Christian Churches of God
No. 052
Pagsisisi at Bautismo
(Edition
2.1 19940903-19980505-20070626)
audio
Ang araling ito ay tumatalakay sa mga doktrina tungkol sa predestinasyon at
sa pagtawag ng Diyos. Ang pagsisisi at pagbabalik-loob ay ipinakikitang
kinakailangan bago ang bautismo at sumusunod din ito sa buhay ng Cristiano.
Christian Churches of God
E-mail:
secretary@ccg.org
(Copyright
©
1994, 1998, 2007
Wade Cox)
(Tr. 2024)
This paper may be freely copied and distributed
provided it is copied in total with no alterations or deletions. The
publisher’s name and address and the copyright notice must be included.
No charge may be levied on recipients of distributed copies.
Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews
without breaching copyright.
This paper is available from the World Wide Web
page:
http://logon.org and
http://ccg.org
Pagsisisi at Bautismo
Dapat basahin kasabay ng
audio
Ang mga doktrina tungkol sa predestinasyon
Ang pagpasok sa Kaharian ng Diyos ay isang gawa ng biyaya.
Walang sinumang makakalapit sa Diyos sa pamamagitan ng
kanyang sariling pang-unawa.
Hindi ito isang
prosesong intelektwal. Kung gayon ito, ang mga akademiko ang unang
makakapasok sa Kaharian ng Diyos. Ngunit maliwanag na hindi sila ang mga
unang papasok, batay sa kanilang mga sinasabi.
Lahat ng tao ay nagkakasala. Ang sangkatauhan ay walang Banal na Espiritu.
Samakatuwid ang pag-iisip ng tao ay salungat sa Diyos. Kaya't sinasabi ng
Kasulatan na ang kaisipan ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos (Rom. 8:7).
Ito ay isinalin bilang: the mind that
is set on the flesh is hostile to God sa RSV.
Ang dahilan ay ang kalikasan ng Diyos ay naipapasa sa pamamagitan ng Banal
na Espiritu.
Kung wala ang Banal na Espiritu ay salungat tayo sa
Kautusan dahil wala tayong kalikasan ng Diyos.
Ang kalikasang iyon ay nagmula sa Diyos bilang sentro ng kabutihan. Ang
Diyos ay katotohanan, at ang katotohanan lamang ang makapagpapalaya sa atin
(Juan 8:32). Kaya ang katotohanan ay isang konsepto na dumadaloy mula sa
Espiritu, na nagpapabanal sa mga hinirang (Juan 17:17-19).
Kaya't hindi tayo maaaring maging bahagi ng Kaharian nang hindi
napagkalooban ng Banal na Espiritu. Ang Espiritung iyon ay lumalayo sa
kasalanan. Kaya't ang Diyos ay kailangang gumawa ng desisyon na bigyang-daan
ang mga hinirang sa Espiritu sa pagkaalam na hindi sila mabibigo. Ginagawa
Niya ito mula sa Kanyang divine omniscience. Tayo ay tinawag sa Kanyang
kapahingahan, simula kay Cristo (1Ped. 1:20), at nakasulat sa Aklat ng Buhay
mula nang itatag ang sanlibutan (Apoc. 17:8). Ang Kanyang mga gawa ay
natapos na bago pa itatag ang sanlibutan (Heb. 4:3). Ang mga hinirang ay
gawa ng Diyos.
Ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang
nagbubukas ng isipan ng lahat ng hinirang simula sa mga Apostol upang
maunawaan ang Kasulatan (Luc. 24:45). Ito ang dahilan kung bakit nagsalita
si Cristo sa pamamagitan ng mga talinghaga upang hindi maunawaan ng mga
hindi pinili. Kaya't sila ay magbabalik-loob at maliligtas (Mat. 13:10-17)
bago sila magkaroon ng kakayahang pumasok sa paghuhukom. Ang Diyos ay
maawain at hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak (2Ped. 3:9). Kaya sa
pamamagitan ng Kanyang divine prescience, ang bawat isa ay tinawag ayon sa
Kanyang layunin. Sapagka't yaong mga nang una pa'y Kaniyang nakilala, ay
itinalaga Niya na maging katulad ng larawan ng Kaniyang Anak, upang siya ang
maging panganay sa maraming magkakapatid. Yaong mga itinalaga Niya, ay
Kaniyang tinawag naman; ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya; at ang
mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya. Ano ang ating sasabihin sa
mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?
(Rom. 8:28-31). Tingnan din ang araling
Predestination (No. 296).
Pagsisisi at pagbabalik-loob
Para mabuhay ang sangkatauhan, o magkaroon ng buhay na walang hanggan,
kinakailangan ng Diyos na ito ay magsisi. Maliban kung ito ay magsisi ito ay
mapapahamak (Luc. 13:3,5). Si Cristo ay isinugo upang tawagin ang
sangkatauhan sa pagsisisi (Luc. 11:32).
Sinimulan ni Cristo ang
kanyang ministeryo pagkatapos ng pagkabilanggo ni Juan Bautista (Mat.
4:12,17). Ang pagkabilanggo kay Juan ay naganap pagkatapos ng Paskuwa ng 28
CE (Juan 3:22-24; Mat. 4:12) ang Paskuwa pagkatapos ng pagsisimula ng
ministeryo ni Juan sa ikalabinlimang taon ni Tiberio (Luc. 3:1). Mula doon
ay nagsimulang mangaral si Jesus na nagsasabing: “Mangagsisi kayo; sapagka't
malapit na ang kaharian ng langit.” (Mat. 4:17). Inatasan ni Cristo ang
kanyang mga alagad na ipangaral ang ebanghelyo ng pagsisisi, na binibigyan
sila ng awtoridad laban sa mga demonyo o masasamang espiritu (Mar. 6:7,12;
Luc. 10:1,17-20).
Dalawang bagay ang mahalaga sa pagsisisi. Ang una ay ang pagkakaroon ng
kaalaman sa kasalanan at ang pagkilala na nagkasala tayo (Rom. 3:23).
Pangalawa ay ang kakayahang magbalik-loob sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang
Salita. Kaya kailangan tayong bigyan ng kakayahang maunawaan ang kalikasan
ng kasalanan at ang nilalaman ng mga Misteryo ng Diyos. Ang mga hinirang ay
binigyan ng kapangyarihan laban sa mga demonyo para lamang ipakita na ang
kanilang mga pangalan ay nakasulat sa Langit at upang kontrolin ang mga
kilos at kalagayang kanilang kinakaharap sa mga espirituwal na laban. Kaya't
sila ay may kumpiyansa na mas malakas sila kaysa sa kapangyarihan ng mga
demonyo.
Ang pagsisisi ay itinuro bilang panimula sa pag-aalis ng kasalanan (o
kasamaan; Mga Gawa 8:22) upang ang mga panahon ng kaginhawahan ay dumating
mula sa harapan ng Panginoon; upang Kanyang suguin ang Cristo na itinalaga
para sa atin (Mga Gawa 3:19-20).
Si Cristo sa gayon ay hindi isinugo sa atin hanggang magkaroon pagsisisi.
Ito ay isang patuloy na proseso. Si Cristo ay isinugo sa isang indibidwal na
batayan gayundin minsan at magpakailanman.
Ang mga Trinitarian ay nahihirapan sa pag-unawa sa prosesong ito dahil sa
hindi pagkaunawa sa Godhead.
Ang mga panahon ng kahangalan, gaya ng tawag dito, ay pinalampas na nga ng
Diyos ngunit pagkatapos ni Cristo ay ipinag-uutos niya sa lahat ng tao na
magsisi, na nagtakda ng araw ng paghuhukom para sa kanila (Mga Gawa 17:30).
Kaya ang pagsisisi ay ipinaabot sa mga Gentil (tingnan din sa Mga Gawa
15:3).
Ang kamalayan sa kasalanan at ang kawalang-halaga ng makasalanan ay ang
pangunahing salik sa pagsisisi. Kaya ang pagmamatuwid ang pinakamasama sa
mga kasalanan dahil hindi nakikita ng makasalanan ang kanyang sariling
kakulangan. Ito ay panlilinlang sa sarili.
Inalis ng Diyos ang ating kasalanan
kung gaano ang layo ng silangan sa kanluran (Awit 103:12). Pansinin ang
pangkalahatang diwa ng Awit 103:6-14.
Awit 103:6-14
Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa at katarungan sa
lahat ng naaapi. 7 Kanyang ipinaalam ang kanyang mga daan kay
Moises, ang kanyang mga gawa sa mga anak ni Israel. 8 Ang
Panginoon ay mahabagin at mapagbiyaya, hindi magagalitin at sa tapat na
pag-ibig ay sagana. 9 Hindi siya laging makikipaglaban, ni
pananatilihin ang kanyang galit magpakailanman. 10 Hindi niya
tayo pinakikitunguhan ayon sa ating mga kasalanan, ni ginantihan tayo nang
ayon sa ating mga kasamaan. 11 Sapagkat kung paanong ang mga
langit ay mataas kaysa lupa, ang kanyang tapat na pag-ibig sa mga natatakot
sa kanya ay gayon kadakila! 12 Kung gaano ang layo ng silangan sa
kanluran, gayon inilayo niya sa atin ang ating mga pagsuway. 13
Kung paanong ang ama ay nahahabag sa mga anak niya, gayon nahahabag ang
Panginoon sa mga natatakot sa kanya. 14 Sapagkat ang ating
kalagayan ay kanyang nalalaman, naaalala niya na tayo'y alabok. (AB01)
Mula sa pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos ang nagsisising makasalanan ay
kinakailangang gumawa ng mga gawang karapat-dapat sa pagsisisi (Mga Gawa
26:20). Dapat nating baguhin ang ating pag-uugali. Ang kasalanan ay hindi
nagaganap nang aksidente; ito ay nagmumula sa paghubog ng isip. Ang isip ay
nagtatamo ng pangmatagalang alaala na isang physio-chemical reaction sa
utak. Kaya mahirap para sa mga tao na labanan ang kasalanan. Dapat nilang
baguhin ang mismong mga proseso ng pag-iisip. Ito ang batayan ng tekstong:
Give your works to God and He will
establish your thoughts. Ito ay ipinahayag sa RSV bilang:
Give your works to the Lord and he will establish your plans (Prov.
16:3; cf. din 2Cor. 10:5).
Maaring mas malinaw ang KJV sa pagpapakita ng mas malawak na kahulugan ng
pagkilos ng utak. Ito ay isang patuloy na proseso. Ang ilang mga
istrukturang panlipunan ay masyado nang malala na hindi na nila malampasan
ang kanilang mga suliranin. Winasak ng Diyos ang Sodom dahil hindi na ito
maitutuwid sa itinakdang panahon at operasyon ng Plano at ang kanilang
kakayahang tanggapin ang pagsisisi.
Sa madaling salita napakalayo na nila sa pag-iisip
upang tumugon sa mga mensaheng ibinibigay sa kanila. Kaya't ang Panginoon ay
hindi pinahintulutan ng mga tao na muling ayusin ang mga bansa sa mga Huling
Araw na ito, kahit na ang patotoo ng propesiya at Kasulatan ay nasa harapan
nila.
Ito ang dahilan kung bakit ang Sodoma ay hahatulan
ang ating bayan (Mat. 11:23-24; Mar. 6:11; Luc. 10:12) – dahil mayroon
tayong mensahe ni Cristo at sila wala.
Kaya ang tawag ng Diyos ayon sa itinalagang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ang unang bahagi o yugto ng proseso ng pagpasok sa Kaharian ng
Diyos. Alam ng Diyos ang wakas mula sa simula. Hindi niya itatalaga ang mga
taong mabibigo. Kaya, marami ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili (Mat.
22:14).
Sadyang hindi dinadala ng Diyos ang mga tao sa paghuhukom hangga't hindi
sila napapailalim sa proseso. Kaya ang mga tinawag ngunit hindi napili ay
bumabalik lamang sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Halimbawa, lahat ng mga
nabautismuhan sa Iglesia sa kasalukuyan at bumalik sa Trinitarianismo ay
mapupunta sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Hindi lamang na dinadala sila
sa paghuhukom. Hindi inihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kanila. Ang
kinakailangan para sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli, iyon ay ang pagkakaroon
ng buhay na walang hanggan, ang makilala ang Nag-iisang Tunay na Diyos at
ang Kanyang Anak na si Jesucristo (Juan 17:3). Ang Juan 17:3 ay angkop sa
parehong pagkabuhay na mag-uli at para sa lahat ng tao. Walang mananamba ng
huwad na mga diyos, maging sino na nagpapanggap na Cristiano, tulad ng
ginagawa ng Trinitarian halimbawa, o ng iba pang huwad na mga diyos, ang
magmamana ng buhay na walang hanggan kahit sa Ikalawang Pagkabuhay na
Mag-uli. Tuturuan sila mula sa kanilang pagkakamali ng mga hinirang na
magiging kanilang mga guro bilang mga espiritung nilalang. Kung hindi sila
magsisi sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli sila ay mamamatay at susunugin sa
Gehenna. Haharapin nila ang pagpipilian sa loob ng isang daang taon (Is.
65:20). Magsisisi sila o mamamatay!
Nalalapat iyon sa bawat kasalanan sa loob ng kategorya ng mga Utos ng Diyos.
Ang Una at Dakilang Utos – Ibigin mo
ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo at
nang buong pag-iisip mo (Mat. 22:37; Mar. 12:28; Luc. 20:27-40, cf.
Deut. 6:5) – ay sumasaklaw sa unang apat ng Sampung Utos. Ang Ikalawang
Dakilang Utos – Ibigin mo ang iyong
kapwa na gaya ng iyong sarili (Mat. 22:39, cf. Lev. 19:18) – ay
sumasaklaw sa huling anim na Utos. Sa dalawang dakila o sentral na Utos na
ito nakasalig ang buong kautusan at ang mga propeta (Mat. 22:40). Kaya ang
Sampung Utos ay hindi eksklusibo; sila ang pagpapalawak ng dalawang ito at
ang sentro ng Kautusan na ibinigay ng Mesiyas kay Moises sa pamamagitan ng
Banal na Espiritu. Ang pagsisisi ang proseso ng pagbabalik sa Diyos sa loob
ng Kanyang istruktura (Mal. 3:6-12) (cf. ang serye ng Kautusan sa araling
The Law of God (No. L1)).
Ang prosesong ito ng pagbabalik sa Diyos ay nangyayari bilang bahagi ng
pagkilos ng pagkilala o pag-alam sa Diyos (Juan 17:3; 10:37-38). Inihahayag
ni Cristo ang Ama sa indibidwal matapos silang ibigay ng Ama kay Cristo
upang simulan ang proseso (Juan 6:44,57,65). Kaya ang pagtawag ay nagaganap
mula sa simula ng sanlibutan at sistematiko. Ito ang una sa tatlong yugto,
ang ikalawang yugto ay ang bautismo at ang ikatlo ay patuloy na pagsisisi.
Bautismo
Ang lahat ng awtoridad ay ipinagkaloob kay Cristo pagkatapos ng kanyang
pagkabuhay na mag-uli (Mat. 28:18). Inutusan niya ang kanyang mga alagad na
humayo at gumawa ng mga alagad mula sa lahat ng mga bansa binabautismohan
sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Banal na Espiritu (Mat. 28:19),
itinuturo sa kanila na gawin ang lahat ng iniutos ni Cristo. Sa gayon siya
ay mananatiling kasama nila hanggang sa katapusan ng panahon (Mat. 28:20).
Ang pagsisisi ay kailangang samahan ng bautismo upang matanggap ang kaloob
ng Banal na Espiritu (Mga Gawa 2:38). Hindi natin matatanggap ang Banal na
Espiritu maliban kung tayo ay magsisi at mabautismuhan, sa gayon ay
ipanganak na muli. Maliban kung tayo ay ipanganak na muli, hindi tayo
makakapasok sa Kaharian ng Diyos (Juan 3:3,5). Ang pagsisisi ay isang
kondisyon bago ang bautismo at pagtanggap ng Banal na Espiritu. Kaya ang
pagbibinyag ng sanggol ay lohikal na hindi katanggap-tanggap dahil salungat
ito sa Bibliya. Ang bautismo ang una sa dalawang sakramento lamang ng
Iglesia. Ang isa pa ay ang Hapunan ng Panginoon (tingnan ang araling
The Sacraments of the Church (No. 150)).
Ang paunang kondisyon ng pagsisisi ay binigyang-diin sa misyon ni Juan
Bautista, na siyang pasimula sa bautismo ng Banal na Espiritu kay Cristo
(Mar. 1:4,8).
Sinabi ni Juan na si Cristo ay magbabautismo sa Banal
na Espiritu at sa apoy, na tumutukoy sa mga hindi nagsisisi (na inilarawan
bilang dayami) (Luc. 3:16-17).
Ang Banal na Espiritu ay ipinagkaloob sa utos ng Diyos. Sa pamamagitan ng
kahilingan, na ipinapahiwatig ng pagpapatong ng mga kamay, ang Banal na
Espiritu ay pumapasok sa indibidwal.
Ang Banal na
Espiritu ay hindi ipinagkakaloob ng taong nagpapatong ng kamay sa
indibidwal. Ginagawa ito ng tao o mga taong nagpapatong ng kamay bilang
kinatawan ng Iglesia na humihiling sa Banal na Espiritu na kilalanin ang
kahilingan ng Iglesia at ng indibidwal, at pumasok sa tatanggap para sa
anumang aktibidad na kasangkot. Kaya naman ang kondisyon ng opisyal ng
Iglesia ay walang kinalaman sa bisa ng proseso. Sinabi ni Cristo na anuman
ang talian ng dalawa o tatlo sa inyo sa Lupa ay tatalian sa Langit (Mat.
18:18-20).
Mateo 18:18-20
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na anumang inyong talian sa lupa ay
yaong tatalian sa langit; at anumang inyong kalagan sa lupa ay yaong
kakalagan sa langit. 19 Sinasabi ko rin naman sa inyo, na kapag
nagkasundo ang dalawa sa inyo sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang
hinihiling ay gagawin para sa kanila ng aking Ama na nasa langit. 20
Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan,
ay naroroon ako sa gitna nila.” (AB01)
Sa gayon ang Espiritu ay ipinagkaloob ng Diyos para sa bawat aspeto ng
gawain at hindi ipinagkaloob ng sinumang tao. Ang Banal na Espiritu ay
kumikilos bago pa ang bautismo sa pakikitungo sa bawat indibidwal.
Inilalapit ng Espiritu ang mga hinirang sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo
(Heb. 7:25). Ang mga unang bunga ng Espiritu ay ibinibigay sa indibidwal sa
bautismo mula sa Roma 8:23, na malinaw na nagsasaad na ang
pagkukupkop ay hindi mangyayari
hanggang sa pagtubos ng katawan.
Kaya tayo ay ipinanganak na muli
ngunit patuloy na lumalago sa espiritu araw-araw kay Cristo Jesus hanggang
sa makarating tayo sa kaluwalhatian ng Diyos (tingnan ang mga araling
The Spirit of Adoption (No.
34)
at
Born Again (No. 172)).
Ang pagkakaloob ng Banal na Espiritu sa bautismo ay ang
tubig sa mga balon ng kaligtasan na ipinangako ng Diyos sa
pamamagitan ng Kanyang mga propeta (Is. 12:3). Ang tubig na ito ng Banal na
Espiritu ay ang pangako ng Diyos kay Jacob na nakatala sa Isaias 44:3. Ang
Panginoong Diyos ang bukal ng tubig na buhay (Jer. 2:13; 17:13; gayundin
Zac. 14:8). Ito ang ilog ng tubig ng
buhay (Apoc. 22:1). Si Cristo, na nagsasalita tungkol sa Espiritu (Juan
7:39), ay nagsabi na mula sa kanya ang
tubig na buhay ay dadaloy (Juan 4:10-14; 7:38, cf. Is. 21:3; 55:1;
58:11; Ezek. 47:1). Ang Israel ay espirituwal na nilinis sa pamamagitan ng
tubig mula sa Ezekiel 36:25 na siyang tubig ng buhay o ang Banal na
Espiritu. Ang mga hinirang ay kumukuha ng tubig na ito nang walang bayad
(Apoc. 22:17).
Patuloy na pagsisisi
Ang pagsisisi ay isang patuloy na proseso at dapat na maging mas malalim
habang lumilipas ang mga taon pagkatapos ng bautismo. Ang Iglesia sa Efeso
ay tinawag upang magsisi at alalahanin kung saan ito nahulog, at gawin muli
ang mga bagay na ginawa nito noong una (Apoc. 2:5). Gayundin ang Iglesia sa
Pergamo ay tinawag upang magsisi (Apoc. 2:16); gayundin ang Iglesia ng
Tiatira (Apoc. 2:21-22) na iniraratay ang mga apostata sa higaan kasama ng
mga huwad na guro ng relihiyon. Ang Iglesia sa Sardis ay tinawag din upang
magsisi, o si Cristo ay darating sa kanila na parang magnanakaw sa gabi at
hindi nila alam kung anong oras siya darating (Apoc. 3:3). Ang mga iniibig
ni Cristo ay kanyang sinasaway at dinidisiplina. Hinihingi niya na sila (sa
kasong ito ang mga Laodicea) ay magsikap at sila ay magsisi (Apoc. 3:19).
Kaya ang pagsisisi ay tuloy-tuloy para sa lahat ng mga Iglesia ng Diyos na
siyang responsibilidad ng lahat (Sant. 5:19-20).
Kaya ang pagsisisi ang paunang kondisyon sa Kaharian ng Diyos. Kung hindi
dahil sa mga hinirang na Templo ng Diyos (Lev. 26:12; 1Cor. 3:16-17; 6:19;
2Cor. 6:16; Ef. 2:19-22) at bahagi ng proseso na sinimulan ng Diyos mula sa
simula ng sanlibutan ay walang laman na maliligtas na buhay (Mat. 24:22).
Pinahintulutan sana ng Diyos na mamatay ang lahat ng sangkatauhan mula kay
Adan, tulad ng kagustuhan Niyang lipulin ang mga Nephilim (tingnan ang
araling
The
Nephilim (No. 154)).
Ang Diyos ay kumikilos upang harapin ang sangkatauhan sa pamamagitan ni
Jesucristo at ng mga hinirang na isinulat sa Aklat ng Buhay bago ang
pagkakatatag ng mundo. Ang mga hinirang ay itinalagang tawagin. Tinawag sila
sa pagsisisi. Ang pagsisisi ay may kundisyon sa pagtanggap ng Banal na
Espiritu na maaari lamang sumimbolo sa bautismo. Ang pagsisisi ay patuloy
mula sa bautismo upang tayo ay lumago sa Espiritu hanggang sa tayo ay maging
perpekto at makarating sa pagkukupkop, na siyang pagtubos sa katawan.
Yaong mga nangatutulog ay kailangang mabuhay na mag-uli sa laman upang sila
ay maisalin gaya ni Cristo bilang handog ng inalog na bigkis. Ang Mesiyas
ang pinakauna ng mga unang bunga. Siya ay naging anak ng Diyos na may
kapangyarihan mula sa kanyang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay (Rom.
1:4). Tayo rin ay mga unang bunga: ibinigay ang Espiritu noong Pentecostes
at tinubos sa Pagparito. Ang pagkakasunud-sunod ng Banal na Araw ay
kumakatawan sa mga aspetong ito ng ating pagkatawag at pakikipagkasundo sa
Diyos Ama sa pamamagitan ni Jesucristo.
Tingnan ang mga araling
Mga Kapistahan ng Diyos
kung paanong nauugnay ang mga ito sa Paglalang [227]
at
Ang mga Banal na Araw ng
Diyos [097].
q