Christian
Churches of God
No. 141F
Mga Digmaan
ng Wakas Bahagi IV: Ang Katapusan ng Huwad na Relihiyon
(Edition 2.5
20181013-20181210-20191109)
Sa bahaging ito, susuriin natin ang
proseso kung paano malalantad at wawakasan ang mga huwad na relihiyon sa
pagdating ng mga Saksi at ng Mesiyas. Ang hindi namamalayan ng karamihan sa
sanlibutan ay ang lawak kung gaano na-corrupt ang lahat ng relihiyon sa
sanlibutan.
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN ACT 2606,
AUSTRALIA
Email: secretary@ccg.org
(Copyright © 2018, 2019 Wade Cox)
(Tr. 2025)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Mga Digmaan ng Wakas Bahagi IV: Ang Katapusan ng Huwad na
Relihiyon
Panimula
Ang Paglalang ay may isang layunin
at isang layunin lamang. Ang layuning iyon ay upang lumikha ng isang perpektong
pamilya ng mga nilalang na ginawa sa larawan ng Nag-iisang Tunay na Diyos na si
Eloah, na kumikilos sa ilalim ng mga Kautusan na nagmumula sa kalikasan ng
Nag-iisang Tunay na Diyos. Ibig sabihin,
ang pinalawak na nilalang ng mga Elohim na nilikha ni Eloah ay kasama ang
pagpapalawig ng Kanyang sarili bilang pinakasentro ng pamilya ng mga nilalang
na iyon (Kaw. 30:4-5). Kaya ang
singularity na si Eloah sa Hebreo o Elahh sa Caldeo o Allah sa Arabic ay
kailangang palawakin ang Kanyang sarili upang maging Ha Elohim, o Ang Elohim,
bilang sentro ng plurality ng mga Elohim na lahat ay mga anak ng Diyos na
siyang Ama at Manlilikha ng lahat (cf. The Elect as Elohim (No.
001)).
Ang mekanismo kung saan si Eloah ay
nakapagpapalawig ng Kanyang Sarili ay sa pamamagitan ng Kanyang direktang
paglalang, ang Banal na Espiritu na kumikilos bilang direktang Kapangyarihan ng
Diyos na nananahan at kumikilos kasama ng mga Elohim, na lahat ay Kanyang mga
anak (Job 1:6; 2:1; 38:4-7) (cf. How God Became a Family
(No. 187)).
Kawalang-pagkakamali ng Diyos at ng Kasulatan
Kaya nga, ang kabuuan ng Paglalang
ng Diyos ay mga bunga ng paglikha ng Kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos. Ang
pagkaunawa sa Nag-iisang Tunay na Diyos na ito at na Kanyang isinugo si
Jesucristo ang susi sa buhay na walang hanggan (Deut. 32:8ff; Jn. 17:3).
Tanging ang Nag-iisang Tunay na Diyos lamang ang Walang kamatayan at walang
sinumang tao ang nakakita sa Kanya o makakakita man sa Kanya (1Tim. 6:16, 1Jn
5:20 at Jn. 1:18). Inilalaan Niya ang buhay na walang hanggan sa Kanyang mga
anak ayon sa Kanyang kalooban, bilang mga kasamang tagapagmana ni Cristo (Rom.
8:17).
Ang Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang
Omniscience at Kaalaman sa lahat ng katotohanan na walang lingid sa Kanya, ay
nagkaroon ng perpektong kaalaman sa Paglalang at sa kinabukasan nito at sa
gayon ay nakagawang bumuo ng isang perpektong plano sa hinaharap at upang
maituwid ang anumang mga problema na maaaring mangyari sa isang Plano ng
Kaligtasan na dumadaloy mula sa aktibidad ng Kanyang Paglalang. Ang planong ito
ay itinakda na bago pa man itatag ang lupa sa Kanyang Paglalang. Gaya ng sinabi
ni Einstein: Hindi siya (nagsusugal o) naglalaro ng dice; dahil sa Kanyang
Omniscience.
Ito ay sa pamamagitan ng Kanyang
lubos na Omniscience na Siya ay mayroong perpektong kaalaman sa hinaharap at
kaya't walang-pagkakamali. Ang kanyang mga direktiba na ibinigay upang
kontrolin ang Paglalang ay kaya't walang-pagkakamali rin. Ang isang Nilalang na hindi alam ang lahat ng
hinaharap ay hindi maaaring maging Nag-iisang Tunay na Diyos.
Kaya ang mga direktiba na Kanyang
inilatag sa Bibliya ay walang-pagkakamali at hindi maaaring masira. Ipinahayag
ni Cristo ang aspetong ito nang espesipiko at may kaugnayan sa kapalaran ng
sangkatauhan sa Paglalang sa Juan 10:34-36; na tumutukoy sa Awit 82:6 kaya’t
kasama ang Mga Awit sa Kautusan at hindi hiwalay tulad ng nasa Lucas 24:44.
Juan 10:34-36 Sinagot sila ni Jesus,
“Hindi ba nasusulat sa inyong kautusan, ‘Aking sinabi, kayo'y mga diyos?’ 35
Kung tinawag niyang mga diyos ang mga dinatnan ng salita ng Diyos (at hindi
maaaring masira ang kasulatan), 36 sinasabi ba ninyo tungkol sa
kanya na hinirang ng Ama at sinugo sa sanlibutan, ‘Ikaw ay lumalapastangan,’
sapagkat sinasabi ko, ‘Ako ay Anak ng Diyos?’
Ang kalubhaan ng kalapastanganan ng
mga Hadithic imam sa pagtanggi sa patuloy na pag-iral, bisa at awtoridad ng
Kasulatan ay maliwanag mula sa lohika na ito. Naiintindihan natin ang lahat ng
nangyari sa Banal na Kasulatan at ang isang talaan ng lahat ng ito ay iningatan
kasama ang mga forgeries sa KJV at ang mga pinalitan sa MT ng mga Masoretes
pagkatapos ng War with Rome and Fall of
the Temple (No. 298). Tingnan din ang mga aralin sa Bible (No. 164) at ang Bible Series 164A, 164B, 164C, 164D, 164E, 164F, at 164G.
Sa pagpapahintulot ng napakaraming
pagpipilian at aktibidad na labas sa kalooban ng Diyos, pinahintulutan Niyang
mangyari ang kasalanan dahil ito ay kumilos bilang malayang kalooban na labag
sa Kanyang Kalooban at Kautusan (cf. The Problem of Evil (No.
118)).
Tinutulan ni Satanas ang plano ng Diyos at kaya't binigyan siya ng Diyos ng
isang takdang panahon ng pamumuno sa Lupa upang ipaglaban ang kanyang kaso at
ipatupad ang kanyang mga pananaw. Ang kanyang pananaw ay hindi karapat-dapat
ang sangkatauhan na pahintulutang mamuno kasama ng Hukbo ng mga Anghel. Ang
layunin niya noon at hanggang ngayon ay puksakin sila.
Isinugo ng Diyos si Jesucristo upang
maging ulo ng Nilalang na Tao at maging tagapagligtas ng parehong makalangit at
makalupa na nilalang. Ito ang dahilan kung bakit siya nagpunta upang mangaral
sa Nangahulog na Hukbo sa Tartaros (cf. Forty Days Following
Christ’s Resurrection (No. 159A)). Tayong lahat ay magiging mga anak
ng Diyos parang Anghel ni Yahova sa unahan natin gaya ng nakasaad sa Zacarias
12:8. Alinsunod sa Kanyang Omniscience sa pamamagitan ng Divine Prescience
nagawa Niyang itakda ang isang grupo ng mga nilalang para pumalit sa mga
mapaghimagsik na Nangahulog na Hukbo bilang mga tagapamahala sa Lupa sa
sistemang milenyal na tumutulong sa Mesiyas at sa Paghuhukom mula sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A]; (cf. din Predestinasyon [296]).
Ang lahat ng bagay sa paglalang ay
umiiral bilang bunga ng Kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos na si Eloah. Iyan
ang kahulugan ng Monotheism. Ang lahat ng kalooban na salungat o labas sa
Kalooban ni Eloah bilang Ang Elohim sa ibabaw ng plurality ng mga anak ng Diyos
bilang Elohim ay hindi maaaring pahintulutang umiral, dahil ang monotheism ay
nalalabag at ang idolatriya bilang Polytheism, Ditheism o Binitarianism o
Trinitarianism ay naitatag.
Iyan ang dahilan kung bakit walang
ibang diyos o nilalang ang maaaring umiral, maging co-eternally or co-equally
man kay Eloah. Ang ganitong konsepto ay salungat sa ipinahayag na Kasulatan sa
alinman sa Bibliya o sa Koran, na sa kabuuan ay Unitarian. Ito ang
kasinungalingan ng co-eternality na nag-corrupt sa mga huling era ng mga
Iglesia ng Diyos, at nasentensiyahan ang mga sistemang Sardis at Laodicea ng
mga Iglesia ng Diyos sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at ang Paghuhukom sa Dakilang
Puting Trono [143B]. Ang mga huwad na doktrina sa kalaunang mga Iglesia ng
Diyos tungkol sa Kalikasan ng Diyos (cf. Ditheism (No. 076B) at Binitarian at Trinitarian
Misrepresentation of the Early Theology of the Godhead (Blg. 127B)); at ang huwad na kalendaryo na inilabas ni Hillel II noong 358 CE
(cf. Hillel, mga Intercalation ng Babilonia at ang Kalendaryo ng Templo
[195C])
ay nagtalaga sa karamihan ng kanilang mga tao sa Ikalawang Pagkabuhay na
Mag-uli at ng kanilang mga pinuno na nauna sa kanila at ang kalaunang mga
sumusunod sa kanila sa ilalim ng pagpapasakop (Santiago 3:1; cf. Komentaryo sa Santiago [F059]).
Dahil sa mga nabanggit na dahilan sa
itaas kaya't nilimitahan ng Diyos ang Paghahari ni Satanas. Nagpasya siyang
wakasan ang pagkakasunud-sunod at ang pamumuno ni Satanas at ng Nangahulog na
Hukbo sa pamamagitan ng mga Digmaan ng Amalek at wasakin ang buong idolatrosong
yugto ng paglikha sa ilalim ni Satanas at ang mga na-corrupt niya. Upang
ipaliwanag ang yugtong ito, tayo ay itinatag ayon sa inihula ng Diyos sa
pamamagitan ng propetang si Jeremias (Jer. 4:15-16ff.) upang ang sanlibutan ay
mabigyan ng babala at maligtas ang lahat ng makikinig, ayon sa itinakda ng
Diyos na walang gagawin na anuman nang hindi muna nagbibigay-babala sa mga tao
sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na mga propeta (Amos 3:7) (cf. Komentaryo sa Mga Gawa Bahagi 1 [F044]).
Ang Karaniwang Teolohiya ng Kasulatan
Ang karaniwang batayan ng paglalang
ay ipinaliwanag sa teksto sa Prologue to
the Commentary on the Quran sa http://ccg.org/islam/quran.html.
Ang batayan ng huling pangunahing
gawaing Unitarian sa ilalim ng Sabbatarian Churches of God ay mula sa iglesia
ng Arabia sa ilalim ng Propeta gaya ng ipinaliwanag sa Introduction to the
Commentary on the Koran (Q001).
Ang Karaniwang Teolohiya ng
Kasulatan at ng Koran ay ipinaliwanag sa
Chronology of the
Commentary on the Koran (Q001B).
Ang kasaysayan ng unang iglesia
hanggang sa ikawalong siglo at ang Apat na Tamang Pinatnubayan na mga Caliph ay
ipinaliwanag din sa Summary of the Commentary
on the Qur’an or Koran (QS).
Ang mga gawaing ito ay kinakailangan
dahil sa pagkasira ng pananampalatayang isinagawa ng Hadith sa ilalim ni
Satanas at ng mga Demonyo gamit ang mga imam na nagsisikap na sirain ang
mensahe ng Kasulatan at ng Koran. Walang gawaing ginawa ng mga Iglesia ng Diyos
sa mga sistema ng Sardis at Laodicea ni Armstrong o Dugger o E.G. White o
sinumang iba pa noong ika-18, ika-19 at ika-20 siglo hanggang 1994 ang
kinasihan (cf. False Prophecy (No. 269)).
Pagkakaayon sa Banal na Kasulatan
Dahil sa mga nabanggit sa itaas, ang
relihiyon na itinatag sa pagsamba sa Nag-iisang Tunay na Diyos ay dapat na ayon
sa Kautusan at sa Patotoo at kung sinumang tao ang naglalayong magsalita sa
paglilingkod sa Diyos dapat silang magsalita ayon sa Kautusan at sa Patotoo o
walang liwanag o walang umaga sa kanila (Isa. 8:20). Ang mga Banal ay malinaw na tinukoy sa
Apocalipsis bilang yaong mga sumusunod sa mga Utos ng Diyos at sa
Pananampalataya at Patotoo ni Jesucristo (Apoc. 12:17 at 14:12).
Huwad na Relihiyon
Ang Huwad na Relihiyon ay itinatag
ni Satanas upang sirain ang pananampalatayang minsanang ibinigay na. Ang
proseso ay tinalakay sa Bahagi I Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C]. Ang mga aspetong ito ay tinalakay
din sa mga akda sa Pitong Tatak [140]. Ang Unang Tatak ay nagsisimula sa
pagtatatag ng Huwad na Relihiyon sa ilalim ng Unang Tatak at patuloy sa mga
Tatak hanggang sa pagtatatag ng pag-uusig sa mga Banal sa ilalim ng Ikalimang
Tatak. Ang mga pag-uusig ay pinasimulan
ng mga Huwad na Relihiyon at ang pinakagrabe ay ang Trinitarian
"Orthodox" at ang Simbahang Romano Katoliko na tinatawag na Patutot ng Babilonia sa Apocalipsis.
Ang proseso ng pagpapahina sa mga
Kautusan ng Diyos ay nagsimulang muli pagkatapos ng pagkawasak na dulot ng baha
at ang pagpapanumbalik ni Noe. Nagresulta ito sa Babel at sa pagkalat at
paglito sa mga wika. Sa pagtatapos ng unang 2000 taon ng paglalang, mula sa
pagsasara ng Eden, tinawag si Abraham mula sa Ur ng Caldea at ibinukod upang
kunin ang kanyang mana sa mga lupain ng Levant na nakasentro sa Israel at upang
ilagay ang kanyang mga anak sa Gitnang Silangan at sa Greece at hanggang sa
border ng India sa Afghanistan at Pakistan at Northern Iran. Mula sa mga anak
na ito, sa pamamagitan ni Isaac at Jacob, bubuuin ng Diyos ang Israel na
nangangahulugang “Siya ay mamumuno bilang Diyos.” Pagkatapos ay inilipat sila
sa ibang mga lupain sa pagkabihag at kinuha nila ang kanilang mana bilang isang
pinagsama-samang bansa ng mga Hetheo at mga Israelita sa iba't ibang lupain sa
mundo. Kaya't nakikita natin ang kahulugan ng "Palawakin ng Diyos si
Jafet, at siya'y titira sa mga tolda ni Sem..." (Gen. 9:27).
Kapwa ang Kasulatan at ang Koran ay
binibigyang-diin ang pananagutang ito ng Israel bilang Bansa ng Diyos na
ibinukod sa ilalim ng Mesiyas (Deut. 32:8ff.).
Ang Kapaligiran
Ang sistema ng Bibliya ay itinatag
upang ito ay maging self-regulating.
Hangga't sinusunod ng mga tao ang mga Kautusan ng Diyos, mapapanatiling
malinis ang planeta. Ito ay itinakda
bilang isang simpleng sistema ng mga Food Laws (No. 015). Ang Sangkatauhan ay binigyan ng
kapamahalaan sa planeta ngunit nireregula kung paano ito dapat gamitin sa
ilalim ng Kautusan at ng iba't ibang utos. Sa loob ng Ika-anim na Utos ay
mayroong responsibilidad na pangalagaan ang buhay. Sa ilalim ng Utos na iyon,
hindi magiging extinct ang anumang species sa planeta (cf. Kautusan at ang Ikaanim na Utos [259]). Hindi rin pinahihintulutan ang
tao na patayin ang kaniyang sariling species sa anumang dahilan, sa pamamagitan
man ng Pagpapalaglag o Pagpatay ng sanggol [259B] maliban lamang sa isang dahilan at
iyon ay ang iligtas ang buhay ng ina.
Gayunpaman, hindi sinunod ng
sangkatauhan ang mga kautusan ng Diyos at sinira niya ang planeta sa
pamamagitan ng pagkain ng mga mekanismong naglilinis at mga sistemang gumagawa
ng pagkain na nakalaan para sa iba pang mga hayop. Ginawa niya ito sa kabila ng
katotohanang nakakasama ito sa kanyang sariling kapakanan at kalusugan. Sa
pagwawalang-bahala sa mga Kautusan sa Pagkain at ang pagkain ng bawat maruming
bagay na lumalangoy sa mga karagatan o gumagapang sa mga bato o sa lupa ang mga
karagatan ay naging malalaking dead zones at ang tao ay nagdulot sa kanyang
sarili ng iba't ibang uri ng sakit na hindi sana niya naranasan. Kinain ng
Sangkatauhan ang mga talaba at sugpo at crustaceans at iba’t ibang uri ng
shellfish at nakapagdulot sa kanilang mga sarili ng gastro-entero virus at
heavy metal contamination. Ang pag-imbento ng Halal bilang isang Pseudo-Food
system na salungat sa Bibliya at sa Koran (S3:93) ay nagbunga ng malalaking
dead zones sa mga anak ni Sem, gayundin sa mga anak nina Ham at Jafet sa pagtanggi
na sundin ang mga Kautusan sa Pagkain sa ilalim ng iba pang huwad na relihiyon.
Kaakibat ng mga digmaan at
radioactive poisons, ang mga lupain at karagatan ay unti-unting namamatay at
pagkatapos ay biglang bibilis sa mga Digmaan ng Ikalima at Ikaanim na Pakakak
gaya ng ipinaliwanag sa Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C].
Ang bawat relihiyon sa sanlibutan ay
gumawa ng kanilang sariling mga patakaran kung bakit nila maaaring balewalain
ang mga Kautusan ng Diyos at sinisira nila ang planeta. Ang panahon ng Huwad na
Relihiyon ay tapos na at ang lahat ng relihiyon ay buburahin mula sa balat ng
lupa.
Kapangyarihan ng Nangahulog na Hukbo
Upang maunawaan ang kapangyarihan ni
Satanas at ng mga Demonyo kailangan nating maunawaan kung ano ang kanilang
ginawa at kung paano sila pinahintulutang mag-sagawa.
Karamihan sa mga problema ng Freedom
and Determinism ay nagmumula sa isang maling pag-unawa sa Causation (B5) at sa Problem of Evil (No. 118). Ang pagtatangka ni Satanas na lumikha ng isang sistema na batay sa
kasinungalingan na “Tunay na hindi kayo mamamatay” ay nagmula sa
kasinungalingang iyon at nagresulta sa paglikha ng pangunahing huwad na
doktrina ng Walang Kamatayang Kaluluwa. Kaya nakikita natin ang mga katuwiran
na “Ang diyablo ang nagtulak sa akin na gawin ito.” May bahagyang katotohanan
ang pahayag na ito dahil ang mga demonyo ay nakakaimpluwensya sa sangkatauhan
sa pamamagitan ng pagpasok sa kanila at gayundin sa pamamagitan ng paghahatid
ng mga kaisipan na tatalakayin natin sa ibaba sa seksyon ng Pangulo ng
Kapangyarihan ng Hangin. Si Pope Francis I ay nahulog sa pilosopikal na bitag
kamakailan sa pagsisikap na ipaliwanag ang moral at teolohikong pagbagsak ng
Simbahang Romano. Sinikap niyang sisihin ang "diyablo" sa halip na
ang hindi biblikal at imoral na istruktura ng simbahan sa mga operasyon nito sa
nakalipas na mahigit 1500 taon. Ang problema ay nasa loob ng istruktura ng
teolohiya ng Babilonia ng Caldea na ginamit ni Satanas upang linlangin ang
sangkatauhan.
Ang problema ng lahat ng sistemang
nakabatay sa Teolohiyang Caldeo, na kinasasangkutan ng isang walang kamatayang
kaluluwa, ay ang paglikha ng isang walang kamatayang kaluluwa ng Diyos ay
nangangahulugang naglikha Siya ng isang di-perpektong nilalang, na, mula sa
kalagayan nito, ay labas sa kalooban ng Diyos at sa lohika ay polytheist. Ang
komplikadong ontolohiya na kinakailangan para sa paglikha at pagwasak ng
kaluluwa (o sa Monismo, sa pagsanib nito) at ang pagpapaliwanag ng pag-iral
nito ay hindi maituturing na magkakaugnay bilang isang lohikal na sistemang
pilosopikal. Hindi maiiwasan ni Descartes ang mga problemang lumabas sa loob ng
pangkalahatang balangkas ng Problema ng Kasamaan sa kanyang mga pahayag tungkol
sa Mind/Body Dualism. Ang mga kalaunang paliwanag tungkol sa mga dibisyon sa
loob ng Godhead at ng problema ng kasamaan ay naaangkop gamitin laban sa
elitistang anyo ng polytheismo ni Descartes, sapagkat sumasalungat din ang mga
ito sa Doktrina ng Kaluluwa sa pangkalahatan.
Pinagmumulan ng Kapangyarihan ng mga demonyo
Nilikha ng Diyos ang Hukbo at
binigyan sila ng pang-unawa at mga kapangyarihan ayon sa ranggo at tungkulin.
Ang pinakamataas na ranggo ay tinawag na mga Kerubin at pagkatapos ay mga
Serapin. Sila ang mga panloob na grupo na nakapalibot sa trono ng Diyos at
inilarawan na may anim na pakpak. Sila ay itinalaga bilang mga Tala sa Umaga at
sila ang apat na kerubin at pagkatapos ang dalawampu't apat na matatanda na
nakapalibot sa trono ng Diyos (Apoc. Kabanata 4 at 5). Ang kordero ay kasama
nila bilang ika-25 na nilalang at ang apat na kerubin ay kasama ng Diyos.
Binubuo ng mga ito ang panloob na konseho at ang panlabas na konseho ay binubuo
ng pitumpu at pagkatapos ay pinalawig hanggang sa 1000 ng pangunahing Hukbo at
pagkatapos ay pinalawig pa sa iba't ibang yugto ng pamamahala at awtoridad at
mga responsibilidad ng mga anak ng Diyos.
Kinuha ni Satanas ang ikatlong
bahagi ng Hukbo sa pamamagitan ng paghihimagsik ngunit hindi ito kinakailangang
pantay-pantay ang pagkakabahagi. Mayroong dalawang Quadrant Commanders na si
Satanas at ang Aeon na isang kerubin na may ulo ng Leon na inilalarawan ng mga
sinaunang tao sa buong kasaysayan ngunit napapasailalim sa kerubin na may ulo
ng tao.
Sa ilalim ng bawat commander ay may
sistema ng dalawang sub-commander. Sa ilalim ng mga ito ay ang regular na
hukbo, na ang ikatlong bahagi ay naghimagsik.
Mula sa espiritu ng bawat isa
nagmumula ang kapangyarihan na ating nakita at ito ay ang kanilang
kapangyarihan na nilimitahan ng Diyos pagkatapos ng Pagkahulog. Bukod pa sa
kanilang kapangyarihan, na pinalitan ng huwad na espiritu o pseudo-logon, sila
rin ay kumukuha ng kapangyarihan mula mismo sa sangnilikha. Nagawa nilang
gamitin ang estruktura ng kristal at ang mass ng mundo upang lumikha ng
kapangyarihan. Nagawa rin nilang gamitin ang mga hayop ng sangnilikha, kabilang
ang tao, upang makalikha ng kapangyarihan. Sa katunayan, ginamit nila ang
sangkatauhan at ang kanilang mga tungkulin sa pakikipagtalik at mga damdamin
upang makagawa ng enerhiya para sa kanilang mga operasyon, na para bang
ginagamit sila na tila mga baterya.
Bilang mga espiritung nilalang, sila
rin ay nasa labas ng linear time frame ng paglalang.
Pangulo ng Kapangyarihan ng Hangin
Sa Efeso 2 makikita natin ang mga
sumusunod na mahahalagang punto. Ang una ay na tayo ay tinubos mula kay Satanas
na siyang Pangulo ng Kapangyarihan ng Hangin kung saan tayo ay patay sa ating
mga kasalanan. Ang kapangyarihang ito ang nag-impluwensya sa atin na mamuhay sa
laman at ito ay sa espiritu ng pagsuway.
Efeso 2:1-16 At kayo'y binuhay niya,
nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan, 2
Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa
pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa
mga anak ng pagsuway; 3 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng
ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating
ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga
anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:— 4 Nguni't ang Dios,
palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang
iniibig sa atin, 5 Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga
kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y
nangaligtas), 6 At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong
kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus: 7 Upang sa mga
panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa
kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus: 8 Sapagka't sa biyaya
kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong
sarili, ito'y kaloob ng Dios; 9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa,
upang ang sinoman ay huwag magmapuri. 10 Sapagka't tayo'y kaniyang
gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng
Dios nang una upang siya nating lakaran. 11 Kaya nga alalahanin
ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli
niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
Kaya sa pamamagitan ng biyaya ng
Diyos tayo ay isinama sa Bansa ng Israel sa pagkakaisa kay Cristo. Ang Bansa ng
Israel ay ang mana ni Cristo at ng mga hinirang gaya ng makikita natin sa
ibaba.
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga
hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang
lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa
sanglibutan. 13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong
panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo. 14 Sapagka't siya
ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na
nasa gitna na nagpapahiwalay, 15 Na inalis ang pagkakaalit sa
pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang
palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong
bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan; 16 At upang
papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus,
na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
Ang lahat ng tao na hindi
nabautismuhan bilang nagsisising tao na nasa hustong gulang sa Katawan ni
Cristo ay napapasailalim kay Satanas bilang Pangulo ng Kapangyarihan ng Hangin
at samakatuwid ay itinalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at napapasailalim
sa Ikalawang Kamatayan.
Ang teksto tungkol sa "inalis
ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga
batas at ang palatuntunan" ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis ng
kautusan mismo kundi sa mga kahihinatnan ng kasalanan at ng chierographon o talaan ng pagkakautang
na natamo dahil sa kasalanan na siyang bagay na ipinako sa tulos sa pamamagitan
ng kamatayan ni Cristo (cf. Col. 2:14).
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalaya
sa atin mula sa mga utang ng kasalanan kaya't tayo ay nakapasok sa Bansa ng
Israel bilang mga kasamang tagapagmana ni Cristo ng Templo at Kaharian ng
Diyos. Mayroon lamang isang Katawan at isang Bansa sa Templo at Kaharian na
iyon, at ito ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pagpasok sa pamamagitan ng Pagsisisi at Bautismo [052] sa Katawan ni Cristo sa pamamagitan
ng kanyang laman at dugo sa Hapunan ng Panginoon at Paskuwa.
Mayroon lamang iisang Pananampalataya at iisang Bautismo
Mayroong iisang Panginoon, iisang
Pananampalataya at iisang Bautismo at ito ang gumaganang sistema na ipinahayag
ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo una sa mga Patriarka at mga propeta mula kay
Adan hanggang kay Abraham, Isaac at Jacob. Sinikap ni Satanas na agawin at
ihiwalay ang Cristianismo sa Israel ng Diyos sa pamamagitan ng mga huwad na
ritwal at doktrina.
Ang Tridentine Mass ay sa diwa ang
inaangking paglilingkod o ritwal ng Banal na Imperyong Romano at ng mga secret
societies nito mula sa Counter-Reformation sa Trent. Kaya’t ang mga imperialist
societies sa loob ng Romano Katolisismo ay gumagamit ng ganitong kaayusan ng
paglilingkod bilang bahagi ng kanilang liturhiya para sa mismong layuning iyon.
Ang unang liturhiya sa Roma ay nasa
Griyego at ang Latin ay malamang na hindi ginamit hanggang sa katapusan ng
Ikatlong siglo.
Walang liturhiya sa Roma maliban sa
paggamit ng Bibliya at sa pagpapaliwanag ng mga teksto nito ng Tagapangulo ng
Kapulungan, tulad ng alam natin mula kina Justin Martyr at Hippolytus at maging
kay Novatian.
Si Justin Martyr (ca 148-154) sa
kanyang First Apology, sa Kabanata
65, ay nagsasaad ng pagsasagawa ng bautismo at komunyon pagkatapos ng bautismo
ng lahat ng naroroon. Sa Kabanata 63 ipinaliwanag ni Justin kung paano
nagpakita ang Diyos kay Moises sa pamamagitan ng Anghel ng Diyos na si
Jesucristo, na tinatawag ding Anghel at Apostol. Matapos ipaliwanag ang
bautismo ay ipinaliwanag niya ang pangalawang sakramento ng Eucharistia, na literal na
nangangahulugang thanksgiving, gaya
ng hinango sa Mateo 26:27. Sinipi niya ang Lucas 22:19 tungkol sa tinapay at
alak bilang katawan at dugo ni Cristo na kinukuha, hindi lamang bilang tinapay
at alak kundi bilang katawan at dugo ni Cristo na sa pamamagitan ng pagbabagong
anyo ay nagbibigay-lakas sa mga nabautismuhang hinirang ng Iglesia. Mula sa mga
salita ni Cristo ang terminong Thanksgiving
o Eucharistia sa Griyego ay hinango,
at ngayon ay Eucharist sa Ingles.
Sinabi niya na ang maling kaugalian ay ipinakilala ng Mithraismo na gumagamit
ng Tinapay at Tubig sa pagsisimula ng pag-anib sa Mithraismo na pinapalitan ang
alak bilang isang paganong pamalit. Ang kalaunang ritwal ng Romano Katoliko ay
inalis ang alak mula sa iglesia at inilaan lamang sa clergy, na sa katunayan ay
mas ginaya ang ritwal ng Mithras kaysa sa biblikal na ritwal.
Ang doktrina ng Transubstantiation
ay diumano'y lumitaw din dito sa Roma noong panahon ni Justin kung saan sinabi
niya: "Sapagkat hindi bilang karaniwang tinapay o karaniwang inumin kaya
tinatanggap natin ang mga ito; ngunit dahil si Jesucristo na ating
Tagapagligtas ay nagkatawang-tao sa pamamagitan ng salita ng Diyos at nagkaroon
ng parehong laman at dugo para sa ating kaligtasan, gayundin naman, itinuro sa
atin na ang pagkaing pinagpala sa pamamagitan ng panalangin ng kanyang salita
at mula sa kung saan ang ating dugo at laman ay binigyang-lakas sa pamamagitan
ng pagbabagong anyo, ay siyang laman at dugo ni Jesus na nagkatawang-tao”. Ang
mga Katoliko ay paulit-ulit na maling sinisipi ang tekstong ito upang
suportahan ang transubstantiation.
Ang pahayag ay ginawa nang natural
na gaya ng isang naniniwalang ito ay tinapay, ngunit hindi basta karaniwang
tinapay. Si Gelasius, obispo ng Roma noong 490 CE, ay nagsabi sa pagpapaliwanag
sa mga doktrina na: "Sa pamamagitan ng mga sakramento tayo ay nagiging
kabahagi ng kabanalang mula sa Diyos, at gayunman ang substansiya at likas na
katangian ng tinapay at alak ay hindi nawawala sa mga iyon" (cf. ang
orihinal sa Binghams Antiquities,
book xv, ch. 5 as per fn. 6 to ANF,
Vol. 1, p. 185).
Nagpatuloy si Justin at ipinaliwanag
ang pananaw ng mga apostol sa mga ebanghelyo at pagkatapos ay natural na sinipi
si Lucas, at hindi maaaring sabihin na ang tinutukoy ay ang aktuwal na laman at
dugo ni Cristo ang pumalit sa tinapay - at hindi rin iyon ganoon naunawaan ng
Romano o iba pang Simbahang Katoliko sa loob ng hindi bababa sa unang limang
siglo, gaya ng nakikita natin sa mismong paliwanag ng pope.
Sa Kabanata 66 at 67 ay sinabi niya
ang kamakailan lamang na ipinakilalang kaugalian ng pagsamba tuwing Linggo na
ipinakilala sa Roma bilang karagdagan sa Sabbath marahil noon pang 110 CE
ngunit tiyak na hindi mas maaga, at doon lamang.
“Sa araw na tinatawag na Linggo,
lahat ng naninirahan sa mga lungsod o kanayunan ay sama-samang nagtitipon sa
isang lugar, at ang mga talambuhay ng mga apostol o ang mga isinulat ng mga
propeta ay binabasa, hangga't ipinahihintulot ng panahon; pagkatapos, kapag ang
nagbabasa ay tumigil na, ang tagapangulo ay nagbibigay ng tagubilin sa salita,
at nanghihimok na tularan ang mga mabubuting bagay na ito. Pagkatapos, tayong
lahat ay sabay-sabay na tumatayo at nananalangin, at, gaya ng sinabi na natin
noon, kapag natapos ang ating panalangin, ang tinapay at alak at tubig ay
dinadala, at ang tagapangulo sa gayunding paraan ay nag-aalay ng mga panalangin
at pasasalamat, alinsunod sa kanyang kakayahan, at ang mga tao ay
sumasang-ayon, na nagsasabi ng Amen; at may pamamahagi sa bawat isa, at
pakikibahagi sa mga pinagpasalamatan, at sa mga wala roon ay ipinapadala ang
isang bahagi sa pamamagitan ng mga diakono.”
Ang wikang ginamit ay Griyego,
maliban sa salitang Hebreo na Amen na
ipinaliwanag ni Justin sa Griyego (Ἀμήν siya nawa), na
sinasabing sa pamamagitan nito "ang lahat ng mga taong naroroon ay
nagpapahayag ng kanilang pagsang-ayon" kapag ang tagapangulo ng mga
kapatid ay "tapos nang manalangin at magpasalamat." Ang terminong tagapangulo ng mga kapatid maaaring
lehitimong isalin bilang isa sa mga
kapatid na namumuno (cf. fn. 4 to ch. 65, ANF, Vol. 1, p. 185). Ang kamalian ng mga doktrina ng Biyernes na
Pagkapako at Linggo ng Pagkabuhay na Mag-uli ay tinanggap ni Justin mula sa
kulto ni Attis sa Roma noong panahong iyon.
Kaya't ang Latin ay hindi ang
orihinal na wika ng Iglesia, ni hindi rin ito kinakailangan na maging gayon.
Ang Tridentine Mass ay muling
ipinakilala upang muling ipakilala ang pangunahing batayan ng Simbahang Romano
Katoliko na ipinahayag mula sa isyu ng Bull na Unam Sanctam na nag-uutos sa lahat ng Cristiano na mapabilang sa
Simbahang Romano Katoliko (tingnan ang araling Theory of the Just War
(No. 110)). Muling ipinahayag nang malinaw ni Benedict XVI na hindi
niya itinuturing na ang Vatican II ay nagkakaloob sa ibang mga simbahan ng
anumang lehitimong katayuan at sinasabi na ang tinatawag na "Apostolic
Succession" ng kanilang mga obispo ay ang pagkakakilanlan ng Simbahang
Romano Katoliko bilang tunay na simbahan.
Ang katotohanan na ituturing ng mga
apostol ang Simbahang Romano Katoliko bilang erehe - at sa katunayan, ang
kanilang mga lehitimong kahalili na sina Polycarp at Polycrates na sinanay
nila, lalo na ni Juan, ay itinuring silang erehe sa pagkakabahagi na dulot ng
Roma sa Quartodeciman Disputes (No. 277), at gayundin nang tinuligsa sila ni
Hippolytus sa simula ng Ikatlong siglo – tila walang kaugnayan.
Ang Simbahang Romano Katoliko, at
lahat ng mga institusyong nagsasagawa ng gayong ritwal, ay hindi nauunawaan na
ang pagbibinyag ng sanggol ay hindi nagbibigay ng anumang kaligtasan sa
sinuman. Ang succession ay nasa Katawan ni Cristo na ipinagkaloob sa pamamagitan
ng bautismo ng taong nasa hustong gulang na may ganap na pag-unawa at ang
pagpapatong ng mga kamay ng mga hinirang na kinatawan ng Katawan para sa
pagtanggap ng Banal na Espiritu.
Ang paggiit ng Romano Katoliko sa
apostolic succession ay tulad ng itinakwil at pinatay na mga saserdote sa Sinai
na nag-aangkin ng succession sapagkat sila rin ay mga Levita.
Cf. Ang
Mensahe para sa Sabbath ng 07/14/2007:
http://www.ccg.org/weblibs/2007-messages/nm_07_14_07.htm?craw=y
Kaya naman, ang pagtanggi sa alak
bilang bahagi ng sakramento sa Paskuwa ay ipinakilala ni Satanas at ng mga
Demonyo upang sirain ang ritwal ng Paskuwa at
ibaba ito tungo sa ritwal ng tinapay at tubig ng Mithraismo gaya ng nasa
Roma. Gayundin ang pagtanggi sa alak sa
Islam ay nakatuon sa pagkawasak ng Sakramento ng Paskuwa.
Mga ideya sa hangin
Gaya ng ipinaliwanag sa Creation B5,
ang mga palagay na ginagamit ng agham ng tao hinggil sa teorya ng sanhi (causal
theory) ay nakabatay sa paniniwala ng tao (anthropomorphic), kaya’t ang demonyo
o anumang entidad ay inaakalang nakatali sa mga batas ng pisikal na atomism
(corporeal atomism) na nangangailangan ng netong paglilipat ng enerhiya (nett
energy transfers) sa pisikal na reaksyon. Ito ay nakabatay sa maling batayan at
sa isang hindi sinuring palagay na nauugnay din sa maling batayan. Una, ang anumang
omniscient being o sinumang pinagkalooban ng kapangyarihang kumilos ng isang
omniscient being ay tiyak na alam ang magiging bunga ng anumang reaksyon o
sunod-sunod na sanhi (causal sequence), yamang ang mga teoretikal na ugnayan ay
nalalaman na mula pa sa simula (a priori), at ang mga batas na ito ay hindi
hiwalay kundi naitatag at umiiral na ayon sa lohika bago pa ang paglalang.
Samakatuwid, hindi kinakailangan ang
teknikal na pagmamasid upang unawain ang mga bagay na ito. Pangalawa, ang
pagpapalagay na may kinalaman ang mga
entidad sa paglilipat ng pisikal na enerhiya ay isang anthropomorphic
speculation na nagmumula sa corporeal atomism na hindi nauunawaan ang
immaterial nature ng sub-subatomic matter. Walang dahilan para ipagpalagay na
ang nagmamasid na entidad ay lohikal na nalilimitahan sa o ng mismong pisikal
na medium na kanyang minamasdan. Kahit na ganoon ang kaso walang lohikal na
dahilan upang ipagpalagay na ang dalawang magkaibang entidad ay magko-convert
ng enerhiya sa eksaktong pareho o magkatulad na paraan. Maaaring maglahad ang
Physics ng isang hypothetical demon upang bigyang-kasiyahan ang mga quantum
mechanical speculation, ngunit agad din nitong itinatakwil ang ideya ng isang
non-physical na entidad kapag isinasangkot na sa mas masalimuot na pag-aaral ng
kalikasan ng mga bagay (ontology).
Ipinanukala ni Roger Penrose sa
kanyang akdang The Emperor’s New Mind:
Concerning Computers, Minds and the Laws of Physics, Oxford, 1989, na ito
ay ang gravitational influence ng mga aparato sa pagsukat at hindi ang abstract
na presensya ng isang tagamasid na may epekto sa mga pisikal na estado. Sa
quantum level, ang pangunahing atomic structure ay may maraming iba't ibang
posibleng mga estado na parang “superposed” sa isa't isa. Sa pagsukat ng
physicist sa mga estadong iyon para bang nagko-collapse ang pinagsabay-sabay na
estado (superposed states) tungo sa isang single state kaya’t tila isang
posibilidad lamang ang lumilitaw na naganap. Ang quantum physics ay samakatuwid
hindi lamang hindi tugma sa mga macroscopic events, kundi parang nakasalalay sa
pagmamasid ng tao, kaya't ito ay medyo anthropomorphic. Ipinanukala ni Penrose
na sa ilang level sa pagitan ng mga quantum at classical realms, ang mga
pagkakaiba sa pagitan ng superposed states ay nagiging gravitationally
significant, kaya't nagko-collapse ang mga ito tungo sa isang single state,
para masukat ng mga physicist. Ang Penrosian quantum gravity na ito, ayon sa
paniwala, ay maaaring makatulong din sa
pagpapaliwanag ng mga tinatawag na mga non-local effects kung saan ang mga
kaganapan sa isang rehiyon ay nakakaapekto sa mga kaganapan sa isa pa nang
sabay-sabay.
Ang paglitaw ng non-locality ay
unang ipinahiwatig ng Einstein-Podolsky-Rosen Thought experiment. Nakita natin
sa ibang bahagi na ang sabay-sabay na paghahatid ng mga ideya ay madalas na
maobserbahan, viz. ang Lorentz matter. Ang observable non-locality ay makikita
halimbawa sa pamamagitan ng pagsukat ng spin ng isang photon na inilabas mula
sa isang decaying particle. Ang isang photon na sabay na lumabas sa magkabilang
direksyon ay nagkakaroon din ng parehong "fixed" na spin sa
pamamagitan ng isa pang pagsukat kahit na ang mga particle ay maaaring light
years ang pagitan. Maaaring may ilang mga problema sa mga panukala ni Penrose,
ngunit ang mga implikasyon nito para sa pag-iisip ng tao ay nararapat sa
karagdagang pagsusuri, partikular na ang mga konsepto na ang mga physiological
processes na pinagbabatayan ng isang naibigay na kaisipan ay maaaring sa simula
ay may kasamang ilang mga superposed quantum states, na ang bawat isa ay
nagsasagawa ng isang uri ng pagkalkula. Ipinapalagay niya na kapag ang distribusyon
ng mass at enerhiya sa pagitan ng mga estado ay umabot sa isang gravitationally
significant level, ang mga estado ay nagko-collapse sa isang single state, na nagiging sanhi ng nasusukat at posibleng
non-local na pagbabago sa neural structure ng utak. Ang kaganapang pisikal na
ito ay kaakibat ng isang kaganapang pangkaisipan, samakatuwid ay bumubuo ng
pag-iisip bilang pag-unawa, na naiiba sa artificial intelligence. Ang mga
panukalang ito ay binigyan ng karagdagang pagsusuri sa B5 batay sa kanilang implikasyon para
sa pag-iisip ng tao, pisikal na pakikipag-ugnayan, at sa konsepto ng sanhi at
epekto (notion of causation).
Ang Spiritual Realm ay kumikilos sa
labas ng linear time sequence ng paglalang at kaya’t nagkakaroon ng kakayahang
makaapekto sa paraan ng paggana ng utak ng tao.
Ito ay sa pamamagitan ng impluwensya ng Banal na Espiritu na kumikilos
sa ilalim ng Singularist Causal Laws na nagpapahintulot sa sangkatauhan na
maging malaya sa nakapipinsalang direksyon mula sa mga impluwensyang nagmumula
sa Nangahulog na Hukbo at nagbibigay-daan sa indibidwal na magpasiya sa ilalim
ng Freedom and Determinism gaya ng ipinaliwanag sa The Problem of Evil (No.
118)
at sa Creation B5 sa loob ng Kalooban ng Singularity
na ibinigay ng Diyos. Kaya ang mga Kautusan ng Diyos ay maaaring maging isang
istraktura at iisa lamang sa ilalim ng isang sistema gaya ng nakasaad sa
Kasulatan.
Iba’t ibang Anyo ng Katotohanan
Gumawa si Satanas ng iba't ibang
aspeto ng Katotohanan upang iligaw ang sangkatauhan. Ang mga aspetong ito ay ipinaliwanag din sa
araling Ang mga Disenyo ng Diyablo [043] bilang bahagi ng panlilinlang sa
sangkatauhan at pagkaligaw ng landas nito.
· Relativism - ang katotohanan ay
pabago-bago.
· Subjectivism - ang katotohanan ay
nakasalalay lamang sa sariling pananaw.
· Empiricism - ang katotohanan ay
nililimitahan sa mga bagay na nakikita.
· Existentialism - ang katotohanan ay
nakabatay sa karanasang dinaranas.
·
Rationalism - ang katotohanan ay
lubos na syllogistic (ibig sabihin, batay sa ating pangangatwiran).
· Platonic Idealism - ang katotohanan
ay pawang abstract (pawang ideya lamang).
· Phenomenalism - ang katotohanan ay
mga pangyayari lamang.
· Pantheism - ang katotohanan ay
katumbas ng sangnilikha.
· Psycho-physical Monism - ang
katotohanan ay pinaghalong nakikita at hindi nakikita.
· Pragmatism - ang katotohanan ay
anumang gumagana sa praktikal na pamumuhay.
· atbp.
Sa ganitong diwa, ang pundamental na
Katotohanan ng Paglalang sa loob ng mga Kautusan, Kalikasan at Kalooban ng
Diyos ay sinisira (tingnan din Katotohanan [168]).
Paglilimita sa Kapangyarihan sa pamamagitan ng Paglilimita
ng Oras
Binigyan ng Diyos si Satanas ng
limitadong oras at limitadong pamamahala.
Sa pamamagitan ng paglilimita sa kanyang nasasakupan sa loob ng time and
space ay nalimitahan din Niya ang kanyang kapangyarihan. Ito ay kinakatawan ng
mga konsepto na ang energy, matter, time, at gayundin ang iba pang mga elemento
ng istraktura tulad ng gravity ay lahat mga aspeto ng kaparehong fundamental
substance na tinatawag nating Espiritu.
Sapagkat hindi maaaring pahintulutan
ng Diyos ang iba’t ibang kalooban na hiwalay sa Kanyang Kalooban, na nakabatay
sa Kautusan at istruktura na nagmumula sa Kanyang Kalikasan, kailangan Niyang
pamahalaan ang lahat ng nilalang nang naaayon sa Kanyang itinatag na sistema.
Kaya't dapat Niyang alisin ang lahat ng idolatriya at lahat ng mga sumasamba sa
diyus-diyosan bilang mga kalooban kumakalaban sa pag-iral ng sangnilikha. Ang
Kanyang plano samakatuwid ay dapat na katanggap-tanggap sa lahat ng Sangnilikha
kung nais nilang umiral sa loob nito.
Ang Tipan ng Diyos
Pinili ng Diyos na ihayag ang
Kanyang sarili sa tao sa isang partikular na paraan. Nagpasya Siyang kumilos sa
mga buhay ng mga tao ayon sa isang itinakdang landas, upang higit na mapalago ang pangmatagalang
epekto ng pagkatuto ng sangnilikha at upang mabawasan ang pinsala sa nilikhang
iyon. Dahil doon, pinili Niyang limitahan ang mga gawain ng tao sa planetang
ito at nagtayo ng isang sistema na maaari Niyang gamitin upang makipag-ugnayan.
Ang Kanyang mga gawain ay nagpapakita ng Kanyang kalikasan at layunin, at
nagbibigay ng patnubay sa Kanyang bayan. Hindi niya piniling harapin ang lahat
ng tao sa panahong ito. Pumili Siya ng isang bayan upang makipagtipan. Ang mga
ginawa ni Jesucristo sa Pagkakatawang-tao ay hindi inalis ang tipan na ginawa
ng Diyos sa Israel. Pinaunlad ni Cristo ang tipang iyon at ginawa ang bago at
mas mataas na sistema ng pakikipag-ugnayan na magagamit ng mga tao sa
pamamagitan ng mga gawa ng Banal na Espiritu.
Ang Plano ng Kaligtasan ay tinalakay
sa iba't ibang aralin tungkol sa mga Banal na Araw. Ang bawat isa sa mga
Kapistahang ito ay naglalarawan sa mga yugto ng plano at nagsisilbing taunang
paalala kung ano ang ginagawa ng Diyos at kung paano maisasakatuparan ang mga
bagay na ito.
Gayunpaman, upang lubos na maunawaan
ang plano ng Diyos para sa atin ay dapat din nating maunawaan kung saan tayo
nakalugar at kung ano ang ating mga responsibilidad sa loob ng katuparan ng
planong iyon. Ang pinakamahalagang bahagi ng ating mga responsibilidad ay
matatagpuan sa tipan, na ginawa ng Diyos sa Israel. Ang tipan ay nagtatakda,
tulad ng anumang pormal na kasunduan sa pagitan ng dalawang panig, ng mga
kondisyon para manatiling may bisa ang kasunduan at ng kahihinatnan kapag
nilabag ang kasunduang iyon. Ang mga partido sa kasunduan ay ang Israel sa isang banda bilang Kanyang
piniling mga bayan at ang Diyos sa kabilang banda. Ang tipan na iyon ay
pinalawig kay Jesucristo upang isama ang lahat ng mga bansa sa mundo bilang mga anak ng Diyos sa Israel. Ang
tipan sa mga Patriarka at Israel ay hindi inalis gaya ng karaniwang
pinaniniwalaan. Sa halip, ito ay pinalawig sa mga Gentil sa pamamagitan ng
kamatayan ng Mesiyas. Kaya't walang dalawang magkahiwalay na tipan kundi, sa
halip, dalawang elemento ng iisang tipan
sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang bayan. Susuriin natin ang mga termino at
konsepto sa teksto ng Covenant of God (No. 152). Ito ang tanging tipan na ginawa ng
Diyos sa sangkatauhan at hindi binago at nakatali sa Sabbath ng Diyos at sa
Kanyang Kautusan kung saan ang Sabbath ay ang pagkakakilanlan, gaya ng nakikita
natin mula sa Koran sa Surah 4:154 din.
Sa simpleng salita, kapag
pinanghawakan natin ang tipan sa Diyos, tatanggap tayo ng buhay na walang
hanggan, at kung lalabag tayo sa tipan na iyon tayo ay mamamatay. Sa ilalim ng
Kanyang tipan sa atin ay itinakda ng Diyos ang Kanyang mga pangako sa atin at
ang mga kahihinatnan ng ating hindi pagtupad sa ating mga pangako sa Kanya.
Mula pa noong panahon ni Cristo, ang ating bautismo ay ang ating pangako na
susunod sa tipan. Ang bautismong ito ay nagsisilbing tanda sa mga bansa, na
tulad ng pagtutuli na siyang orihinal na tanda sa Israel. Ang simbolismo ay
kinuha mula sa isang pisikal na pagtutuli tungo sa isang espirituwal na
pagtutuli ng puso.
Ugnayan ng Kautusan ng Diyos
Mula sa pagsasara ng Eden, sinira ni
Satanas ang Ugnayan ng Kautusan ng Diyos. Kaya't ang kahihinatnan ng paglabag
sa Kautusan na kung saan ay kasalanan (1Jn. 3:4) ay hindi agad-agad na nakikita
at nagpaulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. Ito ay mas tumagal bago
mamatay ang tao at bago mamatay ang mga lupa at dagat. Ang mga huwad na
relihiyon at tribalismo at ang kanilang mga alitan sa teritoryo ay nagdulot ng
mga digmaan at malawakang pagkamatay at sa huli ay winasak ang lupa. Ang Diyos
na nakakita ng lahat ng ito noon ay kinailangang mamagitan at paluhurin ang tao
sa pagsisisi at puwersahin ang pagsunod ng tao. Subalit, hindi pa rin sila
nagsisi kahit na nakita na nila ang laki ng pinsalang dulot ng kanilang ginawa
sa ilalim ng impluwensya ni Satanas kasama ang kanilang huwad na mga diyos at
mga sistemang panrelihiyon gaya ng ipinaliwanag sa Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C].
Nagpasya ang Diyos na
mamagitan. Binalaan Niya ang sanlibutan
sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na propeta, at ang huling
pagbibigay-babala ay inilabas sa loob ng huling Apatnapung Taon ng ika-120
Jubileo na nagpasimula ng Pagsusukat sa Templo [137].
Hindi pinansin ng sanlibutan Ang Babala ng mga Huling Araw [044] at sa pamamagitan ng matitinding
digmaan ng Ikalima at Ikaanim na Pakakak ay nagsimula ang pagkawasak ng
daigdig. Pagkatapos ay isinugo ng Diyos ang mga Saksi, sina Enoc at Elias,
upang ibalik ang Ugnayan ng Kautusan at ihanda ang Advent of the Messiah
(No. 210A) at (No. 210B) at ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A].
Ang pagkakasunud-sunod na ito ay
inilarawan sa araling Mga Digmaan ng Wakas Bahagi II: 1260 Araw ng mga Saksi [141D].
Ang Hayop na nabuo para sa mga
Huling Araw ay ang inilarawan sa Daniel kabanata 2 at ito ang huling sistema ng
Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa na inilarawan natin sa araling World War III: Part I The Empire of the Beast (No. 299A). Ang Hayop na ito ay sa wakas
babaling laban sa Panrelihiyong Patutot ng sistemang Babilonia at ng Mga Kulto
ng Araw at Misteryo (cf. Mysticism (B7_A)) at pupuksain ito gaya ng
ipinaliwanag sa araling WWIII Part II: The Whore
and the Beast (No. 299B).
Upang maituwid at maipanumbalik ang
planeta, dapat ipanumbalik ng sangkatauhan ang Kautusan ng Diyos at sundin ang
Diyos. Dahil ang mga tao ay walang
kakayahang gawin iyon nang walang interbensyon ng Diyos, ang Diyos ay dapat na
mamagitan at ang Ugnayan ng Kautusan ay dapat na ipanumbalik ng Diyos at ng
Kanyang mga lingkod. Dapat din nilang ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin
nito. Kaya dapat isugo sina Enoc at Elias upang gawin iyon at ipaliwanag kung
ano ang nangyayari at ipatupad ito.
Ang sanlibutan ay hindi nagsisi sa
ilalim ng mga Saksi, kaya't inilarawan ng Diyos, sa propesiya sa Aklat ng
Apocalipsis, kung paano magaganap ang buong hindi matinag na kaguluhan. Sa mga teksto tungkol sa Pagdating ng Mesiyas
at sa mga sumunod na digmaan ay makikita nating magaganap ang buong
di-kinakailangan at kakila-kilabot na pagkakasunud-sunod na ipinaliwanag sa Mga Digmaan ng Wakas Bahagi III: Armagedon at ang mga Mangkok ng
Poot ng Diyos [141E].
Wala sa mga ito ang kailangang
mangyari ngunit nangyayari pa rin at ang tao ay hindi magsisisi at
ipinapaliwanag natin kung ano ang ipinag-uutos ng Diyos na gawin upang linisin
ang planeta at alisin ang mga huwad na relihiyon mula sa Roma hanggang Africa
at sa Mecca at Tehran at hanggang sa Silangan at sa buong mundo.
Ang bawat diyus-diyosan at bawat
huwad na sistema at lahat ng panalangin sa bawat nilalang maliban kay Eloah o
Diyos na si Allah, ang Ama ng lahat, ay susugpuin. Ang bawat diyus-diyosan ay
wawasakin at ang bawat gusaling naglalaman ng mga diyus-diyosan at ng kanilang
mga simbolo at bawat huwad na relihiyon at lugar ng huwad na pagsamba ay
wawasakin. Ang bawat unibersidad o lugar na nagtuturo ng mga sistemang hindi
biblikal at mga hindi wastong sistema ng huwad na pagsamba at huwad na
pamahalaan ay wawasakin.
Magpapatuloy tayo sa Seksyon 2 na
naglalahad kung ano ang wawasakin, paano ito wawasakin, at ano ang mangyayari
sa mga tagasunod na hindi agad nagsisi.
Buhay na Walang Hanggan
Malinaw na sinasabi ng Ebanghelyo ni
Juan na ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang
Diyos na tunay, at si Jesucristo na iyong sinugo (Jn. 17:3).
Ito ay isang malinaw at hindi malabo
na pahayag. Ito ang kinakailangan sa
lahat ng nagnanais ng Buhay na Walang Hanggan na makilala ang Nag-iisang Tunay
na Diyos at si Jesucristo na Kanyang isinugo.
Ang lohika ay ang dalawang nilalang na ito ay hindi iisang nilalang at
si Cristo ay nasa ilalim ng Nag-iisang Tunay na Diyos na nagsugo sa kanya.
Ipinapahiwatig din nito na ang Nag-iisang Tunay na Diyos ay mag-isa bilang
isang tunay na Diyos at na si Cristo ay hindi kailanman maaaring umiral bilang
isang tunay na Diyos kasama Niya o si Cristo rin ay magiging isang walang
hanggang na walang kamatayang nilalang na hindi naman siya at malinaw na
sinasabi ng Bibliya na siya ay hindi. Si Cristo ay tapat sa gumawa sa kanya
(Heb. 3:2). Ang salita sa teksto ay poiesanti
na nangangahulugang gumawa (auton) sa
kanya at isinalin bilang itinalaga ng mga Trinitarians para itago ang mga
implikasyon ng pagiging ginawa ni Cristo kahit malinaw na inilalarawan ng
teksto na siya ang pasimula ng paglalang ng Diyos (Apoc. 3:14). Binigyan ng
Diyos si Cristo ng buhay na walang hanggan at gagawin din Niya ito sa atin
bilang mga kasamang tagapagmana ni Cristo (1Jn. 5:11; Rom. 8:17).
Ang buong layunin ng pagbibigay ng
buhay na walang hanggan ay nakabalangkas sa araling Eternal Life (No. 133). Sa tekstong iyon, ang mga isyung
pilosopikal ng usapin ay sinuri at ipinaliwanag. Mahalagang maunawaan natin kung ano ang
nasasangkot lalo na't tinatalakay natin ngayon ang mga isyu ng Pagdating ng
Mesiyas at ang pagpapasuko sa sanlibutan. Sa aralin na ito kasunod ng Mga Digmaan ng Wakas Bahagi III: Armagedon at ang mga Mangkok ng
Poot ng Diyos [141E]), tatalakayin natin ang Katapusan ng Huwad na Relihiyon.
Ang realidad ay haharapin natin ang
katotohanan na mayroon lamang Nag-iisang Tunay na Diyos na sinasamba sa ilalim
ng Isang Tunay na Pananampalataya gamit ang orihinal na kalendaryong ibinigay
ni Cristo sa Sinai sa Israel at hindi ang sistemang Hillel na inilabas ni Rabbi
Hillel II noong 358 CE gamit ang Babylonian Intercalations ng sistemang Baal na
ginagamit ng Judaismo at ng WCG offshoots ngayon. Ang kalendaryong iyon at ang
mga tradisyong pinagbatayan nito ay isa sa mga dahilan kung bakit ipinadala sa
pagkabihag ang Juda alinsunod sa Tanda ni Jonas noong 70 CE gaya ng
ipinaliwanag sa araling Ang Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo
[013].
Dito ay binibigyang-diin natin na:
May iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo. Ang Diyos ay
sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat (Ef. 4:5-6). May isang
katawan at isang Espiritu (Ef. 4:3). May Nag-iisang Tunay na Diyos na si Eloah
o Allah’ na siyang The God (Ha Elohim), ang sentro ng Elohim bilang mga anak ng
Diyos at ng Paglalang at ng Kautusan at Siya ang Ama ng lahat.
Malapit na tayong hatulan tungkol sa
bagay na ito, at tanging yaong mga nakauunawa nang wasto at sumasamba sa
Nag-iisang Tunay na Diyos ayon sa tamang kalendaryo (cf. God’s Calendar (No. 156)) ang makakapasok sa Unang
Pagkabuhay na Mag-uli.
Pagkatapos ng Unang Pagkabuhay na
Mag-uli ay haharapin natin ang sanlibutan at pasusukuin ito sa ilalim ng Mga
Mangkok ng Poot ng Diyos at walang pangalawang gantimpala. Kung wala ka sa
Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay mararanasan mo ang Kapighatian at ang mga
Mangkok ng Poot ng Diyos at hindi ka makakapasok sa proteksyon ng Templo, na
tayo mismo bilang Katawan ni Cristo (1Cor. 3:17, 2Cor. 6:16), hanggang
pagkatapos ng kaganapang iyon.
Lahat tayo’y nababahala na sana’y
makasama ang mas marami hangga’t maaari sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli. Himukin
mo ang lahat ng iyong kakilala na magsisi at ituwid ang kanilang mga
pagkakamali at magsikap tungo sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli.
Malinaw na si Satanas ang
nag-imbento ng Huwad na Relihiyon upang hadlangan ang mga makakapasok sa Unang
Pagkabuhay na Mag-uli at sa Templo ng Diyos.
Ang lahat ng huwad na relihiyon at
ang mga aspeto ng maling sistema ng pagsamba at ang kanilang mga kalendaryo at
idolatriya na salungat sa Bibliya ay nag-aalis sa mga tagasunod. Walang sinuman
ang maaaring mag-imbento ng mga relihiyon na salungat sa Kasulatan at sa mga
Kautusan ng Diyos at maghangad ng Buhay na Walang Hanggan.
Si Satanas at ang mga pinuno ng
sanlibutan na nasa ilalim ng mga Nangahulog na Hukbo at ang kanilang mga hukbo
ng sangkatauhan ay pinapayagan ang anumang sistema ng pagsamba maliban sa Isang
Tunay na Pananampalataya ng Bibliya na sumasamba sa Nag-iisang Tunay na Diyos
na si Eloah. Maging ang Kanyang pangalan ay itinago at ang plurality ng Elohim
ay itinaguyod upang pahintulutan ang kamalian ng Pagsamba sa Triune God na
sinasamba sa Roma.
Bahagi IV Seksyon 2
Ang Pag-unlad ng Huwad na Relihiyon
Gaya ng ipinaliwanag natin sa Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C] at sa Chronology of the
Commentary on the Qur’an or Koran (Q001B), si Satanas ay nagtayo ng isang
huwad na sistema ng relihiyon mula sa Gitnang Silangan batay sa Mga Kulto ng
Araw at Misteryo. Sa katunayan, ito ay ang sistema ng Baal Worship na nakabatay
sa pagsamba kay Baal at sa Diyosa ng Easter o Ishtar o Ashtoreth na asawa ni
Baal sa Mga Kulto ng Araw at Misteryo. Ang sistema ay nangingilin ng Linggo at
Pasko at Easter. Ang diyos, bilang si Attis, na isang sistemang Binitarian,
gaya ng lahat ng sinaunang Pagsamba kay Baal, ay pinatay ng araw ng Biyernes at
Muling Binuhay ng diyosa ng araw ng Linggo.
Ipinagbawal ng Diyos ang sistemang ito gaya ng pagbabawal din Niya sa
Pasko (Jer. 10:1-9) (cf. The Origins of Christmas and Easter (No. 235) at The Cross: Its Origin and
Significance (No. 039)).
Ang pagsamba ay lumaganap mula sa
Siria at Mesopotamia hanggang sa Roma at nakapasok sa Cristianismo at
ipinaibabaw ang Binitarian at pagkatapos ay ang Triune God dito (cf. Binitarian and Trinitarian Misrepresentation of the Early Theology
of the Godhead (No. 127B)). Pagsapit ng
Ika-apat na siglo ang mga pari ng Attis ay nagreklamo na ninakaw ng
Cristianismo ang lahat ng kanilang mga doktrina. Kaya ito ay na-corrupt.
Ang mga sistema ng pagsamba kay Baal
ay umiiral sa mga kulto ni Baal, Attis, Adonis, Osirus, Mithras at Hubal sa
Becca/Petra. Ang ibig sabihin ng Baal ay "Panginoon" at ang Hubal ay
nangangahulugang "Ang Panginoon" sa sinaunang Arabic.
Noong ikapitong siglo nang ang Koran
ay inilabas sa iglesia sa Becca/Petra sa ilalim ng Propeta, ang mga sumasamba
kay Hubal (Ang Baal o Panginoon) ay kinuha ang pamamahala sa tunay na Islam sa
pamamagitan ng maling pag-convert at pinatay ang mga matatanda kasama sina Ali
at Hussein at itinaboy ito upang kumilos patago. Sinira nila ang Islam gamit
ang batas ng Hadith at Sharia.
Hindi nila maaaring ilipat ang
pagsamba sa day of the Sun at kaya inilipat ang pagsamba sa panahon ng
paghahanda para sa Sabbath sa Biyernes ng hapon salungat sa Surah 4:154 (cf. Ang Juma’ah: Paghahanda para sa Sabbath [285]). Tingnan din The Sabbath in the Qur’an (No. 274).
Ang mga elementong Kanluranin sa
ilalim ng pamumuno mula sa Roma at Constantinople ay inusig ang pananampalataya
at pinatay ang milyun-milyong mga tagasunod nito sa paglipas ng mga taon. Ang
pag-aaral tungkol sa pag-uusig na ito ay nakabalangkas sa mga araling General Distribution of
the Sabbath-keeping Churches (No. 122); Role of the Fourth
Commandment in the Sabbath-keeping Churches of God (No. 170) at gayundin sa Commentary on the Koran:
Surah 18 “The Cave”. Tingnan din The Fate of the Twelve
Apostles (No. 122B) at ang Death of the Prophets and
Saints (No. 122C).
Si Satanas ay nagtayo rin ng mga
huwad na pananampalataya sa Silangan upang hadlangan ang pagbabalik-loob
matapos pahintulutang ipagkaloob ng Mesiyas ang Banal na Espiritu. Ito ay upang
pigilan ang pagbabalik-loob sa Asya sa pamamagitan ng mga Liberation Theologies
ng Hinduism at pagkatapos ay Buddhism. Itinatag din ni Satanas ang mga paganong
sistema sa mga Celt sa Hilaga na nagturo din ng reinkarnasyon at umabot pa
hanggang sa pangakong pagbabayad ng mga utang sa mga susunod na buhay. Ang
buong kalendaryo ng Republika ng USA ay nakabatay sa sinaunang Celtic calendar
ng paganismo at pag-aalay ng tao (cf. Pangkukulam at ang Occult [CB097]) at FAQ Bible Study:
Comparative Religions (No. 060))).
Ang Satanismo ay nakapasok sa mga
kolonya at sa buong Europa at Silangan. Ang mga Satanista ay napakaraming
bilang sa US at BC pati na rin sa Europa at sa buong mundo. Ito ay nasa lihim
na samahan at bahagi ng mas mataas na lihim ng mga samahang iyon.
Halos walang sistema ng relihiyon
ngayon na hindi na-corrupt ng mga huwad na doktrinang ito at satanikong kulto
at ng kanilang masasamang gawain.
Ang Mistisismo ang naging susi upang
makapasok ang mga sinaunang samahan at ang paglaganap ng sistema ito ay
ipinaliwanag ng may-akda sa akdang Mysticism (B7_A). Ang relihiyong Babilonia ay
nakabatay din sa Animism tulad ng
ipinaliwanag ni Wallace Budge sa kanyang akda sa Babilonia (Babylonian Life and History) at
lumaganap ang relihiyong iyon, gamit ang Mistisismo, sa buong mundo na nahawa
ang iba pang mga kulto tulad ng Hinduism, Buddhism at lalo na ang Tantric
Buddhism at Asian Islam at Christian Cults saanman.
Langit at Impyerno
Ang ideya ng buhay pagkatapos ng
kamatayan ay simple, bubuhayin ng Diyos yaong mga namatay na nasa mga libingan.
Ang lahat ng buhay ay nakasalalay sa Kanya at sa Kanyang Biyaya at Awa.
Upang kontrahin ang pananaw na ito
ay nag-imbento si Satanas ng dalawang doktrina. Ang unang doktrina ay ang
tungkol sa Kaluluwang Walang Kamatayan.
Ito ay kaakibat ng ideya na ang Espiritu ay hindi maaaring mamatay. Ang
ideyang ito ay napakalaganap na ito ay pumasok sa mga Iglesia ng Diyos sa
ilalim ni Herbert Armstrong na siya mismo ang nagturo na ang Espiritu ay hindi
maaaring mamatay, na walang katotohanan dahil si Cristo ay isang espiritung
nilalang at siya ay isinugo sa lupa upang mamatay upang maging Mesiyas at hain
na Kordero ng Paskuwa. Kung hindi siya
tunay na namatay kung gayon hindi siya ang Mesiyas at ang ating kaligtasan ay
walang kabuluhan. Tulad ng sinabi ni Eusebius na Historyador: Separating the
humanity from the divinity of Christ is the doctrine of Antichrist (Ang
paghihiwalay sa pagiging-tao mula sa pagka-Diyos ni Cristo ay doktrina ng
Anticristo).
Ang pangalawang doktrina ay kapag
namatay ang mga tao, sila ay umaakyat sa pamamagitan ng Milky Way patungo sa
“langit”. Ang masamang diyos na si Jaldebaoth, na sinasabing siyang nag-imbento
ng kautusan sa Bibliya, ay sinubukan umanong pigilan sila sa pag-akyat sa
Langit. Ang pananaw na ito ay ipinasok
sa mga doktrinang Gnostic na nagmula sa Alexandria. Ang mga doktrinang ito ay isinanib sa
Paganismo, Judaismo at pagkatapos ay Cristianismo. Itinuro nila na inalis na ni
Cristo ang mga doktrina ng Lumang Tipan at pinalaya sila mula sa kautusan. Ang
pananaw na ito ng Gnostic ay pumasok nang maaga sa iglesia, tulad ng nakita
natin kay Pablo sa kanyang pakikipag-usap sa mga taga-Galacia (Heresy in the Apostolic Church (No. 089)). Ang pananaw na ito ay walang
katotohanan dahil malinaw na sinasabi ng Bibliya na si Cristo ang nasa Sinai
kasama ng Israel at siya ang nagbigay ng Kautusan kay Moises (1Cor. 10:4; Gawa
7:38-53).
Ang mga antinomian na doktrinang ito
ay isinanib sa mga anyo ng pagsamba kay Baal na una ng isinanib sa Cristianismo
(cf. Antinomian Destruction of
Christianity by Misuse of Scripture (No. 164C) at Antinomian Attacks on the
Law of God (No. 164D)). Ang mga huwad na doktrinang ito ay mawawasak lahat.
Ang huwad na doktrina ay pumasok sa
Roma noong Ikalawang siglo. Ito ay unang dumating bilang Pagsamba tuwing Linggo
noong 111 CE kasabay ng Sabbath at pagkatapos ay bilang Easter sa ilalim ni
Anicetus nang siya ay hinirang na Obispo sa Roma noong 154 CE. Sa yugtong ito
tinatanggihan pa rin ng mga Cristiano ang langit at impyerno bilang isang
heresiya at makikita natin ang lawak nito mula sa akda ni Justin Martyr sa
Dialogue Against Trypho chapter LXXX kung saan sinabi niya: Bukod dito, ipinunto ko sa iyo na ang ilan
na tinatawag na mga Cristiano, ngunit mga
walang-diyos, mga lapastangang erehe, na nagtuturo ng mga doktrina na sa lahat
ng paraan ay kalapastanganan, atheistico, at hangal. Subalit upang malaman mong
hindi ko lamang sinasabi ito sa iyo, aking ilalahad, hangga’t aking makakaya,
ang lahat ng mga argumento na naganap sa pagitan natin; kung saan itatala ko
rin na inaamin ko ang gayunding mga bagay na inaamin ko sa iyo. Sapagkat pinili
kong sumunod hindi sa tao o sa mga doktrina ng tao, kundi sa Diyos at sa mga
doktrinang [ibinigay] Niya. Sapagkat kung nakasalamuha ka ng ilan na tinatawag
na mga Cristiano, ngunit hindi tumatanggap ng [katotohanang] ito, at
nangangahas na lapastanganin ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Isaac, at
ang Diyos ni Jacob; na nagsasabing walang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay,
at na ang kanilang mga kaluluwa, kapag sila ay namatay, ay dadalhin sa langit;
huwag mong akalain na sila’y mga Cristiano), kahit na ang isa, kung susuriin mo
nang tama, ay hindi mo maituturing na mga Judio ang mga Saduceo, o ang mga
katulad na sekta ng Genist, Geristae, Gelilaeans, Hellenists, mga Fariseo,
Baptists (Huwag mong masamain ang sinasabi ko kapag sinasabi ko sa iyo kung ano
ang iniisip ko), ngunit tinatawag [lamang] na mga Judio at mga anak ni Abraham,
na sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga labi, gaya ng sinabi mismo
ng Diyos, ngunit ang kanilang puso ay malayo sa Kanya. Ngunit ako at ang iba pa, na mga Cristianong may tamang pag-iisip sa
lahat ng mga punto, ay nakatitiyak na magkakaroon ng pagkabuhay na mag-uli ng
mga patay, at isang libong taon sa Jerusalem, na pagkatapos ay itatayo,
pagagandahin, at palalawakin, na ipinahayag ng mga propetang sina Ezekiel at
Isaias at ng iba pa.” (idinagdag ang pagbibigay-diin); (Apoc. 20:1-15),
(cf. din ang mga teksto tungkol sa dalawang pagparito ng Mesiyas gamit ang
Isaias at gayundin ang mga teksto ng Templo sa LXXXI sa araling Ang Langit, Impiyerno o ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga
Patay [143A]).
Ditheism at ang Triune God
Ang mga Trinitarian, o yaong mga
naniniwala sa Triune god na ipinaibabaw sa Cristianismo mula sa Binitarianismo
ng Attis, kahit ngayon ay sinisikap na siraan ang reputasyon ni Justin Martyr
bilang isang huwad na guro dahil sa kanyang ulat laban sa heresiya na ito na
naging pangunahing pananaw ng Trinitarianismo at nag-alis sa kanila sa Unang
Pagkabuhay na Mag-uli kasama ang kanilang pagsamba tuwing Linggo at maraming
iba pang mga heresiya na kanilang pinaniniwalaan at itinuturo at kung saan
inuusig nila yaong mga nasa wastong tumatanggi sa kanila.
Ang Trinitarianismo ay hindi umiral
sa Cristianismo hanggang pumasok ang mga Binitarian ng Attis at ang sistemang
Baal noong Ikalawang siglo at lumitaw bilang isang puwersa ca 175. Pagsapit ng
taong 180, ay tinukoy ni Theophilos ng Antioquia ang isang Trias ng Ama, Anak
at Espiritu Santo. Ang doktrinang Binitarianismo ay lumitaw bilang Modalismo at
idineklara bilang isang sekta ng Binitarian sa Nicea noong 325 CE at pagkatapos
ay itinakwil sa ilalim ng mga Unitarian mula 327 na siyang namuno sa mga iglesia
at sa Roma mula 327.
Ang Athanasian na Emperador na si
Theodosius ay hinirang na emperador ni Gratian at pinatawag niya ang Konseho ng
Constantinople noong 381 CE kung saan isinulong ng mga Cappadocian ang doktrina
ng Trinity at iyon ay pinagtibay sa Chalcedon noong 451 CE bagaman hindi ito
tinanggap ng lahat.
Noong 381 ay nabuo ang Trinitarian
Roman church at ang huwad na relihiyon ay itinatag sa Cristianismo. Noong 366
sinikap ng sektang Athanasian na ipagbawal ang Sabbath sa Konseho ng Laodicea
ngunit hindi sila nagtagumpay sa pagtatanggal nito sa kabila ng kanilang
pagpupursige sa loob ng maraming siglo at ang pangkalahatang sistema ng
Trinitarian na sumasamba tuwing Linggo ay nagpupursige hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Ang heresiyang ito ng pagtataas kay
Cristo bilang isang co-eternal at co-equal na diyos sa Nag-iisang Tunay na
Diyos ay lumaganap maging sa mga Iglesia ng Diyos sa mga huling araw sa ilalim
ni Herbert Armstrong at ng iba pa tulad ng Sabellianism na nagtaas kay Cristo
bilang Nag-iisang Tunay na Diyos (cf. Ditheism (No. 076B) at Binitarianism and
Trinitarianism (No. 076)).
Ang pagkasira ng Cristianismo ay
dulot ng Binitarian and
Trinitarian Misrepresentation of the Early Theology of the Godhead (No. 127b).
Si Herbert Armstrong ay isang
opisyal ng Sardis na binigyan ng kredensyal at binayaran nila. Ang kanyang mga sekta at ang Sardis sa
pangkalahatan ay hindi makakapasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli, maliban sa
pamamagitan ng Pagsisisi. Ni ang sistema ng Laodicea ay hindi rin makakapasok
sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli tulad ng nakasaad sa Apocalipsis Kabanata 3. Ang
mga pagbubukod na ito ng dalawa sa Pitong era ng Iglesia ng Apocalipsis (kab. 2
at 3) ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga Biblikal na Doktrina sa pagtukoy
ng kalalagyan ng isang tao sa Kaharian ng Diyos at sa Unang Pagkabuhay na
Mag-uli.
Ang Kalendaryo
Ibinigay ng Diyos sa Israel at sa
sanlibutan ang Kalendaryo sa pamamagitan ni Adan at sa pamamagitan ni Noe at ng
baha at sa pamamagitan nina Abraham at Moises sa Sinai (cf. God’s Calendar (No. 156)).
Si Jesucristo bilang Anghel ng
Presensya ay nagbigay ng Kautusan ng Diyos kay Moises at naglagay ng kaakibat
na parusang kamatayan. Ang Kautusan ay nangangailangan na ang mga Sabbath, mga
Bagong Buwan at mga Kapistahan at mga Banal na Araw ay ipangilin sa ilalim ng
parusang kamatayan sa buong pisikal na paglalang (cf. Isa. 66:23; Zac.
14:16-19).
Ang Koran ay nangangailangan din na
ito ay sundin sa ilalim ng parusang kamatayan at ito ay nag-uugnay sa Sabbath
sa Tipan ng Diyos (Surah 4:154). Hindi
ito masisira.
Ang Kalendaryo ay nakabatay sa mga
conjunctions ng Moon at bawat month ay nabubuo mula sa Bagong Buwan hanggang sa
kasunod at ang Bagong Buwan ay ang Araw kung kailan nagaganap ang conjunctions.
Hindi ito tinutukoy sa pamamagitan ng pagmamasid kundi tinutukoy nang maraming
taon bago pa man sa mga paaralang pang-astronomiya, gaya ng ginawa sa panahon
ng Templo ng lahat ng mga sekta. Tinukoy ng mga Fariseo ang kalendaryo ayon sa
kanilang mga tradisyon at ipinakilala ang pagmamasid matapos bumagsak ang Templo
upang maipatupad ang kanilang mga tradisyon sa pamamagitan ng mga pagpapaliban.
Gayunpaman, wala silang hawak na kapangyarihan sa Templo na pinamumunuan ng mga
Saduceo sa ilalim ng aristokrasya.
Pagkatapos ng panahon ng pangangalat
mula sa Babel, dinala ng mga bansa ang kalendaryo. Ang mga Asyano ay may parehong kalendaryo at
dinala ito ng mga Intsik sa kurba ng Yellow River kung saan sila nanirahan.
Muli, ang kalendaryo ay ibinatay sa galaw ng moon ayon sa conjunction at
idinaragdag ang intercalary month kung kinakailangan. Subalit, nawala ang kalendaryo sa tamang
simula nito sa panahon ng equinox dahil sa ilang pagkakamali noong unang panahon ng kanilang paninirahan
at mula noon ay hindi na ito tumutugma
nang wasto. Ang mga Griyego sa ilalim ng
mga taga-Macedonia ay sinunod ang parehong kalendaryo tulad ng sa sistema ng
Templo ngunit may iba’t-ibang pangalan para sa mga buwan.
Gayon din ang mga Arabo ay sinunod
ang parehong kalendaryo tulad ng sa sistema ng Templo (tingnan ang Hebrew and Islamic Calendar Reconciled (No. 053)).
Pagkatapos ng kamatayan ng Propeta
at ng Apat na Tamang Pinatnubayan na mga Caliph, ang kalendaryo ay winasak sa
Islam ng Hadith at ng mga sumasamba sa sistemang Hubal sa pamamagitan ng maling
paggamit ng isang teksto ng Qur’an o Koran upang maiba ang Kalendaryo at maging
sanhi ng paglihis nito sa paglipas ng mga taon sa pamamagitan ng pagtanggal ng
intercalary month at sistema nito.
Ginawa ni Satanas ang lahat ng
kanyang makakaya upang sirain ang kalendaryo at magpasok ng bago at huwad na
mga sistema sa buong mundo upang ang Kalendaryo ng Diyos ay hindi kailanman
masunod. Gumamit siya ng halos kapareho ngunit mga peke at ginamit din niya ang
solar sequence upang sumalungat sa orihinal na sistema. Ginamit niya ang mga
tradisyon ng mga Fariseo upang sirain ang Post Temple Judaism at bandang huli
ay makikita ang kanilang pagkapuksa kung hindi sila magsisisi sa panahon ng mga
Saksi (tingnan ang [141D]).
Ang kasalukuyang Kalendaryo na
nagsisimula ang araw sa Hatinggabi at ang simula ng taon na sumusunod sa
solstice at sa buwan na ipinangalanan para sa diyos na si Janus na siyang Diyos
ng mga Pasimula at Mga Pagtatapos ay lubos na heresiya at ipinatupad ng Roma sa
mga nakaraang taon ca 1752 sa UK.
Ang Kalendaryo ng Diyos ang magiging
tanging kalendaryong pahihintulutan sa sistemang milenyal at ito ay susundin sa
ilalim ng parusang kamatayan.
Tingnan din ang katayuan ng
Mistisismo sa Judeo Christianity (Mysticism
and the Origin of World Religions chapter 4 (B7_4)).
Tingnan din ang Mysticism in Islam (B7_5.
Reinkarnasyon/Liberation Theology
Ang kasinungalingan na ibinigay ni
Satanas kina Adan at Eva na "tiyak na hindi kayo mamamatay" ay
itinanim sa Doktrina ng Reinkarnasyon sa “wheel of rebirth.”
Sa una ito ay isang walang
katapusang siklo ng muling pagsilang sa iba’t ibang mga anyo. Nakita ng mga
Celt ito bilang muling pagsilang sa kadalasan ay sa anyong tao, ngunit hinati
ito ng mga Hindu ayon sa uri at caste system; (Mysticism Chapter 6
Indian Religious Systems (B7_6)). Ang mga Budista sa ilalim ni
Buddha noong Ika-anim na siglo BCE ay hinati ito sa pamamagitan ng batas ng
Dharma bilang isang merit/demerit na sistema ng pagtanggi, upang ang isa ay
makaakyat sa pagtanggi sa pag-iral at pagkatapos ay maabot ang Nirvana bilang
isang kalagayan ng pag-iral na wala ang diyos; (Mysticism Chapter 7
Buddhism (B7_7)).
Ire-regula ang mga sistemang ito sa
ilalim ng sistemang panrelihiyon ng NWO sa ilalim ng doktrina na lahat tayo ay
umaakyat sa iisang bundok sa iba't ibang landas. Ang napakaraming diyos na
kinikilala sa loob ng sistemang ito at yaong mga pinalitan din ng arhants sa Budismo, ay lubos na
naghihiwalay sa kanilang mga sistema mula sa Kasulatan, kaya’t ang kanilang mga
sistema ay dapat wasakin at ang kanilang mga sistema ay i-regula sa ilalim ng
pagtuturo (Mysticism Chapter 8 East
Asia, China and Japan (B7_8)). Walang magiging tunay na
pagtalakay tungkol sa pananampalataya hangga’t hindi natin mapasuko ang
kanilang mga bansa at simulan ang kanilang muling pag-aaral.
Sa halos lahat ng pagkakataon, ang
mga Liberation systems ay may kasamang Animism at pagsamba sa mga ninuno at
walang saysay na mga paghahalo ng idolatriya at Mistisismo na ipinaliwanag
natin sa akda (tingnan din ang Mysticism Chapter 9 South
East Asian Systems (B7_9)).
Ang Taoism ay pareho ring
pilosopikal at panrelihiyong sistema.
Sa mga sistemang ito ng Asyano, ang
Confucianism bilang isang anyo ng Pilosopiya ay naging isang panrelihiyon at
etikal na sistema sa sarili nitong karapatan.
Ang mga Komunistang Tsino ay
gumagamit ng iba’t ibang paraan ng pagkontrol sa lipunan ngunit sila rin ay
magiging bahagi ng mga pagkilos laban sa Mesiyas kasama ang iba pang mga hari
ng Silangan laban sa Mesiyas sa Bahagi III.
Si Satanas ay kumilos upang
paghiwalayin ang mga grupo sa mga bansa at mga lipi sa buong mundo. Ang
pangunahing layunin ay usigin ang Katawan ni Cristo at yurakan ito upang
kakaunti lamang hangga't maaari ang makaligtas.
Ang lahat ng mga kasangkapan na ito
ni Satanas at ang kanilang likas na anti-Semitism ay maayos at masusing
susugpuin.
Titingnan natin ngayon ang Iglesia
bilang Katawan ni Cristo at kung bakit maaari lamang magkaroon ng iisang
iglesia, iisang Panginoon, iisang Pananampalataya at iisang Bautismo.
Ang Iglesia bilang Katawan ni Cristo
Kung kayo ay tinawag at napabilang
sa mga Sabbatarian Churches of God sa mga huling araw kayo ay sasailalim sa
Kapighatian. Ang daang inyong pinili ay
hindi madali. Ngunit batid ito ng Diyos. Kayo ay itinalaga maging bahagi ng mga
hinirang mula pa sa pagkakatatag ng sanlibutan. Pansinin kung ano ang sinabi ni
Pablo sa mga Romano sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa unang Iglesia.
Sila ay sinubok at sila ay nagdusa ngunit unti-unting nadaig ng mga Gnostics at
ng mga sumasamba tuwing Linggo ng Triune God at ng Sinaunang Inang Diyosa na
sistema. Ang sistemang iyon ay kumalat sa buong mundo at nananaig hanggang
ngayon. Kayo ay tinawag bilang isang maliit na kawan at kailangan ninyong
harapin ang mga kakila-kilabot na pagsubok na ipinataw sa inyo ng mga sistemang
ito ng Trinitarian, na mga sistemang sumasamba tuwing Linggo tulad ng pagsubok
sa Rwanda na kung saan sinikap ng mga Trinitarian na puksain ang mga Tutsi na
gustong lipulin sila dahil lamang sa hinala nila na maaaring may kaugnayan sila
sa mga sinaunang Israelita at mga Sabbatarians ng Abyssinia.
May layunin ang lahat ng nangyayari
at tayo ay nakatakda para sa dakilang layuning iyon. Mayroong limang mga grupo
ng iglesia mula sa Pito na makakapasok bilang mga iglesia. Tanging ang Sardis
at Laodicea sa mga huling araw ang hindi pinahihintulutang makapasok bilang mga
iglesia ngunit ang kanilang mga miyembro ay pipiliin bilang mga indibidwal gaya
ng makikita natin sa Apocalipsis kabanata 3. Kailangan nilang magsisi at umalis
sa kanila patungo sa sistema ng Filadelfia.
Roma 8:18-39
18 Itinuturing ko na ang pagtitiis sa
panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang
mahahayag sa atin. 19 Sapagkat ang masidhing inaasam ng sangnilikha
ay ang inaasahang paghahayag ng mga anak ng Diyos. 20 Sapagkat ang
sangnilikha ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kanyang kalooban, kundi
dahil doon sa sumakop sa kanya, sa pag-asa 21 na ang sangnilikha
naman ay mapapalaya mula sa pagkaalipin sa kabulukan tungo sa kalayaan ng
kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.
Alam natin mula sa tekstong ito na
mayroong layunin para sa sangnilikha. Isinailalim ng Diyos ang sangnilikha sa
kawalang kabuluhan sa pag-asa na sa pamamagitan ng pag-iral at pagkilos nito
ang sangnilikha, na ginawa para sa pagpapaunlad ng human species upang maturuan
ito ng pag-aaruga at pagharap sa mga kahihinatnan ng kanyang mga desisyon, ay
inaasahang aabot sa isang mas mataas na antas ng kalayaan, na katumbas ng
kalayaang makukuha ng mga anak ng Diyos. Kaya ang kabulukan na dinaranas nito
ay magiging tulad ng kabulukan na dinaranas ng kalagayan ng tao at mapapalaya
kasama ang mga anak ng Diyos sa kanilang pagkaluwalhati.
22 Sapagkat nalalaman natin na ang
buong sangnilikha ay sama-samang dumaraing at naghihirap sa pagdaramdam
hanggang ngayon. 23 At hindi lamang sangnilikha, kundi pati naman
tayo na mayroong mga unang bunga ng Espiritu, na tayo nama'y dumaraing din sa
ating mga sarili, sa masidhing paghihintay ng pagkukupkop, ang pagtubos sa
ating katawan.
Ang sangnilikha ay dumaraing at
naghihirap sa pagdaramdam ng halos dalawang libong taon na ang nakakaraan.
Gaano pa kaya ang pagdurusa nito ngayon sa mga Huling Araw na ito? Ang tunay na
problema ay hindi ito nagdurusa mula sa Global Warming. Ito ay sa halip ay
lumalabas mula sa huling Mini Ice Age na sa katotohanan ay nagsimula lamang
tatlong daan at limampung taon na ang nakalilipas. Makikita natin kung kailan
nangyari iyon mula sa kuta sa Cape Town, SA. Ang kuta ay itinayo noong unang
bahagi ng 1600s SA sa mismong hangganan ng tubig. Ngayon ay ilang kilometro na
ang layo nito mula sa dagat. Babalik ito sa baybayin sa sandaling uminit muli
tayo. Ang mga siyentipiko ng greenhouse gas emissions ay mali (tingnan Global Warming - Historical Cycles (No. 219B)). Nilalason natin ang planeta at
titigil din iyon sa lalong madaling panahon. Ang ating pag-asa ay ang bagay na
magliligtas sa atin. Darating si Cristo upang iligtas ang mga sabik na
naghihintay sa kanya.
Sinisiyasat ng Diyos ang mga puso ng
sangkatauhan at ang Banal na Espiritu ay namamagitan para sa atin at ginagawang
malinaw ang ating mga pangangailangan at hangarin kung saan tayo mismo ay hindi
kayang ipahayag ang ating tunay na saloobin sa panalangin ayon sa kalooban ng
Diyos. Sa ganoong paraan tayo ay naligtas ayon sa kalooban ng Diyos.
24 Sapagkat tayo'y iniligtas sa pamamagitan ng pag-asang ito,
ngunit ang pag-asang nakikita ay hindi pag-asa, sapagkat sino nga ang umaasa sa
nakikita? 25 Subalit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita,
hinihintay natin itong may pagtitiis. 26 At gayundin naman, ang
Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan; sapagkat hindi tayo marunong
manalangin nang nararapat; ngunit ang Espiritu mismo ang namamagitan na may mga
daing na hindi maipahayag; 27 ngunit ang Diyos na sumisiyasat ng mga
puso ay nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagkat siya ang
namamagitan dahil sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos.
Yaong mga tinawag alinsunod sa
Kanyang layunin ay pinauunlad upang ang lahat ng mga bagay na kanilang
nararanasan ay magtulungan para sa
ikabubuti.
28 At nalalaman natin na sa lahat ng
mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila
na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.
Ang pangunahing punto ay tinawag
sila alinsunod sa Kanyang layunin.
Maraming tinawag ngunit kakaunti ang pinili. Tanging ang mga hinirang lamang
ang pinili ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit pumapasok ang mga tao sa
Iglesia ng Diyos at pagkatapos ay muling umaalis, lumilipat-lipat sa iba’t
ibang lugar. Ito ang mga tinawag ngunit hindi pinili. Hinahangad nilang gawin
ang kanilang sariling kalooban at hindi nila kayang gawin ang kalooban ng
Diyos. Marami sa kanila ay mga ministro na humahati sa mga iglesia at
nangangaral ng huwad na doktrina upang akitin para sa kanilang sarili ang mga
nagsisikap na hanapin ang Diyos at mga may pera upang tumulong sa kanila.
Gayunpaman, itinalaga na ng Diyos
ang mga nakilala Niya nang una pa man bago pa natatag ang sanlibutan. Ang mga
taong ito ay itinalaga na, na maging katulad ng larawan ng Kanyang Anak.
29 Sapagkat ang mga nakilala niya nang
una pa ay itinalaga naman niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak,
upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid; 30 at yaong
mga itinalaga niya ay kanya namang tinawag at ang mga tinawag niya ay itinuring
niyang ganap; at ang mga itinuring na ganap ay niluwalhati din naman niya. 31
Ano nga ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi
natin, sino ang laban sa atin?
Kaya sa prosesong ito, nagsimula
Siyang ariing-ganap tayo. Hindi ibig sabihin nito na ipinagtatanggol Niya tayo,
kundi sa halip ay pinauunlad Niya tayo at hinuhubog maging katulad sa larawan
ng Kanyang Anak upang tayong lahat ay maging lubos na inaring-ganap, tulad ng
pag-aayos natin sa ating mga isinulat upang maging perpekto ang kaayusan, gaya
ng kung paanong tayo man ay inaayos upang luwalhatiin tulad ni Cristo na
niluwalhati ng Kaluwalhatian ng Diyos.
Kaya't hindi ipinagkait ng Diyos si
Cristo, ang Kanyang sariling anak, kundi ibinigay siya para sa atin upang tayo
ay maligtas, mapanumbalik at maluwalhati upang tayong lahat ay makatanggap ng
mga kaloob at kaluwalhatiang na kay Cristo.
32 Siya na hindi ipinagkait ang kanyang
sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit naman hindi ibibigay
sa atin nang walang bayad ang lahat ng mga bagay?
Sa parehong paraan, lumalakad tayo
sa harap ng Diyos at pinagpapala at inililigtas ng Diyos sa pamamagitan ng
Katawan ni Cristo. Ang Banal na Espiritu ang tanging bagay na makapagtuturo ng
ating pagkakasala sa harap ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Si Satanas ang
nag-aakusa sa mga kapatid ngunit wala siyang kakayahang humatol o makitungo sa
atin. Siya at ang mga demonyo ay nasa ilalim ng ating kapangyarihan at mula pa
nang ordinahan ang pitumpu’t [dalawa] at ang Banal na Espiritu ay nagdadala ng
pitumpu't [dalawa] sa katawan at itinatatag ito sa katawan sa patuloy na
batayan upang tayo, bilang pitumpu't [dalawa], ay bumuo ng konseho ng paghatol
sa Iglesia at tayo ay ibinukod at dinadala sa kaluwalhatian taon-taon, hanggang
sa pagtubos ng ating mga katawan sa pagdating ng Mesiyas sa katapusan ng
kapanahunang ito. Tayo ang Sanhedrin ng Diyos sa Lupa.
33 Sino ang magsasakdal ng anuman laban
sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos ang siyang umaaring-ganap. 34 Sino
ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, siyang muling binuhay mula sa mga
patay, na siya ring nasa kanan ng Diyos, na siya ring namamagitan para sa
atin.
Bagama't si Cristo ang humahatol sa
atin, siya rin ay namamagitan para sa atin at dinadala tayo sa kaligtasan at
kaluwalhatian sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa ng Banal na
Espiritu.
Kaya't tayong mga dinadala ngayon sa
Pananampalataya, ay dapat magnilay sa pagtawag na ibinigay sa atin. Dapat
tayong maging kontento sa mga sitwasyong kinalalagyan natin kung saan tayo
tinawag at sa paraan ng ating paghahanap sa ating sarili. Ang pag-ibig ni
Cristo ang tutulong sa atin sa lahat ng pagsubok at kapighatian.
35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa
pag-ibig ni Cristo? Ang kahirapan ba, o ang kapighatian, o ang pag-uusig, o ang
taggutom, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? 36 Gaya ng
nasusulat, “Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw; kami ay itinuring na
mga tupa sa katayan.” 37 Ngunit sa lahat ng mga bagay na ito, tayo'y
higit pa sa mga nagtatagumpay sa pamamagitan niya na sa atin ay umibig. 38
Sapagkat ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, ni ang buhay, ni
ang mga anghel, ni ang mga pinuno, ni ang mga bagay na kasalukuyan, ni ang mga
bagay na darating, ni ang mga kapangyarihan, 39 ni ang kataasan, ni
ang kalaliman, ni ang alin pa mang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin
sa pag-ibig ng Diyos, na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Lahat tayo ay dapat magpasalamat sa
Diyos sa Kanyang ginagawa para sa atin at sa pamamagitan natin. Si Satanas at
ang sanlibutang ito ay walang kapangyarihan sa atin maliban sa ibinigay sa
kanila mula sa itaas.
Ito ay bilang bahagi ng Katawan ni
Cristo na tayo ay tinawag na maging Israel ng Diyos sa Pagpapanumbalik, gaya ng
makikita natin ngayon. Ang mga hinirang ng mga banal ay yaong mga tumutupad sa
mga Kautusan ng Diyos at sa Pananampalataya at Patotoo ni Jesucristo (Apoc.
12:17; 14:12). Kaya't ang mga Kautusan ng Diyos ay mananatili magpakailanman at
tayo’y sumusunod kay Cristo at ginagawa ang eksaktong ginawa niya.
Si Satanas ang napopoot kay Cristo
at itinuro niya ang anti-Semitism sa mga bansa kung kaya't nilalabanan nila ang
pagsunod sa Diyos at sa Kautusan at kaya naalis ang kanilang karapatan sa
Israel ng Diyos na siyang mana ng Mesiyas bilang subordinate Elohim ng Israel
(Deut. 32:8). Sa entidad na ito at sa kanyang pinagsama-samang espirituwal na
katawan na ang buong sangnilikha ay nakatakdang maging bahagi at maliban kung
nauunawaan ng isang tao ang katotohanang ito ay hindi siya makapapasok sa
kaharian ng Diyos. Tayo ay nakatakdang maging elohim o theoi bilang mga anak ng
Diyos, tulad ng Anghel ni Yahovah sa ating unahan at ang Kasulatan ay hindi
masisira (Zac. 12:8; Jn. 10:34-35).
Ang Iglesia bilang Israel ng Diyos
Inilaan ng Diyos para sa Kanyang
sarili bilang pamana sa Mesiyas ang bansang Israel samantala ibinigay Niya ang
iba pang mga bansa sa mga anak ng Diyos.
Ang RSV ay ang tamang pagsasalin
dahil ang MT ay binago ng mga Masoretes. Pinagtibay rin ito ng LXX at ng DSS.
Dito ibinigay ni Eloah bilang Elyon ang pamana sa mga bansang nasa ilalim ng
mga elohim o ng mga sons of God.
Ngunit ang bahagi ng Panginoon ay si Jacob o si Israel. Kaya’t ang Mesiyas ang naging bituin na
lalabas mula kay Jacob (Blg. 24:17). Siya ang magiging Tala sa Umaga na papalit
kay Satanas bilang Lucifer o Tagapagdala ng Liwanag.
Deuteronomy 32:8-15 When the Most
High gave to the nations their inheritance, when he separated the sons of men,
he fixed the bounds of the peoples according to the number of the sons of God. 9
For the LORD's portion is his people, Jacob his allotted heritage. 10
"He found him in a desert land, and in the howling waste of the
wilderness; he encircled him, he cared for him, he kept him as the apple of his
eye. 11 Like an eagle that stirs up its nest, that flutters over its
young, spreading out its wings, catching them, bearing them on its pinions, 12
the LORD alone did lead him, and there was no foreign god with him.13
He made him ride on the high places of the earth, and he ate the produce
of the field; and he made him suck honey out of the rock, and oil out of the
flinty rock. 14 Curds from the herd, and milk from the flock, with
fat of lambs and rams, herds of Bashan and goats, with the finest of the wheat
-- and of the blood of the grape you drank wine. 15 "But
Jesh'urun waxed fat, and kicked; you waxed fat, you grew thick, you became
sleek; then he forsook God who made him, and scoffed at the Rock of his
salvation. (RSV)
Deuteronomio 32:8-15 Nang ibigay ng
Kataas-taasan sa mga bansa ang kanilang pamana, nang kanyang ihiwalay ang mga
anak ng tao, kanyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan, ayon sa bilang ng
mga anak ni Israel. 9 Sapagkat ang bahagi ng Panginoon ay ang
kanyang bayan; si Jacob ang bahaging pamana niya. 10 “Kanyang
natagpuan siya sa isang ilang na lupain, at sa kapanglawan ng isang umuungal na
ilang; kanyang pinaligiran siya, kanyang nilingap siya, kanyang iningatan
siyang parang sarili niyang mga mata. 11 Gaya ng agila na ginagalaw
ang kanyang pugad, na pumapagaspas sa kanyang mga inakay, kanyang ibinubuka ang
kanyang mga pakpak, na kinukuha sila, kanyang dinadala sa ibabaw ng kanyang mga
pakpak: 12 tanging ang Panginoon ang pumapatnubay sa kanya, at
walang ibang diyos na kasama siya. 13 Kanyang pinasakay siya sa
matataas na dako ng lupa, at siya'y kumain ng bunga ng bukirin, at kanyang
pinainom ng pulot na mula sa bato, at ng langis na mula sa batong kiskisan. 14
Ng mantika mula sa baka, at gatas mula sa tupa, na may taba ng mga kordero, at
ng mga tupang lalaki sa Basan, at mga kambing, ng pinakamabuti sa mga trigo; at
sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak. 15 “Ngunit tumaba si Jeshurun
at nanipa; ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis. Nang
magkagayo'y tinalikuran niya ang Diyos na lumalang sa kanya, at hinamak ang
Bato ng kanyang kaligtasan. (AB01)
Dahil sa idolatriya na ito ang
Israel ay pinarusahan at iyon ay magpapatuloy hanggang sa mga Huling Araw gaya
ng mga kasalanan ng Sodoma at Gomorra. Gayunpaman, isusugo ng Diyos ang Mesiyas
at ang Hukbo upang muling tipunin ang Israel at ipanumbalik sila sa mga Huling
Araw (cf. ang mga Awit ni Moises hanggang sa huli sa vv. 16-43). Tingnan din ang babala ni Moises sa Israel
tungkol sa patuloy na paglabag sa kautusan at kung ano ang mangyayari sa
kanila. Pagkatapos ay sinabi ng Panginoon kay Moises na umakyat sa Mt Nebo ng
Abarim at doon pumanaw tulad ng pagpanaw ni Aaron sa Mt Hor. Hindi siya
pinayagang pumunta sa Banal na Lupain dahil hindi niya iginalang ang Panginoon
sa Meribath Kadesh sa ilang ng Zin.
Pagkatapos ay inilahad ni Moises ang
mga pagpapala ng Israel simula sa kabanata 33:1 at pagkatapos ay dinala siya ng
Panginoon sa Bundok at ipinakita ang lahat ng mga lupain na ibibigay sa Israel
bilang kanilang mana magpakailanman (Deut. 34ff).
Ang huwad na relihiyon sa Israel sa
mga huling araw ay napakalalim anupat kailangan itong lipulin gaya ng inihula
sa Amos 8, lalo na sa talata 3, kung saan ang kanilang pagsamba ay makikita
bilang ‘pananambitan’ o ‘panaghoy’. Ang
teksto sa Amos 8:3 ay nagsasabi:
At ang mga awit sa templo ay
magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga
bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon.
Si Lea at Raquel ay naglalarawan kay
Cristo sa kanyang ugnayan sa Pisikal at Espirituwal na Israel gaya ng
ipinaliwanag sa araling Leah and Rachel (No. 295).
Mayroong espirituwal na kahalagahan
ang pangingilin ng Mga Bagong Buwan ng Israel [132]. May papel sila sa pagtukoy kung
kailan ang mga Kapistahan, mga Bagong Buwan at mga Sabbath para sa pagtatalaga
ng mga konseho ng mga hinirang tungo sa 144,000 ng pangunahing pagkasaserdote
ng Diyos (cf. Ang mga pag-aani ng Diyos, Ang mga Hain sa Bagong Buwan, at ang
144,000 [120]).
Mayroon ding kahalagahan sa Kuwento
ni Esther na parehong malinaw sa pagiging payak nito bilang isang Biblikal na Kuwento ni Esther at ang Kahulugan nito [CB038] at bilang isang propesiya sa
araling Commentary on Esther
(F017)
na tumatalakay sa mga hinirang bilang Israel sa ilalim ng Mesiyas sa mga
digmaan sa mga huling araw (tingnan din Commentary on Esther Part
II: Purim in the Last Days (F017B).
Alalahanin din ang Covenant of God (No. 152) gaya sa itaas na itinatag kasama ng
sangkatauhan. Ang buong sangkatauhan ay magiging bansa ng Israel sa ilalim ng
Mesiyas at ng mga propeta sa mga Huling Araw upang tayong lahat ay maging iisa
sa ilalim ng Diyos. Kaugnay nito, ang Paskuwa at ang Hapunan ng Panginoon ay
may malaking kahalagahan at nakabalangkas din sa Ang Pitong Dakilang Paskuwa ng Bibliya [107]
Dahil dito, itinalaga tayong lahat
na maging isang bayan sa ilalim ng Diyos kasama ang Mesiyas sa unahan natin
(Zac. 12:8) at ang mga patriyarka at mga propeta bilang ating mga pinuno bilang
mga saserdote ng Diyos kasama ang mga hinirang sa 144,000 at sa pamamagitan ng
Lubhang Karamihan. Dahil diyan, ang Kalendaryo ng Diyos ay dapat na
maipanumbalik at ang sangnilikha ay dapat patakbuhin ayon sa God’s Calendar (No. 156).
Tayo’y magpapatuloy ngayon sa Wars of the End Part IVB: End of the Age (No. 141F_2).
q