Christian Churches of God

No. 137

 

 

 

Pagsusukat sa Templo

(Edition 6.0 19950930-19970621-20080707-20100630-20210620-20250217)

 

Ang aralin na ito ay isang mahabang paglalahad tungkol sa pagsusukat sa Templo ng Diyos at sa mga propesiya na kinasasangkutan ng Israel at ng mga bansa sa huling yugto ng tatlumpung taon hanggang sa pagsisimula ng Milenyo. Sinusuri rito ang pagtanggal sa tatlong klase ng pamunuan, ito ay ang mga Saserdote, mga Propeta at mga Prinsipe. Ang paghuhukom sa mga tupa kaugnay sa paraan ng kanilang pakikitungo sa isa't isa ay sentral sa huling yugto ng pagsusukat. Ang talinghaga ng mga tupa at kambing ay marahil mas mauunawaan mula sa tekstong ito. Ang aralin ay may kaugnayan sa pag-unawa sa Mga Saksi (No. 135) at sa Babala ng mga Huling Araw (No. 044) kasama ang mga digmaan ng wakas.

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

 Email: secretary@ccg.org

 

(Copyright © 1995, 1997, 2008, 2010, 2021, 2025 Wade Cox)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 

 

 

Pagsusukat sa Templo

 

Bahagi 1 - Panimula

 

 

Ang pagsukat sa Templo ay tinukoy sa Apocalipsis 11:1-2.

Apocalipsis 11:1-2 Pagkatapos ay binigyan ako ng isang tambong panukat na tulad ng isang tungkod, at sinabi sa akin, “Tumayo ka at sukatin mo ang templo ng Diyos, ang dambana, at ang mga sumasamba roon. 2 Ngunit huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng templo; pabayaan mo na iyon, sapagkat ibinigay iyon sa mga bansa at kanilang yuyurakan ang banal na lunsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. (AB01)

 

Ang prosesong ito ng pagsusukat sa Templo ay isang partikular na gawain sa mga Huling Araw bago ang mga gawain ng dalawang Saksi na tinukoy sa Apocalipsis 11:3f.

Apocalipsis 11:3-4 At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo. 4 Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa. (AB)

 

Ang pagsukat sa Templo ay nagaganap alinsunod sa pagkakasunod-sunod ng mga aktibidad na nauna sa yugto ng 1,260 araw o apatnapu't dalawang buwan. Magkapareho ang sukat ng panahon ng dalawa ngunit magkaiba ang pagkakasaad. Kaya't mahihinuha natin na dalawang magkahiwalay na panahon ang tinutukoy. Lumilitaw na dalawang magkaibang sukat ng panahon ang posibleng pinag-uusapan sa mga teksto ng Apocalipsis, ang isa ay sa isang taon-sa-isang-araw na batayan, na sumasalamin sa 1,260 taon ng kapighatian, at ang isa naman ay sa mas maikling aktwal na yugto ng tatlo at kalahating taon. Ang panahon ng mga Saksi ay ibinibigay bilang 1,260 araw na nararamtan ng magagaspang na kayo, at ang panahong ito ay katumbas ng panahon kung saan ang patyo sa labas ng templo ay yuyurakan, kasama ang banal na siudad, na siyang Jerusalem.

 

Ang yugtong ito ay kinapapalooban ng dalawang propeta na magiging sanhi ng pagtigil ng ulan sa loob ng panahon ng kanilang pagpopropesiya, at sila ay magpopropesiya na nararamtan ng magagaspang na kayo sa loob ng tatlo at kalahating taon.

Apocalipsis 11:5-14 At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan. 6 Ang mga ito'y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain. 7 At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin. 8 At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila. 9 At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing. 10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa. 11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila. 12 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway. 13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit. 14 Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba. (AB)

 

Mayroong ilang mga proposisyon sa tekstong ito. Ang una ay hindi maaaring patayin ang mga Saksi hangga't hindi nila natatapos ang kanilang gawain. Ang mga Saksi ay nakatayo sa harapan ng diyos ng Lupa na si Satanas (2Cor. 4:4). Kaya, nariyan sila para sumaksi laban sa kaniya at sa sistema ng sanlibutang ito. Ang mga magtatangkang pumatay sa kanila ay papatayin din sa katulad paraan. Ito ang kapangyarihan ni Elias, na may kapangyarihang magpababa ng apoy mula sa langit laban sa mga saserdote ng huwad na mga diyos (1Hari 18:1-46), at sa mga mananakit sa kanya (2Hari 1:10-15) o lumapastangan sa kanya bilang itinalagang sugo ng Diyos (2Hari 2:23-24) tulad din ng sa kaso ni Eliseo. Si Elias ay may kapangyarihan sa mga tubig at sa ulan, gaya ni Eliseo (2Hari 2:8,19-22). Nakasara ang langit dahil sa kasalanan ng mga tao na pinatutunayan ng bibig ng dalawang Saksi (1Hari. 8:35; cf. Lev. 26:19; Deut. 11:17).

 

Isinara ni Elias ang langit ayon sa kanyang salita.

1Hari 17:1 Si Elias na Tisbita, na nakikipamayan sa Gilead, ay nagsabi kay Ahab, “Habang nabubuhay ang Panginoon, ang Diyos ng Israel! Ako'y nakatayo sa harap niya, hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, maliban sa pamamagitan ng aking salita.” (AB01)

 

Ang kalikasan ng mga Saksi ay sinuri sa araling The Witnesses (including the Two Witnesses) (No. 135). Muli nating balikan ang mahahalagang puntos. Si Elias ay isang Gileadita. Ang Gilead ay isang angkan o pamilya mula sa teritoryo ng Gad (1Cr. 5:14) na naninirahan sa Gilead. Sila ay naninirahan sa silangan ng Jordan. Sila ay hiwalay na mga naninirahan sa gitna ng Efraim at Manases na kanilang nilabanan sa ilalim ni Jephte (Huk. 11:4). Ang pangalang Gilead ay malamang na hango sa pangalang batu-batong lupain, dahil katabi ito ng matatabang kapatagan ng Basan. Ang lawak ng lugar nito ay sinasabing nasa hangganan ng Arnon sa bandang timog, ng Lambak ng Jordan sa kanluran, ng dakong timog-hilaga ng Jabok at ng disyerto sa silangan, at ng hangganan ng Basan, ilang milya sa hilaga ng Yarmuk, sa hilaga. Ang mana ni Gad ay isang lupaing mas mabato kaysa kay Manases. Ang mana ng dalawa ay nasa labas ng Israel mismo sa dakong ibayo ng Jordan.

 

Ayon sa The Interpreter’s Dictionary of the Bible, ang Gilead ay malinaw na itinuturing na isang lipi na kapareho ng Ruben at Dan at katumbas ng Gad. Sa pinakamalawak na kahulugan nito, umabot ito sa hilaga hanggang sa Basan at maging sa dakong ibayo ng Yarmuk. Dahil sa kalabuan na ito, ang teritoryo ng Manases ay binabanggit kung minsan na sumasanib sa Gilead. Gayunpaman, kadalasan ay ang mga lipi lamang nina Ruben at Gad ang nanirahan doon. Lumilitaw na mayroong isang independiyenteng kaharian na itinatag sa Gilead sa ilalim ni Peka na anak ni Remalias mula sa dalawampung taon na itinalaga sa kanyang paghahari sa 2Hari 15:27. Lumilitaw na nangyari ito circa 750 BCE sa huling bahagi ng paghahari ni Jeroboam II. Naghari siya doon hanggang 735 BCE. Pinatay niya ang kanyang hinalinhan sa tulong ng mga Gileadita (2Hari 15:25). Pagkatapos ay sinubukan niyang pag-isahin ang lahat ng nakapalibot na rehiyon laban sa Asiria. Tinalo siya ng mga taga-Asiria at dinala ang buong populasyon ng Israelita ng Gilead (2Hari 15:29) at mula noon ay hindi na ito naging bahagi ng kaharian. Ang konseptong ito ng pagkakakalat ng karapatan sa pagkapanganay ay may aplikasyon sa mga Huling Araw.

Sa gayon, maaaring kilalanin si Elias bilang isang Gadita, na nagmula sa mga lugar na mana ng Israel sa dakong ibayo ng Jordan. Ito ay may kahalagahan para sa mga Huling Araw kung ipagpapalagay natin na ang simbolismo ng mana na nasa labas ng Israel ay may kahalagahan para sa mga Saksi at ang paglalaan sa mga lipi, na hindi bababa sa apat sa mga ito (Ruben, Gad, Manases at Dan) ay may mana na nasa labas ng Israel, at kasama ng Efraim. Si Simeon ay nakapangalat din sa gitna nila.

 

Mula sa kapangyarihang nakita natin na ibinigay kay Elias sa tagtuyot, apoy at mga elemento, makikita natin na ang mga Saksi ay nasa kapangyarihan nga ni Elias gaya ng ipinangako sa Malakias 4:5-6.

Malakias 4:5-6 Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. 6 At kaniyang papagbabalikingloob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa. (AB)

 

Ang kapangyarihan ng propetang ito ay hindi lamang tungkol sa paggawa ng mga himala kundi tungkol din sa muling pagtatatag ng mga ugnayan sa pampamilya sa lupa upang ito ay maligtas.

 

Si Juan Bautista ay isang tagapagpauna para sa propetang ito, ngunit hindi siya ang mismong propetang iyon.

Mateo 11:12-14 At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. 13 Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula. 14 At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya'y si Elias na paririto. (AB)

 

Kaya nga, si Juan ay si Elias, sapagkat siya ay nasa espiritu ni Elias, subalit magkakaroon din ng isa pa na nasa espiritu din ng propetang iyon (tingnan din ang Mc. 9:11-13).

Mateo 17:10-12 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias? 11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay: 12 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila. (AB)

 

Ang pagpapanumbalik ng lahat ng bagay ay magaganap sa ilalim ng sistemang iyon ng mga Huling Araw. Taglay ng mga Saksi ang mga kapangyarihang iyon. Si Elias ay maaaring isa sa mga Saksi at siya ay sasamahan ng isa pa upang tumindig sa Jerusalem, o kaya naman, ang mga Saksi mismo ang gagamit ng kaparehong kapangyarihan sa mga Huling Araw. Pahihintulutan ang imperyo ng Hayop na patayin sila pagkatapos nilang matapos ang kanilang propesiya. Ang kanilang mga katawan ay pababayaang nakahandusay sa mga lansangan sa loob ng tatlo at kalahating araw.

 

Ang mga Saksing ito ay gumaganap ng parehong mga tungkulin gaya ng ginawa ni Moises sa Ehipto. Ang mga salot na ipinataw ni Moises sa Ehipto ay upang harapin ang kanilang espirituwal na sistema sa isang pisikal na antas: kinakalaban ng mga Saksi ang sistema ng mga Huling Araw. Ang prosesong ito ay ginawa rin ni Elias na nagpatotoo laban sa huwad na relihiyon sa loob ng Israel. Kaya ang mga Saksi ay nagpapatotoo laban sa huwad na relihiyon kapwa sa loob ng Israel at sa gitna ng mga bansa. Ang pagkakasunod-sunod ng kanilang propesiya at ang saklaw nito ay ibibigay mamaya. Ang dalawang taong ito na gumagamit ng kapangyarihan nina Moises at Elias ay hindi pa nalalagay sa kanilang mga posisyon. Dahil sa pangangailangan ng kanilang propesiya, maliwanag na magkakaroon ng matinding huwad na relihiyon sa Israel at sa mga bansa sa mga araw na iyon. Mula sa Jeremias 4:15ff., mahihinuha na mayroong isang propeta na mauuna sa mga Saksi, na nagbibigay-babala sa mga bansa sa pagdating ng Mesiyas. Ang pagwasak sa mga bansa ay likas na taglay ng kapangyarihan ng mga Saksi, ngunit hindi pa ito lubusang gagamitin hanggang sa pagdating ng Mesiyas. Ang gawain ng propetang ito ng mga Huling Araw ay manggagaling sa Dan-Efraim. Mula sa mga di-biblikal na propesiya, lumilitaw na ang propetang ito ay tatawagin ng mainstream religious system bilang Antichrist o ang Danite Antichrist. Iyon ay dahil kinokondena ng propetang ito ang huwad na Cristianismo at ipinangangaral ang pagpapanumbalik ng sistema ng Bibliya at ang pagdating ng Mesiyas upang mamuno mula sa Jerusalem. Ang mga propesiyang ito ay hiwalay na susuriin.

 

Bago iyon mangyari ang pagkakasunod-sunod na ibinigay sa Apocalipsis 11:1-2 ay kailangang matupad. Ang pagkakasunod-sunod na iyon ay binuo sa mga propesiya ng Luma at Bagong Tipan. Ang pagsukat sa Templo ay nauna sa pagsukat sa bansang Israel. Ang bansa ay inilalarawan dito bilang ang panlabas na patyo na ibinigay sa mga Gentil upang yurakan sa loob ng tatlo at kalahating taon. Kaya ang pagsukat sa Templo ay nauuna sa tatlo at kalahating taong yugto ng mga Saksi mula sa Apocalipsis 11:3ff. at nakalista sa Zacarias.

 

Ang pagsukat sa parehong Juda at Jose ay nangyayari na sa panahong ito, at ang mga pastol ng dalawa ay nagdadalamhati at daranasin ang poot ng Diyos.

 

Zacarias 10:1-12 Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng ulan sa tagsibol, mula sa Panginoon na gumagawa ng ulap na may dalang unos, at kanyang bibigyan sila ng ulan, sa bawat isa'y ng damo sa parang. 2 Sapagkat ang mga diyus-diyosan ng sambahayan ay nagsalita ng walang kabuluhan, at ang mga manghuhula ay nakakakita ng kabulaanan; at sila'y nagpapahayag ng huwad na panaginip, at nagbibigay ng walang kabuluhang kaaliwan. Kaya't ang mga tao ay gumagala na gaya ng mga tupa, sila'y nagdadalamhati, sapagkat walang pastol. 3 “Ang aking galit ay mainit laban sa mga pastol, at aking parurusahan ang mga lalaking kambing; sapagkat dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kanyang kawan, ang sambahayan ni Juda, at kanyang gagawin silang parang kanyang magilas na kabayo sa pakikipaglaban. 4 Mula sa kanila ay lalabas ang batong panulok, mula sa kanila ay ang tulos ng tolda, mula sa kanila ay ang busog ng pakikipaglaban, mula sa kanila ay ang bawat pinuno na magkakasama. 5 At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalaki, na tinatapakan ang kaaway sa putik ng lansangan sa labanan, at sila'y lalaban, sapagkat ang Panginoon ay kasama nila, at kanilang hihiyain ang mga mangangabayo. 6 “Aking palalakasin ang sambahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sambahayan ni Jose,

ibabalik ko sila sapagkat ako'y naawa sa kanila; at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil: sapagkat ako ang Panginoon nilang Diyos at sila'y aking diringgin. 7 Ang Efraim ay magiging gaya ng mga makapangyarihang lalaki, at ang kanilang puso ay magagalak na gaya ng may alak. Ito'y makikita ng kanilang mga anak at magagalak, ang kanilang puso ay magagalak sa Panginoon. 8 “Huhudyatan ko sila at sila'y titipunin, sapagkat tinubos ko sila; at sila'y dadami na gaya nang una. 9 Bagaman pinangalat ko sila sa gitna ng mga bansa; gayunma'y aalalahanin nila ako kahit sa malalayong lupain; at sila'y mabubuhay kasama ng kanilang mga anak at magbabalik. 10 Ibabalik ko silang pauwi mula sa lupain ng Ehipto, at titipunin ko sila mula sa Asiria; at dadalhin ko sila sa lupain ng Gilead at Lebanon, hanggang wala nang silid para sa kanila. 11 Sila'y tatawid sa dagat ng kaguluhan, at ang mga alon ng dagat ay hahampasin, at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo. Ang pagmamataas ng Asiria ay ibababa, at ang setro ng Ehipto ay mawawala. 12 Palalakasin ko sila sa Panginoon; at sila'y lalakad sa kanyang pangalan,” sabi ng Panginoon. (AB01)

Ang paghihirap ng mga pastol ay nangyayari sa paglipas ng panahon gaya ng pagkalat ng Israel, kapwa sa Efraim at Juda. Ang pagdaan ay sa pamamagitan ng dagat ng kaguluhan (tingnan The Companion Bible, n. to v. 11). Ang prosesong ito ay upang itatag ang Juda at Israel bilang mga kapangyarihan sa gitna ng mga bansa sa mga Huling Araw. Sila ay dadalhin sa pagsisisi at sila ay manunumbalik muli sa Panginoon sa gitna ng mga bansa, at pagkatapos ay ibabalik sila sa Jerusalem at sa kanilang mana. Ang kanilang bilang ay madaragdagan habang sila ay dumarami. Ang ilog na natuyo ay ang Tigris-Euphrates system. Ang katotohanang iyan ay nagpapahiwatig ng pagkawasak ng hilagang sistema at ng Ehipto. Ang prosesong iyon ang magbibigay-daan para sa mga hari ng Silangan na dumaan at tumungo sa Jerusalem.

 

Ang prosesong ito ay muling may kinalaman sa hilagang kaharian gaya ng nakita natin mula sa 2Hari 19:21-28 (lalo na sa talata 24). Ito ay inihula sa Apocalipsis 16:12.

Apocalipsis 16:12  At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw. (AB)

 

Ang prosesong ito ng pagkatuyo ng ilog ay hindi naman nangangahulugan ng mahabang tagtuyot. Ang parehong bagay ay ginawa sa Dagat na Pula gaya ng alam natin mula sa Awit 106:9.

Awit 106:9 Kanyang sinaway ang Dagat na Pula, at ito'y natuyo, pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman na parang sa ilang. (AB01)

 

Dahil dito, nabuksan ang daan para sa mga puwersa mula sa silangan na dumaan sa tinatawag ngayong Iraq at marahil sa Iran.

 

Bago mangyari ang prosesong iyon ng pagdadala sa mga bansa sa paghuhukom, ang bansang Israel ay lilinisin muna.

 

Ang tatlong taong yugto ng pagsubok at kaligtasan ay matatagpuan din sa 2Hari 19:29-30. Ito rin ay tumutukoy sa Holocaust.

2Hari 19:29-30 At ito ang magiging tanda sa iyo: ikaw ay kakain sa taong ito ng tumutubo sa sarili, at sa ikalawang taon ay ang tumubo roon; at sa ikatlong taon ay maghasik kayo, at umani, at mag-ubasan, at kanin ninyo ang bunga niyaon. 30 At ang nalabi na nakatanan sa mga anak ni Juda ay maguugat uli sa ilalim, at magbubunga sa itaas, (AB)

 

Ang pagsukat at ang paghihirap ng mga pastol ay nauuna kaysa sa bansa. Gayunpaman, ang Juda at Israel ay kapwa lalaban na parang mga makapangyarihang lalaki sa mga Huling Araw. Kung paano ito maisasagawa ay tatalakayin sa bandang huli.

 

Ang pagsukat ay nagsisimula sa Bahay ng Diyos.

 

Ezekiel 9:1-4 Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pandinig nang malakas na tinig, na nagsasabi, “Lumapit kayo, kayo na mga tagapagparusa sa lunsod, na bawat isa'y may kanyang pamatay na sandata sa kanyang kamay.” 2 Narito, anim na lalaki ang dumating mula sa dako ng pintuan sa itaas, na nakaharap sa hilaga. Bawat isa'y may kanyang sandatang pamatay sa kanyang kamay, at kasama nila ang isang lalaki na nakadamit ng telang lino, na may lalagyan ng panulat sa kanyang balakang. At sila'y pumasok at tumayo sa tabi ng tansong dambana. 3 Ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay pumailanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan hanggang sa pintuan ng bahay. At kanyang tinawag ang lalaking nakadamit ng telang lino, na may lalagyan ng panulat sa kanyang balakang. 4 At sinabi ng Panginoon sa kanya, “Pumasok ka sa lunsod, sa loob ng Jerusalem, at lagyan mo ng mga tanda ang mga noo ng mga taong nagbubuntong-hininga at dumadaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa roon.”

Ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay lumipat mula sa kerubin hanggang sa pintuan ng Bahay ng Diyos.

 

Ang hukbo ng mga anghel ay kumikilos upang linisin ang bansa bago ang muling pagtatatag ng Bahay ng Diyos. Ang muling pagtatatag o pag-okupa na ito ay nagaganap nang yugto-yugto tulad ng maaari nating mahinuha mula sa pag-okupa sa pasukan. Ang mga Kerubin ay nasa iba't ibang yugto at sa iba't ibang dako (tingnan ang araling The Meaning of Ezekiel’s Vision (No. 108)).

 

Ang pagpasok ng Mesiyas sa pasukan ng pinakaloob ng Templo bilang Prinsipe ay paunang inilarawan ng sistemang inilatag mula sa Ezekiel 45 at 46.

 

Ang Prinsipe ay may mga serye ng kinakailangan na iniatang sa kanya mula sa teksto sa Ezekiel 45:8-10.

Ezekiel 45:8-10 Sa lupaing ito'y magiging kaniya na pinakaari sa Israel: at hindi na pipighatiin pa ng aking mga prinsipe ang aking bayan; kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi. 9 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Magkasiya ito sa inyo, Oh mga prinsipe ng Israel: iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam, at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. 10 Kayo'y magkakaroon ng mga ganap na timbangan; at ganap na efa, at ganap na bath. (AB)

 

Ang bansa ay pinapatawan ng humigit-kumulang kalahating porsiyentong ikapu upang matugunan ang mga handog na magiging responsibilidad ng administrasyon para sa bawat Sabbath, Bagong Buwan at Banal na Araw. Ang mga hain para sa pakikipagkasundo ay ginagawa sa Una at Ikapitong buwan. Ang mga hain ay sa Bagong Buwan at sa Paskuwa at sa Kapistahan ng mga Tabernakulo. Ang Prinsipe ay kakatawan sa Mesiyas sa lahat ng mga Kapistahan. Ang prosesong ito ay magaganap tuwing Sabbath at Bagong Buwan, na parehong araw ng walang trabaho o Sabbath.

Ezekiel 46:1-3 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan. 2 At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon. 3 At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan. (AB)

 

Kaya ang mga Sabbath at Bagong Buwan ay magkaparehong mga araw ng pagsamba at taimtim na pagpupulong sa ilalim ng pangangalaga ng Prinsipe, at kasama ang bayan. Ang sistemang ito ay umaabot hanggang sa mga kapistahan (Ezek. 46:9-10).

 

May pananagutang nakaatang sa mga prinsipe at mga saserdote na isang tungkulin na mangasiwa sa bayan at sila ay hinuhusgahan sa pamamagitan ng paraan kung paano nila isinasagawa ang responsibilidad na iyon. Ang kabiguan ng mga prinsipe, mga saserdote at mga propeta ng bansa sa mga Huling Araw ay hahantong sa kanilang pagkatanggal sa tungkulin.

Ezekiel 22:23-31 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 24 Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis, o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit. 25 May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: sila'y nanganakmal ng mga tao; sila'y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon, 26 Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: sila'y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at ako'y nalapastangan sa gitna nila. 27 Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli, upang mangagbubo ng dugo, at upang magpahamak ng mga tao, upang sila'y mangagkaroon ng mahalay na pakinabang. 28 At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon. 29 Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa. 30 At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan. 31 Kaya't aking ibinuhos ang aking galit sa kanila; aking sinupok sila ng apoy ng aking poot: ang kanilang sariling lakad ay aking pinarating sa kanilang mga ulo, sabi ng Panginoong Dios. (AB)

 

Kaya, matatagpuan ang huwad na propesiya sa hanay ng pagkasaserdote. Ito ang kaso sa siglong ito lalo na sa Protestantismo sa Amerika, pero sa pangkalahatan ay laganap. Ang Kautusan ng Diyos ay ipinangangaral na inalis na. Wala nang pagsunod. Ang pagkasaserdote ay nagkakasala din at ang bawat isa ay isang bulaang propeta. Nilapastangan nila ang Sabbath at nagtuturo ng ibang Diyos. Sila ay nagnanakaw at nilalapa ang mga tupa hanggang sa mga paa.

Jeremias 7:9-12 Kayo baga'y mangagnanakaw, magsisipatay, at mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan, at mangagsusunog ng kamangyan kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala. 10 At magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito, na tinatawag sa aking pangalan, na mangagsasabi, Kami ay laya; upang inyong gawin ang lahat na kasuklamsuklam na ito? 11 Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan, naging yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata? Narito, ako, ako nga ang nakakita, sabi ng Panginoon. 12 Nguni't magsiparoon kayo ngayon sa aking dako na nasa Silo, na siyang aking pinagpatahanan ng aking pangalan nang una, at inyong tingnan kung ano ang aking ginawa dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel. (AB)

 

Dito makikita natin na hindi pinatawad ng Diyos ang Silo, ni hindi Niya pinatawad ang Jerusalem, maging sa kamay ng mga taga-Babilonia o kalaunan sa ilalim ng mga Romano. Tingnan ninyo ang ginagawa ng Diyos kahit sa Kanyang sariling mga sagradong lugar. Gaano pa kaya katindi ang Kanyang pagsaway sa pagkakakalat? Pinapanagot niya muna ang mga saserdote, propeta at prinsipe. Aalisin Niya sila at pagkatapos ay sasawayin Niya ang bansa. Ito ang tatlong pastol na inalis sa loob ng isang buwan.

 

Sinira ng mga prinsipe ang monarkiya sa pamamagitan ng kanilang kasalanan at ang mga tao ay hindi na natatakot magsalita ng masama laban sa korona. Dapat wasakin ang masamang sistema sa bansa. Ang paglipol ay sinimulan pagkatapos maganap ang paglalagay ng tanda. Ang Ezekiel 9 ay nagpapatuloy:

Ezekiel 9:5-11 At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag; 6 Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay. 7 At sinabi niya sa kanila, Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan. 8 At nangyari, habang sila'y nananakit, at ako'y naiwan, na ako'y nasubasob, at sumigaw ako, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel, sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem? 9 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki, at ang lupain ay puno ng dugo, at ang bayan ay puno ng kasuwailan: sapagka't kanilang sinasabi, Pinabayaan ng Panginoon ang lupa, at hindi nakikita ng Panginoon. 10 At tungkol sa akin naman, ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako, kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo. 11 At, narito, ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran, nagbalita ng bagay; na sinabi, Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin. (AB)

 

Ang pagsukat at paglalagay ng tanda ay nagsisimula sa Bahay ng Diyos. Ang mga matandang lalake ay ang Sanhedrin ng Iglesia, ang Konseho ng mga Matatanda ng pisikal na Templo. Ang grupong ito ay muling binuo mula sa ordinasyon ng pitumpu't [dalawa] mula sa Lucas 10:1. Ang espirituwal na Templo ay mayroon ding sariling Sanhedrin. Kaya ang pinakatuktok ng pagkasaserdote ng Judeo-Christian system ang unang haharapin. Ang kapalaran nilang mapuksa ay nakasalalay sa kanilang pagsisisi. Ang tanda ay ang tanda ng mga hinirang. Ang mga may tatak ng Diyos ay naligtas. Ito ang tinutukoy sa Apocalipsis 7:3. Hindi maaaring mapinsala ang lupa hangga't hindi pa natatatakan ang mga ito. Ang tinutukoy dito ay hindi lamang ang Jerusalem – tumutukoy ito sa buong Israel, kapwa sa Juda at Jose. Kabilang sa mga bansang bumubuo kay Jose ang Estados Unidos at ang British Commonwealth. Saklaw rin ng Juda ang bansang Israel sa kasalukuyan at ang mga nalabi sa iba pang mga bansa. May dalawang ani na itinalaga – isa para sa Juda at isa pa para sa Efraim, na sa pangkalahatang diwa ay kasama ang Manases.

Oseas 6:1-7 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo. 2 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya. 3 At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa. 4 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga. 5 Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas. 6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin. 7 Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin. (AB)

 

Ang dalawang araw ay tumutukoy sa dalawang araw pagkatapos ng pambansang pagsisisi. Ang bansa ay pinarusahan ng tatlong taon.

Oseas 6:8-11 Ang Gilead ay lunsod ng mga gumagawa ng kasamaan; tigmak ng dugo. 9 Kung paanong ang mga tulisan ay nag-aabang sa isang tao, gayon nagsasama-sama ang mga pari; sila'y pumapatay sa daan patungong Shekem. Sila'y gumagawa ng kasamaan. 10 Sa sambahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay; ang pagiging bayarang babae ng Efraim ay naroroon, ang Israel ay dinudungisan ang sarili. 11 Sa iyo rin, O Juda, ay may nakatakdang pag-aani, kapag ibabalik ko na ang mga kayamanan sa aking bayan. (AB01)

 

Hosea 6:8-11 Gilead is a city of them that work iniquity, and is polluted with blood. 9And as troops of robbers wait for a man, so the company of priests murder in the way by consent: for they commit lewdness. 10I have seen an horrible thing in the house of Israel: there is the whoredom of Ephraim, Israel is defiled. 11Also, O Judah, he hath set an harvest for thee, when I returned the captivity of my people. (KJV)

 

Ang mga salitang by consent sa KJV ay nagmula sa salitang Shechem (SHD 7926) na nangangahulugang the neck. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng katawan sa pagitan ng mga balikat at, samakatuwid, ay nangangahulugang isang place of burden. Sa matalinghagang kahulugan, ito ay ang tagaytay ng burol na may pakahulugan na burden by consent, o portion o shoulder. Ang lugar sa Palestine na Shechem, ang tagaytay, ay nagmula sa salitang ito shekem. Ipinapalagay mula sa teksto ng NKJV at iba pa na ang lugar ang tinutukoy. Gayunpaman, inilalagay ng KJV ang kahulugan bilang murder by consent. Ang tunay na kahulugan ay the priesthood murder by willing consent, dahil nakagawa sila ng kasalanan at pagpatay sa pamamagitan ng halimbawa.

 

Kaya't ang pagkasaserdote ang unang pinaparusahan dahil sa kanilang pananagutan sa kasalanan ng bansa at sa pagpapalaganap ng huwad na doktrina. Ang mga prinsipe ang susunod sa kanilang pagkakatanggal.

 

Ang Juda rin ay inani sa loob ng tatlong taon. Ang kaparusahan ay isinakatuparan kahit may pagsisisi gaya ng nakita natin sa Holocaust. Ang pagkakalat sa gitna ng mga bansa ay parusa para sa dalawa. Ang mga teksto mula sa Oseas ay tumatalakay kay Ephraim sa mga kabanata 7 at 8. Ang pagkabihag ng Israel ay nakasaad sa Oseas 8:13. Ang Israel ay nahulog sa pagkakasala dahil sa sistema ng relihiyon nito.

Oseas 8:11-14 Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala. 12 Sinulat ko para sa kaniya ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay. 13 Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; sila'y mangababalik sa Egipto. 14 Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon. (AB)

 

Ang pag-aani ng Juda ay itinakda sa mga Huling Araw, kapag ang pagkabihag ng Israel ay naibalik sa pagpapanumbalik. Kaya't kapwa ang Efraim at ang Juda ay nalagay sa takot ng pagkalipol at naibalik sa pamamagitan ng divine intervention. Sinubok sa apoy ang Juda sa panahon ng Holocaust. Ang kanilang proseso ng pagbabalik-loob ay isinagawa mula sa lohika ng pagsaway sa ani. Ang Juda at Israel ay dinadalisay sa pamamagitan ng apoy bago harapin ang mga bansa sa proseso na ating nauunawaan mula sa Apocalipsis at iba pang propesiya.

 

Ang proseso ng pagtanggal at pagpapalit ay matatagpuan sa karamihan ng mga propesiya sa Luma at Bagong Tipan. Nakita natin ang saklaw ng panahon na kasama sa proseso na isang buwan na tinutukoy sa Zacarias 11:8. Ang pagtanggal na ito ay tumutukoy sa proseso ng pakikitungo sa Israel at sa pamunuan nito bago ang muling pagtatatag ng Israel.

Zacarias 11:1-17 Buksan mo ang iyong mga pintuan, O Lebanon, upang tupukin ng apoy ang iyong mga sedro! 2 Tumangis ka, O puno ng sipres, sapagkat ang sedro ay nabuwal, sapagkat ang maluluwalhating puno ay nawasak! Tumangis kayo, mga ensina sa Basan, sapagkat ang makapal na gubat ay nasira! 3 May isang ugong ng panaghoy ng mga pastol, sapagkat ang kanilang kaluwalhatian ay nasira! May isang ugong ng ungal ng mga batang leon, sapagkat ang pagmamataas ng Jordan ay nasira! 4 Ganito ang sabi ng Panginoon kong Diyos: “Ikaw ay maging pastol ng kawan na papatayin. 5 Pinapatay sila ng mga bumili sa kanila at hindi napaparusahan, at silang nagbibili sa kanila ay nagsasabi, ‘Purihin ang Panginoon, ako'y yumaman;’ at ang kanilang sariling mga pastol ay hindi naaawa sa kanila. 6 Sapagkat hindi na ako maaawa sa naninirahan sa lupaing ito, sabi ng Panginoon. Narito, pababagsakin ko ang bawat isa sa kamay ng kanyang kapwa, at bawat isa sa kamay ng kanyang hari; at kanilang dudurugin ang lupain, at wala akong ililigtas mula sa kanilang kamay.” 7 At aking pinastol ang kawan na papatayin, pati ang mga kawawa na nasa kawan. Nagdala ako ng dalawang tungkod; ang isa'y tinawag kong Kabutihang Loob [Maganda], at ang isa'y tinawag kong Pagkakaisa [Panali] at pinapanginain ko ang kawan. 8 Sa loob ng isang buwan ay pinatay ko ang tatlong pastol. Sapagkat ang aking kaluluwa ay nagsawa sa kanila at ang kanilang kaluluwa ay nasuklam din sa akin. 9 Kaya't sinabi ko, “Hindi na ako ang magpapanginain sa inyo. Ang mamamatay ay mamatay; ang mahihiwalay ay mahiwalay; at ang mga naiwan ay lamunin ang laman ng isa't isa.” 10 Hinawakan ko ang aking tungkod na Kabutihang Loob [Maganda], at binali ko ito upang sirain ang aking tipan na aking ginawa sa lahat ng mga bayan. 11 Kaya't ito ay nawalan ng bisa nang araw na iyon, at ang mga kaawa-awang kawan na nagmamasid sa akin ay nakaalam na iyon ay salita ng Panginoon. 12 At sinabi ko sa kanila, “Kung inaakala ninyong mabuti, ibigay ninyo sa akin ang aking sahod. Ngunit kung hindi, inyo na iyon.” Sa gayo'y kanilang tinimbang bilang aking sahod ang tatlumpung pirasong pilak. 13 Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa akin, “Ihagis mo sa magpapalayok”—ang mainam na halaga na inihalaga ko sa kanila. Kaya't aking kinuha ang tatlumpung pirasong pilak at inihagis ito sa magpapalayok sa bahay ng Panginoon. 14 Nang magkagayo'y binali ko ang aking pangalawang tungkod na Pagkakaisa [Panali], upang aking sirain ang pagkakapatiran ng Juda at Israel. 15 Sinabi sa akin ng Panginoon, “Magdala kang muli ng mga kasangkapan ng isang walang kabuluhang pastol. 16 Sapagkat, narito, ako ngayo'y maglalagay ng isang pastol sa lupain na hindi nagmamalasakit sa mga nawawala, ni hahanapin man ang naliligaw, ni pagagalingin ang mga pilay; ni pakakainin ang mga malusog kundi kanyang lalamunin ang laman ng matataba at lulurayin pati ang kanilang mga kuko. 17 Kahabag-habag ang walang kabuluhang pastol na nag-iiwan ng kawan! Ang tabak ay darating sa kanyang kamay at sa kanyang kanang mata! Matutuyo ang kanyang kamay, at ang kanyang kanang mata ay lubos na magdidilim!” (AB01)

 

Ang pagtukoy sa Kabutihang Loob at Pagkakaisa o Maganda at Panali ay patungkol sa Mesiyas at sa Pagkakaisa ng Juda at Israel. Ang pagtanggal sa Mesiyas ang naghudyat sa pagtanggal sa pagkasaserdote at ang paglipat nito sa Iglesia sa pagkakalat. Ang pagtukoy sa tatlong pastol ay tumutukoy sa mga prinsipe, mga saserdote at mga propeta, o ang tatlong uri ng mga tagapamahala sa Israel. Ang Soncino ay nagsasaad na kinikilala ng Talmud ang mga ito bilang sina Moises, Aaron at Miriam. Ang mga tagasuporta ng isang pre-exilic na petsa para sa prosesong ito ay kinikilala sila bilang ang huling tatlong hari ng Juda: Jehoahaz, Jehoiakim at Zedekias (rabbi Kimchi). Ang mga tagapagtaguyod ng isang petsang Macabeo ay naniniwala na ito ang mga dakilang saserdote noong panahong iyon: sina Jason, Lysimachus at Menelaus; o kaya ay sina Judas Maccabeus at ng kaniyang mga kapatid na sina Jonathan at Simon (rabbi Arbarbanel), na namuno sa mga tao para sa isang buwan ng mga taon, iyon ay tatlumpung taon.

Driver remarks cautiously, ‘The allusion seems to be to some incident of the time, now unknown to us.’ In one month is probably a formal term meaning a short time (cf. Hos. 5:7) (Soncino fn. to v. 8).

 

Ang pagkakakilanlan ng panahong ito ng tatlumpung taon ay naging paksa ng mga espekulasyon ng mga rabbi sa paglipas ng mga siglo. Ang yugto mula sa pagkamatay ng Mesiyas noong 30 CE hanggang sa pagkawasak ng Templo sa Jerusalem noong 70 CE, at ang pagsasara ng Templo sa Heliopolis o Leontopolis sa Ehipto noong sagradong taon ng 70-71 CE, bago sumapit ang Abib 71 CE, sa pamamagitan ng utos ni Vespasian, ay nasaksihan ang pagtatapos ng apatnapung taong yugto ng tanda ni Jonas (tingnan ang araling Ang Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo [013]). Ang yugtong ito ng apatnapung taon ay ang simula ng yugto ng mga Huling Araw. Hindi ito ang katapusan ng yugtong iyon. Nakita natin ang kahalagahan ng tatlumpung taon mula sa katapusan ng panahon sa ilang at ang pagluluksa para kay Moises. Ang tanda ni Jonas at ang pagkawasak ng Templo ay nagdulot ng pagkatanggal ng awtoridad ng pagkasaserdote sa Juda patungo sa isang bansang nagpapakita ng mga bunga nito, na sa katunayan ay ang Israel bilang ang sampung lipi.

 

Ang yugto ng tatlumpung taon ay nagsimula kasabay ng pagtatapos ng Panahon ng mga Gentil na gaya ng nakita natin ay noong 1914-1996. Nagsimula ang digmaan noong 1914 ngunit ang aktwal na yugto ay 1916-1996, kung saan ang Tatlumpung taon ay noong 1997-2027 (tingnan ang araling The Fall of Egypt: The Prophecy of Pharaoh’s Broken Arms (No. 036)). Pagsapit ng 2028 ang lahat ng mga bansa ay mapupunta sa kanilang mga itinalagang lugar at ang mga digmaan ng wakas ay natapos na.

 

Ipinakita ng Diyos kung ano ang pangwakas na layunin ng proseso sa Zacarias 12:1-14.

Zacarias 12:1-8 Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at naglalang ng diwa sa loob ng tao: 2 Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem. 3 At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya. 4 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan. 5 At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios. 6 Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang Jerusalem ay tatahan pa uli sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid baga'y sa Jerusalem. 7 Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda. 8 Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila. (dinagdagan ng diin).

 

Iniligtas muna ang Juda upang ang mga hinirang ay hindi mauna kaysa sa lipi ng Mesiyas. Ang pinakalayunin sa huli ay maging elohim ang mga hinirang gaya ng Mesiyas o ng Anghel ni Jehovah bilang kanilang pinuno.

Zacarias 12:9-14 At mangyayari sa araw na yaon, na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem. 10 At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay. 11 Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem, na gaya ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo. 12 At ang lupain ay tatangis, bawa't angkan ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni Nathan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; 13 Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ni Simei ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; 14 Ang lahat na angkang nalabi, bawa't angkan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod. (AB)

 

Ang pagkakasunud-sunod ng prosesong iyon ay susuriin nang detalyado sa aralin na ito. Ang paglilinis ng Israel ay ang unang yugto. Ang proseso, na sinimulan ni Josue o ni Jesucristo bilang Mesiyas ni Aaron, na nagdulot ng pagkatanggal sa awtoridad ng Levi, ay hahantong sa paglilinis ng pagkasaserdote sa Israel.

 

Ang mga prinsipe, saserdote at propeta ay tinanggal sa loob ng isang buwang ito. Ang mga prinsipe ay may pananagutan sa pagtiyak na ang bansa ay pinamamahalaan ayon sa mga Kautusan ng Diyos. Ang pagkasaserdote na hindi nagtuturo sa bansa sa mga Kautusan ng Diyos at nagpapakilala ng mga huwad na propesiya ay inalis, at pagkatapos ay ang paghahari na nagpapahintulot sa prosesong ito ay winasak kasama ng mga taong sumunod sa kanila. Ang bansa ay ipinadala sa pagkabihag. Sa mga Huling Araw ang bansa ay dadalisayin sa apoy at ang katotohanan ay itatatag sa pamamagitan ng mga propeta sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

 

Ang huling tatlumpung taon ng katapusan ay sumasaklaw sa Mga Digmaan ng Pagpapanumbalik at ito ang paksa ng isang hiwalay na aralin. Ang mga yugto ay nagsimula mula sa Templo tulad ng nakita natin sa itaas. Ang pagkasaserdote ang unang nililinis. Ang proseso ng pakikitungo sa mga pinili ng Diyos ay ganito:

 

1. Ang Apat na mga Tatak o Mangangabayo

Ang mga hinirang bilang Iglesia

a)   Pagtanggal sa pisikal na Templo at pagkasaserdote

b)   Pagtatatag ng mga Iglesia

c)   Itinatag ni Satanas ang huwad na sistema

 

2. Ang Ikalimang Tatak

Pagsubok sa mga hinirang bilang mga Iglesia

a)   Pagtanggal sa mga saserdote

b)   Pagsubok sa mga hinirang ayon sa kaalaman

 

3. Ang Panahon ng Kabagabagan ng Jacob

Pagsubok sa mga hinirang bilang bansa

a)   Ang pagtatatag at pagpapatibay sa bansa sa karapatan sa pagkapanganay ng Israel

b)   Pagbibigay-babala sa bansa

c)   Pagtanggal sa huwad na pagkasaserdote

d)   Pagtanggal sa monarkiya

at)   Paglilinis sa bansa

 

Ang susunod na yugto ay magsisimula na sa lubos na pagpapanumbalik.

 

4. Paghahanda para sa Mesiyas

Paghahanda ayon sa mga yugto

a)   Ang mga hinirang

b)   Ang bansa

 

5. Pakikitungo sa mga Gentil

Mga yugto ng pagsupil

a)   Ang pagbibigay-babala ng mga Saksi

b)   Mga halimbawa ng kapangyarihan ng Diyos

 

6. Ang Pagparito ng Mesiyas

Interbensyon upang iligtas ang sangkatauhan mula sa sarili nito

a)   Pagparito

b)   Ang pagtanggal sa mga sistema ng pamahalaan at sa mga huwad na saserdote

c)   Ang pagwasak sa kapangyarihan ng mga bansa sa poot ng Diyos

d)   Ang paglabas ng Kautusan mula sa Jerusalem

at)   Ang paglilipat sa Israel at sa mga bansa

 

7. Paghahanda para sa Milenyo

Pagpapatupad

a)   Ipinatutupad ang mga sistema ng lupa

b)   Ang sistema ng Jubileo ay ipinatutupad ng mga hinirang bilang Bagong Hukbo ng Diyos

c)  Ang sistemang Mesiyaniko ay itatatag sa lahat ng bansa at magsisimula ang muling pagtuturo

d)   Ang digmaan ng paghihimagsik

 

8. Ang Milenyo

Pagpapatupad ng mga sistemang Milenyal

a)   Ang sistemang administratibo at hudisyal ay pauunlarin

b)   Ang Templo ay itatayo at ang pagkasaserdote ay bibigyan ng mga tungkulin

c) Ang Jerusalem ay pauunlarin bilang sentro ng pandaigdigang pamahalaan sa ilalim ng Mesiyas bilang paghahanda para sa ikalawang pagkabuhay na mag-uli at ang pag-handover sa Diyos

d)   Digmaan sa pagtatapos ng Milenyo c. 3027

 

9. Ang Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli

Pagsasapinal ng mga hinirang pagkatapos ng huling digmaan at ang pagpapanumbalik ng lahat ng laman

a)   Ang matapat na nalabi

b)   Ang pangkalahatan o ikalawang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay

c)   Ang paghuhukom

(i) Ang mga demonyo

(ii) Sangkatauhan

(iii) Reorganisasyon ng Hukbo

 

10. Ang pag-handover sa Diyos Ama

Ang paghahanda ay natapos na at handa na ang Diyos upang maging lahat sa lahat

a)   Pagparito ng Diyos at ng Bagong Jerusalem

b)   Itinatag ng Diyos ang pandaigdigang pangangasiwa mula sa Bagong Jerusalem

c)  Ang Hukbo ay nagpatuloy sa mas mataas na potensyal nito bilang Elohim at mga Anak ng Diyos sa Sansinukob.

 

 

 

Bahagi 2 - Ang Templo ay Sinukat - Pagtanggal sa mga Saserdote

 

 

Nakita natin mula sa Ezekiel 22:17-31 na ang Sangbahayan ni Israel ay sinusukat ayon sa kanilang pagganap at, mula kay Zacarias, makikita natin na nagsimula ang pagsukat sa Bahay ng Diyos.

Ezekiel 22:17-31 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 18 Anak ng tao, ang sangbahayan ni Israel ay naging dumi ng bakal sa akin: silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga, sa gitna ng hurno; sila ay naging dumi ng pilak. 19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayong lahat ay naging dumi ng bakal, kaya't narito, aking pipisanin kayo sa gitna ng Jerusalem. 20 Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ng apoy, upang tunawin; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan, at aking ilalapag kayo roon, at pupugnawin ko kayo. 21 Oo, aking pipisanin kayo, at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot, at kayo'y mangapupugnaw sa gitna niyaon. 22 Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa gitna ng hurno, gayon kayo mangatutunaw sa gitna niyaon; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbububos ng aking kapusukan sa inyo. 23 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 24 Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis, o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit. 25 May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: sila'y nanganakmal ng mga tao; sila'y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon, 26 Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: sila'y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at ako'y nalapastangan sa gitna nila. 27 Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli, upang mangagbubo ng dugo, at upang magpahamak ng mga tao, upang sila'y mangagkaroon ng mahalay na pakinabang. 28 At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon. 29 Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa. 30 At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan. 31 Kaya't aking ibinuhos ang aking galit sa kanila; aking sinupok sila ng apoy ng aking poot: ang kanilang sariling lakad ay aking pinarating sa kanilang mga ulo, sabi ng Panginoong Dios. (AB)

 

Ang paghatol sa tatlong uri ng pamamahala ay matatagpuan din sa Mikas 3:1-12 .

Mikas 3:1-12 At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran. 2 Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto; 3 Kayo ring kumakain ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at parang laman sa loob ng caldera. 4 Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa. 5 Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, ay pinaghahandaan siya nila ng digma: 6 Kaya't magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila. 7 At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios. 8 Nguni't sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, at ng kahatulan, at ng kapangyarihan, upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang, at sa Israel ang kaniyang kasalanan. 9 Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid. 10 Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan. 11 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin. 12 Kaya't ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat. (AB)

 

Ang problema dito ay binabaluktot ng mga pinuno ang hatol at katarungan. Sa katunayan, kinasusuklaman nila ang paghuhukom dahil ayaw nilang mahatulan ayon sa mga kautusan ng Diyos.

 

Ang mga saserdote ay nagtuturo dahil sa upa at ang mga propeta ay nagsasalita ng  magagandang bagay para mapanatag ang mga tao sa kanilang kasalanan. Ang mga saserdote at mga propeta ay hindi magsasalita nang buong tapang ng salita ng Panginoon, ni hindi rin mahalaga sa kanila ang pangalan ng Diyos gaya ng nakikita natin mula kay Malakias. Ipinakita ni Jeremias na hinarap ng Diyos ang Israel at Juda at maging Jerusalem mismo dahil sa ganito ring mga kasalanan.

Jeremias 32:26-44 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi, 27 Narito, ako ang Panginoon, ang Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin? 28 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin, 29 At ang mga Caldeo, na nagsisilaban sa bayang ito, magsisiparito at susulsulan ang bayang ito, at susunugin, sangpu ng mga bahay na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal, at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios, upang mungkahiin ako sa galit. 30 Sapagka't ang ginawa lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon. 31 Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha. 32 Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda, na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sila, ng kanilang mga hari, ng kanilang mga prinsipe, ng kanilang mga saserdote, at ng kanilang mga propeta, at ng mga tao ng Juda, at ng mga nananahan sa Jerusalem. 33 At kanilang tinalikdan ako, at hindi ako hinarap: bagaman aking tinuruan sila, na bumabangon ako ng maaga at tinuturuan ko sila, gayon ma'y hindi sila nangakinig na magsitanggap ng turo. 34 Kundi kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin. 35 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; na pinapagkasala ang Juda. 36 At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot: 37 Narito, aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay. 38 At sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios: 39 At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila: 40 At ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin. 41 Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa. 42 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila. 43 At mga parang ay mabibili sa lupaing ito, na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo. 44 Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon. (AB)

 

Ibinigay ng Diyos ang Israel sa mga taga-Asiria at ang Juda sa mga taga-Babilonia – na siyang mga naging kahalili ng taga-Asiria – upang sila ay masaway. Gayunpaman, nangako ang Diyos na ipanunumbalik sila sa mga Huling Araw upang matanggap nila ang walang hanggang tipan. Tumanggi silang magsisi at sila ay muling inalis at ang tipan ay naitatag nang walang kontrol o hindi kasama ang bansa maliban sa mga indibidwal. Sila ay magbabalik-loob sa mga Huling Araw sa kabila ng kanilang mga tradisyon at ng kanilang pagkasaserdote, gaya ng makikita natin. Nagsasalita si Jeremias tungkol sa mga saserdote at propeta at sa pagtatatag ng kaharian sa mga Huling Araw.

Jeremias 23:1-4 “Kahabag-habag ang mga pastol na pumapatay at nagpapangalat sa mga tupa ng aking pastulan!” sabi ng Panginoon. 2 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, tungkol sa mga pastol na nangangalaga sa aking bayan: “Inyong pinangalat ang aking kawan, at itinaboy ninyo sila, at hindi ninyo sila dinalaw. Dadalawin ko kayo dahil sa inyong masasamang gawa, sabi ng Panginoon. 3 Pagkatapos ay titipunin ko mismo ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. Ibabalik ko sila sa kanilang mga kulungan at sila'y magiging mabunga at darami. 4 Ako'y maglalagay ng mga pastol na mag-aalaga sa kanila at hindi na sila matatakot, o manlulupaypay pa, o mawawala man ang sinuman sa kanila, sabi ng Panginoon. (AB01)

 

Ang tekstong ito ay tumutukoy sa pagkasaserdote ng Israel at Juda na patuloy na pinabayaan ang mga tupa. Ito ay isang patuloy na pagsaway hanggang sa pagbabalik ng Mesiyas. Hindi ito tumigil noong siya'y muling nabuhay.

 

Jeremias 23:5-8 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain. 6 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran. 7 Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto; 8 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain. (AB)

Ang propesiyang ito ay hindi pa lubos na nagaganap. Ito ay kasalukuyang nagaganap subalit mayroon pang ibang pagkakasunod-sunod ng mga aktibidad na hindi pa natatapos. Bago iyon mangyari, ang pagkasaserdote ay kailangang dalisayin sa pamamagitan ng pagtanggal.

 

Jeremias 23:9-22 Tungkol sa mga propeta. Ang puso ko sa loob ko ay bagbag, lahat kong buto ay nanginginig; ako'y parang langong tao, at parang taong dinaig ng alak, dahil sa Panginoon, at dahil sa kaniyang mga banal na salita. 10 Sapagka't ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid. 11 Sapagka't ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi; oo, sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, sabi ng Panginoon. 12 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon. 13 At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng Samaria; sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel. 14 Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra. 15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, Narito, aking pakakanin sila ng ajenjo, at paiinumin ko sila ng inuming mapait, sapagka't mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang pagdudumi sa buong lupain. 16 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon. 17 Kanilang sinasabing lagi sa kanila na nagsisihamak sa akin, Sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan; at sa bawa't isa na lumalakad sa katigasan ng kaniyang sariling puso ay sinasabi nila, Walang kasamaang darating sa inyo. 18 Sapagka't sinong tumayo sa payo ng Panginoon, upang makamalas at makarinig ng kaniyang salita? sinong nakinig ng aking salita, at nakarinig? 19 Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipoipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama. 20 Ang galit ng Panginoon ay hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa. 21 Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila. 22 Nguni't kung sila'y nanayo sana sa aking payo, kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan, at kanilang naihiwalay sa kanilang masamang lakad, at sa kasamaan ng kanilang mga gawa. (AB)

Ang prosesong ito ng kasamaan at ang propesiya ng kapayapaan ang makikita sa mga tao sa mga Huling Araw na ito. Itinuro ng mga saserdote na ang Kautusan ng Diyos ay inalis na nang dumating ang Mesiyas. Ito ang mismong kasalanan na naganap sa ilalim ng sistema ni Baal sa Israel. Sa katunayan, ito rin ang parehong sistema na umiiral hanggang ngayon.

 

Jeremias 23:23-40 Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at hindi Dios sa malayo? 24 May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? sabi ng Panginoon, Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon. 25 Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip. 26 Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan; sa makatuwid baga'y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso? 27 Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal. 28 Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon. 29 Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato? 30 Kaya't narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa. 31 Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi. 32 Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon. 33 At pagka ang bayang ito, o ang propeta, o ang saserdote ay magtatanong sa iyo, na magsasabi, Ano ang hula na mula sa Panginoon? iyo ngang sasabihin sa kanila, Anong hula! Aking itatakuwil kayo, sabi ng Panginoon. 34 At tungkol sa propeta, at sa saserdote, at sa bayan, na magsasabi, Ang hula na mula sa Panginoon, ay akin ngang parurusahan ang lalaking yaon at ang kaniyang sangbahayan. 35 Ganito ang sasabihin ng bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at ng bawa't isa sa kaniyang kapatid, Ano ang isinagot ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon? 36 At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa: sapagka't bawa't sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula; sapagka't inyong binago ang mga salita ng buhay na Dios, ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios. 37 Ganito ang iyong sasabihin sa propeta, Ano ang isinagot sa iyo ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon? 38 Nguni't kung inyong sabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; ganito nga ang sabi ng Panginoon: Sapagka't inyong sinasabi ang salitang ito, Ang hula na mula sa Panginoon, at ako'y nagsugo sa inyo, na sinabi ko, Huwag ninyong sasabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; 39 Kaya't, narito, aking lubos na kalilimutan kayo, at aking itatakuwil kayo, at ang bayang ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, mula sa aking harapan: 40 At ako'y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo, at walang hanggang kahihiyan, na hindi malilimutan. (AB)

Ang pasanin ng Diyos ay magaan. Siya ay nagsasalita sa pamamagitan ng mga propeta at ang Kanyang salita ay totoo. Haharapin niya ang huwad na sistemang ito sa mga Huling Araw. Muling binanggit ni Zefanias ang bagay na ito tungkol sa kasamaan ng mga prinsipe, mga saserdote at mga propeta. Ang Panginoon ay nasa gitna upang harapin ang prosesong ito at ang pagkasaserdote ay tinanggal. Ang prosesong ito ay nasa panahon ng kawakasan kung kailan magaganap ang pagpapanumbalik at ang mga bansa ay hahatulan.

 

Zefanias 3:1-7 Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng mapagpighating kamay! 2 Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios. 3 Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan. 4 Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan. 5 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan. 6 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan. 7 Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa. (AB)

Ang pamamahala, pangangasiwa at pagkasaserdote ay lubos na kinondena dito ng Diyos. Gayunpaman, ang bansa ay kinakailangang maghintay sa Diyos hanggang sa panahon ng Kanyang poot at pagpapanumbalik. Pagkatapos ay bibigyan sila ng isang dalisay na wika. Aalisin ang mga mapagmataas ng Juda, na palalo o mayabang dahil sa pagiging pinili ng Juda. Ang naghihirap at dukha na natitira ay magtitiwala sa pangalan ng Panginoon. Kaya't ang Juda at Israel ay susubukin sa pamamagitan ng apoy bago ang pagpapanumbalik, ngunit walang takot sa kanila.

 

Zefanias 3:8-20 Kaya't hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, ng silakbo ng aking paninibugho. 9 Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa. 10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng aking pinapangalat, ay magdadala ng handog sa akin. 11 Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok. 12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon. 13 Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila. 14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. 15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan. 16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay. 17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit. 18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan. 19 Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. 20 Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon. (AB)

Ito ang pagkabihag ng Israel kung saan ang Mesiyas ay bibihagin ang pagkabihag (Ef. 4:8 mula sa Awit 68:18) ngunit sa mga Huling Araw (Apoc. 13:10).

 

Ipinapakita ni Malakias na ang pangunahing isyu at pagkabigo ng pagkasaserdote sa mga Huling Araw ay may kinalaman sa pangalan o kalikasan ng Diyos at sa Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Walang parangal na ibinibigay sa Ama at walang takot sa Kanya bilang Diyos at Panginoon ng mga Hukbo.

 

Malakias 1:1-5 Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias. 2 Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y inibig ko si Jacob; 3 Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang. 4 Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man. 5 At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel.

 

Ang pagkakaiba sa pagitan ni Jacob at Edom dito ay sa pagitan ng dalawang tipan o sistema ng pagsamba. Ang pagkakaiba ay hindi sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan kundi sa pagitan ng huwad at totoo. Ang mga sistema ng alipin at malaya ay nasa pagitan din ng dalawang bundok ng Gerizim at Ebal.

 

Pinatayo ni Moises ang ilang lipi sa Bundok ng Gerizim upang basbasan ang bayan at ang iba ay tumayo sa Bundok ng Ebal upang sumpain sila (Deut. 27:12–13; Jos. 8:33; Huk. 9:7). Ang mga nasa Gerizim ay sina Simeon, Levi, Juda, Issachar, Jose at Benjamin. Ang mga nasa Ebal ay sina Ruben, Gad, Aser, Zabulon, Dan at Nephtali.

 

Ang mga pagkakabahaging ito ay may kahalagahan na susuriin sa ibang lugar. Ang mga ito ay naiiba sa mga pagkakabaha-bahagi na ginawa ni Pablo sa Galacia 4:21-31. Ang mga Levita ay may mga tiyak na responsibilidad dito (Deut. 27:14-26). Ang mga responsibilidad na ito ay direktang humahantong sa mga pagpapala at mga sumpa ng Deuteronomio 28, na ipinapataw sa bayan. Kaya, ang mga pinuno at mga saserdote ay may pananagutan para sa mga pagpapala at mga sumpa (tingnan ang araling Ang mga Pagpapala at ang mga Sumpa [075]). Ang Bundok Seir o Edom dito ay may walang hanggang pagkapoot laban sa mga anak ni Israel. Ang problemang ito ay tinukoy sa Ezekiel 35 kung saan ang dalawang bansa ng Juda at Israel ay poprotektahan mula sa pagkawasak.

 

Bago magsalita tungkol sa bansang Edom at ang pagtatangkang wasakin ang Juda at Israel sa mga Huling Araw, tinalakay muna ni Ezekiel ang pagkasaserdote sa Ezekiel 34. Ito ang pinakamalinaw na pagtuligsa sa pagkasaserdote.

Ezekiel 34:1-9 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi, 2 “Anak ng tao, magsalita ka ng propesiya laban sa mga pastol ng Israel, magsalita ka ng propesiya, at iyong sabihin sa mga pastol, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kahabag-habag ang mga pastol ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! Hindi ba dapat pakainin ng mga pastol ang mga tupa? 3 Kayo'y kumakain ng taba, at kayo'y nagsusuot ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba, ngunit hindi ninyo pinakakain ang mga tupa. 4 Hindi ninyo pinalakas ang payat, hindi ninyo pinagaling ang maysakit, o inyo mang tinalian ang may pilay, o inyo mang ibinalik ang naligaw, o inyo mang hinanap ang nawala, kundi inyong pinamumunuan sila na may karahasan at kalupitan. 5 Kaya't sila'y nangalat dahil sa walang pastol, at sila'y naging pagkain sa lahat ng mababangis na hayop sa parang, at nangalat. 6 Ang aking mga tupa ay nangalat, sila'y nagsilaboy sa lahat ng bundok, at sa bawat mataas na burol. Ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa, at walang naghanap o nagmalasakit sa kanila. 7 “Kaya't kayong mga pastol, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: 8 Kung paanong ako'y nabubuhay, sabi ng Panginoong Diyos, sapagkat ang aking mga tupa ay naging biktima, at ang aking mga tupa ay naging pagkain ng lahat ng mababangis na hayop, dahil sa walang pastol, at sapagkat hindi hinanap ng aking mga pastol ang aking mga tupa, kundi ang mga pastol ay nagsikain, at hindi pinakain ang aking mga tupa; 9 kaya't kayong mga pastol, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: (AB01)

Ang mga pastol ay nakakarinig ngunit hindi nakikinig. Binabasa nila ang Kasulatan ngunit  hindi nakauunawa.

 

Ezekiel 34:10  Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos, Narito, ako'y laban sa mga pastol. Aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin sa pagpapakain sa mga tupa. Hindi na pakakainin ng mga pastol ang kanilang sarili. Aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang mga bibig upang huwag silang maging pagkain nila. (AB01)

Ang mga pastol ay hindi pakakainin ng kawan sa mga Huling Araw at sila ay mapipilitang magtrabaho dahil hindi nila pinakain ang kawan ng karne sa tamang panahon. Hinahanap at ipinapanumbalik ng Diyos ang Kanyang kawan.

 

Ezekiel 34:11-16 “Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa, at aking pagmamalasakitan sila. 12 Kung paanong hinahanap ng pastol ang kanyang kawan kapag ang ilan sa kanyang mga tupa ay nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa araw na maulap at makapal na kadiliman. 13 Aking ilalabas sila sa mga bayan, titipunin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain. Pakakainin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain. 14 Aking pakakainin sila sa mabuting pastulan, at ang matataas na bundok ng kataasan ng Israel ang kanilang magiging pastulan. Doo'y mahihiga sila sa mabuting lupaing pastulan, at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel. 15 Ako mismo ang magiging pastol ng aking mga tupa at sila'y dadalhin ko sa kapahingahan, sabi ng Panginoong Diyos. 16 Aking hahanapin ang nawala at ibabalik ang naligaw, tatalian ang nabalian, at palalakasin ang mahihina, ngunit aking lilipulin ang mataba at malakas. Aking pakakainin sila ng kahatulan.  (AB01)

Dito makikita natin na ang mga pastol ay kinondena at pagkatapos ay ang kawan naman ang ilalagay laban sa isa't isa sa paghatol. Ang mga hinirang ay hahatulan batay sa kung paano nila tinatrato ang isa't isa.

 

Ezekiel 34:17-28 “At tungkol sa inyo, aking kawan, ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ako'y hahatol sa pagitan ng tupa at tupa, sa pagitan ng mga lalaking tupa at mga lalaking kambing. 18 Hindi pa ba sapat sa inyo na kumain sa mabuting pastulan, kundi dapat pa ninyong tapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan? Kapag umiinom kayo ng malinaw na tubig, dapat pa ba ninyong parumihin ng inyong mga paa ang nalabi? 19 At dapat bang kainin ng aking mga tupa ang niyapakan ng inyong mga paa, at kanilang inumin ang dinumihan ng inyong mga paa? 20 “Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa kanila: Narito, ako, samakatuwid baga'y ako ang hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa. 21 Sapagkat inyong itinutulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinusuwag ng inyong mga sungay ang lahat ng may sakit, hanggang sa inyong maikalat sila. 22 Aking ililigtas ang aking kawan, at hindi na sila magiging biktima; at ako ang hahatol sa pagitan ng mga tupa. 23 Ako'y maglalagay ng isang pastol sa kanila, ang aking lingkod na si David, at kanyang pakakainin sila. Kanyang pakakainin sila at siya'y magiging kanilang pastol. 24 At akong Panginoon ay magiging kanilang Diyos, at ang aking lingkod na si David ay magiging pinuno nila; akong Panginoon ang nagsalita. 25 “Ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at aking aalisin ang mababangis na hayop sa lupain; at sila'y maninirahang tiwasay sa ilang, at matutulog sa mga kakahuyan. 26 Aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nasa palibot ng aking burol. Aking pababagsakin ang ulan sa kapanahunan; sila'y magiging ulan ng pagpapala. 27 Ang punungkahoy sa parang ay magbubunga, ang lupa'y magbibigay ng kanyang pakinabang, at sila'y magiging tiwasay sa kanilang lupain. Kanilang malalaman na ako ang Panginoon, kapag aking pinutol ang bakal ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga umalipin sa kanila. 28 Sila'y hindi na magiging biktima ng mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y maninirahang tiwasay at walang mananakot sa kanila. (AB01)

 

Ang pagpapanumbalik ay magbubunga ng kapayapaan at kalayaan mula sa pangamba. Itatayo para sa kanila ang isang pananim na ikababantog. Ang pananim ay ang Mesiyas na siyang magpapakain sa kawan at si David ang magiging kanilang pinuno sa ilalim ng Mesiyas na kanyang Panginoon.

Ezekiel 34:29-31 At aking pagkakalooban sila ng mga pananim na ikababantog, at sila'y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain, o magtataglay pa man ng kahihiyan sa mga bansa. 30 At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila, at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. 31 At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios. (AB)

 

Ang pagpapanumbalik ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay binanggit dito, sapagkat si David ay ilalagay sa pamamahala ng kawan pagkatapos nitong bumalik at muling itatag. Ang tipan ng kapayapaan ay maitatatag sa pagbabalik ng Mesiyas na Prinsipe ng Kapayapaan. Ang kahihiyan ng mga paganong bansa ay yaong sa huwad na sistema o sistema ng Babilonia na babagsak sa mga Huling Araw, gaya ng nakikita natin mula sa Apocalipsis 18:2ff.

 

Ang tunay na isyu sa pagitan ng Diyos at pagkasaserdote ay ang katotohanan na sila ay nagtayo ng isang huwad na sistema, na hindi nagpaparangal sa Diyos. Ito ang triune system na naglalayong igiit ang pagkakapantay sa Ama ng iba pang mga nilalang, partikular na ang Mesiyas, at mula rito ay upang bawasan ang bisa ng Kautusan ng Diyos. Ito ay malinaw mula sa Malakias 1:6-14.

Malakias 1:6-14 Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan? 7 Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak. 8 At pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 9 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 10 Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog sa inyong kamay. 11 Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak. 13 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon. 14 Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil. (AB)

 

Walang saserdote na magsasara ng pinto sa apostasya nang walang hinihintay na kapalit. Humihingi sila ng bayad para sa pagtuturo ng salita ng Diyos at nilalapastangan ang Kasulatan at ang layunin nito sa pamamagitan ng pagtuturo dahil sa upa. Ang Diyos ay hindi magtatangi sa kanila, na sa katunayan ay iyan mismo ang kanilang pinakamabigat na kasalanan.

 

Mga Propeta bilang bahagi ng Sistema ng mga Saserdote

Ang Ezekiel 13:1-16 ay tumatalakay sa mga bulaang propeta. Ang mga ito ay bahagi ng pagkasaserdote at sila'y babagsak din kasama ng mga ito. Ang mga iglesia sa mga Huling Araw ay napuno ng mga bulaang propeta at huwad na propesiya. Nangangaral sila ng katiwasayan sa isang nalinlang na kapulungan.

Ezekiel 13:1-9 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 2 Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: 3 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman! 4 Oh Israel, ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako. 5 Kayo'y hindi sumampa sa mga sira, o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel, upang siya'y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon. 6 Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon: at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo. 7 Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita? 8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. 9 At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios. (AB)

Ang mga propeta sa mga Huling Araw ay nanghuhula ng kasinungalingan para sa kapulungan at nanghuhula ng kapayapaan para sa Israel kung kailan walang kapayapaan. Ang kaparusahan para sa mga bulaang propetang ito ay ang matanggal mula sa kapulungan ng Israel at hindi rin sila masusulat man sa pasulatan o talaan ng Sangbahayan ni Israel.

 

Sa madaling salita, ang mga sulat at huwad na propesiya ng pagkasaserdote ng mga iglesia sa mga Huling Araw ay buburahin mula sa mga sulat ng Iglesia, at ang kanilang mga pangalan mula sa listahan ng kapulungan. Sa madaling salita, sila ay nakatalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli.  Ito ay para sa lahat ng bulaang propeta at huwad na propesiya ng iglesia na naghahanap ng kanlungan sa iba bukod sa Diyos.

 

Ezekiel 13:10-16 Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa: 11 Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon. 12 Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal? 13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin. 14 Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 15 Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man; 16 Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios. (AB)

Ang huwad na propesiya na ito ay naging isang kuta ng masamang argamasa at kaya hindi ito makatayo. Hayaan ang bawat lingkod ng Diyos na mag-ingat kung paano siya magtatayo. Ang huwad na pagkakagawa ay hindi tatayo. Iyan ang aral ng pagtatapos ng ikadalawampu siglo para sa Iglesia ng Diyos. Dito nagpapang-abot ang mga saserdote at propeta.

 

Ang Diyos ay laban sa mga propeta dahil sa espiritu ng huwad na propesiya na ito (Jer. 23:30). Ang mga bulaang propeta ay haharapin. Mawawala sa kanila ang proteksyon ng Diyos at hindi makakapasok sa kapulungan ng Diyos, na haharap sa tunay na espiritu ng propesiya gaya ng makikita natin sa Jeremias 20:3-6.

Jeremias 20:3-6 Kinabukasan, nang mapalaya na ni Pashur si Jeremias mula sa mga tanikala, sinabi ni Jeremias sa kanya, “Hindi ka tinatawag ng Panginoon sa pangalang Pashur, kundi Magor-missabib. 4 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, gagawin kitang kilabot sa iyong sarili at sa iyong mga kaibigan. Sila'y mabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway habang ikaw ay nakatingin. At ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Kanyang dadalhin sila bilang mga bihag sa Babilonia, at papatayin sila ng tabak. 5 Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat ng kayamanan ng lunsod na ito, lahat ng kinita nito, lahat ng mahahalagang ari-arian nito, at ang lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda sa kamay ng kanilang mga kaaway na mananamsam sa kanila na huhuli at magdadala sa kanila sa Babilonia. 6 At ikaw, Pashur, at ang lahat ng nakatira sa iyong bahay ay pupunta sa pagkabihag. Pupunta ka sa Babilonia at doon ka mamamatay, at doon ka ililibing, ikaw at ang lahat mong mga kaibigan na iyong pinagpahayagan ng kasinungalingan.” (AB01)

Binago ni Jeremias ang pangalang Pashur, na Aramaic, sa pamamagitan ng pagpapakahulugan nito sa Hebreo gaya ng ginawa ni Isaias sa Isaias 8:1,3. Ang Aramaic ay batay sa mga salitang pash upang manatili o magpaiwan at gur upang magpagala-gala o maglakbay sa ibang lupain. Ang Aramaic ay sehor; ang Hebreo ay sabib. Kaya ang teksto ay magiging ang iyong pangalan ay hindi mananatili, kundi magpapagala-gala. Ito ay dulot ng takot.

 

Ang mga propeta at saserdote na hindi nananatiling tapat ay ibinibigay sa Patutot o sa huwad na sistema ng mga misteryo ng Babilonia. Ang pagkalasing sa alak ay parehong pisikal at espirituwal.

Isaias 28:7-13 Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol. 8 Sapagka't lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ng karumihan, na anopa't walang dakong malinis. 9 Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso? 10 Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti. 11 Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito. 12 Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan. 13 Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli. (AB)

 

Ang alak ng espiritu ng pakikiapid ay makikita sa sistema ng Patutot ng Babilonia na siyang iglesia na lasing sa dugo ng mga banal.

 

Apocalipsis 17:1-9 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig; 2 Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid. 3 At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay. 4 At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid, 5 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA. 6 At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas. 7 At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay. 8 At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. 9 Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae: (AB)

Ang patutot na ito ay ang mainstream church ng sistemang Cristiano at ito ay lasing sa dugo ng mga banal na kanyang pinatay. Ang mga banal na ito ay sila na sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos at sa Patotoo ni Jesus.

 

Ang bansa ay ibinigay sa pagkawasak dahil sa kasamaan ng pagkasaserdote.

 

Isaias 56:9-12 Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y pumarito upang manakmal—kayong lahat na mga hayop sa gubat. 10 Ang kanyang mga bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; nananaginip, nakahiga, maibigin sa pagtulog. 11 Ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailanman ay walang kabusugan. At sila'y mga pastol na walang pang-unawa, silang lahat ay lumihis sa kanilang sariling daan, bawat isa'y sa kanyang pakinabang hanggang sa kahuli-hulihan. 12 “Kayo'y pumarito,” sabi nila, “kumuha tayo ng alak, at punuin natin ang ating sarili ng matapang na inumin; at ang bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakila at walang katulad. (AB01)

Ang pagkasaserdote ay inilarawan bilang mga piping aso at bulag na mga gabay. Wala silang pang-unawa dahil hindi sila natatakot sa Diyos o sumusunod sa Kanyang mga Utos.

 

Ang ating bayan ay pinakain ng kasinungalingan at napahamak dahil sa mga saserdote at sa kanilang sistema ng pamumuhay.

Isaias 5:11-13 Kahabag-habag sila na bumabangong maaga sa umaga, upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin; na nagpupuyat hanggang sa kalaliman ng gabi, hanggang sa mag-alab ang alak sa kanila! 12 Sila'y may lira at alpa, pandereta at plauta, at alak sa kanilang mga kapistahan; ngunit hindi nila pinahalagahan ang mga gawa ng Panginoon, o minasdan man nila ang gawa ng kanyang mga kamay. 13 Kaya't ang aking bayan ay pupunta sa pagkabihag dahil sa kawalan ng kaalaman; ang kanilang mararangal na tao ay namamatay sa gutom, at ang napakarami nilang tao ay nalulugmok sa uhaw. (AB01)

 

Ang sistema ay nagpapatuloy sa mga Kapistahan at sa sistema ng pagsamba. Kung paanong ang mga saserdote ay nakalimutan ang Panginoon at iniligaw ang Kanyang mga anak, gayon din Niya kalilimutan ang kanilang mga anak.

Oseas 4:1-6 Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka't walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain. 2 Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo. 3 Kaya't ang lupain ay tatangis, at bawa't tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli. 4 Gayon ma'y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka't ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote. 5 At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina. 6 Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak. (AB)

Ang utos na ito ay dahil nagtuturo ang mga saserdote laban sa Kautusan. Sabi nila na wala na itong bisa.

 

Isaias 5:18-24 Kahabag-habag sila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng pagkukunwari, at ng kasalanan na tila lubid ng kariton, 19 na nagsasabi, “Pagmadaliin siya, madaliin niya ang kanyang gawain upang iyon ay aming makita; at dumating nawa ang layunin ng Banal ng Israel upang iyon ay aming malaman!” 20 Kahabag-habag sila na tinatawag na mabuti ang masama, at ang masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait! 21 Kahabag-habag sila na pantas sa kanilang sariling mga mata, at marunong sa kanilang sariling paningin! 22 Kahabag-habag sila na mga malakas sa pag-inom ng alak, at mga taong matatapang sa paghahalo ng matapang na inumin, 23 na pinawawalang-sala ang masama dahil sa suhol, at ang katuwiran ng matuwid ay inaalis sa kanya! 24 Kaya't kung paanong ang dila ng apoy ay tumutupok sa dayami, at ang tuyong damo ay natutupok sa liyab, magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat, at ang kanilang bulaklak ay papailanglang na gaya ng alabok; sapagkat kanilang itinakuwil ang tagubilin ng Panginoon ng mga hukbo, at hinamak ang salita ng Banal ng Israel. (AB01)

Ang pagtanggi sa Kautusan ay nagreresulta sa katotohanan na ang pagkaunawa sa mabuti at masama ay nawala.

 

Ang saserdote at propeta ay kapwa marumi sa Bahay ng Panginoon (Jer. 23:11–40). Hindi ibinunyag ng mga propeta ang kasamaan ng Sion.

Panaghoy 2:14  Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga huwad at mapandayang pangitain;

hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan upang ibalik ka mula sa pagkabihag, kundi nakakita para sa iyo ng mga hulang huwad at nakaliligaw. (AB01)

 

Ang parehong mga bulaang propetang ito ay walang nakikitang mga problema para sa mga iglesia sa mga Huling Araw. Gayunpaman, ipapanumbalik ng Panginoon ang Israel na magkakaroon ng mapayapang wakas.

Jeremias 29:8-14 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: Huwag kayong padadaya sa inyong mga propeta at sa inyong mga manghuhula na kasama ninyo, huwag kayong makikinig sa mga panaginip na kanilang napapanaginip, 9 sapagkat kasinungalingan ang propesiya na sinasabi nila sa inyo sa aking pangalan, hindi ko sila sinugo, sabi ng Panginoon. 10 “Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: Kapag naganap na ang pitumpung taon para sa Babilonia, dadalawin ko kayo, at tutuparin ko sa inyo ang aking pangako, at ibabalik ko kayo sa dakong ito. 11 Sapagkat nalalaman ko ang aking mga panukala para sa inyo, sabi ng Panginoon, mga panukala para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama, upang bigyan kayo ng kinabukasan at ng pag-asa. 12 At kayo'y tatawag sa akin, at kayo'y lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko kayo. 13 Hahanapin ninyo ako at matatagpuan kapag hinanap ninyo ako nang inyong buong puso. 14 Ako'y inyong matatagpuan, sabi ng Panginoon, at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan at titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon. Ibabalik ko kayo sa dakong pinagkunan ko sa inyo tungo sa pagkabihag. (AB01)

 

Si Moises ay tumayo sa pagitan ng Diyos at ng Israel upang pawiin ang poot ng Diyos (Awit 106:23), ngunit ang mga bulaang saserdoteng ito ay hindi tumatayo para sa Israel gaya ng ipinakita ni Moises, o naninindigan laban sa kasamaan para sa Israel (Ezek. 13:5).

Ezekiel 13:5 Hindi kayo pupunta sa sirang mga bahagi ng batong pader para ayusin ito alang-alang sa sambahayan ng Israel at sa gayon ay manatiling nakatayo ang Israel sa labanan sa araw ni Jehova.” (BSS)

 

Sa katunayan, sinasabi ng mga bulaang propeta na ang mga hinirang ay mapupunta sa ligtas na lugar sa araw ng pakikipaglaban ng Panginoon. Walang tao na gustong tumayo sa sirang bahagi.

Ezekiel 22:30 “‘Humahanap ako ng isang lalaki mula sa kanila na magkukumpuni ng batong pader o tatayo sa sirang bahagi nito para protektahan ang lupain para hindi ko ito wasakin, pero wala akong nakita. (BSS)

 

Mula sa Jeremias 23:11-40 makikita natin na ang Panginoon ay laban sa mga bulaang propeta (vv. 30,31,32). Ang paghahambing ng mga tekstong ito ay makikita sa mga sumusunod: v. 11 cf. Zeph. 3:4; v. 12 cf. Jer. 11:23; v. 13 cf. Isa. 9:16; vv. 17,22 ay nagpapakita na ang mga bulaang propeta ay naghihikayat ng kasamaan at ng mga namumuhi sa Diyos at sa Kanyang mga Kautusan.

 

Ang mensahe ng Huling Araw ay hindi ipahahayag sa Hebreo kundi mula sa ibang mga labi at banyagang wika (cf. Jer. 4:15f.).

 

Ang mga saserdote na mabibigo sa mga Huling Araw ay ibibigay sa sistema ng Hayop at sa mga misteryo ng Babilonia. Sila ay aalisin upang harapin ang kakilabutan na tinutukoy ni Jeremias. Hindi sila nakasulat sa talaan ng Sangbahayan ni Israel.

Ezra 2:59-62 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Cherub, Addan, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang kanilang binhi kung sila'y taga Israel: 60 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nicoda, anim na raan at limang pu't dalawa. 61 At sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Abaia, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan. 62 Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi, nguni't hindi nangasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote. (AB)

 

Ito ay muling sinabi sa Nehemias 7:5.

Nehemias 7:5 Inilagay ng Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, mga pinuno, at ang taong-bayan upang magpatala ayon sa talaan ng lahi. Aking natagpuan ang aklat ng talaan ng lahi ng mga nagsiahon noong una, at aking natagpuang nakasulat doon: (AB01)

Kaya, ang talaan ng pangalan ay pinananatili para sa pagkasaserdote.

 

Ang paglapastangan sa pagkasaserdoteng Levita ay sinalubong ng pagtitiwalag. Gaano pa kaya ang parusa para sa pagkasaserdoteng Melquisedec na ang tanging dahilan ng pagpasok ay ang kadalisayan ng kanilang pagkatawag? Kaya’t sila ay lubusang tiniwalag lahat na inilalagak sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli.

 

Ang Diyos ay nagdadalamhati sa mga saserdote dahil winasak nila ang kapulungan at pinangalat ang mga tupa.

Jeremias 10:20-25 Ang aking tolda ay nagiba, at lahat ng panali ko ay napatid; iniwan ako ng aking mga anak, at sila'y wala na; wala nang magtatayo pa ng aking tolda, at magtataas ng aking mga tabing. 21 Sapagkat ang mga pastol ay naging hangal, at hindi sumasangguni sa Panginoon; kaya't hindi sila umuunlad, at lahat nilang kawan ay nakakalat. 22 Pakinggan ninyo, isang ingay! Tingnan ninyo, ito'y dumarating— isang malaking kaguluhan mula sa hilagang lupain, upang wasakin ang mga lunsod ng Juda, at gawing tahanan ng mga asong-gubat. 23 Alam ko, O Panginoon, na ang lakad ng tao ay wala sa kanyang sarili; wala sa taong lumalakad ang magtuwid ng kanyang mga hakbang. 24 Ituwid mo ako, O Panginoon, ngunit sa katarungan, huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala. 25 Ibuhos mo ang iyong poot sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyo, at sa mga bayan na hindi tumatawag sa iyong pangalan; sapagkat kanilang nilamon ang Jacob, kanilang nilamon siya, at nilipol siya, at winasak ang kanyang tahanan. (AB01)

 

Ang Tabernakulo ng Diyos ay ang Templo ng Diyos na siyang mga hinirang. Ang Tabernakulo ay hindi maitatatag para sa karampatang pagsamba. Ang mga anak ng Diyos ay nangalat dahil sa mga pastol.

 

Dahil sa kapabayaan na ito sa mga kapatid, hindi uunlad ang mga pastol. Ang mga pastol ay naging malupit dahil wala silang takot sa Diyos at, samakatuwid, nawalan ng pang-unawa at karunungan.

Awit 111:10 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man. (AB)

 

Ang pagpapawalang-saysay ng pagkasaserdote sa mga utos ay nagtatanggal sa kanila tungo sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Nasa kanila ang dumi ng mga Kapistahan na kung tutuusin ay dumi ng korban o ang dumi ng mga hain na kumalat sa kanilang mga mukha. Ito ang mga biktima na bumubuo sa 144,000. Aalisin ng isa ang pagkasaserdote kasama ng isa sa mga Kapistahan. Ito ay isang mahiwagang propesiya na may aplikasyon sa pagkatanggal ng pagkasaserdote sa dalawang yugto ng sistemang Mesiyaniko. Ang unang pagkakataon ay noong 30/31 CE kasama ang Mesiyas. Ang pangalawang pagkakataon ay sa mga Huling Araw bago ang Ikalawang Pagparito kung kailan babagsak ang buong ministeryo.

 

Malakias 2:1-9 At ngayon, Oh kayong mga saserdote, ang utos na ito'y sa inyo. 2 Kung hindi ninyo didinggin, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo, at aking susumpain ang inyong kapalaran; oo, akin na silang sinumpa, sapagka't hindi ninyo inilagak sa inyong puso. 3 Narito, aking sisirain ang inyong binhi, at magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha, sa makatuwid baga'y ng dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo'y pawang ilalabas na kasama niyaon. 4 At inyong malalaman na aking ipinasugo ang utos na ito sa inyo, upang ang aking tipan kay Levi ay manatili, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 5 Ang aking tipan ay buhay at kapayapaan sa kaniya; at aking mga ibinigay sa kaniya upang siya'y matakot; at siya'y natakot sa akin, at siya'y nagpakababa sa aking pangalan. 6 Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig, at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi: siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo sa kasamaan ang marami. 7 Sapagka't ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo. 8 Nguni't kayo'y nagsilihis sa daan; inyong itinisod ang marami sa kautusan; inyong sinira ang tipan ni Levi, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 9 Kaya't kayo'y ginawa ko namang hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan, ayon sa hindi ninyo pagkaingat ng aking mga daan, kundi tumangi kayo ng mga pagkatao sa kautusan. (AB)

Sila ay nilapastangan dahil hindi sila natatakot sa Diyos.

 

Malakias 3:5 “Aking lalapitan kayo sa kahatulan; ako'y magiging mabilis sa pagsaksi laban sa mga mangkukulam, laban sa mga nakikiapid, laban sa mga nanunumpa ng kasinungalingan, at laban sa mga umaapi sa upahang manggagawa sa kanyang sahod, sa babaing balo at sa ulila, at laban sa nagtataboy sa dayuhan, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (AB01)

 

Ang kahatulan ng Panginoon ay laban din sa mga taong naligaw sa pamamagitan ng mga saserdote at mga hiwaga o mga pangkukulam. Nagpatuloy si Ezekiel sa 13:17ff., pagkatapos kondenahin ang mga propeta, upang harapin nang direkta ang mga babaeng mangkukulam na naging malaking tinik sa tagiliran ng Israel sa buong kasaysayan nito.

Ezekiel 13:17-23 At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila, 18 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili? 19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buháy ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan. 20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin. 21 Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 22 Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay; 23 Kaya't hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. (AB)

Ang ganitong anyo ng pangkukulam ay nagmula sa sistemang Babilonia at kasama rito ang pagmamasid sa mga bituin at lahat ng anyo ng okulto. Matagal nang inililigaw ng mga bulaang propetisa ang Israel. Ang pinaka-mapaminsala sa katunayan ay nagpanggap na mga anghel ng liwanag sa Iglesia ng Diyos. Sila ang mga responsable sa pagkakahati ng Iglesia noong huling siglo sa pamamagitan ng pagsunod sa bulaang propetisa na si Ellen G. White.

 

Ang pagbaba ng moralidad ng mga tao ay direktang nauugnay sa kakulangan ng kasipagan ng pagkasaserdote at ng mga propeta. Ang pagbaba ng moralidad sa ilalim ni Ahaz ay direktang resulta ng kaluwagan ng pagkasaserdote.

2Cronica 28:19 Sapagkat ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil kay Ahaz na hari ng Israel; sapagkat siya'y gumawa ng masama sa Juda at naging taksil sa Panginoon. (AB01)

 

Ang sabi ng NKJV:

For the Lord brought Judah low because of Ahaz king of Israel, for he had encouraged moral decline in Judah and had been continually unfaithful to the Lord.

 

Ito ay sinusuri sa ibaba sa Bahagi 3 - Pagtanggal sa mga Prinsipe.

 

Ang mga hain ng pagkasaserdote ay dapat malinis sa harap ng Diyos.

Hagai 2:11-14 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi, 12 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi. 13 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang marumi dahil sa bangkay ay masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi. 14 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi. (AB)

 

Ang pagkasaserdote ay nahawaan ng sistemang Babilonia at ng triune god. Ang kanilang inihahandog ay marumi at gayon din ang kalagayan ng bayang ito. Lilinisin ng Diyos ang Israel minsan at magpakailanman mula sa heresiyang ito at sistemang ito. Ang Babilonia ay babagsak at babagsak nang tuluyan (Apoc. 18:2ff.).

Ang mga Matatanda ay inatasan at may pangakong gantimpala sa kanila. Dapat silang magsisi.

 

Inatasan ni Pedro ang mga hinirang upang sila ay masumpungang karapat-dapat na tumayo sa harap ng Mesiyas.

1Pedro 5:1-4 Kaya't ipinamamanhik ko sa mga matatanda sa inyo, bilang isang matanda at saksi ng mga pagdurusa ni Cristo, at nakikibahagi sa kaluwalhatiang mahahayag. 2Alagaan mo ang kawan ng Diyos na iyong ipinag-uutos, hindi sa pamimilit kundi kusang loob, hindi para sa kahiya-hiyang pakinabang kundi may pananabik, 3hindi bilang pangingibabaw sa mga nasa tungkulin mo kundi pagiging mga halimbawa sa kawan. 4At kapag ang punong Pastol ay nahayag ay makakamit mo ang hindi kumukupas na korona ng kaluwalhatian. (AB01)

 

 

 

Bahagi 3 - Ang Templo ay Sinukat - Pagtanggal sa mga Prinsipe

 

 

Ang kaharian ay naitatag sa Israel dahil sa kabiguan ng mga hukom na tiyakin ang pagkakapantay-pantay sa kanilang pangangasiwa at sa kawalan ng pananampalataya ng bayan sa Diyos na maglagay ng Kanyang tagapamahala sa makatarungang paghuhukom sa bansa. Gusto nila ng isang linya ng paghahari na maaari nilang matukoy at makontrol. Hindi sila nanalig sa pananampalataya na ang Panginoon ay magbabangon ng isang hukom sa pagkamatay ng nakaraang hukom mula sa kanilang bayan. Hindi nila naisip na kayang malaman ng Diyos ang laman ng mga puso ng Kanyang bayan upang makita kung sinong hukom, na binigyan ng Kanyang Banal na Espiritu, ang maaaring magsisi, magbago at mamuno sa mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit naitatag ang paghahari. Ang isang malaking pagkakamali ng mga hukom ay hindi nila pinamunuan ang kanilang sariling mga pamilya. Si Eli ay hukom sa Israel at hindi niya pinamunuan ang kanyang mga anak. Gayundin, si Samuel ay hukom sa Israel at hindi niya pinamunuan ang kanyang mga anak. Ang dalawang hukom na iyon - ang huling dalawang hukom ng Israel - ay naging bahagi ng dahilan kung bakit bumagsak ang panahon ng mga hukom dahil ang kanilang mga anak na lalaki ay gumawa ng kasamaan at hindi sila sinaway ng kanilang mga ama. Ang magkaroon ng hari ay naging isang pangangailangan sa mata ng mga tao dahil ang mga tao ay walang pananampalataya na aalisin ng Diyos ang mga makasalanang saserdote.

 

Kahit pinatay na ng Diyos ang dalawang anak ni Aaron dahil sa kasamaan, ang Israel ay wala pa ring pananampalataya na ang mga anak ni Eli - na pinatay din - ay kontrolado ng Diyos. Naging pangatlong halimbawa pa ang mga anak ni Samuel at ayaw na nilang magtiwala sa Diyos na tatanggalin pa ang dalawang ito, o manalig na maglalagay ang Diyos ng isa pang hukom. Kapag ang isang hukom ay binigyan ng kapangyarihan, ang kanyang mga anak na lalaki ay kasama sa pangangasiwa, subalit kapag hindi sila sumunod sa Diyos, papatayin sila. Ang mga anak na lalaki ay hindi magmamana ng pagiging hukom. Kaya nga, kapag ang Diyos ay nagbangon ng mga Matatanda sa Iglesia, ang kanilang mga anak na lalaki ay hindi magmamana ng pagiging hukom. Kaya naman ang mga tao ay tumalikod sa Diyos at nagkasala at humingi na magkaroon ng hari. Gayunman, ito ay pinahintulutan ng Diyos na mangyari ang sitwasyong iyon upang ang Israel ay matuto, at ang pagiging hari ay maaaring kunin ng Mesiyas bilang kaniyang mana sa Juda. Naglagay na si Moises sa Kautusan ng tungkol sa pagkakaroon ng hari. Bagaman wala pang pananaw o pag-aasam na magkaroon ng hari, nag-iwan na si Moises ng isang sugnay sa Kautusan, na naglalaan para sa pagtatatag ng isang hari.

 

1Samuel 8:1-5 Nang si Samuel ay matanda na, ginawa niyang mga hukom sa Israel ang kanyang mga anak. 2 Ang pangalan ng kanyang panganay na anak ay Joel at ang pangalawa ay Abias. Sila'y mga hukom sa Beer-seba. 3 Ngunit ang kanyang mga anak ay hindi sumunod sa kanyang mga daan, kundi tumalikod dahil sa pakinabang. Sila'y tumanggap ng mga suhol at binaluktot ang katarungan. 4 Nang magkagayo'y nagtipun-tipon ang mga matanda ng Israel at pumaroon kay Samuel sa Rama. 5 At kanilang sinabi sa kanya, “Ikaw ay matanda na at ang iyong mga anak ay hindi sumusunod sa iyong mga daan. Humirang ka ngayon para sa amin ng isang hari upang mamahala sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.” (AB01)

 

1Samuel 8:6-9 Ngunit hindi minabuti ni Samuel nang kanilang sabihin, “Bigyan mo kami ng isang hari upang mamahala sa amin.” At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon. 7 Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako bilang hari nila. 8 Ayon sa lahat ng mga bagay na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito, na kanilang tinatalikuran ako at naglilingkod sa ibang mga diyos ay gayundin ang ginagawa nila sa iyo. 9 Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig; lamang ay balaan mo silang mabuti, at ipakita mo sa kanila ang mga pamamaraan ng hari na maghahari sa kanila.”

Wala silang pananampalataya sa Diyos. Ilalagay nila ang kanilang tiwala sa isang tao na kanilang nakakausap dahil hindi sila nakikipag-usap sa Diyos. Wala silang personal na relasyon sa Diyos sa Israel. Wala sinuman sa Israel ang ganoon maliban kay Samuel.

 

Noong panahon ng mga hukom, ginawa ng bawat isa kung ano ang tama sa kanyang sariling paningin ngunit sila ay natatakot kay Samuel dahil mayroon siyang Urim at Thummim at ang Diyos ay nagsasalita mula sa kanyang bibig. Si Samuel ay isang propeta ng Diyos at mayroon siyang kapangyarihan ng panghuhula. Siya ay isang tagakita. Paminsan-minsan lamang may lumilitaw na isang saserdote sa Israel na may kapangyarihan ng Urim at Thummim: na may kapangyarihan ng propesiya at panghuhula. Ang taimtim na babala sa bansa ay upang maunawaan nila ang bigat ng pagtakwil sa Diyos at umasa sa pamamahala ng tao.

 

1Samuel 8:10-22 Kaya't iniulat ni Samuel ang lahat ng mga salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kanya ng isang hari. 11 Sinabi niya, “Ito ang magiging mga palakad ng hari na maghahari sa inyo: kanyang kukunin ang inyong mga anak at kanyang ilalagay sa kanyang mga karwahe upang maging mga mangangabayo na tatakbo sa unahan ng kanyang mga karwahe. 12 Siya'y hihirang para sa kanya ng mga pinuno ng libu-libo at mga pinuno ng tiglilimampu; at ang iba ay upang mag-araro ng kanyang lupa, at gumapas ng kanyang ani, at upang gumawa ng kanyang mga kagamitang pandigma at mga kagamitan ng kanyang mga karwahe. 13 Kanyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango, mga tagapagluto, at mga magtitinapay. 14 Kukunin niya ang pinakamainam ninyong mga bukid, mga ubasan, at mga taniman ng olibo upang ibigay ang mga iyon sa kanyang mga lingkod. 15 Kukunin niya ang ikasampung bahagi ng inyong butil at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kanyang mga punong-kawal at mga lingkod. 16 Kanyang kukunin ang inyong mga aliping lalaki at aliping babae, ang inyong pinakamabuting kabataan, at ang inyong mga asno, at ilalagay niya sa kanyang mga gawain. 17 Kanyang kukunin ang ikasampung bahagi ng inyong mga kawan at kayo'y magiging kanyang mga alipin. 18 Sa araw na iyon kayo'y daraing dahil sa inyong hari na inyong pinili para sa inyong sarili; ngunit hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na iyon.” 19 Ngunit tumangging makinig ang bayan sa tinig ni Samuel at kanilang sinabi, “Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari, 20 upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang mamahala sa amin ang aming hari at lumabas sa unahan namin at lumaban sa aming mga digmaan.” 21 Nang marinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan, kanyang inulit ang mga iyon sa pandinig ng Panginoon. 22 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang kanilang tinig at bigyan mo sila ng hari.” Sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel, “Umuwi ang bawat isa sa inyo sa kanya-kanyang lunsod.” (AB01)

Ang Yahovah (Jehovah) na ito na nakikipag-usap kay Samuel ay si Jesucristo. Hindi narinig ni Samuel ang tinig ng Panginoon ng mga Hukbo (Diyos Ama). Walang sinumang tao ang nakarinig kailanman ng Kanyang tinig. Alam natin iyan mula sa Juan 1:18, Juan 5:37 at 1Timoteo 6:16. Walang sinumang tao ang nakakita sa Diyos, o narinig ang Kanyang tinig, o kailanman ay makakakita sa Kanya.

 

Malinaw ang problema dito. Ang bayan ng Israel ay nais ng isang nakikitang pinuno na manguna sa pakikipaglaban para sa kanila. Sila ay nanalig sa pisikal at hindi sa espirituwal. Sa isang banda, hindi natin sila masisisi doon dahil hindi nila taglay ang Banal na Espiritu tulad ng mayroon tayo. Hindi nila makita ang mga hukbo ng Panginoon sa paligid ng Israel. Iyan mismo ang kaisipan ng modernong Israel sa kasalukuyan. Ayaw nilang magtiwala sa Diyos; gusto nilang magtiwala sa malaking bomba. At ang mga taong ito ay nais ng isang malaking hari. Nais nilang may manguna sa kanila at makipaglaban para sa kanila.

 

1Samuel 9:14-17 Kaya't sila'y pumunta sa bayan. Pagpasok nila sa bayan, nasalubong nila si Samuel na papaakyat sa mataas na dako. 15 Nang araw bago dumating si Saul, ipinahayag ng Panginoon kay Samuel: 16 “Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at iyong bubuhusan siya ng langis upang maging pinuno sa aking bayang Israel. Ililigtas niya ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo; sapagkat aking nakita ang paghihirap ng aking bayan, dahil ang kanilang daing ay umabot sa akin.” 17 Nang makita ni Samuel si Saul ay sinabi ng Panginoon sa kanya, “Narito ang lalaki na aking sinabi sa iyo! Siya ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.” (AB01)

Si Saul ay ibinangon para sa isang partikular na layunin ang palayain ang Israel mula sa pasanin ng mga Filisteo. Gusto ng Israel ng isang tao na makikita nila, kaya binigyan sila ng Diyos ng isang tao na mula sa kaniyang mga balikat at hanggang sa ulo ay lalong mataas siya kaysa sinoman sa Israel. Si Saul ay isang malaki at makisig na lalaki at kinuha siya ng Diyos mula sa pinakamababa sa mga angkan ng pinakamaliit sa mga lipi ng Israel. Siya ay isang Benjaminita ng pinakamaliit na angkan. Muntik nang malipol ang Benjamin bilang isang lipi.

 

1Samuel 9:18-21 Pagkatapos ay lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan, at sinabi, “Hinihiling ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan naroon ang bahay ng nakakakita ng pangitain.” 19 Sumagot si Samuel kay Saul, “Ako ang tagakita; mauna kang umahon sa akin sa mataas na dako, sapagkat kakain kang kasalo ko ngayon, at sa kinaumagahan ay pauuwiin na kita at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng nasa isip mo. 20 Tungkol sa iyong mga asno na tatlong araw nang nawawala ay huwag mong alalahanin sapagkat natagpuan na. At para kanino ba ang lahat ng kanais-nais sa Israel? Hindi ba para sa iyo at sa buong sambahayan ng iyong ama?” 21 Si Saul ay sumagot, “Hindi ba ako'y isang Benjaminita, mula sa pinakamaliit na lipi ng Israel? At hindi ba ang aking angkan ang pinakahamak sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? Bakit ka nagsasalita sa akin sa ganitong paraan?” (AB01)

Naipakita na ni Samuel na siya ay isang propeta noon, dahil hindi binanggit ni Saul ang mga asno.  Sinabi iyon ni Samuel sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit si Saul ay pinapunta sa simula pa lang. Kinuha ng Diyos ang tatlong asno at itinaboy ang mga iyon sa isang lugar kung saan nawala ito sa angkan ni Kish, at si Saul ay pinapunta upang hanapin ang mga iyon. Kailangan siyang papuntahin upang hanapin ang mga iyon upang maibigay sa mga kamay ni Samuel upang gawing hari. Kaya ang Diyos ay may kinalaman sa prosesong ito.

 

Alam ng mga Benjaminita na ang setro ay lalabas mula sa Juda mula sa Genesis 49. Ito ay isang pangako ng karapatan ng pagkapanganay kay Juda. Ginamit ng Diyos ang pinakamahinang angkan ng pinakamahinang lipi upang iligtas ang Israel mula sa pagkaalipin. Ganyan ang paraan ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang kahinaan upang maglabas ng kapangyarihan. Mula sa kahinaan ay naglalabas Siya ng kalakasan at iyon ang dahilan kung bakit Niya tayo ginagamit. Ginagamit Niya ang mahihina at ang mababa at Kanyang nililinang ang kaligtasan ng Israel mula sa kahinaan at kababaan.

 

1Samuel 9:22 Kaya't ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kanyang lingkod at ipinasok niya sila sa kabahayan, at binigyan sila ng lugar sa pangunahing upuan kasama ng mga naanyayahan, na may tatlumpung katao. (AB01)

Hindi ito aksidente. Inanyayahan ni Samuel ang humigit-kumulang tatlumpung tao sa koronasyon na ito – sa pagtatalagang ito, o paghirang kay Saul. Ang dahilan kung bakit naroroon ang tatlumpung tao ay dahil iyon ay upang kumatawan sa namumunong Konseho ng Godhead at sa Panloob na Konseho ng pitumpu sa Israel. Kaya si Saul ay parang inilagay sa gitna ng tatlumpu upang pagtibayin at ipakita na ang konseho ay ililipat sa pagkakaroon ng hari.

 

1Samuel 9:23-27 Sinabi ni Samuel sa tagapagluto, “Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo, na siyang aking sinabi sa iyo, ‘Ibukod mo ito.’” 24 Kaya't kinuha ng tagapagluto ang hita at ang bahaging itaas at inilagay sa harapan ni Saul. At sinabi ni Samuel, “Tingnan mo, ang itinabi ay inilagay sa harap mo. Kainin mo sapagkat ito ay iningatan para sa iyo hanggang sa takdang panahon sapagkat aking sinabi, na inanyayahan ko ang bayan.” Kaya't kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na iyon. 25 Nang sila'y makalusong sa lunsod mula sa mataas na dako, isang higaan ang inilatag para kay Saul sa bubungan ng bahay at siya'y humiga upang matulog. 26 At sa pagbubukang-liwayway, tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan, “Bangon, upang mapahayo na kita.” Si Saul ay bumangon at kapwa sila lumabas ni Samuel. 27 Habang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan ay sinabi ni Samuel kay Saul, “Sabihin mo sa lingkod na mauna na sa atin, at kapag siya'y nakaraan ay tumigil ka rito, upang maipaalam ko sa iyo ang salita ng Diyos.” (AB01)

 

Kaya't binukod muna ni Samuel ang hari upang maitaguyod ang kanyang ugnayan sa hari, ngunit binago ito ng Diyos nang lubusan. Hindi nakipag-usap ang Diyos nang direkta sa hari, kay Saul; Nagsalita Siya sa pamamagitan ng isang propeta. Ang Diyos (sa pamamagitan ng Anghel ni Yahovah) ay nakipag-usap kay David, ngunit sinaway Niya siya sa pamamagitan ng propetang si Nathan. Ginamit ng Diyos si Samuel at pagkatapos si Nathan upang makitungo sa paghahari sa Israel.

 

Dito ay simbolikong ibinukod si Saul bilang pinuno ng Panloob na Konseho batay sa presensya ng tatlumpung panauhin. Ang kanyang pag-angat ay bilang pisikal na pinuno ng Israel bilang salamin ng espirituwal na Kaharian.

 

1Samuel 10:1-4 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana? 2 Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng libingan ni Rachel, sa hangganan ng Benjamin sa Selsah; at sasabihin nila sa iyo, Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na; at, narito, niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno, at ang inaalaala ay kayo, na sinasabi, Paano ang aking gagawin sa aking anak? 3 Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak: 4 At babatiin ka nila, at bibigyan ka ng dalawang tinapay, na iyong tatanggapin sa kanilang kamay. (AB)

Mayroon tayo dito nitong pitong elemento at, mula doon, dalawang tinapay ang ibinigay sa hari. Sa madaling salita, ang mga tipan ay ibinigay sa hari. Ang dalawang tinapay na ito ay naging sagisag ng mga tipan sa hain ng Pentecostes.

 

1Samuel 10:5-6 Pagkatapos ay darating ka sa burol ng Diyos na kinaroroonan ng isang himpilan ng mga Filisteo. Pagdating mo sa lunsod, makakasalubong ka ng isang pangkat ng mga propeta na lumulusong mula sa mataas na dako, na may alpa, pandereta, plauta, at lira sa harap nila; na nagpapahayag ng propesiya. 6 Pagkatapos, ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang lulukob sa iyo, at magsasalita ka ng propesiya na kasama nila at magiging ibang lalaki. (AB01)

Ipinapakita nito na ang pinahiran ng Panginoon sa pangangasiwa ay pinagkalooban ng Banal na Espiritu at binibigyan ng kakayahang maging ibang tao sa pamamagitan ng espiritu ng propesiya. Ito ay kumakatawan sa mga hari at mga saserdote na pipiliin mula sa Israel bilang mga hinirang, at ito ay sumasagisag sa Banal na Espiritu na may kakayahang makitungo sa mga hinirang at baguhin ang dating pagkatao tungo sa bagong pagkatao.

 

1Samuel 10:7-16 Kapag ang mga tandang ito ay nangyari sa iyo, gawin mo ang anumang nakikita mong nararapat sapagkat ang Diyos ay kasama mo. 8 Ikaw ay lulusong na una sa akin sa Gilgal; at, ako'y darating sa iyo upang maghandog ng mga handog na sinusunog, at mag-alay ng mga alay na handog pangkapayapaan. Maghihintay ka ng pitong araw hanggang sa ako'y dumating sa iyo at ipapakita ko sa iyo kung ano ang iyong gagawin.” 9 Nang siya ay tumalikod upang iwan si Samuel ay binigyan siya ng Diyos ng ibang puso; at ang lahat na mga tandang ito ay nangyari sa araw na iyon. 10 Pagdating nila sa Gibea, isang pangkat ng mga propeta ang sumalubong sa kanya; at ang Espiritu ng Diyos ay makapangyarihang sumakanya, at siya'y nagsalita ng propesiya kasama nila. 11 Nang makita ng lahat ng nakakakilala sa kanya nang una kung paano siya magsalita ng propesiya kasama ng mga propeta, ang bayan ay nagsabi sa isa't isa, “Ano itong nangyari sa anak ni Kish? Si Saul ba ay isa na rin sa mga propeta?” 12 Isang lalaking taga-roon ang sumagot at nagsabi, “At sino ang kanilang ama?” Kaya't naging kasabihan, “Si Saul ba ay isa na rin sa mga propeta?” 13 Nang siya'y makatapos makapagsalita ng propesiya, siya'y pumunta sa isang mataas na dako. 14 Sinabi ng tiyo ni Saul sa kanya at sa kanyang lingkod, “Saan kayo pumunta?” At kanyang sinabi, “Upang hanapin ang mga asno at nang ito ay hindi namin matagpuan ay pumunta kami kay Samuel.” 15 Sinabi ng tiyo ni Saul, “Sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo.” 16 Sinabi ni Saul sa kanyang tiyo, “Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay natagpuan na.” Ngunit tungkol sa bagay ng kaharian na sinabi ni Samuel, hindi niya iyon sinabi sa kanya. (AB01)

 

Hindi lubos na naunawaan ni Saul ang lahat ng ito. Nakita niya ang napakalaking responsibilidad na iniatang sa kanya.

 

1Samuel 10:17-19 At tinipon ni Samuel ang bayan sa Panginoon sa Mizpa 18 at sinabi niya sa mga anak ni Israel, “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, ‘Iniahon ko ang Israel mula sa Ehipto, at pinalaya ko kayo sa kamay ng mga taga-Ehipto, at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na nagpahirap sa inyo.’ 19 Ngunit itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Diyos na nagligtas sa inyo mula sa lahat ng inyong kapahamakan at mga kapighatian. Sinabi ninyo sa kanya, ‘Hindi, kundi maglagay ka sa amin ng isang hari.’ Ngayon nga'y humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyu-inyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libu-libo.” (AB01)

Kapag may hinihiling tayo sa Diyos, dapat tayong mag-ingat sa ating hinihiling, dahil nakatali at mananagot tayo dito.

 

Tinipon ng Diyos ang buong Israel sa harap ni Samuel sa Mizpa upang magbigay ng mga utos laban sa Israel at ilagay sila sa kanilang libu-libo sa ilalim ng hari. Hindi nakasalalay sa Israel na alisin ang kanilang sarili sa ilalim ng hari gaya ng ginawa ni Manases. Ipapakita ito mamaya kung paano aagawin ng Diyos ang mga lipi ng Israel mula sa ilalim ng kamay ng korona. Ang pagsasabi pa lamang nito ay maituturing na pagtataksil sa ating bayan, at 500 taon na ang nakararaan, ang sinumang magsabi ng ganito ay binibitay, pinupunit ang laman at pinagpuputol-putol dahil sa simpleng pagbanggit nito, lalo na kung magbibigay pa ng sermon tungkol sa kung paano ito gagawin ng Diyos. Makikita natin kung paano haharapin ng Diyos ang monarkiya.

 

1Samuel 10:20  Sa gayo'y pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang nakuha sa palabunutan. (AB01)

Ipinapakita niya ang kumpirmasyon ng kung ano ang sinabi sa kanya ng Diyos. Pagkatapos ay ipinakita niya sa pamamagitan ng paggamit ng palabunutan kung ano ang sinabi sa kanya ng Diyos. Ang ipinamalas niya noon ay hindi nagkataon lang. Pagkatapos ay pinili ng Diyos ang hari sa pamamagitan ng palabunutan, tulad ng pagpili Niya sa mga dakilang saserdote at sa mga dakilang saserdote ng bawat dibisyon para sa kanilang mga tungkulin sa Templo. Ang lahat ng tungkulin sa pamumuno ng Israel ay pinipili sa pamamagitan ng palabunutan.

 

1Samuel 10:21  Kanyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kanyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili. Si Saul na anak ni Kish ay siyang napili ngunit nang kanilang hanapin siya ay hindi natagpuan. (AB01)

 

Kaya isinagawa nila ang palabunutan sa bawat lalake sa angkan at kanilang nabunot si Saul. Ngunit si Saul ay nagtago sa mga dala-dalahan. Marahil ay sinusubok ni Saul ang sitwasyon. Kung wala siya roon, ipahahayag ito ng Diyos nang malinaw. Nag-alinlangan si Saul kung talagang ipinatong ng Diyos ang balabal ng tungkulin sa kaniyang balikat.

 

1Samuel 10:22 Kaya't muli nilang itinanong sa Panginoon, “May lalaki pa bang pupunta rito?” At ang Panginoon ay sumagot, “Tingnan mo, siya'y nagtago sa mga dala-dalahan.” (AB01)

Wala tayong mapagtataguan sa buhay na Diyos kapag tayo ay inilagay sa Katawan ni Cristo, pinahiran at binigyan ng trabahong dapat gawin. Hindi tayo pwedeng umuwi. Hindi tayo maaaring magtago sa mga dala-dalahan.

 

1Samuel 10:23-26 Sila'y tumakbo at kanilang kinuha siya mula roon. Nang siya'y tumayo sa gitna ng taong-bayan, siya ay mas mataas kaysa sinuman sa taong-bayan, mula sa kanyang mga balikat pataas. 24 Sinabi ni Samuel sa buong bayan, “Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon? Walang gaya niya sa buong bayan.” Ang buong bayan ay sumigaw at nagsabi, “Mabuhay ang hari!” 25 Pagkatapos ay sinabi ni Samuel sa taong-bayan ang mga karapatan at katungkulan ng hari; at isinulat niya sa isang aklat at inilagay sa harap ng Panginoon. Pinauwi ni Samuel ang buong bayan, bawat tao sa kanyang bahay. 26 Si Saul man ay umuwi sa kanyang bahay sa Gibea; at humayong kasama niya ang mga mandirigma na ang mga puso ay kinilos ng Diyos. (AB01)

Kaya't nilagyan ng Diyos si Saul sa paligid niya, para sa pagiging hari, ng mga lalaking marunong makipaglaban - mga lalaking may kakayahang sumulong kasama si Saul upang magampanan ang gawain at hindi sila marami. Ngunit naglagay ang Diyos ng sapat sa paligid ni Saul. Makikita natin ang laki ng hadlang na kanyang hinarap, ngunit binigyan siya ng Diyos ng espiritu upang magampanan ang gawain, at ng mga lalaking malalakas at matatapang upang magampanan ang gawain.

 

1Samuel 10:27 Ngunit sinabi ng ilang hamak na tao, “Paano tayo ililigtas ng taong ito?” At kanilang hinamak siya at hindi nila dinalhan ng kaloob. Ngunit siya'y hindi umimik. (AB01)

Ang isa sa mga problema kay Saul ay nagtatanim siya ng sama ng loob at siya ay nagkikimkim ng galit.

 

Ang mga karapatan at katungkulan ng hari ay nauugnay sa paghahanda at pagpapatupad ng Kautusan ng Diyos. Ang bawat hari ay dapat mag-aral at maghanda para sa kanyang sarili ng kopya ng Kautusan upang malaman niya ang mga kinakailangan sa katungkulan niya. Ang mismong sitwasyong ito ay nakita na ni Moises sa pagtatatag ng mga probisyon para sa katungkulan. Binabanggit muli ni Samuel ang mga probisyong inilatag ni Moises sa Kautusan at inilista niya ang pagkakasunud-sunod ng pangangasiwa sa paghahari noong ito ay itinatag at kung ano ang dapat mangyari.

 

Deuteronomio 17:14-15 Pagka ikaw ay dumating sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at iyong aariin, at iyong tatahanan; at iyong sasabihin, Ako'y maglalagay ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansang nasa palibot ko; 15 Ay ilalagay mo ngang hari sa iyo, yaong pipiliin ng Panginoon mong Dios: na isa sa iyong mga kapatid ang ilalagay mong hari sa iyo: hindi mo mailalagay sa iyo ang isang taga ibang bayan, na hindi mo kapatid. (AB)

Walang dayuhan ang maaaring maging hari ng Israel.

 

Deuteronomio 17:16  Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo, ni pababalikin niya ang bayan sa Egipto,

Dalawang pinakamahalagang utos laban sa hari ay: bawal niyang gamitin ang kanyang katungkulan para sa pansariling pakinabang at hindi niya dapat akayin ang bayan sa kasalanan, upang bumalik sa pagkabihag.

… upang siya'y makapagparami ng mga kabayo: sapagka't sinabi sa inyo ng Panginoon, Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon. (AB)

 

Hindi tayo maaaring bumalik sa pagkabihag o pagkaalipin sa ibang bansa. Hindi natin maaaring ipagbili ang ating kalayaan sa ibang bansa. Walang haring maaaring makipag-alyansa sa ibang sistema. Sa madaling salita, hindi tayo pwedeng makisalamuha sa mga makasanlibutang sistema at sa mga huwad na relihiyon  para sa sarili nating pakinabang o ng iba, o kahit anong dahilan pa.

 

Deuteronomio 17:17  Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto. (AB)

Hindi pinakinggan nina David at Solomon iyon at si Solomon, sa huli, ay nahulog sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Ang pinakadakila, pinakamatalinong hari sa Israel ay natapos bilang isang sumasamba sa mga diyus-diyosan at isinumpa ng Diyos.

 

Deuteronomio 17:18  Kapag umupo na siya sa trono ng kaharian niya, gagawa siya ng sariling kopya ng Kautusang ito, na iniingatan ng mga saserdoteng Levita. (BSS)

Ang mga opisyal na teksto ng aklat ay kailangang isulat at ang hari ay kailangang maghanda ng sarili niyang kopya ng Kautusan upang matiyak na nabasa niya ito at naiintindihan niya ito. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na maghanda ng tekstong ito para sa ating sarili. Kailangan nating magkaroon ng sarili nating mga kopya ng Kautusan at kailangan natin itong pag-aralan at unawain. Ang responsibilidad ay nasa bawat isa sa atin, hindi sa kung sinong Elder. Bilang mga hinirang na hari at saserdote ng bansa, ang responsibilidad ay walang pag-aalinlangan at buong linaw na nakaatang sa atin. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa mga hinirang.

 

Deuteronomio 17:19  At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito; (AB)

Nakaatang sa kanya ang pananagutan habang siya'y nabubuhay, at nararapat siyang matakot sa Diyos at tuparin ang Kanyang mga Utos sa buong buhay niya. Iyan ang buong tungkulin ng monarko.

 

Deuteronomio 17:20 Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel. (AB)

Iyan ang buong tungkulin ng hari. Hindi dapat magkaroon ng pagtatangi ng tao sa Israel, o sa monarkiya, o sa gitna ng mga hinirang. Walang sinumang tao ang dapat itaas higit sa iba, o igalang nang higit kaysa sa iba. Walang pagkakaiba sa pagitan ng Elder at ng miyembro sa Iglesia ng Diyos.

 

Sa ganang sarili niya, si Saul ay hindi isang matapang na tao. Siya ay nagtatago sa mga dala-dalahan sa araw ng kanyang pagtatalaga sa harap ng bansa. Binigyan siya ng Espiritu ng Diyos upang maisakatuparan ang lahat ng nais ng Diyos na gawin niya. Ang layunin niya, ayon sa sinabi ng Diyos kay Samuel, ay palayasin ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Israel. Gayunpaman, ang mitsa ng kaguluhan ay natagpuan sa mga Ammonita. Gumamit ang Diyos ng mas mahinang banta upang ihanda ang Israel na lumaban sa mas malaking banta. Ganyan kumilos ang Diyos. Hindi niya sila pinanghinaan ng loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pasanin na hindi nila kaya. Binigyan niya sila ng isang bagay na maaari nilang magawa upang bigyan sila ng lakas na magpatuloy para sa susunod na yugto. Kung mga Filisteo agad ang nilabanan nila, maaaring nanghina sila.

 

1Samuel 11:1-3 Pagkalipas ng halos isang buwan sumalakay si Nahas na Ammonita at kinubkob ang Jabes-gilead; at sinabi kay Nahas ng lahat ng lalaki sa Jabes, “Makipagkasundo ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.” 2 Ngunit sinabi ni Nahas na Ammonita sa kanila, “Makikipagkasundo ako sa inyo kung ipadudukit ninyo sa akin ang inyong mga kanang mata upang mailagay sa kahihiyan ang buong Israel.” 3 At sinabi sa kanya ng matatanda ng Jabes, “Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpadala ng mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. At kung wala ngang magliligtas sa amin, ibibigay namin ang aming sarili sa iyo.” (AB01)

Ang pitong araw ay isang palugit. Ang dahilan kung bakit sila pinahintulutan ng pitong araw ay dahil sa matinding pagmamaliit niya sa kanila. Ang Israel ay isang nasasakupang lupain, isang nasasakupang bayan ng mga Filisteo. Sila ay mga basalyo ng mga Filisteo. Ganoon katindi ang paghamak sa kanila na ang pitong araw ay wala lang. Hindi siya umaasa na may mangangahas na labanan siya. Sa tingin niya walang lalaban mula sa Israel at kung meron man ay papatayin din niya sila gamit ang tabak. Tingin ng sanlibutan sa atin, na tumitingin batay sa dami at sa kayamanan at sa pisikal na lakas, ay hindi mahalaga at sinasagot ng Diyos ang konseptong iyan. Sa kahinaan lumalabas ang kalakasan.

 

1Samuel 11:4  Nang dumating sa Gibea ang mga sugo kay Saul, ibinalita nila ang bagay na ito sa pandinig ng taong-bayan at ang buong bayan ay umiyak nang malakas. (AB01)

Ang unang hakbang ay dalamhati sa kalagayan ng ating mga kapatid. Ang unang hakbang sa panawagan para kumilos sa mga hinirang ay ang pakikiramay sa ating mga kapatid sa paraang tayo ay handang kumilos para sa kanilang kapakanan. Hindi tayo maaaring mapabilang sa mga hinirang maliban kung ibigin natin ang ating kapatid at handa tayong ialay ang ating buhay para sa ating kapatid. Para magawa iyon kailangan nating damayan ang ating kapatid. Ang pag-ibig ay nagmumula muna sa bigkis ng pakikisama.

 

1Samuel 11:5-6 Noon, si Saul ay dumarating mula sa bukid sa hulihan ng mga baka; at sinabi ni Saul, “Anong nangyayari sa taong-bayan at sila'y umiiyak?” Kaya't kanilang sinabi sa kanya ang balita ng mga lalaki mula sa Jabes. 6 At ang Espiritu ng Diyos ay makapangyarihang lumukob kay Saul nang kanyang marinig ang mga salitang iyon, at ang kanyang galit ay lubhang nag-alab. (AB01)

Sa ganang sarili niya, hindi ito magagawa ni Saul. Itinakda ng Diyos ang mga pangyayari,  inilagay sa ayos ang lahat, pagkatapos ay ibinuhos ang Kanyang espiritu kay Saul, kung kaya't naging kasangkapan siya ng Diyos. Hindi si Saul ang kumilos; ang Diyos ang kumilos.

 

1Samuel 11:7a Siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka at kanyang kinatay, at ipinadala niya ang mga piraso sa lahat ng nasasakupan ng Israel sa pamamagitan ng mga sugo, na sinasabi, “Sinumang hindi lumabas upang sumunod kina Saul at Samuel ay ganito rin ang gagawin sa kanyang mga baka.” (AB01)

Ang parusa ay napakasimple. Kung hindi tayo sisipot sa labanan, papatayin ang ating mga baka. Naglabas si Saul ng utos para sa mobilisasyon. Ang awtoridad ng Diyos ang nagsalita. Hindi na nila kailangan ng mahabang paliwanag. Sinabihan lang sila na pumunta at kung hindi sila darating ay parurusahan sila. Ganyan makitungo ang Diyos sa mga hinirang. Para tayong hinila sa leeg papasok sa Iglesia. Sinabihan tayong mag-report for duty at wala tayong magagawa kundi sumunod. Ang Diyos ay nakikitungo sa atin hanggang sa maintindihan natin ang mensahe at tuluyang mapabilang sa Katawan ni Cristo. Inilalagay tayo ng Diyos sa Katawan ni Cristo kung saan Niya tayo gusto at tayo ay gagawa, at gagawin natin ang trabaho. Nandito tayo para matuto ng pagsunod. Mas gusto ng Diyos ang pagsunod kaysa alay.

 

1Samuel 11:7b-11 At ang takot sa Panginoon ay dumating sa mga tao, at sila'y lumabas na parang iisang tao. 8 Nang kanyang tipunin sila sa Bezec, ang mga anak ni Israel ay tatlongdaang libo, at ang mga lalaki ng Juda ay tatlumpung libo. 9 At sinabi nila sa mga sugong dumating, “Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalaki sa Jabes-gilead, ‘Bukas, sa kainitan ng araw ay magkakaroon ng kaligtasan.’” Nang dumating ang mga sugo at sabihin sa mga lalaki sa Jabes, sila ay natuwa. 10 Kaya't sinabi ng mga lalaki sa Jabes, “Bukas ay ibibigay namin ang aming sarili sa inyo at maaari ninyong gawin sa amin ang lahat ng inaakala ninyong mabuti sa inyo.” 11 Kinabukasan, inilagay ni Saul ang taong-bayan sa tatlong pangkat. Sila'y pumasok sa gitna ng kampo nang mag-umaga na, at pinatay ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw. Ang mga nalabi ay nangalat, anupa't walang dalawang naiwang magkasama. (AB01)

Ginawa iyon ng Diyos upang pasiglahin ang loob ng mga taong ito para sa gawaing kailangan nilang gawin. Ang pangunahing gawain ay hindi pa nagsisimula. Binigyan niya sila ng tagumpay laban sa mga Ammonita upang ihanda sila sa pakikipaglaban sa mga Filisteo. May kaugnayan din iyan. Ang mga Ammonita ay mga kapatid ng mga Moabita. Parehong mga anak ni Lot na bahagi ng sistema ng mana. Sila ay bahagi ng angkan ni Abraham. Kaya't pinasuko muna ni Saul ang angkan ni Abraham upang maipagpatuloy niya ang pangunahing gawain na talunin ang mga Filisteo. Ang panuntunan ay simple lang naman. Kailangan nating pagtibayin ang ating kalagayan upang tayo ay makalaban sa mas malawak na larangan. Ang kalagayang iyan ay dapat gawin sa mga Iglesia ng Diyos. Kailangan silang patatagin upang maipagpatuloy ang gawain ng pakikipaglaban at harapin ang tunay na kaaway, ang sistemang Babilonia. Iyan ang tungkulin sa mga Huling Araw.

 

1Samuel 11:At sinabi ng taong-bayan kay Samuel, “Sino ba ang nagsabi, ‘Maghahari ba si Saul sa amin?’ Dalhin dito ang mga taong iyon upang aming patayin sila.” 13 Ngunit sinabi ni Saul, “Walang taong papatayin sa araw na ito, sapagkat ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel.” (AB01)

Ang Diyos ang nagsasalita. Pinatigas ng Diyos ang kanilang mga puso. Ang lahat ng mga sipsip noon, nang lumakas na ang sistema at mukhang tiyak na ang tagumpay, ay biglang gustong patayin ang mga taong nagpahayag ng mga bagay na sila rin naman mismo ay ganoon ang sinabi noon. Noong una, ang sabi nila, "Kalokohan ito, wala namang magagawa ang taong ’yan". Pero pinalampas sila noon dahil ginamit ng Diyos ang prosesong iyon upang itatag ang pagkakaroon ng hari sa kanilang paningin - at natural sa mga tao na sukatin at tingnan ang mga bagay sa pisikal na pamantayan. Hindi na nila isinama ang Diyos sa kanilang pagtingin sa mga bagay at ang nakikita na lamang nila ay ang pagiging marupok ng tao. Tiningnan nila ang pagiging marupok ni Saul at tiningnan nila ang kanyang kahinaan at kung ano siya noon at kung ano ang kanyang mga nagawa at, samakatuwid, kung ano ang kaya niyang gawin. Si Saul ay isang bagong tao. Siya ay pinahiran ng Banal na Espiritu at inilagay siya ng Diyos doon para gawin ang isang trabaho, ang lipulin ang mga Filisteo.

 

Ang dahilan kung bakit siya naroon ay upang itatag ang paghahari na iyon at itatag ang kalayaan mula sa mga Filisteo upang maipagpatuloy ni David at wasakin ang kapangyarihan ng mga Filisteo at maitatag ang Israel hanggang sa mga hangganan ng Ilog Eufrates. Ang Templo ng Diyos ay hindi maitatayo hangga't hindi nakakalikom si David ng mga mapagkukunan ng yaman at naitatag na niya ang lahat. Noong panahong iyon ay hindi pa ito magagawa dahil ang Israel ay isang basalyong estado sa mga Filisteo at kasing dukha ng sinasabing daga sa simbahan. Kung kaya't kinakailangan munang tanggalin ni Saul ang pasanin sa kanila at patatagin ang kaharian. Tinanggal ni Saul ang pasanin sa kanila, at ipinakita na maisasakatuparan ang pagkakaroon ng hari. Hindi lahat magagawa ni David dahil iisa lang ang buhay niya at bata pa siya noon. Kaya kinailangan nilang magkaroon ng isang pansamantalang hari upang maitatag ni Saul ang posisyon na ipagpapatuloy ni David.

 

Sa parehong paraan, ipinahintulot ng mga Macedonian na itatag ni Philip ang pundasyon upang masakop ni Alexander ang mundo. Kung hindi dahil kay Phillip, wala sanang nasakop si Alexander. At kung hindi dahil kay David, hindi sana naitayo ni Solomon ang Templo at, kung hindi dahil kay Saul, hindi nagawa ni David ang kanyang ginawa upang magawa ni Solomon ang kanyang ginawa. Ito ay isang pagkakasunod-sunod na itinatag ng Diyos. Ang pagkakasunud-sunod na iyon sa pagkakaroon ng hari ay ginawa, hindi para itatag ang paghahari, kundi para itatag ang Templo at maglagay ng isang pinuno, o dakilang saserdote, bilang hari ng Templong iyon. Ang pisikal na Templo ay ang pasimula sa espirituwal na Saserdote at Templo na si Jesucristo, at na ang templong ito ay tayo. Nagsimula ang lahat ng prosesong iyon noon para maitatag tayo sa ilalim ni Jesucristo bilang Templo ng Diyos. Ang paghahari ay isang mahalagang bahagi ng sistemang iyon at kapag ito ay nabigo ito ay tinatanggal.

 

1Samuel 11:14 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa taong-bayan, “Halikayo at tayo'y pumunta sa Gilgal, at doon ay ating ibabalik ang kaharian.” (AB01)

Pagkatapos ay ginawa ni Samuel ang susunod na hakbang. Bilang propeta ng Diyos at hukom sa Israel napagtanto niyang si Saul ay may kabutihang-loob. Pagkatapos ay kanilang pinagtibay muli ang pagkakaroon ng hari kung kaya't ang lahat ay nagpasakop at kusang-loob na pinagtibay ang kanilang panunumpa ng katapatan sa hari. Matalino talaga si Samuel, sa tulong ng Banal na Espiritu, para gawin iyon. Ito ay isang matalinong hakbang na ginawa sa patnubay ng espiritu ng Diyos.

 

1Samuel 11:15  At ang buong bayan ay pumunta sa Gilgal at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul sa harapan ng Panginoon. Doon ay nag-alay sila ng handog pangkapayapaan sa harapan ng Panginoon. Si Saul at ang lahat ng mga lalaki ng Israel ay labis na nagalak doon. (AB01)

Doon ay pinagtibay ang paghahari. Ngayon, pagkatapos ng tagumpay laban sa mga Ammonita silang lahat ay nagkakaisa na, silang lahat ay nasa likod na ni Saul at nauunawaan na nilang lahat. Handa na sila ngayon humayo at harapin ang pangunahing isyu na alisin ang mga bansang Gentil sa Israel at pasukuin sila. Ang pagpapatibay ng kaharian ay itinuring na kinakailangan sapagkat ito’y naharap sa banta at napatunayan sa pamamagitan ng tagumpay na ito. Ang hamon sa katungkulan ni Saul ay itinuring na kailangang patunayan.

 

1Samuel 12:1-2 Sinabi ni Samuel sa buong Israel, “Narito, aking pinakinggan ang inyong tinig sa lahat ng inyong sinabi sa akin, at naglagay ako ng isang hari para sa inyo. 2 Tingnan ninyo, ang hari ang nangunguna sa inyo ngayon. Ako'y matanda na at ubanin, ngunit ang aking mga anak ay kasama ninyo. Nanguna ako sa inyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito. (AB01)

Naghahanda na ngayon si Samuel na isuko ang kapangyarihan ng pagiging hukom. Naghahanda na siyang mamatay at nalalapit na ang pagtatapos ng panahon ng mga hukom.

 

1Samuel 12:3-5 Narito ako; sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kanyang binuhusan ng langis. Kaninong baka ang kinuha ko? O kaninong asno ang kinuha ko? O sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? O kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin niyon ang aking mga mata? Sumaksi kayo laban sa akin at aking isasauli sa inyo.” 4 Kanilang sinabi, “Hindi ka nandaya sa amin, ni inapi kami, ni tumanggap man ng anuman sa kamay ng sinuman.” 5 At sinabi niya sa kanila, “Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kanyang binuhusan ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakatagpo ng anuman sa aking kamay.” At kanilang sinabi, “Siya'y saksi.” (AB01)

 

Ganyan dapat ang masasabi nila tungkol sa atin - na tayo ay walang kapintasan sa harap ng Diyos, at kinamumuhian nila tayo nang walang dahilan. Ito rin ang dapat masabi natin at ni Cristo kapag ipinahayag niya tayo sa harap ng Ama. Kailangan niya ring masabi na kinamuhian nila sila ng walang dahilan.

 

1Samuel 12:6-7 At sinabi ni Samuel sa bayan, “Ang Panginoon ang siyang humirang kina Moises at Aaron at siyang naglabas sa inyong mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto. 7 Ngayon nga'y tumayo kayo, upang ako'y makiusap na kasama ninyo sa harap ng Panginoon tungkol sa lahat ng matuwid na gawa ng Panginoon na kanyang ginawa sa inyo at sa inyong mga ninuno. (AB01)

Ipinaiintindi ni Samuel sa mga taong ito na hindi sa mga tao sila dapat magtiwala, kundi ang Diyos ang kanilang kaligtasan at ang kanilang tagapagligtas.

 

1Samuel 12:8-23 Nang si Jacob ay makapasok sa Ehipto, at ang inyong mga ninuno ay dumaing sa Panginoon, sinugo ng Panginoon sina Moises at Aaron, na siyang naglabas sa inyong mga ninuno mula sa Ehipto, at pinatira sila sa lugar na ito. 9 Ngunit nilimot nila ang Panginoon nilang Diyos. Kanyang ipinagbili sila sa kamay ni Sisera, na pinuno ng hukbo ni Hazor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila. 10 Sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, ‘Kami ay nagkasala, sapagkat tinalikuran namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astarot; ngunit ngayo'y iligtas mo kami sa kamay ng aming mga kaaway at kami ay maglilingkod sa iyo.’ 11 Kaya't isinugo ng Panginoon sina Jerubaal, Bedan, Jefta, at si Samuel [heb: Samuel; NRSV ay Samson], at iniligtas kayo sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawat dako, at kayo'y nanirahang tiwasay. 12 Nang makita ninyo na si Nahas na hari ng mga anak ni Ammon ay dumating laban sa inyo, ay inyong sinabi sa akin, ‘Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin;’ bagaman ang Panginoon ninyong Diyos ay siya ninyong hari. 13 Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari na inyong pinili, na siya ninyong hiningi: at, tingnan ninyo, nilagyan kayo ng Panginoon sa inyo ng isang hari. 14 Kung kayo'y matatakot sa Panginoon, maglilingkod sa kanya, makikinig sa kanyang tinig, at hindi maghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at kung kayo at ang hari na naghahari sa inyo ay magiging masunurin sa Panginoon ninyong Diyos, ito ay magiging mabuti. 15 Ngunit kung hindi ninyo papakinggan ang tinig ng Panginoon, kundi maghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya ng sa inyong mga ninuno. 16 Ngayon ay tumahimik kayo at tingnan ninyo ang dakilang bagay na ito na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga paningin. 17 Hindi ba pag-aani ng trigo ngayon? Ako'y tatawag sa Panginoon upang siya'y magpadala ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na napakalaki ang kasamaan na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo para sa inyong sarili ng isang hari.” 18 Kaya't tumawag si Samuel sa Panginoon at ang Panginoon ay nagpadala ng kulog at ulan nang araw na iyon. Ang buong bayan ay lubhang natakot sa Panginoon at kay Samuel. 19 Sinabi ng buong bayan kay Samuel, “Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Diyos upang huwag kaming mamatay; sapagkat aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaan ng paghingi para sa amin ng isang hari.” 20 At sinabi ni Samuel sa bayan, “Huwag kayong matakot, tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayunma'y huwag kayong lumihis mula sa pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod nang buong puso sa Panginoon. 21 Huwag kayong bumaling sa pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan na hindi magbibigay ng pakinabang o makapagliligtas, sapagkat ang mga iyon ay walang kabuluhan. 22 Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan, sapagkat kinalugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan para sa kanya. 23 Bukod dito, sa ganang akin, huwag nawang mangyari sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paghinto ng pananalangin para sa inyo, kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan. (AB01)

Kahit na may itinalagang hari doon, hindi inalis ang katungkulan ng mga propeta. Ang tagubiling iyon ay nanatili pa rin sa mga propeta.

 

1Samuel 12:24-25 Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo nang tapat sa kanya ng inyong buong puso. Alalahanin ninyo ang mga dakilang bagay na kanyang ginawa sa inyo. 25 Ngunit kung kayo'y gagawa pa rin ng kasamaan, kayo at ang inyong hari ay mapupuksa.” (AB01)

Kaya't ang utos ay kapwa para sa hari at sa taong-bayan na sumunod sa Diyos at kung sila ay gagawa ng kasamaan, sila ay mapupuksa. Ngunit ang responsibilidad ay nasa hari na kontrolin ang mga hain at asikasuhin ang mga ito at maging isang halimbawa sa bansa. Dito ang bansa ay ginawang saksi laban sa sarili nito. Ang hukom nito ay makatarungan, gayunpaman, naghanap ito ng isang hari. Ang ugnayan sa pagitan ng bansa at kaunlaran ay direktang nakatali sa pagsunod sa kautusan ng hari at ng taong-bayan. Ang hari at ang taong-bayan ay kailangang sumunod sa kautusan ng Diyos upang umunlad. Ngunit ang taong-bayan ay itinuring na gumawa ng kasamaan dahil sa paghingi ng hari. Hindi iyon nagbago. Iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi tinanggap ni Oliver Cromwell ang korona ng Inglatera nang ito ay inalok sa kanya. Siya ay inilibing bilang Lord Protector of England na may motto na Si Cristo, hindi tao, ang Hari. Marahil siya ang pinakadakilang pinuno na nakita ng Inglatera sa nakalipas na 1,000 taon, dahil, sa ilalim ni Cromwell, ang buong bansa ay handa na kunin ang karapatan ng pagkapanganay nito. Lubusang binago ni Cromwell ang sistema ng mga operasyong militar sa Inglatera sa ilalim ng New Model Army. Muli niyang inorganisa ang kakayahan ng mga Ingles; nilipol niya ang katiwalian. Dalawang beses siyang nagbigay ng kapangyarihan sa Parlamento. Binawi niya ang kapangyarihan mula sa Parlamento dahil lubusan silang naging tiwali. Kaya't ang pinakadakilang hari ng Inglatera ay marahil hindi pa nga naging hari. Siya ang Lord Protector of England, dahil may takot siya sa Diyos. Ang Inglatera sa ilalim ni Cromwell ay may takot sa Diyos. Sinisiraan ng mainstream Christian church si Cromwell dahil hindi niya kinunsinte ang kanilang apostasya. Mariin niyang tinuligsa ang sistema sa Roma at ang simbahan kung ano talaga ang mga ito. Hindi niya pinahintulutan ang anumang mga bauble sa iglesia. Walang mga dekorasyon sa mga dambana, walang mga gintong krus at mga trinket at kung ano pa man.

 

1Samuel 13:1-2 Si Saul ay … taong gulang nang siya'y magsimulang maghari; at siya'y naghari ng … at dalawang taon sa Israel. [Ang kanyang edad ay hindi alam. Ayon sa ilan, labindalawang taon siyang namuno, ayon naman sa iba, dalawampu't dalawang taon; tingnan ang tala sa Annotated RSV: Ayon sa KJV, ganito ang pagkakasulat: “And Saul reigned one year and when he had reigned two years”] 2 Pumili si Saul ng tatlong libong lalaki sa Israel. Ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Mikmas at sa maburol na lupain ng Bethel, at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gibea ng Benjamin. Ang nalabi sa mga tao ay pinauwi niya, bawat isa sa kanyang tolda. (AB01)

Pumili lamang siya ng 3,000 tauhan para makasama niya. Alalahanin, nang piliin ng hari ang kanyang unang hukbo mula noong Pentecostes ay nagbautismo siya ng 3,000 sa isang araw. Pinili ng unang haring ito ng Israel na magkaroon ng 3,000 tauhan para sa pakikipaglaban; 1,000 sa ilalim ni Jonathan at 2,000 sa ilalim niya.

 

1Samuel 13:3-8 Ginapi ni Jonathan ang tanggulan ng mga Filisteo na nasa Geba at ito ay nabalitaan ng mga Filisteo. At hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, na sinasabi, “Makinig ang mga Hebreo.” 4 At narinig ng buong Israel na nagapi ni Saul ang tanggulan ng mga Filisteo, at ang Israel naman ay naging kasuklamsuklam sa mga Filisteo. At ang taong-bayan ay tinawagan upang sumanib kay Saul sa Gilgal. 5 Ang mga Filisteo ay nagtipun-tipon upang lumaban sa Israel, tatlumpung libong karwahe at anim na libong mangangabayo, at ang hukbo ay gaya ng buhangin sa baybayin ng dagat sa dami; at sila'y umahon at humimpil sa Mikmas sa silangan ng Bet-haven. 6 Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila'y nasa kagipitan, (sapagkat ang taong-bayan ay naiipit) ang taong-bayan ay nagkubli sa mga yungib, mga lungga, batuhan, mga libingan, at sa mga balon. 7 Ang iba sa mga Hebreo ay tumawid sa Jordan patungo sa lupain ng Gad at ng Gilead; ngunit si Saul ay nasa Gilgal at ang buong bayan ay sumunod sa kanya na nanginginig. 8 Siya'y naghintay ng pitong araw ayon sa panahong itinakda ni Samuel; ngunit si Samuel ay hindi dumating sa Gilgal; at ang taong-bayan ay nagsimulang humiwalay kay Saul. (AB01)

Sa pamamagitan ni Samuel sinabi ng Panginoon kay Saul na siya ay darating doon sa loob ng pitong araw. Dumating si Samuel at ginawa ni Saul ang parehong bagay na ginawa ng Cristianismo sa pagkwenta para sa pagkabuhay na mag-uli. Hindi sila nagbilang ng buong araw. Sinabi ni Cristo na ang anak ng tao ay tatlong araw at tatlong gabing mapapasailalim ng lupa. Ang modernong Cristianismo ay binibilang ang bahagi lamang ng umaga. Ang pagkakamali ay napakasimple na ang pitong araw ay pitong buong araw at binilang ni Saul ang bahagi lamang ng umaga ng bigyan siya ng tagubilin bilang isang buong araw. Sa halip na maghintay at sumunod, siya ay nagsimulang mag-alay.

 

1Samuel 13:9-15 At sinabi ni Saul, Dalhin dito sa akin ang handog na susunugin, at ang handog tungkol sa kapayapaan. At kaniyang inihandog ang handog na susunugin. 10 At nangyari, na pagkatapos niyang maihandog ang handog na susunugin, narito, si Samuel ay dumating; at lumabas si Saul na sinalubong siya upang bumati sa kaniya. 11 At sinabi ni Samuel, Ano ang iyong ginawa? At sinabi ni Saul, Sapagka't aking nakita na ang bayan ay nangangalat sa akin, at hindi ka dumarating sa mga takdang araw, at ang mga Filisteo ay nagpupulong sa Michmas; 12 Kaya aking sinabi, Ngayo'y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal, at hindi ko pa naipamamanhik ang kagalingan sa Panginoon: ako'y nagpumilit nga at inihandog ko ang handog na susunugin. 13 At sinabi ni Samuel kay Saul, Gumawa kang may kamangmangan; hindi mo ginanap ang utos ng Panginoon mong Dios na iniutos niya sa iyo: sapagka't itinatag sana ng Panginoon ang kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man. 14 Nguni't ngayon ay hindi matutuloy ang iyong kaharian: ang Panginoo'y humanap para sa kaniya ng isang lalaking ayon sa kaniyang sariling puso, at inihalal ng Panginoon siya na maging prinsipe sa kaniyang bayan, sapagka't hindi mo ginanap ang iniutos ng Panginoon sa iyo. 15 At bumangon si Samuel at umahon siya mula sa Gilgal hanggang sa Gabaa ng Benjamin. At binilang ni Saul ang bayan na nakaharap sa kaniya, na may anim na raang lalake. (AB)

Mabilis na nauubusan ng mga tauhan si Saul dahil sa sobrang laki ng puwersa ng mga Filisteo at wala siyang pananampalataya na maghintay. Wala silang pag-asa dahil kulang na kulang sila sa bilang. Ang pagkakamali ni Saul sa Michmas ay hindi siya nagtiwala sa pagdating ng pinahiran ng Panginoon. Inangkin niya ang isang tungkulin na pinagbawalan siyang gawin sa pamamagitan ng malinaw na utos. Si Saul ay kulang sa pananampalataya at  pagkaunawa sa mga panahon. Nagkamali siya ng bilang habang ginagawa ang kanyang tungkulin. Ang halimbawang ito ay may aral para sa mga Huling Araw bago ang Pagparito ng Mesiyas. Hindi pinapatagal ng Panginoon ang kanyang pagdating gaya ng inaakala ng ilan. Ang Mesiyas ay isinugo sa itinakdang panahon.

 

Si Saul ay nalagay sa gipit na kalagayan, gaya rin ng Israel malalagay sa gipit na kalagayan sa mga Huling Araw. Ang nangyari sa loob ng Iglesia, sa ilalim ng Mesiyas sa buong kasaysayan nito, ay sa tuwing nalalagay sa gipit na kalagayan ang Iglesia dahil sa pag-uusig ang napakaraming tao ay nahuhulog sa pagtalikod sa pananampalataya. Ginaya nila ang mga sistemang sinabihan silang huwag gayahin at ginawa nila ang mga bagay na sinabihan silang huwag gawin. Nitong mga nakaraang panahon, hindi pa man sila nakaranas ng pag-uusig ay ginawa na nila ang ipinagbawal sa kanila ng Panginoon na huwag gawin. Kaya, dahil doon ang paghahari ay tinanggal sa kanila. Kung wala tayong pagsunod sa Kautusan at sa Panginoon at sinuway natin ang Kanyang mga tagubilin sa mga hinirang, kung gayon tayo ay tatanggalin mula sa paghahari at ito ay ibibigay sa iba. Ang mga pangalan at mga bilang ay nakasulat sa Aklat ng Langit. Maaari tayong humingi ng Banal na Espiritu at ito ay ibibigay sa atin, ngunit kung hindi natin susundin ang Diyos ang ating pwesto ay aalisin.

 

Iyan ang aral kay Saul at  ito ay nasa pagiging hari, kaya't walang pagtatangi sa mga tao. Ito ay mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa, sa buong bansa. Tayo na kabilang sa sambahayan ng hari ay bahagi ng sistemang iyon. Kung hindi tayo susunod sa Diyos, tatanggalin tayo.

 

Mahina rin ang pang-unawa ni Saul at naglagay siya ng mga pasanin sa taong-bayan na hindi naman kailangang pagtiisan. Isa ito sa mga kahinaan ng pagiging hari at ito ay isang kahinaan din sa mga hinirang.

 

1Samuel 14:24-30 Ang mga lalaki ng Israel ay namanglaw nang araw na iyon. Sumumpa si Saul sa taong-bayan, na sinasabi, “Sumpain ang taong kumain ng anumang pagkain hanggang sa kinahapunan at ako'y makaganti sa aking mga kaaway.” Kaya't walang sinuman sa bayan ang tumikim ng pagkain. 25 Ang buong bayan ay dumating sa gubat at may pulot sa ibabaw ng lupa. 26 Nang makapasok ang bayan sa gubat, ang pulot ay tumutulo ngunit walang tao na naglagay ng kanyang kamay sa kanyang bibig sapagkat ang taong-bayan ay natakot sa sumpa. 27 Ngunit hindi narinig ni Jonathan nang magbilin ang kanyang ama sa taong-bayan na may sumpa. Kaya't kanyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kanyang kamay at inilubog ito sa pulot, at inilagay ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at ang kanyang mga mata ay nagliwanag. 28 Nang magkagayo'y sinabi ng isa sa mga tauhan, “Ang iyong ama ay mahigpit na nagbilin na may sumpa sa taong-bayan, na sinasabi, ‘Sumpain ang taong kumain ng pagkain sa araw na ito.’” At ang taong-bayan ay patang-pata. 29 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, “Ginugulo ng aking ama ang lupain. Tingnan ninyo, kung paanong ang aking mga mata ay nagliwanag nang ako'y tumikim ng kaunti sa pulot na ito. 30 Gaano pa kaya kung ang taong-bayan ay malayang kumain ngayon mula sa sinamsam sa kanilang mga kaaway na kanilang natagpuan. Sa ngayon, ang pagpatay sa mga Filisteo ay hindi gaanong malaki.” (AB01)

Hindi pinakain ni Saul ang kanyang hukbo at hindi nila nagawang tuluyang talunin ang mga Filisteo sa pamamagitan ng ganap na paggapi sa kanilang hukbo.

 

1Samuel 14:31-35 Kanilang pinatay ang mga Filisteo nang araw na iyon mula sa Mikmas hanggang sa Aijalon; at ang taong-bayan ay talagang patang-pata. 32 Kaya't ang taong-bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, mga baka, mga guyang baka, at pinagpapatay ang mga iyon sa lupa. Kinain ng taong-bayan ang mga iyon, pati ang dugo. 33 At kanilang sinabi kay Saul, “Tingnan mo, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon dahil sa kanilang pagkain ng may dugo.” At kanyang sinabi, “Kayo'y gumawa ng kasamaan. Igulong ninyo rito ang isang malaking bato sa harapan ko.” 34 At sinabi ni Saul, “Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, ‘Dalhin sa akin dito ng bawat tao ang kanyang baka, at tupa, at patayin dito, at kainin at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pamamagitan ng pagkain ng dugo.’” Kaya't dinala ng bawat isa sa buong bayan ang kanyang baka nang gabing iyon at pinatay roon. 35 At nagtayo si Saul ng isang dambana sa Panginoon; iyon ang unang dambana na itinayo niya sa Panginoon. (AB01)

Inilagay ni Saul ang kanyang mga tao sa ilalim ng kagipitan at naging dahilan upang sila ay magkasala. Nang ang taong-bayan, sa ilalim ng matinding kagipitan, ay nagsimula nang kumatay ng mga nasamsam at nagkasala sa pamamagitan ng pagkain ng mga hayop na hindi maayos ang pagka-katay at pagpapatulo ng dugo, saka pa lamang nagtayo si Saul ng dambana para sa Panginoon. Wala pa siyang naitayong dambana para sa Diyos hanggang sa panahong iyon. Kaya, malinaw na mali ang kanyang mga prayoridad. Ang pag-iisip ni Saul ay hindi nakatuon sa kalooban ng Diyos. Hindi siya kaibigan ng Diyos ni hindi rin siya taong ayon sa puso ng Diyos sa paraang tulad ni David. Gayunpaman, ginamit siya ng Diyos upang maisakatuparan ang ilang bagay.

 

1Samuel 14:36-46 Sinabi ni Saul, “Ating lusungin ang mga Filisteo sa gabi at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga, at huwag tayong magtira ng isang tao sa kanila.” At kanilang sinabi, “Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo.” Subalit sinabi ng pari, “Tayo'y lumapit dito sa Diyos.” 37 At si Saul ay sumangguni sa Diyos, “Lulusungin ko ba ang mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?” Ngunit hindi siya sinagot nang araw na iyon. 38 Sinabi ni Saul, “Lumapit kayo rito, kayong lahat na puno ng taong-bayan. Alamin natin kung paano bumangon ang kasalanang ito sa araw na ito. 39 Sapagkat kung paanong buháy ang Panginoon na nagliligtas sa Israel, kahit na ito ay si Jonathan na aking anak, siya ay tiyak na mamamatay.” Ngunit walang sinumang tao sa buong bayan na sumagot sa kanya. 40 Nang magkagayo'y sinabi niya sa buong Israel, “Lumagay kayo sa isang dako, at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako.” At sinabi ng taong-bayan kay Saul, “Gawin mo ang inaakala mong mabuti para sa iyo.” 41 Kaya sinabi ni Saul, “O Panginoong Diyos ng Israel, bakit hindi mo sinasagot ang iyong lingkod sa araw na ito? Kung ang pagkakasalang ito ay nasa akin o kay Jonathan na aking anak, O Panginoon, Diyos ng Israel, ibigay mo ang Urim. Ngunit kung ang pagkakasala ay nasa iyong bayang Israel, ibigay mo ang Tumim.” At sina Jonathan at Saul ang napili, ngunit ang bayan ay nakaligtas. 42 At sinabi ni Saul, “Magpalabunutan sa pagitan ko at ni Jonathan na aking anak.” At si Jonathan ang napili. 43 Pagkatapos ay sinabi ni Saul kay Jonathan, “Sabihin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa.” At sinabi ni Jonathan sa kanya, “Talagang ako'y tumikim ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay. Narito ako, ako'y nararapat mamatay.” 44 Sinabi ni Saul, “Gayon ang gawin ng Diyos sa akin at higit pa, sapagkat ikaw ay tiyak na mamamatay, Jonathan!” 45 At sinabi ng taong-bayan kay Saul, “Mamamatay ba si Jonathan, siya na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Huwag nawang mangyari! Habang buháy ang Panginoon, hindi malalaglag kahit ang isang buhok ng kanyang ulo sa lupa, sapagkat siya'y gumawang kasama ng Diyos sa araw na ito.” Kaya't tinubos ng taong-bayan si Jonathan, at siya'y hindi namatay. 46 Pagkatapos ay huminto na si Saul sa pagtugis sa mga Filisteo; at ang mga Filisteo ay umuwi sa kanilang sariling lugar. (AB01)

Mali ang pagkaunawa ni Saul at ang pag-iisip niya ay hindi sa Diyos. Hindi niya maamin ang pagkakamali kahit pa umabot sa pagkitil sa buhay ng kanyang sariling anak. Pagdating sa mga pinag-uutos ng Panginoon ay hindi siya makasunod sa pagpuksa sa mga kaaway ng Israel. Si Saul ay walang tunay na pang-unawa sa kahabagan, ni wala siyang kakayahang akuin ang sarili niyang pagkakamali. Hindi niya kayang akuin ang kasalanan, kahit umabot pa sa puntong papatayin na niya ang sariling anak. Kung magiging mga hari tayo sa Israel, kailangan nating magsisi at akuin ang responsibilidad sa ating ginagawa.

 

Ito ang iisang pinakamalaking problema sa pagkasaserdote at ang dahilan kung bakit kinailangan silang tanggalin. Inalis sila dahil hindi nila kayang tanggapin ang responsibilidad sa kanilang ginawa tungkol sa pagtatangi ng mga tao.

 

1Samuel 15:1-3 At sinabi ni Samuel kay Saul, “Sinugo ako ng Panginoon upang hirangin ka upang maging hari sa kanyang bayang Israel; kaya't ngayon ay pakinggan mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon. 2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ‘Aking parurusahan ang ginawa ng Amalek sa Israel sa paghadlang sa kanila sa daan nang sila'y umahon mula sa Ehipto. 3 Ngayo'y umalis ka at lipulin mo ang Amalek, at iyong lubos na wasakin ang lahat nilang pag-aari. Huwag kang magtitira sa kanila kundi patayin mo ang lalaki at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.’” (AB01)

Ang Panginoon ay nagpasiya na huwag hayaang mabuhay ang Amalek, dahil ang Amalek ay haharapin na lamang sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Ang Amalek ay buo ang pasya sa kanyang kalupitan na lubusang lipulin ang Israel. Sa katulad na paraan, sina Simeon at Levi ay hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga lipi. Sila ay nangalat sa gitna ng mga lipi ng Israel at hindi sila mapakitunguhan dahil sa kanilang kalupitan. Higit na mas masahol ang Amalek.

 

1Samuel 15:4-17 Kaya't tinipon ni Saul ang taong-bayan at binilang sila sa Telaim, dalawandaang libong kawal na lakad, at sampung libong kawal mula sa Juda. 5 Dumating si Saul sa lunsod ng mga Amalekita at nag-abang sa libis. 6 At sinabi ni Saul sa mga Kineo, “Umalis na kayo! Humiwalay kayo sa mga Amalekita, baka kayo'y puksain kong kasama nila; sapagkat kayo'y nagpakita ng kagandahang-loob sa mga anak ni Israel nang sila'y umahon mula sa Ehipto.” Kaya't umalis ang mga Kineo sa gitna ng mga Amalekita. 7 Nagapi ni Saul ang mga Amalekita mula sa Havila hanggang sa Shur na nasa silangan ng Ehipto. 8 Kinuha niyang buháy si Agag na hari ng mga Amalekita, at ganap na nilipol ang buong bayan sa pamamagitan ng talim ng tabak. 9 Ngunit itinira ni Saul at ng taong-bayan si Agag at ang pinakamabuti sa mga tupa, mga baka, mga pinataba, mga kordero, at lahat ng mahalaga, at hindi nila ganap na pinuksa ang mga ito. Lahat ng bagay na hamak at walang halaga ay ganap nilang winasak. 10 Ang salita ng Panginoon ay dumating kay Samuel, na sinasabi, 11 “Ikinalulungkot ko na ginawa kong hari si Saul sapagkat siya'y tumalikod sa pagsunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos.” At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon nang buong magdamag. 12 Kinaumagahan, si Samuel ay bumangong maaga upang makipagkita kay Saul. At sinabi niya kay Samuel, “Si Saul ay pumunta sa Carmel at doon ay nagtayo siya para sa kanyang sarili ng isang bantayog, at pagbalik niya ay lumusong siya sa Gilgal.” 13 Nang dumating si Samuel kay Saul, sinabi ni Saul sa kanya, “Pagpalain ka nawa ng Panginoon, tinupad ko na ang utos ng Panginoon.” 14 Ngunit sinabi ni Samuel, “Ano kung gayon ang kahulugan nitong iyakan ng tupa at ang ungal ng mga baka na aking naririnig?” 15 Sinabi ni Saul, “Sila'y dinala nila mula sa mga Amalekita, sapagkat itinira ng taong-bayan ang pinakamabuti sa mga tupa at baka upang ihandog sa Panginoon mong Diyos. Ang nalabi ay aming pinuksang lahat.” 16 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel kay Saul, “Tumigil ka! Aking sasabihin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin sa gabing ito.” At sinabi niya sa kanya, “Sabihin mo.” 17 At sinabi ni Samuel, “Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ba ikaw ay ginawang pinuno ng mga lipi ng Israel? At hinirang ka ng Panginoon upang maging hari sa Israel. (AB01)

Gayundin naman sa bawat isa sa atin. Pinahiran tayo ng Panginoon at binigyan tayo ng trabahong dapat gawin. May misyon tayo. Hindi tayo ang magdedesisyon kung tutuparin natin ang misyon na iyon o hindi. Ibinigay na sa atin ang ating misyon, at kailangan na nating isakatuparan ito.

 

1Samuel 15:18-23 Sinugo ka ng Panginoon sa isang takdang gawain, at sinabi, ‘Humayo ka at ganap mong puksain ang mga makasalanang Amalekita, at labanan mo sila hanggang sa sila'y maubos.’ 19 Bakit hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, kundi ikaw ay dumaluhong sa samsam, at ginawa mo ang masama sa paningin ng Panginoon?” 20 Sinabi ni Saul kay Samuel, “Oo, aking sinunod ang tinig ng Panginoon, at ako'y pumunta sa daang pinagsuguan sa akin ng Panginoon. Aking dinala si Agag na hari ng Amalek, at aking pinatay na lahat ang mga Amalekita. 21 Ngunit ang taong-bayan ay kumuha mula sa mga samsam, sa mga tupa at baka, ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay upang ihandog sa Panginoon mong Diyos sa Gilgal.” 22 At sinabi ni Samuel, “Ang Panginoon kaya ay may malaking kasiyahan sa mga handog na sinusunog at sa mga alay, gaya ng pagsunod sa tinig ng Panginoon? Tiyak, ang pagsunod ay mas mabuti kaysa alay, at ang pakikinig kaysa taba ng mga tupang lalaki. 23 Sapagkat ang paghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng katampalasanan at pagsamba sa mga diyus-diyosan. Sapagkat itinakuwil mo ang salita ng Panginoon, itinakuwil ka rin niya sa pagiging hari.” (AB01)

Iyan ang atas sa mga hinirang at ang atas sa paghahari sa buong Israel, at gayundin ang atas sa mga hinirang bilang mga hari at saserdote.

 

Bakit ang pagsunod ay mas mabuti kaysa alay? Bakit ang paghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng katampalasanan at pagsamba sa mga diyus-diyosan? Ang lohika nito ay ito. Ang lahat ng mga tao ay umiiral at nagmula ang kanilang pag-iral sa ilalim ng kalooban ng Diyos. Ang monoteismo ay direktang pagsunod sa Diyos. Ang paghihimagsik ng indibidwal ay naglalagay sa indibidwal sa labas ng kalooban ng Diyos. Samakatuwid, ang isang tao ay lumilikha ng sariling kalooban na bukod sa Diyos at, samakatuwid, hinahamon ang pinaka-saligang batayan ng Monoteismo. Kaya ang paghihimagsik ay lumilikha ng isang polytheistic na pag-iral ng mga kalooban. Samakatuwid, ito ay pagsamba sa mga diyus-diyosan dahil ito ay nagtatatag ng Polytheism at isang proseso ng pag-iisip na labas sa kalooban ng Diyos at ng Kanyang Kautusan. Ito ay kasalanan ng pangkukulam, dahil iyon ay pagsangguni sa mga kaloobang labas sa kalooban ng Diyos na sumasalungat sa Kanyang hayag na kalooban. Iyon ang dahilan kung bakit hindi maaaring tanggapin ang doktrina ng kaluluwa.

 

Kailangang wasakin ng Diyos ang bawat kaloobang labas sa Kanya upang maitatag ang Monoteismo bilang teolohikal na sistema. Iyan ang lohika sa likod ng sinabi ni Samuel sa Espiritu doon.

 

Ang kasalanan na likas sa pagkakaroon ng hari ay ang paghihimagsik at katigasan ng ulo. Patuloy nilang binibigyan ng sariling pakahulugan ang mga tagubilin ng Diyos para sa kanilang kapakinabangan. Si Saul, sa pagpapatawad kay Agag, ay sa katunayan naging ugat ng pag-uusig sa kanyang sariling bayan sa ilalim ni Haman na Agageo, isang direktang inapo ni Agag. Malinaw na hindi nalipol ni Saul ang lahat ng inapo ni Agag, sapagkat si Haman ay nagkaroon noon, sa Imperyo ng Babilonia, ng kakayahang umangat sa gayong posisyon ng kapangyarihan na naging banta sa mismong pag-iral ng lipi ni Juda. Nais ni Satanas na gamitin ang mga Agageo sa ilalim ni Amalek upang lipulin ang Israel at partikular ang lipi ni Juda, upang hindi maisilang ang Mesiyas. Iyon ang mas mataas na layunin. Dahil hindi nagtagumpay si Saul dito kung kaya't hinarap ng Juda, gaya ng alam natin mula sa aklat ng Esther, ang banta ng pagkalipol mula sa direktang inapo ni Agag. Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pagsunod. Ang mga pangmatagalang kahihinatnan ng mga tagubilin ng Diyos ay hindi natin nakikita.

 

Hindi natin alam kung bakit kailangan nating sumunod. Ang alam lang natin ay kailangan nating maging masunurin. Hindi para sa atin ang magtanong kung bakit, kundi kung ano ang dapat nating sundin. Dapat nating saliksikin ang mga Kasulatan upang matiyak na tayo ay sumusunod sa mga tamang bagay. Responsibilidad natin yan. Ito ang dahilan kung bakit nagbigay ng utos ang Diyos. Maliwanag na ang mga inapo ni Agag ay hindi nalipol sa panahong ito, kahit na kumilos si Samuel ayon sa tagubilin ng Panginoon at ginawang ulila sa anak ang ina ni Agag gaya ng nakasulat. Malamang na ayaw ni Saul na magtakda ng pamarisan kung sakaling siya mismo ang mahuli. Karaniwang hindi pinapatay ng mga hari ang ibang mga hari dahil gusto nilang may tumubos sa kanila sakaling madakip sila. Ganyan ang kaugalian noong mga panahong iyon. Nagsisi si Saul, sa salita, ngunit huli na ang lahat.

 

1Samuel 15:24-26 At sinabi ni Saul kay Samuel, “Ako'y nagkasala, sapagkat ako'y sumuway sa utos ng Panginoon at sa iyong mga salita, sapagkat ako'y natakot sa taong-bayan at sumunod sa kanilang tinig. 25 Ngayon nga'y hinihiling ko sa iyo, ipatawad mo ang aking kasalanan, at bumalik kang kasama ko upang ako'y makasamba sa Panginoon.” 26 At sinabi ni Samuel kay Saul, “Hindi ako babalik na kasama mo sapagkat itinakuwil mo ang salita ng Panginoon, at itinakuwil ka ng Panginoon sa pagiging hari ng Israel.” (AB01)

Iyan ang mahalagang punto sa proseso ng pagsasaalang-alang. Ganyan ang nangyari sa mga saserdote, sa mga prinsipe at sa mga hinirang na tumatanggi sa mga salita ng Diyos. Kung itatakwil natin ang Kautusan ng Diyos, itatakwil Niya tayo mula sa Israel. Maaari tayong magsisi, subalit sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli na tayo magsisisi. Iyan ang konsepto ng sinabi ni Cristo na hindi na tayo maipapanumbalik sa Kaharian ng Diyos. Kung ilalagay natin ang ating kamay sa araro at lumilingon sa likod, hindi na tayo muling ilalagay doon. Ang Diyos ay hindi maaaring lokohin. Ito ay nagsisilbing pangunahing gabay sa lahat ng mga hinirang.

 

1Samuel 15:27-31 At nang pumihit si Samuel upang yumaon, siya'y pumigil sa laylayan ng kaniyang balabal, at nahapak. 28 At sinabi ni Samuel sa kaniya, Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapuwa, na maigi kay sa iyo. 29 At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagka't siya'y hindi isang tao na magsisisi. 30 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Ako'y nagkasala: gayon ma'y parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios. 31 Gayon bumalik uli na sumunod si Samuel kay Saul; at sumamba si Saul sa Panginoon. (AB)

Pinarangalan ni Samuel si Saul para sa kapakanan ng pamumuno sa bayan. Nakita iyon ni Saul. Kaya naging maayos ang paglipat sa kapangyarihan. Alam ni Saul na inalis na ang paghahari sa kanya at ibinigay na sa ibang tao na mas maigi kaysa kanya. Gayunpaman ang ibang taong iyon ay hindi pa man napapahiran. Ngayon ay mauunawaan na natin ang sama ng loob ni Saul nang maitatag na si David. Alam ni Saul na magkakaroon ng isa pang hari at walang alinlangan na batid niyang si David ang pinahiran ng Panginoon. Sa halip na tanggapin na inilagay ng Panginoon ang kanyang pinahiran sa ilalim ng kanyang pangangalaga, sinubukan ni Saul na puksain si David habang matapat siyang naglilingkod sa kanya. Iyan ay hindi isang bagong pangyayari. Patuloy na nangyayari iyan sa gitna ng mga hinirang, dala ng pansariling interes at pagmamatuwid sa sarili, ng mga nasa Katawan ni Cristo na nagtangkang sirain ang mga mas maigi kaysa sa kanila.

 

1Samuel 15:32-35 Pagkatapos ay sinabi ni Samuel, “Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalekita.” At masayang lumapit si Agag sa kanya. At sinabi ni Agag, “Tunay na ang pait ng kamatayan ay nakaraan na.” [Ang NRSV ay may kabaligtarang kahulugan] 33 Ngunit sinabi ni Samuel, “Kung paanong sa pamamagitan ng iyong tabak ay nawalan ng anak ang mga babae, magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak sa gitna ng mga babae.” At pinagputul-putol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal. 34 Pagkatapos ay pumunta si Samuel sa Rama, at si Saul ay umahon sa kanyang bahay sa Gibea. 35 Hindi na muling nakita ni Samuel si Saul hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, ngunit tinangisan ni Samuel si Saul. At ikinalungkot ng Panginoon na kanyang ginawang hari ng Israel si Saul. (AB01)

Sinabi na ni Samuel na ang Panginoon ay hindi isang tao na magsisisi. Ang ibig sabihin ng konseptong ito ay sinimulan na Niyang baguhin ang mga pangyayari sa pagiging hari ni Saul. Sa madaling salita, hindi na Siya kasama ni Saul. Ang prosesong ito ng pagsisisi ay isang proseso ng pagtutuwid at pagbabago. Ang ibig sabihin ng pagsisisi ay pagtanggap na mayroon tayong mga ginawa na kailangan nating baguhin.

 

Ang propeta ay tumangis para sa hari ngunit gayunpaman ay hindi na siya nagpakitang muli. Kapag ang paghahari ay inalis sa Israel, ang mga propeta ng Panginoon ay hindi na muling makikipag-usap sa mga prinsipe ng Israel hanggang sa dumating ang siyang may karapatan - sa madaling salita, ang Mesiyas.  Ito ay inilalarawan sa teksto sa pamamagitan ng ordinasyon kay David.

 

Nadaanan natin ang kuwento ni Saul at natalakay ang kanyang pagpapahid bilang hari, ang kanyang pagkakapili, ang kanyang pag-unlad, at kung bakit inalis sa kanya ang paghahari. Ang lahat ng mga aral doon ay para sa atin sa Kaharian. Gayundin, ang paghahalintulad ay yaong sa paghahari ng tao na itinayo na may lahat ng kahinaan nito ay handa nang ibigay kay David. Ang paghahalintulad ay ukol sa mga hinirang at ang hari ay ang Mesiyas. Kaya’t ang nangyari ay inihanda si David, naghintay siya, at kalaunan ay nailipat ang paghahari sa isang mas mabuting paghahari. Kaya may paglipat tungo sa mas mainam na paghahari na nakita natin sa ilalim ni David at ang pagpapasuko sa mga bansa upang ito ay maitatag, upang sa bandang huli ay maitayo ang Templo. Pagkatapos ay itinatag ang bagong paghahari sa ilalim ni Solomon, na siyang nagtayo ng Templo, na kumakatawan sa sistemang milenyo.

 

Sa pagtatapos ng paghahari ni Solomon, matapos maitatag ang Templo, nahulog naman siya sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Ang kaparehong sitwasyon ay mangyayari sa katapusan ng Milenyo. Kapag si Satanas ay pinakawalan muli sa gitna ng mga bansa sa katapusan ng Milenyo, sila ay mahuhulog muli sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at magmamartsa sila laban sa Jerusalem. Iyan ang pagkakasunod-sunod at ang kahalagahan ng paglipat mula kay Saul, kay David, hanggang kay Solomon at sa pagsamba sa mga diyus-diyosan ni Solomon. Kung magkagayon at tanging doon lamang, muling itatatag ng Mesiyas ang para sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at ang pagdating ng Diyos. Mayroong tatlong yugto mula sa tao hanggang sa Mesiyas, hanggang sa pagtatayo ng Templo sa milenyal na istraktura at pagkatapos ay ang pag-aalis at mga digmaan laban sa pagsamba sa mga diyus-diyosan na nagmula sa mga Gentil sa pagtatapos nito.

 

1Samuel 16:1-3 Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Hanggang kailan mo iiyakan si Saul gayong itinakuwil ko na siya sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay at humayo ka. Isusugo kita kay Jesse na taga-Bethlehem sapagkat ako'y naglaan para sa aking sarili ng isang hari mula sa kanyang mga anak na lalaki.” 2 Sinabi ni Samuel, “Paano ako makakapunta? Kapag iyon ay nabalitaan ni Saul, papatayin niya ako.” At sinabi ng Panginoon, “Magdala ka ng isang dumalagang baka at iyong sabihin, ‘Ako'y naparito upang maghandog sa Panginoon.’ 3 At anyayahan mo si Jesse sa paghahandog at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin. Bubuhusan mo ng langis para sa akin ang sa iyo'y aking sasabihin.” (AB01)

Ang dumalagang baka ay siyempre isang simbolo ng paglilinis. Ang buong istraktura ay isang simbolo ng paglilinis ng Mesiyas sa Israel mula sa kasalanan at ang dumalagang baka ang naging handog para sa kasalanan. Si Samuel ay may direktang ugnayan kay Jesucristo, na nakikipag-usap kay Samuel upang marinig niya sa karaniwang pag-uusap kung ano ang nangyayari. Iyan ang ugnayan na dapat nating tinitingnan. Dapat nating paunlarin ang ating ugnayan kay Jesucristo upang maunawaan natin nang eksakto kung ano ang nangyayari sa araw-araw. Kapag nangyari ang mga bagay na ito sa atin, magagawa tayong hikayatin ni Cristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu kung ano ang dapat nating gawin.

 

1Samuel 16:4-13 Ginawa ni Samuel ang iniutos ng Panginoon at nagtungo sa Bethlehem. Ang matatanda sa bayan ay dumating upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, “Dumating ka bang may kapayapaan?” 5 At kanyang sinabi, “May kapayapaan; ako'y naparito upang maghandog sa Panginoon. Italaga ninyo ang inyong mga sarili at sumama kayo sa akin sa paghahandog.” At itinalaga niya si Jesse at ang kanyang mga anak at inanyayahan sila sa paghahandog. 6 Nang sila'y dumating, siya'y tumingin kay Eliab, at sinabi sa sarili, “Tunay na ang hinirang ng Panginoon ay nasa harap niya.” 7 Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang kanyang mukha, o ang taas ng kanyang tindig sapagkat itinakuwil ko siya. Sapagkat hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso.” 8 Pagkatapos ay tinawag ni Jesse si Abinadab, at pinaraan niya sa harapan ni Samuel. At kanyang sinabi, “Kahit ito ay hindi pinili ng Panginoon.” 9 At pinaraan ni Jesse si Shammah. At kanyang sinabi, “Kahit ito ay hindi pinili ng Panginoon.” 10 Pinaraan ni Jesse ang pito sa kanyang mga anak sa harapan ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Jesse, “Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito.” 11 Sinabi ni Samuel kay Jesse, “Narito bang lahat ang iyong mga anak?” At kanyang sinabi, “Natitira pa ang bunso, ngunit siya'y nag-aalaga ng mga tupa.” At sinabi ni Samuel kay Jesse, “Ipasundo mo siya, sapagkat hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.” 12 Siya'y nagpasugo at sinundo siya roon. Siya ay may mapupulang pisngi, magagandang mata at makisig. At sinabi ng Panginoon, “Tumindig ka, buhusan mo siya ng langis sapagkat siya na nga.” 13 Kaya't kinuha ni Samuel ang sungay ng langis at binuhusan siya sa gitna ng kanyang mga kapatid. At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating na may kapangyarihan kay David mula sa araw na iyon. At tumindig si Samuel at pumunta sa Rama. (AB01)

Kaya, mula sa araw ng pagpapahid kay David, ang Espiritu ng Panginoon ay dumating na may kapangyarihan sa kanya, subalit si Saul ay hari pa rin sa Israel. Kinailangan ni David na maghintay hanggang sa tanggalin si Saul upang makuha niya ang paghahari. Mayroong dalawang pinahirang hari na umiiral nang magkasabay sa Israel. Iyan ay sumasagisag sa mga hinirang sa loob ng bansa. Sinasagisag din nito ang pagkasaserdote at ang paghaharing iyon na nilayong ihiwalay para sa sistemang milenyal, ang pagiging hari sa hinaharap, na pinahiran na at naghihintay na sa loob ng bansa. Tayo ay pinahiran bilang mga hari at saserdote kahit na hindi pa natin ginagampanan ang ating pagkahari. Kapag dumating ang tamang panahon, gagampanan natin ang ating paghahari. Si David ay isang simbolo ng Mesiyas dahil siya ang ninuno ng Mesiyas, ngunit ang Mesiyas ay kanyang Panginoon. Iyan ay nagpapakita sa atin na ang Mesiyas ay nauna nang umiral sa ibang anyo bago siya naging inapo ni David.

Hindi tumitingin ang Diyos gaya ng pagtingin ng mga tao. Si David ang bunso sa kanilang pamilya, gaya ni Saul na mula sa pinakamaliit sa mga lipi. Si David ay hinatulan batay sa kanyang puso at sa kanyang kasipagan sa pag-aasikaso sa mga responsibilidad ng kanyang amang si Jesse. Siya na tapat sa pangangalaga sa kapakanan ng kanyang ama sa lupa ay magiging masipag din sa pangangalaga sa kapakanan ng kanyang Ama sa langit. Iyan ang isa sa mga pangunahing katangian ni David. Handa siyang ialay ang kanyang buhay alang-alang sa sakripisyong kaakibat ng pag-aalaga sa kapakanan ng kanyang ama. Gaano pa kaya siya kahanda na ialay ang kaniyang buhay para sa kapakanan ng kaniyang Ama sa langit at sa kapakanan ng bansa? Siya na tapat sa kakaunti ay magiging tapat sa marami. Iyan ang halimbawang ginamit ni David. Siya ay sinubok at napatunayan at naging tapat sa kakaunti kaya ipinagkatiwala sa kanya ang higit na marami. Ang gawaing ito ng ordinasyon kay David sa Juda ay upang pagtibayin ang pangako kay Juda na ibinigay ni Jacob.

 

Ang Genesis 49 ay ibinigay ni Jacob kay Juda bilang pangako ng kanyang karapatan sa pagkapanganay, subalit hindi ito naisakatuparan sa loob ng maraming, maraming siglo. Tatlong libong taon na ang nakalilipas, ito ay isinakatuparan at ibinigay kay David. Kinailangan ni Juda na maghintay. Siya ang itinalaga datapwat iyon ay kanyang karapatan sa pagkapanganay.

Genesis 49:8-10 Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid; ang iyong kamay ay malagay sa leeg ng iyong mga kaaway; ang mga anak ng iyong ama nawa ay yumukod sa harapan mo. 9 Si Juda'y isang anak ng leon. Aking anak, ikaw ay umahon mula sa pagkahuli, siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; at gaya ng isang babaing leon, sinong makakagising sa kanya? 10 Ang setro ay hindi mahihiwalay kay Juda, ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kanyang mga paa, hanggang sa ang Shilo ay dumating; at ang pagtalima ng mga bayan sa kanya. (AB01)

 

Iyan ay isang pangako ng karapatan sa pagkapanganay. Gayon ma'y hindi pa iyon naisakatuparan at ang buong Juda ay pumunta at binilang kasama ng mga anak ni Israel sa ilalim ni Saul. Maaaring nakita nila ang ordinasyon kay Saul bilang isang bagay na medyo nakapagtataka at isang tuwirang pagbabalewala sa mga pangakong ibinigay sa kanila sa Genesis. Gayunpaman, sumunod sila kay Saul at nakipaglaban kasama niya. Ang Juda ay binilang nang hiwalay sa Israel upang matiyak na nauunawaan ng lahat na sila ang pinakamalaking lipi sa bilang at nagbigay sila ng 10% ng bilang ng mga hukbo ng Israel, kahit na mayroong labindalawang lipi. Hindi nila tinalikuran ang kanilang tungkulin kahit na ang kanilang mga pangako ay naibigay na sa kanila at hindi pa naisakatuparan. Naroon sila nang buong-buo sa gitna ng mga lipi ng Israel upang gampanan ang kanilang bahagi sa mga labanan sa ilalim ng hari na mula sa ibang lipi. Ang karapatan sa pagkapanganay ay tila kinuha mula sa pinakamalaking lipi at ibinigay sa pinakamaliit na lipi. Sila ay sinubok sa kung ano ang kailangang nilang gawin at ang ordinasyon kay Saul ay isang tuwirang pagbabalewala sa pangako ng karapatan sa pagkapanganay kay Juda, gayunpaman ang Juda ay nakipaglaban para kay Saul at sinunod siya bilang hari. Mahalaga iyan. Ipinapakita nito ang kasipagan na kailangan. Kahit pa tila iba ang mga ipinangako sa atin, mayroon tayong responsibilidad na gawin ang ipinapagawa sa atin ng Panginoon, at lumaban nang buong lakas upang makamit ang nais ng Panginoon na makamit natin, kahit na ito ay tila salungat sa mga pangakong ibinigay sa atin. Ang mga pangako ay ginawa rin sa bansa ni Jacob at ang bituin na lalabas mula kay Jacob ay ang Mesiyas, na siyang inapo ni David.

 

Mga Bilang 24:17 Aking makikita siya, ngunit hindi ngayon; aking pagmamasdan siya, ngunit hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, at may isang setro na lilitaw sa Israel, at dudurugin ang noo ng Moab, at lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.  (AB01)

Itinatag ni David ang mga probisyon para sa Templo at, sa katunayan, pinasuko niya ang mga bansa upang maitayo ang Templo. Hindi siya pinahintulutang magtayo ng Templo dahil siya ay isang taong nagpadanak ng dugo. Ang karangalang iyon ay naiwan kay Solomon. Ang alegorya nito ay nagsasaad na ang mga bansa ay kailangang mapasuko sa mga Huling Araw bago maisagawa ang pagpapanumbalik at ang Templo ay maitayo sa ilalim ng Mesiyas. Gayunpaman, si Solomon ay may kapintasan dahil sa kanyang pagnanasa sa mga babaeng banyaga na nagpasok nanaman ng pagsamba sa mga diyus-diyosan sa Israel at naging dahilan upang si Solomon mismo ay mahulog sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Kaya, walang anumang nalalabi sa mga relihiyon ng mga Gentil ang papayagang makapasok sa milenyal na sistema. Sa kabila niyan, sa mga Huling Araw ay magkakaroon ng paghihimagsik. Kapag pinakawalan si Satanas, sa loob ng ilang maikling taon, gagawin niya sa kanila ang lahat ng ginawa niya sa atin, kahit na nagkaroon sila ng isang libong taon ng matuwid na pamumuno sa ilalim ng Mesiyas.

 

1Hari 11:1-6 Si Haring Solomon ay umibig sa maraming babaing banyaga: sa anak ni Faraon, sa mga babaing Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonia, at Heteo; 2 mula sa mga bansa na tungkol sa mga iyon ay sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel, “Kayo'y huwag makihalubilo sa kanila, at sila man ay huwag makihalubilo sa inyo, sapagkat tiyak na kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga diyos.” Nahumaling si Solomon sa mga ito dahil sa pag-ibig. 3 Siya'y nagkaroon ng pitong daang asawa, mga prinsesa, at tatlong daang asawang-lingkod, at iniligaw ng kanyang mga asawa ang kanyang puso. 4 Sapagkat nang si Solomon ay matanda na, iniligaw ng kanyang mga asawa ang kanyang puso sa ibang mga diyos, at ang kanyang puso ay hindi naging lubos na tapat sa Panginoon niyang Diyos, gaya ng puso ni David na kanyang ama. 5 Sapagkat si Solomon ay sumunod kay Astarte, diyosa ng mga Sidonio, at kay Malcam, na karumaldumal ng mga Ammonita. 6 Sa gayon gumawa si Solomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi lubos na sumunod sa Panginoon, gaya ng ginawa ni David na kanyang ama. (AB01)

Si Solomon ang pinakamatalinong taong nakita ng Israel at hindi niya sinunod ang Panginoon nang may pag-ibig tulad ng taglay ng kanyang ama at ng kanyang sigasig sa katotohanan. Ang pagiging masigasig sa katotohanan ang nagpanatili kay David sa pagsunod sa Diyos. Naakit si Solomon ng kanyang mga babaing banyaga at sumunod sa mga diyos ng ibang lahing ito.

 

1Hari 11:7 Pagkatapos ay ipinagtayo ni Solomon ng mataas na dako si Cemos na karumaldumal ng Moab, sa bundok na nasa silangan ng Jerusalem at si Molec na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon. (AB01)

Dito ay pinag-uusapan natin ang ukol sa ecumenism. Pinag-uusapan natin si Solomon na sinusubukang magtatag ng relihiyon na katanggap-tanggap sa lahat ng tao sa kanyang imperyo - lahat ng nasa ilalim ng kanyang impluwensya. Si Solomon ang pinakadakilang hari sa lugar na iyon at lahat sila ay dumating upang makita siya. Nagtatag siya ng isang sistemang panrelihiyon na umaakit sa mga Moabita at Ammonita sa hilagang-silangan at sa mga Sidonia at lahat ng mga lungsod ng taga-Fenicia sa kanluran, sa mga Filisteo sa Gaza at Jerico hanggang sa Eufrates hanggang sa hilagang mga sistema kung saan si Ashtoreth ay sinasamba hanggang sa sistema ng Babilonia bilang Astarte o Ishtar. Ipinakilala ni Solomon ang sistemang Easter at pagsamba kay Baal sa Israel sa isang opisyal na paraan sa pamamagitan ng kanyang pagsamba sa mga diyus-diyosan.

 

Dinala niya ang pagsamba sa mga diyus-diyosan na ito sa Israel upang makahikayat ng mas maraming tao. Sa halip na sabihin, “Ito ang Kautusan ng Diyos na nagbigay sa atin ng kapangyarihan at nagtatag ng Templo upang mapasuko natin ang mga bansa at ang mga bansang ito ay madala sa pagkatakot sa buhay na Diyos”, ay nagpasya siyang pakisamahan ang lahat at lumikha ng isang pandaigdigang sistemang panrelihiyon na katulad ng umiiral na sistema ng internasyonal na mga batas ngayon. Isa lamang itong ecumenical na konseho ng iba't ibang sistemang polytheist. Lahat ng kanyang asawa ay maaaring gumamit ng pare-parehong argumento, "Buweno, taga-Moab ako, taga-Ehipto ako, taga-rito o taga-roon ako, nagkakaisa kami sa aming mga ginagawa; bakit hindi pwedeng ang bawat isa sa amin ay magkaroon ng sariling diyos dito sa Israel?” Malamang na pumayag si Solomon at nagsabi, "Oo sige na, itatayo natin ang mga templong ito sa Israel". Sa bandang huli, naging tungkulin pa ni Solomon na daluhan ang bawat templo upang hindi masaktan ang damdamin ng mga taong iyon.

 

Hindi tayo narito upang makisama sa pagsang-ayon sa iba. Sumusunod tayo sa Pananampalataya na minsanang ibinigay (Judas 3) at hindi tayo lilihis mula sa orihinal na pananaw ng unang siglo, kahit pa tayo’y usigin. Ang Iglesia ay nanindigan sa paniniwalang ito sa loob ng maraming siglo. Ang problema sa mga iglesia ngayon ay lahat sila ay natatakot. Sila ay natatakot sa pag-uusig at sila ay natatakot na manindigan para sa Diyos na buhay at hindi nila alam kung ano ang kanilang pinaniniwalaan. Hindi sinunod ni Solomon ang Kautusan at hindi siya natakot sa Diyos.

 

1Hari 11:8-10 Gayon ang ginawa niya para sa lahat ng kanyang mga asawang banyaga, na nagsunog ng mga insenso at naghain sa kani-kanilang mga diyos. 9 Kaya't ang Panginoon ay nagalit kay Solomon, sapagkat ang kanyang puso ay lumayo sa Panginoon, sa Diyos ng Israel, na nagpakita sa kanya ng dalawang ulit; 10 at siyang nag-utos sa kanya tungkol sa bagay na ito na siya'y huwag sumunod sa ibang mga diyos; ngunit hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon. (AB01)

Ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ay nagpakita kay Solomon ng dalawang ulit. Personal na bumaba si Jesucristo at nakipag-usap kay Solomon nang personal nang dalawang ulit, at binalaan siya nang dalawang ulit tungkol sa kanyang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Hindi natin matatamo ang pribilehiyong iyon. Hindi tayo bibigyang-babala ni Cristo nang personal. Nasa atin ang Banal na Espiritu upang pakinggan si Cristo at mas mabuting makinig tayo, dahil wala na tayong makukuhang pagkakataon na hihigit sa nakuha ni Solomon. Tatlong pagkakataon ang nakuha ni Solomon. Dalawang ulit siyang binalaan at sa pangatlong beses ay wala na siyang pagkakataon; at si Solomon ay kinailangang dumaan sa isang yugto ng pagsisisi para sa kanyang pagpapanumbalik. Ganyan makikitungo ang Diyos sa atin. Kung magkamali tayo, sasawayin at iwawasto tayo. Kung magkamali ulit tayo, sasawayin at iwawasto tayo. Kung magkamali tayo sa ikatlong beses, wala na tayo - tayo ay sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli na. Iyan ang dahilan kung bakit nandiyan ang tekstong iyan (tingnan din ang Job 33:21-30 RSV).

1Hari 11:11-13 Kaya't sinabi ng Panginoon kay Solomon, “Yamang ito'y nagawa mo, at hindi mo tinupad ang aking tipan, at ang aking mga tuntunin na aking iniutos sa iyo, tiyak na aking aagawin ang kaharian sa iyo at aking ibibigay sa iyong lingkod. 12 Gayunma'y hindi ko ito gagawin sa iyong mga araw alang-alang kay David na iyong ama; kundi aagawin ko ito sa kamay ng iyong anak. 13 Gayunma'y hindi ko aagawin ang buong kaharian kundi ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alang-alang kay David na aking lingkod, at alang-alang sa Jerusalem na aking pinili.” (AB01)

Sa madaling salita, iniwan niya ang nalabi sa Juda at inihiwalay ang Juda mula sa Israel, upang ang Mesiyas ay makarating sa Jerusalem upang gampanan ang pagkasaserdote at gampanan ang isang umiiral na sistema. Nang dumating ang Mesiyas, ang paghahari ay wala na sa Jerusalem. Mga prinsipe na lamang ng Juda na nasa bloodline ang naroon, ngunit ang pamumuno sa Jerusalem ay nasa pagkasaserdote. Ang paghahari ay tinanggal sa Israel na nasa malalayong lupain, ngunit ang mga lahi ay nanatili upang ang Mesiyas ay maisilang mula sa maharlikang lahi ng sambahayan ni David, sa sambahayan ni Nathan. Isinilang din siya sa pagkasaserdote ni Aaron sa pamamagitan ng sambahayan ni Levi, sa sambahayan ni Simei. Ang propesiyang ito dito ay ginawa upang protektahan ang lahi at talaangkanan ng Mesiyas at ito ay nagawa dahil sa katapatan ni David at dahil sa nalalapit na pagdating ng Mesiyas.

 

Dahil sa pagsamba sa mga diyus-diyosan ni Solomon, ang paghahari ay tinanggal sa mga kamay ng kanyang anak. Hindi magtatangi ng tao ang Diyos. Gagantimpalaan niya ang katapatan maging hanggang sa punto ng pagprotekta, kahit matapos mamatay ang isang tao, sa isang institusyong naitatag dahil sa kanyang katapatan. Ngunit aagawin Niya ito sa mga kamay ng, hindi ng kanyang kahalili, kundi sa kahalili ng kanyang kahalili. Makikita natin na mangyayari iyan muli. Makikita nating mangyayari iyan sa pagkasaserdote at makikita nating mangyayari iyan sa paghahari.

 

Dito, isinagawa ang paghahati ng paghahari upang ang kaharian ng Israel ay hindi manatili sa Juda, at hindi na muling babalik hanggang sa pagdating ng Mesiyas, kahit na ang mga lahi ng paghahari ay dapat mula kay David at samakatuwid ay kay Juda (tingnan ang araling Genealogy of the Messiah (No. 119)).

 

1Hari 12:1-5 Si Rehoboam ay nagtungo sa Shekem, sapagkat ang buong Israel ay nagtungo sa Shekem upang gawin siyang hari. 2 Nang mabalitaan iyon ni Jeroboam na anak ni Nebat (sapagkat siya'y nasa Ehipto pa, na doon siya'y tumakas mula sa harapan ni Haring Solomon), siya ay bumalik mula sa Ehipto. 3 Sila'y nagsugo at kanilang ipinatawag siya. Si Jeroboam at ang buong kapulungan ng Israel ay dumating, at nagsabi kay Rehoboam, 4 “Pinabigat ng iyong ama ang pasanin namin. Ngayon ay pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang pamatok na iniatang niya sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.” 5 At sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo, at pagkaraan ng tatlong araw ay bumalik kayo sa akin.” Umalis nga ang taong-bayan. (AB01)

Mapapansin natin dito na si Jeroboam ay magiging hari sa Israel at siya ay nasa Ehipto. Siya ay tumakas doon sa parehong paraan na si David ay tumakas mula kay Saul at siya ay ibinukod. Ang susunod na pinahiran ay ibubukod at alam ito ng bayan. Alam ni Solomon. Si Jeroboam ay isang makapangyarihang tao sa Israel at siya ay kilala bilang malamang na pinuno ng Israel. Ang mga taong nasa kapangyarihan ay nakakaramdam ng mga banta at susubukan nilang tanggalin ang mga ito.

 

Ang Iglesia ng Diyos ay kumilos batay sa sistemang iyon noong ikadalawampung siglo, tinanggal ang sinumang may kakayahan na humarap sa mga konsepto ng Bibliya. Ang teolohiya ng Iglesia noong ikadalawampung siglo ay may kamalian. Hindi nila maipaliwanag nang maayos ang lahat kaya tinanggal nila ang sinumang nagtatanong sa kanilang itinuro. Nararamdaman na ngayon ng mga tao ang pagbabago. Bata pa si Jeroboam at hindi siya gaanong matalino. Wala na si Solomon at malamang na nasuya na ang taong-bayan sa kanyang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Hindi naman sa mas mahusay sila sa Israel, ngunit mas nakatuon ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Sumamba siya sa lahat para lang mapasaya ang kanyang mga asawa, dahil mayroon siyang mga asawa mula sa iba't ibang lugar.

 

1Hari 12:6-14 Pagkatapos si Haring Rehoboam ay humingi ng payo sa matatandang lalaki na tumayo sa harap ni Solomon na kanyang ama samantalang siya'y nabubuhay pa, na sinasabi, “Anong payo ang maibibigay ninyo sa akin, upang isagot sa bayang ito?” 7 At sinabi nila sa kanya, “Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito at maglilingkod sa kanila, at magsasabi ng mabubuting salita kapag sinasagot mo sila, ay magiging mga lingkod mo nga sila magpakailanman.” 8 Ngunit tinalikuran niya ang payo ng matatanda na kanilang ibinigay sa kanya, at humingi ng payo sa mga kabataang lalaking nagsilaking kasama niya na tumayo sa harap niya. 9 At sinabi niya sa kanila, “Anong maipapayo ninyo na dapat nating isagot sa bayang ito, na nagsabi sa akin, ‘Pagaanin mo ang pasanin na iniatang ng iyong ama sa amin’?” 10 Ang kanyang mga kababata ay nagsabi sa kanya, “Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsabi sa iyo, ‘Pinabigat ng iyong ama ang pasanin namin, ngunit pagaanin mo sa amin.’ Ganito ang iyong sasabihin sa kanila, ‘Ang aking kalingkingan ay mas makapal kaysa mga balakang ng aking ama. 11 At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na pasanin, ay aking dadagdagan pa ang pasanin ninyo. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo; ngunit parurusahan ko kayo ng mga alakdan.’” 12 Kaya't naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Rehoboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, “Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw.” 13 Mabagsik na sinagot ng hari ang mga tao at tinalikuran ang payo na ibinigay sa kanya ng matatanda. 14 At nagsalita siya sa kanila ayon sa payo ng mga kabataan na nagsasabi, “Pinabigat ng aking ama ang inyong pasanin, ngunit pabibigatan ko pa ang inyong pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo ng mga alakdan.” (AB01)

Ito ang klase ng walang kwentang yabang ng mga hangal na kabataan. Nais lamang nilang mapanatili ang kanilang nakasanayang pribilehiyo. Si David ang nag-ipon ng lahat ng kayamanan para sa Templo. Si Solomon ang nagtayo ng Templo, at dumaloy ang kayamanan at pribilehiyo sa Israel. Ang mga taong ito ay lumaki sa walang kahirap-hirap na pamumuhay. Sila ay mayaman at sanay sa pribilehiyo at gusto nilang mapanatili ito. Nakita nila na upang gumaan ang pasanin ng mga tao, sila mismo ay kailangang magtrabaho. Kailangan nilang punan ang kakulangan at kung magkagayon ay mababawasan ang kanilang mga pribilehiyo at hindi sila handang gawin iyon. Pinagwatak-watak ng mga taong ito ang Israel gaya rin ng ginawa ng mga mamumuno kalaunan, sa pang-aabuso nito sa mga pribilehiyo, ay pinagwatak-watak ang Israel. Ang pagkakawatak-watak na iyan ng mga tao ay nagpatuloy dahil sa pang-aabuso sa mga pribilehiyo at pagtatangi ng mga tao sa pamamagitan ng mga paghahari at sa pamamagitan ng pagkasaserdote hanggang sa kasalukuyan. Ang pagkakawatak-watak ng kapangyarihan ng banal na bayan ay magaganap sa pamamagitan ng pang-aabuso sa mga pribilehiyo sa pagkasaserdote sa lahat ng antas at sa paghahari sa lahat ng antas sa hudikatura at administrasyon. Ang pang-aabuso sa mga pribilehiyong iyan ay nangyayari ngayon sa buong bansang ito at sa lahat ng mga iglesia sa araw-araw at ito ang nagpapawatak-watak sa kapangyarihan ng ating bayan.

 

1Hari 12:15 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan sapagkat iyon ay pinapangyari ng Panginoon upang kanyang matupad ang kanyang salita na sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Ahias na Shilonita kay Jeroboam na anak ni Nebat. (AB01)

Kaya't inihula na Niya at pinahiran si Jeroboam at pinatigas Niya ang kanilang mga puso dahil hindi makita ng mga taong ito ang lohika ng kanilang ginagawa at pinigilan na lamang Niya ang sistemang iyon na magpatuloy. Sabi ng Panginoon, “Wawakasan ko na ‘yan dahil bulok na ‘yan”. Nahawaan na iyan ni Solomon ng pagsamba sa mga diyus-diyosan at kabulukan at kailangan itong wakasan.

 

1Hari 12:16  Nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse. Sa iyong mga tolda, O Israel! Ngayon ikaw na ang bahala sa iyong sariling sambahayan, David.” Sa gayo'y humayo ang Israel sa kanya-kanyang tolda. (AB01)

Walang nang benepisyo, walang mana, walang kabutihan, walang kita, walang tubo ni kahit anong uri ng kasiyahan sa bunga ng kanilang paggawa sa ilalim ng mga tolda ni Jesse. Dahil sa pang-aabuso sa mga pribilehiyo ng sambahayan ni David, ang bayan ay dumaing. Ang Israel ay naging hiwalay na bansa mula sa Juda mula ng araw na iyon. Ang muling pagkakaisa ay darating lamang sa pagbabagong-loob ng Juda at sa pagtatatag sa Jerusalem ng sistema sa ilalim ng Mesiyas.

 

Ang paghahari ay tinanggal dito sa pamamagitan ng hindi maayos na pagdedesisyon. Walang alinlangan, ito ay naudyukan ng utos ng Diyos. Ang paghahari ay namalagi kapwa sa Israel at Juda hanggang kay Jeremias. Si Jeremias ay binigyan ng kapangyarihan na bumuwag at maglipat. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagtanggal sa awtoridad ng paghahari sa Juda. Itinatag niya ang awtoridad sa Israel, gaya ng susuriin natin sa ibang pagkakataon.

 

Ginawa ito upang manatili ang mga prinsipe (ang bloodlines) upang ang Mesiyas ay lumabas mula sa mga bloodlines na iyon, ngunit hindi na sila kailanman nagkaroon ng anumang awtoridad mula noong buwagin ito ni Jeremias. Ang paghahari ay hindi na naitatag. Ito ay nasa pamumuno ng dakilang pagkasaserdote, isang teokrasya, ngunit hindi isang paghahari o monarkiya. Walang hari sa Israel. Bagaman bumalik ang mga prinsipe at muling itinayo ang Templo, hindi nila kinuha ang tungkulin ng paghahari. May mga gobernador sa Juda sa ilalim ng mga hari ng ibang lupain at ang ilan ay mula sa maharlikang angkan, at maharlikang sambahayan at ang ilan naman ay hindi. Ang pribilehiyong iyon ng sambahayan ng mga prinsipe ay lumaganap sa aristokrasya na bumuo ng sekta ng mga Saduceo. Ang sektang iyon ay napaka-kaunti ang kaalaman sa Bibliya, itinanggi nito ang pagkabuhay na mag-uli. Nakikipag-agawan sila sa pagiging dakilang saserdote at nakikipagtunggali sila sa mga Fariseo para sa kontrol sa Templo.  Minsan ay mga Fariseo ang mga dakilang saserdote at minsan nama’y mga Saduceo ang mga dakilang saserdote.

 

Jeremias 1:10  Tingnan mo, inilagay kita sa araw na ito sa ibabaw ng mga bansa at ng mga kaharian, upang bumunot at magpabagsak, upang pumuksa at magwasak, upang magtayo at magtanim.”  (AB01)

Si Jeremias ay nagtataglay ng napakalaking kapangyarihan. Siya ay may kapangyarihan sa mga bansa at kaharian. Binuwag niya ang kaharian ng Juda at itinatag ang kaharian sa Israel. Mula sa panahong ito, ang paghahari ng mga bansa ay lubos na tinutukoy sa pamamagitan ng kanilang pagsisisi at kanilang pagsunod. Ang Juda ay pinarusahan mula sa kautusang ito.

 

Jeremias 18:7-11 Kung sa anumang sandali ay magsalita ako ng tungkol sa isang bansa o sa isang kaharian na ito'y aking bubunutin, ibabagsak at lilipulin, 8 at kung ang bansang iyon na aking pinagsalitaan ay humiwalay sa kanilang kasamaan ay magbabago ang isip ko tungkol sa kasamaan na binabalak kong gawin doon. 9 At kung sa anumang sandali ay magsalita ako tungkol sa isang bansa o kaharian, na ito'y aking itatayo at itatanim, 10 kung ito'y gumawa ng kasamaan sa aking paningin, na hindi nakikinig sa aking tinig, ay magbabago ang isip ko tungkol sa kabutihan na binabalak kong gawin doon. 11 Kaya't ngayon, sabihin mo sa mga kalalakihan ng Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem: ‘Ganito ang sabi ng Panginoon: Ako'y bumubuo ng kasamaan laban sa inyo, at bumabalangkas ng balak laban sa inyo. Manumbalik ang bawat isa sa inyo mula sa kanyang masamang lakad, at baguhin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa.’ (AB01)

Ang Juda ay hindi nagsisi at ang Jerusalem ay nawasak at ang paghahari ay tinanggal.

 

Jeremias 22:1-10 Ganito ang sabi ng Panginoon: “Bumaba ka sa bahay ng hari ng Juda, at sabihin mo doon ang salitang ito, 2 at iyong sabihin, ‘Pakinggan mo ang salita ng Panginoon, O hari ng Juda, na nakaluklok sa trono ni David, ikaw, at ang iyong mga lingkod, at ang iyong mga mamamayan na pumapasok sa mga pintuang ito. 3 Ganito ang sabi ng Panginoon: Gumawa kayo nang may katarungan at katuwiran, at iligtas ninyo ang ninakawan mula sa kamay ng mapang-api. At huwag ninyong gawan ng masama o karahasan ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo, o magpadanak man ng walang salang dugo sa dakong ito. 4 Sapagkat kung tunay na inyong susundin ang salitang ito, kung gayo'y papasok sa mga pintuan ng bahay na ito ang mga hari na nakaupo sa trono ni David, na nakasakay sa mga karwahe at mga kabayo, sila at ang kanyang mga lingkod, at ang kanilang taong-bayan. 5 Ngunit kung hindi ninyo susundin ang mga salitang ito, ako'y sumusumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay mawawasak. 6 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sambahayan ng hari ng Juda, “‘Ikaw ay gaya ng Gilead sa akin, gaya ng tuktok ng Lebanon; tiyak na gagawin kitang isang disyerto, gaya ng mga lunsod na hindi tinatahanan. 7 Ako'y maghahanda ng mga mamumuksa laban sa iyo, bawat isa'y may kanya-kanyang mga sandata; at kanilang puputulin ang iyong mga piling sedro, at ihahagis sa apoy. 8 “‘Maraming bansa ang daraan sa lunsod na ito, at sasabihin ng bawat isa sa kanyang kapwa, “Bakit ganito ang ginawa ng Panginoon sa dakilang lunsod na ito?” 9 At sila'y sasagot, “Sapagkat kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon nilang Diyos, at sumamba sa ibang mga diyos, at naglingkod sa kanila.”’” 10 Huwag ninyong iyakan ang patay, o tangisan man ninyo siya; kundi patuloy ninyong iyakan ang umaalis, sapagkat hindi na siya babalik, ni makikita pa ang kanyang lupang tinubuan. (AB01)

Ang pagkakasunud-sunod na ito ay nagdulot ng pagkakalat ng Juda, at ang mga taong  nagbalik ay hindi na muling magbabalik (iyon ay isang propesiya ng Panginoon) maliban sa mga iyon na pinili at pinabalik sa ilalim ng pamumuno ng hari upang itatag ang Templo.

 

Jeremias 22:11-17 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Shallum na anak ni Josias, na hari ng Juda, na nagharing kahalili ni Josias na kanyang ama, na umalis sa lugar na ito: “Hindi na siya babalik rito, 12 kundi sa dakong pinagdalhan sa kanya bilang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya muling makikita ang lupaing ito.” 13 “Kahabag-habag siya na nagtatayo ng kanyang bahay sa kawalang-katuwiran, at ng kanyang mga silid sa itaas sa pamamagitan ng kawalang-katarungan; na pinapaglingkod ang kanyang kapwa na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kanyang sahod; 14 na nagsasabi, ‘Ako'y magtatayo para sa sarili ko ng malaking bahay na may maluluwang na silid sa itaas,’ at naglalagay ng mga bintana roon, dinidingdingan ng sedro, at pinipintahan ng kulay pula. 15 Sa palagay mo ba ikaw ay hari, sapagkat nakikipagpaligsahan ka na may sedro? Di ba't ang iyong ama ay kumain at uminom at naggawad ng katarungan at katuwiran? Kaya naman iyon ay ikinabuti niya. 16 Kanyang hinatulan ang kapakanan ng dukha at ng nangangailangan; at iyon ay mabuti. Hindi ba ito ang pagkilala sa akin? sabi ng Panginoon. 17 Ngunit ang iyong mga mata at puso ay para lamang sa iyong madayang pakinabang, at sa pagpapadanak ng walang salang dugo, at sa paggawa ng pang-aapi at karahasan.” (AB01)

Ang mga taong ito na nasa matatag na posisyon sa kayamanan ay iniisip na mananatili sila palagi doon. Inilagay sila doon sa pamamagitan ng katarungan at katuwiran, hindi dahil mayroon silang anumang likas na karapatan.  Iyan ay isang pangyayaring naganap sa mga Amerikano sa loob ng nakalipas na dalawang siglo. Mayroong isang sistemang panlipunan batay sa uri ng tao sa Amerika na binuo kung saan ang mga namumunong uri kapwa mula sa Republicans at Democrats ay mula sa isang privileged elite. Sila ay nagmula sa mayayamang pamilya at sa isang sistema ng edukasyon na lumilikha ng privileged elite, ngunit hindi nila naiintindihan na sila ay nagmula sa isang may privileged elite. Ang bawat isa ay talagang nalinlang upang isipin na nakarating sila doon sa pamamagitan ng kanyang sariling husay. Samakatuwid, dahil sa pribilehiyong katayuan ay sa tingin nila wala silang obligasyon na pangalagaan ang mga nasa mababang kalagayan, ang mga mahihirap, ang mga kapus-palad, ang mga dukha at ang mga ulila. Pinag-aaralan ito ngayon ng mga sosyologo at sinasabing ang mga taong ito ay talagang iniisip na narating nila ang kanilang kalagayan sa sarili nilang husay at iyan ang problema. Kahit sino ay maaaring magtagumpay kung ang kanyang ama ay ipadadala siya sa pinakamagagaling na paaralan at siya ay binibigyan ng isang milyong dolyar.

 

Iyan ang uri na namumuno sa mga Kanluraning sistema, partikular na sa Estados Unidos. Sinasabi ngayon ng mga sosyologo na ang mga taong ito ay talagang sinisira ang istruktura ng suporta para sa mga mahihirap dahil sa tingin nila ay narating nila ang kanilang kinalalagyan sa pamamagitan ng kanilang sariling husay at na ang mga mahihirap na taong ito ay makakarating din sana sa parehong posisyon kung hindi lamang sila tamad at batugan, at walang-kakayahan. Sa tingin nila ay namumuno sila dahil sa kanilang sariling mga kakayahan ngunit sa katunayan ay namumuno sila dahil sa pinaghirapan ng ama ng kanilang ama. Sila ay isang aristokrasya at hindi nila ito naiintindihan. Kaya naman, hindi nila nauunawaan ang kanilang mga obligasyon sa mga mahihirap at ang bansang iyon ay mapapahamak dahil hindi nito pinangangalagaan ang mga ulila, mga balo at mga taong mahihirap, sa loob nito. Ang paghahari ay inagaw sa pamamagitan ng kawalang-kakayahan at kahangalan sa lahat ng antas dahil sa pang-aabuso sa pribilehiyong iyon. Ang kaparehong mindset ay lumalaganap na sa ating mga kababayan. Ang kaparehong kahangalan na umiiral sa gitna ng sistemang pampulitika ng Kanluran ay pumapasok sa ibang mga bansa at ang kaparehong mga baluktot na utos sa mga sistema ng edukasyon at entertainment nito ay pumapasok sa ibang mga tao. Mapapahamak ang ating bayan dahil sa kawalan ng kaalaman at maling paggamit ng kapangyarihan.

 

Jeremias 22:18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda, “Hindi nila tataghuyan siya na sasabihin, ‘Ah, kapatid kong lalaki!’ o kaya'y, ‘Ah, kapatid na babae!’ Hindi nila tataghuyan siya na sasabihin, ‘Ah, panginoon!’ o, ‘Ah, kamahalan!’  (AB01)

Ito ay mga kasabihan ng mga pagano. Sila ay mga kapatid ng mga sistemang palasamba sa mga diyus-diyosan. Ang mga ito ay mga kasabihan na naging bahagi ng karaniwang sambit sa Israel. Ang kanilang pananalita ay nadungisan dahil sa mga sistemang ito na palasamba sa mga diyus-diyosan.

 

Jeremias 22:19-22 Ililibing siya ng libing ng asno, kakaladkarin at itatapon sa labas ng mga pintuan ng Jerusalem.” 20 “Umakyat ka sa Lebanon at sumigaw ka, ilakas mo ang iyong tinig sa Basan, at ikaw ay sumigaw mula sa Abarim; sapagkat ang lahat mong mangingibig ay nalipol. 21 Ako'y nagsalita sa iyo sa iyong kasaganaan, ngunit iyong sinabi, ‘Hindi ako makikinig.’ Ito na ang iyong pamumuhay mula sa iyong pagkabata, na hindi mo pinakinggan ang aking tinig. 22 Papastulin ng hangin ang lahat mong mga pastol, at ang iyong mga mangingibig ay pupunta sa pagkabihag; kung magkagayon ay mapapahiya ka at malilito dahil sa lahat mong kasamaan. (AB01)

Ang lahat ng mga kaalyado ng Juda ay ipinadala sa pagkabihag at iyon din ang mangyayari muli. Kung tayo ay aasa sa mga bansa sa halip na sa Diyos, ang mga bansang iyon ay magiging gaya ng mga tambo na mababali sa ating kamay at tutuhog sa kamay na ating inaasahan. Kung sa tao tayo mananalig kaysa sa Diyos, ang mga bansang iyon ay aalisin sa atin. Haharapin natin ang ating suliranin na nag-iisa sa harap ng Diyos sa ilalim ng ibang bayan.

 

Jeremias 22:23-30 O naninirahan sa Lebanon, na namumugad sa gitna ng mga sedro, gayon na lamang ang iyong paghihinagpis kapag dumating sa iyo ang pagdaramdam na gaya ng hirap ng isang babaing nanganganak!” 24 “Habang ako'y buháy, sabi ng Panginoon, kahit pa si Conias na anak ni Jehoiakim na hari ng Juda ay maging singsing na pantatak sa aking kanang kamay, gayunma'y bubunutin kita, 25 at ibibigay kita sa kamay ng mga tumutugis sa iyong buhay, oo, sa kamay ng iyong mga kinatatakutan, maging sa kamay ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia, at sa kamay ng mga Caldeo. 26 Itatapon kita at ang iyong ina na nagsilang sa iyo sa ibang lupain na hindi ninyo sinilangan, at doon kayo mamamatay. 27 Ngunit sa lupain na kasasabikan nilang balikan, hindi sila makakabalik doon.” 28 Ito bang lalaking si Conias ay isang hamak na basag na palayok? O siya ba'y isang sisidlang hindi kanais-nais? Bakit siya at ang kanyang mga anak ay itinatapon, at inihahagis sa lupaing hindi nila kilala? 29 O lupa, lupa, lupa, pakinggan mo ang salita ng Panginoon! 30 Ganito ang sabi ng Panginoon: “Isulat ninyo ang lalaking ito bilang walang anak, isang lalaki na hindi magtatagumpay sa kanyang mga araw; sapagkat walang sinuman sa kanyang mga supling ang magtatagumpay na luluklok sa trono ni David, at maghahari pang muli sa Juda.” (AB01)

Dito ang lahi ng mga hari ay naitatag sa Juda hiwalay kay Conias.  Walang sinumang inapo ni Conias ang maaaring maupo sa trono ng Israel maliban kung may hayag na pahintulot mula sa isang propeta ng Diyos. Kailangang mamagitan muli ng Diyos sa lahi ni Conias. Iyan ang dahilan kung bakit ang Mateo 1 ay hindi maaaring maging lahi ng Mesiyas, at kung bakit ang Mesiyas ay hindi maaaring magmana ng pagkahari sa pamamagitan ng pag-ampon ng kanyang amang si Jose. Ipinagbawal kay Jose na umupo sa trono ng Israel sa pamamagitan ng propesiyang ito. Ang Mateo 1 ay naroon upang ipakita sa atin kung bakit hindi maaaring maging hari ang Mesiyas bilang inampong anak ni Jose, hindi upang ipakita kung bakit siya maaari maging hari (tingnan ang araling Genealogy of the Messiah (No. 119)). Ang lahi ni Nathan (Luc. 3) ang tanging paraan upang siya ay maging hari, maliban na lamang kung may propeta ng Diyos na magsasabi at magtatatag sa kanya bilang hari anuman ang kanyang lahi mula kay Conias.

 

Jeremias 32:26-44 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi, 27 Narito, ako ang Panginoon, ang Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin? 28 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin, 29 At ang mga Caldeo, na nagsisilaban sa bayang ito, magsisiparito at susulsulan ang bayang ito, at susunugin, sangpu ng mga bahay na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal, at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios, upang mungkahiin ako sa galit. 30 Sapagka't ang ginawa lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon. 31 Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha. 32 Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda, na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sila, ng kanilang mga hari, ng kanilang mga prinsipe, ng kanilang mga saserdote, at ng kanilang mga propeta, at ng mga tao ng Juda, at ng mga nananahan sa Jerusalem. 33 At kanilang tinalikdan ako, at hindi ako hinarap: bagaman aking tinuruan sila, na bumabangon ako ng maaga at tinuturuan ko sila, gayon ma'y hindi sila nangakinig na magsitanggap ng turo. 34 Kundi kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin. 35 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; na pinapagkasala ang Juda. 36 At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot: 37 Narito, aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay. 38 At sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios: 39 At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila: 40 At ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin. 41 Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa. 42 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila. 43 At mga parang ay mabibili sa lupaing ito, na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo. 44 Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon. (AB01)

Kaya't makikita natin ang pagtatatag, ang pagtanggi, ang paghatol sa tatlong grupo - ang mga hari at mga prinsipe, ang mga saserdote at mga propeta - mga tao at mga naninirahan sa Jerusalem. Tatlong grupo ang hinatulan, ikinalat at winasak, pagkatapos ay ipinanumbalik. Tulad ng isang perpektong ama, ang disiplina ay hinahaluan ng awa at ng mabuting paghatol. Ang pagtutuwid ay ginagawa upang itama ang kilos at hindi para masiraan ng loob. Ang disiplina mula sa Diyos ay umiiral lamang upang alisin ang kasamaan.

           

Ezekiel 45:8-10 Sa lupaing ito'y magiging kaniya na pinakaari sa Israel: at hindi na pipighatiin pa ng aking mga prinsipe ang aking bayan; kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi. 9 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Magkasiya ito sa inyo, Oh mga prinsipe ng Israel: iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam, at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. 10 Kayo'y magkakaroon ng mga ganap na timbangan; at ganap na efa, at ganap na bath. (AB)

Ang mga pagpapalayas sa bayan ng Panginoon ay nangyayari sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila sa mga lupain sa ilalim ng mga sistemang hindi batay sa sistema ng Jubileo. Ang mga bangko at patubo ay ipinagbabawal. Ang pagmamay-ari ng lupa ay batay sa isang Jubileong sistema ng pagpapaupa sa loob ng Jubileo na limampung taon. Iyan ang sistemang ating itatatag. Walang anumang patubo sa loob ng ating sistema at walang magiging bentahan ng lupa nang panghabambuhay sa labas ng sariling lipi. Ang mga prinsipe na gagawa niyan ay tatanggalin. Tanging ang mga bayan lamang ang papayagang magmay-ari nang panghabambuhay sa mga lugar kung saan mayroon tayong mga kabahayan na naitatag. Ang mga bahay ay papayagang ibenta bilang isang panghabambuhay na pagmamay-ari. Ang lahat ng agrikultura ay hahawakan sa ilalim ng ibang sistema.

 

Ang tamang pamumuno ay nakabatay sa isang makatarungang administrasyon na walang kinikilingan sa pagpapatupad nito. Ito ang responsibilidad ng pamunuan. Ang masamang pamumuno sa huli ay hahantong sa pagtanggal ng monarkiya sa Israel.

 

Ezekiel 21:25-26 At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas; 26 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas. (AB)

 

Sa panahon na nagpopropesiya si Ezekiel, sila ay nasa pagkabihag. Ang paghahari ay nasa Israel na. Ang Juda ay nasa pagkabihag na at ang paghahari ay kinuha na mula sa Juda, gayunpaman si Ezekiel ay nagbibigay ng mga propesiyang ito. Siya ay nagsasalita tungkol sa hinaharap na pagtanggal ng paghahari sa Israel.

 

Ang pagbababa at pagtataas na ito ay paglilipat ng mga dinastiya ng Israel.

 

Ezekiel 22:23-31 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 24 Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis, o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit. 25 May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: sila'y nanganakmal ng mga tao; sila'y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon, 26 Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: sila'y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at ako'y nalapastangan sa gitna nila. 27 Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli, upang mangagbubo ng dugo, at upang magpahamak ng mga tao, upang sila'y mangagkaroon ng mahalay na pakinabang. 28 At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon. 29 Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa. 30 At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan. 31 Kaya't aking ibinuhos ang aking galit sa kanila; aking sinupok sila ng apoy ng aking poot: ang kanilang sariling lakad ay aking pinarating sa kanilang mga ulo, sabi ng Panginoong Dios. (AB)

Ang pagkondena sa mga prinsipe sa Ezekiel ay ipinagpatuloy at propetiko. Ang pagsukat sa bansa ay nagsisimula sa Bahay ng Diyos at kasama ang mga prinsipe dahil sila ang may sentral na responsibilidad sa mga hain para sa paglilinis ng bansa.

 

Ezekiel 9:1-11 Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pandinig nang malakas na tinig, na nagsasabi, “Lumapit kayo, kayo na mga tagapagparusa sa lunsod, na bawat isa'y may kanyang pamatay na sandata sa kanyang kamay.” 2 Narito, anim na lalaki ang dumating mula sa dako ng pintuan sa itaas, na nakaharap sa hilaga. Bawat isa'y may kanyang sandatang pamatay sa kanyang kamay, at kasama nila ang isang lalaki na nakadamit ng telang lino, na may lalagyan ng panulat sa kanyang balakang. At sila'y pumasok at tumayo sa tabi ng tansong dambana. 3 Ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay pumailanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan hanggang sa pintuan ng bahay. At kanyang tinawag ang lalaking nakadamit ng telang lino, na may lalagyan ng panulat sa kanyang balakang. 4 At sinabi ng Panginoon sa kanya, “Pumasok ka sa lunsod, sa loob ng Jerusalem, at lagyan mo ng mga tanda ang mga noo ng mga taong nagbubuntong-hininga at dumadaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa roon.” 5 Sa iba ay sinabi niya sa aking pandinig, “Dumaan kayo sa lunsod na kasunod niya, at manakit kayo; huwag magpatawad ang inyong mata, at huwag kayong magpakita ng habag. 6 Patayin ninyo agad ang matatanda, ang mga binata, mga dalaga, mga bata at ang mga babae; ngunit huwag ninyong gagalawin ang sinumang may tanda. At magsimula kayo sa aking santuwaryo.” Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay. 7 Sinabi niya sa kanila, “Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga bulwagan. Magsilabas kayo.” At sila'y nagsilabas at pumatay sa lunsod. 8 Habang sila'y pumapatay, at ako'y naiwan, ako'y nasubasob at sumigaw, at aking sinabi, “O Panginoong Diyos! Iyo bang lilipulin ang lahat ng nalabi sa Israel, sa pagbubuhos mo ng iyong poot sa Jerusalem?” 9 Sinabi niya sa akin, “Ang kasalanan ng sambahayan ng Israel at ng Juda ay totoong malaki, at ang lupain ay punô ng dugo, at ang lunsod ay punô ng kasuwailan; sapagkat kanilang sinasabi, ‘Pinabayaan ng Panginoon ang lupa, at hindi nakikita ng Panginoon!’ 10 Tungkol naman sa akin, ang aking mata ay hindi magpapatawad o mahahabag man, kundi aking gagantihin ang kanilang mga gawa sa ibabaw ng kanilang mga ulo.” 11 At ang lalaking nakadamit ng telang lino, at may lalagyan ng panulat sa kanyang balakang ay nagpasabi, “Nagawa ko na ang ayon sa iniutos mo sa akin.” (AB01)

Ang paghatol sa bansa ay malinaw na makikita mula kay Mikas na sumasaklaw sa mga prinsipe, mga saserdote at mga propeta bilang isang triumvirate sa kasamaan. Kaya naman, ang pagbabago ng pagkasaserdote ay sumasaklaw din sa pagkondena sa pamumuno. Ang paglipat ng kapangyarihan sa isang bansang nagpapakita ng mga bunga ng Espiritu ay nagdulot din ng paglipat ng paghahari.  Ang bagay na iyon ay tunay ngang ginawa noon pa bilang paghahanda sa Iglesia ng Bagong Tipan sa ilalim ng Mesiyas, bilang paghihintay sa kanyang utos sa Bagong Tipan.

 

Mikas 3:1-12 At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran. 2 Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto; 3 Kayo ring kumakain ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at parang laman sa loob ng caldera. 4 Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa. 5 Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, ay pinaghahandaan siya nila ng digma: 6 Kaya't magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila. 7 At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios. 8 Nguni't sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, at ng kahatulan, at ng kapangyarihan, upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang, at sa Israel ang kaniyang kasalanan. 9 Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid. 10 Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan. 11 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin. 12 Kaya't ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat. (AB)

Ang huling resulta ng lahat ng ito ay ang Israel ay lubusang aalisin mula sa banal na lupain sa loob ng mahabang panahon. Ang paghahari ay tinanggal, ang pagkasaserdote ay tinanggal, ang Templo ay tinanggal, ang lahat ng ito ay winasak at, literal na, ang mga puno ay hinayaang tumubo sa bundok. Inalis ng Diyos ang lahat mula sa Juda at Israel at sa Jerusalem. Nakita natin ito na nangyari nang wasakin ang Templo noong 70 CE, ang Templo ng Ehipto ay isinara noong sagradong taon 70-71 CE, bago ang Abib 71 CE, sa utos ni Vespasian, at pagkatapos ay sistematikong inalis sila mula sa Jerusalem, inalis mula sa Israel at inilagay sa pagkakalat.

 

Ang administrasyon ay kinondena din, tulad ng nakikita natin, dahil sa mga hukom nito. Kaya ang paghahari ay hinatulan at gayundin ang bansang tumanggi sa paghahari. Maaari nating ideklara ang ating sarili bilang isang republika, ngunit ang ating mga pinuno ay aako ng balabal ng tungkulin at mga responsibilidad ng paghahari at hahatulan ayon sa modelong iyon. Maaari nating ideklara na hindi tayo isang paghahari ngunit hahatulan pa rin tayo ayon sa modelo ng paghahari. Ang pananagutan ay nananatili pa rin sa bansa at sa mga hukom nito. Kaya ang isang republika sa Israel ay hindi makakatakas sa pagtutuwid at mahigpit na pagsaway. Sa halip, kabaligtaran ang nangyari dahil sa kanilang paghihimagsik. Lalo silang inilalagay sa ilalim ng mas mabigat na kahatulan.

 

Zefanias 3:1-20 Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng mapagpighating kamay! 2 Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios. 3 Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan. 4 Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan. 5 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan. 6 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan. 7 Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa. 8 Kaya't hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, ng silakbo ng aking paninibugho. 9 Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa. 10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng aking pinapangalat, ay magdadala ng handog sa akin. 11 Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok. 12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon. 13 Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila. 14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. 15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan. 16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay. 17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit. 18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan. 19 Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. 20 Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon. (AB)

Itatatag ng Panginoon ang mapagpakumbaba sa ilalim ng bagong paghahari at sa ilalim ng makatarungang sistema ng Mesiyas. Ang mga pangakong ito ay ginawa at ang Panginoon ay hindi nagpapabaya. Ang ginagawa Niya ay ipinatutupad ito nang tuloy-tuloy upang dalhin ang lahat sa Jerusalem sa ilalim ng Mesiyas at itaas ang mga hinirang kasama ang Juda sa pagsisisi nito. Ito ay dahil ang panginoon ay ang ating hari, iyon ay, ang Mesiyas ang hari ng Israel.

 

Jeremias 13:18-19 Sabihin mo sa hari at sa inang reyna, “Kayo'y magpakumbaba, kayo'y umupo, sapagkat ang inyong magandang korona ay bumaba na mula sa inyong ulo.” 19 Ang mga bayan ng Negeb ay nasarhan, at walang magbukas sa mga iyon, ang buong Juda ay nadalang-bihag, buong nadalang-bihag. (AB01)

Ang propesiya sa Jeremias ay may aplikasyon sa mga Huling Araw. Ang tekstong ito ay nagpapahiwatig ng pagtanggal ng paghahari sa Israel sa pamamagitan ng prosesong nakita nito sa Juda. Ang mga lungsod sa timog ay isasara mula sa monarkiya sa mga Huling Araw. Makikita ng Efraim na magkakaroon ng mga republika sa kanyang mga katimugang teritoryo. Ang monarkiya ay aalisin upang wala nang mapuntahan kapag ito ay pinasuko ng sistema ng Hayop sa Europa. Makikita ng hari o prinsipe at Inang Reyna ang katapusan ng monarkiya sa Israel dahil sa kanilang kabiguan.

 

Jeremias 20:3-6 Kinabukasan, nang mapalaya na ni Pashur si Jeremias mula sa mga tanikala, sinabi ni Jeremias sa kanya, “Hindi ka tinatawag ng Panginoon sa pangalang Pashur, kundi Magor-missabib. 4 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, gagawin kitang kilabot sa iyong sarili at sa iyong mga kaibigan. Sila'y mabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway habang ikaw ay nakatingin. At ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Kanyang dadalhin sila bilang mga bihag sa Babilonia, at papatayin sila ng tabak. 5 Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat ng kayamanan ng lunsod na ito, lahat ng kinita nito, lahat ng mahahalagang ari-arian nito, at ang lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda sa kamay ng kanilang mga kaaway na mananamsam sa kanila na huhuli at magdadala sa kanila sa Babilonia. 6 At ikaw, Pashur, at ang lahat ng nakatira sa iyong bahay ay pupunta sa pagkabihag. Pupunta ka sa Babilonia at doon ka mamamatay, at doon ka ililibing, ikaw at ang lahat mong mga kaibigan na iyong pinagpahayagan ng kasinungalingan.” (AB01)

Ang mga propeta ay kaugnay ng, at ang sistemang nasa loob ng Israel ay kaugnay ng, paghahari.  Ipinadala ito sa pagkabihag sa mga Babylonian at nanatili roon sa pagkabihag. Ang sistemang panrelihiyon ng Israel ay Babylonian. Iilan lamang sa mga hinirang sa Israel ang nakauunawa. Pagkatapos ay lilinisin ang Israel gaya ng nakita natin sa Jeremias 20:3-6.

 

Isaias 56:9-12 Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y pumarito upang manakmal—kayong lahat na mga hayop sa gubat. 10 Ang kanyang mga bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; nananaginip, nakahiga, maibigin sa pagtulog. 11 Ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailanman ay walang kabusugan. At sila'y mga pastol na walang pang-unawa, silang lahat ay lumihis sa kanilang sariling daan, bawat isa'y sa kanyang pakinabang hanggang sa kahuli-hulihan. 12 “Kayo'y pumarito,” sabi nila, “kumuha tayo ng alak, at punuin natin ang ating sarili ng matapang na inumin; at ang bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakila at walang katulad.” (AB01)

Ang konsepto ay sa pamamagitan ng kasaganaan, pinatatatag nila ang kanilang katayuan.

 

Dito ang bayan ay nagdurusa at nadalang-bihag dahil sa kabiguan ng paghahari bilang bahagi ng tatlong pastol ng Israel. Ang buong prosesong ito ay nag-ugat sa unti-unting paglayo nila sa Diyos at sa mga saserdote at propeta nito, ang mga hari at prinsipe, pagkatapos ay umabot sa kasunod na elemento. Ang bayan ay napapahamak dahil sa kakulangan ng kaalaman dahil sa kawalan ng pamumuno.

 

Isaias 5:11-13 Kahabag-habag sila na bumabangong maaga sa umaga, upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin; na nagpupuyat hanggang sa kalaliman ng gabi, hanggang sa mag-alab ang alak sa kanila! 12 Sila'y may lira at alpa, pandereta at plauta, at alak sa kanilang mga kapistahan; ngunit hindi nila pinahalagahan ang mga gawa ng Panginoon, o minasdan man nila ang gawa ng kanyang mga kamay. 13 Kaya't ang aking bayan ay pupunta sa pagkabihag dahil sa kawalan ng kaalaman; ang kanilang mararangal na tao ay namamatay sa gutom, at ang napakarami nilang tao ay nalulugmok sa uhaw. (AB01)

Ang paghihintay sa Mesiyas sa mga Huling Araw ng mainstream Christianity ay magiging panaghoy dahil hindi nila tinutupad ang mga Kautusan ng Diyos kahit pa Siya ay nasa kanilang mga labi.

 

Hindi sila pakikinggan ng Diyos. Sinasabi ng lahat na darating si Cristo, ngunit sinasabi rin nila na wala na tayong dapat gawin. Ngunit sinasabi ng Bibliya na dapat nating sundin ang mga Kautusan ng Diyos. Pagdating ni Cristo dito sila magsisitaghoy dahil magiging malinaw na sila ay nabigo.

 

Isaias 5:18-24 Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan, at ng kasalanan na tila panali ng kariton: 19 Na nagsasabi, Magmaliksi siya, madaliin niya ang kaniyang gawa upang aming makita: at lumapit at dumating nawa ang payo ng Banal ng Israel upang aming maalaman! 20 Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait! 21 Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, at mabait sa kanilang sariling paningin! 22 Sa aba nila na malakas uminom ng alak, at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin: 23 Na nagsisiaring ganap sa masama dahil sa suhol, at inaalis ang katuwiran sa matuwid! 24 Kaya't kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng trigo, at kung paanong ang tuyong damo ay nasusupok sa alab, gayon magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat, at ang kanilang bulaklak ay iilanglang na gaya ng alabok: sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon ng mga hukbo, at hinamak ang salita ng Banal ng Israel. (AB)

Kaya nga, ang mga Kautusan ng Diyos ay itinakuwil pati na rin ang Patotoo ng Banal ng Israel, na siyang Mesiyas. Walang kaalaman tungkol sa Diyos sa lupain.

 

Oseas 4:1-6 Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka't walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain. 2 Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo. 3 Kaya't ang lupain ay tatangis, at bawa't tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli. 4 Gayon ma'y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka't ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote. 5 At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina. 6 Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak. (AB)

Ang buong prosesong ito ay magkakaugnay sa pagitan ng mga hari at mga prinsipe at mga saserdote at mga propeta.

 

Gagamitin ng Diyos ang sistema ng kalaban para parusahan ang Israel bagama't wawasakin din Niya ang sistemang iyon.

 

2Hari 24:1-4 Nang kanyang kapanahunan, dumating si Nebukadnezar na hari ng Babilonia, at si Jehoiakim ay naging kanyang alipin sa loob ng tatlong taon; pagkatapos ay bumalik siya at naghimagsik laban sa kanya. 2 Ang Panginoon ay nagsugo laban sa kanya ng mga pulutong ng mga Caldeo, mga pulutong ng mga taga-Siria, ng mga Moabita, at ng mga anak ni Ammon, at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin ito, ayon sa salita ng Panginoon na kanyang sinabi sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod na mga propeta. 3 Tunay na ito ay dumating sa Juda ayon sa utos ng Panginoon, upang alisin sila sa kanyang paningin, dahil sa mga kasalanan ni Manases, ayon sa lahat niyang ginawa, 4 at gayundin dahil sa walang salang dugo na kanyang pinadanak, sapagkat kanyang pinuno ang Jerusalem ng walang salang dugo, at ang Panginoon ay ayaw magpatawad. (AB01)

Napakalinaw na ginagamit ng Diyos ang mga sistemang iyon at ginagamit ang lahat ng mga taong nasa paligid na naging mga kalaban ng Israel upang ituwid sila at ibagsak sila dahil sa kanilang mga ginagawa.

 

Pagkatapos ay ipapanumbalik sila gaya ng noong sila ay nasa ilalim ni Nehemias.

Nehemias 11:20  At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, bawa't isa'y sa kaniyang mana. (AB)

 

Ang gusto ng Diyos ay pagsunod hindi alay. Dahil diyan, sila ay pinarusahan upang sila ay maging masunurin. Sila ay parurusahan sa mga Huling Araw upang matuto sila ng pagsunod.

Jeremias 11:6-7 At sinabi ng Panginoon sa akin, “Ipahayag mo ang lahat ng mga salitang ito sa mga lunsod ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem: Pakinggan ninyo ang mga salita ng tipang ito at inyong isagawa. 7 Sapagkat taimtim kong binalaan ang inyong mga ninuno nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Ehipto at patuloy ko silang binabalaan hanggang sa araw na ito, na aking sinasabi, Sundin ninyo ang aking tinig. (AB01)

 

Ang pagpapanumbalik ay magiging lubos sa ilalim ng Mesiyas.

Jeremias 33:13  Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng Shefela at Negeb, sa lupain ng Benjamin, at sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, ang mga kawan ay muling daraan sa ilalim ng mga kamay ng bumibilang sa kanila, sabi ng Panginoon. (AB01)

 

Ang pagsunod na ito ay para din sa Mesiyas na sa kanya'y nauukol ang paghahari.

Genesis 49:10 Ang setro ay hindi mahihiwalay kay Juda, ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kanyang mga paa, hanggang sa ang Shilo ay dumating; at ang pagtalima ng mga bayan sa kanya. (AB01)

 

Ang pagkasaserdote ay hindi tatanggalin, gaya ng paghahari ay mananatili rin. Ang pagkasaserdote ay may ibang uri gaya ng paghahari. Sa huli ang mga Levita ay pupunan ng mga lipi ng Israel na magmamana ng mga Gentil. Ang kanilang mga responsibilidad ay lalo pang lalaki.

 

Jeremias 33:19-22 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi, 20 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung inyong masisira ang aking tipan sa araw, at ang aking tipan sa gabi, na anopa't hindi magkakaroon ng araw at ng gabi sa kanilang kapanahunan; 21 Ang akin ngang tipan ay masisira kay David na aking lingkod, na siya'y hindi magkakaroon ng anak upang maghari sa kaniyang luklukan; at sa mga Levita na mga saserdote na aking mga tagapangasiwa. 22 Kung paanong ang lahat na natatanaw sa langit ay hindi mabibilang, o matatakal man ang buhangin sa dagat; gayon ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod, at ang mga Levita na nagsisipangasiwa sa akin. (AB)

Ang tipang ito kay David ay ginawa rin sa mga Levita. Hindi natin maaaring paghiwalayin ang isa mula sa isa pa. Ang paghahari ni David ay bukas sa mga Gentil gaya ng pagkasaserdote ng Levita. Kaya't ang sambahayan ni David ay naging bukas, at inorganisa sa ilalim ng Mesiyas, sa mga Gentil, at lahat tayo ay tinubos bilang mga hari at mga saserdote. Ang Apocalipsis 4 at 5 ay nagsasalita tungkol sa mga Matatanda at pinag-uusapan nila ang tungkol sa Kordero na tumubos sa mga tao upang maging mga hari at saserdote. Ang dalawang dibisyong ito ay inalis at muling itinatag upang tayo ay maging mga hari at saserdote sa loob ng sistemang iyon sa ilalim ng Mesiyas sa kanyang pagbabalik (tingnan ang Awit 132:6,11; Isa. 11:1,10; at Jer. 23:5-8).

 

Apocalipsis 19:16  At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kanyang damit at sa kanyang hita, “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” (AB01)

Ang lahat ng ito ay mapapasailalim sa Mesiyas. Ang paghahari sa wakas ay aalisin mula sa kasalukuyang kinatatayuan nito sa sambahayan ng Israel upang kunin ito ng Mesiyas.

 

Isaias 9:6-7 Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat; at ang kanyang pangalan ay tatawaging “Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.” 7 Ang paglago ng kanyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magwawakas, sa trono ni David, at sa kanyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng katarungan at ng katuwiran mula sa panahong ito hanggang sa magpakailanman. Isasagawa ito ng sigasig ng Panginoon ng mga hukbo. (AB01)

Siya ang naging ulo ng pagiging ama ng tao o pamilya ng Diyos.

 

Lucas 1:26-38 Nang ikaanim na buwan, sinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang bayan ng Galilea, na tinatawag na Nazaret, 27 sa isang birheng nakatakdang ikasal sa isang lalaki, na ang pangalan ay Jose, mula sa sambahayan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria. 28 Lumapit ang anghel sa kanya, at sinabi, “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang Panginoon ay sumasaiyo.” 29 Subalit siya'y lubhang naguluhan sa sinabing iyon at inisip niya sa kanyang sarili kung anong uri ng pagbati kaya ito. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakatagpo ka ng paglingap sa Diyos. 31 At ngayon, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at magsisilang ka ng isang anak na lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. 33 Siya'y maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman at hindi magwawakas ang kanyang kaharian.” 34 Sinabi ni Maria sa anghel, “Paanong mangyayari ito, samantalang ako'y wala pang nakikilalang lalaki.” 35 At sumagot ang anghel sa kanya, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya't ang batang banal ay tatawaging Anak ng Diyos. 36 Si Elizabeth na iyong kamag-anak ay naglihi rin ng isang anak na lalaki, bagama't siya'y matanda na. Ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog. 37 Sapagkat sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari.” 38 At sinabi ni Maria, “Narito ako na alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita.” Pagkatapos, iniwan siya ng anghel. (AB01)

Malinaw na ang Mesiyas ay itinala, ibinukod, at inilagay sa anyong tao sa isang partikular na panahon. Hindi siya naging hari noong panahong iyon. Kaya't maliwanag na ang propesiyang ito ay sumasaklaw sa mahabang panahon. Kung hindi, si Cristo kung gayon ay hindi ang Mesiyas at ang Bagong Tipan ay magiging isang kuwento lamang na walang saysay. Ito ay tumatalakay sa pagpapanumbalik ng paghahari sa ilalim ng Mesiyas matapos siyang alisin sa pisikal na mga hari at saserdote. Isang bagong pagkasaserdote ang naitatag sa ilalim natin at ang paghahari ay muling naitatag sa ibang bansa maliban sa Juda. Ito ay ipinadala sa Israel at mananatili sa Israel hanggang sa ito ay alisin sa nalalapit na panahon upang ang Mesiyas ang kumuha nito.

 

Ang sinumang magtangkang maghari sa trono ng Israel nang walang banal na pahintulot ay mapapahamak. Ang lahat ng umagaw sa trono ng Samaria nang walang pahintulot ng propeta ay pinaslang (1Hari. 11:26-39; 15:28-30; 16:1-4,11-15; 21:21-29; 2Hari 9:6-10; 10:29-31; 10:29-31; 10:29-31; Walang sinuman ang maaaring umupo sa trono ng Israel nang walang banal na awtoridad. Walang sinuman ang makakaupo sa trono nang walang direktang utos ng Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo. Ang trono ay aalisin sa nalalapit na hinaharap kahit na ito’y pinahintulutan sa loob ng dalawang libong taon o higit pa. Ang trono, ang buong sistema ng monarkiya, ay ibabagsak upang ito ay maitatag muli sa pamamagitan ng Mesiyas sa nalalapit na hinaharap. Iyon ang ikalawang yugto ng pagtanggal. Ang pagtatatag ng isang republika ay hindi magliligtas sa bansa mula sa pag-aalis ng pamumuno nito, gaya ng nakikita natin sa Oseas 10:3-4.

Oseas 10:3-4 Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin? 4 Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang. (AB)

 

Haharapin ng Diyos ang Israel anuman ang uri ng pamumuno nito.

 

 

Bahagi 4 -  Hinatulan ang mga Tupa

 

 

Ang proseso ng pagsusukat sa Templo ay sinuri kaugnay ng pagtanggal sa mga saserdote, mga propeta, at mga prinsipe ng Israel. Ang proseso ay humahantong sa pagsusukat sa mga tupa at sa paglilinis ng nalalabing bahagi ng Bahay ng Diyos. Ang mga tupang iyon na may sakit ay inalis sa Bahay ng Diyos. Walang (espirituwal na) sakit ang pinahihintulutan sa Bahay ng Diyos. Ang mga hinirang bilang bansa ay sinusukat at dinadalisay, na dinadala sa isang estado kung saan maaari silang makalahok sa sanlibong taon na Kaharian ng Diyos.

 

Jeremias 12:10-11 Sinira ng maraming pastol ang aking ubasan, kanilang niyurakan ang aking bahagi, ginawa nilang ilang na wasak ang aking kalugud-lugod na bahagi. 11 Winasak nila ito, ito'y wasak, ito'y tumatangis sa akin. Ang buong lupain ay nawawasak, gayunma'y walang taong nakakapansin nito. (AB01)

Ang bansa ay inilalarawan bilang isang ilang na wasak dahil sa mga kilos ng mga pastol ng Israel. Ang ubasan ng Panginoon ay ang buong sangbahayan ni Israel.

 

Isaias 5:7  Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing. (AB)

Ang Juda ay isang pananim sa ubasan ng Panginoon na itinuturing niyang maligaya, ngunit isa lamang ito sa mga pananim. Kaya't ang mga pastol na ito ay hindi lamang sumira sa maliliit na iglesia o sa mas malalaking iglesia, kundi sinira nila ang buong bansa sa lahat ng mga iglesia nito sa pamamagitan ng kanilang kapabayaan. Dahil inuuna nilang pagwatak-watakin ang mga tupa at nilalapa sila hanggang sa mga paa na wala nang nakakaalam kung ano na ang totoo.

 

Ang mga kilos ng mga pastol ay naglalarawan ng isang pambansang pagkasira ng kaalaman sa Panginoon. Ito ay katumbas ng taggutom sa salita ng Diyos. Ang Diyos ay nasa mga labi ng mga pastol at ng bayan ngunit wala silang isinasapuso at hindi sumusunod sa mga Kautusan.

 

Apocalipsis 12:17 At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus: (AB)

 

Apocalipsis 14:12 Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus. (AB)

 

Apocalipsis 22:14 Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan. (AB)

 

Ang mga Utos ay ang pangunahing panuntunan at ang Patotoo ni Jesus ang pangalawang panuntunan. Ang dalawang iyan ang bumubuo sa dalawang elemento ng mga hinirang. Kinakatawan nila ang dalawang tinapay sa Pentecostes. Ang mga Utos ng Diyos at ang Patotoo ni Jesus ang bumubuo sa Bago at Lumang Tipan. Ang Bibliya ang kabuuang gawa ng Diyos.

 

Nakita natin ang pagkondena sa mga pastol sa Jeremias 23:1-8 at ang pagkondena sa mga propeta mula sa Jeremias 23:8-22. Ang saklaw ng panahon ng mga tekstong ito ay may aplikasyon partikular sa mga huling araw (Jer. 23:20).

 

Daniel 12:1-3 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. 2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. 3 At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. (AB)

Ito ay mahalaga, dahil ang pantas sa mga Huling Araw ang nakauunawa sa nangyayari at magpapabalik sa marami sa katuwiran. Marami tayong tuturuan dahil naiintindihan natin ang mga nangyayari. Hindi pa ito lubos na maliwanag, ngunit kailangan nating magsimula sa pagtatatag ng isang malinaw at maikli subalit maliliwanag na posisyon upang maintindihan ng lahat. Kapag ang lahat ng bagay ay naipaliwanag na at madaling makita, maaari na nating ibahagi ito sa mundo.

 

Nangako ang Diyos ng pagpapanumbalik sa teksto ng Jeremias 23:5-8. Ang pagpapanumbalik ni Daniel sa magbabalik sa katuwiran sa Daniel 12:1-3 ay binabanggit din sa Jeremias 23:5-8. Ang pagpapanumbalik na iyon ay sumasaklaw sa isang mahabang yugto ng panahon. Nangako ang Diyos ng pagpapanumbalik sa parehong teksto kung saan ipanunumbalik Niya ang bansa sa ilalim ng Mesiyas na siyang matuwid na sanga na tinutukoy sa Jeremias 23:5-8.

Jeremias 23:5-8 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain. 6 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran. 7 Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto; 8 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain. (AB)

 

Ang komento tungkol sa matuwid na sanga ay tumutukoy sa mga Huling Araw. Si Cristo ay ibinangon bilang isang matuwid na sanga at siya, sa pagkakatawang-tao, ay isinakripisyo bilang Mesiyas. Isa siyang saserdoteng Mesiyas noon. Sa unang bahagi ng Pagbabayad-sala ang saserdote ay nakasuot ng damit na lino, tinupad niya ang isang tungkulin. Ang kanyang pangalawang tungkulin ay bilang haring Mesiyas na inilalarawan sa Araw ng Pagbabayad-sala sa pamamagitan ng kanyang pagbibihis ng makaharing kasuotan matapos siyang magpalit. Ang pagkakasundo ay ang tunay na posisyong tinutukoy dito, kung saan ang Israel ay ipanunumbalik at ibabalik at itatatag ang pamahalaan.

 

Sinasabi ng talata 4 na ang nalabi sa bayan ng Diyos ay titipunin at hindi na matatakot. Ilalagay sila sa ilalim ng mga pastol na mag-aalaga sa kanila. Maliwanag, na ang mga pastol ng Israel ay tinanggal dahil hindi nila sila pinangalagaan. Ang sistema, kung gayon, ay isang pinalawig na sistema na sumasaklaw sa buong bansa. Ang Iglesia ang unang hinarap. Ang bansa ang kasunod na sinukat. Kaya't ang mga saserdote at ang mga propeta ay tinanggal, pagkatapos ay hinatulan ang mga hinirang sa loob ng Iglesia, at pagkatapos ay hinatulan ang mga hinirang sa labas ng Iglesia sa bansa. Iyan ang yugto ng paghatol sa mga tupa. Ang pagpapanumbalik na ito ay magaganap kasabay ng pagtatatag ng bansang Israel bilang sentro ng bagong milenyal na pamahalaan sa Jerusalem. Gayunpaman, bago iyon mangyari, ang mga tupa ay hahatulan batay sa pakikitungo nila sa isa't isa upang matukoy kung karapat-dapat silang maging Templo ng Diyos.

 

Ang propetang si Jeremias ay pisikal na nabalisa dahil sa mga gawain ng mga saserdote at mga propeta na umabuso sa kanilang awtoridad at naging masama (Jer. 23:9–10). Ang Diyos ay magdadala ng kasamaan sa kanila sa taon ng pagpaparusa sa kanila (Jer. 23:12).

 

Ang paghuhukom sa mga tupa ay magaganap matapos tanggalin ang mga pastol. Ang tatlong kategorya ng mga pinuno ay tatanggalin sa loob ng isang propetikong buwan gaya ng makikita natin sa Zacarias 11:8.

Zacarias 11:8  Sa loob ng isang buwan ay pinatay ko ang tatlong pastol. Sapagkat ang aking kaluluwa ay nagsawa sa kanila at ang kanilang kaluluwa ay nasuklam din sa akin. (AB01)

 

Ito ang mga pastol ng Israel na talagang napopoot sa Diyos. Ang isang pagkasaserdote na hindi sumusunod sa Diyos, binabaluktot ang Kasulatan at gumagawa ng mga desisyong pang-administratibo tungkol sa kung ano ang sinasabi ng salita ng Diyos, ay dapat tanggalin upang ang isang pagpapanumbalik ay maayos na maitatag. Sa gayon, maaaring mabuksan ang isipan ng mga tao sa kung ano talaga ang itinuturo. Ang kabuuan ng pag-iisip ng ating bayan ay lubos na nabago. Nakondisyon na sila na tanggihan ang lahat ng bagay na wala sa loob ng paradigm na itinanim sa kanila mula sa mga huling konseho. Ipinakikita ng Zacarias 12:8 kung ano ang magiging kapalaran ng mga tupa.

Zacarias 12:8  Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila. (AB)

 

Ang teksto sa Zacarias 11:8 ay nagpapakita na ang pamumuno ng Israel ay laban sa Diyos at ang Diyos ay tumindig laban sa kanila. Ang karaniwang rabbinical na pag-unawa (tingnan din Soncino) ay ang panahong ito ay tumutukoy sa isang yugto ng humigit-kumulang tatlumpung taon o hindi bababa sa isang saklaw ng panahon  na ganoon ang haba.

 

Kinailangang tanggalin ang pamunuan upang masuri ang pagbabalik-loob at pag-uugali ng bawat indibidwal na miyembro ng kawan sa pakikitungo nila sa isa't-isa. Ang ganitong pagsusuri ay magiging makatarungan lamang kung tatanggalin ang pangkalahatang pamimilit ng isang awtokratikong sistema at ang mga tupa mismo ay mailalabas sa estruktura ng pagtatangi ng mga tao na ipinataw sa kanila mula sa itaas at malaya nilang maipakita ang tunay nilang pagbabalik-loob o pananaw sa etika, moralidad at pag-ibig sa kapwa. Hindi natin mahuhusgahan nang tama ang isang tao maliban kung makita natin kung ano talaga ang nasa kanilang puso.

 

Kung ang isang pagkasaserdote ay nangangasiwa ng isang sistema at may pagtatangi ng mga tao sa loob ng sistemang iyon, hindi natin tunay na makikita kung ano talaga ang gagawin ng mga taong ito kung sila mismo ang bibigyan ng kapangyarihang maghari sa sarili nilang kalagayan. Kailangan tayong hatulan batay sa kung paano natin pinangangasiwaan ang responsibilidad. Kaya dapat makita tayo sa ganyang tungkulin. Maraming tao ang ayaw ng responsibilidad, dahil magkakaroon sila ng pananagutan. May ilan na ayaw bumoto sa kanilang mga iglesia at organisasyon dahil magkakaroon sila ng pananagutan. Alam nilang pananagutin sila ng Diyos sa kanilang mga ginagawa. Pananagutin ng Diyos ang mga tupa. Sinabi Niya na Kanyang aagawin ang mga tupa sa mga kamay ng mga pastol at ng mga propeta at ng mga prinsipe, at kailangan nilang umasa sa kanilang sarili.

 

Ang mangyayari rin ay, kapag naalis na ang pamunuan, aabot sa puntong sasabihin ng mga tao: “Pamunuan mo kami at kami na ang bahala sa aming pagkain at gagawin namin ang anumang sabihin mo, kung tutulungan mo kami”. Sasabihin ng mga babae (gaya ng sinasabi sa Kasulatan), "hayaan mo lamang na tawagin kami sa iyong pangalan". Magkakaroon ng pitong babae na hahawak sa laylayan ng damit ng isang lalaki sa Israel at sasabihin: "Bigyan mo lang kami ng iyong pangalan para sa aming mga anak, upang maalis ang kahihiyan sa amin, at kami na ang bahala sa aming mga pagkain." Mangyayari iyan sa mga pamilya para maipanumbalik ang pamilya. Ngunit para maipanumbalik ang kaharian ay sasabihin ng mga tao: "Pamunuan mo kami upang kami ay makakain". Aabot ito sa punto kung saan ang mga pinuno, ang mga taong hinilingang mamuno, ay magsasabi: "Hindi ko kayo kayang pakainin. Napakasama ng kalagayan ng bansang ito at wala na akong magagawa". Ang dalawang kalagayang ito (tingnan ang Isa. 4:1), kapwa sa kaharian at sa pamilya, ay ang dalawang teksto na nagpapakita kung hanggang saan umabot ang pagkabulok sa Israel at Juda, at kung saan ito tutungo sa mga Huling Araw, ayon sa Bibliya. Tanging sa sandaling mabasag ang kapangyarihan ng banal na bayan, saka pa lamang makikialam ang Diyos.

 

Kinailangang tanggalin ang pamunuan upang masuri ang pag-uugali at pagbabalik-loob ng bawat indibidwal na miyembro ng kawan sa pakikitungo nila sa isa't-isa sa loob ng Iglesia. Tandaan, ang pagsusukat ay nagsimula sa Templo ng Diyos. Kailangang suriin muna ito bago dalisayin ang bansa. Ang ganitong pagsusuri ay magiging makatarungan lamang kung tatanggalin ang pangkalahatang pamimilit ng isang awtokratikong sistema.

 

Inihalintulad ni Jeremias ang bansang Juda sa isang bakol ng mga igos – ang ilan ay mabuti at ang iba ay bulok.

Jeremias 24:1-9 Ang Panginoon ay nagpakita sa akin, at, narito, dalawang bakol na igos ay nakalagay sa harap ng templo ng Panginoon, pagkatapos na madalang bihag ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia si Jechonias na anak ni Joacim, hari sa Juda, at ang mga prinsipe sa Juda, na kasama ng mga manggagawa at ng mga mangbabakal, mula sa Jerusalem, at mangadala sila sa Babilonia. 2 Ang isang bakol ay may totoong mga mabuting igos, na parang mga igos na mga unang hinog; at ang isang bakol ay may totoong masamang mga igos, na hindi makain, nangapakasama. 3 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Anong iyong nakikita, Jeremias? At aking sinabi, Mga igos; ang mga mabuting igos, totoong mabuti; at ang masasama, totoong masama na hindi makakain, dahil sa nangapakasama. 4 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi, 5 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, sa ikabubuti. 6 Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin. 7 At aking bibigyan sila ng puso upang makilala ako, na ako ang Panginoon: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios; sapagka't sila'y manunumbalik sa akin ng kanilang buong puso. 8 At kung paanong ang masasamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama, tunay na ganito ang sabi ng Panginoon, Sa gayo'y pababayaan ko si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang nalabi sa Jerusalem, na naiwan sa lupaing ito, at ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto. 9 Akin silang pababayaan upang mapahapay na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama; upang maging kakutyaan at kawikaan, kabiruan at sumpa, sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila. (AB)

 

Ang pagkakaiba rito ay nasa pag-uugali sa pagtutuwid na ipinakita ng paghahari at ng bayan. Yaong mga tinanggal ay inalis upang ituwid at mapaunlad ang kanilang relasyon sa Diyos. Pansinin na ang dalawang bakol ng igos ay inilagay sa harap ng Templo ng Diyos. Ang bulok na bunga ay hindi na maaaring ituwid at dapat sirain. Ang lahi ni Jechonias, anak ni Jehoiakim ay dinala na sa pagkabihag. Ang lahi na iyon ay hindi na muling maglalabas ng hari. Si Zedekias ay lubusang pupuksain. Wala nang magiging hari sa Juda sa panahong iyon. Ang paghahari ay inilipat sa ibang lugar sa Israel.

 

Ang paghihiwalay at pagsukat na ito ng Juda mula sa pamunuan nito pababa ay upang mauna ang paglipat ng awtoridad sa Israel at pagkatapos ay ang pagtatatag ng sistema ng iglesia sa ilalim ng Mesiyas sa Juda at ang kasunod na pagtanggal nito na may kasamang awtoridad ng pagkasaserdote sa Israel bilang bansang nagpapakita ng mga bunga ng Kaharian ng Diyos. Kaya't ang Israel ay dumaan sa isang proseso kung saan ang paghahari ay tinanggal at inihiwalay o isinantabi at ang mga bansa ay itinatag. Ang pagkasaserdote naman ay kailangang magpatuloy sa lahi ni Juda hanggang sa pagdating ng Mesiyas.

 

Ang mga lahi ng Mesiyas ay mula kay Nathan at hindi kay Jechonias, kung kaya't siya ay naging karapat-dapat na magmana ng paghahari ng Juda. Pagkatapos ay inalis ang Juda mula sa kanyang mana at pinangalat. Ang pagkasaserdote ay inilipat mula sa Levitikong pagkasaserdote patungo sa pagkasaserdote ni Melquisedec at inilipat sa Israel. Ang paglilipat na ito ay naganap sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang lugar. Dumaan ito sa Pella at pagkatapos ay sa Asia Minor at mula roon ay lumaganap sa timog Europa, patungo sa buong Europa, at pagkatapos ay sa buong mundo.

 

Inatasan ni Moises ang mga Matatanda ng Israel sa kanilang mga responsibilidad at gayundin ay inihula kung anong kasamaan ang sasapit sa kanila sa mga huling araw.

Deuteronomio 31:26-30 Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging pinakasaksi laban sa iyo. 27 Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko? 28 Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila. 29 Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay. 30 At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito, hanggang sa natapos. (AB)

 

Ang pasimula sa Awit ni Moises ay isang propesiya ng kasamaan na sasapit sa Israel sa mga huling araw dahil sa kanilang kasamaan.

Ang bayan ng Diyos ay yaong mga sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos at sa Patotoo ni Jesucristo. Ang Pangkalahatang Karamihan ay yaong mga tumutupad sa dalawang elementong iyon at binibigyan ng Awit ni Moises at ng Awit ng Kordero (Apoc. 15:3). Ang Awit ni Moises ay matatagpuan sa Deuteronomio 32. Ikukubli ng Diyos ang Kanyang mukha sa Israel upang tingnan kung ano ang kanilang magiging wakas, sapagkat sila ay hindi tapat at napakasama (Deut. 32:20). Nasa kanila ang parehong Awit dahil ang dalawang elementong ito, ang mga Utos ng Diyos at ang Patotoo ng Mesiyas, ay kinakailangan para mapabilang sa mga hinirang.

 

Ang bayan ay hahatulan matapos tanggalin ang mga saserdote, mga propeta at mga prinsipe. Ang unang elementong aalisin ay ang mga babaeng mangkukulam ng Israel na nagsasagawa ng mga pangkukulam ng mga Misteryo, kabilang ang panghuhula. Bakit partikular sa mga babae? Sapagkat tila ito'y isang bagay na kinahuhumalingan ng mga kababaihan ng Israel higit sa anupaman. Pansinin ang stargazing sa mga magazine ng kababaihan! Talagang dumarami ang stargazing ngayon. Ang mga tao ay nagiging abala sa kung ano ang mangyayari at hindi tumitingin sa salita ng Diyos para sa hinaharap.

 

Ezekiel 13:17-23 At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila, 18 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili? 19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buháy ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan. 20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin. 21 Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 22 Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay; 23 Kaya't hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. (AB)

Talata 18: Ito ay mga kaugalian sa Israel. Sa halip na sundin ang Deuteronomio 22 at magkaroon ng mga panaling bughaw sa laylayan ng kanilang mga damit upang ipaalala sa kanila ang mga Kautusan ng Diyos, naglagay sila ng maliliit na supot na may mga anting-anting upang hindi sila lapitan ng masasamang espiritu at upang pigilan ang mga tao sa paggawa ng kasamaan. Sa katunayan, sila ay sangkot sa mga relihiyong nagtuturo ng transmigrasyon ng kaluluwa na bahagi ng mga kulto ng Misteryo. Ang pinakamalaking problema ay ang pagkahilig ng mga kababaihan na maniwala sa channelling, transmigrasyon, paglipat ng kaluluwa at iba pang mga sistemang Babilonia na iyon. Iyan ang ginagawa ng mga kababaihan ng Israel noon at iyon ang ginagawa nila ngayon. Ang punto ay ang mga taong ito ay nanghuhuli ng mga kaluluwa.

 

Talata 22: Ang mga taong masasama ay lalong pinalalakas sa kanilang kasamaan, at ang mga taong matuwid ay talagang sinasabihan ng mga taong ito na walang magandang nakalaan para sa kanila. Sila ay nanghuhula ng kapahamakan para mga matuwid at walang patid na pabor at benepisyo para sa kasamaan.

 

Ipinakita ni Ezekiel ang suliranin ng paghuhukom sa pagitan ng tupa at kapwa tupa matapos alisin ang mga pastol.

Ezekiel 34:10-16 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos, Narito, ako'y laban sa mga pastol. Aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin sa pagpapakain sa mga tupa. Hindi na pakakainin ng mga pastol ang kanilang sarili. Aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang mga bibig upang huwag silang maging pagkain nila. 11 “Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa, at aking pagmamalasakitan sila. 12 Kung paanong hinahanap ng pastol ang kanyang kawan kapag ang ilan sa kanyang mga tupa ay nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa araw na maulap at makapal na kadiliman. 13 Aking ilalabas sila sa mga bayan, titipunin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain. Pakakainin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain. 14 Aking pakakainin sila sa mabuting pastulan, at ang matataas na bundok ng kataasan ng Israel ang kanilang magiging pastulan. Doo'y mahihiga sila sa mabuting lupaing pastulan, at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel. 15 Ako mismo ang magiging pastol ng aking mga tupa at sila'y dadalhin ko sa kapahingahan, sabi ng Panginoong Diyos. 16 Aking hahanapin ang nawala at ibabalik ang naligaw, tatalian ang nabalian, at palalakasin ang mahihina, ngunit aking lilipulin ang mataba at malakas. Aking pakakainin sila ng kahatulan. (AB01)

 

Malinaw na haharapin ng Diyos ang mga tupa batay sa kung paano sila makitungo sa isa't isa. Huhukuman at itutuwid Niya ang mga taong iyon sa proseso ng pagpapabalik sa kanila. Itatatag Niya ang kalagayan hanggang umabot sa punto kung saan aalisin Niya ang lahat ng awtoridad. Ang mga tupa ay maiiwan na nagsisikap na makisama sa isa't isa at magtulungan upang manatiling buhay ang isa't isa at sila ay hahatulan batay sa kung gaano sila kahusay sa paggawa niyon.

 

Ang mga tupa ay ipanunumbalik at muling itatatag. Gayunpaman, ang Panginoon ay nagsasalita sa mga tupa sa pamamagitan ni Ezekiel.

Ezekiel 34:17-21 At tungkol sa inyo, Oh aking kawan, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y humahatol sa gitna ng hayop at hayop, sa gitna ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalake. 18 Inaakala baga ninyong munting bagay sa inyo na kumain sa mabuting pastulan, nguni't inyong marapat yapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan? at uminom sa malinaw na tubig, nguni't inyong marapat lampisawin ng inyong mga paa ang nalabi? 19 At tungkol sa aking mga tupa, kanilang kinakain ang inyong niyapakan ng inyong mga paa, at kanilang iniinom ang nilampisaw ng inyong mga paa. 20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa kanila: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa. 21 Sapagka't inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit, hanggang sa inyong napangalat sila; (AB)

 

Ang bayan, ang kawan ng Diyos, ay nangalat sapagkat ang matataba at mga may pribilehiyo ay tinutulak at pinahirapan sila at sinira ang lahat ng para sa kanila. Wala nang natira para sa kanila. Wala nang silbi ang pagkain. Ang tubig ay marumi at sa mga salitang ito ang kanilang  ikinabubuhay ay inalis kapwa sa espirituwal at pisikal, at nadungisan o nawasak. Haharapin ng Diyos ang problemang iyon at haharapin ang mga taong gumagawa nito. Karamihan sa mga problemang naganap sa Iglesia ng Diyos noong ika-dalawampung siglo ay sanhi ng pagtatangi ng mga tao at materyalismo. Ang mga doktrinang nagmula sa materyalismo ay ang sakit ay katumbas ng kasalanan at mga ebanghelyo ng kalusugan/kayamanan. Ang dalawang iyon ay ang pinakamasama at pinakatusong mga panukala na pumasok kailanman sa Iglesia ng Diyos. Ang mga sistemang iyon ay nabuo at pagkatapos ang mga tao ay hinusgahan ang iba batay sa kanilang pagkakasakit, o sa kanilang pagiging mahirap. Sa halip na tulungan at patatagin sila, inilagay nila sila sa mababang antas at ginamit nila ang mga pastol upang itatag ang kanilang sariling katayuan. Ang Diyos ay lubos na laban sa sistemang iyon at Kanyang wawasakin ito at Kanyang hahatulan ang lahat ng nabubuhay sa ilalim ng sistemang iyon.

 

Ezekiel 34:22-31 Kaya't aking ililigtas ang aking kawan, at hindi na sila magiging samsam; at ako'y hahatol sa tupa at tupa. 23 At ako'y maglalagay ng isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor, 24 At akong Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay prinsipe sa kanila; akong Panginoon ang nagsalita. 25 At ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat. 26 At aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan; magkakaroon ng ulan ng pagpapala. 27 At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupa'y magsisibol ng halaman niya, at sila'y matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila. 28 At sila'y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y magsisitahang tiwasay, at walang tatakot sa kanila. 29 At aking pagkakalooban sila ng mga pananim na ikababantog, at sila'y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain, o magtataglay pa man ng kahihiyan sa mga bansa. 30 At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila, at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. 31 At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios. (AB)

 

Sinabi sa unang bahagi ng aralin na ito na ang pagpapanumbalik na ito ay kasama ang Mesiyas. Ang pananim na ikababantog ay ang Mesiyas at papakainin niya sila mula sa purong pagkain. Ang kahihiyan ng mga pagano ay aalisin dahil ang mga huwad na sistema na nagpaparumi sa kanila ay aalisin din. Ang pagtanggal sa mga saserdote ay nag-iiwan ng isa pang elemento na kailangang harapin sa kaayusan ng pagkasaserdote, na tinuligsa ng Diyos mula sa Malakias 2:7‑9. Ang mga saserdote ay mayroon ding isang uri sa loob nito na tinatawag na mga eskriba at mga sekta na nangangasiwa sa salita ng Diyos. Kilala rin sila, kasama ng mga Eskriba, bilang mga Fariseo. Ang mga Eskriba at Fariseo ay tinuligsa ni Cristo bilang isang grupo sa Mateo 23:13-36. Ang buong grupong ito, tulad ng pakikitungo ni Cristo sa kanila, ay nagpapakita na mayroong isang mas malawak na pangkat sa pagkasaserdote, ngunit ang mga Eskriba at mga Fariseo ay dalawang elemento ng pagkasaserdote na nakasentro sa Templo na responsable sa pagpapanatili ng mga tagubilin ng Diyos. Nang alisin ang pagkasaserdote mula sa Templo at ang awtoridad ay inalis, ang awtoridad na ito ng mga Eskriba at ng mga tagapag-ingat ay napunta sa Iglesia. Ang mga Eskriba at Fariseo bilang isang uri ay umusbong sa loob ng pananampalatayang Cristiano at sila'y umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan sa loob ng pananampalatayang Cristiano.

 

Mateo 23:13-15 13 “Kahabag-habag kayo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit sa mga tao; sapagkat kayo mismo ay hindi pumapasok at ang mga pumapasok ay hindi ninyo pinapayagang makapasok. [14 Kahabag-habag kayo, mga eskriba't mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing balo, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya't tatanggap kayo ng lalong mabigat na parusa.] 15 Kahabag-habag kayo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nilalakbay ninyo ang dagat at ang lupa upang magkaroon ng isang mahihikayat, at kung siya'y nahikayat na ay ginagawa ninyo siyang makalawang-ulit pang anak ng impiyerno kaysa inyong mga sarili. (AB01)

Ang mga Judio ay nagpunta sa iba’t ibang lugar upang magkaroon ng mga napagbagong-loob sa Judaismo at nilikha nila ang mga ito: ang mga lipi ng Ashkenazi ang klasikong halimbawa. Ang pinaka-panatiko sa mga grupong ito ay mula sa Silangang Judaismo at karamihan sila ay mga proselita at hindi mga likas na ipinanganak na mga Judio. Sila ay ginawang makalawang-ulit pang anak ng impiyerno kaysa sa orihinal na mga Judio. Sa parehong paraan, ang mainstream Christianity ay nagpabagong-loob ng mga Gentil at ginawa silang makalawang-ulit pang anak ng impiyerno sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pagbuo at pagbaluktot sa Cristianismo.

 

Mateo 23:16-36 Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya. 17 Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto? 18 At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya. 19 Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog? 20 Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito. 21 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito. 22 Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon. 23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. 24 Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo! 25 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. 26 Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas. 27 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. 28 Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan. 29 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, 30 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. 31 Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. 32 Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. 33 Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? 34 Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan: 35 Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. 36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito. (AB)

Nang sabihin niya iyon, sa loob ng apatnapung taon (o isang henerasyon) ito ay talagang dumating sa henerasyong iyon. Ang mga Eskriba at Fariseo ay inalis noong 71 CE kapwa sa Jerusalem at sa Ehipto sa Templo sa Leontopolis. Ang parehong mga Templo ay nawasak o isinara. Naaangkop ang paghatol na iyon sa mainstream Christian church. Inilalahad sa Apocalipsis na dinala ito sa mga iglesia at ipinapakita na noong mailipat ang awtoridad sa Cristianismo ay may lumitaw sa loob nito na isang sistemang mas masahol pa kaysa sa mga Eskriba at Fariseo na lasing sa dugo ng mga banal at martir. Ang sistemang ito ay nagpatuloy sa loob ng dalawang libong taon. Maging sa ngayon ay buhay at humihinga pa ito, at mabilis na nag-oorganisa muli para sa kaligtasan. Ang Cristianismo ay nasa ilalim ng banta dahil sinira ito ng pamunuan sa pamamagitan ng kanilang kawalan ng kakayahan. Ang huling pagtatangka ng huwad na sistemang ito ay ang muling pagsasaayos sa ilalim ng iisang sistema upang mapuksa nila ang mga hinirang.

 

Ang pagkondena na ito ay laban sa mga tagasunod at mga tagapangasiwa ng mga organisadong istruktura na naglalayong pasukuin ang mga tao sa isang sistema, na isang pagbaluktot sa istruktura ng Diyos. Sila mismo ay hindi nakapasok sa kaharian at hinangad na pigilan din ang iba na makapasok sa kaharian. Ito ay matatagpuan ngayon sa mga relihiyon ng mainstream Christianity na sila mismo ay hindi nakapasok sa Kaharian ng Diyos at naghahangad na pigilan din ang iba na makapasok. Ang prosesong ito ay matatagpuan sa Ikalimang Tatak kung saan itinayo ang huwad na sistema ng relihiyon at naglalayong pigilan ang mga hinirang sa pagsunod sa mga Utos ng Diyos at sa Patotoo ng Mesiyas. Sinasabi ng Orthodox Christianity na inalis na ng Bagong Tipan ang Kautusan ng Diyos at pinalitan ito ng isang bagong sistema na hiwalay sa Lumang Tipan at, sa katunayan, pinapalitan ang mga Kautusan ng Diyos.

 

Kung tama ang pahayag na iyon ay wala nang saysay kung ang maliit na grupo ng mga tagasunod na tumutupad sa mga Kautusan at tumutupad sa mga Sabbath, Bagong Buwan, at mga Banal na Araw ay ginagawa man ito. Sa pinakamatindi, maaari silang akusahan ng masigasig na pagsunod sa mga lipas nang kautusan at mga kautusan sa pagkain. Kung tama ang sinasabi ng mainstream Christianity, na hindi na natin kailangang gawin ang ginagawa natin dahil ang mga Utos ay inalis na, hindi na mahalaga kung ano ang ginagawa natin. Samakatuwid, walang lohikal na dahilan upang tutulan ang ating ginagawa. Ang tanging nais lang nating gawin ay sundin ang Sabbath, ang mga Kautusan, ang mga kautusan sa pagkain at sumunod at sumamba sa Diyos. Wala na tayong hinihingi sa sinumang tao. Gayunpaman, hindi iyon ang reaksyon. Ang Iglesia na nagsisikap na sundin ang mga Kautusan ng Diyos at ang Patotoo ng Mesiyas ay inuusig nang walang awa at libu-libo ang pinatay. Sila ay pinagkaitan ng trabaho at kanlungan at lipunan. Ang Orthodox ay may matinding galit sa mga Iglesia ng Diyos na hindi maintindihan kahit pa itinuturing ng mga Orthodox na sila ang nasa tama.

 

Ang pagkondena sa mga Eskriba at Fariseo ay ipinagpatuloy laban sa pangangasiwa ng mga pambansang sistema ng relihiyon sa panahon ng post-Levitical, i.e. pagkatapos na tanggalin ang awtoridad ng mga Levita at ilipat sa pagkasaserdote ni Melquisedec at ang Templo ay winasak.

 

Ang sistemang itinatag ni Cristo ay batay sa katotohanan, hindi sa kapangyarihan ng organisasyon. Matapos tuksuhin si Cristo, isinugo siya sa kapangyarihan ng Espiritu Santo (Luc. 4:14). Ang pagkain ni Cristo ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa kanya at tapusin ang Kanyang gawain (Jn. 4:34). Inilarawan ng propetang si Isaias ang gawain ng Mesiyas sa Isaias 61:1-2, na binasa ng Mesiyas (tingnan ang Luc. 4:18-19).

Isaias 61:1-3 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo; 2 Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis; 3 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin. (AB)

 

Ang Sion ay nararapat na nasa kalagayang pagdadalamhati dito. Ang gawaing ito ay tungkulin ng mga hinirang. Ang sinabi ni Cristo sa tekstong iyon ay ang pamantayan kung saan sila huhusgahan. Nang basahin niya ito sa Sinagoga at ito ay naitala sa Lucas 4:18-19 ang mga elementong iyan ay ang naging atas na ibinigay sa Iglesia.

1.   Ang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo ay tungkulin ng ebanghelyo ng biyaya at kaligtasan sa mga mapagpakumbaba at nagsisisi sa harap ng Diyos. Sa Lucas ang salita ay dukha ibig sabihin pulubi at ang maamo dito ay nauunawaan bilang araw-araw na pagsusumamo sa Diyos para sa Kanyang Espiritu.

2.   Ang magpagaling ng mga bagbag na puso ay ang utos ng pag-ibig sa kapwa gaya ng sa sarili.

3.   Ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay ipinangangaral upang palayain ang mga bihag at nangabibilanggo.

4.  Ang Kalugodlugod na Taon ng Panginoon ay upang aliwin ang mga nagluluksa sa kanilang pagkawala at magbigay ng lakas ng loob sa mga nagdurusa.

5. Ang pagkakaloob ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo ay upang magtanyag ng pagpapanumbalik sa Jerusalem ng pamahalaan ng Diyos at ng Kanyang kaluwalhatian.

 

Iyan ang limang elemento ng atas ng Mesiyas, ang tungkulin at gawain ng Mesiyas. Iyan ang pamantayan kung saan tayo ay huhusgahan. Ang huling elemento ng atas ay ang gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo (Mat. 28:19). Ang pamantayan kung saan huhusgahan ang mga hinirang ay matatagpuan sa Mateo 5:17-48.

Mateo 5:17-20 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. 18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. 19 Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit. 20 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. (AB)

 

Sinasabi sa atin ng mga talata 17 hanggang 20 na ang mga Utos ay hindi inalis. Ang mga Utos na ito ay nariyan pa rin at tumatayo bilang bahagi ng Kautusan. Ang sinumang magsabi na ang mga Utos na ito ay hindi na kailangan at ituro ang gayon sa ibang tao ay kaliitliitan sa Kaharian ng Langit at nangangahulugan ito na tayo ay nasa pinakailalim ng Kaharian ng Langit at kabilang sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Iyan ang magsasabi sa atin kung nasaan ang mga ministro at saserdote na nagtuturo na ang mga Kautusan ng Diyos ay inalis na.

 

Mateo 5:21-32 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan: 22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy. 23 Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo, 24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain. 25 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan. 26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles. 27 Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: 28 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso. 29 At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno. 30 At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno. 31 Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay: 32 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya. (AB)

Ito ay isang malubhang problema sa kanilang pag-unawa. Ang diborsyo ay karahasan at hindi ito dapat pahintulutan sa Bahay ng Diyos. Ngunit may iba’t ibang antas ng karahasan at pinag-uugnay ni Cristo ang mga konsepto, ang mga utos sa pangangalunya at pagpatay. Tinutukoy niya ang karahasang nakatuon sa pamilya at ang karahasang dulot nito sa bansa.

 

Mateo 5:33-35 Bukod sa rito'y inyong narinig na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa: 34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios; 35 Kahit ang lupa, sapagka't siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't siyang bayan ng dakilang Hari. (AB)

 

Ang sinasabi ni Cristo ay hindi ang kalooban natin ang dapat masunod. Kapag tayo ay nanunumpa sinasabi natin: "Gagawin ko ito" subalit hindi natin alam kung kalooban ba ng Diyos na gawin natin iyon o hindi. Sinasabi ni Cristo na dapat nating isuko ang ating kalooban sa kalooban ng Diyos at hanapin muna ang kalooban ng Diyos. Hanapin natin ang patnubay na maibibigay sa atin ng Espiritu at kadalasan ay ayaw ng Espiritu na gawin natin ang isang bagay.

 

Mateo 5:36-42 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim. 37 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama. 38 Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: 39 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila. 40 At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal. 41 At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya. 42 Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang. (AB)

 

Dapat lagi nating iniisip ang mga pangangailangan ng iba at hindi na natin hinihintay na magsabi pa sila. Kung nasa kalagayan tayo na alam natin ang pangangailangan ng isang tao, nararapat na tayo na mismo ang mag-alok bago pa sila humingi.

Mateo 5:43-48 Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: 44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig; 45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap. 46 Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? 48 Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal. (AB)

Kaya, hindi lang ito tungkol sa pagiging mabait sa isa't isa. Kailangan nating maging mabait sa mga taong hindi naman talaga tayo gusto.

 

Kaya’t ang pamantayan ng Kautusan ay mas tinaasan. Hindi ito inalis. Kaya't ang mga hinirang ay hinahatulan sa isang mas mataas na antas kaysa sa bansa. Hindi lamang nananatili ang mga Utos, kundi itinaas pa ang mga ito. Tayo ay hinahatulan sa antas na ito, hindi sa mas mababang antas ng pisikal. Hinahatulan tayo ayon sa espiritu ng Kautusan, na higit na mas mataas na antas. Ang mga Eskriba at Fariseo at, sa pamamagitan ng pagpapalawig, ang mga pambansang awtoridad ng Israel sa paglipas ng panahon ay hinahatulan ayon sa pinakamababang pamantayan sapagkat inalis na sila sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli at, kaya kung ang mga hinirang ay hindi hihigit sa pamantayang itinakda nila, sila ay mabibigo rin (tingnan din sa Mat. 15:1–14). Ang Iglesia ay nararapat na mamuhay gaya ni Cristo sa lahat ng bagay.

 

Ang paghatol sa mga hinirang ay nagaganap mula sa iba't ibang antas ng mga tao sa mga iglesia at sa bansa sa pangkalahatan. Ang pagtingin ng mga tao sa isa’t isa ang nagtatakda kung paano sila pakikitunguhan ng Diyos sa pamamagitan ng Mesiyas.

 

Kapag nasukat na ang bansa, ibinibigay ito sa ibang mga bansa upang dalisayin sa apoy upang ang mga bansa naman ay masukat din ayon sa pamantayan ng paraan ng kanilang pakikitungo sa Israel.

 

Mateo 25:31-46 “Kapag dumating na ang Anak ng Tao na nasa kanyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, siya'y uupo sa trono ng kanyang kaluwalhatian. 32 At titipunin sa harapan niya ang lahat ng mga bansa at kanyang pagbubukud-bukurin ang mga tao na gaya ng pagbubukud-bukod ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing, 33 at ilalagay niya ang mga tupa sa kanyang kanan, subalit ang mga kambing ay sa kaliwa. 34 Pagkatapos ay sasabihin ng Hari sa mga nasa kanyang kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkatatag ng sanlibutan. 35 Sapagkat ako'y nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain. Ako'y nauhaw, at binigyan ninyo ako ng inumin. Ako'y taga-ibang bayan, at ako'y inyong pinatuloy. 36 Ako'y naging hubad at inyong dinamitan. Ako'y nagkasakit at ako'y inyong dinalaw. Ako'y nabilanggo at ako'y inyong pinuntahan.’ 37 Pagkatapos ay sasagutin siya ng mga matuwid, na nagsasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang gutom, at pinakain ka namin, o uhaw, at binigyan ka ng inumin? 38 Kailan ka namin nakitang isang taga-ibang bayan at pinatuloy ka, o hubad, at dinamitan ka? 39 At kailan ka namin nakitang maysakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin?’ 40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa akin ninyo ginawa.’ 41 Pagkatapos ay sasabihin niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda sa diyablo at sa kanyang mga anghel. 42 Sapagkat ako'y nagutom, at hindi ninyo ako binigyan ng pagkain. Ako'y nauhaw, at hindi ninyo binigyan ng inumin. 43 Ako'y taga-ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy. Hubad, at hindi ninyo ako dinamitan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ninyo dinalaw.’ 44 Pagkatapos ay sasagot din sila, na nagsasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang gutom, o uhaw, o isang taga-ibang bayan, o hubad, o maysakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran?’ 45 At sila'y sasagutin niya, na nagsasabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang hindi ninyo ito ginawa sa isa sa pinakamaliliit na ito, ay hindi ninyo ito ginawa sa akin.’ 46 At ang mga ito'y mapupunta sa walang hanggang kaparusahan, ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan.” (AB01)

 

Ang Holocaust ang unang pagsukat sa mga bansa gamit ang Juda bilang panukat. Sinukat ng Diyos ang planetang ito sa pamamagitan ng World War Holocaust. Ang susunod na yugto ay sa pag-aani ng Israel gamit ito bilang panukat. Mayroong dalawang pambansang pag-aani at ang mga ito'y tumatagal ng tatlong taon. Dalawang araw ang mga ito at sa ikatlong araw ay ibabangon ng Panginoon ang ating kaligtasan (Hos. 6:2,11). Ang pag-aani ng Juda ay tatlong taon, at ang pag-aani ng Israel ay tatlong taon. Ang prosesong iyon ay susundan ng paghatol sa mga bansa, ngunit ang Templo ang unang susukatin bago mangyari ang alinman sa mga iyon. Magtatapos ang proseso sa pagsukat sa mga hinirang sa loob ng Templo at pagkatapos ang panlabas na patyo ay ibibigay sa mga Gentil sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. Ang Israel at ang panlabas na patyo ay haharapin sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. Sa katapusan ng panahong iyon, ang bansang Israel ay ipanunumbalik at ang mga bansa ay hahatulan ayon sa kanilang pakikitungo sa Israel sa pagtatapos ng apatnapu't dalawang buwang iyon. Iyan, kung gayon, ang magiging pagpapanumbalik ng Mesiyas.