Christian
Churches of God
No. 141D_3
Pagsalakay
sa Vatican
(Edition 1.0 20240831-20240831)
Tinatalakay ng teksto ang katapusan ng sistemang Trinitarian
at ang darating na Pagsalakay sa Vatican.
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN ACT 2606,
AUSTRALIA
Email: secretary@ccg.org
(Copyright © 2024 Wade Cox)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Pagsalakay sa Vatican
Panimula
Tinalakay natin ang paglalang sa Adamic mankind ca. 4004 BCE
at ang pagpapatalsik sa kanila mula sa Eden noong si Adan ay sapat na ang edad
para hatulan sa kanilang kasalanan (tingnan ang Nos. 246 at 248).
Itinatag ng Diyos ang Lupa sa pasimula at ang lahat ng
Elohim bilang mga anak ng Diyos ay ipinatawag sa ilalim ng kanilang mga Tala sa
Umaga upang humarap (Job. 38:4-7) at lahat ng mga anak ng Diyos ay may access
sa Trono ng Diyos kabilang si Satanas (Job 1:6; 2:1). Ang Lupa ay naging Tohu at Bohu o walang anyo at walang laman (Gen. 1:1-2) ca. 12000 BCE at
ipinadala ng Diyos ang mga elohim sa ilalim ni Cristo sa lupa upang ayusin ito
at likhain sina Adan at Eva. Itinatag ng elohim ang bagong sistema at ginamit
ang pagsasaayos na ito upang itatag ang doktrina ng paglalang ayon sa
pitong-araw na sistema ng Genesis kabanata 1 pasulong. Sa gayon ay naitatag ang sistema ng sanlinggo
at ang Sabbath sa Ikapitong Araw na kumakatawan sa milenyong sistema ni
Cristo. Pagkatapos ay binago ito ni
Satanas at binaligtad ang ayos na itinakda ang Unang Araw ng sanlinggo bilang
Day of the Sun at Sabbath. Ginawa ni Satanas ang kanyang sarili bilang Diyos ng
sistema ng Linggo at ginamit ang sistemang ito ng Linggo, Pasko, at Easter
upang pasukin ang sistema ng relihiyon at kalaunan ang Cristianismo gamit ang
isang ganap na huwad na sistema ng relihiyon.
Nagsinungaling si Satanas kay Eva at sinabing “tiyak na hindi kayo
mamamatay” at itinatag ang doktrina ng Kaluluwa na Walang Kamatayan (tingnan
ang Ang Kaluluwa [092]), salungat sa babala ng Diyos sa
simula.
Nang isara ang Eden, si Satanas ay
inilagay upang mamahala sa sangnilikha sa lupa, at sa sangkatauhan, sa isang
takdang panahon. Tanging ang mga Patriyarka at Propeta at pagkatapos ang
Pagkasaserdote ng mga hinirang sa Sistema ng Templo ang hindi kasama rito. Iyon
ay isinasagisag ng sanlinggong binubuo ng pitong araw. Si Satanas ay mamumuno
sa lupa bilang Elohim sa loob ng anim na libong taon, na sinasagisag ng anim na
araw ng paggawa at ang Cristo ay hahalili sa kanya sa huling isang libong taon
na kinakatawan ng Ikapitong Araw bilang Sabbath ng Kapahingahan sa ilalim ng
Mesiyas. Ang huling yugtong iyon ay susundan ng Pangwakas na Ikalawang
Pagkabuhay na Mag-uli ng lahat ng Adamic mankind. Sila ay muling sasanayin at
itutuwid mula sa mga huwad na sistema na itinuro sa kanila sa ilalim ng maling
pamumuno at panlilinlang ni Satanas sa loob ng anim na libong taon kung saan
siya ang may kontrol bilang Tala sa Umaga ng sistema ng Lupa mula pa nang
likhain si Adan. Siya ay matagal nang may kontrol sa lupa sa mga nakaraang
Aeons din, ngunit sa pagkakataong na ito ay sa mga Adamic Creation, at dito
siya isinailalim sa Paghuhukom. Siya noon ay Diyos ng sanlibutang ito, at
kanyang iniligaw at dinaya ang sangkatauhan upang patunayan na hindi sila
karapat-dapat na maging Elohim (2Cor. 4:4). Iniutos ng Diyos ang paglalang ng
sangkatauhan upang sila ay maging elohim at ang Nangahulog na Hukbo ay tumutol
(tingnan The Elect as Elohim (No.
001)). Ito ay itinakda sa tinatawag na Plano ng Kaligtasan [001A].
Itinakda ng Diyos na ang sangkatauhan ay dapat pagkalooban ng Kanyang
mga Kautusan at Plano at isang Tipan na, kung kanilang susundin ang mga
Kautusan ng Diyos at ang Patotoo na ipahahayag Niya sa pamamagitan ng mga
patriyarka at mga propeta, sila ay magiging elohim at itinali Niya ito sa
pamamagitan ng Tipan sa sangkatauhan (No. 152).
Pagkatapos ay tinukoy niya at ibinukod ang isang bahagi ng mga Inapo ni
Abraham bilang mga bansa na Kanyang gagamitin upang itatag at pamahalaan ang
pagkasaserdote. Ito ang magiging bansang Israel (tingnan [001B] at [001C]). Tutol si Satanas na maging elohim ang sangkatauhan kaya
nagtatag siya ng huwad na sistema batay sa mga Kulto ng Araw at Misteryo gamit
ang Solar system bilang counterfeit at ginagamit din ang Solstices at ang
Equinox na naging batayan ng Sun Worship at ng Easter system ng Kulto ng Inang Diyosa. Ang mga araw na
ito ng pagsamba ay tinawag na Pasko at Easter, pero matagal na itong umiral
bago pa dumating si Cristo at lubos na mga paganong araw ng pagsamba na gumamit
ng mga Mesyanikong hula mula sa mga tekstong Hebreo. Ang mga pistang ito ay
itinatag mula sa Gitnang Silangan sa mga sistemang Sumerian, Assyrian at
Babylonian at ginamit din sa Ehipto sa Kulto ni Osiris. Ang pagsamba na ito ay nakilala rin bilang Mysticism
(Nos. B7_A, B7_B, B7i; B7_1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10).
Pagkakasunod-sunod
ng Paglalang
Itinakda ng Diyos ang paglalang sa isang pagkakasunod-sunod
ng Pitong yugto.
Ang Unang Yugto ay isang pagsubok kay Satanas at kung
hanggang saan ang kaya niyang gawin upang wasakin ang potensyal ng paglalang.
Pinatunayan ni Satanas na handa siyang gawin ang lahat upang wasakin ang
potensyal ng sangkatauhan. Siya at ang Hukbo na nasa ilalim niya ay
nakipagtalik sa mga tao at ginamit din ang mga Nephilim hybrids para
makipagtalik sa kanila (tingnan ang No. 154). Napakalawak nito kung kaya't
kinailangan ng Diyos na puksain ang na-corrupt na DNA ng mga taong ito sa
pamamagitan ng pagpili ng isang pamilyang dalisay sa kanilang kapanahunan sa
ilalim ni Noe (o Nubi Nu) upang muling magparami sa mundo. Sila ay muling
itinatag sa Gitnang Silangan mula sa Daong at pagkatapos ay muling nagparami at
muling pinangalat pagkatapos ng kabiguan sa Tore ng Babel kung saan itinatag
muli ni Satanas ang mga Kulto ng Araw at Misteryo. Kumalat ito sa Silangan at
Hilaga ng mga Sumerian at sa buong mundo at nagresulta sa pagka-corrupt ng
sangkatauhan. Ginamit ni Satanas ang sistemang iyon para patuloy na gawing
tiwali ang sangkatauhan hanggang sa mismong araw na ito. Ito ay sumaklaw sa
unang dalawang araw, o dalawang libong taon ng sistema (tingnan 282A).
Ang Ikalawang Yugto ay ang panahon mula kay Abraham nang
ginamit siya ng Diyos upang itatag ang Kautusan sa mga teksto at ginamit siya
upang itatag ang pagkasaserdote sa loob ng dalawang libong taon hanggang sa
pagdating ng Mesiyas. Ito ang panahon kung saan ang Kautusan at ang Patotoo ay
itinatag sa isang pandaigdigang batayan mula sa Lupang Pangako at kung saan ang
pamana sa Mesiyas ay ang Israel, na ibinigay sa kanya ng Diyos bilang isa sa
mga elohim (Deut. 32:8-9) (tingnan din 282B).
Ang Ikatlong Yugto ay ang pagtatatag ng Iglesia sa ilalim ng
Mesiyas sa ikatlong bahagi ng dalawang libong taon. Ang tatlong ito ay
sinasagisag ng panahon ng 40 taon na Paghahari
ng mga Hari at gayundin ang tatlong yugto ng 120 taon ng buhay ni Moises
(tingnan ang No. 282A; 282B, 282C). Sa ikatlong Yugto na ito inilipat
ang Holy Spirit (No. 117) mula sa paghirang ng Diyos sa mga
propeta tungo sa malayang pagkakaroon ng
Banal na Espiritu sa iglesia sa ilalim ng Mesiyas sa pamamagitan ng Pagsisisi at Bautismo [052] at ng “Pagpapatong ng mga Kamay”.
Sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay maaaring maging Templo ng Diyos (No. 282D). Pagkatapos ang Una at Ikalawang Yugto ng Paglalang ay
pinalawak hanggang sa Ikatlong Yugto nang sa gayon ay masala ng sistemang ito
ang sangkatauhan at ang mga karapat-dapat lamang sa Iglesia ng Diyos sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga Kautusan ng Diyos, tulad ng ginawa ng mga
Patriyarka at mga Propeta, ang karapat-dapat na maging Elohim sa pagtatapos ng
Ikatlong Yugto sa pagdating ng Mesiyas sa pagtatapos ng Ika-anim na Libong
taon, sa katapusan ng taong 2027. Ang pagkakasunod-sunod na ito ay ipinaliwanag
sa tekstong Outline Timetable of the
Age (No. 272). Itinatag ni Satanas ang Antinomianismo bilang batayan ng
Kanyang sistema ng relihiyon sa kanyang pamamahala at itinuro na ang Kautusan
ng Diyos ay "inalis na".
Walang sinumang nalinlang ng huwad na sistema ng relihiyon ni Satanas
ang pahihintulutan sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli sa halip lahat ng nagtuturo
nito ay mapupunta sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli [143B] para sa muling pagsasanay. Gayunpaman, wala sa mga DNA
corrupted humanoids ang pahihintulutan sa anumang pagkabuhay na mag-uli
(tingnan [143]). Sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli [143A] ay pinahihintulutan ang mga patriyarka at mga propeta at
ang mga matagumpay mula sa Limang Iglesia ng Apocalipsis kabanata 2 at 3, at
ang kakaunting pinahintulutan ng Diyos mula sa mga sistema ng Sardis at
Laodicea na nagtagumpay sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan at sa Patotoo.
Ito ang mga nagsisi bago pa dumating ang Mesiyas, kaya nagkaroon sila ng sapat
na panahon para maging karapat-dapat. Sa taong 2028 magsisimula ang Ginintuang
Jubileo at ang Milenyo [300]. Dito na pahihintulutan ang dual na Ikaapat at Ikalimang
sistema ng mga Tao at mga Espirituwal na nilalang mula sa mga Hinirang na
Binuhay na Mag-uli na maging Elohim sa pagsasalin. Sila ay mag-oorganisa at
makikipagtulungan sa mga tao sa milenyo sa ilalim ni Cristo sa loob ng isang
libong taon mula 2028-3027 at sa ika-140 Jubileo. Gagampanan nila ang
tungkuling dapat ay ginampanan ng mga demonyo at sa panahong iyon ang mga
demonyo ay hahatulan, sa pamamagitan ng halimbawa, para sa pagtutuwid sa kanila
sa ilalim ng Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli, matapos silang patayin sa
katapusan ng sistemang milenyo.
Ang Ikaanim na Yugto ay ang Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli
at ang Paghuhukom sa Dakilang Puting Trono [143B]. Ang Nangahulog na Hukbo ay muling bubuhayin sa isang
anyong tao at pagkatapos ay mabubuhay sila sa loob ng 100 taon at bibigyan ng
pagkakataon na muling maging karapat-dapat at maging elohim muli, kung sila ay
mahatulan na karapat-dapat sa Hinirang ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli [143A] (1Cor. 6:3). Ang aspetong ito ay ipinaliwanag sa Paghatol sa mga Demonyo [080]. Ang panghuli at Ikapitong Yugto ay
ang pagdating ng Lungsod ng Diyos [180] at ang paglipat ng Trono ng Diyos
sa lupa para sa Pamumuno sa Sansinukob mula sa Bagong Eden na nakasentro sa
Jerusalem. Iyan ay tatagal sa natitirang bahagi ng mga aeon at ang lupa ay
mababago. Ang mga Doktrina ni Satanas ng Langit at Impyerno, Kaluluwa na Walang
Kamatayan at Linggo bilang Sabbath ay umaatake sa mismong Plano ng Diyos at sa
kinabukasan ng sangkatauhan. Ang mga ito ay hindi mga Cristianong Doktrina at
ang lahat ng nagtuturo nito ay itatalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli
para sa muling pagsasanay.
Ang
Pag-atake at Pag-corrupt ni Satanas sa Iglesia
Nakita natin si Cristo at ang mga Apostol na itinatag ang
iglesia mula sa ika-80 Jubileo na idineklara ni Cristo noong 27 CE sa Banal na
Lupain. Ang ganap na gumaganang Iglesia ng Diyos ay itinatag mula roon sa
panahon mula 27 CE at sa dalawang taon ng ministeryo ni Cristo pagkatapos ng
kamatayan ni Juan Bautista pagkatapos ng Paskuwa ng 28 CE hanggang sa pagpako
kay Cristo noong 30 CE. Siya ay ipinako noong ika-14 ng Abib 30 CE araw ng
Miyerkules ika-5 ng Abril na siyang tamang araw ng Paskuwa noong 30 CE at ang
tanging araw na maaari itong mangyari sa loob ng sanglinggo sa mga taon kung
kailan iyon dapat maganap. Hindi posibleng mangyari na ang pagpapako ay
Biyernes at ang Pagkabuhay na Mag-uli ay magaganap ng Linggo. Iyan ang doktrina
ng Kulto ng Inang Diyosa ng diyosa na si Cybele, at ang pagkamatay ng diyos na
si Attis, na nagmula sa Gitnang Silangan na kumalat sa Roma. Ang
pagkakasunod-sunod sa kamatayan ni Cristo at sa kanyang pagkabuhay na mag-uli
ay maayos na ipinaliwanag sa araling (No. 159).
Ang Apatnapung Araw kasunod ng Pagkabuhay na Mag-uli ay
tinatalakay sa (No. 159B). Ang mga gawain pagkatapos ay itinakda para sa pagtanggap
ng Banal na Espiritu sa Pentecostes, ang Kapistahan ng mga Sanglinggo, noong
Sabbath at Linggo ng 30 CE.
Mula sa Paghirang ng
70 (Lk. 10:1,17) ang Pitumpu ay isinugo at ang mga demonyo ay nagpapasakop
sa kanila at sila ay isinugo sa mga bansa (No. 122D). Mula roon, itinatag ang iglesia
sa buong mundo (tingnan din ang Nos 122, 170, 266, 288).
Itinatag ni Satanas ang huwad na sistema para salakayin ang
Iglesia gamit ang mga huwad na doktrina ng mga Kulto ng Araw at Misteryo sa
lahat ng dako (tingnan ang Heresy in the Apostolic
Church (No. 089), (tingnan [F061]; [F065]).
Ang Iglesia ng Diyos ay pinasok at na-corrupt mula sa Roma.
Ang Linggo ay ipinakilala noong 111 CE bilang isang araw ng pagsamba bilang
karagdagan sa Sabbath, sa Roma lamang, sa simula, upang makalikom ng pera upang
tulungan ang mga kapatid nang hindi nalalapastangan ang Sabbath, at mula roon
ay na-corrupt ito at lubos na tinanggap ng pagpasok ng Kulto ng Araw mula sa
Roma. Ang sistema ng Pagan Easter ay ipinakilala ng tiwaling obispo na si
Anicetus ca 154 at ito ay ginawang sapilitan ni Victor nang siya ay naging
obispo ca 192. Sila ngayon ay mga tiwaling opisyal ng mga Kulto ng Araw at
Misteryo sa Roma. Ang hakbang na ito ang nagtulak sa pagkakabaha-bahagi ng
iglesia mula noong 192 CE (tingnan The Quartodeciman
Disputes (No. 277)).
Mula sa pagtatapos ng Ikalawang Siglo, ang Triune God ay
pinasok ng mga Kulto ng Araw at Misteryo (tingnan ang Binitarian at Trinitarian
Misrepresentation of the Early Theology of the Godhead (No. 127B)).
Noong 318 CE, si Sylvester ay inutusan ni Constantine na
kapanayamin ang mga Desposyni upang maisama ang Pamilya ni Cristo (ang mga
Desposyni) sa kanilang sistema upang mapakinabangan sila. Napagtanto niya na
sinusunod nila ang Kautusan at ang Patotoo at sila ay isang banta sa mga
doktrinang ginaya mula sa pagsamba kay Attis sa Roma. Pagsapit ng Ikaapat na
Siglo ang mga pari ni Attis ay nagrereklamo na ang mga Cristiano doon ay
ninakaw ang lahat ng kanilang mga doktrina, at totoo nga ito. Iniutos ng Obispo
na lipulin ang pamilya ni Cristo na siyang mga lehitimong pinuno ng Iglesia at
nagawa nga nilang patayin sila sa Gitnang Silangan ngunit hindi nila ito nagawa
sa Britanya (tingnan ang No. 266). Ang kuwento ay tinalakay sa
tekstong The Virgin Mariam and the
Family of Christ (No. 232).
Noong 381, ang Triune God at ang sistema ng Easter ay
ipinilit sa mga Romano sa pamamagitan ng dahas mula sa Konseho ng
Constantinople matapos mabigo ang Nicaea noong 325 at ang pagpapanumbalik ng
Istruktura ng Unitarismo ng mga Sinaunang Iglesia ng Diyos. Sa Konseho ng
Chalcedon ito ay tuluyan nang ipinatupad at kaya nauwi sa Unitarian/Trinitarian Wars (No. 268). Mula noon ang mga Iglesiang
Trinitarian ay na-corrupt sa lahat ng dako at ang mga Inquisition ay ipinatupad
para ipilit ang pagsunod sa mga doktrina ng mga Kulto ng Araw at Misteryo sa
bawat rehiyon na nasa ilalim ng kanilang kontrol. Milyun-milyon ang pinatay sa
loob ng maraming siglo hanggang sa Ikadalawampung Siglo at sa Holocaust mula
1941-1945. Mula sa Chalcedon noong 451 CE, ang Trinitarianismo ay wala nang
pagkakatugma sa tunay na Cristianismo at tumigil sa pagiging Cristiano sa
anumang paraan, kundi sa pangalan na lamang. Ang lahat ng mga Trinitarian mula
noon ay walang nang access sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli at itinalaga sa
Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli para sa muling pagsasanay. Kapag napagtanto ng
mga tao kung ano ang ginawa sa kanila, babaling sila laban sa sistemang
Trinitarian at papatayin ang lahat ng nauugnay dito mula sa mga Cardinal at
Obispo pababa. Iyan ang Plano ni Satanas mula pa sa simula, tulad ng
ipapaliwanag natin ngayon. Binuo ang plano upang ang sistema ay mawalan ng
proteksyon ng Tatak ng Diyos at ng Kanyang proteksyon bilang isa sa mga
hinirang (No. 194B). Nasa yugto na ngayon na ang bawat
nagsasabi na siya ay isang Cristiano ay naniniwala na kapag sila ay namatay ay
pupunta sila sa langit, na siyang eksaktong paraan noon, sa Ikalawang Siglo CE,
para matukoy ang isang Di-Cristiano at karaniwan ay isang paganong Antinomian
Gnostic Baal Worshiper (tingnan ang Justin Martyr, Dialogue with Trypho, LXXX). Sila rin ay nagturo at naniwala na ang
Kautusan ng Diyos ay inalis na sa pamamagitan ni Cristo.
Ang
Katapusan ni Satanas at ang Pagtatatag ng Milenyo sa ilalim ni Cristo
Ang paglipat ng kapangyarihan kay Cristo na siyang Mesiyas
ay nangangailangan ng lubusang pag-aalis ng lahat ng huwad na sistema ni
Satanas at bawat huwad na relihiyon at iglesia sa planeta. Ang Diyos ay walang
obligasyon sa pilosopikal o moral at etikal na protektahan ang sinumang hindi
tumutupad sa Kautusan at sa Patotoo na sumasamba sa Diyos, at sumusunod sa
Kalendaryo ng Templo na dumadaloy mula sa Kautusan. Kabilang diyan ang alinman
sa mga Lipi ng Israel na hindi tumutupad sa Kalendaryo ng Templo (No. 156) at sumusunod sa Hillel. Tiyak na nangangahulugan ito na
walang sinumang tao na nanunumpa ng katapatan kay Satanas ang protektado tulad
ng makikita natin sa ibaba. Ito ay partikular na tumutukoy sa sistemang
Trinitarian at lalo na sa sistemang Romano Katoliko at sa mga patutot nitong
anak na babae na tinukoy sa Apocalipsis ([F066iv], [v]) at pati na rin ang mga Lodges of Freemasonry tulad ng
makikita natin sa ibaba.
Ang lahat ng sistema ng Babilonia ay buburahin sa balat ng
lupa tulad ng makikita natin mula sa pagtatatag ng Imperyo ng Hayop (No. 299A) at ang Hayop mismo ang babaling sa Patutot at sa kanyang
patutot na mga anak na babae at buburahin sila sa balat ng lupa (No. 299B).
Tatalakayin ng akdang ito kung paano makakamit ni Satanas
ang layuning iyon, at ang katibayan na iniwan niya sa sanlibutan sa pamamagitan
ng propesiya. Ang katapusan ng sistema ng Babilonia ay ipinaliwanag sa
propesiya ng Diyos sa pamamagitan nina Ezekiel at Daniel sa mga tekstong No. 036 at 036_2 at [F027ii], at F027x,
xi,
xii, xiii). Ang huling
Pagbagsak ng Babilonia ay tinalakay sa No. 141D_3B.
Katapusan ng
Panahon
Ang katapusan ng sistema ng Simbahang Romano Katoliko at ang
huling katapusan ng Vatican bilang sentro at pinagmumulan ng kapangyarihan ng
sistemang Trinitarian ng sanlibutan ay malapit nang maganap. Kasama dito ang
huling Pagsalakay sa Vatican. Ang akda ay tumatalakay sa mga planong inilabas
ni Satanas para sa pagwasak ng sistemang panrelihiyon sa Europa sa ilalim ng
mga demonyo na nagpakita sa karamihan ng tao sa Fatima at naglabas ng apat na
propesiya sa pamamagitan ng mga pangitain sa Fatima at ipinarating sa Simbahang
Romano Katoliko sa pamamagitan ng mga pari at obispo doon sa Portugal. Ang
lahat ng apat na propesiya ay ipinarating sa Roma at para magmukhang
kapani-paniwala ang lahat, ang mga ito ay tinawag na Fatima Nos 1, 2, 3A at 3B.
Ang Propesiya ng Fatima 3B ay hindi isinapubliko at tatlong propesiya lamang
ang idineklara at ang 3A ang ipinakita bilang panghuling propesiya pero hindi
ito ang huli, at ang Propesiya No. 3B, sa katunayan, ang huling propesiya at
kamangha-mangha.
Ang Fatima 3B ay nakatago sa papal desk na tinatawag na
“Barbarigo” sa Vatican. Inihula nito ang labanan na may kaugnayan sa dedikasyon
ng mga Ruso sa mga huling digmaan at ang kanilang pagpapasuko sa Europa sa
WWIII. Inilalarawan dito ang huling labanan at ang pagsalakay sa Europa ng mga
pwersang militar ng Russia at Gitnang Silangan at ang pagpaslang sa mga pari ng
Vatican at ang execution sa Huling Pope sa isa sa mga Burol ng Roma. Ang pope
ay kinuha mula sa Vatican sa ibabaw ng mga bangkay ng kanyang mga pari at
pinatay ng mga sundalo ng mga hukbo, nang lantaran, sa harap ng madla
roon. Ito ay susuriin sa ibaba.
Ang mga propesiya ay ipinaliwanag sa teksto ng araling The Last Pope (No. 288). Sa aralin na iyon ay ipinaliwanag
natin ang pagkakasunod-sunod mula sa mga seremonya ng Vatican para sa pagluklok
kay Satanas bilang Diyos sa mga kapilya nina San Pedro at San Pablo sa Vatican
na may kasabay na seremonya sa North Carolina sa 33rd parallel upang
magbigay-daan ang cacophony at panggagahasa at pag-aalay ng mga bata doon. Ang
buong seremonya ay inilarawan bilang naganap sa tinatawag na “Availing Time”
nang ang Pope ay kunin ang pangalang Paul (Paul VI) na siyang naging hudyat ng
"availing time." Inihayag ng historyador na Heswita na si Malachi
Martin ang mga detalye sa akdang “Windswept House” at naglalaman din iyon ng
mga detalye ng seremonya sa Carolinas.
Ibinunyag din ni Martin ang mga detalye ng huling
Inquisition sa Papal States mula 1823-1846 bago ang referendum noong 1850 nang
bumoto ang Papal States na tanggalin ang pamumuno ng Vatican at maging bahagi
ng Italian republic (M. Martin Decline
and Fall of the Roman Church Secker and Warburg, 1981). Sumulat din siya ng
The Final Conclave, at Hostage to the Devil (published by
Harper San Francisco and Harper Collins, 1976, 1992). Ang akda ni Martin na The Keys of This Blood (Touchstone; Simon and Schuster, 1990) ay
tumatalakay sa pakikibaka ni John Paul II laban sa Russia at sa Kanluran para
sa kontrol ng New World Order (NWO). Sa labanang ito makikita natin ang
pakikibaka para sa kontrol at Pandaigdigang Dominasyon ng NWO. Ito ang dahilan
kung bakit hinahangad ng Russia at Gitnang Silangan na kontrolin ang
Dominasyong ito ng NWO at kalaunan ay makikita ang pagkawasak ng Western
Democracies at ang pagtatatag ng Beast Power (No. 299A) at ang pagkawasak ng sistema ng
Trinitarian Church (The Whore and the Beast (No. 299B)).
Ang Masonic system ay itinatag din noong Ikalabinsiyam na
Siglo upang sakupin ang pandaigdigang sistema ng kapangyarihan sa ilalim ng NWO
mula sa US at naglakbay si Albert Pike sa Victoria, Australia, upang itatag ang
mga kontrol doon ng Masonic system gamit ang demonismo at ang sistemang
Sataniko, gamit din ang York Rite system (tingnan din ang A. Pike Morals and Dogma). Ito ay karaniwang
doktrina mula ika-28 hanggang ika-33 degree ng Scottish Rite Freemasonry mula
sa US na si Satanas ay sinasamba bilang Diyos. Kaya walang pagkakaiba sa
pagitan ng Freemasonry, Anglicanism, at Roman Catholicism sa pinakamataas na
antas at nagtutulungan sila.
Sa pamumuno ng limang pope na tinalakay sa The Last Pope No 288 nakita natin na ang mga huling pope
na ito ay kasabwat sa tangkang paglipol sa mga sistemang panrelihiyon na hindi
Trinitarian (kapwa Judio at mga Mananaliksik ng Bibliya) sa Europa.
Ngayon ay titingnan natin ang pagkakasunod-sunod ng mga
Huling Pope, na sinipi mula sa (No. 288).
“Ang
Paghahari ng Limang Pope
Ang unang paghahari na ito
pagkatapos ng pag-upo ni Pius XI sa trono sa loob ng labimpitong taon, i.e. ang
paghahari ni Pius XII, ay inihula rin ni Nostradamus ngunit hindi pinansin. Sa
parehong siglo mga tatlumpu't anim na quatrain bago pa man sa C.5:Q.56 ay
isinulat niya:
Par le décès du très vieillard
pontife,
Sera esleu Romain do bon aage:
Qu’il sera dict que le Siège debiffe
Et long tiendra et de picuant
ouvrage.
Binibigyang-kahulugan ito ni De
Fontbrune na nangangahulugang:
After the very aged Pope’s death, a
middle-aged pope will be elected. He will be accused of harming the Holy See
and will last a long time, doing controversial work.
Si Pacelli ay animnapu't tatlo taong
gulang nang mahalal siya noong 1939 at mas matagal siyang nanungkulan kaysa kay
Pius XI, at tunay ngang, napakatagal na panahon. Napakakontrobersyal din niya.
Mula 1923, pagkatapos maluklok ni Pius XI noong 1922, ang mga simbahan ay
nagpakilala ng ilang kakaibang ideya sa Alemanya tulad ng euthanasia. Muling
binigkas lamang ni Hitler ang prinsipyong ito noong 1939 bilang isang utos. Ang
mga simbahang Lutheran at Romano Katoliko ay laban sa demokrasya. Nakita nila
ang pagsasama ng simbahan at estado bilang pagpapatupad lamang ng kanilang
sistema. Kaya, talagang lalo pa nilang pinalakas ang sistemang Nazi bilang
pagpapatuloy ng isang simbahan at estado. Mula 1932, ang mga elemento ng
Simbahang Romano Katoliko at Lutheran ay nakipagtulungan sa mga Nazi upang
magtatag ng mga concentration camps at simulan ang paglipol sa lahat ng hindi
Trinitarian at partikular ang mga Sabbatarian, kabilang ang mga Judio, mula sa
Europa. Inako ng Simbahang Lutheran ang pamamahala sa isang concentration camp
malapit sa Hamburg, noon pang 1933.
Ang mga Katoliko sa Europa sa ilalim
ni Pius XII, ay tumulong sa pagtatatag ng kamakailan lamang ay napatunayang
mahigit 10,000 kampo, at ngayon ay halos sigurado na ang kabuuang bilang ay
umaabot sa 15,000 o higit pang mga concentration and extermination camps.
Tinangka nilang sadya at sistematikong lipulin ang lahat ng nangingilin ng
Sabbath o ang mga hindi Romano Katoliko/Lutheran na mga iskolar ng Bibliya mula
sa Europa. Ang mga Judio ay kalahati lamang ng Holocaust, at sa katunayan ay
lumilitaw ngayon na tiyak na hindi man lang sila umabot sa kalahati ng bilang
ng mga taong pinaslang ng sistemang Nazi sa Europa. Si Hitler ay hindi isang
kakaibang pangyayari sa Alemanya noong 1930s. Siya ay produkto ng kanyang
panahon at paghubog sa ilalim ng mga Lutheran. Sa tulong ng Vatican sa ilalim
ni Pius XII sa pagtatapos ng digmaan, tinulungan ng papacy ang mga kriminal ng
digmaan ng Nazi na makaiwas sa paglilitis at ginamit ang kanilang impluwensya
upang ilagay sila sa Timog Amerika, [Timog Aprika] at Australia. Ang ilan ay
ginamit sa Australia sa mga tungkuling panseguridad. Ang ganitong uri ng
kaisipan ay marahil nakapinsala nang malaki sa mga mamamayan ng Australia.
Noong WWII, ang Simbahang Romano Katoliko sa ilalim ni Pius XII ay tumulong at
nagsulsol, o kahit paano ay pinahintulutan, ang paglipol sa malaking bilang ng
mga mamamayang masunurin sa batas, na marami sa kanila ang tanging krimen sa
kanilang paningin ay ang pagiging Judio o Sabbatarian (Unitarian) na mga
Cristiano, o kabilang sa iba pang denominasyong hindi Katoliko. Si Nostradamus
mismo ay may lahing Judio. Ang katotohanang ito ay mayroon pang ibang
kahalagahan gaya ng ating makikita.
Gayunpaman, ang ating mga kaibigan
sa California sa ilalim ni Connor ay halos hindi makapagsusulat ng isang
kritisismo laban sa isang nabubuhay na pope upang makita ng buong mundo at
kwestyunin ang kanyang mga gawain, hindi ba? Ginawa nila ang lahat upang
maitago ito sa mundo. Pinangalanan ni Malachy ang pope na ito bilang Angelic Shepherd na may nakakagulat na
kabalintunaan. Walang ibang nag-iisang pope o tao ang namuno sa malawakang
paglipol, gamit pa ang sarili niyang bayan, sa napakaraming mga Judio at Cristianong
nangingilin ng Sabbath sa buong kasaysayan ng liping Judio at relihiyong
Cristiano. Ang buong bagay na ito ay susuriin sa lalabas na akdang Ang Holocaust: Ang Ikalimang Tatak ng
Pag-uusig (tingnan din ang
http://www.ccg.org/_domain/holocaustrevealed.org/)
Ang kinahinatnan ng pagkakamali ay
humantong, sa pinakamababang antas, sa pagkabigo na maiwasan ang pagpaslang,
tulad ng ating makikita. Sa bandang huli, kapag nabunyag na ang katotohanan, at
ang mga mapanlinlang na mga historyador sa mga unibersidad sa Europa ay umamin
sa katotohanan, ang Simbahang Romano Katoliko ay makikita sa tunay nitong anyo,
at mahahatulan sa mata ng sanlibutan. Ito ang kontrobersyal na aspeto ng mga
gawain ng Roman Curia sa ilalim ni Pius XII, bago at pagkatapos ng kanyang
pagkahalal.
Si John XXIII ang humalili sa kanya
noong 28 Oktubre 1958 at siya ay naghari hanggang ika-3 ng Hunyo 1963. Siya sa
katunayan ay si John XXIV sapagkat ang naunang John XXIII (1410-1415)
(Baldassare Cossa: d. 1419) na angkop na
tinawag ni Malachy na Stag of the Siren,
ay lubos na masama na mayroong isang harem ng higit sa 200 madre. Isa rin
siyang sodomite. Siya ay idineklara na isang antipope. Napahiya sila sa pope na
ito, bagama't marami rin namang masama tulad niya, kaya sinikap nilang muling
linisin ang pangalang John. Siya ay tinawag na The Shepherd and the Sailor. Sa panahon ni John XXIII ay nagsimula
ang isa pang rebolusyon sa simbahan sa ilalim ng Vatican II. Naipahayag dito
ang totoong mga suliranin ng simbahan habang umuusbong ang mga bagong kaisipan
at nabubuo ang mga bagong pananaw.
Mula sa panahong ito, sinikap ng
simbahan na muling suriin ang mga paninindigan at mga doktrina nito, at hindi
naglaon ay umabot ito sa kasukdulan, gaya ng makikita natin. Kalaunan, nauwi
ito sa mga iskandalo sa pananalapi, pagpaslang at isang kontra-rebolusyon sa
Vatican.
Si Giovanni Battista Montini, Paul
VI, ang ikatlong pope, at noong 1978 ay hinalinhan siya ni Albino Luciani, John
Paul I. Ang taong ito ang ikaapat na pope sa propesiya. Ang limang pope ay
sina: Pius XII, John XXIII, Paul VI, John Paul I at John Paul II, na sumasaklaw
sa panahon mula 1939 hanggang 1978.
Mga pananaw ng Katoliko sa mga propesiya
Ang akda ni Connor na inilathala
noong 1956 sa ilalim ng imprimatur ni A.J. Willinger, Obispo Romano Katoliko ng
Monterey-Fresno, ay naglalaman ng ilang interesanteng komento tungkol sa limang
pope ng propesiya.
Mayroong isa pang ibang
interpretasyon na hindi pinagtuunan ng pansin sa akda ng mga Pransiskano at
iyon ay dapat na unawain bilang five
shall change in the same number of the year. Namatay si Pius XI noong 1939
at nangangahulugan iyon sa paliwanag na ito na lima ang magbabago sa taong
1978.” (Tingnan No. 288).
Ang huling pagkakasunod-sunod na ito
ay nagpakita ng tangkang puksain ang lahat ng hindi Trinitarian at lalong lalo
na ang mga hindi Romano Katoliko o Lutheran na mga sistemang panrelihiyon. Sa
mga pagkilos na ito dinala ng dalawang sistemang ito ang hatol sa kanilang mga
sarili. Sila ang lilipulin, sapagkat
batid ni Satanas na kailangan silang mawala, sa huling yugtong ito ng Malaking Kapighatian [141D_2].
Sinulat din ni Martin ang The Jesuits The Society of Jesus and the Betrayal of the Roman Catholic
Church (Touchstone 1987). Tingnan din ang Vatican and the Final Conclave. Ayon kay Martin, may umiiral na
digmaan sa pagitan ng Vatican at ng mga Heswita. Kung isasaalang-alang ang
kaniyang mga pananaw at ang katotohanang naghanda siya ng isa pang mas masusing akda tungkol dito, tila nakakagulat
na ang magiging Huling Pope ay isang Heswita na mahalal bilang huling pope na
batay sa mga propesiya sa ilalim ni Malachy O'Morghaire mula ca. 1139 (No. 095) at gayundin sa mga propesiya ng mga demonyo sa Fatima, na
nagpapanggap bilang birhen. Lubos na
ginamit ng pagpapakitang ito ang Kulto ng Inang Diyosa sa sistemang Romano
Katoliko.
Pinatay si Martin bago pa niya mailathala ang kanyang huling
akda na naglalantad pa ng mga kasuklam-suklam na iskandalo ng Vatican.
Kinakailangan na pag-aralan ang mga teksto ng The Last Pope (No. 288) at ang dalawang akdang ito ng Sack of the Vatican (No. 141D_3) at ang teksto ng False Prophet and Antichrist (No. 141D_3A, at Fall of Babylon (No. 141D_3B). Ilalahad
ng propesiya ang huling kuwento ngayon. Ang Mesiyas ang dudurog sa panghuling
sistema pagkatapos niyang pumalit sa Dalawang Saksi [141D]. Plano ng mga
demonyo na sirain ang buong sistemang Trinitarian at ang kanilang mga
kasangkapan sa mga sistema ng sanlibutan. Walang dapat matirang buhay sa mga
Kulto ng Araw at Misteryo ng Babilonia ayon sa propesiya ([F066iii], [iv], [v]). Pinahihintulutan si Satanas na puksain sila habang
sinasamba ng mga sistemang iyon si Satanas bilang Diyos, at wala sila sa ilalim
ng Banal na Proteksyon at magagawa ni Satanas at ng mga demonyo ang nais nila
sa kanila.
Mula sa araling The Last Pope (No. 288):
"Ang problemang kinakaharap ng Simbahang Romano
Katoliko at ng mga protestanteng anak na babae na nagmula sa kanya ay ang
simbahan sa Europa ay nagkakawatak-watak. Kaya't habang ang mga simbahan sa
Aprika at Timog Amerika ay medyo maayos ang kalagayan, ang simbahan sa Europa
ay nasa kaguluhan at kailangang muling patatagin. Kaya't malaki ang naging
paghihimok na pumili ng isang pinunong maka-aakit at makapagpapatatag sa
simbahan sa Europa. Ito ang dahilan kung bakit sina John Paul II at Benedict XVI ang napili. Ang naging resulta
para sa dalawa ay naging kabaligtaran.
Hinayaan ni John Paul II na masira ang simbahan gaya ng isinaad ni
Malachi Martin sa kanyang akdang Windswept
House. Sa akdang iyon, isinasaad niya na noong 1963 sa Availing Time sa ilalim ni Paul VI, ang Anghel na si Lucifer o
Satanas ay iniluklok sa Vatican bilang diyos ng sanlibutang ito at ng simbahan.
Ipinaliwanag ito sa araling 2012 and the Antichrist
(No. 299D). Ang pagpili ng isang Argentinian cardinal na may lahing
Italyano ay marahil isang kompromiso patungo sa layuning iyon.
Sa mga Huling Araw, ang Imperyo ng Hayop ay bibigyan ng
kapangyarihan ni Satanas at babaling sa patutot na ito ng Babilonia at
wawasakin ito. Nasasaksihan na natin na nangyayari ito ngayon. Ang sanlibutan
ay lumalaban na sa Simbahang Romano Katoliko dahil sa mga malalalang iskandalo
ng sekswal na pang-aabuso, at magpapatuloy ito. Noong Ikalabindalawang Siglo,
kinuha ng mga Sodomite ang kontrol at ipinatupad ang Celibacy at ipinagbawal
ang mga kasal na clergy at inalipin ang mga babae bilang mga madre. Ipinatupad
nila ang sodomy at misogyny kasama ng Antinomian Gnosticism.
Higit na partikular ang mga pag-unlad ng Islam upang itatag
ang Fundamentalist Islam ay patuloy na uunlad at lalala sa mga Digmaan ng
Wakas. Magiging puntirya ang Roma at sasalakayin ang mga pari sa loob ng
susunod na yugto hanggang sa pagdating ng Mesiyas at sa pagbuhos ng mga mangkok
ng poot ng Diyos hanggang sa ito ay mawasak. Ipinaliwanag ito sa araling Mga Digmaan ng mga Huling Araw at ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos
[141B].
Ang istruktura ng huling panahon na idineklara ni
Nostradamus (at sinuri sa No. 288) ay mayroong 57 taon ng Katapusan upang maghatid ng
kapayapaan sa ilalim ng Mesiyas at baguhin ang planeta. Iyon ay sasabay sa pitong taon ng mga huling
araw mula 2020-2027 at pagkatapos ay magpapatuloy sa Milenyal na Jubileo sa
ilalim ng Mesiyas sa 2028-2077. Ang Digmaan ng Ikalimang Pakakak ay nagsimula
noong 2019 at ang mga pagkamatay ay nagsimulang maganap mula 2020 (tingnan ang [141C]). Ang mga digmaang ito ay ipinatupad ni Satanas sa ilalim
ng Imperyo ng Hayop na tatagal lamang ng 42 buwan matapos nilang lumitaw sa
NWO. Gayunpaman, sinimulan nila ang mga digmaan mula 2018 at noong 2019 ay
inilabas ang mga virus at mga lason na bakuna. Magpapatuloy ito ngayon at ganap
itong sisiklab sa 2024/2025. Lilipulin sila ni Cristo sa kanyang pagbabalik sa
loob ng ika-43 buwan ng Sistema ng Hayop.
Upang maunawaan ang mga propesiya na ibinigay ni Satanas sa
Simbahang Romano sa pamamagitan ng mga pangitain sa Fatima kailangan din nating
tingnan ang update sa No. 288.
“Fatima
update 21/09/2018
Binalaan ng mga demonyo ang kanilang
mga lingkod sa simbahan ng Patutot sa Roma tungkol sa mga kahihinatnan ng
pagdating ni Cristo at ng mga propesiya ng mga Ebanghelyo at ng Apocalipsis na
sumusunod sa Daniel. Ang “propesiya” o “pangitain” na ito ay naganap sa
pamamagitan ng diumano’y mga pahayag ng nagpakitang “Birhen” sa mga bata sa
Fatima. Ang Ikatlong lihim sa Fatima ay sa katunayan dalawang lihim, bahagi 3A
at bahagi 3B o ang Ikaapat na Lihim ng Fatima. Ang araling Fatima Bahagi 3A ay
tungkol sa isang pangitain ng pagkamatay ng
huling pope sa isang Burol malapit sa lungsod. Ito ay may 62 linya.
Ipinapalagay nila na ang lungsod ay Roma. Sinasabi ng pangitain na ang lungsod
ay nawasak at maraming sundalo ang bumaril sa pope at pinatay siya sa
pamamagitan ng execution. Nabasa na iyon at sinikap ng papacy mula kay Pius XII
na ipaliwanag ito sa iba’t ibang paraan at kalaunan ay iniuugnay ito sa
tangkang pagpaslang kay John-Paul II at sinasabing tapos na ang banta. Gayunpaman, iyon ay isang salarin at isang pagbaril
lamang at nabuhay siya ng karagdagang 25 taon. Ang pananaw na iyon ay hindi
tumutugon sa pangitain ng 3A. Gayunpaman, ang Araling 3B ay may 20-25 na linya
sa isang liham sa Vatican papal apartments sa isang compartment sa wooden desk
na “Barbarigo”. (Ito ay iniulat na lantarang sinabi ni Arsobispo Capovilla.)
Ang tekstong ito ay tungkol sa mga salita mula sa “Birhen.” Ang dalawang sobre
ay nakatakdang buksan noong 1960 ng obispo ng Fatima o ng cardinal patriarch ng
Lisbon. Binasa rin ang mga ito noong 1955 ayon sa mga talaan. Dalawang teksto
ang binasa ng mga pope, si Paul VI noong 1963, at muli noong 1978 ni John Paul
II (hindi 1981 gaya ng sinasabi). Tumutukoy ito sa katiwalian ng Simbahang
Romano sa buong mundo at sa malawakang pagkawasak na magaganap sa huling mga
labanan. Ang mga malalakas na pagsabog sa mga dagat ay sasabayan din ng mga
tidal wave at mga pagbaha tulad ng ating tinalakay sa Bahagi I.
Ipinapakita rin sa pangitain na ang
dogma ng pananampalataya ay pananatilihin sa Portugal, ngunit ang
ipinapahiwatig nito ay mayroong pandaigdigang dogmatikong krisis na siya ring
hinulaan ni Pius XII noong 1931. Nangyayari
na ito ngayon sa Patutot sa buong mundo. Mayroon ding pagtukoy sa buntot ng
dragon at sa ikatlo ng mga bituin sa langit. Alam ng mga demonyo na ang
tekstong ito ay tumutukoy sa kanila, ngunit iniisip ng mga Katoliko na ito ay
tumutukoy sa mga pinuno ng simbahan. Tama lang na tinutukoy nila ang parehong
elemento sapagkat ang mga demonyo ay umiiral sa pamunuan. Gayundin, ang mga
Apoy na nagmumula sa langit ay naroon sa 3B. Ang mga ito ay tumutukoy sa
parehong kometa at sa kapangyarihan ng mga Saksi.
Ang mga pagtanggi ni Cardinal
Bertone tungkol sa 3B at ang pagsasabing 3A ang authentic text ay
pinabubulaanan na ngayon sa pangkalahatan. Ang aspetong ito ay ipinaliwanag din
sa araling Wars of Amalek Part III:
Armageddon and the Vials of the Wrath of God (No. 141E).
Ang timing at balangkas ng
pagkakasunod-sunod ng pagdating ng Mesiyas ay ibinigay sa ilalim ng mga araling
Advent of the Messiah Part I (No. 210A) at Advent of the Messiah
(No. 210B). Ang proseso sa seryeng ito ay nagpapakita ng sistematikong
pagkawasak ng Simbahang Romano at ng mga huwad na relihiyon ng sanlibutan.
Hindi ito maaaring ihayag sa mundo sapagkat ang Roman curia ay natatakot na
baka kumilos ang simbahan at linisin ito sa kasamaan. Gayunpaman, tanging ang
Mesiyas lamang ang makakagawa nito, upang alisin ang mga demonyo nito at ang
sodomiya nito.
Francis I Malapit nang Mamatay
Noong ika-9 ng Disyembre 2021,
iniulat mula sa loob ng Vatican (Newsmax at Vincent Quill) na si Pope Francis
ay sumailalim sa operasyon sa colon at siya ay malapit nang mamatay at hindi na
inaasahang mabubuhay pa pagkatapos ng 2022. Siya ay naging isang divisive
figure sa pulitika ng Simbahang Romano sa kanyang maka-Globalistang pananaw at
polisiya.”
[Siyempre siya ay buhay pa rin ng
2024 at maaaring makita pa ang pagsalakay ng mga Ruso sa Europa at ang mga
palitan ng nuclear. Ang populasyon ng Europa ay lubhang mababawasan sa labanang
ito.]
“Ang mga propesiya ng Romano, e.g.
Malachy (sa 288 at 288A) ay nagtatapos sa kanya bilang
Huling Pope. Sa pagsulat ng aralin na ito, napuna ng may-akda na siya ay hindi
kanonikong nahalal at matagal nang binanggit ni Francis ng Assisi na hindi siya
daraan sa kanonikal na halalan ilang siglo na ang nakalilipas. Kaya sa pananaw
na iyon, hindi siya legal at opisyal na pope. Gayundin, ang mga propesiya ng
Fatima ay tila hindi lumalapat sa pope na ito kaugnay ng mga resulta ng 3A at
3B na binanggit sa itaas. Iniulat ngayon na ang Vatican ay naghahanda para sa
isang conclave na gaganapin kapag pumanaw na ang 84 na taong gulang na si Pope
Francis, na inaasahan nilang mangyayari sa taong iyon. Maaaring may mahalal na
kahalili ngayong taon, kapag pumanaw na siya, at kung mangyayari iyon, iyon ang
katuparan ng pagkakasunud-sunod kay Peter the Roman, basta't siya ay kanonikong
maihahalal. Ang isa pang alternatibo ay, sa pagdedeklara ng labanan na
inaasahang sisiklab sa malapit na hinaharap, ang pamumuno ng Vatican ay
maaaring gumuho sa gitna ng labanan at mapatay si Francis alinsunod sa mga
propesiya ng Fatima. Anuman ang mangyari, ang Anticristo at ang Bulaang Propeta
ay pupuksain ni Cristo sa kanyang pagdating, kasama ang Matapat na Hukbo (Komentaryo sa Apocalipsis [F066iv], [v]).”
Fatima at
WWIII
Sa iba't ibang propesiya na tinalakay sa No. 288 ay makikita natin na inaasahang
magkakaroon ng iba't ibang kalamidad at sakuna na magaganap sa panahong ito.
Tandaan din na may mga tsunami na mabubuo dulot ng mga missile at pagsabog sa
digmaang ito. Bukod pa rito, magkakaroon ng malalaking lindol na bubuo rin ng
mga tsunami.
Pwersa ng
Russia sa Europa
Nasa yugto na tayo ngayon kung saan itinulak natin ang
Russia sa pader at inatake sila gamit ang mga biological weapons na hindi
nag-iwan ng ibang pagpipilian kundi salakayin ang Ukraine kung saan matatagpuan
ang 35 sa 55 Bioweapon Labs na nakapaligid sa Russia. Sa kasalukuyan, may
350,000 sundalo ang naka-mobilisa sa mga hangganan ng Russia na handa nang
i-deploy sa Europa. Magdedeploy sila sa tatlong alon gaya ng inilarawan sa [141C_2]. Papasok sila sa tatlong direksyon at
ang Katimugang hanay ay daraan sa Balkans at papasok sa Italya at ang
sandatahang lakas ay sasakupin ang Roma at ang Vatican. Ayon sa Fatima 3A at 3B
sila ay naudyukan ng mga maka-globalistang gawain na barilin ang lahat ng mga
pari sa Vatican at pagkatapos ay dalhin ang huling pope palabas sa isa sa mga
Burol ng Roma at patayin siya doon. Suportado sila rito ng mga pwersa ng
Islamista.
Ang Russia ay malamang na mapigilan sa France at pagkatapos
ay maisanib sa sistema ng Hukbo ng Hayop (Daniel Kab. 7 [F027vii]). Malamang na
susubukan ng administrasyong Romano Katoliko na lumipat sa France (sa Avignon
ayon kay Nostradamus), ngunit patuloy silang magdurusa ng matinding pag-uusig
(sa ibaba).
Mayroong napakalaking pangkat ng mga teroristang Islam ang
pinapasok ng mga Marxist Globalists sa Europa at pati na rin ng mga Globalista
ng NWO at WEF at layunin nilang wasakin ang sistemang panrelihiyon ng
Trinitarian sa Europa at sirain ang yaman ng Vatican at ang human resources
nito. Mula kay Paul VI ay idineklara nila si Satanas bilang Diyos tulad ng
nakita natin sa itaas at mula sa akda ni Malachi Martin na Windswept House. Idineklara ng sistemang Romano Katoliko si Satanas
bilang diyos kaya't napapasailalim sila kay Satanas at maaari niyang gawin ang
naisin niya sa kanila at sa lahat ng naglilingkod sa kanya bilang kanilang
diyos. Hindi sila poprotektahan ng Nag-iisang Tunay na Diyos, at lahat sila ay
lilipulin bago dumating ang Mesiyas. Ang mga nagnanais na manatiling buhay ay
dapat magsisi bago dumating ang Mesiyas kung nais nilang mabuhay sa Milenyo.
Ang mga Pwersa ng NATO sa Europa at US ay sinubukang patayin
si Putin sa ilang pagkakataon. Ang ilan
sa mga nagpapanggap na propeta sa Europa ay nagpahayag na siya raw ay
mapapatay. Kung siya ay mapatay gaya rin ng pagtatangka nilang patayin si Trump
ay magkakaroon ng matinding reaksyon laban sa mga hangal na Globalista na ito,
magiging sa anyo ng isang malawakang pagganti ng mga Ruso sa pagpapalawig ng
Digmaan na papatay sa ikatlong bahagi ng sangkatauhan sa ilalim ng mga demonyo.
Iyan ang kasunod ng Digmaan ng Ikalimang Pakakak gaya ng nakikita natin sa
Apocalipsis kabanata 9.
Ang pagpaslang kay Trump ay magbubunsod ng Digmaang Sibil
ngunit kahit ang kanyang pagkakahalal ay magtutulak sa mga Marxistang
Globalista sa US na lumikha ng sitwasyong may Digmaang Sibil. Walang
makakapigil sa Kapighatiang ito na papatay sa mahigit kalahati, at maaaring
hanggang sa dalawang-katlo, ng sangkatauhan sa ilalim ng mga demonyo at sa
pagdating ng Mesiyas.
Pag-aalis ng
Ginto
Ang reserba ng ginto ng Vatican ay ni-raid sa ilalim ni
Pangulong Trump na naiulat na nakabawi ng mahigit 530 planeloads ng ginto sa
panahon ng kanyang pagkapangulo at sa ilalim ni Francis I na hindi ikinatuwa
ang lahat ng ito.
Katapusan ng
Huwad na Relihiyon at Muling Pagtuturo
Karamihan sa Europa ay nangangamba na sasakupin ng Islam ang
Europa. Sa katunayan, iniulat na inihula ni Baba Vanga (na pumanaw na) ang
pagsakop na ito pagsapit ng 2041. Ngunit ang mangyayari ay sasakupin ng Mesiyas
ang sanlibutan para sa Milenyo at ang pandaigdigang pamahalaan ay pamumunuan
mula sa Jerusalem sa loob ng isang libong taon at ang pagpapanumbalik ng lupa
ay magaganap sa loob ng ika-121 jubileo mula 2028-2077. Iyon ay ipinaliwanag sa
tekstong Ang Ginintuang Jubileo at ang Milenyo [300].
Ang Mesiyas, sa kanyang pagbabalik kasama ang Hukbo, ay ikukulong ang
Nangahulog na Hukbo sa Tartaros, at pagkatapos ay pupuksain ang mga hukbo ng
sanlibutan sa pamamagitan ng pagdala sa kanilang lahat sa Megiddo at paglipol
sa kanila sa loob ng ika-43 buwan. Ang mga digmaan ay tinalakay sa araling Armageddon and the Vials of the Wrath of God (No. 141E) at War Against Christ (No. 141E_2).
Ang lahat ng nakikita ng mga "manghuhula" na ito,
sa ilalim ng impluwensya ng mga demonyo, ay ang pagpapanumbalik ng buong
sistema ng sanlibutan sa kung ano ito noong Unang Siglo sa ilalim ni Cristo at
ng mga Apostol at iyon ang itinatag ni Qasim at ng Iglesia ng Diyos sa Becca at
Medina mula 608 CE pasulong (tingnan ang Q001; Q001A, Q001B, Q001C, Q001D).
Ang lahat ng Trinitarianismo at pagsamba tuwing Linggo,
Pasko at Easter ay sisimulang burahin mula sa balat ng lupa simula 2024
pasulong, ng mga tao sa sanlibutan na nalinlang ni Satanas at ng mga demonyo.
Gayon din ang Later Islam at Sharia Law at ang mga bulaang guro ng Later Islam
gaya ng mga Imam, Ayatollah, Sheikh at iba pang bulaang pari at propeta ay
aalisin ng mga tao sa mga bansang iyon. Ibabalik ng Mesiyas at ng Hukbo ang
Kautusan ng Diyos, ang Patotoo at ang Kalendaryo ng Templo na nagmumula sa Kautusan.
Ang mga Saksing sina Enoc at Elias ay magsisimula ng proseso sa loob ng
kanilang 1260 araw [141D]. Ang Juda ay haharapin at dadalhin sa pagsisisi at ang mga
sistema ng Sardis at Laodicea ay kailangang magsisi din o sila ay mamamatay sa
Pagbabalik ng Mesiyas na siyang kukumpleto sa proseso. Ang Hillel at ang Talmud
ay buburahin kasama ng mga nagsasagawa nito. Walang sinuman, kabilang ang mga
Trinitarians, ang pahihintulutang manatili sa Banal na Lupain mula sa pagsisisi
ng Juda at sa pagdating ng Mesiyas. Ang lahat ng maiiwang buhay sa planeta ay
ang Banal na Binhi (Isa. 6:9-13; Am. 9:1-15). Sila'y nagsisi upang manatiling
buhay.
Ang 2028 ay ang Unang Taon ng ika-121 Jubileo. Ang Unang
Taon ng Sabbath ng Milenyo ay 2034. Sa bawat taon ang bawat bansa ay
magpapadala ng mga kinatawan nito sa Jerusalem sa ilalim ng Mesiyas at ng Hukbo
upang tumanggap ng mga tagubilin. Gagawin nila iyon o magdurusa sila ng
matinding tagtuyot at taggutom at mga salot. Ang 2041 ay ang Ikalawang Taon ng
Sabbath ng ika-121 Jubileo ng Kalendaryo ng Diyos. Ang buong mundo sa taong ito
ay magbabasa ng Kautusan sa ikalawang pagkakataon at ang Banal na Binhi ay muling
tuturuan at ang sistema ng Templo ay ipapanumbalik sa espirituwal na paraan.
Ang Pisikal na Templo ay muling itatayo habang ang lupa ay muling pinupunan
(tingnan [300]). Ang Bundok ng Templo ay magiging sentro ng panrelihiyong
pagtalima at ang lahat ng iba pang relihiyon ay lilipulin (tingnan End of False Religion (No. 141F) at The End of the Age (No. 141F_2).
Ang buong sangkatauhan ay ipangingilin ang Sabbath, mga
Bagong Buwan at mga Kapistahan ng Diyos alinsunod sa Kalendaryo ng Templo (No. 156) o sila ay magdurusa ng taggutom at mga salot ng Ehipto at
sila ay mamamatay (Isa. 66:23-24; Zac. 14:16-21; F023xvi, xvii; [F038]; No. 274). Ang Vatican, at Mecca, bilang
sentro ng mga sistemang Babilonia ay mawawasak gaya ng nakikita natin sa
Apocalipsis 14:9-22, ([F066ii], [iii], [iv], [v]). Ang mga tao ay babaling laban sa mga tagapagtaguyod ng
Trinitarian na ito sa lahat ng dako at simula 2028 ay hindi na sila makikita
saan man (tingnan din False Prophet and the Antichrist (No. 141D_3A) at ang Fall of Babylon (No. 141D_3B).
Ang paghahanap ng mga Trinitarian Apologist sa pagbabalik ng
Mesiyas ay magiging katulad ng paghahanap ng mga nagpapanggap na Nazi noong
1946 pagkatapos ng Nuremberg at paghahanap ng mga Komunista pagkatapos ng
pagbagsak ng Soviet Union. Sila'y magsisisi o sila'y mamamatay, na walang
sinumang mananatiling buhay na papasok sa Milenyo. Hindi sila pahihintulutang
mabuhay, kahit pa sa mga tagong lugar. Gayundin, kabilang dito ang lahat ng iba
pang relihiyon sa mundo, sa alinmang bansa.
Ang susunod na yugto ay ang Restoration for the
Millennium (No. 141G) at Preparing the Elohim (No.
141H).
q