Christian Churches of God
No. 141D_4
New World
Order
(Edition 1.0 20241023-20241023)
Ang tekstong ito ay tumatalakay sa
pagtatatag ng Imperyo ng Hayop bilang New World Order (NWO) na itinatag ng
Nangahulog na Hukbo upang makamit ang kanilang mga layunin sa katapusan ng
Kapanahunan bago ang pagdating ng Cristo at ang pagtatatag ng Milenyo.
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN ACT 2606,
AUSTRALIA
Email: secretary@ccg.org
(Copyright © 2024 Wade Cox)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
New World Order
Panimula
Nabuo na natin ang
pagkakasunod-sunod ng mga kapangyarihang lilitaw sa mga huling araw. Sinimulan
na rin nating ipaliwanag ang pagkakasunod-sunod na ito ayon sa kung paano ito
hinubog sa ilalim ng mga demonyo. Natapos na ng sangkatauhan ang yugto ng mga biyayang
hindi pinaghirapan sa ilalim ng Four Hundred Years of
Abraham's Legacy (No. 212J). Natapos iyon noong Disyembre 2023,
at ang mga panghuling taon ng Malaking Kapighatian [141D_2] ay nagsimula kasabay ng proseso ng
pagpapabanal simula ika-1 ng Abib 47/120 o ika-10 ng Marso 2024. Ang
kalendaryong Hillel ay nag-intercalate nang hindi tama sa buwang ito kaya’t
naantala ang kanilang buong sistema ng isang buwan noong 2024.
Ang resulta ay nabigo silang isagawa
ang buong panahon ng Pagpapabanal para sa 2024 at wala sila sa ilalim ng
proteksyon ng Diyos para sa buong taon na ito.
Dahil dito, nagiging madali silang maapektuhan ng mga mangyayari ngayong
buong taon at sa susunod na taon para sa Balak na Paglipol sa Sangkatauhan [141D_2b].
Ipinasya ng Diyos na ang mga tao ay
lalangin mula kay Adan upang maging karagdagang elohim bilang bahagi ng
mekanismo ng pagtuturo para sa hukbo (tingnan ang No. 001). Sa pamamagitan ng Kanyang Divine
Prescience [296], itinakda ng Diyos Ang Plano ng Kaligtasan [001A]. Ang mga Demonyo, sa ilalim ng
Pamumuno ng Elohim na si Satanas bilang Tumatakip na Kerubin ng planetang ito,
ay binigyan ng 6000 taon ng pamumuno sa planeta upang mamuno at subukin ang
sangkatauhan kung karapat-dapat ba silang maging elohim. Ang anim na libong
taon ay nagsimula mula 3974 BCE sa pagpapatalsik kina Adan at Eva mula sa Eden,
noong Abib 3974, nang si Adan ay sumailalim sa paghatol tatlumpung taon mula sa
pagkakalalang niya noong 4004 BCE (tingnan ang Nos. 246; 272). Ang kanilang anim na libong taon
ay magtatapos sa pagtatapos ng Adar 2027, sa kanilang pagkakakulong sa hukay ng
Tartaros sa ilalim ng Matapat na Hukbo. Ang opisyal na araw ng paglipat mula sa
katapusan ng Kapanahunang ito tungo sa Kapanahunan ng Mesiyas ay sa Bagong Taon
ng ika-1 ng Abib 1/ika-121 Jubileo, o Linggo ng ika-26 ng Marso 2028 sa unang
araw ng sanglinggo. Ang mga demonyo ay binigyan ng unang anim na libong taon o
ang unang Anim na Araw ng sanglinggo ng paglalang ng lahi ni Adan na makikita
sa Genesis kabanata 1 (tingnan din ang No. 282A, 282B at 282C). Ang Ikapito o Sabbatical na
Sanlibong taon ay ibinigay sa Mesiyas upang ayusin ang sanlibutan at maghanda
para sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at ang Paghuhukom sa Dakilang
Puting Trono [143B].
Batid na ng mga Demonyo ang paglipat
na ito ng kapangyarihan at ang kanilang nalalapit na pagkakakulong sa hukay sa
pagdating ni Cristo at ng Matapat na Hukbo. Si Cristo ay may kakayahang bumalik
nang mas maaga upang iligtas ang sangkatauhan, kung kinakailangan. Gayunpaman,
matagal nang “pinaikli ng Diyos ang panahon” at naglabas na ng serye ng mga
propesiya na siyang nagtatakda ng pagkakasunud-sunod ng panahon ng mga huling
araw na ito (tingnan ang Cutting the Time Short
(No. 210C)).
Ang mga Iglesia ng Diyos, at ang mga
era ng Sardis at Laodicea partikular, ay lahat ay sinukat at idineklarang patay
at isinuka mula sa bibig ng Diyos ayon sa Apoc. Kab. 3 at ang yugtong iyon ay
tuluyang natapos noong Pentecostes 2024. Ang mga huling plano ng mga Demonyo ay
ilalahad mula sa Tabernakulo 2024 ayon sa Kalendaryo ng Templo, kasunod ng
pagtatapos ng Pamana ni Abraham sa itaas.
Noong Setyembre 22, 2024 sa
pagtatapos ng Kapistahan ng mga Tabernakulo, pinagtibay ng UN ang tinatawag na
"Pact for the Future" na nagbabalangkas ng pundasyon para sa isang
New Global o World Order (NWO). Tingnan
sa
The UN Just Adopted The
"Pact For The Future" Which Lays The Foundation For A New
"Global Order"
Ang kanilang pahayag ay nasa
United Nations Statement:
https://www.un.org/en/summit-of-the-future
Matagal na tayong nagbibigay-babala
tungkol sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring ito sa nakalipas na
tatlumpung taon mula noong tayo ay muling mabuo mula noong ika-1 ng Abib 1994
nang ipagkaloob sa atin ang Ikapitong Ilawan (No. 170A) para sa huling yugtong ito para sa Babala ng mga Huling Araw [044] (tingnan din [219]).
Ang Imperyo ng Hayop
Sinabi sa atin ng propesiya sa
Apocalipsis na ang Empire of the Beast (No.
299A)
na ito ay tatagal ng 42 buwan, at sa panahon nito ay yuyurakan nito ang Patyo
sa Labas ng Templo sa Banal na Lungsod at sa lahat ng mga bansa at ang buong
mundo ay ibibigay upang sambahin ang Hayop, habang ito ay nagsasalita ng mga
palalong bagay at mga kalapastanganang mga salita at mga gawa laban sa
Kataas-taasan (Apoc. 11:2; 13:5-9).
Apoc. 11:2 Ngunit huwag mong
susukatin ang patyo sa labas ng templo; pabayaan mo na iyon, sapagkat ibinigay
iyon sa mga bansa at kanilang yuyurakan ang banal na lunsod sa loob ng
apatnapu't dalawang buwan.
Apoc. 13:5 Ang hayop ay binigyan ng
isang bibig na nagsasalita ng mga palalong bagay at ng mga kalapastanganan, at
pinahintulutan siyang gumamit ng kapangyarihan sa loob ng apatnapu't dalawang
buwan..
Apoc. 13:6 Ibinuka niya ang kanyang
bibig upang magsalita ng mga kalapastanganan sa Diyos, upang lapastanganin ang
kanyang pangalan at ang kanyang tahanan gayundin ang mga naninirahan sa langit.
Apoc. 13:7 Ipinahintulot din sa
kanya na makipagdigma sa mga banal at sila'y lupigin. Binigyan siya ng
kapangyarihan sa bawat angkan, bayan, wika at bansa,
Apoc. 13:8 at ang lahat ng
naninirahan sa lupa ay sasamba sa kanya, ang lahat na ang pangalan ay hindi
nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero na pinaslang buhat nang itatag ang
sanlibutan.
Apoc. 13:9 Kung ang sinuman ay may
pandinig ay makinig:
Sa Imperyong ito ng Hayop, ito ay
binigyan ng kapangyarihan sa mga bansa sa sanlibutan at sa bawat angkan at
wika. Sasakupin nito ang Banal na
Lungsod mula sa simula ng paghahari nito.
Kaya maaari nating asahan ang NWO sa ilalim ng NATO, o ang mga hari ng
nasasakupan ng Hilaga, na sakupin ang Jerusalem sa nalalapit na hinaharap
kasunod ng labanan sa Iran at ng mga proxy nito sa Gitnang Silangan. Alam natin
mula sa propetang si Daniel na ang mga hukbo ng hilaga ay papasok sa Gaza at
sasakupin ang mula sa dagat hanggang sa Jerusalem ([F027xi]; [xii], xiii). Mula sa panahong ito, pakikilusin ng mga demonyo ang mga
hukbo ng sanlibutan at lalapastanganin nila ang Diyos ng Langit at ang Hukbo,
at ipakikilala nila, muli, ang isang bagong panrelihiyong sistema na siyang
bibitag sa sanlibutan. Ang sistemang ito ay gagamitin upang wasakin ang huwad
na sistemang Cristiano na itinayo ng mga demonyo sa ilalim ng huwad na
Cristianismo mula sa Roma at sa mga Kulto ng Araw at Misteryo, at sa Islam sa
ilalim ng mga Abbasid; at ang magkakaibang mga sistema sa buong mundo. Tanging
sa paggamit ng kapangyarihan nito sa mga huwad na relihiyon nito magagawang
pahinain at wasakin ang mga alipores nito.
Sa panahong ito, ang mga banal ay
nalupig din at ang buong sistemang panrelihiyon ng Patutot at ng kanyang mga
patutot na anak na babae ay hindi lang nalupig kundi lubusang nawasak at
nalipol pa dahil wala sila sa ilalim ng Proteksyon ng Diyos (tingnan ang Nos. 194; 194B).
Paglupig sa mga Banal
Nakikita natin mula sa Apoc. 13:7 na
pinahintulutan ang Hayop na makipagdigma sa mga Banal at lupigin sila, binigyan
siya ng kapamahalaan sa buong sangkatauhan. Pinahintulutan silang gawin ito
dahil sa mga kasalanan at kamalian sa gitna ng mga banal kasama ang mga huwad
na doktrina na pumasok dito sa ilalim ng Sardis at Laodicea dahil sa kanilang
mga bulaang propeta (tingnan ang False Prophecy (No. 269)). Ang mga video na tumatalakay sa
mga sistemang ito at sa kanilang mga huwad na propesiya ay nasa Rumble video:
https://rumble.com/c/ChristianChurchesofGod.
Sa katunayan, nasakop na ng mga
demonyo ang Sardis at Laodicea sa pamamagitan ng kanilang mga huwad na
propesiya at mga huwad na doktrina na epektibong nakamit ang kanilang layunin
na alisin ang mga taong iyon mula sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A] at mula sa Proteksyon sa Kamay ng
Diyos (No. 194 at No. 194B). Ang Sardis ay naging Ditheist,
Binitarian, Trinitarian o Radical Unitarian dahil sa mga erehe sa sistema ng US
sa pamamagitan ng kamangmangan at huwad na propesiya at pagwawalang-bahala sa
Biblikal na Katotohanan. Lubos na naging ganoon ang kalagayan nila kaya't
pinigilan silang makapaglabas ng anumang propesiya mula noong 1994 nang mawala
nila ang ilawan. Gayundin, ang kanilang pagtanggap sa Hillel sa ilalim nina
Armstrong at Dugger ang nagtiyak na sila ay matanggal mula sa mga Banal,
maliban sa mga nagsipagsisi na mga indibidwal.
Ang Laodicea ay lubusang inalis at
isinuka mula sa Bibig ng Diyos nang ang mga Seventh-day Adventist (SDA) ay
tanggapin ang Trinitarianismo, o baka nga mas matagal na 'yan nangyari sa
pamamagitan ng mga heresiya ni Ellen G. White at ng kanyang mga kasama.
Ang mga Saksi ni Jehova ay isinuka
mula sa Bibig ng Diyos matagal na bago pa man nang kanilang talikuran ang
Sabbath at tinanggap ang pagsamba tuwing Linggo at itinuro na ang Kautusan ng
Diyos ay inalis na. Nagsimula rin silang magturo na ang ilan sa kanilang bilang
ay talagang mapupunta sa Langit bilang bahagi ng 144,000. Tinanggal sila sa
Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng simulan nila ang mga heresiyang ito noong ika-19
na Siglo.
Upang ang sinuman sa kanila sa
Sardis o Laodicea ay makapasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli kailangan nilang
magsisi sa loob ng susunod na labindalawang buwan, o higit pa, at itama ang
kanilang mga pagkakamali, at pumasok sa sistema ng Filadelfia. Marami sa kanila
ang kailangan pang ngang magpabautismo ulit.
Kung hindi pa sila nagsisisi sa
pagdating ng Mesiyas, hindi lamang sila hindi mapupunta sa Unang Pagkabuhay na
Mag-uli, kundi maaaring hindi rin sila pahintulutang pumasok sa Milenyo sa
ilalim ng Mesiyas, bilang mga buhay na tao.
Sa loob ng apatnapu't dalawang buwan
nitong Imperyo ng Hayop, maging ang Filadelfia, sa ilalim ng CCG, ay hindi
magiging immune sa pag-uusig ng sistema ng Hayop. Gayunpaman, ito ay
poprotektahan mula sa huling aspeto ng Malaking Kapighatian, kung hindi man
mula sa 42 buwan. Bagama't magkakaroon ng kaunting ginhawa sa ilalim ng 1260
araw ng Dalawang Saksi [141D] dahil sa kanilang mga pamamagitan. Gayunpaman, para sa
Filadelfia, ang kanilang tinapay at tubig ay sagana (Isa. 33:16).
Ang iba pang mga sistemang
panrelihiyon ay makikita ang mga sistema ng Hayop na babaling sa Patutot at sa
kanyang patutot na mga anak na babae at sa buong sistema ng mga Kulto ng Araw
at Misteryo. Susundin ng sanlibutan ang Hayop at aalisin ang mga huwad na
relihiyon ng patutot at ang kanyang mga kulto sa buong mundo (tingnan No. 299B).
Susuriin natin ngayon kung paano
manipulahin ng mga Demonyo ang sistema ng Hayop upang lipulin ang mga sistemang
panrelihiyong kanilang nilikha, at gagamitin ang panghuling huwad na sistema sa
ilalim ng Hayop.
Mga UFO at Alien
Nakita natin kung paano ginamit ng
mga demonyo ang mga Kulto ng Araw at Misteryo upang pasukin ang Cristianismo
noong Una at Ikalawang Siglo kaya noong Ikaapat na Siglo ang mga saserdote ng
Attis ay nagreklamo na ang mga Cristiano ay ninakaw ang lahat ng kanilang mga
doktrina, at sa katunayan ay ginawa nga nila ito. Ang Roma at ang mga kultong
Trinitarian ay naging sentro ng huwad na Cristianismo at ang sistemang iyon, na
nakabatay sa Linggo, Pasko at Easter ng mga Kulto ng Araw at Misteryo, ay
nagpatuloy sa loob ng mahigit labing-anim na raang taon hanggang sa
kasalukuyan. Nakamit ng mga Demonyo ang kanilang layunin na yaong mga sumasamba
sa Triune God at sumusunod sa kalendaryo ng mga Kulto ng Araw at Misteryo ay
awtomatikong hindi kasama sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A].
Kaya't hindi napagtanto ng mga taong ito kung ano ang ginawa sa kanila,
binigyan sila ng mga huwad na doktrina na ibinigay sa mga Gnostics tungkol sa
Langit at Impiyerno, kasama ang iba't ibang bersyon na imbento ng mga clergy ng
Trinitarian sa Roma at Grecia at Alexandria, at sa Gitnang Silangan.
Pagkasira ng mga Iglesia ng Diyos na humantong sa Islam
Tinawag ng Diyos si Qasim ibn
Abdullah ibn Abdul Mutalib ng Quresh sa Becca sa Iglesia ng Diyos sa
pamamagitan ng isang Judiong pamilya ng mga mangangalakal sa Becca/Petra sa
kaharian ng Nabatean. Siya ay nagtrabaho bilang isang mangangalakal sa kanila at
pinakasalan si Khadija, ang kanilang anak na babae. Si Qasim ay tinuruan ng
kanyang tiyuhin at tinuruan na basahin ang Kasulatan sa Arabic. Siya ay
nabautismuhan at naging isang matanda ng Iglesia doon at pinasok sa Muhammad o
konseho ng mga matatanda doon at nagsimula ng isang malawakang programa sa
edukasyon upang paunlarin ang pananampalataya doon. Ipinangilin nila ang mga
Sabbath, mga Bagong Buwan at mga Kapistahan ayon sa Kalendaryo ng Templo
(tingnan No. 274). Ito ay isang napakalaking
pagpapalawak ng Iglesia ng Diyos sa Arabia (tingnan ang Panimula sa Komentaryo
sa Koran (Q001; Q001D; QS)). Ginawa ng mga Demonyo ang
kanilang ginawa sa Roma at binaluktot ang pananampalataya sa pamamagitan ng
panghihimasok ng mga sumasamba sa diyos na si Hubal (o Ang Baal) at ng mga
kulto ng Diyosa doon. Pagsapit ng 700 CE ginamit nila ang tiyuhin ng propeta
upang pahinain ang pananampalataya at ilipat ang Ka'aba mula Becca/Petra
patungong Mecca sa pamamagitan ng Kufa at magtatag ng huwad na sistema sa Mecca at gumamit ng mga
huwad sa Kufic Text sa Arabic upang linlangin ang nabuong modernong Islam at hadlangan
ang kakayahan ng post-Rashidun Islam na makapasok sa Unang Pagkabuhay na
Mag-uli o Hardin ng Paraiso. Magagalit nang sobra ang mga Arabo kapag nalaman
nila kung ano ang ginawa sa kanila ng Kulto ng Araw ng Hadith, tulad din ng mga
Cristianong Trinitarian. Ang paraan ng mga demonyo upang pahinain ang mga
relihiyon ng sanlibutan at ang kanilang pamumuno ay ang sabihin lamang sa
kanila ang katotohanan ng ginawa sa parehong Cristianismo at Islam pati na rin
sa Hinduismo at Budismo at sa iba pang mga Kulto ng Araw at Misteryo. Ito ang
magbibigay-daan sa isang nagngingitngit na sanlibutan upang tanggihan ang mga
itinatag na relihiyon at, kung maaari, linlangin maging ang mismong mga
hinirang.
Ang Cristianismo at Islam ay iisang
relihiyon ab origine gaya ng makikita
natin mula sa mga tekstong ito at sa Komentaryo sa Koran sa http://ccg.org/islam/quran.html.
Tingnan din ang:
● Genesis 22, Judaism, Islam and the Sacrifice of
Isaac
● The Juma'ah: Preparing for the Sabbath
● Hebrew and Islamic Calendar Reconciled
● Polygamy in the Bible and the Koran
● The Koran on the Bible, the Law, and the Covenant
● The Five Pillars of Islam or the Pillars of the
Faith?
Dahil sa mga kadahilanang ito
nauunawaan natin kung ano ang mga ginagawa ng mga demonyo sa susunod na
seksyon.
Elohim bilang Alien
Nakita rin natin kung paano nabuo
ang senaryo ng UFO at Alien sa loob ng ika-20 siglo sa senaryo kung saan ang
mga Alien ngayon ay talaga ang mga entidad na tinutukoy bilang Elohim sa
Bibliya at sila talaga ay mga alien at hindi talaga mga diyos bilang Elohim ng
Nangahulog na Hukbo. Gumagawa sila ngayon ng sarili nilang bersyon ng realidad
at pinauunlad ng mga demonyo ang pananaw na ito upang kapag dumating ang mga
Saksi, ipagpapalagay nila sila bilang Anunnaki ng mga Sumerians kahit na sila
ay mga adamic humans.
Wars of the End Part IIIC: UFOs and Aliens (No. 141E_2B).
Ang Apatnapu't Dalawang Buwan ng Hayop
Nakita natin ang pagkakasunod-sunod
ng panahon ng mga huling araw na sinuri pagkatapos ng pagtatapos ng Four Hundred Years of Abraham's Legacy (No. 212J) pagsapit ng Disyembre 2023. Dumaan
tayo sa Pagpapabanal ng Templo gaya ng karaniwan sa bawat taon at ang buong
pagkakasunod-sunod ay umabot sa
Pentecostes 2024. Tinitingnan natin ngayon ang plano ni Satanas at ng mga
Demonyo para sa mga huling araw na ito sa ilalim ng Balak na Paglipol sa Sangkatauhan [141D_2b]. Sinuri din natin ang Pagsalakay sa Vatican [141D_3].
Sa Bagong Buwan ng Ikawalong Buwan ay sinuri natin ang
pagkakasunod-sunod na naghudyat sa simula ng pinakamatinding tatlo at
kalahating taon ng kapighatian. Ang pagkakasunod-sunod na ito ay sumusunod sa Mga Digmaan ng Amalek [141C], at iyon din ang pagdating nina Enoc at Elias para sa 1260 Araw ng mga Saksi [141D]. Pagkatapos ay nagpatuloy tayo
upang suriin ang mga aralin para sa sumunod na dalawang linggo ang Bulaang Propeta at ang Anti-Cristo [141D_3A] at ang Pagbagsak ng Babilonia [141D_3B].
Upang maunawaan natin ang
nasasangkot na saklaw ng panahon titingnan natin ngayon ang propesiya upang
maunawaan ang mga pahiwatig na ibinigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng mga
propeta nang sa gayon mabuo natin ang saklaw ng panahon. Ang katotohanan ay sa sandaling dumating ang
mga Saksi ay magkakaroon ng tiyak na 1264 na araw bago ang Pagdating ng
Mesiyas. Sa katotohanang iyan ay walang duda diyan. Alam natin na ang pagdating
ng mga Saksi ay susunod sa Digmaan ng Ikaanim na Pakakak mula sa mga sanggunian
sa itaas (No. [141C], at [141D]). Suriin natin ngayon ang iba pang mga pahiwatig na
ibinigay sa atin ng Diyos. May isang propesiya na alam nating lahat na dual
prophecy at patungkol sa mga huling araw at sa Pagdating ng Mesiyas. Iyan ay
Zacarias 9:9-10.
Zac. 9:9–10 Magalak ka nang husto, O
anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Jerusalem!
Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo; siya'y matuwid at matagumpay,
mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng
asnong babae. 10 Aking aalisin ang karwahe mula sa Efraim, at ang
kabayo mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pandigma ay mapuputol; at siya'y
magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa; ang kanyang nasasakupan ay magiging
mula sa kabilang dagat hanggang sa dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga dulo
ng lupa.
Ang tekstong ito ay isang dual prophecy. Ang unang elemento
ng propesiya ay tumatalakay sa pagdating ng Mesiyas noong Unang Siglo CE sa
Jerusalem sakay ng isang asno. Nakita natin na nangyari ito noong ika-10 ng
Abib 30 CE na nakatala sa Mateo 21:2-9.
Mat. 21:2-9 na sinasabi sa kanila, “Pumunta kayo sa
kasunod na nayon, at kaagad ninyong matatagpuan ang isang babaing asno na
nakatali na may kasamang isang batang asno. Kalagan ninyo sila at dalhin ninyo
sa akin. 3 Kung ang sinuman ay magsabi ng anuman sa inyo, ay
sasabihin ninyo, ‘Kailangan sila ng Panginoon,’ at kaagad niyang ipapadala
sila.” 4 Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng
propeta, na nagsasabi, 5 “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Zion,
Tingnan mo, ang iyong Hari ay dumarating sa iyo, mapagkumbaba, at nakasakay sa
isang asno, at sa isang batang asno na anak ng babaing asno.” 6
Pumunta nga ang mga alagad at ginawa ang ayon sa ipinag-utos ni Jesus sa
kanila. 7 Dinala nila ang asno at ang batang asno at inilagay nila
sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga balabal; at inupuan niya ang mga ito. 8
Ang nakararami sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, at ang
iba'y pumutol ng mga sanga ng mga punungkahoy at inilatag ang mga ito sa daan. 9
At ang mga napakaraming taong nasa unahan niya at ang mga sumusunod sa kanya ay
nagsisigawan, na nagsasabi, “Hosana sa Anak ni David! Mapalad ang dumarating sa
pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!”
Ang paunang propesiya, gayunpaman,
ay nagpapatuloy sa pagharap sa mga pangyayari sa hinaharap na higit pa sa
kaganapang iyon at patungo sa Ikalawang Pagparito ng Mesiyas sa simula ng
milenyo na paghahari ng Mesiyas, na nakatakdang magsimula sa Bagong Taon sa
ika-26 ng Marso 2028. Ayon sa Kalendaryo ng Templo ang Ikasampu ng Abib sa
2028, ang pagbubukod sa kordero, at ang Matagumpay na pagpasok ni Cristo sa
Jerusalem ay sa ika-4 ng Abril 2028. Ito ay magbibigay-daan sa Mesiyas na
ihanda ang Jerusalem sa ika-4 ng Abril 2028 para sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A]. Mula ika-4 ng Abril tayo'y
magpapatuloy sa Hapunan ng Panginoon sa Sabado, ika-8 ng Abril 2028. Ang Unang
Banal na Araw ay Linggo ika-9 ng Abril. 2028. Sa panahong ito ang Paskuwa
simula sa Unang Banal na Araw hanggang sa Huling Banal na Araw ay mula ika-9 ng
Abril hanggang ika-15 ng Abril 2028.
Sa teksto sa Zacarias, nasa yugtong
ito mula ika-10 ng Abib hanggang ika-15 ng Abib 2028 masisilayan natin ang
katuparan ng ikalawang bahagi ng propesiya. Ito ang katapusan ng digmaan kung
saan ang Mesiyas ay aalisin ang karwahe mula sa Efraim, at ang kabayo mula sa
Jerusalem; at ang mga busog na pandigma ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng
kapayapaan sa mga bansa. Ang teksto ay tumutukoy sa ganap na pagtigil ng
Military Industrial Complex ng Israel kasama ang pagtigil ng pandigmaang
produksyon at ng digmaan mula sa Ephraim at Manases at sa buong Israel at sa
lahat ng mga bansa sa sanlibutan. Tiyak na ang kapangyarihang militar ng
sanlibutan ay lubusang aalisin mula sa Jerusalem. Ang katotohanan ay upang
maayos na maihanda ang Israel para sa Milenyo, ang Mesiyas ay dapat na narito
na sa huling sanglinggo ng pamumuno ni Satanas para sa kanilang pagkakulong at
paghahanda para sa Bagong Taon at sa pagsisimula ng proseso ng Pagpapabanal at
Paglilinis ng Templo ng Diyos, na ang templong ito ay tayo.
Ang propesiya ay nagpatuloy mula sa Fall of Jericho (No. 142) nang dumating si Cristo sa Jerico
bilang Pinuno ng mga hukbo ng Panginoon. Iyon ay pagkatapos ng pangyayari sa
Gilgal na naganap sa panahon bago ang Paskuwa para sa pagtutuli ng Israel. Sa 1264 na araw bago ang Mesiyas ayon sa
Kalendaryo ng Templo ay makikita ang pagdating ng mga Saksi mula sa huling
sanglinggo ng Oktubre hanggang Nobyembre 2024.
Ang ganitong mga timing ay
nagpapahiwatig na ang Digmaan ng Ikaanim na Pakakak ay maaaring mangyari
anumang oras mula ngayon. Ang Imperyo ng Hayop ay lilitaw nang lubusan,
samakatuwid mula sa katapusan ng Oktubre/Nobyembre 2024 hanggang
Paskuwa/Pentecostes 2025 at ang paghahari nito ng 42 buwan ay magsisimula sa
loob ng panahong iyon. Idineklara na ito noong ika-22 ng Setyembre 2024.
Ipapatupad ito sa agarang hinaharap.
Kaya, kailangan din nating balikan
kung ano ang sinabi ni Cristo noong 30 CE tungkol sa kanyang pagbabalik:
Tungkol sa Paskuwa. Sinabi ni Cristo noong 30 CE bago siya mamatay noong
Miyerkules ika-5 ng Abril 30 CE (tingnan No. 159).
Mat. 26:29 At sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay hindi na ako iinom ng katas ng
ubas na ito hanggang sa araw na iyon na iinumin kong panibago na kasalo kayo sa
kaharian ng aking Ama.”
Kaya inaasahan natin na ito ay
mangyayari mula sa Paskuwa sa ika-14 ng Abib 2028 o Sabbath ika-8 ng Abril
2028. Ang Gabi ng Pangingilin ay nasa simula ng Banal na Araw sa ika-9 ng Abril
2028. Ang ritwal na ito ay iningatan ng dalawang libong taon ng iglesia mula
nang itatag ito ng Mesiyas noong 27 CE. Ito ay naging isang handaan na lamang
sa Sardis at ipinagdiriwang alinsunod sa Hillel na hindi nauunawaan ang
kahalagahan nito. Gayunpaman, ipinagdiriwang pa rin ito.
Digmaan sa Gitnang Silangan
Ang Digmaan ng Ika-anim na Pakakak
ay magsisimula mula sa Gitnang Silangan at ito ay pasisimulan ng Iran at ng mga
proxy nito na nakikita nating kumikilos sa Syria, Lebanon, Gaza at Yemen. Ang
US ay ipinadala na ang 101st Airborne ngayon sa Gitnang Silangan at
ang isang napakalaking Carrier strike force. Winasak ng US ang 5 underground
bunker system ng Houthis sa Yemen. Ang pinuno ng Hamas ay napuksa at ang
Hezbollah ay nasa ilalim ng sistematikong pagpuksa. Malapit nang salakayin ng
Israel ang Iran sa isang sistematikong proseso ng pagwasak sa langis nito, mga
nuclear reactor at Revolutionary Guard nito.
Nalalapit na iyon, mula noong Sabbath ika-19 ng Oktubre ang mga ospital
sa Gitnang Silangan ay inilagay sa emergency notice upang mag-imbak ng mga dry
goods at maghanda para sa emergency 72 hours shifts. Nalalapit na ang digmaan at makikita nito ang
pagsalakay ng Israel sa Syria.
Noong ika-19 ng Oktubre, sinalakay
din ng Israel ang Iran at pinasabog ang mga
missile batteries nito na matatagpuan malapit sa kanilang nuclear
facility at winasak nito ang mga
batteries na iyon bilang paghahanda sa karagdagang pag-atake sa mga
nuclear facilities sa Iran.
Ang NATO bilang hari ng hilaga ay
papasok sa Israel at sasakupin ng mga hukbo nito ang Gaza at ang mga bundok
hanggang sa Jerusalem ayon kay Daniel [F027xi].
Ang rehimeng Iran ay ibabagsak.
Handa na ang China na lusubin ang Taiwan. Naghanda na ang North Korea para sa
digmaan laban sa South Korea at sa Kanluran.
Nagpadala ito ng 12,000 sundalo sa Russia para i-deploy sa Ukraine. Ang
mga palitan ng nuclear ay magsisimula na sa lalong madaling panahon. Pagsapit
ng Paskuwa Abril 2025, ang populasyon ng Europa ay mababawasan na nang husto at
ang Vatican ay masasalakay.
Sa kalagitnaan ng 2025, ikatlong
bahagi ng sanlibutan ang mamamatay (Apoc. 9:13-21). Pagkatapos ay sasakupin ng
NWO ang sanlibutan at makikita natin ang mga Saksi sa Jerusalem sa Bundok ng
Templo at ang huling yugto ng Imperyo ng Hayop ay malalahad.
Susunod na susuriin natin ang huling
yugto ng Imperyo ng Hayop sa tekstong End of the Age and the
Golden Jubilee (No. 300A).
Tingnan din ang:
Wars of the End Part III: Armageddon and the Vials of the Wrath of
God (No. 141E).
Ang mga sumusunod na Link ay may
kaugnayan sa mga kaganapan sa malapit na hinaharap.
https://www.un.org/sustainabledevelopment/blog/2024/09/press-release-sotf-2024/
https://www.youtube.com/watch?v=QR2wptIdZIg
Ang United Nations ay pinagtibay ang
isang ground-breaking Pact for the Future upang baguhin ang pandaigdigang
pamamahala.
Tulad ng sinabi ng
Secretary-General, "hindi tayo makakalikha ng kinabukasang akma para sa
ating mga apo sa sistemang binuo pa ng ating mga lolo't lola."
https://www.un.org/sustainabledevelopment/blog/2024/09/press-release-sotf-2024/
Interesanteng pagsusuri
COL. Douglas Macgregor: Iran Hits
Israel. What’s Next?
https://www.youtube.com/live/-RedeAoICcw?si=DRYjX_DPs6tIm7rj
Isa pang pananaw ukol sa digmaan sa
Ukraine.
q