Christian Churches of God
No. 141B
Mga Digmaan
ng mga Huling Araw at ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos
(Edition 2.5
20130130-20190713-20210308-20220304)
Ang mga Digmaan sa mga Huling Araw
ang magtutulak sa Mesiyas na mamagitan upang iligtas ang mga sabik na
naghihintay sa Kanya. Sa Pagbabalik ng Mesiyas, ang mundo ay mapapasailalim sa
kapangyarihan ni Jesucristo sa pamamagitan ng mga Mangkok ng Poot ng Diyos.
Ganito ito mangyayari.
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN
ACT 2606, AUSTRALIA
Email: secretary@ccg.org
(Copyright © 2013, 2019, 2021, 2022 Wade Cox)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Mga Digmaan ng mga Huling Araw at ang mga Mangkok ng Poot ng
Diyos
Sa mga Huling Araw ang mundo ay
halos mawasak na ng lubusan ni Satanas at ng huwad na sistemang panrelihiyon na
kanyang itinayo sa pamamagitan ng mga kulto ng Araw ng Babilonia at ng Misteryo
na Relihiyon na nakapasok sa lahat ng relihiyon sa mundo at sumaklaw sa kanila.
Ang tunay na layunin ay sakupin ang
mundo at alisin ang lahat ng kalayaan ng tao at magtatag ng isang sistemang may
ganap na kontrol sa mga imperyo sa daigdig at na siyang bubuo sa huling yugto
ng sistemang panrelihiyon ng Babilonia gaya ng inilarawan ni propeta Daniel sa
Aklat ni Daniel kabanata 2. Ang Aklat ni Daniel ay nagbibigay ng kumpletong
takdang panahon at pagkakasunud-sunod ng mga aktibidad hanggang sa mga huling
araw at ang pagkawasak ng mga Imperyo ng Mundo. Sa pag-unawa sa mga aklat ng
Bibliya at sa kanilang mga propetikong implikasyon ay matatagpuan ang patnubay
para sa mga Banal ng Kataas-taasan at sa kanilang istraktura ng organisasyon
hanggang sa pagdating ng Mesiyas.
Ang pagkakasunud-sunod ng aktibidad
ay sakop sa mga aralin na tumatalakay sa iba't ibang aspeto.
Ang timing ng mga digmaan sa mga
Huling Araw ay nagsisimula sa pagtatapos ng “Pitong panahon” mula sa Battle of
Carchemish noong 605 BCE nang talunin ni Nabucodonosor ang mga Ehipsiyo at
pinalitan ang mga taga-Asiria bilang pangunahing imperyo sa daigdig. Ang
walumpung-taon na yugto mula kay Nabucodonosor hanggang sa pagsalakay ni
Cambyses sa Ehipto noong 525 BCE at ang 2520 taon hanggang sa katapusan ng
sistema ng Babilonia sa mga huling araw ay ipinaliwanag sa mga aralin na Fall of Egypt (No. 036) at gayundin ang Fall of Egypt Part II – The Wars of the End (No. 036_2)).
Ang huling walumpung-taon na yugto
ay nagmula 1916 hanggang 1996/7. Ang 2520 taon mula sa pagsalakay ni Cambyses
sa Ehipto hanggang sa katapusan ng Panahon ng mga Bansa o mga Hentil ay natapos
noong 1996/7 at mula sa simula ng Sagradong taong 1997 ang huling Tatlumpung
taon ng Imperyo ng Hayop na tinatawag na New World Order (NWO) ay
nagsimula. Ang NWO na ito ay binigyan ng
kapangyarihan ni Satanas upang kontrolin ang mundo at itatag ang huling
Imperyong ito na kinakatawan ng Sampung
Daliri sa Paa ng Bakal at Luwad na siyang huling yugto ng mga Imperyo na
inilalarawan sa Daniel kabanata 2 at kung aling imperyo ang wawasakin ni Cristo
sa kanyang pagbabalik na kinakatawan ng natibag na batong hindi sa pamamagitan
ng mga kamay ng tao na nagmula sa langit at tumama sa diyus-diyosan ng sistema
ng Babilonia sa mga daliri ng paa at naging sanhi upang ito ay bumagsak at
madurog. Kaya sa loob ng huling Tatlumpung taon sa pagitan ng 1997 at 2027 ay
ibinigay sa Imperyo ng Hayop ang buong mundo upang sakupin at supilin at
sinusubukan ni Satanas na dalhin ang daigdig sa pagkawasak gamit ang sistemang
ito. Ito ang huling digmaan ng wakas ng pamamahala ni Satanas na kilala natin
bilang World War III. Tingnan ang
araling World War III: Part I The Empire of the Beast (No. 299A).
Ang panrelihiyong patutot na siyang
sistemang Babilonia at bumuo sa ulo ng imperyo ng mga paa ng bakal at luwad, na
siyang imperyo na nauna sa huling yugtong ito, ay sumusubok na gamitin din ang
huling yugtong ito ngunit ang Hayop ay bumaling sa Patutot at winawasak ito at
itatatag ang huling sistemang panrelihiyon bago ang pagdating ng Mesiyas. Ito
ay ipinaliwanag sa araling: WWIII Part II: The Whore
and the Beast (No. 299B).
Ang mga pagtatangkang ito na harapin
ang mga sistema at linlangin ang planeta ay ipinaliwanag sa araling 2012 and the Antichrist
(No. 299D). Ang malaking apostasiya at ang karakter sa Bibliya na
Taong Makasalanan ay ipinaliwanag sa araling The Man of Sin and the
Apostasy (No. 299E).
Ang karakter na ito ay karaniwang
nauunawaan at inilalarawan bilang ang Anticristo tulad ng ipinaliwanag sa
araling Antichrist in Early Church Theology and the Last Days (No. 299F).
Ang panahon ng mga Huling Araw sa
pananakop at pag-aagawan sa lungsod ng Jerusalem at sa kontrol ng Israel ay
ipinaliwanag sa propesiya sa Daniel tungkol sa 2300 gabi at umaga na nagsimula
mula sa Pagsalakay ng mga Medo at taga-Persia na sinimulan ng He Goat of
Greece, si Alexander, na sumalakay sa Persia at tinalo ang mga taga-Persia sa
unang labanan sa Granicus River noong 334 BCE at sa huli sa Arbela noong 331
BCE pagkatapos nito ay sinakop ni Alexander ang Babilonia, at ang imperyo ng
Tanso ang sumakop sa sistemang Babilonia. Ang 2300 taon ng propesiya ay
nagsimulang makumpleto noong 1967 nang talunin ng Israel ang pinagsamang
pag-atake ng mga Arabo at sinakop ang buong Jerusalem. Ito ang simula ng huling
60 taon na nakatuon sa sistemang panrelihiyon at sa Templo ng Diyos. Ang
pagkakasunod-sunod ng panahong ito ay tinalakay rin sa araling Outline Timetable of the
Age (No. 272). Ang taong 1967 ang simula ng tinatawag na mga Makalangit
na Tanda sa Apocalipsis. Ang bagay na
ito ay ipinaliwanag sa akdang The Heavenly Signs of the
Sixth Seal in Context (No. 038B).
Noong 280 BCE si Seleucus ang huling kapitan ni Alexander ay namatay at
ang 2300 gabi at umaga mula sa petsang ito ay nagtatapos sa taong 2021. Ang
Taon ng Sabbath sa 2019 ay nagtatapos sa Marso 2020 at ang Unang taon ng huling
siklo ay 2020-2021. Ang taong ito ang hudyat ng huling yugto ng pagpapasakop sa
mga bansa sa Mesiyas. Ibabalangkas natin ang yugtong ito nang detalyado at
ibabatay sa huling taon na ating nakikitang nagaganap sa ilalim ng Mesiyas
bilang Pinuno ng Hukbo ng Panginoon na naka-detalye sa araling The Fall of Jericho (No.
142).
Noong 1987 ang huling apatnapung
taon ay nagsimula sa Pagsukat ng Templo.
Tingnan ang araling Measuring the Temple (No.
137).
Sa pagkakasunud-sunod na iyon, ang
Templo, na binubuo ng mga indibidwal na tao ng mga banal, ay sinala upang
matukoy kung sino ang karapat-dapat para sa Kaharian ng Diyos at ikinalat upang
ang mga pagkakamali sa doktrina nito ay maitama at ang mensahe ng mga Huling
Araw ay maipalaganap. Ito ay ikinalat mula sa sagradong taon simula noong 1994
pagkatapos ng pitong taon at patuloy na hinarap mula sa panahong iyon.
Mula 1994 ang babala ng pagdating ng
Mesiyas at ang mga Digmaan ng Wakas ay nagsimulang ipahayag gaya ng inihula ni
Jeremias sa Jeremias kabanata 4 (lalo na Jer. 4:15). Tingnan ang araling Ang Babala ng mga Huling Araw [044]. Ang Mga Kautusan ng Diyos ay nagsimulang muling ipahayag
nang wasto mula noong taon ng Sabbath ng 1998 at ipagpapatuloy ito hanggang sa
mga Saksi na magpapanumbalik ng ugnayan ng kautusan sa kanilang panahon ng
propesiya. Ang panahong iyon ay
nagsisimula pagkatapos ng mga Digmaan ng Ikalima at Ikaanim na Pakakak. Ang
Babala ng mga Huling Araw na ito ay magaganap sa loob ng tatlong taon ng
Sabbath at dalawang siklo kasama ang isang Sabbath. Ang mga Kautusan ng Diyos ay ipapatupad ng mga
Saksi sa huling Babala at pagkatapos ay ipapatupad ng Mesiyas ang ganap na
pagsunod sa pagtatapos ng kanilang pagpapatotoo (tingnan ang akdang The Law of God (L1)).
Walang gagawin ang Diyos nang hindi
muna Niya binabalaan ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na
propeta. Sa huling yugtong ito, hinirang Niya ang tinig ng Iglesia ng mga
Huling Araw na nakatalaga sa Dan/Ephraim at ang mga Bansa ng mga Huling Araw
bago ang mga huling hakbang sa pagtatagumpay ng iglesia gaya ng sinasabi sa
atin sa Daniel kabanata 12.
Noong taong 2001, ang tinatawag
ngayon bilang World War Three (WWIII) ay nagsimula sa pagsalakay sa Afghanistan
at pagkatapos sa Iraq ng mga Kanluraning
kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ng US. Ang labanang ito ay tatagal hanggang
2025 hanggang sa pagbabalik ng Mesiyas kung kailan dadalhin ang mga bansa sa
Megido upang ang kanilang mga hukbo ay puksain ng Mesiyas at ng kanyang Hukbo.
Kapag isinugo ng Diyos ang Mesiyas para harapin ang mundo at iligtas ang mga
hinirang, hindi siya darating nang payapa. Hindi rin siya magpapakita bilang
ang mahina na ipinapakita ng mga kulto ng Araw ng Babilonia at Trinitarian na
naglalarawan sa kanya. Itutulak ng mundo at ng mga sistema nito ang kanilang
mga sarili sa bingit ng pagkawasak at hindi sila papayagang magpatuloy sa
kanilang mga pamamaraan at kanilang mga sistemang panrelihiyon. Susundin nila
ang Diyos o mamamatay.
Ang Mga Pagkaaba ng Apocalipsis na
tinutukoy sa mga araling The Seven Seals (No. 140) sinusundan ng Ang Pitong mga Pakakak [141] ay inorganisa upang magpatuloy mula
sa mga labanang Islamiko na nagsimula mula sa mga unang labanan mula 2001.
Pagsapit ng 2012, pinagsasama-sama
ng mga pundamentalista ang mga sistemang Islamiko sa ilalim ng kanilang
kapangyarihan na nagtulak sa panghihimasok ng mga sistemang NATO sa Hilagang
Africa at Gitnang Silangan. Ang mga
sistema ng NATO at EU ay pipilitin ang mga sistemang ito na sumailalim sa
sistemang Pananalapi ng Mundo ng NWO sa ilalim ng nakaplanong sampung rehiyong
pang-ekonomiya nito na magiging mga hindi nahalal na burukrasya ng sistema ng Sampung
Daliri sa Paa ng Daniel. Ito ang huling yugto ng NWO.
Ang mga sistemang Islamiko ay
sasalakay din laban sa mga Kanluraning kapangyarihan. Ito ay mapapagana sa
pamamagitan ng tulong ng mga Kanluranin at Sobyet na kapangyarihan mula sa
paglusob ng Sobyet sa Afghanistan at ang Digmaang Iraq/Iran sa Gitnang
Silangan.
Mula noong 2013 sa ilalim ng
tumitinding mga labanan, ang mga Pagkaaba ng Apocalipsis ay nagsimula sa
Digmaan ng Ikalimang Pakakak at ang Digmaan ng Ikaanim na Pakakak ay sumusunod
dito. Ang pagkakasunod-sunod ay isang bio-chemical na labanan na susundan ng
ganap na digmaang nuclear kung saan ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay
mamatay sa digmaan. Mayroong higit sa 200 milyong mga tao na sangkot sa
labanang ito.
Ang biochemical system ay
nagsimulang mabuo mula pa noong WWI kasama ang mustard gas nito at iba pang mga
chemical weapons. Ito ay lubusang nabuo sa ilalim ng mga Nazi noong WWII at
pati na rin ng mga siyentipikong Sobyet at Kanluranin. Milyun-milyon ang nasawi sa panahong ito.
Sa pagsalakay ng Sobyet sa
Afghanistan at digmaang Iraq/Iran tinulungan ng US si Saddam Hussein at Iraq na
bumuo ng mga chemical weapons na ginamit niya laban sa mga Kurd.
Tinulungan ng mga Ruso ang mga
Iranian at Syrian na bumuo din ng mga bio-chemical weapons at ang mga ito ay
binuo at ipinamahagi sa mga puppet ng Iranian at Syrian sa pamamagitan ng
Hezbollah at Hamas at kanilang mga cronies.
Nakontrol at tuluyang nawala ang
Smallpox sa iba't ibang bansa noong huling bahagi ng ikadalawampung siglo. Pero
tumanggi ang Russia at US na wasakin ang kanilang mga imbak ng virus, at ginawa
pa nga ang smallpox bilang sandata na may resistant strain. Pareho nilang
isinama ito sa mga sandata para magamit sa bio-chemical warfare. Naipamahagi na
ito sa Iran at Syria para sa susunod na yugto ng mga digmaan. Ito ay ikakalat at kasalukuyang ikinakalat sa
mga pundamentalistang Muslim sa UK/EU at sa US at Australia at New Zealand para
gamitin sa kanilang mga lungsod kapag ibinigay na ang mga utos. Gayundin ang mga North Koreans ay
nakikipagtulungan sa Iran at sa mga Ruso upang makagawa ng mga agents na ito at
mga sandatang nuclear para gamitin laban sa Kanluran. Pareho silang may kapasidad na ihatid ang mga
ito sa pamamagitan ng mga ICBM ngunit ang pag-install nito sa barko ay magiging
mas epektibo at mas nakamamatay.
Ang ating mga intelligence systems
ay lubos na nakatitiyak na ang mga microbial agents ay engineered ng Radical
Islamist sa Iran na nakikipagtulungan sa mga Ruso upang paluhurin ang Kanluran.
Ang mga ito ay may bilang na walong
microbial agents at lubhang nakamamatay.
Alam din natin sa katunayan na ang Sarin ay isang chemical agent na
ginawang sandata sa Syria at inihalo sa panahon ng rebolusyon doon at balak
nilang gamitin ito. Ang Sarin ay isa rin sa mga agents na ginagamit ng mga
pundamentalistang Muslim na kumikilos sa pakikipagtulungan sa Iran. Balak
sanang gamitin ang Sarin bilang test run sa Japan ilang taon na ang nakalipas
ngunit ang plano ay nabigo. Mas
malawakan ang paggamit nito kapag ginamit na sa Kanluran, sa EU at sa US atbp.
Isang planta (Shahid Bahonar Microbial Plant) ang iniulat na umiiral sa
Marzanabad na pinamamahalaan ng mga siyentipikong Ruso at Iranian na gumagawa ng mga microbial agent para magamit
sa mga explosive device at rockets. Ang
Iran ngayon ay may malaking bilang ng mga agents na ginagawa (marahil hanggang
18) na may apat na ang natapos sa planta na iyon at apat na iba pa ang natapos
sa ibang mga planta. Kung gaano katotoo
ang impormasyong ito ay hindi natin alam. Gayunpaman, lumilitaw na mayroong
walong nakumpletong operational agents na handang gamitin laban sa
Kanluran. Ang US ay may higit na mas
maraming mga agents na maaaring gamitin laban sa kanila bilang ganti.
Ang layunin ay gamitin ang mga
insekto bilang mga vector para sa mga agents na ito at pakawalan sa mga target
na sistemang panlipunan ng kanilang mga kaaway. Ang mga sistemang ito ay hindi
maaaring lubos na makontrol at kakalat sa buong mundo. Ang salot ay isa sa mga agents at ito ay
binuo upang maikalat sa kanyang nabuong anyo sa pamamagitan ng mga insekto.
Ang walong agent sa kasalukuyan ay
ang resistant smallpox, weaponized cholera, anthrax, encephalitis (ang
blueprint ng virus na ito, Venezuelan Equine Encephalitis, ay ibinigay ni
Venezuelan President Hugo Chavez sa isang kasunduan ilang taon na ang
nakalilipas sa rehimeng Islam), yellow grain (binuo sa tulong ng North Korea),
SARS, Ebola, at salot pati na rin ang mga chemical weapons kabilang ang Sarin.
Ang
paglaganap ng salot noong Middle Ages ay pumatay sa isang-katlo ng populasyon
ng Europa, at ito ay muling lumitaw noong ika-19 siglo sa Asya, na pumatay ng
milyun-milyon sa China at India. Ang kasalukuyang mga variants ay parehong
Bubonic at Pneumonic plague at pareho silang ginawa ng US. Ang tinatawag na
Spanish flu noong 1918 ay inilabas mula sa isang Kansas military installation
noong 1917/18. Nakapatay ito ng mas maraming tao sa buong mundo kaysa sa mga
namatay sa digmaan. Mas marami na silang nakamamatay na variant ngayon. Mas
madaling tamaan ang mga nakababata, at ang mga malulusog na nasa edad na
maaaring magkaanak ang namatay noong 1918 dahil sa sobrang tubig sa kanilang
mga baga. Ang mga Hapon ay nagpakawala ng mga pathogen sa mga Intsik noong WWII
na pumatay ng daan-daang libo.
Ang isang
kapaki-pakinabang na akda tungkol sa mga ginagawa ng Iran ay tinalakay sa
akdang "A Time to Betray" na isinulat sa ilalim ng pseudonym na Reza
Khalili ng isang dating espiya ng US na nagtatrabaho sa Revolutionary Guards.
Ang
pagpapakawala ng mga agents na ito sa lahat ng mga bansa ay maisasakatuparan sa
pamamagitan ng Islamist Radicals mula sa Iran at ang mga agents ng Islamist sa
Gitnang Silangan at North Africa. Gagamitin ng US at EU ang sarili nilang mga
sistema ng mga agents para gawin din ito.
Alam ng mga
eksperto sa magkabilang panig ang mga agents na ito at kung paano ito magagamit
nang epektibo at ang ilan sa mga grupo ng bansa ay iniisip na maaari silang
makaligtas sa pagkaka-diskubre at pagganti sa maikling panahon o sapat na oras
upang magdulot ng matinding pinsala sa kalaban at makakuha ng pangmatagalang
kalamangan. Ang lahat ng mga sandata na ito ay lubhang mapanganib ngunit ang
smallpox ay ang pinaka-mapanganib dahil sa kapasidad nitong mag-adapt sa immune
system ng tao. Ang may weaponized cholera, bagama't hindi gaanong nakamamatay
kaysa sa ibang mga agents, ay mas nakamamatay kaysa sa karaniwang mga strain ng
cholera. Anuman ang kanilang mapagpasyahan, ang mga sistema ay sapat na upang
makapinsala at makasira sa populasyon pagkatapos ng isang panahon ng pagkahawa
at pinsala na aabot sa mga limang buwan.
Apocalipsis 9:5 Pinahintulutan
silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan ng limang buwan at ang
kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.
Apocalipsis 9:10 Sila'y may mga
buntot na gaya ng sa mga alakdan at may mga pantusok; at sa kanilang mga buntot
ay naroroon ang kanilang kapangyarihan upang pinsalain ang mga tao ng limang
buwan.
Ipinapakita nito na ang armour at
mobile artillery ay gagamitin upang maghatid ng karamihan sa mga bio-chemical
agents sa lokal na lugar pati na rin ang mga sistemang panghimpapawid ay
gagamitin para sa internasyonal na operasyon.
Ang mga intercontinental na digmaan
ay susunod. Pagsapit ng 2014 lahat ng fighter elements ng Hari ng Hilaga at
sistema ng NATO ay magkakaroon ng mga laser turret na nakakabit sa fighter jet
para sa air to air at air to ground operations. Nakagawa na ang China ng mga
First Wave fighter jet para sa unang aktibidad ng pag-atakeng nuclear sa
kanilang mga lumang Mig 21B jet noong 1976. Nadevelop nila ang valve activity
para gumana pa rin ito kahit masira ang mga computer dahil sa mga nuclear
exchange at mga electromagnetic explosions. Ang lahat ng mga operasyong
kinokontrol ng computer ay gagawing walang silbi sa maikli man at
pangmatagalang operasyon. Lubhang mapipinsala ang lupa.
Ang mga cyborg ay kasalukuyang
dinedevelop para gamitin sa mga digmaan. Ang mga robot at drone system ay
operational na at marami pang darating. Ang mga ito ay inilarawan sa Joel
kabanata 2.
Papatayin
nila ang hindi bababa sa isang-katlo ng populasyon sa mahabang panahon at sa
digmaan ng Ika-anim na Pakakak makikita natin ang higit sa kalahati ng
populasyon ng mundo na mamamatay sa dalawang digmaang ito, na sunod-sunod.
Kinukumpirma
ng mga intelligence sources at mga komentaryo sa open media na mayroong
maraming aircraft delivery systems ang Iran at Syria, pati na rin iba't ibang
uri ng bomba, ballistic missiles, artillery, mortars at mga rockets na may iba't
ibang kapasidad kung saan sila nag-aarmas at balak nilang gamitin laban sa
Israel at sa Kanluran.
Ang balak
nilang panahon para dito ay ang Purim sa Adar 2013, at inihayag na ng mga
Islamist agents sa Iran at Ehipto na inaasahan nilang lipulin ang Israel sa
2013. Hindi iyon mangyayari at ang Iran ay magdaranas ng pre-emptive strikes
mula sa Israel ayon sa Aklat ni Ester (tingnan ang araling Commentary on Esther (No. 063)). Ang mga pag-atake sa Europa ay
nakaplano na rin at inilagay sa mga kabiserang lungsod ng Europa mula noon.
Ang
Hezbollah, Islamic Jihad at iba pang mga teroristang proxies ng rehimen ay
armado na ng mga microbial weapons. Iniulat ng media noong 2012 na ang mga
chemical at microbial weapons ay inilipat na sa mga proxies ng Iran sa rehiyon.
Ang mga
planong labanan simula noong 2012 ay hindi natuloy, at ang krisis ay patuloy na
lumalala hanggang 2019 para sa mga huling digmaan.
Ang mga
nuclear test ng North Korea ay bahagi lamang ng serye ng nuclear armament sa
pakikipagtulungan sa Iran at sa mga pwersang Islamist. Ang kawalan ng katiyakan
ng mga pagpapadala ng ICBM ang magtutulak sa kanila na magpasya sa paggamit ng
mga barko upang ipadala ito sa mga lungsod at daungan ng Kanluran. Ang mga bio-chemical weapons ay maaaring
gamitin muna, at pagkatapos ay susundan ng isang nuclear na pag-atake sa
maraming lokasyon. Gagamitin din ang mga satchel nukes ng Russia, at halos
isang daan nito ang "nawala" mga dalawang dekada na ang nakalipas.
Mukhang walang alinlangan na ang mga ito ay ginawang "maglaho" upang
maiwasan ang pagtuklas ng mga nuclear agencies.
Ang Kanluran ay may dalawang kampo
ang intelligence at ang mga komunidad ng
NWO na nagsisikap na wasakin ang mga
kampong Islamist at ang mga kampong pampulitika at panlipunan na naniniwala sa
maling akala na kung magbubulag-bulagan sila, mawawala na lang lahat ito.
Siyempre hindi ito mawawala at ang
Digmaan ng Ikalimang Pakakak ay susundan ng Digmaan ng Ikaanim na pakakak at ang
wawasak ng mahigit sa kalahati ng mundo. Ang pinagsamang mga digmaan ay
itinuturing na mga huling digmaan ng Hari ng Hilaga sa Daniel kabanata 11:40ff.
Mananalo ang sistema ng NATO sa
labanang ito at babalik para kontrolin ang Gitnang Silangan at ilalagay ang
punong-tanggapan nito mula sa Jerusalem hanggang Gaza na magiging Punong
Himpilan ng Hayop sa loob ng 42 buwan. Sa panahong ito, ililipat ang mga
Palestinian sa Jordan na nananatili ang awtonomiya nito.
Ang yugto ng 42 buwang ito ay
kapareho ng yugto ng Dalawang Saksi na binanggit sa Apocalipsis 11. Gagawin
nila ang kanilang tungkulin sa loob ng 1260 araw na kapareho din ng 42 buwan ng
Pananakop ng Hayop. Ang pagkakasunud-sunod na ito ay ipinaliwanag sa araling The Witnesses including
the Two Witnesses (No. 135).
Kapangyarihan ng mga Saksi
Ang mga kapangyarihan ng mga Saksi
at kung ano ang kanilang tinutugunan sa mga bansa na labis na ikinagagalit ng
mga bansa ay isang mahalagang kwento na dapat bigyan ng pansin.
Apocalipsis 11:1-5 Pagkatapos ay
binigyan ako ng isang tambong panukat na tulad ng isang tungkod, at sinabi sa
akin, “Tumayo ka at sukatin mo ang templo ng Diyos, ang dambana, at ang mga
sumasamba roon. 2 Ngunit huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng
templo; pabayaan mo na iyon, sapagkat ibinigay iyon sa mga bansa at kanilang
yuyurakan ang banal na lunsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. 3
Papahintulutan ko ang aking dalawang saksi na magpahayag ng propesiya sa loob
ng 1,260 araw, na nakasuot ng damit-sako.” 4 Ang mga ito'y ang
dalawang punong olibo at ang dalawang ilawan na nakatayo sa harapan ng
Panginoon ng lupa. 5 At kung naisin ng sinuman na sila'y pinsalain,
apoy ang lumalabas sa kanilang bibig at nilalamon ang kanilang mga kaaway; at
kung naisin ng sinuman na sila'y pinsalain, siya'y kailangang patayin sa
ganitong paraan.
Kaya't makikita natin na sa loob ng 42 buwan kung saan ang
mga bansa ay yuyurakan ang Banal na Lungsod sa kanilang pananakop sa lugar mula
sa dagat hanggang sa Jerusalem pagkatapos nilang bumalik mula sa mga digmaan ng
Ikalima at Ikaanim na Pakakak sila ay haharapin ng mga Saksi. Ang mga Saksi ay
nasa ilalim ng proteksyon ng Diyos at sinumang magtangkang pumatay sa kanila sa
loob ng 1260 araw ng kanilang propesiya ay sa katulad na paraan ay papatayin.
Ang kanilang mga kapangyarihan ay mahalaga at ginagamit
upang harapin ang mga huwad na relihiyon at ang di-tama at di-biblikal na
pamahalaan ng mundo. Mula sa talata 6 makikita natin na kaya nilang pigilan ang
pag-ulan sa takdang panahon sa mundo at kaya nilang gawing dugo ang mga tubig
at pahirapan ang lupa ng bawat salot sa tuwing sa tingin nila ay kailangan.
11:6 Ang mga
ito'y may kapangyarihang magsara ng langit upang huwag umulan sa loob ng mga
araw ng kanilang pagpapahayag ng propesiya at may kapangyarihan sila sa mga
tubig na gawing dugo, at pahirapan ang lupa ng bawat salot sa tuwing kanilang
naisin.
Ang mga kapangyarihang ito ay kaugnay ng mga teksto sa
Isaias 66:23 at Zacarias 14:16-19. Sa madaling salita, ang kanilang
pagpapatotoo ay nakaugnay sa Sagradong Kalendaryo at sa Kautusan ng Bibliya.
Uutusan ang mundo na sundin ang Sabbath at mga Bagong Buwan,
at ipagdiwang ang mga Kapistahan ayon sa Bibliya at sistema ng Templo. Ang unang haharapin ay ang mga Judio at Arabo
sa Jerusalem. Uutusan sila na tanggalin ang sistemang Hillel na nakabase sa
Babilonia noong 358 CE at pati na rin ang mga Babylonian intercalations nito at
kung hindi haharapin sila nang may kapangyarihan. Ang mga Trinitarian
Christians at Hadithic Muslims ay uutusan na gawin din ito o hindi sila
magkakaroon ng ulan sa takdang panahon at magdurusa sila sa mga salot ng Ehipto
at ang kanilang tubig ay magiging dugo. Gayon din ang buong sistemang
panrelihiyon sa Asya at India. Ang pagiging dugo ng tubig na nagsimula sa mga
pakakak ay ipagpapatuloy sa ilalim ng mga Saksi. Ang mga panrelihiyong pandaraya ng US ng mga
kulto ng Araw at Misteryo at lahat ng mga Iglesia ng Diyos na gumagamit ng
Kalendaryong Hillel ay parurusahan at ang mga ministrong nagtuturo ng mga
kasinungalingang ito, kabilang ang mga nasa Iglesia ng Diyos, ay
parurusahan. Dahil dito at sa
katotohanang hindi kinikilala ng mga Saksi ang mga huwad na sistemang itinatag
sa ilalim ng Judaismo at ang mga sistema ng Sardis at Laodicea ng mga Iglesia
ng Diyos, gayundin ang mga huwad na relihiyon ng kulto ng Araw at Misteryo, ang
buong mundo ay magagalak kapag sila sa wakas ay pinatay ng Hayop gaya ng
nakikita natin mula sa talata 7.
11:7-8 At
kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa
di-matarok na kalaliman ay makikipagdigma sa kanila, lulupigin sila, at
papatayin. 8 At ang kanilang mga bangkay ay hahandusay sa lansangan
ng malaking lunsod, na sa espirituwal na pananalita ay tinatawag na Sodoma at
Ehipto, na kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon.
Sa loob ng panahong ito,
ipagdiriwang ng buong mundo ang kanilang pagkamatay sa pamamagitan ng
pagpapalitan ng mga regalo sa ilalim ng huwad na sistemang panrelihiyon na
itinatag ng mga tagapaglingkod ni Satanas at ng Anticristo. At pagkatapos ng
tatlo at kalahating araw sila ay muling bubuhayin sa pagbabalik ng Mesiyas.
11:9-14 At ang mga tao mula sa gitna
ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang
mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga
bangkay ay malibing. 10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay
mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng
mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan
sa ibabaw ng lupa. 11 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang
hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y
nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila. 12
At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo
rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng
kanilang mga kaaway. 13 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang
malakas na lindol, at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay
sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, at nangagbigay
ng kaluwalhatian sa Dios ng langit. 14 Nakaraan na ang ikalawang
Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.
Sa panahong ito na ang Ikatlong Pagkaaba ay ipapataw sa lupa
ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo at ng tapat na Hukbo kung saan kasama ang mga
nabuhay na mag-uling mga banal ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli.
Sa panahong ito sisimulan ni Cristo ang pagharap sa mundo at
bibihagin ang pagkabihag at lilipulin ang mga hukbo ng Hayop. Ang Unang hukbo
na kanyang haharapin ay ang Hari ng Hilaga na siyang puwersa ng mga hukbo ng
NATO. Wawasakin niya ang Anticristo at ang Huwad na Propeta sa kanyang
pagdating at pagkatapos ay sisimulan niyang wasakin ang mga relihiyon ng kulto
ng Araw at Misteryo sa buong mundo. Bawat isang huwad na relihiyon ng mga
Trinitarians na nangingilin ng Linggo at ang Hadithic Muslims at ang mga
tagasunod ng sistema ng Hayop at huwad na relihiyon ng sanlibutang ito, sa
buong mundo, ay dadalhin sa Megido at papatayin ang kanilang mga hukbo, at
wawasakin ang kanilang mga kagamitan; at pagkatapos ay haharapin ang mga
mamamayan nila sa kani-kanilang bansa.
Magpatuloy tayo sa Apocalipsis 11.
11:15-19 At humihip ang ikapitong
anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang
kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at
siya'y maghahari magpakailan kailan man. 16 At ang dalawangpu't apat
na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay
nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, 17 Na nangagsasabi,
Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na
ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong
dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari. 18 At nangagalit ang mga
bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang
mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga
alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan,
maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa. 19
At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang
kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga
kulog, at isang lindol, at malaking granizo.
Kaya't makikita natin sa pagtatapos
ng 1260 araw na ang mga Saksi ay pinatay ng kapangyarihan ng Hayop na sa wakas
ay pinahintulutang patayin sila. Sa loob
ng 1260 araw ay nagpatotoo sila sa sanlibutan at ipinahayag kung ano ang
inaasahan sa mga tao sa buong mundo at nagdulot ng mga salot, sunog, at
tagtuyot dahil sa hindi nila susundin ang Diyos. Nakahandusay sila sa mga
lansangan sa loob ng 3.5 araw dahil hindi sila pahihintulutang mailibing upang
ang kanilang pagpapatotoo ay mapawalang saysay. Sa pagtatapos ng 3.5 araw sila
ay muling bubuhayin sa sigaw ng Arkanghel at ang Mesiyas ay darating sa Bundok
ng mga Olibo. Mahahati ito sa dalawa at bubuo ng isang napakalaking lambak na
66 km ang haba at magsasara ng dila ng dagat ng Ehipto at magiging isang
nakahandang lugar ng pagpatay para sa mga hukbo ng sanlibutan sa tinatawag na
Armagedon.
Nagsimula ang mga digmaan sa Gitnang
Silangan sa ilalim ng Pundamentalistang Islam mula 2001 at gayundin ang
kanilang mga pag-atake sa Kanluraning kapangyarihan at mga pangunahing lungsod.
Magpapatuloy ang digmaang ito
hanggang sa pagdating ng Mesiyas, at sa ilalim ng kanyang pamumuno sa loob pa
ng isang karagdagang sabbatical cycle.
Ang pagkakasunud-sunod at mga bansang kasangkot ay ipinaliwanag sa
araling The War of Hamon-Gog (No. 294).
Ang Mesiyas ay ipinadala upang
wasakin ang mga huwad na relihiyon ng planeta na itinayo sa ilalim ng
Trinitarian Christianity at Hadithic Islam pati na rin ang mga relihiyon ng
Liberation Theology. Ang Hukbo ay haharapin din ang mga humanist system ng
Agnosticism at Atheism pati na rin ang pananampalatayang Gnostic ng
Antinomianism at ang paniniwala sa langit at impiyerno. Ang huwad na relihiyon
at ang mga huwad na guro nito at ang Animinism ay lilipulin ni Cristo sa loob
ng yugtong ito (Tingnan din: Antinomian Attacks on the
Law of God (No. 164D); Antinomian Denial of
Baptism (No. 164E) at Antinomian Destruction of
Christianity by Misuse of Scripture (No. 164C).)
Ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos
Ito ang pitong panghuling salot at
sa mga ito'y matatapos ang poot ng Diyos.
Apocalipsis 15:1-8 At nakita ko ang
isa pang tanda sa langit, dakila at kamanghamangha: pitong anghel na may pitong
salot, na siyang mga panghuli, sapagkat sa mga ito'y matatapos ang poot ng
Diyos. 2 At nakita ko ang tulad sa isang dagat na kristal na may
halong apoy, at ang mga dumaig sa halimaw at sa larawan nito, at sa bilang ng
pangalan nito na nakatayo sa tabi ng dagat na kristal at may hawak na mga alpa
ng Diyos. 3 At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Diyos,
at ang awit ng Kordero na sinasabi, “Dakila at kamanghamangha ang iyong mga
gawa, O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Matuwid at tunay ang
iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa. 4 Sinong hindi matatakot
at luluwalhati sa iyong pangalan O Panginoon, sapagkat ikaw lamang ang banal.
Ang lahat ng mga bansa ay darating at sasamba sa harapan mo; sapagkat ang iyong
mga matuwid na gawa ay nahayag.” 5 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay
tumingin ako, at ang templo ng tolda ng patotoo sa langit ay nabuksan. 6
At mula sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, na
nakadamit ng dalisay at makintab na lino, at nabibigkisan ng gintong pamigkis
ang kanilang mga dibdib. 7 At isa sa apat na nilalang na buháy ay
nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na punô ng poot ng Diyos,
na siyang nabubuhay magpakailanman. 8 At napuno ng usok ang templo
mula sa kaluwalhatian ng Diyos at mula sa kanyang kapangyarihan; at walang
sinumang nakapasok sa templo hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong
anghel.
Kaya't ang isa sa mga kerubin na
nakapaligid sa trono ng Diyos ang nagbigay sa pitong anghel na inatasan sa
gawain ng pitong mangkok o sisidlan na may mga salot ng poot ng Diyos.
Pagkatapos ay sinabihan silang pumunta at ibuhos ang mga mangkok sa lupa.
Apocalipsis 16:1-2 At narinig ko ang
isang malakas na tinig na mula sa templo, na nagsasabi sa pitong anghel,
“Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng poot ng Diyos.” 2
Kaya't humayo ang una at ibinuhos ang kanyang mangkok sa lupa; at nagkaroon ng
nakakapandiri at masamang sugat ang mga taong may tanda ng halimaw, at ang mga
sumamba sa larawan nito.
Ang mga tanda ng unang mangkok ay
laban sa mga huwad na relihiyon sa mundo sa mga huling araw. Ito ang paghatol
sa patutot at sa lahat ng sumunod sa sistema ng Babilonia sa buong mundo.
WALANG bansa ang magiging ligtas sa mangkok na ito o sa iba pa. Ang bawat ministro at pari na hindi sumusunod
sa mga Kautusan ng Diyos at sa Sagradong Kalendaryo at nagtuturo sa iba na
huwag gawin ito ay mamamatay (tingnan din ang araling God’s Calendar (No. 156)). Bawat bansa ay inaatasang
ipangilin ang mga Sabbath at mga Bagong Buwan at ang mga Kapistahan at sa mga
kapistahan ng Tabernakulo ay dapat nilang ipadala ang kanilang mga kinatawan ng
bansa sa Jerusalem sa ilalim ng Mesiyas upang tumanggap ng tagubilin. Ang mga hindi susunod dito ay hindi
makakatanggap ng ulan sa takdang panahon at daranasin nila ang mga salot ng
Ehipto (Zac. 14:16-19). Hindi ito
negotiable at magpapatuloy ito sa susunod na 1100 taon.
Ikalawa at Ikatlong Mangkok
Ang ikalawa at ikatlong mangkok ay
tumutukoy sa kapasidad na mabuhay sa lupa man o sa dagat.
Apocalipsis 16:3-7 Ibinuhos naman ng
ikalawa ang kanyang mangkok sa dagat at ito'y naging parang dugo ng isang taong
patay; at bawat may buhay na nasa dagat ay namatay. 4 Ibinuhos ng
ikatlo ang kanyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at naging dugo
ang mga ito. 5 At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi,
“Matuwid ka, ikaw na siyang ngayon at ang nakaraan, O Banal, sapagkat hinatulan
mo ang mga bagay na ito, 6 sapagkat pinadanak nila ang dugo ng mga
banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo. Ito'y karapat-dapat sa
kanila!” 7 At narinig ko ang dambana na nagsasabi, “Opo, Panginoong
Diyos na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol!”
Habang hinahatulan nila ang mga
lingkod ng Diyos na mga banal at mga propeta sila mismo ay hinahatulan. Ang lahat ng mga taong nagsikap na sundin ang
mga kautusan ng Diyos at ang mga Sabbath at ang Sagradong kalendaryo at pinatay
dahil dito sa loob ng maraming siglo ay mabubuhay na mag-uli at uupo para
hatulan ang mga bansang ito at mapipilitan silang sumunod sa mga kautusan ng
Diyos.
Ang Ikaapat na Mangkok
Ang susunod na mangkok ay may
kinalaman sa mga sistemang pampulitika sa mundo at sa mga siyentipiko na
gumamit ng natural na mga siklo ng planeta upang kontrolin ang istruktura at
ipatupad ang pagbabago sa pulitika at social engineering sa pamamagitan ng mga
maling turo ng global warming sa mga huling araw. Habang ang Global Warming ay
itinuring at itinuro na kagagawan ng tao na taliwas sa mga makasaysayang
katotohanan tungkol dito na may kaugnayan sa mga solar cycle ang mundo ay
tinuturuan na ang Diyos ang nakikitungo sa tao at nagliligtas o nagpapagaling
at nagpapakain sa kanila. Ang mga siyentipiko ay patuloy na sumasalungat sa
direksyon ng Mesiyas at ng Hukbo at pinarurusahan sila sa kanilang ginawa sa
lupa.
16:8-9 At ibinuhos ng ikaapat ang
kanyang mangkok sa araw at pinahintulutan itong pasuin ng apoy ang mga tao. 9
At napaso ang mga tao sa matinding init, ngunit kanilang nilait ang pangalan ng
Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nagsisi upang
siya'y luwalhatiin.
Sa halip na magsisi at magbigay ng
kaluwalhatian sa Diyos ay hindi sila nagsisisi at pinagdudusahan nila ang mga bagay na sana'y
hindi na nila kailangang danasin. Ang
buong mundo ay sumasalungat kay Cristo at nagpapadala ng kanilang mga hukbo
laban sa kanya at pagkatapos, kapag napilitan silang harapin ito sa kanilang
sariling mga lupain, isinusumpa pa nila ang Diyos sa halip na magsisi (tingnan
ang mga araling Global Warming and
Biblical Prophecy (No. 218) at Global Warming –
Historical Cycles (No. 218B)). Ang Siyensiya at Ebolusyon ay ang
mga relihiyong hinaharap sa ilalim ng
mangkok na ito.
Ang Ikalimang Mangkok
16:10-11 Ibinuhos naman ng ikalima
ang kanyang mangkok sa trono ng halimaw, at nagdilim ang kanyang kaharian.
Kinagat ng mga tao ang kanilang mga dila dahil sa hirap, 11 at
nilait nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga
sugat; at hindi sila nagsisi sa kanilang mga gawa.
Ang Hayop ay ang New World Order na
nagtatag ng kanyang imperyo sa mga huling araw na ito at kinokontrol ng mga
pulitiko at mga banker at mga tagapaglingkod ni Satanas na binigyan ng
pamamahala sa mundo at sa International financial system nito kabilang ang IMF
at World Bank at ang Sampung sistemang panrehiyon na sinasagisag ng Sampung
Daliri ng mga Paa ng Bakal at Luwad.
Unang papatayin ni Cristo ang mga
pinuno ng sistemang ito na nakabase sa Jerusalem sa kanyang pagbabalik at
pagkatapos ay wawasakin ang International monetary system na nakabase sa Europa
at UK at US at sa Japan at China at sa iba pang national unions na bahagi nito.
Ang buong sistema ng pananalapi ng
mundo at ang mga bankers na nagsabwatan upang wasakin ang mga bansa ay
mawawasak din at ang mga sistema ng pananalapi at mga sistemang pangkalakal ng
mundo ay mawawasak. Ang pagkawasak ay magsisimula sa Europa at US. Ang mga
computerised systems ng kuryente at pagpapa-init at pa-ilaw ay sisirain ng
electromagnetic pulse kaya’t magdidilim.
Ang Ikaanim na Mangkok
Matapos na ang mga puwersa ng Hari
ng Hilaga sa ilalim ng NATO ay mawasak sa Megido at harapin ni Cristo ang sistema
ng pananalapi, ang Euphrates at ang mga sistema ng Arabo ay dinala sa
pagpapasakop at pagkatapos ay ang mga Asyano ay nagmartsa laban kay Cristo sa
Megido na daraan sa Iran at Iraq at sa pamamagitan ng Euphrates basin.
Bago ang pagsalakay na iyon, inihanda
ng mga puwersang Sataniko ang paglaban sa Mesiyas sa pamamagitan ng masasamang
espiritu ng mga puwersang Sataniko gamit ang sistema ng Hayop at ang
kapangyarihan ni Satanas at ang sistemang panrelihiyon sa mga huling araw na
batay sa mga kulto ng Araw na unang nakasentro sa Roma ngunit lumipat ito sa
punong-himpilan ng Hari ng Hilaga sa Jerusalem sa loob ng 42 buwan.
Sa sandaling dumating si Cristo sa
Bundok ng mga Olibo ay mahahati ito sa dalawa; kasabay nito ay dadakpin si
Satanas at ikukulong sa hukay ng kailaliman. Ang bulaang propeta ay papatayin
din kasama ng Anticristo at pagkatapos ay sisimulan ni Cristo ang pagharap sa
mga sistema ng daigdig una sa Europa at US at sa Amerika at pagkatapos ay sa
buong mundo mula sa Russia hanggang China at Japan. Lahat ng hukbo ng
sanlibutan sa mga huling araw na ito ay magmamartsa laban kay Cristo at sa
Hukbo sa Jerusalem at Megido.
16:12-16 Ibinuhos ng ikaanim ang
kanyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates at natuyo ang tubig nito, upang
ihanda ang daraanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw. 13 At
nakita kong lumabas sa bibig ng dragon at mula sa bibig ng halimaw at mula sa
bibig ng bulaang propeta ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga
palaka. 14 Sila'y mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga
tanda; pumupunta sa mga hari ng buong daigdig, upang tipunin sila sa digmaan ng
dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 15 (“Masdan
ninyo, ako'y dumarating na gaya ng magnanakaw. Mapalad ang nananatiling gising
at nakadamit, upang siya'y hindi lumakad na hubad at makita ang kanyang
kahihiyan.”) 16 At sila'y tinipon nila sa lugar na sa Hebreo ay
tinatawag na Armagedon.
Ang sanggunian na ito ay tumutukoy
sa mga demonyong ipinadala bago ang pagdating ng Mesiyas bago pa man ang kanyang
pagparito.
Wala ni isang hukbo o puwersa ang
matitirang nakatayo. Ang makakaligtas
lamang ay ang mga nagpanatiling malinis ang kanilang kasuotan at nanatiling
tapat sa mga Utos ng Diyos at sa Pananampalataya o patotoo kay Cristo (Apoc.
12:17; 14:12).
Ang Ikapitong Mangkok
16:17-21 Ibinuhos ng ikapitong
anghel ang kanyang mangkok sa himpapawid at lumabas sa templo ang isang malakas
na tinig, mula sa trono na nagsasabi, “Naganap na!” 18 At nagkaroon
ng mga kidlat, mga tinig, mga kulog, at malakas na lindol, na hindi pa nangyari
kailanman mula nang magkaroon ng tao sa lupa, isang napakalakas na lindol. 19
Ang dakilang lunsod ay nahati sa tatlo, at ang mga lunsod ng mga bansa ay
bumagsak. Naalala ng Diyos ang dakilang Babilonia at binigyan niya ito ng kopa
ng alak ng kabagsikan ng kanyang poot. 20 At tumakas ang bawat pulo
at walang mga bundok na matagpuan. 21 At bumagsak sa mga tao ang
ulan ng malalaking yelo na ang bigat ay halos isandaang libra buhat sa langit,
at nilait ng mga tao ang Diyos dahil sa salot na ulan ng yelo, sapagkat ang
salot na ito ay lubhang nakakatakot.
Sa yugtong ito na ang buong sistema
ng mundo ay maaapektuhan ng mga epekto ng mga mangkok at ang pag-init ng mundo
sa pamamagitan ng solar activity. Ang solar heat ay magpapainit dito,
magtutunaw ng malaking bahagi ng yelo, at tatakpan ang mga isla sa mundo.
Babaguhin ng mga mangkok ang istraktura ng lupa. Mula sa pagbabalik ng Mesiyas
at sa pagkawala ng dila ng Red Sea at hanggang sa napakalakas lindol at sa Red
Sea Rift at sa Africa ay may malaking pagbabago sa klima na gagamitin bilang
parusa para sa mga bansa. Ang malalaking
yelo na isandaang libra ay napakalaki at magdudulot ng malawakang pagkawasak at
pagbabago ng mga kondisyon ng pamumuhay sa planeta. Magpapatuloy ang pagbabagong
ito hanggang sa milenyo. Kaunti na lang ang matitira sa sistema ng sanlibutang
ito.
Ang Paghuhukom sa Patutot sa pamamagitan ng mga Mangkok ng
Poot ng Diyos
Ang paliwanag sa pagkawasak ng
panrelihiyong patutot ng Babilonia ay nasa susunod na dalawang kabanata. Isang bagay na dapat malinaw na maunawaan ay
walang magiging negosasyon at walang gawain sa mga huwad na sistemang
panrelihiyon na ito ang makakaligtas sa kaparusahan. Ang mga kulto ng Araw at ang kanilang mga
araw ng pagsamba maliban sa mga Sabbath at mga Bagong Buwan at mga Kapistahan
ng Diyos ay lilipulin. Walang anumang
sistema ng pagsamba na hindi sinasang-ayunan o pinahintulutan ng Bibliya,
kabilang na ang malaking heresiya ni Hillel II at apostatang Judaismo, ang
papayagang mabuhay. Wala sa kanilang mga pari ng sistemang Baal ang papayagang
mabuhay at kabilang dito ang lahat ng mga paring nakaitim na sutana na
sumasamba tuwing Linggo o Biyernes sa mga mosque o maging sa mga Sabbath sa
Judaismo. Hindi sila papayagang mabuhay. Lahat sila ay magsisisi o mamamatay,
at kasama na rito ang mga Iglesia ng Diyos.
Wala isa man sa mga mapagmatuwid sa sarili na sumasamba tuwing Linggo na
mga Trinitarian Baptist, Episcopalian, Anglican, Orthodox o mga paring Romano
Katoliko ng mga sistemang Amerikano o Europeo ang papayagang mabuhay nang
walang pagsisisi. Balewala gaano man karami ang kanilang pangangaral laban sa
Mesiyas at sa sistema ng Templo na itatatag mula sa Jerusalem. Sila ay magsisisi o mamamatay. Hindi maaaring masira ang kasulatan (Jn. 10:34-36).
Ang buong sistemang panrelihiyon sa US at Hilagang Amerika na nakabatay sa
kanilang kalendaryong sibil ng mga pista ng mga kulto ng Araw ay wawasakin
tulad ng sa Europa, Gitnang Silangan, Asya at Timog Amerika. Makikipagdigma
silang lahat sa Cordero at magmamartsa laban sa Kanya sa ilalim ng mga mangkok
ng poot ng Diyos. Gayundin ang patutot
at lahat ng kanyang mga tagasunod sa lahat ng mga kulto ng Araw at Misteryo ay
wawasakin pati na rin ang bawat gusali at estatwa o icon at obelisk o edipisyo
na kanilang itinayo. Mawawasak silang lahat bago magsimula ang sistemang
milenyal. Walang anumang bahagi ng idolatriyang ito ang papasok dito o
gagamitin sa pagtatayo dito.
Apocalipsis 17:1-15 At dumating ang
isa sa pitong anghel na may pitong mangkok at nagsalita sa akin na nagsasabi,
“Halika. Ipapakita ko sa iyo ang hatol sa tanyag na mahalay na babae na nakaupo
sa ibabaw ng maraming tubig; 2 na sa kanya'y nakiapid ang mga hari
sa lupa, at ang mga naninirahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kanyang pakikiapid.
3 At ako'y kanyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang at nakita
ko ang isang babae na nakasakay sa isang halimaw na pula, na punô ng mga
pangalan ng kalapastanganan na may pitong ulo at sampung sungay. 4
Ang babae ay nakadamit ng kulay-ube at ng matingkad na pula, nagagayakan ng
ginto at ng mahahalagang bato at mga perlas, at hawak sa kanyang kamay ang
isang kopang ginto na punô ng mga karumaldumal at mga bagay na marurumi ng
kanyang pakikiapid, 5 at sa kanyang noo ay nakasulat ang isang
pangalan, ang isang hiwaga: “dakilang Babilonia, ina ng mga mahalay na babae at
ng mga karumaldumal sa lupa.” 6 At nakita ko ang babae na lasing sa
dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. Nang makita ko siya, ako
ay lubhang nanggilalas. 7 Ngunit sinabi sa akin ng anghel, “Bakit ka
nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng sinasakyan niyang
halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. 8 Ang halimaw na nakita
mo ay buháy noon at ngayo'y wala na, at malapit nang umahon mula sa di-matarok
na kalaliman at patungo sa kapahamakan. At silang mga naninirahan sa lupa, na
ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang
sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat buháy noon
ngunit ngayo'y wala na at darating pa. 9 “Kailangan dito ang
pag-iisip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng
babae; sila rin ay pitong hari, 10 ang lima sa kanila ay bumagsak,
ang isa'y nananatili pa, ang isa ay hindi pa dumarating at pagdating niya,
kailangang magpatuloy siya nang sandaling panahon. 11 At ang halimaw
na buháy noon at ngayo'y wala na, ay siya ring ikawalo ngunit kabilang sa pito
at siya'y patungo sa kapahamakan. 12 At ang sampung sungay na iyong
nakita ay sampung hari, na hindi pa tumatanggap ng kaharian; subalit sila'y
tatanggap ng kapangyarihan bilang mga hari sa loob ng isang oras, kasama ng
halimaw. 13 Ang mga ito ay may isang pag-iisip at ibinibigay nila
ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw. 14
Makikipagdigma ang mga ito laban sa Kordero at sila'y dadaigin ng Kordero,
sapagkat siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at ang mga
kasama niya ay mga tinawag, mga hinirang at tapat.” 15 At sinabi
niya sa akin, “Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng mahalay na babae ay
mga bayan, napakaraming tao, mga bansa, at mga wika.
Ang patutot na ito ay haharapin ng
Hayop sa mga huling araw at siya ay wawasakin ng Hayop mismo sa ilalim ng
huling imperyo na ito ng Sampung Rehiyong Pang-Ekonomiya ng NWO ng Hayop.
17:16-18 At ang sampung sungay na
iyong nakita, sila at ang halimaw ay mapopoot sa mahalay na babae; siya'y
pababayaan at huhubaran nila, lalamunin ang kanyang laman at siya'y lubos na
susunugin sa apoy. 17 Sapagkat inilagay ng Diyos sa kanilang mga
puso na gawin ang kanyang layunin at magkaisa ng pag-iisip at ibigay ang
kanilang paghahari sa halimaw, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos. 18
Ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lunsod na naghahari sa mga hari sa
lupa.”
Ito ay ang Roma noon at ngayon na
sentro ng mga huling imperyo ng sistemang Babilonia at matapos na mawasak ang
luklukan ng kapangyarihan nito at lumipat ito sa Jerusalem ito mismo ay
wawasakin ng Mesiyas sa ilalim ng utos ng Diyos na humahatol sa kanya.
Pagkatapos ang buong mundo ay dadalhin sa pagpapasakop sa ilalim ng Mesiyas sa
pamamagitan ng kapighatian ng mga Mangkok ng Poot ng Diyos at ang buong mundo
ay dadalhin sa pagpapasakop sa Diyos sa ilalim ng pamamahala ni Cristo mula sa
Jerusalem.
Apocalipsis 18:1-24 Pagkatapos ng
mga bagay na ito ay nakita ko ang isa pang anghel na nananaog mula sa langit,
na may dakilang kapangyarihan; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang
kaluwalhatian. 2 At siya'y sumigaw nang may malakas na tinig na
nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia! Ito'y naging tirahan ng
mga demonyo, pugad ng bawat espiritung karumaldumal, at pugad ng bawat
karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon; 3 sapagkat lahat ng mga
bansa ay uminom ng alak ng galit ng kanyang pakikiapid, at ang mga hari sa lupa
ay nakiapid sa kanya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay yumaman dahil sa
kapangyarihan ng kanyang kalayawan.” 4 At narinig ko ang isa pang
tinig na mula sa langit na nagsasabi, “Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko,
upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan, at huwag kayong makabahagi
sa kanyang mga salot; 5 sapagkat ang kanyang mga kasalanan ay
nagkapatung-patong na umaabot hanggang sa langit, at natatandaan ng Diyos ang
kanyang mga kasalanan. 6 Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya
sa inyo, at bayaran ninyo ng makalawang ulit ang kanyang mga gawa; sa kopang
kanyang pinaghaluan ay inyong ipaghalo siya ng makalawang ulit. 7
Kung gaano siya nagmalaki at namuhay sa kalayawan, ay gayundin ang ibigay ninyo
sa kanyang pahirap at pagluluksa.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang
puso, ‘Ako'y nakaupong isang reyna. Hindi ako balo at hindi ko makikita
kailanman ang pagluluksa.’ 8 Kaya't sa loob ng isang araw ay
darating ang mga salot sa kanya, kamatayan, pagluluksa at gutom; at siya'y
lubos na susunugin sa apoy; sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na
humatol sa kanya.” 9 At ang mga hari sa lupa na nakiapid at namuhay
sa kalayawan na kasama niya, ay iiyakan at tatangisan siya kapag nakita nila
ang usok ng pagsusunog sa kanya. 10 Sila'y tatayo sa malayo dahil sa
takot sa pahirap sa kanya, na nagsasabi, “Kahabag-habag, kahabag-habag ang
dakilang lunsod, ikaw na makapangyarihang lunsod ng Babilonia! Sapagkat sa
isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.” 11 Ang mga mangangalakal
sa lupa ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bibili
pa ng kanilang kalakal; 12 kalakal na ginto at pilak, mahalagang
bato at mga perlas, pinong lino, kulay-ube, sutla at pula; ng sari-saring
mababangong kahoy, at bawat kasangkapang garing, bawat kasangkapang mahalagang
kahoy, tanso, bakal, marmol, 13 kanela, pampalasa, kamanyang, mira
at insenso; alak at langis, at mainam na harina at trigo, mga baka at mga tupa,
mga kabayo at mga karwahe, at mga alipin; at ng mga kaluluwa ng mga tao. 14
“Ang mga bungang ninanais ng kaluluwa mo ay wala na sa iyo, at lahat ng mga
bagay na mararangya at mariringal ay nalipol sa iyo, at hindi na kailanman
matatagpuan pang muli!” 15 Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito
na tumatangis at tumataghoy, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo
dahil sa takot sa pahirap sa kanya, 16 na nagsasabi, “Kahabag-habag,
kahabag-habag ang dakilang lunsod, siyang nagsusuot ng pinong lino at ng
kulay-ube, at pula, at napapalamutian ng ginto, mahahalagang bato at perlas! 17
Sapagkat sa loob ng isang oras ay nalipol ang ganito kalaking kayamanan!” At
ang bawat pinuno ng barko, ang bawat naglalayag saan mang dako, ang mga
mandaragat, at lahat ng naghahanap-buhay sa dagat, ay nakatayo sa malayo, 18
at nagsisisigaw pagkakita sa usok ng pagsusunog sa kanya, na nagsasabi, “Anong
lunsod ang katulad ng dakilang lunsod?” 19 At sila'y nagbubuhos ng
alabok sa kanilang mga ulo at nagsisigawan, na nag-iiyakan at nananaghoy, na
nagsasabi, “Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod, na siyang
nagpapayaman sa lahat na may mga barko sa dagat, dahil sa kanyang mga
kayamanan! Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak! 20
Magalak ka tungkol sa kanya, O langit, at kayong mga banal at mga apostol, at
mga propeta; sapagkat iginawad na ng Diyos para sa inyo ang hatol sa kanya!” 21
Pagkatapos ay dinampot ng isang malakas na anghel ang isang bato, na gaya ng
isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat na sinasabi, “Sa ganitong
karahasan ibabagsak ang dakilang Babilonia, at hindi na matatagpuan pa. 22
At ang tunog ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog
ng plauta, at ng mga manunugtog ng trumpeta ay hindi na maririnig pa sa iyo; at
wala nang manggagawa ng anumang gawa ang matatagpuan pa sa iyo; at ang ingay ng
gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo; 23 at ang liwanag ng
ilawan ay hindi na tatanglaw pa sa iyo at ang tinig ng lalaking ikakasal at ng
babaing ikakasal ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagkat ang mga
mangangalakal mo ay dating mga pangunahin sa lupa; sapagkat dinaya ng iyong
pangkukulam ang lahat ng mga bansa. 24 At natagpuan sa kanya ang
dugo ng mga propeta at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.”
Kaya wawasakin ang lungsod na ito,
kasama ang mga lungsod na nakasama nito sa pamumuno, at ang buong sistema ng
pananalapi ng mundo na pinamumunuan ng Hayop na ito. Ang Hayop na ito na
pumuksa sa patutot na ito ay nawasak at pagkatapos sa pamamagitan ng walang
habas na paghihimagsik nito ay inilalagay ang buong mundo sa ilalim ng
paghihiganti ng Diyos. Lubhang kaduda-duda kung mananatili ang sistemang
pampulitika ng Amerika sa mga huling araw na ito, dahil ang sistema nito ay
nagkakawatak-watak at ang mga grupong panlipunan ay muling bumubuo ng mga
armadong grupo, at malamang na magkaroon ng rebelyon. Mapupuno ang Kanluran ng
mga internment camp para sa mga Islamist na ikukulong.
Kaligtasan at Pagpapanumbalik ng Iglesia ng Diyos
Sa panahong ito ang Iglesia ng Diyos
ay ililigtas at ang mga banal ay bubuhayin na mag-uli at ang lahat ng hindi
sumamba sa Hayop o tumanggap ng tanda nito ay ililigtas at ang mga lipi ay
ipapanumbalik at dadalhin sa kanilang mga lugar ng pamana (Isa. 65:17-25).
Pagkatapos nito, ituturo sa buong mundo ang mga kautusan ng Diyos at ang
pananampalatayang ibinigay noon sa mga banal.
Apocalipsis 19:1-3 Pagkatapos ng mga
bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malakas na tinig ng napakaraming
tao sa langit, na nagsasabi, “Aleluia! Ang kaligtasan, at kaluwalhatian, at
kapangyarihan ay nauukol sa ating Diyos. 2 Sapagkat tunay at matuwid
ang kanyang mga paghatol; hinatulan niya ang tanyag na mahalay na babae na
nagpasama sa daigdig sa pamamagitan ng kanyang pakikiapid, at ipinaghiganti ng
Diyos ang dugo ng kanyang mga alipin laban sa babae.” 3 At sa
ikalawang pagkakataon ay kanilang sinabi, “Aleluia! At ang usok ng babae ay
pumailanglang magpakailanpaman.”
Kaya't ang mga hindi tumutupad sa
mga Kautusan ng Diyos at sumusunod sa Kanya ay mapipilitang sumunod sa
pamamagitan ng mga mangkok ng poot ng Diyos at ang mga hindi magsisisi ay
mamamatay at haharapin sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay (tingnan
ang araling Ang Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at ang Paghuhukom sa Dakilang
Puting Trono [143B]).
Sa taong 2025 ang Tatlong Beses na
Pag-aani ay magaganap para sa deklarasyon ng taon ng Jubileo mula sa
Pagbabayad-sala 2026 hanggang Pagbabayad-sala 2027 kung kailan ang lahat ng mga
bansa at lupain ay ipapanumbalik.
Magsisimula ang sistema sa Jerusalem
sa pagpapagaling ng mga bansa at ang muling paglago ng buhay sa dagat mula sa
mga ilog ng Jerusalem mula sa ilalim ng Bundok ng Templo at ng lungsod.
Ang natitirang buhay sa mundo ay
tutuparin ang mga Kautusan ng Diyos sa susunod na isang libong taon. Sa
katapusan ng isang libong taon na iyon ay pakakawalan muli si Satanas at ang
huling digmaan ng wakas ay magaganap. Pagkatapos ang isang daang taon ng
Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay ay magaganap mula 3028 hanggang
3128.
Magpapatuloy tayo ngayon sa:
Wars of the End Part I: Wars of Amalek (No. 141C);
Conduct of the War of the Sixth Trumpet (No. 141C_2);
WWIII, Holocaust II and Nuremberg 2.0 (No. 141C_3); at pagkatapos
Wars of the End Part II: 1260 Days of the Witnesses (No. 141D);
Wars of the End Part III: Armageddon and the Vials of the Wrath of
God (No. 141E);
Wars of the End Part IIIB: War Against Christ (No. 141E_2);
Wars of the End Part IV: End of False Religion (No. 141F);
Wars of the End Part IV: End of the Age (No. 141F_2);
Wars of the End Part V: Restoration for the Millennium (No. 141G);
Wars of the End Part VB: Preparing the Elohim (No. 141H).
q