Christian Churches of God
No. 141E_2
Mga Digmaan ng Wakas Bahagi IIIB: Ang Digmaan
Laban kay Cristo
(Edition 1.5 20181123-20200618)
Sa Pagbabalik ng Mesiyas, ang buong
mundo ay titipunin ang kanilang mga puwersa at magmamartsa laban sa kanya.
Maging ang mga nagsasabing sila ay Cristiano ay hindi siya makikilala at
magmamartsa laban sa kanya at sa mga hinirang.
Christian Churches of God
PO Box 369, WODEN ACT 2606,
AUSTRALIA
Email: secretary@ccg.org
(Copyright © 2018, 2020 Wade Cox)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Mga Digmaan ng Wakas Bahagi IIIB: Ang Digmaan Laban kay
Cristo
Panimula
Nakita natin sa araling Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C] kung paano ang mga Digmaan sa mga
Huling Araw ay pinlano ni Satanas at ng Nangahulog na Hukbo at ang mga Huwad na
Relihiyon ay itinayo upang dalhin ang sanlibutan sa pagkawasak upang guluhin
ang milenyal na istraktura sa ilalim ng Mga Kautusan ng Diyos. Ang sanlibutan
ay binigyang babala ng CCG alinsunod sa propesiya (Jer. 4:15-16) (cf. Ang Babala ng mga Huling Araw [044]).
Gayunpaman, ang sanlibutan ay hindi nakinig at ang ikatlong bahagi ng
sanlibutan ay namatay at ang isang-kapat ay nasawi sa kasunod na salot. Ang
kakaunting nakinig ay inilagay sa mga hinirang para sa Unang Pagkabuhay na
Mag-uli.
Ang Empire of the Beast (No.
299A)
ay sumunod, na ang sentro nito ay nasa Jerusalem at ang sentro ng mga hukbo
nito ay mula Gaza hanggang Jerusalem. Nagpatuloy ang kontrol nito sa loob ng 42
buwan at sa loob ng panahong iyon ang mga Saksi ay isinugo ng Diyos upang
bigyang babala ang sanlibutan sa nalalapit na pagdating ng Mesiyas at upang
ihanda sila para sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A]. Inihanda sila para palitan ang Nangahulog na Hukbo sa lupa
at baguhin ang pandaigdigang pamahalaan. Sinundan din ito ng pagbabago ng mga
kautusan na siyang magpapatakbo sa sanlibutan, tulad ng ibinigay sa Israel sa
Sinai. Ang babalang ito ay isinagawa sa ilalim ng mga Saksi na sina Enoc at
Elias ayon sa inihula at ipinangako ng Diyos sa Kasulatan (Mal. 4:5; Apoc.
11:3ff, cf. din Gen. 5:24) at Mga Digmaan ng Wakas Bahagi II: 1260 Araw ng mga Saksi [141D].
Halos ang buong mundo ay hindi
nagustuhan o naniwala sa mga sinabi ng mga Saksi. Sinikap silang patayin ng mga
awtoridad ng sanlibutan, at ang kanilang mismong mga kinasangkapan ay pinatay
sa kaparehong paraan na binalak nilang patayin ang mga Saksi.
Matapos magpropesiya ang mga Saksi
sa loob ng 1260 araw sila ay pinatay at nahandusay sa lansangan sa loob ng 3.5
araw at sa umaga ng ikaapat na araw ay dumating ang Mesiyas, sa ilalim ng utos
ng Diyos, kasama ang Hukbo, at sila ay nabuhay na mag-uli at sa gayon nagsimula
ang buong Pagkabuhay na Mag-uli ng mga hinirang sa buong mundo ng Unang
Pagkabuhay na Mag-uli.
Sila ang mga kabilang sa pelekizu na dumaan sa matinding
pag-uusig sa buong mundo sa nakaraang panahon. Kasama nila ang lahat ng mga
patriyarka at mga propeta at ang mga binautismuhang hinirang ng mga Iglesia ng
Diyos.
Pagkatapos ay tumayo ang Mesiyas sa
Bundok ng mga Olivo at hinati ito sa dalawa at nabuo ng isang malawak na
kapatagan na may 66 km. ang haba at pumapalibot sa Jerusalem. Ang Lungsod ay
nilinis at naging sentro ng pandaigdigang pamahalaan sa buong panahon ng
Milenyo at hanggang sa Lungsod ng Diyos [180].
Ang Matapat na Hukbo na dumating
kasama ng Mesiyas ay ikinulong ang buong Nangahulog na Hukbo sa Tartaros kasama si Satanas, at ang buong
impluwensya ng mga Demonyo ay sinimulang alisin sa planeta.
Ang korapsyon ng planeta ay halos
lubusan at ang buong sistema ng sanlibutan ay ganap na naligaw tungkol sa mga
Kautusan ng Diyos at sa posisyon ni Cristo at sa mga turo ng Kasulatan at ng
Koran.
Ang mga taong kampon ni Satanas ay
naiwan nang walang kapangyarihang masasandalan upang makakilos, kaya't sila ay
naguluhan at nawalan ng direksyon. Nagawa nilang makamit ang kapangyarihan at
posisyon sa ilalim ni Satanas at ayaw nilang bitiwan ito. Hindi lamang nila
kontrolado ang mga sistemang pampulitika ng planeta kundi kontrolado din nila
pati ang mga sistemang panrelihiyon ng planeta.
Lubos nilang kinorap o inalis ang mga Kautusan ng Diyos kaya't ang
kanilang tinatawag na mga pananampalatayang Judio, o Cristiano, o Muslim ay
pawang mga huwad. Ang korapsyon ay napakalubha kaya hindi nila nakilala ang mga
Kautusan ng Diyos na ibinigay sa Sinai bilang ang Pananampalataya na minsang
ibinigay ng Mesiyas sa Sinai man o sa mga apostol at sa mga iglesia sa buong
mundo. Ang mga pagbaluktot ay ipinaliwanag sa 127B; [141C]; at gayundin sa Q001; Q001B; QP at QS.
Paghahanda para sa Digmaan
Si Satanas, bilang diyos ng
sanlibutang ito (2Cor. 4:4), ay inihanda nang mabuti ang sanlibutan para sa mga
Digmaan sa mga Huling Araw, at ang korapsyon ay halos ganap na. Maging ang mga
Iglesia ng Diyos ay halos nawasak ng huwad na doktrina at pansariling
interes. Napasok sila ng polytheist na
istraktura ng Ditheism (No. 076B) at Binitarianism or
Trinitarianism (No. 076); at ng kanilang Misrepresentation of the
Early Theology of the Godhead (127B). Sila ay na-corrupt dahil sa
pagsunod sa Hillel Calendar ng Post Temple Judaism nina Armstrong at Dugger
noong ika-20 siglo. Ang ilan pa nga ay walang sinusunod na kalendaryo at
tuluyang nalubog sa paganong sistema. Ang mga Muslim ay tinalikuran na ang kanilang
kalendaryo at wala nang sinunod maliban ang isang huwad na buwan ng pag-aayuno
at ang paganong pista ng Eid, nilalabag ang Food Laws (No. 015) na tila binabago ang Koran sa
pamamagitan ng pagdaragdag (Q22:36f) at pagkain ng kamelyo (cf. Hebrew and Islamic Calendar Reconciled (No. 053); at Commentary on the Koran:
Surah 22 The Pilgrimage (Q022)).
Wala ni isang sistema ng relihiyon
sa planeta ang sinusunod ang buo at orihinal na sistemang ibinigay sa Sinai at
tinupad sa ilalim ni Cristo at ng mga Apostol maliban sa isang maliit na
Iglesia ng Diyos na tinutukoy bilang mga taga-Filadelfia, ibig sabihin ay ang
iglesia ng pag-iibigang magkakapatid. Dala nito ang pangalan ni Cristo bilang
mga Cristiano na hindi ikinaila ang kanyang pangalan (Apoc. 3:8) (cf. Pillars of Philadelphia (No. 283)). Ang iglesiang iyon ay tumutupad
sa mga Kautusan ng Diyos na ibinigay kay Moises ng Mesiyas bilang Anghel ng
Presensya sa Exodo at itinatag ng Mesiyas at ng mga apostol alinsunod sa
Kalendaryo ng Templo (God’s Calendar (No. 156)). Ipinangilin nito ang mga Sabbath,
mga Bagong Buwan, at mga Kapistahan at mga Banal na Araw, at ang mga siklo ng
Jubileo at mga taon ng Sabbath. Sa pagtatapos ng halos 2000 taon mula 27CE sila
lang ang tanging iglesia ng Diyos na gumagawa nito.
Ang pagkawasak ng wastong doktrina
at ang kamangmangan ng mga sumasamba kay Baal mula sa huwad na Cristianismo at
huwad na Islam at Talmudic Judaism at Globalistang Komunismo ay tiniyak na
handa tayong pasabugin ang mundo at gagawin natin iyon sa Mga Digmaan ng Wakas Bahagi I: Mga Digmaan ng Amalek [141C].
Ang Panahon ng Kawakasan ng Pamamahala ni Satanas
Nagpasya ang Diyos na harapin ang
sangkatauhan bago tuluyang mawasak ang mundo at kaya kinailangan Niyang
paikliin ang pamumuno ni Satanas sa loob ng anim na libong taon ngunit ginawa
Niya lamang ito sa paraang sapat upang mailigtas ang planeta. Ito ay upang ang
nalalabing panahon sa pagtatapos ng Milenyo ay maging sapat lamang para kay
Satanas na tapusin ang kanyang oras at akayin muli ang sanlibutan sa
paghihimagsik bago ang taong 3027. Isinugo niya sina Enoc at Elias upang
bigyang babala ang sanlibutan sa pagdating ng Mesiyas sa loob ng 1260 + 4 na
araw na nakahandusay sila sa lansangan.
Sa parehong yugto, itinatag ng NWO
ang Huling Imperyo ng Hayop sa loob ng 42 buwan na pinahintulutan sila. Ang yugtong ito ay kasabay ng panahon ng
Huling Pagbibigay-Babala ng Apocalipsis 11:3ff sa ilalim ng mga Saksi.
Ang mga sistemang pandaigdig sa
ilalim ng Globalist NWO ay bumaling laban sa mga bulaang Cristiano ng Romanong
Patutot at ang kanyang patutot na mga anak na babae dahil sa kanilang mga
kasalanan at kanilang inimbento ang isang pandaigdigang sistema ng relihiyon
upang palitan ang mga Kautusan ng Diyos na nakasaad sa Kasulatan. Ginawa nilang
mas lalo pang hindi nakakasunod ang huwad na sistema sa mga Kautusan ng Diyos
kaysa sa nagawa nila dati.
Ang sanlibutan ay nasa ilalim ng NWO
sa panahon ng mga Saksi subalit hindi lahat ay nagkakaisa at laban sa Mesiyas.
Ang mga tumanggap ng tanda ng hayop
ay parurusahan. Yaong mga hindi ay
bubuhayin muli o babaguhin sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A] kaagad sa Pagbabalik ng Mesiyas.
Ang mga Huling Labanan Laban sa Mesiyas
Sa panahon ng mga Saksi naging
malinaw na ang Laws of God (L1) ay ganap na maibabalik at ang mga
lingkod ni Satanas ay aalisin at papalitan, nang Pamahalaan at Kaharian ng
Diyos sa ilalim ng Mesiyas at ng nabuhay na mag-uli na mga hinirang (cf. The Elect as Elohim (No. 001)).
Kapag binuhay na mag-uli ng Mesiyas
ang mga Saksi, masasaksihan ito ng buong sanlibutan at ang mga tagapaglingkod
ng NWO na nasa pamahalaan ay mapagtatanto na ang kanilang oras ay tapos na at
sila ay lilikas sa mga yungib at mga bato upang magtago mula sa Cordero (Apoc.
6:15-16). Ito ang mga pinatibay na Camp David at mga bunker na matatagpuan sa
iba't ibang dako ng mundo. Sa panahong ito ibinibigay ng mga bansa ang kanilang
buong kapangyarihan sa Hayop ng Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa upang humayo laban
sa Cordero. Gagamitin nila ang
kapangyarihang ito sa loob ng isang propetikong Oras (Apoc. 17:12). Sa
panahong ding ito, ang buong sistema ng Babilonia ay nawasak din (Apoc. 18:8)
nang makaharap nila ang Mesiyas at nalupig ng Mesiyas at ng mga hinirang.
Gayunpaman, ang patutot ay nawasak na bago pa man iyon (cf. WWIII Part II: The Whore
and the Beast (No. 299B)).
Ito ang sitwasyong tinutukoy ng
Mesiyas nang magtanong siya: “Makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa
lupa?” (Lk. 18:8). Ipaghihiganti ng Diyos ang Kanyang mga hinirang habang sila
ay sumisigaw sa Kanya sa ilalim ng pag-uusig sa loob ng mga millennia. Dito Niya sila ipaghihiganti kaagad (Lk.
18:7). Wala nang natitirang tunay na
pananampalataya pagkatapos ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli maliban sa mga bata
na napakabata pa para mabautismuhan at samakatuwid ay papasok sa Milenyo bilang
mga tao. Sila ay pinoprotektahan ng Matapat na Hukbo, mula sa Pagparito, at
titipunin upang maging isang bansa ng mga Hari at Saserdote at upang
pangasiwaan ang pagkasaserdote sa lahat ng mga bansa.
Ang buong mundo ay tinuruan na huwag
matakot sa Mesiyas o sa Diyos at na ang Mesiyas raw ay isang may mahabang
buhok, payat, mahinhin, mukhang Italyano, na nakabitin sa krus na ganap na
taliwas sa mga nakasaad sa banal na kasulatan. Ginagamit din nila ang pista ng
diyosang si Easter o Ishtar, Astarte, o Ashtaroth, asawa ni Baal, na sinasabing
ang Cristo, batay sa anyo ng diyos na si Attis, ay pinatay ng Biyernes at
muling nabuhay ng Linggo, na lubos na hindi totoo (cf. The Timing of the
Crucifixion and the Resurrection (No. 159) at The Cross: Its Origin and
Significance (No. 039)).
Itinuro sa kanila na huwag matakot
sa kanya dahil hindi siya magpapatupad ng anuman o papatay ng anuman sa ilalim
ng kanilang mga huwad na doktrina. Hindi lang talaga nila siya kikilalanin at
dahil iginigiit niya ang mga Kautusan ng Diyos ay idedeklara nila siyang isang
impostor at alien.
Nang ang ilan sa ating mga ninuno ay
tumayo sa Sinai at si Cristo ay naroon na may Apoy at Usok at binalaan ang mga
tao na huwag lalapit o sila ay mamamatay, hindi sila nag-alinlangan kahit isang
minuto na ang nilalang, na kalaunan ay magiging Cristo, ay papatayin sila kung
hindi nila gagawin ang sinabi sa kanila. Alam ng mga Apostol at mga miyembro ng
iglesia noong Unang siglo na si Cristo ang nasa Sinai (1Cor. 10:4; Gawa
7:30-43).
Si Cristo ang nagsara kay Noe at sa
kanyang pamilya sa Daong at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagpatay sa sinaunang
sanlibutan sa pamamagitan ng baha. Si
Cristo ang nagpadala sa Israel sa pagkabihag at si Cristo ang pumatay sa
Panganay ng Ehipto. Si Cristo ang nagpasuko sa Ehipto at lumipol sa hukbo ni
Faraon sa Dagat na Pula. Si Cristo ang
nagbigay ng Kautusan ng Diyos sa Israel sa ilalim ni Moises at si Cristo ang
nagpatupad nito na may parusang kamatayan. Iniutos niya na patayin ang taong
namumulot ng mga kahoy sa Sabbath bilang halimbawa sa mga tao. Binuksan ni
Cristo ang lupa at pinatay ang mga rebelde ni Korah. Si Cristo ang nag-utos na patayin ang mga tao
sa Jerico at sa Banal na Lupain noong ito ay sinakop (The Fall of Jericho (No.
142)).
Si Cristo ang nag-utos ng
kaparusahan sa Israel nang sila ay magkasala at ginamit niya ang mga Filisteo
at ang mga taga-Siria at ang mga taga-Asiria at ang mga Caldeo at mga
Medo-Persian upang lusubin at pasukuin sila nang tumanggi silang sumunod sa
Diyos (Samson and the Judges
(No. 073)). Si Cristo ang pumatay sa hukbo ng Siria, gamit ang
kanilang sariling mga sundalo. Si Cristo
ang nag-utos na patayin ang 70,000 nang bilangin ni David ang Israel.
Si Cristo ang nagpadala sa Israel sa
pagkabihag sa ilalim ng mga taga-Asiria noong 722 BCE at pagkatapos ay
ipinadala ang Juda sa pagkabihag sa ilalim ng mga taga-Babilonia. Pinanumbalik
niya silang muli sa Jerusalem, at pagkatapos ay ikinalat sila sa ilalim ng mga
Romano hanggang sa mga huling araw na ito sa Pagpapanumbalik.
Pinahintulutan niya ang Panahon ng
Kabagabagan ng Jacob at pinanood silang lahat na pumatay ng milyun-milyon sa
mga huling araw at hahayaan silang patayin ang mahigit isang-katlo ng lupa bago
dumating ang mga Saksi, matapos nating makumpleto ang pagbibigay-babalang ito,
at pagkatapos ay mahigit kalahati ng planeta pagdating niya dahil ayaw talagang
gawin ng mga tao sa planeta ang sinasabi niya. Dalawang buong era ng iglesia
ang tatanggihan na pumasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A] at itinalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at ang Paghuhukom sa Dakilang
Puting Trono [143B] dahil lamang sa hindi nila susundin ang Kasulatan at
gagawin ang mga sinasabi sa kanila. Ang buong sistema ng Iglesia ng Diyos ay
nakakalat, at dalawa sa huling tatlong era ay haharap sa Ikalawang Kamatayan
dahil pinili nilang paniwalaan ang mga kasinungalingan ng kanilang mga bulaang
propeta at ministeryo, at sumunod sa Hillel kaysa magsisi na lang at sumunod sa
Laws of God (L1). Malilipol ang mga Adventist dahil
sa mga heresiya ni E.G. White at ng kanilang ministeryo, tulad ng mga Saksi ni
Jehova na itinakwil nang lubusan (cf. False Prophecy (No. 269)). Kung nais mong mabuhay kung gayon
magsisi ka at sundin mo ang Diyos.
Sa halip na pakinggan ang mga babala
na itinuro ng Diyos sa Jeremias 4:15-16ff, mas gugustuhin pa ng sanlibutan na
siraan ang mga sugo ng Diyos o magkunwaring walang halaga ang mga ito, sa
kabila ng babala ng Diyos. Kung nagawa iyon ng mga taga-Asiria kay Jonas,
napuksa sana sila sa loob ng 40 araw, ngunit nagsisi sila. Ang mga kabataang
nangutya kay Eliseo ay pinatay ng isang oso sa mismong lugar. Gayunpaman ang
makabagong mga sistema ng Iglesia ng Diyos at ng mga Adventista ay nagpapanggap
na sila’y ligtas at dadalhin sa isang Place of Safety (No. 194) o mas malala pa “raptured” daw sa
langit upang “Basahin ang mga Aklat” sa isang paghuhukom na pagsisiyasat,
gayong wala namang ganitong bagay sa Banal na Kasulatan, sa labas ng planetang
Earth sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at ang Paghuhukom sa Dakilang
Puting Trono [143B]. (cf. Millennium and the
Rapture (No. 095)).
Ang mga ministrong ito ay papatayin
nang lubusan maliban kung sila ay magsisi bago pa maging huli ang lahat. Ang
sinumang sumusunod sa kanila ay haharap sa Ikalawang Kamatayan kasama ang mga
bulaang Cristiano na sumasamba kay Baal na nangingilin ng Linggo, Pasko at ng
pista ng diyosa ng Easter at ng mga paganong araw ng Pag-aalay ng Tao bilang
mga pampublikong pista opisyal, tulad halimbawa sa USA.
Ang mga Globalistang Satanista
Upang maitatag ang pandaigdigang
pamahalaan ni Satanas, na nakumbinsi niya sila na ito ang siyang layunin,
sinikap nilang alisin ang mga pambansang kontrol at pambansang pananagutan ng
bansa sa harap ng Diyos. Sisikapin nilang itatag ang mga kontrol na ito sa loob
ng 42 buwan ng Hayop subalit patuloy ang paglaban dito. Pagkatapos ng Pagparito
ng Mesiyas (cf. 210A at 210B at Bahagi III [141E]) makikita natin ang pagsasama-sama
ng mga sistemang pandaigdig at sadyang tatanggi na lamang ang sangkatauhan na
sumunod sa Diyos o magpasakop sa pamamahala ng Mesiyas. Ibibigay nila ang lahat
ng kapangyarihan sa mga sistemang pandaigdig at sa kanilang mga hukbo at
magmartsa laban sa Mesiyas sa Megiddo kung saan sila ay haharap sa lubusang
pagkalipol.
Sila ay malilipol sa mga Hukbo ng
Hilaga na magsisimula sa mga lugar sa Palestina at sa Gitnang Silangan at sa
buong sistemang Hilaga at pagkatapos ay ang hukbo ng mga Hari ng Silangan ay
dadalhin pababa sa Megiddo at sistematikong lilipulin gaya ng sinabi ng Diyos
na mangyayari sa pamamagitan ng mga propeta at ng mga apostol at ng matatanda
ng mga Iglesia ng Diyos.
Pagpapasuko sa Sanlibutan
Matapos ang pagkalipol ng mga hukbo
ng NWO at ng kanilang punong-tanggapan, ang mga hinirang ay isusugo sa mga
bansa upang magtatag ng kaayusan at ng isang coordinated world government na
pamamahalaan mula sa Jerusalem. Ito ay papatakbuhin bilang isang Commonwealth
of Constitutional Monarchies sa ilalim ni Cristo bilang Hari ang Laws of God (L1) ang magiging pundasyon ng Saligang
Batas.
Ang lahat ng nagbalik-loob sa ilalim
ng mga nakaraang era ng mga Iglesia ng Diyos at ng mga patriyarka at mga
propeta, at lahat ng nagsisi sa ilalim ng mga Babala ng mga Huling Araw sa
buong mundo, ay papasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli at itatalaga sa
pambansang espirituwal na pagpapanumbalik bilang kapalit ng mga demonyo na
ngayon ay nasa hukay. Ang lahat ng mga
nilalang na ito sa panahong ito ay elohim na ngayon, bilang mga anak ng Diyos,
sa ilalim ng Sambahayan ni David na naglilingkod sa Mesiyas (Zac. 12:8) sa
Jerusalem sa 144,000, o sa mga bansa, katulad ng sa Lubhang Karamihan.
Ang mga Demonyo ay ilalagay sa hukay
ng Tartaros kasama si Satanas.
Ang mga taong naiwang buhay ay
dadalhin sa Milenyo at muling tuturuan. Ilalagay sila sa kani-kanilang mana
para sa sistemang milenyal sa loob ng mga taon ng Jubileo. Sila ay itatalaga sa
Unang Jubileo ng Milenyo at magtatatag ng kaayusan sa lahat ng mga bansa (cf. Ang Ginintuang Jubileo at ang Milenyo [300]).
Yaong mga patay na, na siyang
kalagayan ng karamihan sa planeta, at ang buong sangkatauhang namatay bago pa
masakop ng Mesiyas ang planeta, ay mananatili sa mga libingan hanggang sa
Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Sila ay
mabubuhay na mag-uli sa katapusan ng Milenyo at muling tuturuan, kasama ang mga
demonyo, na bubuhayin din at hahatulan (cf. Ang Paghatol sa mga Demonyo [080]).
Ang lahat ng mga bansa ay
magpapadala ng kanilang mga pambansang kinatawan sa Jerusalem taon-taon sa
Kapistahan ng mga Tabernakulo upang makipag-pulong at tumanggap ng mga
tagubilin mula sa Mesiyas sa Jerusalem (Zac. 14:16–19). Kung hindi
ipinangingilin ng mga bansa ang mga Sabbath at mga Bagong Buwan (Isa. 66:23) o
ang mga Kapistahan ng sagradong taon, hindi sila tatanggap ng ulan sa takdang
panahon hanggang sila ay magsisi at sumunod, o magdurusa sila ng mga salot ng
Ehipto, at sila ay mamamatay.
Hindi pahihintulutan ang anumang
paghihimagsik o pagsuway hanggang sa magwakas ang sistemang milenyal pagkaraan
ng 1000 taon kung saan pakakawalan na si Satanas at ang Nangahulog na Hukbo.
Ang pagpapakawala ay upang ipakita sa planeta na, sa kabila ng lahat ng
ibinigay dito, ang kanilang pagmamatuwid sa sarili ay hindi nararapat at parang
maruming basahan. Sa kabila ng lahat ng
ito, sila ay magmamartsa laban sa Mesiyas at sa mga hinirang sa Jerusalem sa
loob lamang ng ilang buwan (Apoc. 20:7-9), at sila ay pupuksain sa pamamagitan
ng apoy mula sa langit.
Ang dakilang aral sa lahat ng ito ay
ang tao ay sadyang masama at hindi susunod sa Diyos kung wala ang Banal na
Espiritu. Kahit nabigyan na ng Banal na Espiritu sa adult baptism ay halos
dalawang buong era ng mga Iglesia ng Diyos ang nabigong makapasok sa Unang
Pagkabuhay na Mag-uli at itinalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli upang
harapin ang paghuhukom at marahil ang Ikalawang Kamatayan.
Ang natitirang bahagi ng sanlibutan
ay kinorap ang Mga Kautusan ng Diyos at ang pananampalataya at Patotoo ng
Mesiyas at ng mga propeta at ng mga Iglesia ng Diyos at silang lahat ay itinalaga sa Ikalawang
Pagkabuhay na Mag-uli at muling tuturuan.
Ang mga hinirang o ang Pelekizu ng mga pinugutan ng ulo o
pinag-usig dahil sa pananampalataya ay ang mga tinanggihan at hindi
pinaniwalaan ng sanlibutan. Sila ay pinaslang bilang mga martir ng Patutot at
ng kanyang patutot na mga anak na babae o kaya'y pinag-usig at ninakawan at pinagkaitan ng
kaligtasan at kabuhayan ng mga ereheng ito ng huwad na Cristianismo o huwad na
Islam o ng mga Liberation theologies at ng mga sistemang Animista, o ng
Talmudic-Judaism mismo. Ang mga taong
ito ay bubuhayin na mag-uli sa pagdating ng Mesiyas at ilalagay sa katungkulan
upang mamuno sa mga umusig sa kanila. Iyan ay isang angkop na paghatol at
parusa para sa mga bulaang Cristianong erehe na ito. Ang kanilang kaligtasan ay
nakasalalay sa mga taong kanilang inusig at sa ilan na kanilang pinatay o sa
mga pamilyang kanilang pinilit na ubusin (cf. The Virgin Mariam and the
Family of Jesus Christ (No. 232)).
Ang mga Matatanda ng mga Bansa bilang Elohim
Alam na natin kahit papaano kung ano
ang mangyayari sa mga matatanda at sila ay bubuhayin na mag-uli at kung saan
sila malamang na ilalagay.
Ang mga patriyarka mula kay Adan
hanggang kay Noe at Abraham, Isaac at Jacob at Ismael ay itatalaga sa sentral
na pangangasiwa ng 144,000 sa ilalim ng Mesiyas kasama si David bilang pinuno
ng Sambahayan (Zac. 12:8). Gayon din ang
mga propeta hanggang kay Juan Bautista ay bahagi ng mga napiling 144,000.
Ang mga Apostol ay ang mga pinuno ng
labindalawang sistema ng lipi ng 144,000 (Apoc. Kab. 7ff.)
Sina Abraham at Moises, Enoc at
Elias ay maaaring mailagay bilang apat na taong kerubin na itinalaga sa Trono
ng Diyos kasama ng Mesiyas. Ang paggamit ng mga katagang “Prinsipe ng EL” at
“Elohim” sa Kasulatan na iniuukol kina Abraham at Moises at ang paggamit ng
Diyos kina Enoc at Elias ay nagpapahiwatig ng mataas na ranggo sa elohim.
Ang Pitumpu ay itatalaga sa mga
pambansang tungkulin ayon sa pagkakalagay sa kanila ng Mesiyas sa kanilang mga
unang tungkulin. Ang mga paksang ito ay tinalakay sa mga araling Fate of the Twelve
Apostles (No. 122B); Death of the Prophets and
the Saints (No. 122C) at Establishment of the
Church under the Seventy (No. 122D).
Sina Sem, Ismael, ang mga anak nina
Ketura, Job, Jethro, Zipora, Debora, Ruth, Ester, Qasim, Kadijah, Jafar, at
Omar ay maaaring italaga upang mamuno sa mga Anak ni Sem at sa mga Arabo sa
pangkalahatan. Ang nabautismuhang iglesia sa ilalim ni Qasim at ang mga
matatanda ng mga Muhammad doon ay halos tiyak na itatalaga sa mga Arabo.
Ang iba tulad nina Linus at
Aristobulus ay itatalaga sa mga Briton, sina Irenaeus at ang mga unang apostol
sa mga Pranses. Sina Hippolytus at ang iba pang mga apostol sa mga Italyano at
sa mga taga-Hilagang Aprika at Kastila.
Sina Pedro at ang iba pang nasa Gitnang Silangan ay sa Gitnang Silangan
hanggang Parthia at sa Indus. Sina Tomas at Bernabe ay sa Asya at sa
Subcontinent. Sina Meuses at ang iba pa
ay sa Tsina at Asya.
Ang bawat isa sa mga elohim ay
maaaring magpakita sa mga tao sa Milenyo at magtuturo sa kanila. Sasabihin nila
“ito ang daan na lakaran ninyo” (Isa. 30:21).
Sa ganitong paraan tayo ay maaaring
makipag-ugnayan sa mga tao at huhusgahan laban sa mga demonyo para malaman ang
magiging hatol sa kanila.
Sa simula, magiging marahas ang
pagpapasuko at mangangailangan ito ng kamay na bato upang mapasuko sila at ng
paggamit ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Marami ang mamamatay sa proseso. Ang
mga pangunahing elemento ng ministeryo na hindi nagsisisi ay kailangang
patayin. Walang sinumang nangangaral na
pari o imam na nagtuturo ng mga sistemang Baal ng huwad na Cristianismo o
Hadithic Islam na hindi nagsisisi ang pahihintulutang mabuhay. Ang Batas ng
Sharia ay lubusang aalisin gayundin ang antinomianismo at lahat ng kautusan na
salungat sa Mga Kautusan ng Diyos kabilang ang Talmudic Judaism.
Ang pagsamba sa inang diyosa at ang
pagsamba sa diyus-diyosan na kaakibat nito ay tuluyang wawakasan.
Ang bawat diyus-diyusan sa bawat
lugar ng pagsamba ay babasagin. Ang pananalangin sa iba maliban sa Diyos ay
parurusahan bilang pagsamba sa diyus-diyusan. Ang pagdarasal ng paulit-ulit sa
pamamagitan ng pagmememorya ay ipagbabawal. Ang pagdarasal sa mga pampublikong
lugar ay ipagbabawal maliban sa mga opisyal na pampublikong okasyon o
seremonya.
Iisa lamang ang Tunay na Diyos na si
Eloah na Ha Elohim at Yahovih at Siya lamang ang walang hanggan at dapat
sambahin.
Ang Mesiyas ang mamamahala sa
planeta at siya ay susundin at ang mga Kautusan ng Diyos ay ipatutupad at
ilalapat sa lahat ng aspeto ng buhay sa planeta.
Pagkatapos mapasuko ni Cristo ang
lupa ay makikita natin ang wakas ng lahat ng Huwad na Relihiyon ayon sa Wars of the End Part IV: The End of False Religion (No. 141F); kasunod nito ang Wars of the End Part IVB: End of the Age (No. 141F_2); pagkatapos ay tutungo tayo sa
Pagpapanumbalik para sa Sistemang Milenyal sa Wars of the End Part V:
Restoration for the Millennium (No. 141G) at pagkatapos ay sa paghahanda sa
tao na maghari bilang elohim at maging mga diyos ayon sa Wars of the End Part VB:
Preparing the Elohim (No. 141H).
q