Christian Churches of God

No. 141D_5A

 

 

 Ang Huling Treble Harvest ng Kapanahunang Ito

(Edition 1.0 20250524-20250524)

 

Ang 2025 ay ang ika-48 taon ng ika-120 Jubileo at ito ang Huling Treble Harvest ng Kapanahunang ito bago ang Milenyo.

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

 Email: secretary@ccg.org

 

(Copyright © 2025 Wade Cox)

(Tr. 2025)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 

 

Ang Huling Treble Harvest ng Kapanahunang Ito

 

 

Panimula

Ang 2025 ay ang ika-48 taon ng ika-120 Jubileo ng Kapanahunang ito mula sa Pagsasara ng Eden at ang Paghahari ni Satanas bilang diyos ng sanlibutang ito (2Cor. 4:4). Ang ika-48 taon ay nagsisimula mula sa Bagong Buwan na pinakamalapit sa equinox ng Marso at sa taong ito, alinsunod sa Kalendaryo ng Templo (hindi ng Babylonian Hillel system ng Modernong Judaismo), nagsimula ng Sabbath ika-1 ng Abib 48/120 na siyang ika-29 ng Marso 2025. Nagsisimula ang Pag-aani ng Sebada taun-taon sa Handog ng Inalog na Bigkis ng 9AM na tumatapat ng Linggo, ang Unang Araw ng sanlinggo, at ngayong taon sa ika-16 ng Abib o ika-13 ng Abril 2025. Ang petsang ito ang nagpasimula ng Pagbilang ng Omer na 50 araw patungo sa Kapistahan ng mga Sanglinggo, o Pentecostes, at nagtatapos sa ika-49 na araw at sa ika-50 araw na tumapat sa Sabbath at Linggo, ika-31 ng Mayo at ika-1 ng Hunyo 2025.

 

Ang Katapusan ng Kapanahunan

Si Adan ay nilalang noong 4004 BCE. Ang paglikha sa Adamic Age ay ginawa sa ilalim ng tagubilin ng Nag-iisang Tunay na Diyos na si Eloah bilang Ama o Ha Elohim. Siya lamang ang walang kamatayan (1Tim. 6:16) at Kanyang isinugo si Jesucristo (Jn. 17:3).

 

Ang Halamanan ng Eden ay isinara noong 3974 BCE at ang sangkatauhan ay pinalayas. Mula noon, binigyan ng Diyos si Satanas ng kontrol sa sanlibutan at sa Adamic Mankind sa loob ng anim na araw ng pagtatrabaho ng paglalang. Ang bawat araw ay katumbas ng isang libong taon o Dalawampung Jubileo.  Ang Anim na araw ng pagtatrabaho ng Paghahari ni Satanas ay magtatapos sa katapusan ng ika-120 taon ng Jubileo at sa paglipat sa Bagong Taon ng ika-121 Jubileo na magaganap sa ika-26 ng Marso 2028. Kaya ang paghahari ni Satanas ay magtatapos technically sa huling araw ng ng ika-50 taon ng ika-120 Jubileo, o sa ika-25 ng Marso 2028. Ito ang magiging simula ng Milenyal na Sabbath ng panghuli o Ikapitong isang-libong taong paghahari ng Mesiyas, at magtatapos sa 3027 sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay na lalawig pa ng karagdagang isang daang taon para sa Muling Pagkabuhay at muling pagtuturo sa lahat ng Adamic mankind na ipinanganak simula 4004 BCE, at lahat ng Hukbo ng Demonyo na pinatay at muling binuhay sa katapusan ng Milenyo (tingnan ang [143B]; [080]).

 

Ang Anim na araw ng pagtatrabaho ng Paglalang ay hinati sa tatlong dibisyon ng tig-apatnapung taon ng jubileo bawat bahagi. Ang tatlong dibisyong ito ay sinasagisag ng buhay ni Moises na 120 taon na may tatlong bahagi ng tig-apatnapung taon, na ang apatnapung taon ay sa Ehipto, apatnapung taon sa Midian na ginugol sa pag-aaral ng pananampalataya sa ilalim ni Jethro na dakilang saserdote ng Midian. Pagkatapos ay ginugol niya ang huling apatnapung taon sa Ilang kasama si Cristo at ng Hukbo na muling binigyan ng mga kautusan ng Diyos sa Israel at naghahanda na pumasok sa Lupang Pangako, na ibinigay kay Abraham at sa mga anak ni Jacob bilang Israel. Ang apatnapung taong yugtong ito ay kumakatawan sa huling dibisyon ng Apatnapung Jubileo sa Ilang ng Israel at ng mga bansa bilang paghahanda sa Pagbabalik ng Mesiyas sa pagkamatay ng Dalawang Saksi sa pagitan ng 2028 at 2030 (Nos. 135; [141D]).  Ang pagkakasunud-sunod na ito ay muling ipinaliwanag sa pamamagitan ng type/antitype sa mga tekstong Pamumuno ng mga Hari na may tig-apatnapung taon ng paghahari bawat isa, apatnapung taon ni Saul; apatnapung taon ni David (pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlo sa Jerusalem) at pagkatapos ay naghari si Solomon sa Jerusalem at pagkatapos ay nagtayo ng Templo sa Jerusalem sa loob ng kanyang apatnapung taon (tingnan ang Nos. 282A; 282B; 282C). Ang mga elementong ito ay kumakatawan sa tatlong dibisyon mula kay Adan hanggang kay Abraham sa unang 2000 taon, at mula kay Abraham hanggang kay Cristo sa ikalawang dalawang libong taon na muling ipinahayag ang kautusan sa pamamagitan ng mga patriyarka at pagkatapos ay ng mga propeta. Ang Pangwakas na Yugto ay ang huling dalawang libong taon sa ilalim ni Cristo at ng mga apostol at ng iglesia sa pitong dibisyon nito (Apoc. Kab. 2 at 3) hanggang sa katapusan ng Kapanahunan sa Jubileo ng 2027/8 at ang Pagbabalik ng Mesiyas para sa huling Sabbath at Milenyal na pamumuno ng Apoc. Kab. 20 (Nos. 210A; 210B at [F066v]). Sa pagbabalik ng Mesiyas, magaganap ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Banal [143A] at iyon ang simula ng Plano ng Kaligtasan upang gawing Elohim ang tao (tingnan ang No. 001, No. 282D), gayundin ang Reading the Law with Ezra and Nehemiah (No. 250) at Ang Ginintuang Jubileo at ang Milenyo [300].                     

 

Ang Jubileo

Ang Kautusan ng Diyos ay nag-uutos ng Limampung (50) taong jubileo sa ilalim ng Kalendaryo ng Templo at hindi 49 na taon sa ilalim ng Babylonian Hillel system tulad ng sinusunod ng Rabbinical Judaism matapos ang panahon ng Templo na tinalakay sa ibaba. Sa Ika-sampung Araw ng Ika-pitong Buwan sa Araw ng Pagtubos ng ika-49 na taon ang Jubileo ay hinihipan, at ang Taon ng Jubileo ay umaabot mula sa Araw ng Pagtubos ng ika-49 taon hanggang sa Araw ng Pagtubos ng ika-50 taon. Ito’y upang maisakatuparan ang pagsasauli at pagpapanumbalik ng mga lupain bago sumapit ang Araw ng Pagtubos ng Ikalimampung Taon at upang bigyang-daan ang pagtatanim mula sa pagtatapos ng Kapistahan ng mga Tabernakulo hanggang sa Kapistahan ng Paskuwa sa panahong isinasagawa ang Pag-aani ng Sebada ng sumunod na taon sa Northern hemisphere.

 

Ang Taon ng Jubileo

Levitico 25:8-22 At bibilang ka ng pitong sabbath ng taon, makapitong pitong taon; at magiging sa iyo'y mga araw ng pitong sabbath ng mga taon, sa makatuwid baga'y apat na pu't siyam na taon. 9 Kung magkagayo'y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan; sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo. 10 At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pagaari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan. 11 Magiging kapistahan ng jubileo nga sa inyo ang ikalimang pung taon: huwag ninyong hahasikan ni aanihin ang tumubo sa kaniyang sarili, ni titipunin ang mga ubas ng ubasan na hindi nakapon. 12 Sapagka't kapistahan ng jubileo; magiging banal sa inyo: kakanin ninyo ang bunga niyan sa bukid. 13 Sa taong ito ng jubileo, ay babalik kayo, bawa't isa sa kaniyang pagaari. 14 At kung ikaw ay magbili ng anoman sa iyong kapuwa o bumili ng anoman sa kamay ng iyong kapuwa, ay huwag kayong magdadayaan. 15 Ayon sa bilang ng taon pagkatapos ng jubileo, ay bibilhin mo sa iyong kapuwa, ayon sa bilang ng taon ng pagaani, ay kaniyang ipagbibili sa iyo. 16 Ayon sa dami ng mga taon, ay daragdagan mo ang halaga niyan, at ayon sa kakauntian ng mga taon, ay babawasan mo ang halaga niyan; sapagka't ganyang bilang ng ani ang kaniyang ipagbibili sa iyo. 17 At huwag kayong magdadayaan; kundi matatakot kayo sa inyong Dios: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios. 18 Kaya't inyong tutuparin ang aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan at inyong isasagawa at tatahan kayong tiwasay sa lupain. 19 At ang lupain ay magbubunga, at kakain kayo hanggang sa mabusog at tatahan kayong tiwasay doon. 20 At kung sasabihin ninyo, Anong aming kakanin sa ikapitong taon? narito, hindi kami maghahasik ni magtitipon ng aming mga bunga: 21 At aking igagawad ang aking pagpapala sa inyo sa ikaanim na taon, at magbubunga ng kasya sa tatlong taon. 22 At maghahasik kayo sa ikawalong taon, at kakain kayo ng dating kinamalig na mga bunga hanggang sa ikasiyam na taon, hanggang sa dumating ang pagbubunga ng ikawalo ay kakain kayo ng dating kinamalig.

 

Ang Treble Harvest

Ang Taon ng Treble Harvest ay tinukoy sa ilalim ng Kautusan sa Lev. 25:21-22 kung saan ang isang treble harvest ay itinakda para sa Ika-anim na Taon ng Ika-pitong Siklo o ang ika-48 taon ng Jubileo. Sa taong iyon ay itinakda ang isang treble harvest upang magkaroon ng sapat na pagkaing maiipon upang mapakain ng bansa ang kanyang sarili alinsunod sa kautusan para sa susunod na dalawang taon bilang Taon ng Sabbath at taon ng Jubileo at upang mabuhay ang bansa sa buong yugtong ito hanggang sa magsimula ang anihan sa simula ng Ika-siyam na taon o ang Unang taon ng Bagong Jubileo sa Paskuwa at Tinapay na Walang Lebadura ng Marso sa taong iyon.

 

Ang Treble Harvest ay bahagi at hindi maihihiwalay sa Jubileo at hindi ito dapat balewalain o gawing biro. Iyan ang dahilan kung bakit ang Juda ay ipinadala sa pagkabihag mula 70 CE at ang dahilan kung bakit sila dumanas ng Holocaust mula 1941 hanggang 1945 sa loob ng 1260 araw at sinamahan sila ng mga religious hobbyists ng Bibel Forschers, o mga Bible Researchers, ng Europa na nag-alis din sa mga Kautusan ng Diyos at sa Kalendaryo ng Templo. Lahat sila ay magtitiis ng karagdagang panahon sa susunod na pagkakasunud-sunod mula 2025 hanggang 2030 CE na ang taunang milenyal na mga anihan ay muling magsisimula gaya ng nakasanayan simula Abib 2031. Ang Bagong Taon ay papatak ng Linggo, ika-23 ng Marso 2031 na may Inalog na Bigkis ng Pag-aani ng Sebada sa ika-6 ng Abril 2031.

 

Ang nakaraang Treble Harvest ay noong 1975, na siyang ika-48 taon ng ika-119 Jubileo. Si Satanas ay pinahintulutan sa loob ng anim na araw ng pagtatrabaho ng sanglinggo ng paglalang na siyang muling paglikha ng kapanahunang ito upang mamuno at upang subukin ang sangkatauhan sa ilalim ng serye ng mga kondisyon na kanyang ipapataw upang subukin ang sangkatauhan laban sa mga Kautusan ng Diyos, na itinakda sa pamamagitan ng mga patriyarka at mga propeta, gaya ng nakasaad sa Kasulatan.

Ang 1975 na taon ng treble harvest sa US ay naganap sa ilalim ng pagkapangulo ni Gerald Ford. 

 

Gerald Ford's tenure as the 38th president of the United States began on August 9, 1974, upon the resignation of President Richard Nixon, and ended on January 20, 1977. Ford, a Republican from Michigan, had been appointed vice president on December 6, 1973, following the resignation of Spiro Agnew from that office. Ford was the only person to serve as president without being elected to either the presidency or the vice presidency. His presidency ended following his narrow defeat in the 1976 presidential election to Democrat Jimmy Carter, after a period of 895 days in office. His 895-day presidency remains the shortest of all U.S. presidents who did not die in office”. (Wikipedia).

 

Noong 1975, nagsisikap ang US, at ang British Commonwealth, na sundin ang Mga Kautusan ng Diyos at mas kaunti ang kanilang kasalanan bilang isang bansa kaysa sa kasalukuyan, bagaman, sa kasalukuyan ay sinusubukan nilang linisin ang kanilang sistema sa ilalim ni Pangulong Trump. Tunay ngang pinagpala sila ng Diyos ng isang treble harvest sa taong iyon at ginamit ang sistemang iyon upang baligtarin ang kapalaran ng mga Sobyet na walang ganoong ani at talagang nabigo ang kanilang sistema, at ipinagbili ng US ang kanilang sobra upang sila ay makaahon sa kaguluhan. Talagang walang natutunan ang US at hindi nila naunawaan kung ano ang ginagawa sa kanila. Dahil hindi nila naunawaan ang Kasulatan at ang mga Jubileo sa ilalim ng Kautusan ng Diyos hindi nila tinupad at sinusunod ang mga Sabbath ng lupain noong 1976 at ang Jubileo noong 1977. Wala silang natutunan at pumasok sa huling Jubileo at sa tuluy-tuloy na pagbagsak ng moralidad at etika ng mga bansa sa buong daigdig. Hindi sila maturuan upang bumuti, dahil ang mga Judio at ang mga Iglesia ng Diyos sa US ay simpleng hindi alam ang katotohanan at lahat ay sumusunod sa Hillel at kaya hindi makapagpapayo sa sinuman hinggil sa tamang landas ng pagkilos alinsunod sa mga Kautusan ng Diyos.  Sa katunayan, ang mga Iglesia ng Diyos noong 1965-1967 ay tumigil sa pagdaraos ng Paskuwa at Tinapay na Walang Lebadura na malayo sa wastong pagkakasunod-sunod ng walong araw, kahit pa gamit ang Hillel.

 

Kaya ang buong sistema ay nagpatuloy sa ika-120 Jubileo na walang patnubay mula sa Katawan ni Cristo na kumakatawan sa Biblikal na Katotohanan. Ang kinalabasan ng sanlibutan sa ika-120 Jubileo ay naging isang ganap na kapahamakan sa kanilang pamamahala at nagpatuloy sa pag-usbong ng Imperyo ng Hayop at ang planadong paglipol sa sangkatauhan sa ilalim ng mga Digmaan ng Wakas sa pamamagitan ng mga Digmaan ng Ikalima at Ikaanim na Pakakak na pupuksa sa mahigit kalahati ng sangkatauhan sa mga huling taon ng mga Digmaan ng Amalek ([141C]; [141D_2B]).

 

Sa pagtatapos ng ika-120 Jubileo ang paglilipat ng sistema ay magaganap mula kay Satanas at sa Nangahulog na Hukbo patungo sa Mesiyas at sa Matapat na Hukbo. Iyan ay magaganap sa loob ng sistema ng taon ng Jubileo kapag dumating na ang mga Saksi at ang hukbo ng mga demonyo ay haharapin ng Dalawang Saksi na siyang Dalawang Ginintuang Ilawan na nakatayo sa harapan ng diyos ng lupang ito (Apoc. Kab. 11; tingnan No. 135) at mangangaral sa loob ng 1260 araw (tingnan [141D]) at magdadala ng apoy mula sa langit at magdudulot ng tagtuyot at taggutom at mga salot ng Ehipto sa buong sangkatauhan kung sa tingin nila ay nararapat. Pagkatapos ay papatayin sila at hahandusay sa mga lansangan sa loob ng apat na araw. Sa umaga ng Ika-apat na Araw, darating ang Mesiyas at ang Matapat na Hukbo at pagkatapos ay magaganap ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A]. Ang Matapat na Hukbo sa ilalim ng Mesiyas ay aatasang pasukuin ang planeta sa pagkakasunod-sunod ng mga Digmaan ng Armagedon [141E] at gayundin sa susunod na Digmaan Laban kay Cristo [141E_2]. Ang ating gawain dito ay ipaliwanag ang panahong paparating mula 2025 hanggang sa matapos ang huling pagkakasunud-sunod ng Apatnapung Jubileo mula sa paglikha ng Iglesia kasama ang Banal na Espiritu noong 30 CE pagkatapos ng pagkamatay at Pagkabuhay na Mag-uli ng Mesiyas.

 

Ang Treble Harvest ng 2025

Sa ilalim ng Kautusan ng Bibliya, pinahihintulutan ang Israel ng isang Treble Harvest sa ika-48 taon ng Jubileo. Nakita natin na, noong 1975, ito ay ipinagkaloob upang umabot sa Israel, at naipamahagi ng US ang kanilang sobra sa mga Sobyet, samantalang ang mga Sobyet ay walang anumang sobra na maibabahagi. Maaaring mangyari na pahihintulutan ng Diyos ang gayong pagpapala sa bayan ng Israel sa buong mundo sa 2025. Ang Treble Harvest ay darating simula sa Pag-aani ng Sebada sa Northern Hemisphere sa Marso hanggang sa Pag-aani ng Trigo sa Pentecostes at pagkatapos ay sa pangkalahatang pag-aani ng tag-init sa Tabernakulo. Ang Southern Hemisphere ay magsisimula ng maagang pag-aani mula tagsibol hanggang tag-init, simula Nobyembre hanggang Marso/Abril. Sa taong ito ng 2025 makikita ang huling anihan na mararanasan ng mga bansa sa loob ng yugto mula 2025-2030 na magtatapos sa Marso 2031. Kailangang imbakin ng bansa ang bawat butil ng ani na kaya nitong ipunin. Kung gaano karami ang maiimbak ng ating bayan ngayon ang siyang magtatakda kung mabubuhay sila o hindi pagdating ng 2031. Ang kinabukasan ng ating bayan ay nakasalalay sa ating pagiging masigasig sa bagay na ito. Ang mga Globalista at mga huwad na pulitiko sa ating mga parliyamento ay pananagutin, tungkol sa kanilang pag-uugali at pagiging masigasig sa pag-iimbak ng ating mga suplay ng pagkain. Pananagutin sila ng ating mga mamamayan at ng mga bansa sa bagay na ito at sa Agenda ng mga Globalista. Pananagutan ng mga Globalista ang kanilang mga ginagawa at nagawa sa pagtatapos ng 2030, at walang sinumang matitirang buhay na hindi nagsisisi. Anuman ang mga rasyon na maiimbak natin sa susunod na taon ay siyang magdidikta kung ano ang mangyayari sa ating bayan sa susunod na limang taon hanggang sa Bagong Taon sa Marso ng 2031.

 

Sabbath at mga Taon ng Jubileo ng 2026 at 2027

Kung pahihintulutan man ng Diyos ang ating mga bansa na ganap na makibahagi sa Treble Harvest ng 2025 o hindi, walang alinlangan na haharapin ng Diyos ang Israel partikular, sa bawat bansang kanilang tinitirhan.  Hindi sila pahihintulutang balewalain ang mga taon ng Sabbath at Jubileo sa pagkakasunud-sunod na ito at ang kanilang mga lupain ay araruhin ng tabak mula sa Taon ng Sabbath ng 2026 pasulong. Malapit na nating lubusan na harapin ang mga Digmaan ng Amalek [141C]. Papunta na tayo ngayon sa Malaking Kapighatian [141D_2]. Ang mga Digmaang ito na malapit nang bumalot sa atin ay haharapin ang ating buong pag-iisip at higit sa kalahati ng sanlibutan ay haharap sa pagkawasak sa susunod na isa at kalahating taon.

 

Natalakay na natin ang mga propesiya na inilabas ng sistemang Romano Katoliko at ang pagkakasunod-sunod na sakop sa mga tekstong Ang Huling Pope (No. 288) at Ang Huling Pope Bahagi II: Ang mga Huling Taon (No. 288_2).  Ayon sa kanilang mga propesiya, magtatapos ang sistemang Romano Katoliko sa 2027 sa pagdating ng Mesiyas sa taong iyon. Sa lahat ng dahilang ayon sa nakasaad sa Kasulatan ay sinabi natin kung bakit hindi iyon maaaring mangyari, sapagka't si Cristo ay hindi maaari, sa anumang pagkakataon, na narito bago ang 2028 sa pinakamaaga at lubos na nakasalalay kung kailan darating ang mga Saksi dahil sila ang magtatakda ng pagdating ng Mesiyas, ang kanyang pagdating ay 1264 na araw matapos ang kanilang pagdating. (tingnan sa itaas).

 

Ang pagkakasunud-sunod na tumatalakay sa pagkawasak ng mga sistemang Trinitarian ay tinatalakay sa mga tekstong Pagsalakay sa Vatican [141D_3], Bulaang Propeta at ang Anti-Cristo [141D_3A], at ang Pagbagsak ng Babilonia [141D_3B].  Ang mga digmaan ay lalala hanggang sa maging matinding labanan sa pagitan ng Europa at Russia at sa Gitnang Silangan na lalala hanggang sa mga labanan sa Asya na hahantong sa banggaan sa pagitan ng Pakistan-China-India at pagkatapos ay sa mga labanan sa South China Sea-Taiwan-China at sa Pasipiko.

 

Tinalakay natin ang mga pagkakasunud-sunod na ito sa mga teksto sa 1335 Araw ng Daniel Kabanata 12 [141C_4C] at sa Panahon ng Wakas [141C_4D].

 

Ang susi sa pag-usbong ng mga kaganapan ay ang pagbuo ng Imperyo ng Hayop at ang pagsisimula nito at ang pagdating ng Dalawang Saksi pagkatapos ng Digmaan ng Ika-anim na Pakakak, kung saan mamamatay ang ikatlong bahagi ng sanlibutan sa labanang iyon (Apoc. 9:15,18). Ang pagkakasunod-sunod na iyon ay magaganap sa loob ng panahon mula 2026-2027 at iyon ang magpapasimula ng pagbibilang ng 1335 araw ng Daniel Kab. 12. Hindi maaaring dumating ang Mesiyas bago ang 1264 na araw mula sa kanilang pagdating. Kaya, kung hindi isinasaalang-alang ang Treble Harvest at hindi sila dapat dumating hanggang matapos ang digmaan ng Ika-anim na Pakakak, at iyon ay hindi pinapahintulutan hanggang Marso 2026, kung gayon si Cristo ay hindi maaaring dumating bago ang 2030 at ang paglilinis ay nasa huling pagkakasunud-sunod na iyon.

 

Anuman ang mangyari, ang huling pagkawasak ay magaganap na tila sa loob ng panahong 2026 hanggang 2030. Kung magsisimula ang digmaan sa 2025, kung gayon ang pagkakasunud-sunod ay magsisimula nang mas maaga at magtatapos sa 2030. Tandaan na sinimulan ni Juan Bautista ang kanyang Ministeryo noong 27 CE at idineklara ni Cristo ang Jubileo bilang Kaaya-ayang Taon ng Panginoon noong 27 CE sa Araw ng Pagtubos, tulad ng kinakailangan sa ilalim ng Kautusan. Sinimulan ni Cristo ang kanyang ministeryo matapos ibilanggo si Juan pagkatapos ng Paskuwa ng 28 CE alinsunod sa Tanda ni Jonas ... ([013]; din [013B]). Ang ministeryo ni Cristo ay tumagal ng dalawang taon mula 28 CE hanggang 30 CE at siya ay ipinako noong Miyerkules, ika-5 ng Abril 30 CE sa ika-3 ng hapon at muling nabuhay pagkaraan ng tatlong araw at tatlong gabi sa paglubog ng araw ng Sabbath ika-8 ng Abril 30 CE. Ang buong pagkakasunod-sunod ay nakadetalye sa tekstong Timing ng Pagpapako sa Krus at Pagkabuhay na Mag-uli (No. 159).

 

Ang Juda ay binigyan ng apatnapung taon upang magsisi sa isang taon katumbas ng isang araw na batayan, kumpara sa Nineve na nagsisi sa loob ng apatnapung araw at ang Juda ay hindi nagsisi pagkatapos ng apatnapung taon sa pagtatapos ng Pitumpung Sanglinggo ng mga Taon ng Daniel Kab. 9. Pagkatapos sila ay inilagay sa ilalim ng pagkubkob at sila ay nasakop at nawasak, at gayundin ang Templo ay nawasak, at pagkatapos sila ay ipinadala sa pagkabihag at pangangalat sa loob ng apatnapung jubileo sa ilang. Ang sumunod na taon ng jubileo ay ang ika-81 Jubileo noong 76-77 CE at ang ika-120 Jubileo ay matatapos sa 2027 sa pagtatapos ng kapanahunang ito sa katapusan ng Adar, ika-25 ng Marso 2028. Mahalagang tandaan na ang mga Anglo-Saxon nang sila ay lumipat mula sa Parto patungo sa Europa at hanggang sa Britanya ay ipinangilin ang Bagong Taon bilang isang takdang petsa, batay sa equinox noong Ika-sampung Siglo BCE, at sa Kalendaryo ng Templo, noong ika-25 ng Marso, sa bawat taon hanggang 1752 nang kanilang tanggapin ang Gregorian system. Ngayon ay babalik sila sa sistema ng Kalendaryo ng Templo sa susunod na 1100 taon. Ang Gregorian Calendar, at pagsamba tuwing Linggo, Pasko at Easter ay mawawala sa balat ng lupa sa susunod na limang taon. 

 

Haharapin na ngayon ng Diyos ang Juda bilang isang lipi at lahat ng nauugnay sa kanila kabilang ang mga Canaanites, Moabites, Ammonites, Edomites at North African Phoenicians at Iba't ibang Lahi sa Sephardim; at R1a Khazar Ashkenazim na nagbalik-loob mula 630 CE. Mayroon ding R1b U106 Hittite sa mga angkan nina Dayan at Salathiel/Shealtiel na dumating, malamang, mula sa mga supling ni Uria at Bathsheba na nagpakasal sa mga anak ni David (tingnan ang No. 067C). Kasama rin dito ang lahat ng naging mga Judaista mula sa mga Iglesia ng Diyos noong Ika-dalawampung Siglo. Noong 344 CE dumating ang dalawang Rabbi mula sa Babilonia kay R. Hillel II dala ang Babylonian Intercalations at ipinakita ang sistema sa kanya. Noong 358 CE ang Kalendaryong Hillel ng modernong Judaismo ay inilabas at hindi nito naabot ang huling anyo nito hanggang sa Ika-labindalawang Siglo sa ilalim ni Maimonides. Kaya’t hindi ito umiral hanggang 328 taon matapos ang kamatayan ni Cristo. Lahat ito ay nakatala sa publiko. Ang mga Judaista ng mga Iglesia ng Diyos ay  walang maidadahilan at parurusahan. Ang lahat ng mga grupong ito ay ang tinutukoy sa Apocalipsis 3:9, bilang Sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila ay mga Judio ngunit hindi, at nagsisinungaling. Ang mga dibisyong ito ay sakop sa tekstong tumatalakay sa lipi ni Juda (No. 212E). Ang mga lipi ng Israel at ang kanilang mga lokasyon ay tinalakay din sa teksto na tungkol sa Israel (No. 212F).

 

Malapit nang haharapin ng Diyos ang Juda at ang lahat ng Judaistang nagbagong-loob sa Judaismo at ang mga Judaista ng mga Iglesia ng Diyos na sumusunod sa Hillel, pagkatapos na dalhin nina Dugger at Armstrong ang heresiya sa mga Iglesia ng Diyos noong 1940-46. Ang mga Rabbi, Judio at mga Judaista na ito na sumusunod sa Hillel ay mas mabuting habaan na ang kanilang mga phylacteries at punuin iyon ng lahat ng mga kautusan ng Diyos na kaya nilang maisiksik, dahil malapit nang isaksak ng Diyos sa kanilang lalamunan ang kanilang mga heresiya, o, mas partikular, sa pagitan ng kanilang mga mata papunta sa kanilang mga utak, kasama ng mga erehe ng mga offshoots ng Iglesia ng Diyos na tumalikod sa Kalendaryo ng Templo at sa pananampalataya; pati na rin ang bawat uri ng karaite na nag-aakalang kailangan ng Diyos ang isang hamak na tao para mag-obserba at sabihin sa Kanya kung kailan aayusin ang mga kalangitan. Mula sa araw ng pagdating ng mga Saksi, ang  Babylonian Hillel heresy na ito ay tutugunan sa buong mundo sa Juda at sa mga Iglesia ng Diyos na sumusunod sa Hillel. Pagsapit ng 2030, wala nang taong matitirang buhay sa planeta na sumusunod sa Kalendaryong Hillel, o isang 49-taong jubileo, o anumang iba pang Kalendaryo na hindi Kalendaryo ng Templo (Nos. 156 at ang 156 series at gayundin [195] at [195C]).  Ang mga Rabbi at ang mga Ministro ng mga Iglesia na sumusunod sa Hillel ay magsisimulang mamatay sa taggutom at sa mga Salot ng Ehipto. Pagsapit ng 2030, alinsunod sa Ezekiel 40:46 [F026x], tanging ang mga anak ni Zadok ang pahihintulutang magsagawa ng mga paglilingkod sa Bundok ng Templo sa sistemang milenyal sa ilalim ng Mesiyas. Walang sinumang Judio, Levita, Benjaminita, o Simeonita na hindi bahagi ng pagkasaserdote ni Melquisedec ng Iglesia sa panahon ng pangangalat ang pahihintulutang maglingkod sa Templo sa sistemang milenyal. Ang iba ay magiging mga tagaputol ng kahoy at mga tagasalok ng tubig. Walang ministro ng mga Iglesia ng Diyos na nagtuturo ng Hillel ang maiiwang buhay sa pagdating ng Mesiyas. Sila ay magsisimulang mamatay sa ilalim ng mga Saksi at mamamatay sa mga Salot ng Ehipto nang unti-unti hanggang sa silang lahat ay mamatay, maliban na lamang kung magsisisi ang kanilang mga tao at umalis sa kanila. Kakailanganin nilang magsisi ngayon para manatiling buhay sa ilalim ng mga Saksi. Ang Apoc. 3:9 ay nagsasaad na sila ay payuyukurin at kilalanin ang Iglesia ng Filadelfia o ang Iglesia ng Pag-iibigang Magkakapatid, na siyang may taglay ng Ilawan sa mga Huling Araw (No. 170A). Kahit ano pa ang mangyari ay mawawala silang lahat sa pagdating ng Mesiyas, hindi na maituturo ang kanilang heresiya, at pati na rin ang kanilang paninirang-puri. Ang gayong mga tao ay tiyak na hindi papasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A] sa Pagdating ng Mesiyas (No. 210A; 210B).

 

Ang Panghuling na Pagsubok

Ibinigay ng Diyos ang Kanyang mga kautusan kay Adan at sa mga Patriyarka, at ang Tipan ay isang simpleng kautusan na kung susundin ng sangkatauhan ang Diyos at ang kautusan at ang patotoo, pagpapalain sila ng Diyos at gagawin silang Elohim sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A]. Yaong hindi ay itatalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at sa Paghuhukom sa Dakilang Puting Trono [143B] para sa muling pagsasanay. Ang yugtong ito ay kinakailangan sapagkat si Satanas at ang Nangahulog na Hukbo ay binigyan ng pamamahala sa planeta, at sa sangkatauhan sa pangkalahatan, at kailangang bigyan sila ng pagkakataong makaligtas at ng ikalawang pagkakataon sa ilalim ng wastong pamumuno na malaya sa pagkakamali at kasalanan. Ang mga Demonyo mismo ay kailangan ding bigyan ng pagtutuwid at paghatol at muling pagsasanay sa ilalim ng wastong pamumuno (tingnan ang Paghatol sa mga Demonyo [080]). Ang Diyos ay may moral at etikal na responsibilidad na maglaan ng kaligtasan para sa Kanyang mga nilalang upang mabigyan din ng pangalawang pagkakataon sa ilalim ng wastong pagtuturo. Iyan ay ibinigay sa Banal na Kasulatan alinsunod sa Kanyang perpektong Plano ng Paglalang. Gumawa siya ng perpektong plano na binalangkas sa tekstong Paano Naging Isang Pamilya ang Diyos (No. 187). Ang kanyang plano ay lalangin ang tao na may kakayahang maging Elohim (No. 001). Ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan at sa Patotoo at sa Kalendaryo ng Templo (No. 156). Ang mga doktrina ng mga demonyo ay pawang idinisenyo lahat upang pahinain ang pangangailangang iyon at paniwalain ang sangkatauhan na ang mga Kautusan ng Diyos ay masama lahat at dinisenyo ng isang masamang diyos, at na si Cristo, ang mabuting Diyos, ay inalis ang kautusan at ang Patotoo at nagbigay ng isang bagong kautusan na batay sa doktrina ng biyaya at hindi na ng kautusan, na ang totoo ay ito’y parehong Biyaya at Kautusan, na magkasama. Ang doktrinang Gnostic na ito ay lumaganap sa mga Iglesia at pinahina ang kapasidad ng sangkatauhan na makapasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli at maging elohim sa pagbabalik ng Mesiyas. Pinahintulutan ng Diyos ang pagsubok na ito upang siyasatin Niya ang mga puso at isipan ng sangkatauhan at upang makita kung sila ay susunod sa Kanya o hindi. Ang bawat tao na nagsasabing ang kautusan ay inalis na at hindi tumutupad sa Kautusan at sa Patotoo at sa Kalendaryo ng Templo, na dumadaloy mula sa Kautusan, ay inalis ang kanilang karapatan sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli.

 

Pinahintulutan ito ng Diyos upang subukin ang mga Banal maging hanggang sa kamatayan at upang italaga ang kanilang katayuan batay sa kanilang katapatan, upang sila'y maitalaga sa mga tungkuling may malaking responsibilidad sa Sansinukob pagkatapos ng pagdating ng Lungsod ng Diyos [180] sa lupa mula 3128 CE. Yaong sa mga banal na bumubuo sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ang bibigyan ng malaking responsibilidad sa paparating na Kaharian ng Langit kung saan sila’y ipapakalat sa buong sansinukob na may malaking responsibilidad bilang Senior Elohim at Seraphim bilang mga Tala sa Umaga at iba pang mga katungkulan.  Hindi pa rin huli ang lahat para magsisi at ituwid ang ating mga pagkakamali at iwanan ang mga bulaang guro na nagawang nakawin ang inyong korona at humadlang sa inyo sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli. Mayroon kayong napakaikling panahon para magsisi at sundin ang Kalendaryo ng Templo at talikuran ang heresiyang Hillel at ang pag-Judaista ng Ika-dalawampung Siglo at ang Trinitarian at iba pang mga heresiya at ang Hadithic Islam at lahat ng iba pang huwad na relihiyon ng Planeta sa ilalim ni Satanas at ng Nangahulog na Hukbo. Ang lahat ng ito ay ginawa upang patunayan na hindi tayo karapat-dapat, at karamihan sa sanlibutan ay nalinlang at may napakaikling panahon at napakaliit na pagkakataon upang magsisi at patunayan na mali ang mga Demonyo. Alalahanin na ang ating mga kapatid ay namatay para sa pananampalatayang bago pa man tayo. Ang naghihintay sa atin ay ang huling pagsubok at ang paraan kung paano tayo liligligin ng Nangahulog na Hukbo na gaya ng trigo, tulad ng hiningi niya sa Diyos na ligligin si Pedro na gaya ng trigo ngunit pinigilan siya (Luc. 22:31). Magpakatatag at magpakatapang at gampanan ang inyong mga tungkulin kasama ng ating mga kapatid sa Katapusan ng mga Araw. 

 

q