Christian Churches of God

No. 085

 

 

 

Ang Batayan ng Pamumuhay ng Cristiano

 (Edition 3.1 19941231-20060920-20070811)

                                                        

 

Ang araling ito ay nagpapakita ng biblikal na posisyon na ang Sampung Utos ang batayan ng pamumuhay Cristiano. Pagkatapos ay tatalakayin ito. Ito ay hahantong sa iba pang mga akda sa serye ng Biyaya-Kautusan.

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

E-mail: secretary@ccg.org

 

(Copyright © 1994, 2000, 2006, 2007 Wade Cox)

(Tr. 2024)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://logon.org and http://ccg.org

 


Ang Batayan ng Pamumuhay ng Cristiano

 

Ang batayan ng pamumuhay Cristiano ay nangangailangan ng pag-unawa sa tamang pag-uugali, ng batayan ng Kautusan at kaalaman sa Nag-iisang Tunay na Diyos. Kinakailangan na makamtan natin ang ganitong pang-unawa upang mabuo ang lahat ng iba pa nating mga batayan para sa karagdagang mga posisyon sa doktrina sa isang matibay na pundasyon. Maliban kung tama ang ating pundasyon hindi natin mauunawaan kung paano tayo dapat mamuhay bilang mga Cristiano. Ang dahilan kung bakit nasa masamang kalagayan ang sanlibutang ito ay dahil ang tinatawag na pananampalatayang Cristiano ay nagtayo sa pundasyon ng buhanginan; wala itong naunawaan sa mga Kautusan ng Diyos.

 

Ang batayan ng pamumuhay Cristiano ay tinukoy ni Cristo sa istruktura ng Kautusan tulad ng ibinigay sa Sinai nang magsalita siya kay Moises bilang Anghel ng Presensya (o Anghel ng Tipan) at ibinigay dito ang Kautusan. Inilista niya ang batayan para sa pamumuhay na susundin niya mismo kalaunan bilang Mesiyas kapag siya ay naging tao. Ang pagsunod sa mga Utos ang kinakailangan para sa buhay na walang hanggan.

Mateo 19:17  At sinabi niya sa kanya, “Bakit mo ako tinatanong tungkol sa mabuti? Iisa ang mabuti. Ngunit kung ibig mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga utos.” (AB01)

 

Ang Iglesia ay nakatuon sa pagsunod sa Sampung Utos na matatagpuan sa Exodo 20:1-17 at Deuteronomio 5:6-21. Ang batayan ng pagtuturo ng Iglesia ay hindi lamang ang Sampung Utos, kundi pati na rin ang buong Kautusan at ang Patotoo. Kung ang mga guro o pinuno ng Iglesia ay hindi nagsasalita ayon sa Kautusan at sa Patotoo, wala silang umaga.

Isaias 8:20  Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga. (AB01)

 

Ang sentro ng Kautusan at ng Patotoo ang bumubuo sa Sampung Utos, na bumubuo ng batayan at pinaka-puso ng mga turo na nakasaad sa Kautusan at sa mga Propeta. Ang lahat ng mga propeta ay ipinapaliwanag ang Kautusan, ang Sampung Utos, sa kanilang mas malalim na pang-unawa, at ipinapaliwanag ang Kautusan sa espirituwal na layunin nito. Ang mga Utos ay dapat ituro ng lahat ng mga magulang sa kanilang mga anak sa patuloy na batayan. Binigyan tayo ng Bibliya at ng mga kasulatan upang mas ganap nating masunod ang Kautusan ng Diyos at mas ganap na turuan ang ating mga anak na lumakad sa mga daan ng Diyos, at upang mapagtagumpayan at makita ang sarili nating mga kasalanan at kahinaan. Lahat tayo ay tinawag mula sa kasalanan.

 

Ang mga Kautusang ito ay itinuturo upang maging tanda sa kamay na nagpapahiwatig ng mga bagay na ating ginagawa, at sa noo na nagpapahiwatig ng ating paraan ng pag-iisip at ng ating emosyonal na pag-unawa, at inilalagay sa mga haligi ng pintuan ng bahay upang maging gabay sa buong sambahayan (Deut. 7:7-9).

 

Ang pamumuhay Cristiano ay nakabatay sa Kautusan. Ang pagmamahal sa kapwa ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng pagbabalik-loob at sumusunod sa pangunahing aspeto ng pagmamahal ng Diyos. Kung hindi natin mahal ang ating kapwa na ating nakikilala, paano natin mamahalin ang Diyos na hindi natin nakikita? Kung wala tayong pagmamahal, hindi natin nakikilala ang Diyos. Ang mga Cristiano ay inutusang mahalin ang Diyos at mahalin ang kanilang kapwa gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sarili.

 

Pag-ibig ng Cristiano

 

Ang katangian ng Diyos ay maibubuod sa salitang pag-ibig. Ang Kanyang pagmamahal ay umaagos na pagmamalasakit sa iba: ito ang paraan ng pagbibigay, pagbabahagi, pagtulong at paglilingkod.

1Juan 4:16  At ating nalaman at sinampalatayanan ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. (AB01)

 

Ang Kautusan ng Diyos ang paraan ng pag-ibig ng Diyos. Binuod ni Jesucristo ang Kautusan ng Diyos sa Mateo 22:34-40. Iyan ang buong istruktura ng mensahe ng Diyos at ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos sa pinakadiwa nito. Ang buong layunin ng misyon ni Cristo ay upang hindi mahatulan ang sanlibutan, kundi upang ito ay maligtas.

Juan 3:14-17  Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, kailangan din namang itaas ang Anak ng Tao; 15 upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. 16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. (AB01)

 

Ang istruktura ng pag-ibig ng Diyos ay isang napakahalagang teksto. Sa usapin ng pagkawasak ng mga tao, at kaugnay ng paratang na siya ay kumikilos sa utos ni Satanas, may isang punto si Cristo na sinabi sa Marcos 3:27.

Marcos 3:27-29  Ngunit walang makakapasok sa bahay ng malakas na tao upang samsamin ang kanyang mga ari-arian, malibang gapusin muna niya ang malakas na tao; at kung magkagayo'y malolooban niya ang bahay nito. 28 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na patatawarin ang lahat ng mga kasalanan ng anak ng mga tao at anumang paglapastangan na kanilang sabihin. 29 Ngunit sinumang magsalita ng paglapastangan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailanman, kundi nagkakasala ng isang kasalanang walang hanggan,” (AB01)

 

Ang kalapastanganan sa kasong ito ay laban sa Banal na Espiritu. Pinili ng Diyos na tumawag ng maraming tao. Maraming iba pa ang tinawag sa Iglesia ay nasa ilalim ng Iglesia, ngunit hindi sila bahagi ng ministeryo ng Diyos sa loob ng Iglesia. Sinasabi lamang ni Cristo na ang mga kasalanan ng mga tao – i.e. lahat ng kasalanan – ay patatawarin.

 

Ang 1Corinto kabanata 13 ay inilarawan bilang ang kabanata ng pag-ibig. Nagbibigay ito ng pananaw sa ating mga obligasyon sa isa't isa. Isinugo ng Diyos si Cristo dahil mahal Niya ang sanlibutan, sapagkat, bilang isang Ama ay may responsibilidad Siya sa lahat ng nilikha. Hindi ito tungkol sa pagtatangi ng Diyos ng tao pagdating sa pag-ibig at ang ating kakayahang mahalin ang isa't isa. Kailangan nating magkaroon ng pang-unawa kung paano makipag-ugnayan sa isa't isa; kung paano natin dapat at hindi dapat tingnan ang isa't isa; at kung paano palalakasin at tutulungan ang isa't isa, nang hindi nakakasakit.

1Corinthians 13:1-13  Though I speak with the tongues of men and of angels, and have not charity, I am become as sounding brass, or a tinkling cymbal. 2 And though I have the gift of prophecy, and understand all mysteries, and all knowledge; and though I have all faith, so that I could remove mountains, and have not charity, I am nothing.

 

Ang salitang charity dito ay pinalitan ang salitang love. Madalas nating isipin na ang kawanggawa ay malamig na pagtulong, ngunit ang pinag-uusapan natin ay pag-ibig.

 

Ang mensahe ng lahat ng tekstong ito – ng buong Bibliya, ng lahat ng Kautusan at ng lahat ng mga Propeta – ay: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong pag-iisip mo, nang buong puso mo, nang buong lakas mo, at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” (Luc. 10:27). Kung hindi natin gagawin ang mga bagay na iyon ay hindi natin naunawaan ang pinaka-puso ng Kautusan. Kung tayo ay nagagalak sa pagbagsak ng iba – hal. nagagalak sa racism o sa kasawian ng mga kapuspalad – kung gayon kailangan talaga nating tingnan kung ano ang ating ginagawa at kung saan tayo nakatayo kasama ng Diyos, dahil ang gayong pag-iisip ay mali. Hindi natin maihahanda ang ating sarili para sa Kaharian ng Diyos nang hindi nag-iisip para sa ikabubuti at kapakanan ng lahat ng nasa paligid natin.

3 And though I bestow all my goods to feed the poor, and though I give my body to be burned, and have not charity, it profiteth me nothing.

 

May mga taong ibinigay ang lahat sa mahihirap at inalagaan ang marami. Sinabi ni Ananias na ibibigay niya sa Iglesia ang lahat ng kita sa pagbebenta ng kanyang bahay. Hindi siya obligadong gawin iyon; maaari niyang ibenta ito at ibigay ang kalahati ng nalikom, ngunit nais niyang magmukhang dakila sa mata ng Iglesia, at pagkatapos ay nagsinungaling siya sa Banal na Espiritu. Siya at ang kanyang asawa ay itinago ang kalahati ng mga nalikom. Dahil dito, si Ananias ay pinatay at ang kanyang asawa ang sumunod pagkatapos noon, at sila ay dinala palabas.

 

Ang Ananias na binanggit sa Mga Gawa kabanata 9 ay matatagpuan sa Damasco. Siya ay naging matanda sa Iglesia, at siya ang pinili ng Diyos na magpatong ng kamay kay Pablo para matanggap ang Banal na Espiritu. Ang pagkakasunod-sunod ay tila nagpapahiwatig na ang Ananias sa Jerusalem ay pinatay bago ang bautismo ni Saul, ngunit wala tayong aktwal na patunay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, o ng positibong pagkakakilanlan ni Ananias. Ang punto ay nilapastangan niya ang Banal na Espiritu at nagsinungaling siya sa Banal na Espiritu, samakatuwid, bilang isang halimbawa sa mga hinirang ay pinili ng Diyos na patayin si Ananias at ang kanyang asawa sa harap ng kapisanan.

 

Marami sa atin ang hindi lubos na nauunawaan na nakakatakot ang mahulog sa mga kamay ng Buhay na Diyos. Dahil ang ilan sa ating mga kasama ay hindi pa pinapatay sa harap ng kapisanan, sa tingin nila ay bulag ang Diyos, o nagtatangi ng mga tao. Sa ikadalawampung siglo, pinagtiisan ng Diyos ang isang kalagayan sa Iglesiang may pansariling interes, at pagmamataas at mapag-paratang hangga't ito ay kinakailangan; pagkatapos ay pinahintulutan Niya na mawasak ang malaking bahagi ng Iglesia. Iyon ay isang napakabigat at seryosong kaganapan para sa lahat ng mga taong kasangkot. Pinahintulutan nila ang Iglesia na mahulog sa isang sitwasyon ng pagmamataas at mapag-paratang kung saan walang pag-ibig. Tayo ang sumalo ng bigat ng mga ito dahil sa pagtatangi sa mga tao, at kabiguang palawigin ang ating responsibilidad sa pag-ibig sa ating kapwa-tao.

4 Charity suffereth long, and is kind; charity envieth not; charity vaunteth not itself, is not puffed up, 5 Doth not behave itself unseemly, seeketh not her own, is not easily provoked, thinketh no evil;

 

Dapat nating sikaping palawigin ang pagtitiis at kabutihan sa isa't isa. Dapat walang inggitan sa ating ginagawa at walang pagtataas sa sarili. Ang buong usaping ito ng pag-ibig ay tungkol sa pag-aangat sa ating mga kapatid, pagtingin ng mabubuting bagay sa kanila, at paghahanap ng mga positibong katangian sa kanila. Dapat nating itanong kung ano ang maaari nating gawin upang matulungan sila, at kung ano ang magagawa natin upang maibsan ang isang pasanin at hikayatin sila.

 

Ang panghihikayat ang pinakamahalagang bagay na maibibigay natin sa isa't isa, lalo na't ang Kalaban at ang mundo sa pangkalahatan ay nag-aabang na ibagsak tayo sa lahat ng oras. Pinaparatangan nila tayo nang hindi makatarungan at iyon ang karaniwang paraan ng mundo. Gayunpaman, dapat nating, mahalin ang ating mga kaaway, pagpalain ang mga sumusumpa sa atin, gawan ng mabuti ang mga napopoot sa atin, at manalangin para sa mga taong umaalipusta sa atin (Mat. 5:44).

 

Ang buong usaping ito ng pag-ibig ang susi at pangunahing elemento para sa ating lahat sa Iglesia. Ilang mga tao ay tila nahihirapan sa pag-unawa kung paano nag-iisip ang Diyos. Sinisikap ng Diyos na tayo ay magkaroon ng pag-iisip na katulad Niya. Ang buong istruktura ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay upang dalhin tayo sa isang posisyon kung saan maaari nating harapin ang paglalang. Ito ay isang usapin ng pagkakaroon natin ng kaisipan ng Diyos. Sinasabi niya: ang aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip (Is. 55:8).

 

6 Rejoiceth not in iniquity, but rejoiceth in the truth;

 

Dapat din nating isipin kung ano ang maaari nating gawin upang matiyak na ang mga tao ay naaalagaan. Ang hindi pag-iisip ng masama at hindi mambintang ng kasamaan sa iba ay mahalaga. Sa sandaling magsimula tayong magbintang ng masasamang intensyon sa iba, magkakaroon tayo ng pagkakahati sa Iglesia at ang mga tao ay magsisimulang hindi magtiwala at mapoot sa isa't isa. Ito ay isang napakabigat na problema sa pagsisikap na mag-isip ng mabuti sa lahat ng tao. Alam ni Cristo na ipagkakanulo siya ni Judas, ngunit pinahintulutan si Judas na ipagkanulo siya. Nagsisi si Judas, pagkatapos ay nagpakamatay nang maunawaan niya ang kanyang ginawa. Ang punto rito ay ang pagtitiis sa bahagi ni Cristo, kahit na alam ang mangyayari. Kadalasan ang pagtatago ng Katotohanan ay naging katangian ng Iglesia, kung saan ang mga bagay ay hindi hayagang sinusuri at kaya maraming tao ang naniniwala sa mga pabula.

 

7 Beareth all things, believeth all things, hopeth all things, endureth all things.

 

Sinusubok tayo ng Diyos, ngunit nag-iiwan Siya ng daan upang makayanan natin ang pagsubok na ibinibigay Niya sa atin. Itong paniniwala sa lahat ng bagay ay hindi isang simpleng pahayag. Hindi nito ibig sabihin na pinaniniwalaan natin ang lahat ng sinasabi sa atin; sa halip, ito ay paniniwala sa Katotohanan ng Bibliya at itinuturing ito bilang kinasihang salita ng Diyos. Ang pag-asa sa lahat ng bagay at pagtitiis sa lahat ng bagay ay nauukol sa pag-asa na nasa loob natin. Ito ang buong istruktura ng sinabi sa atin sa pamamagitan ng mga propeta, at ang ating pagtitiis nagpapatuloy hanggang sa wakas.

8 Charity never faileth: but whether there be prophecies, they shall fail; whether there be tongues, they shall cease; whether there be knowledge, it shall vanish away.

 

Nangangahulugan ba ito na maaaring mabigo ang propesiya? Hindi maaring masira ang Kasulatan, kaya hindi mabibigo ang mga propesiyang ito. Ang ibig sabihin nito ay ang mga propesiya ay mauubos, o makukumpleto, at sa huli ay mawawalan ng propesiya – walang magiging huwad na propesiya. Matatapos ang lahat ng propesiya dahil malalaman natin. Maging mga wika ay nagpapahiwatig na ang mga wika (lengguwahe) ay titigil, dahil ang Diyos ay bibigyan tayo ng isang perpektong sistema ng komunikasyon.

 

Bakit maglalaho ang kaalaman? Ang ibig sabihin nito ay pareho sa terminong mabigo. Nangangahulugan na ito ay magtatapos at ang proseso ng pag-aaral ay titigil dahil malalaman natin. Ang mga bagay na hindi nalalaman ay titigil, sa gayon malalaman natin. Ang buong usapin ng edukasyon at kaalaman ay isang usapin ng pagtatamo ng mga bagay na hindi natin alam. Bibigyan tayo ng kaalamang iyon at tayong lahat ay magiging espiritung nilalang, kaya wala nang mga batang matututo. Malalaman natin!

9 For we know in part, and we prophesy in part. 10 But when that which is perfect is come, then that which is in part shall be done away.

 

Kaya, ang perpektong sistemang iyon, perpektong kaalaman at perpektong pag-ibig ay hindi nangangailangan ng propesiya o proseso ng pagtamo ng kaalaman. Ito ay perpekto na at iyon ang hinahangad natin.

11 When I was a child, I spake as a child, I understood as a child, I thought as a child: but when I became a man, I put away childish things.

 

Iyon ang proseso ng pag-aaral natin, tulad ng pag-aaral ng mga bata. Maliban kung tayo ay pumasok sa Kaharian bilang mga bata ay hindi natin matututuhan o matatamo ang kaalamang ito. Kailangan natin ang pagkauhaw na ito sa kaalaman na mayroon ang mga bata, ang patuloy na pagnanais na matuto at makaunawa.

12 For now we see through a glass, darkly; but then face to face: now I know in part; but then shall I know even as also I am known. 13 And now abideth faith, hope, charity, these three; but the greatest of these is charity. (KJV)

 

Ipinapaliwanag ng 1Juan 2:10-19 ang ilan sa mga konseptong ito. Hindi natin maaaring kamuhian ang ating kapatid o magkaroon ng masamang loob laban sa alinman sa mga nilikha at manatili sa liwanag.

1Juan 2:10-19  Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at sa kanya'y walang anumang kadahilanang ikatitisod. 11 Ngunit ang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Siya ay lumalakad sa kadiliman at hindi niya nalalaman kung saan siya pupunta, sapagkat ang kanyang mga mata ay binulag ng kadiliman. 12 Mga munting anak, kayo'y sinusulatan ko sapagkat ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa kanyang pangalan. 13 Mga ama, kayo'y sinusulatan ko, sapagkat inyong nakilala siyang nagbuhat pa nang pasimula. Mga kabataang lalaki, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong dinaig ang masama. 14 Mga anak, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong nakilala ang Ama. Mga ama, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong nakilala siyang nagbuhat pa nang pasimula. Mga kabataan, kayo'y sinusulatan ko sapagkat kayo'y malalakas, at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo, at inyong dinaig ang masama. 15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang pag-ibig ng Ama ay wala sa sinumang umiibig sa sanlibutan. 16 Sapagkat ang lahat na nasa sanlibutan, ang masamang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamataas sa buhay, ay hindi mula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Ang sanlibutan at ang pagnanasa nito ay lumilipas, ngunit ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman. 18 Mga anak, huling oras na! Gaya ng inyong narinig na darating ang anti-Cristo, kahit ngayon ay lumitaw na ang maraming anti-Cristo. Kaya nalalaman nating huling oras na. 19 Sila'y lumabas sa atin, ngunit sila'y hindi sa atin; sapagkat kung sila'y kabilang sa atin ay magpapatuloy sana silang kasama natin. Ngunit sa paglabas nila ay ginawa nilang maliwanag na silang lahat ay hindi kabilang sa atin. (AB01)

 

Ang versikulo 19 ay isang napakahalagang pagsubok para sa Iglesia. Ang mga umaalis sa Iglesia – sa diwa ng hindi pagsunod sa mga Utos ng Diyos at pagtitipon sa istruktura ng Iglesia – ay hindi sa atin. Tinatawag tayong mga anak ng Diyos at kilala natin ang Diyos, ngunit hindi kilala ng sanlibutnan ang Diyos at hindi nila tayo kilala.

1Juan 3:1  Masdan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y matawag na mga anak ng Diyos; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagkat siya'y hindi nakilala nito. (AB01)

 

Ang istruktura ng pag-ibig ng Diyos ay nasa atin kung iniibig natin ang ating mga kapatid at nagmamalasakit sa kanila. Ito ay isang buong proseso ng pagmamalasakit sa isa’t-isa (cf. 1Juan 3:10-19; 4:7-15). Ang mga tao sa loob ng mainstream churches ay may posibilidad na ikubli ang mga Utos ng Diyos sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa pag-ibig ng Diyos. Ang pagkakaiba ay mahalaga sa mga iglesiang iyon. Sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa pag-ibig ng Diyos ay sinisikap nilang alisin ang mga Utos. Ang mga isinulat sa mga teksto ng Bagong Tipan ay lubos na malinaw: ang pag-ibig ng Diyos ay naipapakita sa pamamagitan ng kakayahang gawin ang kalooban ng Diyos, at sundin ang mga Utos ng Diyos at ni Jesucristo, sa loob ng Patotoo ni Jesucristo. Hindi natin maaalis ang mga Utos ng Diyos sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa istruktura ng pag-ibig ng Diyos, dahil ang Kautusan ng Diyos ay nagmumula sa kalikasan ng Diyos, samakatuwid ganoon din ang usapin ng pag-ibig at ng mga Utos. Ang pagsunod sa mga Utos ng Diyos at ang pag-ibig ng Diyos ay dalawang aspeto ng isang istruktura.

 

Ang mga Utos ng Diyos ay kinakailangan para sa pagpapanatili ng Banal na Espiritu, na nagbibigay sa atin ng kakayahang makibahagi sa banal na kalikasan ng Diyos. Ang bunga ng Espiritu ang nagbibigay sa atin ng kakayahang mamuhay at kumilos sa maka-Diyos na paraan. Ito ay makikita sa ating sariling buhay, at sa paraan ng ating pakikitungo sa isa't isa. Bilang mga Cristiano dapat nating ipakita ang prutas na ito.

Galacia 5:22-26  Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu, mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa. (MBB)

 

Dapat nating lahat tingnan kung paano tayo makitungo sa isa't isa, at kung paano maisasaayos ang Iglesia ng Diyos sa ilalim ng isang istruktura ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa't isa. Lalo nating kailangan magpakita ng nararapat na paggalang sa mga nagtuturo at namumuno sa atin sa Pananampalataya.

1Tesalonica 5:12-18  Subalit hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na inyong igalang ang mga nagpapagal sa inyo, at namumuno sa inyo sa Panginoon at nagtuturo sa inyo; 13 at lubos ninyo silang igalang na may pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't isa. 14 Mga kapatid, aming isinasamo sa inyo, na inyong pangaralan ang mga tamad, palakasin ang mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging matiisin kayo sa lahat. 15 Tiyakin ninyo na ang sinuman ay huwag gumanti ng masama sa masama, kundi lagi ninyong naisin ang mabuti para sa isa't isa at sa lahat. 16 Magalak kayong lagi. 17 Manalangin kayong walang patid. 18 Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo. (AB01)

 

Marami sa atin ang dumaan sa matinding pagsubok sa nakaraan. Karamihan sa Iglesia ay nawasak dahil sa pagtatangi ng mga tao at kawalan ng pagmamahal. Ang pagtatangi ng mga tao ang pinakamalaking kasalanan ng Iglesia ng ikadalawampung siglo, at hindi ito naunawaan ng mga tao (tingnan ang araling Pagtatangi ng mga Tao (No. 221)). Lahat tayo ay may pagkakataong muling ayusin ang Iglesia at gawin itong matibay na sisidlan ng Banal na Espiritu na nararapat. Hindi pinahihintulutan na hindi magtipon at maging mag-isa tayo.

Hebreo 10:24-25  At ating isaalang-alang kung papaano gigisingin ang isa't isa sa pag-ibig at sa mabubuting gawa, 25 na huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-lalo na kapag inyong nakikita na papalapit na ang Araw. (AB01)

 

Hindi pinahihintulutan ang hindi makibahagi sa Ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos – ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Mayroon tayong tungkuling dapat gampanan. Lahat tayo ay pinagsama-sama sa isang katawan, at ang katawan na iyon ay may obligasyon na kumilos nang sama-sama nang may pagkakaisa. Sinabi ni Cristo, “Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ay siyang aking mga kapatid na lalaki at babae at ina” (Mat. 12:50). Lahat tayo ay dapat tumingin sa mga gumagawa ng kalooban ng ating Ama sa Langit. Dapat tayong magtulungan at magsumikap na makabuo ng isang sistema na may kakayahang magtagal.

Filipos 2:2  Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;  (AB)

 

Isa sa mga pinakamalaking suliraning kinakaharap natin sa Iglesia ay ang pagsasama-sama ng isang Iglesia kung saan ang mga indibidwal ay talagang nagmamahalan, at nagmamalasakit sa ginagawa at iniisip at kalagayan ng iba. Maliban kung at hanggang sa makarating tayo sa yugtong iyon tayo ay nabigo sa Una at Ikalawang Utos.

Roma 13:8,10  Huwag kayong magkautang ng anuman sa kaninuman, kundi mag-ibigan sa isa't isa, sapagkat ang umiibig sa kanyang kapwa'y nakatupad na ng kautusan.… 10 Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa; ang pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan.

 

Habang pinapatay si Esteban ay sinabi niya, “Panginoon, huwag mo silang papanagutin sa kasalanang ito”. Para sa mga taong pumatay sa kanya, ito ay hindi pananagot sa kanila (tingnan ang Mga Gawa 7:54-60). Ang tunay na punto ay ang mga taong ito ay hindi bahagi ng mga hinirang; hindi sila tinawag. Ang lahat ng ating mga ninuno ay umaasa sa mas dakilang bagay kaysa sa kung ano ang mayroon sila sa bansang Israel. Lahat sila ay sumunod sa Kautusan ngunit iilan lamang ang napili; ilang mga propeta at Patriyarka lamang ang kinuha at inilagay sa Kaharian ng Diyos, bagaman mayroon silang Kautusan. Ang karamihan ay magmamana ng Kaharian ng Diyos sa pagkabuhay na mag-uli, ngunit hindi sila pinili sa panahong iyon. Wala silang kakayahang tumawag sa Diyos tulad natin, at tumanggap ng Banal na Espiritu at maging bahagi ng Kaharian ng Diyos. Hindi iyon makukuha hanggang sa Pentecostes noong 30 CE.

 

Ang buong paglalang na ito ay upang ipakita sa atin na ang daan na salungat sa Kautusan ng pag-ibig ng Diyos ay may kapahamakan. Nasa katapusan na tayo ng anim na libong taon ngayon. Sa nakalipas na sampung taon at sa susunod na dalawampung taon, makikita natin sa mundong ito ang mga suliranin ng mga Huling Araw. Sa pagtatapos ng digmaan ng ikaanim na pakakak higit sa isang katlo ng mundong ito ay mamamatay. Ang lahat ng iyon ay walang kinalaman sa Diyos pagdating sa konsepto; gayunpaman, ang lahat ng ito ay pinahintulutang mangyari. Haharapin ng Diyos ang mundong ito nang may pag-ibig at tamang edukasyon.

 

Ang pag-unawa sa Bibliya ay kadalasang ginagamit para sa pagtaas sa sarili, at walang mas nakasusuklam na kahinaan kaysa sa pagmamataas. Ang pinakamalaking bitag sa Iglesia ng Diyos ay, dahil binigyan tayo ng Diyos ng pang-unawa at nabuksan ang ating mga isipan, tayo ay nagiging mapagmataas, kahit na ito ay hindi dahil sa ating sariling kabutihan.

Roma 15:1-7  Kaya't tayong malalakas ay nararapat magtiis sa kahinaan ng mahihina, at hindi upang magbigay-lugod sa ating mga sarili. 2 Bawat isa sa atin ay magbigay-lugod sa kanyang kapwa para sa kanyang kabutihan, tungo sa ikatitibay niya. 3 Sapagkat si Cristo man ay hindi nagbigay-lugod sa kanyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, “Ang mga pag-alipusta ng mga umaalipusta sa iyo ay nahulog sa akin.” 4 Sapagkat ang anumang mga bagay na isinulat noong una ay isinulat upang tayo ay matuto, upang sa pamamagitan ng pagtitiyaga at sa pagpapasigla ng mga kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. 5 Ngayon, ipagkaloob nawa ng Diyos ng pagtitiis at kaaliwan, na kayo ay magkaisa ng pag-iisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus, 6 upang kayo na may isang pag-iisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 7 Kaya't tanggapin ninyo ang isa't isa, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa ikaluluwalhati ng Diyos. (AB01)

 

Tayo ay pinili upang tawagin, mabautismohan, mabigyan ng Banal na Espiritu, at ang ating isipan ay nabuksan upang tayo ay mabigyan ng pang-unawa. Habang nag-aaral tayo ay lalo tayong nabibigyan ng higit na pang-unawa; samakatuwid ang kasipagan at pagsunod ang nagbigay sa atin ng mataas na antas ng kaalaman. Ang Diyos ay nangangailangan ng pagsunod sa halip na paghahain. Ang kaalamang ito ng lahat ng propesiya at ng lahat ng misteryo ay walang halaga.

Colosas 3:12-14  Bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng kahabagan, ng kabaitan, ng kababaang-loob, ng kaamuan, at ng katiyagaan. 13 Pagtiisan ninyo ang isa't isa, at kung ang sinuman ay may reklamo laban sa kanino man, magpatawaran kayo sa isa't isa, kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayundin naman ang inyong gawin. 14 At higit sa lahat ng mga bagay na ito ay magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan. (AB01)

 

Kung hindi natin iniibig ang isa't isa nawawala sa atin ang ating posisyon. Ito ay isang usapin ng palaging pag-iisip para sa ikabubuti ng bawat isa – kung paano tayo makakatulong, at kung paano natin mapangalagaan ang ating mga kapatid at maiwasan ang pagkakasala.

1Pedro 3:8-9   Katapus-tapusan, magkaisa kayong lahat sa pag-iisip, maging madamayin, mapagmahal sa mga kapatid, mababait at may mapagpakumbabang pag-iisip. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng pag-alipusta ang pag-alipusta, kundi ng pagpapala; sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, upang kayo'y magmana ng pagpapala. (AB01)

 

Ang tunay na punto ay hindi natin dapat isipin kung paano iibigin ang isa't isa, dahil kung tunay tayong nagmamahal nagiging likas ang proseso ng pag-iisip na ito.

Roma 12:9-10  Ang pag-ibig ay maging walang pagkukunwari. Kapootan ninyo ang masama; panghawakan ang mabuti. 10 Magmahalan kayo na may pag-ibig bilang magkakapatid; sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo, (AB01)

 

Ang lahat ng Kautusan at ang mga Propeta ay nakasalalay sa Dalawang Dakilang Utos. Lahat ng propesiya ay may kinalaman sa ilang aspeto nito; walang aral na hindi nauugnay dito.

Juan 13:34-35  Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y magmahalan sa isa't isa. Kung paanong minahal ko kayo, magmahalan din kayo sa isa't isa. 35 Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pag-ibig sa isa't isa.” (AB01)

 

Hindi sapat ang magmahal nang tahimik; dapat tayong makita na gumagawa at kumikilos sa pag-ibig. Hangga't maaari dapat tayong pisikal na tumulong sa mga nangangailangan at laging maging mapanghikayat, mahabagin, mabuti at mahinahon. Madaling makibahagi sa mga panahon ng kasiyahan, ngunit dapat nandiyan din tayo para sa iba sa oras ng karamdaman, kalungkutan at pagdadalamhati o kasawian. Para sa ating mga pinagpala ng higit, inaasahan tayong magbahagi sa mga kapus-palad. Dapat nating makita ang mga pangangailangang ito nang hindi na sinasabi.

 

Ang ating oras ay isang napakahalagang yaman din, at ang kakayahang magbigay ng ating oras sa iba ay isang mahalagang sangkap sa pagsasabuhay ng Cristianong pag-ibig. Hindi lang ito dapat idirekta sa mga taong komportable tayo at kilala nating mabuti. Hindi laging madali ang magmahal ng mga taong nang-iinis o nakakapagpagalit sa atin, ngunit sa kabilang banda ay pinapayuhan tayo na mahalin ang ating mga kaaway. Ito ang tunay na pagsubok ng maka-Diyos na pag-ibig: Sapagkat kung umiibig kayo sa mga umiibig lamang sa inyo anong gantimpala mayroon kayo? (Mat. 5:46).

 

1Juan 4:8  Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos; sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. (AB01)

 

Ang pag-ibig ng mga kapatid sa isa't isa ay higit na pinahahalagahan ang iba at ipinapakita sa pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos ay nakabatay sa Katotohanan. Kung hindi natin iniibig ang Katotohanan tayo ay ibinibigay sa isang matinding panlilinlang upang tayo ay maniwala sa isang kasinungalingan (2Tes. 2:11).

2Tesalonica 2:9-12  Ang pagdating ng taong makasalanan ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga mapanlinlang na kababalaghan, 10 at may lahat ng mapandayang kasamaan para sa mga napapahamak, sapagkat tumanggi silang ibigin ang katotohanan upang sila'y maligtas. 11 At dahil dito'y pinapadalhan sila ng Diyos ng makapangyarihang pagkalinlang upang maniwala sila sa kasinungalingan, 12 upang mahatulan silang lahat na hindi sumampalataya sa katotohanan, sa halip ay nalugod sa kalikuan. (AB01)

 

Ang mga taong ito ay mauuwi sa kalagayang hiwalay sa kaalaman ng Diyos upang maligtas ang kanilang buhay sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli (1Cor. 5:5).

1Corinto 5:5  ay ibigay ang ganyang tao kay Satanas sa ikawawasak ng laman, upang ang kanyang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus. (AB01)

 

Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng sakripisyo ni Jesucristo. Pinili ng Diyos na gamitin ang bawat isa sa atin sa Kanyang Plano. Ang paggamit ng mga makasalanan ay ginagawa upang lituhin ang makapangyarihan.

1Corinto 1:26-31  Sapagkat tingnan ninyo ang inyong pagkatawag, mga kapatid: kakaunti sa inyo ang matatalino ayon sa pamantayan ng tao, hindi marami ang makapangyarihan, hindi marami ang isinilang na marangal. 27Kundi pinili ng Diyos ang mga bagay na kahangalan sa sanlibutan upang kanyang hiyain ang matatalino. Pinili ng Diyos ang mga bagay na mahihina sa sanlibutan upang kanyang hiyain ang malalakas. 28Pinili ng Diyos ang mga bagay na mababa at hinahamak sa sanlibutan, maging ang mga bagay na walang halaga upang pawalang-saysay ang mga bagay na mahahalaga, 29upang walang sinuman ang magmalaki sa harapan ng Diyos. 30Subalit kayo ay na kay Cristo Jesus, na naging karunungan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan, at katubusan, 31upang ayon sa nasusulat, “Ang nagmamalaki ay ipagmalaki ang Panginoon.” (AB01)

 

Ang ating karunungan at ang ating pagbabalik-loob ay nagmumula sa Diyos. Kapag tayo ay nabautismuhan ang ating mga kasalanan ay inilalayo sa atin gaya ng silangan sa kanluran (Awit 103:12). Ang tungkulin ng pag-aalis ng kasalanan ay nakabatay sa sapat na sakripisyo ni Cristo. Ang paghatol sa mga hinirang batay sa kung ano sila bago mabautismohan ay isang proseso ng pag-iisip na hindi pa napapanibago. Ang pag-ibig ng Diyos ay nangangailangan na mamuhay ang mga hinirang ng isang Cristianong pamumuhay batay sa Katotohanan at sa mga Utos ng Diyos kay Cristo Jesus. Mahalaga na mamuhay ang mga hinirang ng maka-Diyos bilang isang halimbawa sa mundo. Ang kanilang halimbawa ay nagmumula sa kanilang pamumuhay sa mundo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo (Mat. 10:16; Luc. 10:3); sa katunayan, ang mga lobo ay nakakapasok pa nga sa mga hinirang (Mga Gawa 20:29-32).

 

Ang kawan ay may responsibilidad na maging hiwalay sa mga lobo sa gitna nila, ngunit manatili sa mundo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo. Sa pamamagitan ng mga Utos ng Diyos sila ay mga halimbawa, ipinapakita sa kanilang pag-ibig sa isa't isa ang pag-ibig ng Diyos na kanilang pinaglilingkuran. Hindi tayo maaaring maglingkod sa mga makamundong panginoon nang higit sa Nag-iisang Tunay na Diyos. Ipinakita sa atin ni Daniel kung ano ang inaasahan sa atin.

Daniel 6:3-28  Hindi nagtagal, si Daniel ay nangibabaw sa lahat ng ibang mga pangulo at sa mga satrap, sapagkat taglay niya ang isang di-pangkaraniwang espiritu; at pinanukala ng hari na italaga siya upang mamuno sa buong kaharian. 4 Nang magkagayo'y sinikap ng mga pangulo at ng mga tagapamahala na makakita ng batayan upang makapagsumbong laban kay Daniel tungkol sa kaharian.

 

Iyan ang hinahangad na gawin, ni Satanas, ang tagapag-akusa ng mga kapatid: upang humanap ng dahilan para sa makapagsumbong laban sa atin.

… Ngunit hindi sila makakita ng anumang batayan upang makapagsumbong o anumang pagkukulang sapagkat tapat siya, at walang kamalian ni pagkukulang na natagpuan sa kanya. 5 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalaking ito, “Hindi tayo makakatagpo ng anumang batayan na maisusumbong laban sa Daniel na ito, malibang ito'y ating matagpuan na may kinalaman sa kautusan ng kanyang Diyos.”

 

Doon itinayo ang mga pagkakamali sa Iglesia upang baluktutin ang mga Kautusan ng Diyos. Ang Sampung Utos ang paksa ng pag-atake ng huwad na sistema ng relihiyon na nakasentro sa Imperyo ng Roma.

6 Kaya't ang mga pangulo at mga tagapamahalang ito ay dumating na magkakasama sa hari, at sinabi sa kanya, “O Haring Dario, mabuhay ka magpakailanman! 7 Lahat ng mga pangulo ng kaharian, mga kinatawan, mga tagapamahala, mga tagapayo, at ang mga gobernador, ay nagkasundo na ang hari ay dapat gumawa ng isang batas at magpatupad ng isang pagbabawal, na sinumang manalangin sa sinumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, liban sa iyo, O hari ay ihahagis sa yungib ng mga leon.

 

Ito ang konsepto ng sistema ng Hayop kung saan walang sinuman ang pinahihintulutang sumamba sa Diyos. Gagawin nilang imposibleng gawin ito.

8 Ngayon, O hari, pagtibayin mo ang pagbabawal, at lagdaan mo ang kasulatan upang huwag mabago ayon sa batas ng mga taga-Media at mga taga-Persia na hindi maaaring pawalang-bisa.” 9 Kaya't nilagdaan ni Haring Dario ang kasulatan at ang pagbabawal. 10 Nang malaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan na, siya'y pumasok sa kanyang bahay na ang mga bintana ay bukas paharap sa Jerusalem. At siya'y nagpatuloy na lumuhod ng tatlong ulit sa loob ng isang araw, na nananalangin, at nagpapasalamat sa harap ng kanyang Diyos, gaya nang kanyang dating ginagawa.

 

Sinasabi nito sa atin na ang mga hinirang ay dapat manalangin nang tatlong beses sa isang araw, at hindi nila dapat hayaang makagambala ang mga makamundong batas dito.

11 Nang magkagayo'y nagkakaisang dumating ang mga lalaking ito at natagpuan si Daniel na nananalangin at sumasamo sa kanyang Diyos. 12 Kaya't lumapit sila at nagsalita sa harapan ng hari tungkol sa ipinagbabawal ng hari, “O hari! Hindi ba lumagda ka ng isang pagbabawal, na sinumang tao na humingi sa kanino mang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, liban sa iyo, O hari, ay ihahagis sa yungib ng mga leon?” Ang hari ay sumagot, “Ang pagbabawal ay matatag, ayon sa batas ng mga taga-Media at mga taga-Persia, na hindi maaaring pawalang-bisa.” 13 Nang magkagayo'y sumagot sila sa hari, “Ang Daniel na iyon na isa sa mga bihag mula sa Juda ay hindi nakikinig sa iyo, O hari, maging ang pagbabawal man na iyong nilagdaan, kundi nananalangin ng tatlong ulit sa loob ng isang araw.” 14 Nang marinig ng hari ang mga salitang ito, siya ay lubhang nabahala. Ipinasiya niyang iligtas si Daniel, at hanggang sa paglubog ng araw ay kanyang pinagsikapang iligtas siya. 15 At nagkakaisang dumating ang mga lalaking ito sa hari at sinabi sa kanya, “Alalahanin mo, O hari, na isang batas ng mga taga-Media at ng mga taga-Persia na walang pagbabawal o utos man na pinagtibay ng hari ang maaaring baguhin.” 16 Nang magkagayo'y nag-utos ang hari, at dinala si Daniel at inihagis sa yungib ng mga leon. Nagsalita ang hari at sinabi kay Daniel, “Ang iyo nawang Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran ang siyang magligtas sa iyo!” 17 Dinala ang isang bato at inilagay sa bunganga ng yungib, at tinatakan ng hari ng kanyang sariling pantatak at ng pantatak ng kanyang mga maharlika upang walang anumang bagay na mabago tungkol kay Daniel. 18 Umuwi ang hari sa kanyang palasyo, at pinalipas ang buong magdamag na nag-aayuno. Walang libangang dinala sa kanya at ayaw siyang dalawin ng antok. 19 Nang mag-uumaga na, ang hari ay bumangon at nagmamadaling pumunta sa yungib ng mga leon. 20 Nang siya'y mapalapit sa yungib na kinaroroonan ni Daniel, siya'y sumigaw na may pagdadalamhati at sinabi kay Daniel, “O Daniel, lingkod ng buháy na Diyos, ang iyo bang Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran ay nakapagligtas sa iyo sa mga leon?” 21 Sinabi naman ni Daniel sa hari, “O hari, mabuhay ka magpakailanman! 22 Isinugo ng aking Diyos ang kanyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon. Hindi nila ako sinaktan sapagkat ako'y natagpuang walang sala sa harap niya at gayundin sa harapan mo. O hari, wala akong ginawang kasalanan.” 23 Nang magkagayo'y tuwang-tuwa ang hari, at ipinag-utos na kanilang iahon si Daniel mula sa yungib. Kaya't iniahon si Daniel mula sa yungib, at walang anumang sugat na natagpuan sa kanya sapagkat siya'y nagtiwala sa kanyang Diyos. 24 Ang hari ay nag-utos, at ang mga lalaking nagparatang kay Daniel ay kanilang hinuli at sila'y inihagis sa yungib ng mga leon—sila, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Hindi pa man sila umaabot sa ibaba ng yungib, ang mga leon ay nanaig sa kanila, at pinagputul-putol ang lahat nilang mga buto.

 

Ang konsepto ay kung ano ang gagawin nila sa mga hinirang, ganoon din ang gagawin sa kanila.

25 Nang magkagayo'y sumulat ang haring si Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na naninirahan sa buong lupa: “Kapayapaa'y sumagana sa inyo. 26 Ako'y nag-uutos na sa lahat ng sakop ng aking kaharian, ang mga tao ay dapat manginig at matakot sa Diyos ni Daniel: Sapagkat siya ang buháy na Diyos, at nananatili magpakailanman. Ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak, at ang kanyang kapangyarihan ay walang katapusan. 27 Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, sapagkat iniligtas niya si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.” 28 Kaya't ang Daniel na ito ay umunlad sa panahon ng paghahari ni Dario, at sa paghahari ni Ciro na taga-Persia. (AB01)

 

Ang kuwento ni Daniel ay kumakatawan sa kaloob ng Banal na Espiritu sa mga hinirang sa mga hindi napagbagong-loob ng mga imperyo ng mundo. Ang hindi napagbagong isip ay naghahanap ng pagkakataon laban sa atin at naghahangad na sirain tayo. Ang batayan ng pag-atake ay nakasentro sa Unang Utos, na siyang pagsubok sa mga hinirang hanggang sa kamatayan.

 

Hindi alam ni Daniel kung ililigtas siya ng Diyos mula sa kamatayan o hahayaan siyang maging martir para sa layunin ng pagsunod sa Kautusan (gaya ng nangyari sa Dan. 3:12-30). Sa pagkakataong ito ang kaligtasan ni Daniel ang halimbawa sa mga Gentil na ang Diyos ang naghahari sa Langit. Kung ang mga hinirang ay mananatiling tapat kung gayon sila at ang bayan kung saan sila nakatira ay uunlad. Ang kabiguan ng Iglesia ng Sardis at ng Laodicea ang nag-ambag sa mga sakuna ng mga Huling Araw. Ang pagbagsak ng Israel ay malaking resulta ng apostasiya ng mga hinirang sa mga Huling Araw. Ang huling gawain ay ginagawa ng iilan kahit marami ang maaaring gumawa ng gawain, dahil ang huli ay pinatahimik ng apostasiya at ang kanilang pagnanais na makarinig ng kaaya-ayang mga bagay.

 

Ang pamumuhay Cristiano ay pamumuhay kung paano namuhay si Cristo. Hindi nanahimik si Cristo sa ilalim ng Imperyo ng Roma. Hindi siya sumang-ayon sa mga Pariseo ng kanyang panahon. Kinondena niya ang mga Eskriba at Pariseo at tumayo siya laban sa kanila at tinawag silang mga mapagkunwari. Kasama rito ang paglalagay ng pag-ibig ng Diyos bago ang lahat. Mula sa pag-ibig ng Diyos nagmumula ang pag-ibig ng tao at ang kakayahang ibigin ang mga kaaway. Gaano karami ang nag-ayuno para sa kanilang mga kaaway gaya ng ginawa ni David? Si David ay isang taong ayon sa puso ng Diyos dahil, sa kabila ng kanyang mabibigat na kasalanan, mahal niya ang kanyang bayan at ang kanyang Diyos, at inuna niya ang katarungan at awa kaysa pansariling interes.

 

Ang materyalismo ay katangian ng mga Huling Araw. Halos imposibleng magkaroon ng espirituwal na pananaw kapag nabibigatan sa mga alalahanin ng mundo, gaya ng marami sa mga panahong ito. Gayunpaman, dapat tayong magpatuloy nang sama-sama, malaya sa apostasiya at pagkakamali. Dapat tayong mamuhay para kay Cristo at sa Katotohanang inihayag ng Diyos sa pamamagitan niya sa buong istruktura ng Bibliya. Dapat nating panghawakan ang Katotohanan, at ipakita sa pamamagitan ng pag-ibig na mayroon tayo sa isa't isa na tayo ang bayan ng Diyos.

 

q