniel 3:29. Ezra 6:11. A further mode of punishment, from
the Medo-Persians, in Daniel 6:7.
Verse
6
rewards.
Chaldee. nebizbah = a present.
Verse
8
gain
the time = gain time. It may have reference to that day being an unlucky day.
Compare Esther 3:7.
Verse
10
earth.
Chaldee. beshta" = dry ground.
Verse
11
not.
Is emphatic. They held that there were gods who dwelt in men. But these were
beyond mortal men altogether .
Verse
12
wise
men: i.e. the members of all the classes collectively, mentioned in Daniel 2:2 above. Chaldee. chakam, denoting acquired wisdom.
Verse
14
counsel
and wisdom = prudence and discretion.
Arioch.
An ancient Babylonian name, preserved and handed down from Genesis 14:1 = Iri-Aku.
Verse
26
Belteshazzar.
See note on Daniel 1:7.
Verse
28
in
the latter days. Reference to Pentateuch (Genesis 49:1. Numbers 24:14. Deuteronomy 4:30; Deuteronomy 32:29). App-92.
Verse
32
head.
Note the five parts: (1) the head; (2) the breast and arms; (3) the belly and
the thighs; (4) the legs; (5) the feet. These five are preserved distinct
throughout. Compare: Daniel 2:34-35, and Daniel 2:38-44, and Daniel 2:45.
gold
. . . clay (Daniel 2:33). Note that the most precious
metal, and the highest specific gravity was at the top, decreasing with its
descent: (1) gold = Daniel 19:3; (2) silver = Daniel 10:51; (3) brass = Daniel 8:5; (4) iron = Daniel 7:6; (5) clay = Daniel 1:9, so that it was top-heavy from the
first.
Verse
34
a
stone. See note on Psalms 118:22.
without
hands. An expression always emphasizing the absence of all human
instrumentality and the act of God alone. See Daniel 2:45; Daniel 8:25. Job 34:20. Lamentations 4:6. Compare Acts 7:48; Acts 17:24, Acts 17:25; Acts 19:26. 2 Corinthians 5:1. Ephesians 2:11. Colossians 2:11. Hebrews 9:11, Hebrews 9:21.
feet:
i.e. the fifth kingdom. Not the fourth, which was represented by the "legs
of iron".
brake
them to pieces: or, they were beaten small.
brake
= beat small. Chaldee. dekak. Compare
verses: Daniel 2:34, Daniel 2:35, Daniel 2:40, Daniel 7:7, Daniel 2:44, Daniel 2:45.
Verse
35
iron,
the clay, &c. Note the order differently given to distinguish the five (not
the four), answering to the five parts of the image in Daniel 2:32, and the five kingdoms, verses:
Daniel 2:32, Daniel 2:33. Daniel 2:35. Daniel 2:45.
gold,
iron, iron,
silver, clay, brass,
brass, brass, clay,
iron, silver, silver,
iron and clay, gold, gold.
together.
As united at the time of the end (forming the sixth power), the kingdom of the "Beast" (Rev 13).
wind.
Hebrew. ruach. App-9.
filled
the whole earth. Thus marking the seventh
kingdom, that of Messiah.
Verse
37
a
kingdom. The O.T. is not designed to be a compendium of "ancient
history". It is the history of Jehovah"s People, Israel; and other
nations are referred to only as, and in so far as, they come into connection
with Israel. Babylon was the most ancient of kingdoms (Genesis 10:10). Compare Deuteronomy 32:8. Nebuchadnezzar was not the first
king; but he was the "head" or beginning of Gentile dominion in the
earth when Israel had been "removed" (according to Jeremiah 15:4; Jeremiah 24:9; Jeremiah 29:18). These successive kingdoms are
reckoned only as they obtained possession of Jerusalem. They existed before
that; and each, in turn, was absorbed in the one that succeeded.
Verse
38
Thou.
Nebuchadnezzar.
head:
i.e. the first of these five kingdoms, not the first king of Babylon. See note
on Daniel 2:37.
of.
Genitive of Material. App-17.
Verse
39
another.
The kingdom of Medo-Persia, which succeeded Babylon by occupying Jerusalem (2 Chronicles 36:22).
inferior.
As silver is inferior to gold, in value and in specific gravity (see note on Daniel 2:32) so the second kingdom was inferior
to the first. The successive kingdoms are marked by evolution (or rather,
devolution). In the first (Babylon) the king possessed absolute power
("whom he would he slew", &c, Daniel 5:19); the second [Medo-Persian] was a
government by law which was superior to the king (Daniel 6:1, Daniel 6:14, &c).
third
kingdom. This again was "inferior", as being less despotic.
Verse
40
the
fourth: i.e. Rome (Luke 2 and Luke 3). Observe that it does not say there were
"four, and no more", as alleged; but "the fourth". An ordinal number, not cardinal. The Chaldee is rebi
aya" (text), or rebi a"ah
(margin) = fourth, as in Daniel 3:25; Daniel 7:7, Daniel 7:19, Daniel 7:23. Not "arba", which = four. The fifth
is revealed in verses: Daniel 2:41-43. The power which was to succeed
Rome in the possession of Jerusalem was to be the Mohammedan power, which was
still future when our Lord referred to it in Luke 21:24; but the Lord does not name it, because the condition of Acts 3:18-26 could not be anticipated, assumed,
or forestalled.
strong
= hard. This was the character of Rome, both royal, imperial, and republican.
Verse
41
And
whereas, &c. The fifth power is now to be described (the "feet and
toes"). It came into possession of Jerusalem in A.D. 636 (Rome having held
the city for 666 years: namely, from the battle of Actium 31 B.C. - A.D. 636).
Its character as described in Daniel 2:41 is exact; and, as represented by
the "feet", Jerusalem has indeed been "trodden down" (Luke 21:24) as was never done by any of the
other four powers.
miry
= muddy. Chaldee. tin. Same as
Hebrew. tit. Occurances in 2 Samuel 22:43. Job 41:30 (Hebrew, verse 22). Psalms 18:42 (Hebrew, verse 43); Psalm 40:2 (Hebrew, verse 3); Psalm 69:14 (Hebrew, verse 15). Isaiah 41:25; Isaiah 57:20. Jeremiah 38:6. Micah 7:10. Nahum 3:14. Zechariah 9:3; Zechariah 10:5. Not the same as that rendered
"broken" (= brittle), Daniel 2:42, as stated by some commentators.
Verse
42
partly
broken = part [of it shall be] broken.
broken
= fragile, easily broken. Chaldee. tebar.
Occurs only here.
Verse
44
these
kings. Represented by the ten toes: i.e. in their days, at the end of the time
of the fifth power. Compare Revelation 17:12-18. That is the moment of the great
stone, and of the coming of Messiah.
Verse
47
is
= He [is].
Lord.
Chaldee Adonai. App-4.
q