Christian Churches of God

No. 141D

 

 

 

Mga Digmaan ng Wakas Bahagi II:

1260 Araw ng mga Saksi

 

(Edition 2.5 20180812-20181210-20191201)

 

Ngayon ay magpapatuloy tayo upang suriin ang kilos ng mga Saksi sa pagpasok ng mga Kapangyarihang Hilaga mula Europa patungo sa Gitnang Silangan.

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

 Email: secretary@ccg.org

 

(Copyright ©  2018, 2019 Wade Cox)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 

 

 Mga Digmaan ng Wakas Bahagi II: 1260 Araw ng mga Saksi

 

 

Seksyon 1

 

 

Kahihinatnan    

Pagkatapos ng mga Digmaan ng mga Pakakak, kinakaharap ng sanlibutan ang isang katlo ng populasyon nito na patay na at napakalaking mga problema na nagmumula sa mga sakit at epidemya nito. Ang mga elemento sa Hilaga ng New World Order (NWO) ay napilitang matanto na ang lawak ng krisis na nabubuo mula sa pwersa ng Timog na pumapasok sa Europa bilang mga refugee at terorista, at para sa lubos na kaligtasan at muling ayusin ang mga pandaigdigang kapangyarihan, kinailangan nilang pigilan ang Timog at lusubin ang Gitnang Silangan.

 

Pumapasok sila upang kontrolin ang Ehipto at magkaroon ng mga garison sa Hilagang Africa at sa Timog hanggang Ethiopia.

 

Ang HQ Northern Army ay nasa Gaza at umaabot sa West Bank at Jerusalem kung saan matatagpuan ang UN HQ bilang bahagi ng NWO. Mula rito ay naipatupad nila ang Sampung Rehiyong Pang-ekonomiya ng Treaty of Rome noong 1956 at ang mga sistemang pang-ekonomiya na itinatag mula 1997. Ang sanlibutan ay bihag na ngayon ng Imperyo ng Hayop.

 

Kontrol ng Hayop

Ang mga sistema ng Huwad na Propeta at ng Anticristo ay inilagay sa Jerusalem. Ang Vatican ay winasak at ang Mecca ay binomba at naging walang silbi.

 

Ang mga Globalista, Marxista at Satanista ay nag-aagawan para sa kontrol kung saan sila ay hindi iisa at pareho.

 

Ang sanlibutan ay nahaharap sa mga mekanismo ng kontrol upang ang mga tao nito ay mabigyan ng mga tanda at implant. Gayunpaman, ang mga recognition technologies ay napaka-advanced na ngayon kaya't ang kalayaan ay lubhang nababawasan.

 

Nagsisimula na sila upang itatag ang Pandaigdigang Imperyo para sa isang tuloy-tuloy na panahon na planong umiral sa mga darating na siglo.

 

Ang kanilang pangunahing layunin ay upang maisakatuparan ang paglipol ng bayan ng Diyos tulad ng ipinakita natin sa mga araling Commentary on Esther (No. F017); F017ii at pati na rin ang araling Commentary on Esther Part 3: Purim in the Last Days (F017iii).

 

Pagsalanta ng mga Pakakak

Ang mga karagatan ay masyado nang marumi kaya't delikado nang kumain ng isda. Ang mga ilog at sapa ay nagiging kulay pula dahil sa lumot at polusyon.  Ang mga pagkain ay kapos at nirarasyon.

           

Inaakala ng Imperyo ng Hayop, sila na ang may kontrol sa lahat at ngayon ay malapit nang lipulin ang mga hinirang.

 

Binalingan nito ang Patutot ng Roma at malapit nang ipatupad ang Religion of the New World Order. Upang magawa iyon, gumawa sila ng plano na bumuo ng isang huwad na sistema na tila umaayon sa mga pangunahing pangangailangan ng sistema ng Sharia upang mapanatag ang mga elemento ng huwad na Muslim ngunit iyon ay nagbabalik ng masamang epekto sa kanila.

 

Kung magpapatuloy ito ay walang matitirang laman na buhay na siyang aktwal na layunin ng mga Satanista. Ang iba na hindi alam ang tunay na layunin ng mga lingkod ni Satanas ay naghahangad na bawasan ang pandaigdigang populasyon sa ilang daang milyon. Ang tunay na layunin ay lipulin ang sangkatauhan sa 2026-2027.

 

Ipinasya ng Diyos na Oras na 

Walang gagawin ang Diyos na anuman nang hindi muna nagbibigay ng babala sa mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na mga propeta (Amos 3:7). Ang sanlibutan ay nabigyang-babala na sa ilalim ng tinig ni Dan-Ephraim sa Jeremias 4:15-16ff., gaya ng inihula. Nagsimula ito sa katimugan at nagpatuloy sa pahilaga (cf. Fire From Heaven (No. 028)). Ang mensahe ay nagdulot ng pagkakabahagi sa mga panrelihiyong pangkat; gayunpaman, hindi sila nakinig at ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay nalipol at marami pa ang namamatay.

 

Ang unang pangkat ay ang Patutot ng Babilonia bilang pangkat ng huwad na Cristiano na nakasentro sa Roma at pagkatapos ay sa Jerusalem at ang Ikalawang pangkat ay ang pangkat ng huwad na Islam na nakabatay sa Hadith at Sharia sa Mecca at pagkatapos ay sa Jerusalem. Ang Ikatlong pangkat ay ang pangkat ng mga animista ng Liberation theologies na nakabatay sa Mysticism. Ang Ikaapat na elemento ay ang huwad na sistema ng rabinikong Judaismo. Ito ang lahat ng pinagsamang pangkat ng mga Satanista ng NWO. Ang isa pang mas maliit na pangkat ay ang pangkat ng mga Banal na sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos at sa Pananampalataya at Patotoo ni Jesucristo (Apoc. 12:17; 14:12 at gayundin sa Apoc. kabanata 18).

 

Mga libong taon na ang nakaraan ang Diyos ay pumili ng dalawang propeta at dinala sila sa hinaharap. Ang isa ay si Enoc na naging saksi laban sa Nangahulog na Hukbo at sa Ante-Diluvian o sa Daigdig Bago ang Baha (Gen. 5:24).  Sa katunayan, si Enoc ang ninuno ng lahat ng taong nabubuhay sa mundo at dahil dito ay inilagay siya upang harapin ang mga huwad na sistema ng pagsamba sa mga ninuno at animismo at ang mga sinaunang sistema.

 

Ang pangalawang tao ay si Elias na kinuha ng Merkabah Chariot ng Diyos mula sa Israel (2Kgs. 2:11). Alam natin na totoo yun dahil nakita siya ni Eliseo at ng mga propeta at ito ay naitala sa Kasulatan.  Gayundin, naitala na ipapadala ng Diyos si Elias sa mga Huling Araw upang ibaling ang puso ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang o sasaktan Niya ang lupain ng isang sumpa (Mal. 4.5).  Ang lahat ng aktibidad na ito ay pasok sa loob ng mga kilalang limitasyon ng Theory of Relativity na tinatanggap ng kasalukuyang siyensiya. Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan at ang mga taong ito ay hindi mamamatay hanggang sa katapusan ng kanilang pagpapatotoo. Ni walang sinuman ang makakapatay sa kanila hanggang sa matapos ang kanilang pagpapatotoo. Kung paano sila pinagtangkaang patayin ng mga tao, sa gayon ding paraan sila mismo ay papatayin (Apoc. 11:5).

 

Sa ilalim ng interbensyon na ito, ang Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa ng Daniel 2 ay binibigyan ng 42 buwan upang kumilos, at sina Enoc at Elias ay isinugo upang magpatotoo laban sa kanila sa loob ng 1260 araw at 4 na araw, na siyang katumbas ng 42 buwan (Apoc. 11:1-2). Sa yugtong ito ipapatupad nila ang mga Kautusan ng Diyos at haharapin ang lahat ng lugar at antas ng sanlibutan.

 

Kaya nilang magpababa ng apoy mula sa langit tulad ng nakita natin na nangyari kay Elias at kaya rin nilang isara ang langit upang walang ulan sa panahon ng kanilang propesiya (Apoc. 11:6). Kaya rin nilang ipataw ang mga Salot ng Ehipto o anumang mga salot na nais nila sa sanlibutan habang sila ay nag-uutos at ginagawang dugo ang tubig.

 

May mga pag-aangkin na si Elias ay nagpakita na sa anyo ng iba't ibang mga ministro at ang pagpapanumbalik ng lahat ng bagay sa pamamagitan ni Elias ay dapat maglaman ng 14 na aspeto na sakop sa araling Elijah? (No. 233). Lahat ng mga aspetong ito ay naipanumbalik sa CCG sa pagkakabuo nito.

 

Ang Hayop ay hindi naniniwala na ang kanilang oras ay limitado at na sila ay nakakulong lamang sa 42 buwan pero alam ni Satanas yun at gusto niyang wasakin ang sanlibutan para hindi matuloy ang plano ng Diyos.

 

Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo ay aahon ang Hayop mula sa hukay ng kailaliman at papatayin ang mga Saksi at ang kanilang mga bangkay ay hahandusay sa lansangan ng Jerusalem, ang lungsod na tinatawag na Sodoma at Ehipto, kung saan pinatay si Cristo (Apoc. 11:7-8).

 

Ang epekto ng mga salot ay magpapalala sa pagsalanta ng mga Pakakak at ang mga epekto ay titindi sa panahon ng kanilang pagpapatotoo at pagkatapos ay titindi nang husto sa ilalim ng Mesiyas at sa mga Mangkok ng Poot ng Diyos (tingnan ang mga araling Ang Pitong mga Pakakak [141] at Mga Digmaan ng mga Huling Araw at ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos [141B]).

 

Ugnayan ng Kautusan

Ang pangunahing layunin ng mga Saksi ay ibalik ang ugnayan ng Kautusan ng Diyos na inalis ni Satanas sa ilalim ng kanyang pamamahala upang magpaulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. Pipigilan nila ang ulan sa lahat ng dako sa lupa, maliban kung saan nila gustuhin. Ang kanilang pagpapatotoo ay upang mahikayat ang mga tao sa lupa na magsisi at kumilos ayon sa mga Kautusan ng Diyos.

 

Pagdating

Ang mga Saksi ay darating sa Bundok ng Templo na nakasuot ng damit-sako. Lilinisin nila ang Bundok at magsisimulang magsalita. Ang lahat ng tao ay makakakita at makakaunawa sa kanila. Parang milagro ang proseso, pero baka gumamit lang sila ng modernong teknolohiya.  Gayunpaman, titiyakin ng media ang pagbabalita, gusto man nila o hindi.

 

Ang Apocalipsis 11:1-2 ay nagpapakita na ang proseso ay nagsisimula mula sa pagsukat ng Templo ngunit hindi susukatin ang patyo sa labas ng templo sapagka't ibinigay iyon sa mga bansa at kanilang yuyurakan ang banal na lungsod sa loob ng 42 buwan. Alam natin na ang pagsukat sa Templo ng Diyos ay nagsimula sa simula ng panahon ng pagsukat noong 1987 bilang ang huling henerasyon ng mga Huling Araw sa huling jubileo. Ang Templo ng Diyos ay nawasak noong 70 CE bilang isang pisikal na gusali at ang natira ay ang espirituwal na Templo na siyang Iglesia ng Diyos na nilimitahan sa limang iglesia ng limang era at ang dalawa pang iglesia ay Sardis at Laodicea (Apoc. kabanata 3). Ang huling dalawang ito ay ibinigay sa mga bansa upang subukin at maitama. Nagsimula iyon sa Europa noong WWII at kalaunan ay umabot sa kasukdulan nito sa ilalim ng mga Saksi. Sila, at ang kanilang mga ninuno, ay hinarap sa nakalipas na limang siglo ng mga bansa at pagkatapos ay sa huli sa ilalim ng Imperyo ng Sampung Daliri ng Paa. Haharapin na sila ngayon ng mga Saksi at susubukin sila upang maitama ang kanilang mga pagkakamali, na napakarami.

 

Ang una, o pangunahing, pagkakamali ay ang Kalikasan ng Diyos at ang katayuan ng Mesiyas. Nang pasimula pa lamang ang Diyos Ama lamang ang umiiral. Pagkatapos ay nilikha Niya ang Kanyang mga espirituwal na anak o elohim.  Kalaunan, gaya ng inilarawan sa Job 38:4-7, ang mga elohim ay nagtipon upang saksihan ang paglikha ng Ama sa pisikal na sansinukob at partikular na ang lupa at ang sistemang ito. Mayroong malaking agwat ng panahon sa pagitan ng mga kaganapan ng Genesis 1:1 at 1:2.

 

Ang talata 1:2 ay naglalarawan ng muling paglikha ng lupa matapos itong maging tohu at bohu o walang anyo at walang laman. Si Cristo at ang iba pang mga elohim na nilikhang mga anak ng Diyos na naroroon sa unang paglikha ng Diyos sa Job 38:4-7 ay isinugo upang muling likhain ang lupa. Si Cristo ang Elohim ng Israel na magiging Mesiyas bilang pinuno ng Matapat na Hukbo. Ang kabiguang maunawaan ang pangunahing katotohanang ito ng Kasulatan ay nagresulta sa idolatriya ng buong sistemang Cristiano sa mga huling araw. Ang Sardis at Laodicea ay kapwa na-corrupt ng mga doktrinang Ditheist/Binitarian ng pagsamba kay Baal at marami ang na-corrupt ng Triune God sa Trinitarianismo (cf. sa mga araling  Binitarianism and Trinitarianism (No. 076) at Ditheism (No. 076B)).

 

Ang Judaismo ay na-corrupt din sa pagtanggi nito sa Mesiyas. Gayunpaman, ang pangalawang pangunahing kasalanan nito ay ang pag-imbento ng Kalendaryong Hillel noong 358 CE nang ilabas ito ni Rabbi Hillel II.  Ito ay batay sa Intercalation ng Babilonia at ang sistema ng pagpapaliban nito ay idinisenyo upang matiyak na maipagpapaliban ang mga Banal na Araw upang ang kanilang mga tradisyon, na dinala kasama ng mga Fariseo na naging Rabbinical Judaism, ay inalis ang mga back to back Sabbaths at iba pang mga itinuturing na "mga abala" sa  God’s Calendar (No. 156). Ang Kalendaryo ay labis na na-corrupt kaya’t ang aktwal na mga Banal na araw ng Diyos ay hindi kailanman nasunod sa tamang mga araw maliban sa aksidente at halos isang-katlong bahagi ng pagkakataon ay hindi man lang nasunod sa tamang mga buwan (cf. Ang Kalendaryo at ang Buwan : Mga Pagpapaliban o Mga Pista? [195]); Pagbaluktot ng Kalendaryo ng Diyos sa Juda [195B]); at Hillel, mga Intercalation ng Babilonia at ang Kalendaryo ng Templo [195C]).

 

Ang mga Iglesia ng Diyos ay tahasan na tinanggihan ang kalendaryong ito nang walang pasubali hanggang sa ang nagpapa-judio na mga huwad na propeta, sina Herbert Armstrong at A.N. Dugger, ay dinala ang sistemang Hillel sa panahon ng Sardis ng Iglesia ng Diyos (cf. din False Prophecy (No. 269)). Nagpatuloy ito at na-corrupt ang era na iyon hanggang sa kasalukuyan.

 

Gayundin ang sistema ng Laodicea ay na-corrupt sa loob ng mahigit 150 taon ng mga huwad na propeta ng mga Millerites at ni Ellen G. White, kung saan hindi nila kailanman tinupad ang Bagong Buwan, Mga Kapistahan at mga Banal na Araw at hindi uminom ng alak sa Hapunan ng Panginoon, at dahil dito ay itinalaga silang lahat sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Ang kanilang huling pagkakataon ay darating sa ilalim ng mga Saksi (cf. din Alak sa Bibliya (Blg. 188); Vegetarianismo at ang Bibliya [183]; at Ang Hapunan ng Panginoon [103]).

 

Gayundin ang “Mga Saksi ni Jehova” ng Watchtower and Bible Tract Society ay na-corrupt ng mga huwad na doktrina tungkol sa mga Kautusan ng Diyos at Antinomianismo at nabigong ipangilin ang Sabbath at ang buong kalendaryo at kaya itinalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Gayundin ang kanilang huling pagkakataon ay kasama ang mga Saksi (cf. din Antinomian Attacks on the Law of God (No. 164D)).      

 

Haharapin ng mga Saksi kapwa ang Juda at Sardis at Laodicea hinggil sa mga isyung ito mula sa sandaling sila ay magbalik. Ang pangunahing focus ng kanilang mensahe ay itutuon sa mga Rabbi at mga Kabbalist Jews at sa ministeryo ng Sardis at Laodicea alinsunod sa Santiago kabanata 3:1 at pagkatapos ay ang kanilang mga na-corrupt at naligaw na mga kongregasyon (tingnan ang Komentaryo sa Santiago [F059]). Kakailanganin nilang magsisi at itama ang kanilang mga doktrina o sila ay itatalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli at papasok sa Milenyo bilang mga tao, kung sila ay pinahihintulutan ng kalayaang iyon, sapagkat walang mga huwad na doktrina ang ituturo at papayagang pumasok sa sistema ng milenyo.                      

 

Gayundin ang iglesia sa Becca/Petra ay na-corrupt ng mga paganong tagasunod ni Baal bilang Hubal at ang diyosa na pumasok sa iglesia bilang Islam para sa mga kadahilanang pangmilitar ay humadlang sa karamihan ng huwad na Islam na makapasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli o Unang Halamanan ng Paraiso. Ang tanging pagkakataon nila na magkaroon ng bahagi sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli o Unang Halamanan ng Paraiso, maliban sa unang iglesia mula sa mga apostol hanggang sa pagpatay kina Ali at Hussein at sa mga lihim na grupo pagkatapos nito, ay ang pagbabalik-loob at pagbabautismo sa ilalim ng mga Saksi ayon sa kanilang patnubay ng huling valid era ng Iglesia ng Diyos (tingnan din ang Hebrew and Islamic Calendar Reconciled (No. 053)).

 

Kailangang pag-aralan ang Komentaryo sa Koran sa

http://ccg.org/islam/quran.html

 

Makatutulong na basahin ang Summary of the Commentary on the Qur’an or Koran (QS).

 

Kaya naman, itutuon ng mga Saksi ang kanilang atensyon sa Kautusan ng Diyos at sa kasalanan bilang paglabag sa Kautusan ng Diyos (1Jn. 3:4).

 

Walang sistema ng nangingilin ng Sabbath ang papayagang magturo ng huwad na doktrina at magpatuloy sa Binitarianismo at maling kalendaryo (tingnan din ang General Distribution of the Sabbath-keeping churches (No. 122); at Role of the Fourth Commandment in the Historical Sabbath-keeping Churches of God (No. 170)).

 

Walang ibang sistema ang papayagang mabuhay sa loob ng Milenyo. Ang pagsamba sa araw ng Linggo, Pasko at Easter at ang mga doktrina ng Langit at Impiyerno ay lubusang aalisin sa lahat ng sistemang panrelihiyon sa Milenyo bilang mga huwad na aral ng relihiyon (tingnan din ang Origin of Christmas and Easter (No. 235) at The Cross: Its Origin and Significance (No. 039)).

 

Ang Pagsisimula

Sa unang buwan ng pagpapatotoo, ilan lamang sa Iglesia ng Diyos ang makakaunawa ng buong kahalagahan nito at sila ang magbibigay-alam sa iba. Ang mga himalang gagawin ng mga Saksi sa Jerusalem ay mabilis na makakaagaw ng pansin sa buong mundo. Dahan-dahang mapagtatanto ng Imperyo ng Hayop ang tindi ng panganib na kanilang kinasasadlakan.

 

Sa una, ang reaksyon ng tao sa sinasabing dalawang matandang lalaki na nakasuot ng damit-sako sa Bundok ng Templo ay sasalubungin ng panunuya, iyon ay hanggang sa patayin nila ang unang grupo ng mga pulis na magtatangkang paalisin sila, gamit ang apoy mula sa langit. Pati ang mga lugar ng idolatriya doon ay wawasakin sa parehong paraan.

 

Makabubuting isaalang-alang muli kung ano ang mga katangian ni Enoc at Elias. Si Enoc ay nagpatotoo laban sa mga demonyo at walang alinlangan na marami siyang aalisin at ipapadala sila sa hukay ng Tartaros. Siya rin ay naging instrumento sa pagdadala ng paghuhukom sa mga henerasyon bago ang baha. Si Elias ay naging instrumento sa pagpatay sa pangunahing 450 ng mga pari ni Baal at sisimulan niyang linisin ang mga black cassocked priests sa lugar (cf. Gideon’s Force and the Last Days (No. 022); Commentary on Hosea (F028) at  Ang Babala ng mga Huling Araw [044]).

 

Magsisimula sila ng 1260 araw ng matinding komprontasyon sa mga sistema ng sanlibutan at hindi lamang sa Jerusalem. Taglay nila ang napakalaking kapangyarihan sa kalikasan, pati na rin sa kapangyarihan ng langit, ulan, hangin, at lahat ng mga elemento. Ang kanilang pagpapatotoo ay magiging sa buong mundo gamit ang mga sistema ng komunikasyon ng mundo para mag-babala sa mga gagawin nila. Mula sa araw na dumating sila sa Jerusalem malalaman ng mga demonyo na mayroon silang 1264 na araw bago sila mapunta sa hukay sa loob ng 1000 taon. Gayundin, alam na ng Kapangyarihan ng Hayop o tiyak na ipapaalam sa kanila nang walang pag-aalinlangan na magtatapos na ang kanilang mga araw isang buwan pagkatapos ng araw na iyon o sa loob ng 1294 na araw sa pagdating ng Mesiyas at sa mga Digmaan ng Armagedon at sa mga Mangkok ng Poot ng Diyos (141E) sa ibaba. Ito ang dahilan kaya hindi papayagan ng sistema ng Hayop na mailibing ang kanilang mga katawan at hahayaan sila nitong nakahandusay sa lansangan sa loob ng apat na araw at sa umaga ng Ikaapat na Araw, kapag sila ay nabuhay na mag-uli sa harap ng lahat, ang mga hari at kawani ng sistema ng Hayop ay magtatago sa mga yungib at magkukubli sa Cordero at sa Poot ng Diyos. Tatalakayin natin ang yugtong iyon ng isang buwan ng mga Digmaan at ang yugto ng mga Mangkok mamaya sa Bahagi III.

 

Ang Imperyo ng Hayop sa Palestina

Ang buong sistema sa Palestina mula Gaza hanggang sa West Bank ay mapapasailalim sa kontrol ng Hilagang Hayop na siyang nagiging NWO. Ang mga Edomita ay papayagang makatakas mula sa kanilang direktang kontrol at pananakop gaya ng buong Jordan sa ilalim ng mga Ammonita at Moabita. Ang tatlong ito gayunpaman ay gagawin ang kanilang utos o mamamatay. Ang kanilang kontrol ay aabot sa hilaga hanggang sa Lebanon at sa Turkish border.  Ang Turkey ay muling isasaayos sa ilalim ng sistema ng Hayop gayundin ang Syria at Iraq at Iran. Ang Saudi Arabia at ang buong Arab Peninsula ay muling isasaayos. Ang terorismo ay sistematikong susugpuin.

 

Ididirekta ng Hayop ang lahat ng operasyon sa Ehipto at kokontrolin ang mga operasyon sa Hilagang Africa at sa Hilagang-Silangang Africa sa Ethiopia at Sub Sahara. Ang mga rehiyon sa Africa ay kokontrolin sa ilalim ng Sampung Rehiyong Pang-ekonomiya o Sampung Daliri ng Paa ng Hayop alinsunod sa Treaty of Rome ng 1956 at ng kasunod na mga UN charters.

 

Ang UN HQ ay itatatag sa Palestina at ang mga Palestino ay magiging mga alipin ng Kapangyarihan ng Hayop. Yan ang bagay sa mga ginawa nila.

 

Ang Sampung rehiyon ay pagsasamantalahan ang mga tao na kontrolado nila at ang mga Globalistang Satanistang burukrata ay pagsasamantalahan ang lahat.

 

 

Reaksyon ng mga Tao

Saglit na panahon na lamang at maunawaan na ng mga tao kung ano talaga ang mangyayari sa kanila. Ang hindi makakaunawa ay maaaring hindi makaligtas. Sila ay haharap sa dilemma sa pagitan ng mga Kautusan ng Diyos o ang mga batas ng Hayop at ang huwad na sistema ng relihiyon nito sa ilalim ng mga Demonyo. Karamihan sa sanlibutan ay sasama sa sistema ng Hayop.  Karamihan ay tatanggap ng tanda nito at haharapin ang Poot ng Diyos.

 

Sa sandaling ang sanlibutan ay maging electronic na, makikilala sila sa pamamagitan ng nabe-verify na ID. Tatanggapin mo ang tanda o tatanggihan, at ang sanlibutan ay malinaw na mahahati sa dalawang pangkat. Ang mga pangkat ay magiging gaya ng inilarawan sa Apocalipsis, yaong mga may tanda at yaong mga walang tanda. Ang espirituwal na aspeto ay ang tanda ng Diyos sa noo ay yaong mga tumutupad sa mga Kautusan ng Diyos at sa Patotoo ng Pananampalataya.

 

Ang mga nabautismuhan at may Tatak ng Diyos at walang tanda ng Hayop ay pupunta sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli. Ang mga hindi pa nababautismuhang kabataan at ang mga naligtas matapos ang huling pagkakataon para sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay papasok sa Milenyo. Yaong mga nasa sistema ni Satanas na hindi nagsisi at may tanda ay papatayin at itatalaga sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli.

 

Direktang tutugunan ng mga Saksi ang mga problemang ito at ipapanumbalik ang lahat ng bagay. Ang mga sumusuway sa mga kautusan ng Diyos ay magdurusa. Ang mga maruruming pagkain ayon sa Bibliya ay pagmumulan ng mga sakit na karamihan sa mga ito ay hindi magagamot tulad ng MRSA. Dadami ang droga at kasama nito ang kamatayan at sakuna pati na rin ang mga salot at sakuna at tagtuyot na tinatalakay natin sa ibang dako (cf. http://www.ccg.org/weblibs/2009-messages/s_04_04_09.htm)

 

Maging ang mga Iglesia ng Diyos ay lubhang nailihis at nailigaw ng kanilang ministeryo kaya't sila ay malilito sa loob ng ilang panahon at kakailanganin ng oras upang sila ay maturuan at magkaroon ng kamalayan sa kung gaano sila kalubha naligaw ng landas. Kailangan nilang talikuran ang kanilang mga huwad na doktrina sa Kalikasan ng Diyos at kailangan nilang talikuran ang huwad na Kalendaryong Hillel.

 

Hindi lamang walang ‘Lugar ng Kaligtasan’ kundi sila ay mapapasailalim na ngayon sa pagtutuwid dahil sa pagkabigong sundin ang mga Kautusan ng Diyos at sa lahat ng mga parusang kaakibat nito. Ang Tatak ng Diyos sa mga noo ng mga hinirang ay nangangahulugan na mayroon silang mga tatak ng mga Kautusan ng Diyos at ng Patotoo. Kung wala ang mga aspetong ito, hindi mo taglay ang Tatak at ikaw ay mapapasailalim sa mga digmaan at mga salot at lahat ng kakila-kilabot na kaakibat nito.

 

Ang ministeryo ay talagang mapapasailalim sa mga salot at malalaman nila kung ano ang ibig sabihin ng paggawa ng mga ginintuang “bukol” tulad ng ginawa ng mga Filisteo noong hindi nila nararapat na pinanatili ang Kaban ng Tipan at sa huli ay napilitang ibalik ang Kaban sa bayan ng Israel (cf. Samson and the Judges (No. 073)). Ang mga palihim na inilagay na Trinitarian sa iglesia ay tiyak na magdurusa sa kategoryang iyon. Ang pagkawasak ng mga iglesia ng Patutot ay mag-iiwan sa kanila na nakatiwangwang at walang patutunguhan. Kakailanganin nilang umalis at sumali sa mga pangunahing sistema ng mga Satanista. Kahit papaano ay makakatulong iyon sa paglilinis ng mga Iglesia ng Diyos.

 

Marami ang maaaring hindi pahintulutang magsalita gaya ni Ezekiel maliban kung utusan siya ng Diyos na gawin ito. Kaya maaari silang patahimikin sa buong panahon hanggang sila ay magsisi. Maaaring kinakailangan iyon para makapag-isip at kumilos ang mga kapatid para sa kanilang sarili.

 

Sa loob ng tatlo at kalahating taon ng tagtuyot, ang pagkain at tubig ay magiging sobrang kakaunti. Nasa kamay lamang ng Diyos at sa pagtanggi sa lahat ng huwad na doktrina ng mga sistema ng Sardis at Laodicea na ang mga iglesia ay magiging ligtas. Sa pamamagitan lamang ng pagiging malapit sa Diyos at sa Banal na Espiritu na ang mga hinirang ay makakaligtas at mananatiling buo bilang Iglesia ng Diyos.

 

Ang mga Huwad na Cristiano

Karamihan sa mga nagsasabing sila’y Cristiano ay sa katunayan mga sumasamba kay Baal na Diyos ng Araw at sa diyosa na si Easter o Ashtoreth o Ishtar.  Sila ay sumasamba sa day of the Sun o Sunday at ipinagdiriwang ang Pasko at Easter na ipinagbabawal ng Diyos (Jer. 10:1-9) (cf. Origins of Christmas and Easter (No. 235)).

 

Ang mga taong ito ay tinuruan ng mga huwad na pari na kapag namatay sila ay mapupunta sila sa langit at ang iba ay mapupunta sa impiyerno. Itinuro din sa kanila na ang Laws of God (L1) ay inalis na.

 

Wala ni isa sa mga huwad na pari na ito na patuloy na nagtuturo ng mga heresiyang ito ang maiiwang buhay sa Jubileo. Wala ni isa sa mga taong naniniwala sa mga heresiyang ito ang papayagang isagawa ang mga heresiya. Upang maunawaan ang mga Jubileo tingnan ang araling Reading the Law with Ezra and Nehemiah (No. 250).

 

Papatayin ni Jesucristo at ng mga Banal na Nabuhay na Mag-uli ang mga gurong ito at ang mga tao ay hindi papayagang pumasok sa sistemang milenyo maliban kung sila ay magsisi at tanggapin ang tunay na pananampalataya ng Bibliya. Ang lahat ng kanilang mga diyus-diyosan ay wawasakin sa buong mundo.

 

Ang "mga panaghoy ni Amos" na itinuro sa mga sistema ng Pentecostal ay susugpuin at hindi pahihintulutan sa anumang kongregasyon. Ang Psalms ay magiging batayan ng musika sa pagsamba.

           

Ang Talking in Tongues ay wawakasan sa buong mundo maliban kung ito ay sa kilalang mga wika at may kasamang bihasang interpreter (cf. The Tongues Question (No. 109)).

 

Hanggang sa dumating ang Mesiyas upang sugpuin sila kasama ang mga hinirang ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli, ang mga Saksi ay magpaparusa lamang sa kanilang mga pagkakamali at yaong mga gumagawa nito ay magdurusa hanggang sa sila ay magsisi. Yaong mga hindi nagsisisi at mabautismuhan nang tama na sumusunod sa God’s Calendar (No. 156) ay hindi papasok sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli at mamamatay at hindi papasok sa sistemang milenyal.

 

Ang pagbibinyag sa mga sanggol ay wawakasan at ang mga nagnanais na maging bahagi ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay mangangailangan na muling mabautismuhan ng Iglesia ng Diyos ng hindi bababa sa isang taon bago patayin ang mga Saksi.

 

Pati ang hindi normal na sekswalidad at ang paglabag sa lahat ng mga utos ay wawakasan.

 

Ang mga Huwad na Muslim

Nakita natin mula sa Bahagi I at sa itaas na kung paano ang mga huwad na Cristiano ay pinahina mula sa Roma gamit ang mga doktrina ng Pagsamba kay Baal, gayundin naman pinahina ang Islam mula sa Mecca gamit ang mga doktrina ni Baal at ang diyosa bilang Hubal at ang sistema ng batas ng Sharia. Sa totoo lang, iisa lamang sila. Pareho silang nilikha ni Satanas upang pahinain ang pananampalataya. Gayundin ang Halal ay ginamit upang labagin ang Food Laws (No. 015) ng Bibliya at ng Koran sa S3:93.

 

Ipinag-uutos ng Koran ang pagtalima sa Araw ng Sabbath alinsunod sa Ikaapat na Utos at ito ay nakatali sa Tipan sa Surah 4:154. Kailangang sundin ng buong mundo ang mga Sabbath at ang mga Bagong Buwan o sila ay mamamatay (Isa. 66:23). Kailangan din nilang ipagdiwang ang mga Kapistahan at mga Banal na Araw o hindi uulan sa takdang panahon at daranas sila ng mga salot ng Ehipto (Zac. 14:16-19) (cf. din ang araling Sabbath in the Qur’ran (No. 274)).

 

Ang Kasulatan at ang Koran ay ipapatupad at ang mga Sabbath ay ipangingilin o ang kaparusahan ay susunod. Ang istraktura ng kung ano ang ibig sabihin at sinasabi ng Koran at kung paano ito ibinigay ay nakapaloob sa akdang Komentaryo sa Koran sa:

http://ccg.org/islam/quran.html

 

Upang maunawaan ang mga detalye sa orihinal na kronolohiya tingnan ang Summary of the Commentary on the Qur’an or Koran (QS).

 

Sa loob ng yugto ng 1260 araw ang pagkaunawa sa Islam at gayundin sa Juda ay lalawak at sila ay dadalhin sa pagsisisi at pagbabalik-loob. Ang mga taong hindi nagsisisi at nagpapatuloy sa kanilang kasamaan ay lilipulin sa mga Mangkok ng Poot ng Diyos sa ilalim ng Mesiyas at ng mga propeta ng pananampalataya. Ang Propeta at ang iglesia sa Becca/Petra at Arabia ay magiging responsable para sa pagsupil sa mga Arabo gaya ng ipinapaliwanag natin sa Bahagi III.

 

Ang sanlibutan ay kinakailangang sundin ang ang tatlong panahon ng kapistahan. Magsisimula ang taon sa Bagong Buwan ng Abib. Ang pag-aayuno ay sa Ikapito ng Abib at sa araw ng Pagbabayad-sala. Yaong mga hindi tumatalima sa Pag-aayuno ng Pagbabayad-sala mula sa pagdilim hanggang sa muling pagdilim ay ihihiwalay sa kaniyang bayan (Lev. 23:29). Ang paulit-ulit na hindi pagsunod sa mga Sabbath ay magreresulta sa kamatayan ayon sa utos ni Cristo (Blg. 15:32–36). Ang Sakramento ng iglesia ay ang Hapunan ng Panginoon sa Paskuwa at sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura.  Kakailanganin nilang ipagdiwang ang Pentecostes o ang Kapistahan ng mga Sanglinggo at ang mga Araw at Kapistahan ng Ikapitong Buwan. Ang kalendaryong Muslim ay itutugma sa Kalendaryong Hebreo gaya ng sinusunod sa sistema ng Templo (tingnan ang Hebrew and Islamic Calendar Reconciled (No. 053)).

 

Makukuha ng mga Saksi ang atensyon ng buong mundo habang nagsisimulang mamatay ang mga tao dahil sa uhaw at gutom dahil hindi sila susunod sa Diyos.

 

Titingnan natin ngayon ang pagkakasunud-sunod ng mga nangyayari sa pagpapatotoo at sapilitang pagsunod.

 

Bahagi II Seksyon 2

 

Ang Sistema ng Hayop

Ang mga panloob na alitan ng sistema ng Hayop sa pamamagitan ng mga grupo ng UN at sa mga huwad na sistemang Muslim at sa Hilagaan at ngayon ay mga pandaigdigang sistema ng pagbabangko ay nagdulot ng kaguluhan sa pananalapi sa buong dekada ng Ika-dalawampu at Ika-dalawampu't isang siglo.  Ang lahat ng ito ay idinisenyo upang agawin ang kontrol sa pananalapi ng sanlibutan at ilagay ang mga ito sa ilalim ng kontrol ng mga Bangko Sentral na kontrolado ng Rothschild at ng International Monetary Fund (IMF). Ang mga labanan para sa kontrol ng mga edipisyong pang-ekonomiya na ito na nakita ang Digmaan ng Ikalimang Pakakak sa Bahagi I ay nagsimula sa pagtulak mula sa Timog para sa kontrol ng Europa at ang epektibong pagbagsak ng Kultura ng Europa.  Nakita ng hilagang sistemang pang-ekonomiya ang reaksyon ng mga tao at ang hindi maiiwasang reaksyon ay ang digmaan ng Ikaanim na Pakakak sa pagkawasak ng isang katlo ng sanlibutan. Ang pagkawasak na ito ay nasa loob ng mga plano at layunin ng Imperyo ng Hayop at ng NWO.

 

Ang muling pagsasaayos ng kaayusang pang-ekonomiya pagkatapos ng pananakop sa Gitnang Silangan ay makikita ang krisis pang-ekonomiya na dulot ng pagwasak ng mga Pakakak at ang pagpapahina ng kalakalang pandaigdig ay lalong lalala dahil sa polusyon ng nuclear, na pumapatay sa ikatlong bahagi ng mga dagat. Bilang resulta, ang ikatlong bahagi ng pandaigdigang pagpapadala sa pamamagitan ng barko ay mawawasak o makokontamina ng nuclear waste at polusyon at ang mga barkong iyon ay kailangang ibasura at itapon nang ligtas bagama’t lubhang nadumihan na ang mga karagatan dahil sa mga digmaan sa buong mundo.

 

Pinahintulutan ng Diyos ang sistemang ito ng 42 buwan na muling magsaayos at magsisi ngunit tumanggi silang gawin iyon at ang mga Satanista ay nananatiling may kontrol at nasa ilalim ng kanilang mga demonyo dahil ang magkasalungat na sistema ay parehong kontrolado nila. Ang mga “madaling utuin” sa mga huwad na sistemang panrelihiyon ay patuloy na magsisikap na itulak ang kanilang mga pansariling layunin at ang mga bagay ay unti-unting lalala.

 

Ang NWO ay patuloy na sinasakop at kinokontrol ang sangkatauhan at sumasalungat sa mga Kautusan ng Diyos. Ang mga sodomites at mga perverts ng mga sistema ng sanlibutan sa ilalim ng mga Satanista ay nagpapabilis sa pagkawasak ng moral na istruktura ng planeta. Ang mga lingkod ng Diyos ay napipilitang pumasok sa isang lihim na kilusan para lamang mabuhay.  Ang mga Iglesya ng Diyos na nananatiling Binitarian o Trinitarian sa katunayan at sumusunod sa Kalendaryong Hillel ay lalong malalantad sa sistema ng Hayop at hahayaang danasin ang kapangyarihan nito.

 

Ang Juda ay direktang haharapin ng mga Saksi at ang mga epekto ay madarama sa buong mundo. Ang lugar ng Palestina o ang tinatawag na Israel ay unti-unting haharapin at marami ang mamamatay.  Gayunpaman, marami ang magsisisi at wawasakin ang sistemang Hillel at sa gayon ay maliligtas. Ang mga ito ay magbabalik-loob at babautismuhan ng sistema ng Iglesiang Filadelfia at ipapaalam sa kanila na sila ang mga instrumento ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo (Apoc. 3:9).

 

Gayundin ang mga Anak ni Shem sa Gitnang Silangan sa pangkalahatan ay malalantad at dadalhin sa pagsisisi at pagbabagong-loob. Ang mga hindi nagsisi at hindi nagtanggal ng batas ng Sharia at hindi tinanggap ang mga Kautusan ng Diyos at ang mga Kasulatan at ang Koran ay parurusahan at sa huli ay mamamatay. Ang prosesong ito ay dadalhin sa sukdulan sa ilalim ng Mesiyas at sa Pagkabuhay na Mag-uli ng mga propeta at patriyarka at ng mga Iglesia ng Diyos. Ang mga huwad na Muslim na hindi nagsisi ay papatayin ng kanilang sariling mga patriyarka at propeta at ng mga nagbalik-loob sa pananampalataya doon sa Gitnang Silangan at muling tuturuan sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli (cf. Summary of the Commentary on the Qur’an or Koran (No. QS)).

 

Ang mga Kautusan sa Pagkain

Ang mga doktrina ni Hubal at ang sistemang Sharia na nabuo sa Mecca sa ilalim ng huwad na Islam ay nakitaan rin ng huwad na doktrina ng Halal na pagkain na binuo upang iwasan ang mga Kautusan ng Diyos gaya ng hinihingi sa S3:93 (tingnan ang Food Laws (No. 015)).

 

Ang mga sumasamba kay Baal ng huwad na Cristianismo, na nakasentro sa Roma, ay gumamit lang ng antinomianismo upang iwasan ang mga kautusan sa pagkain sa Bibliya.

 

Ang resulta ay ang pagkasira ng napakalaking bahagi ng mga dagat sa mundo. Ang mga ito ay ginawang dead zones, tulad ng Gulpo ng Oman at sa ibang pang lugar sa Mediterranean at sa Asia at sa Pasipiko at sa Atlantiko, at ang Gulpo ng Mexico bago pa man ang mga digmaan, dahil kinakain nila ang bawat marumi at karumal-dumal na bagay na gumagapang at lumalangoy sa mga karagatan. Ang mga bagay na idinisenyo ng Diyos upang mapanatili ang kalinisan ng mga tubig at para pakainin ang mga isda, ay sa halip kinain ng tao at ang mga karagatan ay sa halip nadumihan at naging napakalaking dead zones o pinagmumulan ng lason. Ang mga taong sumuway sa Mga Kautusan sa Pagkain ay namatay sa mga bacteria na kumakain ng laman at mga gastro-intestinal diseases.

 

Ang mga sumasala ng tubig tulad ng mga talaba at iba pang buhay sa dagat ay kinain at ang tubig ay naging marumi dahil inalis ang mga ito sa mga bato. Ang mga shellfish tulad ng sugpo, ulang at iba pang mga hayop ay kinain sa halip na iwan para sa mga isda. Namatay ang mga isda at dumami ang heavy metals at nasira ang kalusugan ng sangkatauhan. 

 

Ang paggamit ng tao ng mga plastik at ang malawakang pagkasira mula sa mga nuclear power plants at mga armas ay nagdulot ng lubusang polusyon sa buong karagatan at ang mga isda ay naging hindi na makain. Ang kawalan ng kakayahan ng tao na kontrolin ang kanyang kapaligiran, at ang kawalan ng kakayahan ng globalista na kumilos nang marangal, ay nagdulot ng paglala ng polusyon sa pagkain hanggang sa mamatay na lamang ang mga tao mula sa polusyong bunga ng pandaraya at kakulangan sa pagkain. Maging ang mga pangunahing pagkain tulad ng pulot ay nadumihan ng mga mandarayang mangangalakal na gumagamit ng mga sangkap na gawa ng Tsino para dumihan ang dapat sana ay purong pulot na galing sa natural na sangkap.

 

Ang mga dead zones at pagkawala ng plankton ay nagdulot ng napakalaking pagbagsak sa produksyon ng oxygen sa mundo.

 

Inagaw ng mga Globalista ang kontrol ng mga ari-arian sa ilalim ng iba't ibang mga scam at kasinungalingan tulad ng Global Warming na isang cyclical event na nangyayari bawat 1000 taon at tumatagal ng humigit-kumulang 500 taon at bumabalik muli sa isang mini ice age. Matagal na nating nalalaman ito at ang mga detalye nito ay kilala na solar induced at walang kinalaman sa sangkatauhan.  Bilang resulta, palalalain ng Diyos ang bagay tungkol sa Global Warming at aabot ito sa sukdulan nito sa ilalim ng Anghel ng Ikaapat na Mangkok ng Poot ng Diyos gaya ng makikita natin sa Bahagi III sa ibaba (cf. Global Warming Part II: Historical Cycles (No. 218B)).

 

Ang Kabiguan na Magsisi

Bilang resulta ng kabiguan na magsisi, ang parusa ng mga Saksi ay magpapatuloy hanggang sa 1260 araw o tatlo at kalahating taon. Ang problemang iyon ay nagpapalala sa mga sumpa ng mga Pakakak kung saan magpapatuloy ang mga pagkasunog ng kagubatan at polusyon sa mga daluyan ng tubig at mga dagat.  Ang mga kagubatan ay patuloy na masusunog at sa oras na makarating ito sa mga Mangkok ng Poot ng Diyos sa ilalim ng Mesiyas halos lahat ng kagubatan ay mawawasak.

 

Ang baluktot na pag-iisip ng mga sodomites at mga lesbians at mga sex traffickers ay magpapatuloy at ayaw nilang magsisi at patuloy na sinisira ang mga bansa. Ang mabuti ay tinatawag na masama at ang masama ay tinatawag na mabuti at ang sanlibutan ay nagmamadali sa kapahamakan.

 

Ang pedophilia ng Islam at ng Kanluran, at ang child trafficking at sex slavery nito, ay makakaranas ng napakalaking kapighatian sa pamamagitan ng mga salot ng Ehipto, mga sakit at mga salot na nakakahawa.

 

Walang sinumang tao o bansa ang ligtas dito.

 

Ang Pagkakasunod-sunod ng Pagpapatotoo

Sa Unang taon, nanatili ang mga Saksi sa Jerusalem at isinara ang kalangitan at pagkatapos ay nagsimulang ipaliwanag ang mga Kautusan ng Diyos sa lahat ng mga bansa.

 

Ang mga nagsisi at dapat bautismuhan ay ipapadala sa sistema ng Filadelfia para bautismuhan at isama sa iglesia sa ilalim ng Mga Kautusan ng Diyos. Kabilang diyan ang mga nasa Judaismo na nagsisi (Apoc. 3:9).

 

Ang ministeryo ng Sardis at Laodicea ay magsisimulang parusahan at alisin sa sistema. Isasama nila ang mga taong hindi tinawag at tumatangging ituwid ang kanilang mga pagkakamali.  Aasahan nila ang isang Place of Safety (No. 194) at kapag hindi ito nagkatotoo marami ang mawawala sa landas at marami ang magsisimulang mamatay. Ang ating kaligtasan ay nasa kamay ng Diyos.  Tayo ay uusigin at hindi tayo matatapos sa pagtakas sa mga bayan ng Israel hanggang sa dumating ang Anak ng Tao (Mat. 10:23).

 

Sa panahong ito, ang mga tinawag, ngunit naligaw, ay mabubuksan ang kanilang mga mata at sila ay ituturo sa gumaganang iglesia dahil ang mga doktrina ng mga Saksi ay makikita mula sa kanilang mga doktrina at anumang mga pagkakamali ay maitatama. Ang ministeryo na tumatangging itama ang pagkakamali ay mapupunta sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli kasama ang mga simpleng tao na tumangging mag-aral at sumusunod sa kanilang mga kasinungalingan.

 

Ang mga huwad na doktrina ay itatakwil tulad ng heresiya ng Ditheist/Binitarian/Trinitarian, gayundin ang heresiya ng Hillel ay aalisin at ang mga Sabbath/Bagong Buwan at mga Banal na Araw ay ipangingilin ng dalisay at sa tamang mga araw at buwan ayon sa Kalendaryo ng Templo (tingnan ang God’s Calendar (No. 156)). Ang mga pagpapaliban ay aalisin (cf. Ang Kalendaryo at ang Buwan: Mga Pagpapaliban o Mga Pista? [195]). Gayundin ang limampung taon ng mga jubileo ay ipapanumbalik sa buong Juda at sa buong mundo (tingnan ang araling Pagbaluktot ng Kalendaryo ng Diyos sa Juda [195B]). Ang mga Intercalations ng Babilonia ay wawakasan (tingnan Hillel, mga Intercalation ng Babilonia at ang Kalendaryo ng Templo [195C]); at ang huwad na kalendaryo ng Islam na pabago-bago sa buong taon ay maglalaho rin kasabay ng mga nagtuturo nito (tingnan ang Hebrew and Islamic Calendar Reconciled (No. 053)).

 

Gayundin ang Pasko at Easter at Eid at ang Paganong Araw ng Pag-aalay ng Tao na kumokontrol sa kalendaryo ng US ay lubusang aalisin at ang mga tagasunod nito sa Pangkukulam ay tatawagin sa pagsisisi o kaya'y pupuksain.

 

Unang Taon

Sa loob ng Unang taon ng pagpapatotoo, ang buong pagkakasunod-sunod ng kautusan at pagsamba at ang buong kalendaryo ay ipapaliwanag at ipapatupad. Ang lahat ng sistema ng relihiyon ay malalaman ang kanilang mga pagkakamali at sasabihan na magsisi at parurusahan kung hindi sila magsisi.

 

Ang mga sistemang Asyano ay haharap sa matinding pagtuturo at kaparusahan dahil sa kanilang ganap na pag-corrupt sa relihiyon. Hindi sila nagsisisi kaya’t ang kaparusahan ay lalo pang titindi sa mga susunod na taon.

 

Ikalawang Taon

Sa Ikalawang taon ang Kalendaryo ay mas mahigpit na ipapatupad at ang mga parusang ipapataw ay magiging mas matindi.

 

Makikita ng kapangyarihan ng Hayop ang sistema nito sa ilalim ng matinding pressure at tatangkaing patayin ang mga Saksi ngunit bawat pagtatangka na gagawin nila ay magbabalik laban sa mga pasimuno at sila mismo ang mamamatay sa paraang binalak nilang gawin sa mga Saksi. Ang mga kahihinatnan ay magiging mas malala para sa mga opisyal at ahente ng sistema ng Hayop. Yaong mga lalapit sa mga Saksi ay pupuksain ng apoy mula sa langit sa kanilang utos gaya ng ginawa noon ni Elias (2 Hari 1:9-14).

 

Itatatag ng kapangyarihan ng Hayop ang kanilang pamalit na sistema para sa kanilang ipinalit na diyos sa ilalim ng kanilang mga pinuno ng relihiyon na nakasentro sa Jerusalem at sa buong mundo. Titindi ang pressure sa kanila hanggang sa wasakin sila ng Mesiyas sa kanyang pagparito sa ika-1264 na Araw.

 

Ikatlong Taon

Nasa Ikatlong taon na ito ang mga taong tinawag sa pagsisisi ay dapat ganap na magsisi sa loob ng taong ito at dapat nilang nasunod ang hindi bababa sa isang set ng mga Kapistahan, mga Banal na Araw, mga Bagong Buwan at mga Sabbath, kabilang ang Hapunan ng Panginoon sa kabuuan o hindi sila mapapasama sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli. Bahagi iyon ng kanilang pagsubok. Gayundin, ang kanilang kapasidad na labanan ang sistema ng Hayop ay pinakamahalaga sa pagsubok na iyon. Kaya dapat silang magsimula sa 1 Abib para sa Pagpapabanal dahil maaaring huli na ang lahat sa Paskuwa ng Ikaapat na taon. Ang hindi makasama sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay isang pakikipag-sapalaran na walang sinuman sa kanilang tamang pag-iisip ang maglalakas-loob na gawin.

 

Dagdag pa, ang Diyos ang nakakaalam at humahatol sa puso. Yaong mga taong sadyang tumatangging magsisi, at umiiwas pa sa pagbabautismo hanggang sa huling minuto upang maiwasan ang pagsubok, ay maaaring matuklasan na hindi sila tatanggapin ng Diyos sa gayong huling minutong pakana, at, kung maiiwan silang buhay, sila ay maiiwan bilang mga tao upang pumasok sa sistemang milenyo at ibabangon sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli. Marami o karamihan sa mga sistema ng Sardis at Laodicea ay mapapabilang sa kategoryang ito. Gayundin, marami sa huwad na Islam na hindi nagsisi at naghanda ng kanilang sarili para sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli, at pagkatapos ay tumatangging magsisi hanggang sa Jubileo, ay maaaring hindi payagang pumasok sa Milenyo. Tiyak na ang mga ministro, pari, at mga imam na tumatangging ituwid ang kanilang mga lakad at nagsisikap na iligaw ang iba ay papatayin o hahayaang mamatay bago ang Milenyo.

 

Ikaapat na Taon

Ang Ikaapat na Taon ay binubuo lamang ng kalahating taon na pagkakasunud-sunod mula sa alinman sa Tabernakulo hanggang Paskuwa o mula sa Paskuwa hanggang Pakakak. Tatalakayin natin ang mga posibilidad ng pagkakasunod-sunod sa Bahagi III.

 

Ang mga nabigong magsisi ay makakakuha ng mas mahabang panahon ng 100 taon ng Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli, sa halip na ang apat na taon ng mga Saksi at Mesiyas at ang paghahanda sa tatlong taon ng sistemang Jubileo mula sa Tatlong beses na pag-aani, at ang taon ng Sabbath at ang Jubileo.  Mula sa Jubileo ang sanlibutan ay papasok sa alokasyon ng mga lupain, at sa paghahanda para sa sistemang milenyal at sa Unang ani na siyang pag-aani ng sebada sa Paskuwa ng Unang taon ng bagong Milenyo na ika-121 Jubileo sa Northern Hemisphere sa Jerusalem.

 

Kamatayan ng mga Saksi

Sa ika-1260 araw, tinatapos ng dalawang Saksi ang kanilang pagpapatotoo at pagkatapos ay pinahintulutan ang kapangyarihan ng Hayop na manaig laban sa kanila at patayin sila.

 

Nakita sila ng mga tao na pinatay at ang dalawang bangkay ay sapilitang iniwan upang manatili sa mga lansangan ng Jerusalem sa loob ng apat na araw.

 

Ang dahilan nito ay nauunawaan nila na sila ang dalawang Saksi at nasabihan na sila tungkol sa kanilang pagdating at ang kanilang mga gagawin ayon sa Kasulatan, at sa pamamagitan ng mga propeta, at ng ministeryo ng Iglesiang Filadelfia sa Huling Araw, subalit hindi nila talaga nauunawaan ang realidad na iyon ng kanilang pag-iral.

 

Ang mga Demonyo ay kinakabahang naghihintay sa kanilang kapalaran kung ito nga ang katuparan ng kanilang pagkaunawa sa patotoo ng Apocalipsis Kabanata 11.

 

Gayundin ang buong mundo ay nakahinga nang maluwag na ang pagdurusa ay tapos na at nagsimula silang magbigayan at magpalitan ng mga regalo na para bang ito ay isang malaking party na parang pinagsamang Pasko at Easter party.

 

Tulad ng pagkamatay ng Mesiyas halos dalawang libong taon na ang nakaraan ay ayaw ng mga pinuno ng sanlibutan na alisin ang mga bangkay at maangkin ang mga huwad na himala ng kanilang muling pagkabuhay. Batid ng mga demonyo ang katotohanan, ngunit si Satanas ay patuloy na nagkakalat ng kasinungalingan sa mga pinuno ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod.

 

Iniisip ng kapangyarihan ng Hayop na sa wakas ay sila na ang namumuno at naalis na ang banta sa kanilang pamumuno.  Ang mga pinuno ng sanlibutan ay nakabantay kung sakaling may katotohanan sa mga sinasabi ng mga kakaibang propetang ito at sa mga sinasabi ng mga lihim na grupo ng iglesia.

 

Ang mga Satanista ay nagdiriwang, sapagkat sinasabi ng kanilang mga demonyong tagapagturo na sila ay may pag-asa at (kabadong) naghihintay upang muling makuha ang kapangyarihan.

 

Ngunit pagkatapos ng tatlo at kalahating araw, sa umaga ng ika-1264 na araw, ang bagay na kanilang kinatatakutan ay nangyari. Ang Mesiyas ay nagpapakita sa kalangitan sa itaas ng Jerusalem at ang hininga ng buhay ay pumasok sa mga bangkay ng mga Saksi at sila'y nangagsitindig sa harap ng kanilang mga kaaway.

 

Tinawag sila ni Cristo at sinabing “Umakyat kayo rito” at umakyat sila sa alapaap upang salubungin siya sa ulap (Apoc. 11:11-12).

 

At nang oras na iyon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasampung bahagi ng lunsod.

 

Ang huling hakbang na ito ay ang paglilinis ng mga huling elemento ng lungsod na nauugnay sa mga kontaminadong bahagi ng lungsod na may kaugnayan sa mga operasyon ng huwad na relihiyon o mga sinaunang tradisyon. Ito ay tinutukoy bilang Sodoma at Ehipto sa mga teksto.

 

Pitong libong katao ang namatay sa lindol at ang mga iba ay natakot, at nagbigay ng luwalhati sa Diyos ng langit (Apoc. 11:13).

 

Ang bilang ng mga napatay ay makabuluhan. Nang sabihin ni Elias: “Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako'y naiwang nag-iisa, at tinutugis nila ang aking buhay” at sinabi ng Diyos na siya ay nagtira para sa kanya ng pitong libo na hindi pa lumuhod sa imahe ni Baal, ito ay upang ipakita na ang Diyos ang may kontrol, at ang Kanyang lihim na puwersa ay hindi madadaig (1Hari. 19:18; Rom. 11:3-4).

 

Lubhang na-corrupt ng sistemang Sataniko ang Jerusalem sa pamamagitan ng mga pagan relics ng pagsamba kay Baal na hindi angkop na gamitin bilang kabisera ng sistema ng milenyo maliban kung ito ay linisin at ang kapaligiran nito ay ganap ding baguhin. Tatalakayin natin ang huling aspeto sa Bahagi III.

 

Dito ay ipinahayag ng Diyos ang katapusan ng pagpapatotoo sa pamamagitan ng pagsira sa lahat ng lungga ni Satanas sa Jerusalem at ang mga dambana na kanilang itinayo at muling itinayo sa lungsod para sa sistemang Baal sa mga pugad ng Trinitarian ng huwad na Cristianismo at ng mga huwad na Islam at ang pinakahuli ng mga hindi nagsisising Kabbalista ng Rabinikong Judaismo sa lungsod. Ang mga black cassocked Khemarim na ito ng sistemang Baal na nagpapanggap bilang mga Cristiano at Rabbi at Imam na hindi pa nagsisisi ay lilipulin lahat habang pinapatay ng Diyos ang pitong libo ng mga kasapi ng mga sistemang Baal at Satanista ng mga huwad na relihiyong ito sa lungsod na naiwan at hindi nagbalik-loob at nililinis ito nang minsanan at magpakailanman. Ang mga napatay ay hindi basta-basta lamang. Sila ang pinakamataas na antas ng mga pinuno ng sistemang Baal ng mga Satanista sa lahat ng paksyon sa lungsod.

 

Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba (Apoc. 11:14).

 

At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi: "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man." (Apoc. 11:15).

 

Apocalipsis 11:16-19 At ang dalawampu't apat na matatanda na nakaupo sa kanya-kanyang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos, 17 na nagsasabi, “Pinasasalamatan ka namin, O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang ngayon at ang nakaraan, sapagkat kinuha mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari. 18 Nagalit ang mga bansa, ngunit dumating ang iyong poot, at ang panahon upang hatulan ang mga patay, at upang bigyan ng gantimpala ang iyong mga alipin, ang mga propeta, at ang mga banal, at ang mga natatakot sa iyong pangalan, ang mga hamak at dakila, at upang puksain mo ang mga pumupuksa sa lupa.” 19 At nabuksan ang templo ng Diyos na nasa langit at nakita sa kanyang templo ang kaban ng kanyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, ng mga tinig, ng mga kulog, ng lindol, at mabigat na yelong ulan.

 

Dumating na ang panahon para sa Mesiyas na mamuno at maganap ang Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga patay at ang mga hinirang na tumanggap ng kapangyarihan at palitan ang mga Demonyo bilang mga espirituwal na pinuno ng sanlibutan.

 

Lilipat na tayo ngayon sa Bahagi III: Armagedon at ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos (No. 141E).

 

 

q