Christian Churches of God
No. 021
Ang
Labindalawang Propeta
(Edition 1.0 20150314-20150314)
Ang Labindalawang Propeta ay ang
pinakahuli sa ayos ng pagkakasunod-sunod sa Canon ngunit hindi ito
nangangahulugan na sila ay “minor” o maliit ang kahalagahan bilang mga Propeta
ng Diyos.
Christian Churches of God
PO
Box 369, WODEN ACT 2606,
AUSTRALIA
Email: secretary@ccg.org
(Copyright © 2015 Wade Cox)
This paper may be freely copied and
distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions.
The publisher’s name and address and the copyright notice must be
included. No charge may be levied on
recipients of distributed copies. Brief
quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching
copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
Ang Labindalawang Propeta
Panimula
Ang Canonical List ng Labindalawang
Propeta na tinatawag na Minor Prophets ay nakalista sa pagkakasunud-sunod na:
Oseas
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habacuc
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias.
Sila ay nakahanay sa isang
istraktura na may tatlong propeta; pagkatapos ay anim na propeta at pagkatapos
ay tatlong propeta.
Ang pagkakasunod-sunod ng kanilang
paglitaw ay hindi ayon sa pagkakasunud-sunod kung paano sila isinugo ng Diyos.
Halimbawa, unang isinugo ng Diyos si Amos, ngunit pangatlo siyang lumitaw sa
Canon. Ang ilan tulad ni Zacarias ay
pinatay ng mga saserdote at mga propeta. Ang iba naman ay dumanas ng matinding
pag-uusig.
ANG KRONOLOHIKAL NA
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PROPETA.
Ang Israel ay binigyan ng apatnapung
taon na babala mula 761-721 BCE tulad ng nakita natin sa mga naunang propeta na
sina Jonas at Amos. Ayon sa medieval scholar na si Abraham ibn Ezra siya ay
nagpropesiya sa loob ng apatnapung taon bago ang pagbagsak ng Samaria, ngunit
para sa mga kalaunang iskolar ay nililimitahan siya sa tatlumpung taon bago ang
pagbagsak (750-720) (cf. Soncino, Intro
sa p. 1).
Walang alinlangan na ang Diyos mismo
ang nagpadala ng mga babala sa Israel sa loob ng apatnapung taon bago ang
pagbagsak ng Samaria, na naaayon sa mga nakaugaliang pamamaraan ng propesiya.
Ang Israel ay binigyan ng 40 taon at
gayundin ang Juda mula 30 CE sa Paskuwa ng kamatayan ni Cristo hanggang 70 CE
sa pagtatapos ng Pitumpung sanglinggo ng mga taon at ng pagkawasak ng Templo
dahil sa Roma (tingnan ang mga araling Ang Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo
[013] at
War with Rome and the Fall of the Temple (No. 298)).
Gayundin naman, ang Tanda ni Jonas
ay umabot ng 40 jubileo sa batayan ng isang taon kada jubileo ng iglesia sa
ilang tulad ng Israel sa ilang sa Exodo. Gayon din ang mga Iglesia ng Diyos ay
binigyan ng 40 taon ng Pagsukat ng Templo mula 1987 hanggang Jubileo ng 2027
(tingnan din ang araling Measuring the Temple (No.
137)).
Ang lahat ng Labindalawang Propeta
ay nagsimula 40 taon bago bumagsak ang Samaria hanggang sa mga Huling Araw at
sa pagdating ng Mesiyas at sa pagkabihag ng Jerusalem. Pagkatapos ipinagpatuloy
ni Zacarias ang proseso hanggang sa sistemang milenyal.
Jonas
Ang babala sa mga taga-Asiria na
naging instrumento sa pagbagsak ng Israel ay dinala sa kanila ni Jonas at kaya
ang kanyang pagkakalagay ay may kaugnayan ng kay Amos.
Gaya ng makikita natin mula sa
komentaryo, si Jonas na anak ni Amittai
ay isang kilalang makasaysayang personalidad. Siya ay binanggit sa 2Hari 14:25.
Siya ay mula sa Gath-hepher na isang
hangganang bayan sa Zabulon (cf.
Josh. 19:13). Ito ay malamang na kinikilala bilang Khirbet ez Zurra’ na isang malawak na lugar na matatagpuan tatlong milya
sa Hilagang-Silangan ng Nazaret, sa Galilea. Ang pahayag ng mga Pariseo sa Juan
7:52 ay isang kasinungalingan. Si Cristo ay nagmula sa lugar ng Nazaret sa
Galilea, gaya ni Jonas. Ito ay tinirhan noong Iron Ages I at II i.e.
1200-600 BCE at samakatuwid sa panahon ni Jonas at maging bago pa noon sa Late
Bronze Age mula 1550 BCE pataas. Si Jonas ay kapanabay ni Jeroboam II na hari
ng Israel (793-775 BCE) at sa mga unang taon ni Uzias (775-757 BCE). Ito ay
matatagpuan sa maikling distansya pahilaga mula sa mga labi ng nayon ng Meshed,
kung saan matatagpuan ang tradisyonal na lugar ng Libingan ni Jonas.
Tulad ng nakita natin mula sa The Fall of Egypt (No.
036),
at muling sinuri sa komentaryo sa Jonas, noong 732 BCE ang taga-Asiria na si
Tiglath Pileser III ay sinakop ang Damasco na ginawang mga tributary state ang
Israel at Juda. Noong 729 BCE sinakop ni Tiglath Pileser III ang Babilonia at
si Shalmaneser V (mula 724-721 BCE) ay sinakop ang Israel noong 722 BCE. Ang
kanyang tagapagmana na si Sargon II ay ipinatapon ang sampung lipi.
Ang patotoo ni Jonas ay tumagal ng
mahigit apatnapung taon mula sa paghahari ni Jeroboam II (793-775) hanggang kay
Uzias (775-753) at ang pinagsamang panahon ng kanilang paghahari ay apatnapung
taon, kabilang ang panahon ng pagsubok mula sa ikatlong taon ng paghahari ni
Uzias ca 772-732 hanggang sa naging Tributary sila sa mga taga-Asiria. Ang Israel
ay ipinadala sa pagkabihag sa mga taga-Asiria sa panahon mula 722 BCE na
humigit-kumulang 40 taon at pagkatapos ay 50 taon o isang jubileo mula sa mga
propesiya ni Jonas sa Israel. Dapat sana'y natuto si Jonas mula sa misyon sa
Nineve at binalaan ang Israel kung ano ang ginawa ng Diyos sa kanila at kung
ano ang mangyayari sa Israel ngunit hindi sila nakinig tulad ng hindi pakikinig
ng Juda sa loob ng apatnapung taon na ibinigay sa kanila para sa pagsisisi
(tingnan din ang araling Outline Table of the Age
(No. 272)).
Lumilitaw na sina Jonas at Amos ay
magkapanabay na nagbabala kapwa sa Asiria at Israel at sa loob ng panahong
nagbigay sa kanila ng apatnapung taong babala bago dumating ang paghatol.
Tulad ng nakikita natin sa teksto ng
Komentaryo sa Oseas, ang Talmud at Midrash ay may maraming reperensiya kay
Oseas at doon siya ay itinuturing na pinakadakila sa kanyang mga kapanabayang
propeta (cf. Pes. 87a). Naniniwala ang mga komentarista na ang kanyang ama na
si Beeri ay isang propeta at ang kanyang propesiya ay isinama sa Isaias 8:19ff
(cf. Lev. Rabba 6, xv, 2). Ang mga komentarista ay may opinyon na hindi lahat
ng mga hula ni Oseas ay nasa kronolohikal na pagkakasunud-sunod ngunit
titingnan natin kung ito ay may katotohanan sa pagbabalik-tanaw sa
kasaysayan. Inaamin din ng Talmud na ang
Canon ay hindi rin sunod-sunod (B.B 14a). Sumangguni sa Komentaryo.
Si Joel ay tumatalakay sa paghahanda
ng mga hinirang partikular na mula sa Mesiyas at sa mga huling araw. Ito ay may
mahahalagang aspeto ng pagpapabanal ng kapisanan ng Israel bilang Templo ng
Diyos at nauuna at komplementaryo at naghahanda para sa mga sulat ni
Ezekiel. Inilalagay ni Bullinger ito
kasama ni Ezekiel mula sa ikalimang taon ng pagkabihag ni Jehoiakin ngunit ito
ay walang petsa. Ang ilang mga rabbi ay naglalagay nito sa ibang lugar.
Inilalagay ito ng canon sa pagitan ng Oseas at Amos. Gayunpaman, alam natin na sina Amos at Jonas
ay nauna kay Oseas at ang Joel dahil walang petsa at tungkol sa mga huling
pangyayari ay lohikal na ito ay kasunod ng Oseas. Ang Kronolohiya samakatuwid
ay ipinapalagay bilang Amos, Jonas, Oseas. Gayunpaman, malamang na ang tunay na
pagkakasunud-sunod ay Jonas, Amos at
Oseas.
Amos
Karaniwang tinatanggap na si Amos ay
sumulat sa pagitan ng mga taong 765 at 750 BCE sa panahon ng paghahari ni
Jeroboam II (782-743). Ang kanyang aklat ay nakalista sa ikatlo sa Canon ngunit
tinatanggap na siya ang unang propeta sa mga huling propeta at ang kanyang
gawain ay inilalayo siya sa mga naunang propeta kung saan ang katiwalian ay
pumasok sa kanilang mga paaralan gaya ng nakikita natin sa kanyang mga sinulat.
Ang pagtanggi niya sa mga propeta ay hindi nangangahulugan na siya ay hindi
propeta sa halip ay kinondena niya ang kanilang katiwalian at hindi siya
kabilang sa kanila.
Ang lindol na kanyang tinutukoy sa
1:1 ay pinaniniwalaang naganap noong panahon ni Uzias (Zac. 14:5). Ang eclipse
ng araw na tinutukoy sa 8:9 ay tinatayang naganap noong 763 BCE (cf. Soncino Intro., p. 81).
Muli, makikita natin ang yugto ng
tatlumpu at apatnapung taon na naganap sa pagsisisi ng Israel (cf. also Cox. Commentary on Jonah). Ang babala ay
nagsimula noong 763-2 BCE at noong 733 ay sinakop ng mga taga-Asiria ang
Damasco at ginawa ang Israel na isang tributary system. Noong 723-2 lumusob
sila sa Samaria at noong 722 BCE ang mga Israelita ay dinala sa pagkabihag at
itinapon sa hilaga ng Araxes upang hindi makabalik hanggang sa Ikalawang
Pagparito ng Mesiyas.
Mikas
Ang propetang si Mikas ay nagmula sa
mga mababang lupain ng Shephelah malapit sa border ng mga Filisteo. Siya ay
nag-propesiya sa mga panahon ng paghahari nina Jotam, Ahaz at Hezekias (739-693
BCE). Mas bata siya kaysa sa mga
kapanabayan niyang sina Oseas at Amos (cf. Soncino,
p. 153). Malaki ang pagkakatulad ni
Mikas sa dalawang naunang propeta at makikita natin mula sa mga teksto na
kinondena niya ang istruktura at ang pagkasaserdote, pati na rin ang
impluwensya nito mula sa mga kulto ni Baal na sumasamba sa Araw at ang mga
propesiya kung paano haharapin ng Diyos ang Israel. Inihambing si Isaias kay
Mikas sa Appendix. Malamang na sila ay
magkapanabay o nasa magkaparehong panahon.
Ilalagay natin ang mga propeta mula
kay Isaias nang sunud-sunod. Ang mga propetang sina Jeremias, Daniel, at
Ezekiel ay sumunod sa panahong ito at nasa pagbagsak ng Juda sa mga
taga-Babilonia.
Ang teksto sa Obadias ay lumilitaw
na isinulat noong panahon ni Jeremias bagaman hindi tayo tiyak kung kailan ito
isinulat at ang unang mga talata ng 1-9 ay galing sa mga propesiya na nakasaad
sa Jeremias 49:7-22 lalo na sa 49:9, 14-16 kung saan ito ay eksakto ang
pagkakasabi (cf. Soncino). Ang akda ay tungkol sa mga tema ng hustisya
at paghuhukom para sa Edom.
Gaya ng ipinunto sa komentaryo, ang
mga pakikibaka at pagkamuhi ng Edom sa kanyang kakambal na kapatid na lalaki ay
naranasan mula sa mga pakikibaka sa sinapupunan at nagpatuloy sa kasaysayan sa
isang alitan na hindi nakikita sa mga magkakapatid.
Ang mga alitan ay naganap din kay
David kapwa sa ilalim ni Saul at nang maglaon sa kanyang paghahari at hanggang
sa digmaan sa mga Hasmonean ca.130 BCE at ang mga propeta ay patuloy na
nananawagan ng paghihiganti laban sa Edom o nagbubunyi sa pagbagsak nito.
Kinondena ni Amos ang Edom dahil
hindi naglubag ang kanilang poot laban sa Israel magpakailanman (Amos 1:11).
(May iba pang mga teksto na
binanggit ng Soncino gaya ng nasa
Isa. kab. 34; Ezek. 35; Awit 137:7; Panag. 4:21.)
Dapat nating ipagpalagay na ang
teksto ay kasunod ni Jeremias na sinipi siya ni Obadias sa halip na ang
kabaligtaran.
Nahum
Karamihan sa mga iskolar ay
sumang-ayon na ang pinakamaagang posibleng petsa para sa pagsulat ay 663 BCE sa
pagbagsak ng Thebes sa Asiria. Ang pinakahuling posibleng petsa ay sa pagbagsak
ng Nineveh noong 612 BCE. Ang Neo-Babylonian state ay itinatag ni Nabopolassar
noong 625 BCE at, pinakilos ang mga puwersang Babilonia, nagmartsa siya paakyat
sa Euphrates patungo sa Qablinu kung saan nagdulot siya ng napakalaking
pagkatalo sa Assyrian Army. Ang mga Medo ay nagsimulang sumalakay mula sa
Silangan at noong 614 ay sinakop nila at sinamsam ang lungsod ng Asshur.
Nakipag-alyansa noon si Nabopolassar sa kanilang hari. Magkasamang nagpatuloy
sa pagsalakay ang mga Medo at Caldeo hanggang sa bumagsak ang Nineveh noong 612
BCE. Ang 625 BCE ay ang pinaka-malamang na petsa para kina Nahum at Zefanias
noong matuklasan ang Balumbon ng Kautusan na handa para sa pagpapanumbalik ni
Josias sa ika-18 taon ng kanyang paghahari. Kaya't ito ay noong nagsisimula
nang magsama-sama ang mga taga-Babilonia na gagamitin upang wasakin ang Asiria.
Naniniwala si Bullinger na ang
kontrabida sa 1:11 ay talagang si Rab-shekeh ng 2Hari 18:26-28 ang tila
apostatang Judio na naging isang mataas na opisyal o pulitikal na opisyal ni
Sennacherib at may malaking galit kay Yahovah ng Israel. Inilagay ni Bullinger ang petsa ng pagsulat
sa ika-14 na taon ni Hezekias at kung gayon ay noong taong 704/3 BCE. Marahil
ito ay masyadong maaga ngunit ito ay pagkatapos ng pagbagsak ng Israel.
Obadias
Ang ibig sabihin ng pangalan Obadias
ay lingkod ng Panginoon. Ito ay
pangalan ng labindalawang iba't-ibang tao sa Lumang Tipan. Hindi tayo sigurado
kung sino ang propetang ito.
Hindi tiyak kung kailan ito isinulat
at ang unang mga talata ng 1-9 ay galing sa mga propesiya na nakasaad sa
Jeremias 49:7-22 lalo na sa 49:9, 14-16 kung saan ito ay eksakto ang
pagkakasabi (cf. Soncino). Ang akda ay tungkol sa mga tema ng hustisya
at paghuhukom para sa Edom. Base sa
katotohanang ito, kailangan nating ipagpalagay na ito ay isinulat pagkatapos ni
Jeremias at marahil bago madiskubre ang balumbon sa Templo para sa
pagpapanumbalik. Kung kaya, ito ay naisulat bago si Zefanias.
Zefanias
Mula sa itaas ay dapat nating
isaalang-alang ang Zefanias. Tulad ng nakikita natin mula sa komentaryo, si
Zefanias ay nakalista bilang ika-siyam sa mga propeta ng canon ng Lumang Tipan.
Ang kanyang talaangkanan ay nakalista sa loob ng apat na henerasyon dahil ang
salitang ginamit para sa kanyang ninuno sa KJV ay kapareho sa salitang Hebreo
bilang Hezekias at ang mga awtoridad ay kumbinsido na siya ay apo sa talampakan
ni Hezekias na Hari ng Juda.
Pinaniniwalaan ni E.A. Leslie (Interp. Dictionary of the Bible, Bk. IV, pp. 951ff.) na ang kanyang
akda ay napetsahan sa pamamagitan ng mga aktibidad ng pagsakop ng Scythian ca
630-625 BCE. Ang mga aktibidad ng mga kulto ni Baal at Inang Diyosa ng mga
relihiyong Asiria at Babilonia ay pumasok sa Juda pagkatapos ng paglawak ng
Asiria at si Manases ay nagtayo ng mga altar at mga karwahe sa itaas na mga
silid ni Haring Ahaz upang sambahin ang mga kulto ng Araw at Misteryo. Sinamba
nila ang araw, buwan at lahat ng mga zodiac signs at lahat ng Hukbo ng
kalangitan (2Hari 23:11ff).
Habacuc
Tila nagpropesiya si Habacuc di katagalan matapos ang
balumbon ng Templo ay madiskubre sa paghahari ni Josias noong 621 BCE. Ang
pagpapanumbalik ni Josias ay hindi nagtagal at sa ilalim ni Jehoiakim ang mga
tao ay nagsimulang magsagawa muli ng idolatriya at naging laganap ang
katampalasanan. Ikinubli ng hari ang kanyang kahinaan sa pamamagitan ng
paniniil at tuluyang naging sunud-sunuran kay Nabucodonosor (cf. 2Hari. 14:1).
Ang Seder Olam ay
itinuturo na sina Joel, Nahum at Habacuc ay nagpropesiya lahat noong panahon ni
Manases (cf. Soncino Intro., p. 211).
Napakasama ng haring iyon kaya sinasabing inalis nila ang kanyang pangalan mula
sa kanilang mga aklat. Ang mas malamang na pagkakasunod-sunod ay nagsisimula
pagkatapos ng 621 at nagsimula sa paglakas ng mga Caldeo. May ilan na
naniniwala na ito ay marahil sa pagitan ng Battle of Carchemish noong 605 BCE
at pagbagsak ng Templo noong 586 BCE; tinatayang ca. 600 BCE sa panahon ng
paghahari ni Jehoiakim.
Subalit, higit pa ang nilalaman ng propesiyang ito kaysa sa
natuklasan ng mga rabbinical authorities. Ang kanilang paglilimita sa panahon
pagkatapos ng Carchemish lamang ay maaaring maging isang paglilimita sa
propesiya gaya ng nakikita natin mula sa mga pananakop ni Nabopolassar, unahang
hari ng dinastiyang Caldeo, at ng mga Medo.
Hagai
Gaya ng makikita natin mula sa
Komentaryo sa Hagai, ang pangalang Hagai ay nagmula sa salitang Hag o kapistahan, o pista. Ang
teksto ay ipinahayag sa Bagong Buwan, ngunit mali ang pahayag ni Bullinger sa
kanyang tala na ito ay tumutukoy sa kabilugan ng buwan na isang pagkakamali
(cf. Companion Bible, fn. 1). Ito ay
ang Ikaanim na buwan o ang buwan ng Elul. Ito ay sa Ikalawang taon ni Dario na
taga-Persia (Dario II) noong ang utos para tapusin ang Templo ay ibinigay ni
Yahovah sa pamamagitan ni Hagai.
Kaya ang tekstong ito ay isang tagubilin
mula kay Yahovah para sa Juda kasabay ng propesiya na ipinahayag sa pamamagitan
ni Zacarias.
Ang utos ay ibinigay sa Unang taon
ng ika-71 Jubileo. Ang kumpletong istraktura ng 70 Jubileo mula sa pagkakasara
ng Eden ay natapos na sa Jubileo ng 424/3 BCE, at ang Templo ngayon ay muling
itatayo na. Ito ang ikalawang utos na ibinigay ng Diyos ngunit ang gawain ay
itinigil sa loob ng panahon mula sa utos ni Ciro hanggang kay Artaxerxes I na
nagpatigil ng pagtatayo, at ito ay nahinto hanggang sa Ikalawang taon ni Dario
na taga-Persia (tingnan ang araling Ang Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo
[013]).
Panahon ni Dario at ng mga Propeta
Gaya ng nakita natin mula sa mga
komentaryo tungkol kay Hagai at kay Zacarias, si Dario II ang naluklok sa trono
noong huling bahagi ng 424 o unang bahagi ng 423 BCE. Ang batas ay ipinag-utos
para simulan ang pagtatayo noong 422 BCE (Ezra 6:1 at 4:24) (i.e. ang kanyang
ikalawang taon). Ang 70 sanglinggo ng mga taon ay magsisimula mula sa petsang
ito. Mula sa Ezra 5 ay lumilitaw na sina Hagai at Zacarias ay nagpropesiya
noong 423 BCE at 422 BCE. Ang 70 sanglinggo ng mga taon ay nagsisimula mula
423/22 BCE (i.e. unang taon ng panibagong yugto ng Jubileo). Natapos ang
pagtatayo noong ika-anim na taon ni Dario na taga-Persia (Ezra 6:15) noong
ika-3 ng Adar i.e. Marso 418 BCE. Namatay si Dario sa panahon mula sa
pagtatapos ng 405 hanggang sa tagsibol ng 404 (tingnan ang araling Ang Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo
[013]:
Mali ang kronolohiya ni Bullinger sa bagay na ito gayundin ang mga nauugnay na
appendices).
Ang propesiya na ito ay nakaugnay sa
muling pagtatayo ng Templo at bahagi ng sistema ng Susi ni David ng propesiya
at pangangasiwa na humahantong sa mga Huling Araw at sa huling muling pagtatayo
ng Templo (tingnan ang Rule of the Kings Part
III: Solomon and the Key of David (No. 282C)).
Ang unang seksyon ay nangyari sa
pagsisimula ng pagtatayo at nagtatapos sa ikalawang taon ng pagtatayo sa
kalagitnaan bahagi. Ang pangalawang seksyon ay ibinigay naman sa huling bahagi
ng pagtatayo. Kada seksyon samakatuwid ay sumasaklaw sa dalawang taon mula sa
apat na taon ng pagtatayo at nakaugnay sa propesiya patungkol sa
pagpapanumbalik ng Israel at Juda sa ilalim ng Mesiyas, at ng Iglesia na
binanggit dito sa teksto bilang kasamang namumuno ng Mesiyas sa Jerusalem.
Kasama rin si Hagai sa paghahayag ng
propesiya sa panahong iyon, gaya ng ating nabanggit.
Malakias
Si Malakias ang huling propeta at
nagpropesiya sa mga nalalabing taon ng buhay ni Ezra. Nabuhay siya noong
panahong pinatay si Zacarias.
Sinasabi sa Mateo 23:35 na si Zacarias ay pinatay sa pagitan
ng templo at ng dambana. Siya ay pinatay nang wala sa oras ng mga saserdote,
anupat nahinto ang kanyang gawain.
Mateo 23:33-35
[33] Kayong
mga ahas, kayong lahi ng mga ulupong, paano kayo makakatakas sa kahatulan sa
impiyerno? [34] Kaya't, narito, nagsusugo ako sa inyo ng mga propeta, ng mga
pantas, at ng mga eskriba, na ang iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako
sa krus, at ang iba nama'y inyong hahagupitin sa inyong mga sinagoga, at inyong
uusigin sa bayan-bayan, [35] upang mapasainyong lahat ang matuwid na dugo na
dumanak sa ibabaw ng lupa buhat sa dugo ni Abel na matuwid, hanggang sa dugo ni
Zacarias na anak ni Baraquias na inyong pinaslang sa pagitan ng templo at ng
dambana.
Si Cristo ay nakikipag-usap sa mga saserdote at ito ay isang
napakahalagang punto. Ipinakikita nito na si Zacarias ay napatay nang wala sa
oras. Ipinakikita ng Zacarias 1:7 na ito ay si Zacarias na anak ni Berequias,
na anak ni Iddo, na propeta. (Tingnan ang Josephus, Wars of the Jews, 4.5.4 para sa paliwanag, gayundin ang mga
Bullinger’s footnotes.) Binanggit ito dahil lumilikha ito ng problema sa
Malakias at Zacarias.
Sa mga huling kabanata ng Zacarias ay may bahagyang pagbabago
sa istilo at ang ipinapalagay ay sinalo ni Malakias ang mga tungkulin at
nagsimulang magsulat at tapusin ang mga huling kabanata ng akda ni Zacarias at
saka isinara ang Canon sa kanyang aklat, na siyang naging huling aklat ng Canon
na naisulat. Ito ay naganap kasabay ng pagkamatay ni Alexander the Great noong
323 BCE. Si Ezra na eskriba ay namatay sa parehong panahon. Ayon sa Seder Olam
Rabbah, sila ay itinuring na magkasabay na namatay. Pagkatapos ay tinipon nila
ang Canon ng Lumang Tipan mula sa panahon ng kamatayang ito noong 323 BCE. Ang
mga aklat ay inilista at inilathala at ipinamahagi noong 321 BCE.
Si Malakias ay isa sa anim na walang petsa sa Labindalawa na
tinatawag na “Minor” na mga Propeta. Ang kanyang aklat ay nagpapakita na ang
pagsamba sa Templo kasama ang mga hain nito ay ganap na naipanumbalik ngunit
ang seremonyal na pormalismo at ang pagpapanggap na umabot sa sukdulan sa mga
araw ng ministeryo ng ating Panginoon ay kitang-kitang aktibo noong kapanahunan
ni Malakias. Hindi pa nagtatagal nang mawala ang mga pumipigil na impluwensya
nina Ezra at Nehemias ay agad na nagsimula ang katiwalian at mabilis na
nagpatuloy ang digmaan gaya ng pinatutunayan ng Malakias 1:7-8 at 3:8 atbp.
Kaya ang Kronolohikal na listahan ng Labindalawang Propeta
ay:
Sina Amos at Jonas marahil ay
magkapanabay.
Oseas
Mikas
Joel
Nahum
Obadias
Zefanias
Habacuc
Hagai
Zacarias
Malakias
Isaias
Si Isaias ay nagpopropesiya rin sa
panahong ito. Sinisikap ng mga modernong
iskolar na hatiin ang Isaias sa tatlong teksto at ilagay ang isa bago ang
pagkatapon at ang iba pa pagkatapos ng pagkatapon. Halos walang duda na siya ay nagsusulat sa
isang dako bago ang pagbagsak ng Templo at sa panahon ng pagkatapon subalit
mula sa Palestina. Sa halip na harapin
ang isyu dito ay tatalakayin natin ang mga pagpepetsa at mga panahon ni Isaias
at ng iba pang mga propeta ng pagkatapon sa kani-kanilang komentaryo.
Appendix
Bullinger’s notations re the Twelve
Prophets.
The Prophets of the Old Testament
are divided in the Hebrew Bible into TWO groups:
I. The “FORMER" Prophets
(Joshua to Kings. Zech. 1. 4; 7. 7, 12). See note on p. 289, and Ap. 1. II; and
therefore by inference,
II. The" LATTER" Prophets
(Isaiah to Malachi) in unbroken sequence (Daniel being by man's arrangement
and nomenclature in the Hagiographa). See
Ap. 1. III
In all
Hebrew manuscripts, and printed Hebrew Bibles, the Twelve Minor (or Shorter)
Prophets are written, and printed in
unbroken sequence; and have always been counted, and have come down to us,
as one book.
Just as each
Tribe was a separate entity in Israel, and yet all the twelve together formed
one Nation, so these Twelve Prophets are combined together to form one book.
As the
former (the twelve Tribes) are called "dodekaphulon"
= twelve tribes (from dodeka =
twelve, and phule = tribe), Luke 22.
so ; Acts 26. 7 ; and James 1. 1 ; so the latter (the twelve prophets) are
called “dodeka propheton"
(Ecclesiasticus 49.10). In his praise of “famous men", the writer (Jesus,
the son of Sirach) says: "and of the twelve prophets (ton dodeka propheton) let their memorial be blessed, and let their
bones flourish again from out of their place ; for they comforted Jacob (i.e.
the twelve-tribed Nation) and delivered them by assured hope."
The Hebrew
text of this twelve-volumed book is divided into twenty-one Sedarim (or sections for public
reading), and these read on without regard to the beginnings or endings of the
separate books, thus showing that the twelve books are to be treated as one
book. The twenty-one Sedarim are as
follows :-
|
1. Hos. 1.1-15. 2.
″ 6.1-10.11. 3.
″ 10.12-14.6. 4.
″ 14.7 -Joel 2.26. 5. Joel 2.27-Amos 2.9. 6. Amos 2.10-5.13. 7. ″ 5.14-7.14. 8. ″ 7.15-Obad. 20. 9. Obad 21-Jonah 4.11. 10. Mic. 1.1-4.4. 11. ″
4.5-7.19. |
12. Mic.7.20-Nah.3.19. 13. Hab. 1.1-3.19. 14. Zeph. 1.1-3.19. 15. ″
3.20-Hag.2.22. 16. Hag. 2.23-Zech.4.1. 17. Zech. 4.2-6.13. 18. ″
6.14-8.22. 19. ″
8.23-11.17. 20. ″
12.1-14.20. 21. ″
14.21-Mal.4.6. |
From the
above twenty-one Sedarim it will be
noticed that only four books begin
with a Seder (Hosea, Micah, Habakkuk,
and Zephaniah) ; while seven others
overlap, and include portions of two books (as in the case of Nos. 5: 8, 9, 12,
15, 16, and 21). See notes on pp. 366 and 616.
§ In seeking
for the Structure of their Canonical order as a whole, it will be noted that
six are dated (Hosea, Amos, Micah,
Zephaniah, Haggai, and Zechariah), and the other six are not dated (Joel, Obadiah, Jonah, Nahum, Habakkuk, Malachi). These
twelve are again divided into two groups: nine before the Captivity and three after it. Of the dated prophecies,
two contain the names of a King of Israel; two contain Kings of Judah only; and
two contain Kings of Medo-Persia only.
Thus, three groups are formed, consisting of three books (1); six books (2); and three books
(3).
As thus set
out on p. 1206, further correspondences
will be noted as to the special and
general scope of the several prophecies, as indicated by the respective
index-letters.
q