Christian Churches of God

No. F058

 

 

 

 

Komentaryo sa Hebreo

(Edition 1.0 20150215-20170414)

                                                        

 

 

Ang Aklat ng Hebreo ay isinulat sa mga Hebreo sa Parto bilang Nawalang Lipi upang ipaliwanag ang layunin ng Mesiyas bilang Dakilang saserdote ni Melquisedec at ang posisyon ng mga hinirang bilang bahagi ng pagkasaserdoteng iyon.

 

Ito ay isinulat mula sa Italia, diumano ni Pablo, upang bigyan silang lahat ng pang-unawa sa layunin ng plano ng Diyos sa paglalang at kaligtasan ng Hukbo.

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

E-mail: secretary@ccg.org

 

(Copyright © 2015, 2017 Wade Cox)

(Tr. 2024)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://logon.org and http://ccg.org

 


Komentaryo sa Hebreo

 


ANG SULAT SA MGA HEBREO

 

Panimula

Tulad ng binanggit sa Annotated Oxford RSV na “ang anonymous treatise na ito ay naglalaman ng pinakamahabang pinatagal na argumento ng alinmang aklat sa Bibliya. Sa isang maingat at masinsinang talakayan, ang hindi kilalang may-akda ay kumikilos nang may kumpiyansa bawat hakbang sa isang detalyadong patunay ng nakahihigit na kahalagahan ng Cristianismo kaysa sa Judaismo.”

 

Mali ang sinasabi ng Oxford RSV na “Ang mga tumanggap ng sulat ay malapit nang talikuran ang kanilang pananampalatayang Cristiano at  bumalik sa mga paniniwala at kasanayan ng mga Judio ng kanilang mga ninuno. Upang maibalik sila sa isang matatag na pagsunod sa Cristianismo binigyang-diin ng may-akda ang tatlong pangunahing punto: (a) Ang pangingibabaw ni Jesucristo sa mga propeta (1.1-3), sa mga anghel (1.5-2.18), at kay Moises mismo (3.1-6);

(b) Ang pangingibabaw ng pagkasaserdote ni Cristo kaysa sa Levitikong pagkasaserdote (4.14-7.28);  at

c) Ang pangingibabaw ng sakripisyo ni Cristo na inihandog sa makalangit na santuwaryo kaysa sa maraming haing hayop na inihandog sa lupa ng mga Levitikong saserdote (8.1-10.39).”

 

Ang pahayag na ito ay hindi totoo at ang layunin ng Sulat sa mga Hebreo ay upang ipaliwanag ang mensahe ni Cristo sa kanila at dalhin sila sa pananampalataya gaya ng pagbigay din ng pagkakataon sa mga Judio. Ang pagtutuon nito sa pagkasaserdote ni Melquisedec ang pangunahing layunin ng sulat. Ipapaliwanag natin ang layunin nito sa ibaba.

 

Malinaw sa mga nilalaman ng teksto at sa mga sanggunian na ito ay isinulat nang maaga bago ang pagbagsak ng Jerusalem at ang pagbagsak ng Templo noong 70 CE at ang layunin nito ay gamitin bilang isang teksto upang talakayin ang mga isyu sa pananampalataya sa mga Hebreo na dinala sa Hilaga ng Araxes ca 721 BCE at kung saan si Pedro at ang iba pang mga apostol ay ipinadala bilang mga apostol. 

 

Karamihan sa mga lipi ay kabilang sa mga taga-Parto noong Unang Siglo nang ipadala si Pedro sa kanila mula sa Antioquia kung saan siya gumawa at nagtalaga ng tatlong obispo doon ayon sa kasaysayan. Ipinangaral niya ang ebanghelyo sa Pontus, Galacia, Capadocia, Bitinia, Italia at Asia at diumano’y ipinako  ni Nero sa Roma ayon kay Hippolytus. Gayunpaman, tila malinaw na hindi siya kailanman naging Obispo ng Roma (tingnan ang araling Fate of the Twelve Apostles (No. 122B)).

 

Maagang kinilala ng iglesia ang likas na kahalagahan ng "salitang iniaral" na ito (13.22), at ang mga Cristiano sa lahat ng panahon ay kinasihan ng dakilang kabanata sa pananampalataya (kab. 11) gayundin ng malalim na interpretasyon ng may-akda sa kahalagahan ng pagkatao at gawain ni Jesucristo, "na siya ring kahapon at ngayon at magpakailanman" (13.8).

 

PAGKAKA-AKDA

Sumasang-ayon kay Bullinger, ang mga argumentong pabor sa pagkaka-akda ni Pablo ay mas matimbang kaysa sa mga pabor sa lahat ng iba pang kandidatong pinagsama-sama. Ang mga dahilan ay nakasaad:-

1. Ang kaisipan at pangangatwiran ay kay Pablo at nakabatay sa Mga Awit at sa layunin ng pagkasaserdote at ng kautusan. Ang kanyang ibang mga liham ay isinulat para sa mga iglesia na binubuo ng mga Gentil, samantalang ang Hebreo ay mula sa “Nawalang” Sampung Tribo na karamihan ay taga-Parto at ang pangunahing responsibilidad ni Pedro na kumikilos mula sa Antioquia. Sa pagtalakay sa gayong liham sa mga Hebreo, inaasahan na siya ay magsusulat bilang isang tinuruang eskriba, isang pinalaki “sa paanan ni Gamaliel, at tinuruan alinsunod sa kahigpitan ng kautusan ng ating mga ninuno” (Gawa 22:3). Kaya ang istilo ay inaasahang naaayon sa Kautusan at sa Patotoo (Is. 8:20) kung hindi ay hindi sila makikinig sa kanya.

 

Ayon kay Bullinger may sapat na patotoo mula sa labas ng Bibliya na si Pablo ang manunulat, ngunit wala sa iba bagaman may mga mungkahi sa iba pang mga may-akda ngunit wala sa mga ito ang nakakapanghikayat.

 

Ang patotoo ng 2Pedro 3:15, 3:16, kapag mahigpit na binigyang kahulugan, ay nagpapatunay na si Pablo ay sumulat ng isang liham sa mga Hebreo. Gaya ng sabi ni Bullinger: kung hindi ito ang liham, nasaan ito? Walang bakas o indikasyon ng iba pa ang nahanap.

 

Ayon kay Bullinger ang anonymity ng Hebreo ay lubos na pumapabor sa pakaka-akda ni Pablo. Ipinaglalaban niya na ang pagdududa ng mga Judio kay Pablo, at ang kanilang matinding galit sa kanya (cp. Gawa 21:21; 2Cor 11:24; Fil 3:2; 1Tes. 2:15, atbp.), ay magiging sapat na dahilan kung bakit, sa pagtalakay sa napakahalagang sulat sa kanyang sariling lahi, dapat niyang itago ang kanyang pangalan.

 

Ang pagkakaisa ng iglesia sa pagpapahalaga sa teolohikal na kahalagahan ng pagkasaserdote ni Melquisedec at ni Cristo ang nanaig kaysa sa anumang pagsasaalang-alang ng pagbibigay ng pangalan ng sinumang apostol gaya ng makikita natin. 

 

Tungkol sa petsa ng pagsulat at paglalathala: May nakaugaliang paniniwala sa isipan ng karamihan sa mga komentarista na ang pagtukoy kay Timoteo sa 13:23 ay konektado sa pag-uusig ni Nero. Ang mga pagtukoy sa pagsulat ni Pablo ng isang teksto sa 2Pedro ay nagtatakda ng petsa bago ang kamatayan ni Pablo, at samakatuwid ay bago ang kay Pedro. Kaya ito marahil ay naganap hindi bababa sa sampung taon bago ang Pagbagsak ng Templo noong 70 CE.

 

Ang modernong pananaw ay nagtatangkang itanggi na si Pablo ang sumulat nito gaya ng pagtatangka din nitong itanggi na si Pedro ang sumulat ng 2 Pedro dahil ito ay nauugnay kay Pablo sa sulat sa mga Hebreo. Gayunpaman, binanggit ni Clement ng Alexandria (Euseb. Hist. VI, 14, 4) ang pamagat sa Griyego at sinasabi na isinulat ni Pablo ang liham sa Hebreo at isinalin ito ni Lucas sa Griyego. Sinabi ni Clement na hindi ito pinangalanan upang maiwasan ang oposisyon dahil kilala siya bilang apostol sa mga Gentil at si Pedro ang apostol sa mga Hebreo. Ang Later Trinitarian ay nagsikap ilagay si Pedro sa Roma at sa gayon ay tinangkang itanggi ang pagkaka-akda sa parehong Hebreo at sa 2Pedro na nagpapatunay nito dahil inilalagay nito si Pedro sa Parto at hindi sa Roma at si Pablo sa Italia Marahil ay wala si Pedro o isinulat para kay Pedro upang dalhin sa Parto na nagpapaliwanag kung bakit walang pangalan ng may-akda na isinulat para kay Pedro upang suportahan ang kanyang gawain.

 

Iniuugnay ito ni Tertullian kay Bernabe at sinabi ni Origen na ang mga ideya ay kay Pablo ngunit ang pagsulat ay nagmula sa iba na hindi kilala (Euseb. Hist. VI.25). Ang iba ay sina Luther: Appollos; Calvin: Clement o Lucas; Sinabi ni W. Mason na maaaring nauulit ito tulad ng kay Esteban sa Mga Gawa. Itinuring ng buong iglesia na ang Hebreo ay kay Pablo hanggang sa Repormasyon. Ang Tridentine Council ng 8 Abril 1546 ay nagpasya na si Pablo ito bagaman ang Pontifical Bible Commission ng Roma (24 Hunyo 1914) ay nagpahintulot na maaring hindi si Pablo ang nagbigay ng huli nitong anyo (cf. Interp. Dict. Hebrews).

 

Tila walang duda na si Pablo ang sumulat nito sa Hebreo at ang anyo nito ay may teolohiya ng Iglesia noong panahong iyon at hindi talaga Trinitarian at ang layunin nito ay ipinaliwanag sa ibaba.

 

Ang layunin ay ipakita na si Jesus ay parehong Mesiyas at tunay na Tao, at bilang Tao ay kinakailangang magdusa; at na ang Lumang Tipan ay natapos na at napalitan ng isang Bago (Heb. 8:13).

 

Imposibleng ang apostol na kinasihan na sumulat at maglathala ng Roma sa medyo maagang petsa ay hindi pinahintulutan o kinakailangang ilabas ang Hebreo sa huling bahagi ng kanyang ministeryo. Gaya ng sinabi ni Bullinger "Sa mga Judio muna" ay tunay na naaangkop sa pagkakaugnay na ito.

 

Ipinahayag niya na: “Si Pablo ay nasa Jerusalem para sa pulong ng Konseho (kaniyang petsa 51) nang ang mismong mga paksa ng Hebreo ay malinaw na tinalakay nang may kapaitan (Gawa 15:5; 15:7). Di-nagtagal pagkatapos noon ay isinulat niya ang Tesalonica 1 at 2, na kapwa naglalaman ng masakit na pagtukoy sa ‘kahiya-hiyang pagtrato’ sa mga kamay ng kaniyang sariling bayan.”

 

Kahalagahan ng Liham

Sa pamamagitan ng pangunahing doktrinang liham na ito, si Pablo, bilang kinatawan ng Diyos sa Diaspora at mga Gentil, ay may dokumentaryong argumento, patunay, at patotoo, bilang suporta sa kanyang (at ni Timoteo at ng iba pa) pasalitang pagtuturo at tagubilin, para sa pagpapakalat sa libo-libong mga Judio na naniwala sa at pagkatapos ng Pentecostes, gayunpaman lahat sila ay "masigasig sa Kautusan" (Mga Gawa 2:41; 4:4; 6:7; 21:20), at kung kanino si Pablo at ang kanyang mga kamanggagawa dapat na makisalamuha. Ang paglalagay ng kanyang sariling pangalan dito ay maiaalis ang layunin nito bilang doktrinal na posisyon ng iglesia, gaya ng nabanggit sa itaas.

 

Naniniwala si Bullinger na ang tinatayang panahon para sa pagsulat at paglalathala ng ganoong doktrina ay malamang na hindi magtatagal pagkatapos magsimula ng kanyang ministeryo, at, dahil dito, ang Hebreo ay malamang na isinulat sa loob ng labingwalong buwan ng pamamalagi ni Pablo sa Corinto, kung saan siya ay "nagtuturo sa kanila ng salita ng Diyos" (Mga Gawa 18:11). Sinasabing isinulat ito sa Italya at sa gayon ay maaaring naisulat pagkatapos niyang italaga si Lino bilang Obispo at habang si Timoteo ay nakakulong at tiyak mula sa kaniyang pagdating sa Corinto (ca. 50 CE); at tiyak na hindi lalampas sa 64 CE. Ito ay maaaring naisulat sa pagitan ng 50-59 CE mula sa kanyang misyon sa Corinto hanggang sa kanyang pagdating sa Jerusalem noong 51-57 CE o sa kanyang paglilitis kay Festo noong 59 CE (cf. din Bullinger). Ang Hebreo ay tila nagpapahiwatig ng doktrinal na awtoridad ng iglesia at iyon ay nagsasaad ng panahon ca 57 CE pagkatapos ng Pagpupulong sa Jerusalem ng Mga Gawa 15. (cf. Interp. Dict. of the Bible. 1980, Paul; Chron. of the NT.

 

Ang Mga Gawa ni Pablo, isang apocryphal na akda na isinulat noong mga 160, ay naglalarawan sa pagkamatay ni Pablo bilang martir. Ayon sa akdang iyon, hinatulan ni Nero si Pablo ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo. Ang petsa ng pagkamatay ni Pablo ay pinaniniwalaang naganap pagkatapos ng Dakilang Sunog sa Roma noong Hulyo 64, ngunit bago ang huling taon ng paghahari ni Nero, noong 68. Ang liham ay malamang na naisulat nang mas maaga.

 

Panghuli, naniniwala rin si Bullinger gaya ng CCG, na “mabigat na patunay ang naibigay sa mga konklusyong ito ng posisyong ng Hebreo sa apat na pinakamahalagang Manuskrito, N, A, B, C, at sa iba pa. Sa ilang mga Manuskrito ang Hebreo ay matatagpuan sa iba't ibang posisyon kaugnay ng iba pang mga aklat ng Bagong Tipan. Sa ilan lumilitaw ito gaya ng pagkakaayos sa ating mga Bibliya, ngunit sa apat na ito, N (Codex Sinaiticus), A (Codex Alexandrinus), B (Codex Vaticanus), at C (Codex Ephraemi), ito ay inilagay pagkatapos ng 2Tesalonica. Ang patotoong ito sa nabanggit ay makabuluhan, at hindi basta-bastang isinasantabi.”

 

Ang Teksto

Ang teksto ay nagpapaliwanag sa layunin ng mensaheng ipinadala ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang anak at ang unang kabanata ay nagpapaliwanag sa posisyon ni Cristo bilang Subordinate Elohim ng Israel at ang elohim ng Mga Awit lalo na ang Psalm 45 (No. 177) na sinipi sa ibaba. Ipinapaliwanag ng versikulo 2 na nilikha ng Diyos ang kapanahunan sa pamamagitan ni Cristo samantalang ang Diyos Mismo ang lumikha ng mundo sa Pasimula mula sa Job 38:4-7. Kaya mayroong dalawang paglalang ang una sa Job 38:4-7 at ang Ikalawa pagkatapos ng mundo maging tohu at bohu o walang anyo at walang laman sa Genesis kabanata 1. Hindi nilikha ni Cristo ang mundo gaya ng isinasaad ng pagsasalin sa Ingles. Ang salita ay Aeon o “kapanahunan”. Ang teksto ay nagpatuloy din sa pagpapaliwanag sa Psalm 110 (No. 178) at sa tungkulin ng Pagkasaserdote ni Melquisedec na isang pagkasaserdote magpakailanman na inilalapat sa mga hinirang bilang isang walang kamatayang pagkasaserdote ng mga napili para sa Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A] at sa sistemang milenyo.

 

Ang tunay na layunin ng Hebreo ay hindi mauunawaan sa loob ng isang Trinitarian na pananaw. Ang ganitong doktrina ay nagdudulot kalituhan sa plano ng Diyos at sa kaligtasan ng sangkatauhan.

 

Nagsisimula ang Hebreo sa pagpapaliwanag ng posisyong nakuha ni Cristo. Ipinapaliwanag ng Kabanata 1 kung paano kinuha si Cristo mula sa Mala-anghel na Hukbo bilang anak ng Diyos at ginawang mas mababa kaysa sa kanila ngunit kalaunan ay iniangat ng mas mataas sa kanila bilang Dakilang Saserdote bilang elohim ng Israel. Marami ang ginawang pagkakaiba kay Cristo sa mga anghel ng mga Trinitarian upang gawing naiiba si Cristo sa mga anghel ngunit ang mga elohim ay lahat mga anak ng Diyos at si Cristo ay isa sa kanila tulad ng nakikita natin mula sa Gen. 48:15-16 at Deut. 32:8 RSV at DSS at LXX; Job 1:6 at 2:1 at 38:4-7; Awit 45:6-7 at gayundin sa Heb 1:8-9 sa ibaba. Ang teksto ay ang luklukan ng Elohim ng Israel ay magpakailanman. Kaya ang Diyos ni Cristo ay pinahiran siya ng langis ng kagalakan higit sa kanyang mga kasamahan o katuwang na mga elohim o mga anak ng Diyos.

 

Pagkatapos ang teksto ay nagpapatuloy upang ipaliwanag ang posisyon ng Bansang Israel na may pananampalataya at bilang pagkasaserdote ni Melquisedec sa ilalim ni Cristo bilang kanilang Dakilang Saserdote.

 

Ang posisyon ni Melquisedec ay kailangang maunawaan din bago malahad ang Hebreo (tingnan ang araling Melchisedek (No. 128)).

 

Kabanata 1

 1Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, 2Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; 3Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; 4Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila. 5Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? 6At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. 7At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:

 

Makikita natin ngayon ang pinagsamang kahulugan na tumutukoy sa Anak at sa Nag-iisang Tunay na Diyos sa loob tipolohiya ng LT at gayundin ang Bagong Tipan na inihula sa Mga Awit at Ezekiel at ipinaliwanag sa BT at lalo na dito. Ang paliwanag sa Kerubin sa Ezekiel ay nagpapatuloy:

 

“Ang Kaluwalhatian ng Panginoon ay pumaroon sa bahay at pagkatapos ay lumisan at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin. Ang mga kerubin ay nangapaitaas at nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon – bawat isa sa kanila. Ito ang pagpasok na nakalaan para sa prinsipe. Mula sa pag-akyat na ito ang Kaluwalhatian ng Panginoon ay naging prinsipe ng tipan at tinupad ang Awit 45:6-7 (cf. Heb. 1:8-9). Ang nilalang na ito ang Mesiyas. Ang kanyang luklukan ay isang luklukan ng Diyos.

Hebreo 1:8-9 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. 9Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan. (AB)

 

Mula sa kanyang pag-akyat ay pinahiran siya ng higit sa kanyang mga kasamahan. Siya ay naging anak ng Diyos na may kapangyarihan mula sa kanyang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay (Rom. 1:4).

 

Ang tipolohiya ng aktibidad na ito ay kinakatawan ng hain ng Pagtutubos. Ang toro ay inihain para sa handog dahil sa kasalanan ng Pagtutubos (Blg. 29:1). Ito ay inihandog kapwa para sa dakilang saserdote at sa pagkasaserdote (Lev. 16:6,11). Kaya ang Mesiyas ay inihain upang tubusin ang kanyang sarili at ang Hukbo. Ang handog ay katulad ng handog dahil sa kasalanan para sa pagkasaserdote (Lev. 4:3-12). Ang pagkakaiba ng dalawa ay nasa ritwal ng dugo. Bilang bahagi ng pang-araw-araw na paghahain o paglilingkod, ilulubog ng saserdote ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ito ng pitong beses sa harap ng Panginoon sa harap ng tabing ng santuwaryo (Lev. 4:6) at gayundin sa mga sungay ng dambana ng kamangyan sa tolda ng pagpupulong (Lev. 4:7). Sa Pagtutubos, ang dakilang saserdote ay papasok sa santuwaryo na may kamangyan (Lev. 16:12-13) at dinala ang dugo ng toro sa Dakong Kabanal-banalan kung saan niya ito iwinisik ng pitong beses sa harap ng takip na isinasalin bilang luklukan ng awa (Lev. 16:14).

 

Ang dakilang saserdote ay nagdala ng suuban na puno ng nagniningas na mga baga mula sa panlabas na dambana at dalawang dakot ng masarap na kamangyan na totoong dikdik (Lev. 16:12). Ang usok ng kamangyan ay tumakip sa tinatawag na luklukan ng awa na nasa ibabaw ng patotoo (Lev. 16:12). Ang patotoong ito ay ang Sampung Utos o ang mga tapyas ng kautusan.

 

Ang usok ng kamangyan ay sumisimbolo sa kalasag ng ulap ng Sugo ng Presensya noong ito ay nagpakita sa Israel. Ang tungkulin nito ay upang simbolikong protektahan ang dakilang saserdote mula sa kanyang pagkakalantad sa presensiya o “kaluwalhatian” ng Diyos.

 

Ang dugo ay iwinisik ng pitong beses sa ibabaw ng takip at pagkatapos ay pitong ulit sa harap nito (Lev. 16:14). Ito ang pagpapabanal ng pagkasaserdote at ang pagkakasundo ng bansa para sa mga kasalanan sa loob ng taon.” (cf. No. 196).

 

Kaya ang teksto ng Hebreo ay pinapalawig din sa mesiyas bilang Elohim ng Israel at pagkatapos ay sa Hinirang bilang mga Anak ng Diyos bilang Elohim (cf. Zac. 12:8) at bahagi ng pagkasaserdote na makikita natin ngayon.

 

 8Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. 9Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan. 10At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay: 11Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan; 12At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin, At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni't ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos. 13Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa? 14Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?

 

Sa tekstong ito ay ipinaliliwanag ng Diyos na ang mala-anghel na Hukbo ay mga espiritung naglilingkod na ipinadala upang suportahan si Cristo sa pagtataas ng sangkatauhan sa antas ng pagiging Elohim gaya ng nalalaman natin mula sa Zacarias 12:8. Ang mensahe ay nagpapatuloy sa kabanata 2 upang sabihin na ang mga mensaheng ipinahayag sa atin sa pamamagitan ng mga anghel ay tiyak at kung ang mga sumusuway ay pinarurusahan gaano kalaki ang responsibilidad na iniatang sa atin na nabigyan ng kaligtasan. Kaya't ang mensahe ay pinatotohanan ng Panginoon at ang mga nakarinig sa kanya at ang Diyos mismo ang nagpatotoo nito sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan. Sa gayon ang tekstong ito ay gumagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng Panginoon na Anak ng Diyos at ng Diyos mismo na siyang pinagmumulan ng ating kaligtasan.

 

Ipinapaliwanag ng Kabanata 2 na si Cristo ay ginawang mas mababa ng sandaling panahon kaysa sa mga anghel at napapailalim sa tukso at nagdusa ng kamatayan para sa kaligtasan ng tao ngunit hindi para sa Mala-anghel na hukbo ginawa ang mundo at ang mundong darating ay masasakupan at ang plano ng kaligtasan ay natukoy. Ginawa ito upang ang sangkatauhan ay maging elohim at maging mga anak ng Diyos sa ilalim ni Cristo bilang kanilang Dakilang Saserdote na makakaranas ng kamatayan para sa Lahat.

 

Kabanata 2

1Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos. 2Sapagka't kung ang ipinangusap na salita sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran; 3Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig; 4Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang kapangyarihan, at ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban. 5Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay. 6Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi, Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin? O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin? 7Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel; Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan, At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay: 8Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa. Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay. 9Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao. 10Sapagka't marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.

 

Tandaan (cf. 2:11) ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay iisang pinagmulan. Na ginagawang pantay pareho ang pinapagingbanal at ang nagpapagingbanal na lahat ay iisang pinagmulan kapwa ang anak ng Diyos ng Espirituwal na hukbo at ang hukbo ng tao na iisang pinagmulan at tayong lahat ay magkakapatid bilang mga anak ng Diyos.

 

11Sapagka't ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa: na dahil dito'y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid, 12Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo. 13At muli, ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, Narito, ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios. 14Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo: 15At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila. 16Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham. 17Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan. 18Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.

 

Pinabanal ni Cristo ang makalangit na santuwaryo gayundin ang makalupang santuwaryo. Siya ay pinahiran ng langis ng kagalakan higit sa kanyang mga kasamahan o katuwang ng kanyang elohim bilang elohim ng Israel na magiging sentro ng sistema ng tao. (Awit 45:6-7; Heb. 1:8-9). Ang Diyos ay hindi nag-aalala sa makalangit na Hukbo kundi sa makalupang Hukbo sa mga inapo ni Abraham at sa kadahilanang iyon ay isinugo ang Mesiyas sa lupa. Ang makalangit na Hukbo ay tapat at dahil dito ay hindi nawalan ng Banal na Espiritu o ang kanilang relasyon bilang mga anak ng Diyos. Tanging ang nangahulog na Hukbo at ang sangkatauhan ng Lupa ang nasa panganib.

 

Kaya ang Katauhan ni Cristo ay mahalaga upang maiangat tayo sa kanyang katayuan bilang isang elohim. isang anak ng Diyos, sa pamamagitan ng sakripisyo ni Cristo; na siyang anghel ni Yahovah sa ating ulo ng lahat ng Sambahayan ni David (Zac. 12:8) (cf. Commentary on Zechariah (No. 021K)).

 

Gayundin kailangan niyang maging anak ng Diyos upang mailigtas niya ang lahat ng mga anak ng Diyos. parehong Makalangit at Tao.

 

Tandaan sa kabanata 3 sinasabing si Cristo ay tapat sa Kanya na lumikha sa kanya. Gayunpaman ang salitang ito ay maling naisalin bilang hinirang upang magmukhang si Cristo ay hindi nilikha ng Diyos, kundi hinirang. Gayunpaman, ang salita ay poiesanti na nangangahulugang ang gumagawa sa kanya at ganito lamang ito palaging isinasalin (tingnan din ang komento sa kab. 9 at 10 sa itaas).

 

Kabanata 3

1Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan, inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus; 2Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya. 3Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay. 4Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. 5At sa katotohanang si Moises ay tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos; 6Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.

 

Dito nagiging malinaw ang pagkakaiba ng pagkatawag. Ang buong pagkakasunod-sunod na ito ay sumasalamin sa artefacts ng Templo at sa paraan ng pagsamba at paghahain.

 

Ang bawat bagay ay may kahalagahan at ang simbolismo ng kapangyarihan ng Diyos ay ang Kaban ng Tipan (cf. 196 at gayundin ang mga kab. 9 at 10 sa ibaba).

 

7Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, 8Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang, 9Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa. 10Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan; 11Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. 12Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay: 13Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan: 14Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan: 15Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi. 16Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises? 17At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang? 18At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? 19At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.

 

Kaya ipinakita ang mga taong ito upang magkaroon ng kaayusan sa pagtatayo ng Bahay ng Diyos at si Cristo ay may higit na awtoridad kay Moises at siya ang Ulo o Dakilang Saserdote ng Bahay ng Diyos. Gayunpaman ang lahat ng ito ay gawa ng Diyos na nagsugo kay Jesucristo (Juan 17:3).

 

Ang Kabanata 4 ay nagpatuloy sa pagpapayo sa mga kapatid na huwag sayangin ang kanilang pagkatawag. Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya sila ay tinawag at sa pamamagitan ng pananampalataya ay mapapanatili nila ang kanilang posisyon. Ito ang pangunahin o huwarang layunin ng Kabanata ng Pananampalataya sa Hebreo 11. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng walang kasalanan ay napapanatili natin ang ating posisyon tulad ng nakikita nating nabuo sa kabanatang ito. Ang kasalanan ay paglabag sa Kautusan (1Juan 3:4) at sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa mga Kautusan ng Diyos ay napananatili natin ang ating posisyon. Ang kapahingahan kay Cristo ay ang Milenyong Sabbath ng Kapahingahan ng Mesiyas bilang ang una sa huling yugto ng Kaharian ng Diyos bago ang huling pagpapalawig ng mga Espiritung nilalang sa lahat kapwa makalangit at makatao.

 

Kabanata 4

1Mangatakot nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon. 2Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig. 3Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan. 4Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa; 5At sa dakong ito ay muling sinabi, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. 6Kaya't yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway, 7Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit ni David (ayon sa sinabi na ng una), Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso. 8Sapagka't kung ibinigay sa kanila ni Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw. 9May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios. 10Sapagka't ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa. 11Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway. 12Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. 13At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. 14Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala. 15Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. 16Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

 

Si Cristo ay ginawang tao upang maunawaan niya ang ating mga kahinaan upang tayo ay makalapit sa luklukan ng biyaya nang may kumpiyansa.

 

Gayundin makikita natin ang milenyong kapahingahan ni Cristo bilang ang Isang Libong taon sa pagitan ng Una at Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay tulad ng ipinaliwanag sa Apocalipsis kabanata 20. At ang kapahingahan kung saan si Cristo ang lubhang Dakilang Saserdote ayon sa orden na ito ni Melquisedec. Dahil dito hindi siya ang Diyos na sinasamba kundi ang Dakilang Saserdote na nagsasagawa ng paglilingkod at pagsambang iyon.

 

Ang Kabanata 5 ay tumatalakay sa pagtatalaga kay Cristo bilang Dakilang Saserdote pagkatapos siyang subukin. Ito rin ay tumatalakay sa mga huwad na doktrina ng mga Griyego at ang kanilang pangangailangan para kay Cristo na maging bahagi ng Diyos kung hindi ay siya ay isang sakripisyong panghalili at hindi katanggap-tanggap sa kanila. Ang argumento ay nagmumula sa kanilang pagsamba sa istrukturang Binitarian nina Attis at Adonis na nagmumula sa pagsamba kay Baal at sa diyosang si Ashtoreth o Easter sa Syria at Levant.

 

Si Cristo ay hindi likas na dakilang saserdote. Ni hindi rin siya ang nagtaas ng sarili sa posisyong iyon. Ang kabiguang maunawaan ang mahalagang puntong ito ang dahilan kung bakit pinuna ng mga Hebreo ang iglesia gaya ng makikita natin sa ibaba (Heb. 5:11-14).

 

Ang katotohanan ay si Cristo ay pinili ng Diyos bilang Kanyang Dakilang Saserdote at hindi tayo interesado kung ano ang tinutukoy na gayon ng mga apostatang Griyego. Ang Diyos ang nagtatakda nito at ito ay gayon. Si Cristo ang itinalagang Dakilang saserdote ng orden ni Melquisedec kung saan tayo ay hinirang bilang mga saserdote upang maglingkod sa Templo ng Diyos sapagkat si Levi ay nagbigay ng ikapu kay Melquisedec sa pamamagitan ni Abraham gaya ng ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel at ni Ismael at Esau at Ketura at ng mga lipi na pipiliin mula sa kanila bilang mga saserdote rin ni Melquisedec. Sa ganitong kaayusan si Levi ay isa lamang sa mga Lipi at bahagi ng pagkasaserdote sa ilalim ng Mesiyas.

 

Kabanata 5

1Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan: 2Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan; 3At dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili. 4At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron. 5Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon: 6Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 7Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot, 8Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; 9At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya; 10Pinanganlan ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 11Tungkol sa kaniya'y marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig. 12Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. 13Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol. 14Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.

 

Si Cristo ay nilikha ng Diyos bilang Kanyang anak. Siya ay ginawang sakdal upang siya ay gumawa ng walang hanggang kaligtasan sa mga nagsisitalima sa kanya bilang kanilang Dakilang Saserdote. Nilikha ng Diyos ang elohim bilang mga anak ng Diyos at isang kaayusan ng mga nilikhang nilalang bilang Elohim na mga anak ng Diyos at sa puntong iyon si Eloah bilang Nag-iisang Tunay na Diyos ay naging sentro ng Elohim bilang Ha Elohim ng mga Diyos. Kaya't ang lahat ay nagtataglay ng titulo bilang yahovah o “Siya ang sanhi ng pagkakaroon” kapag nagsasalita para sa Diyos (cf. ang araling Angel of YHVH (No. 024)).

 

Sa puntong ito nagagawa nating magpatuloy mula sa mga elemento ng kautusan tungkol sa paglilinis, sa pananampalataya at pagsisisi, at tungo sa mas mataas na layunin ng Kautusan at ng Patotoo sapagkat kung hindi tayo nagsasalita ayon sa mga ito ay walang umaga sa atin (Is. 8:20).

 

Kabanata 6

1Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios, 2Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan. 3At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios. 4Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, 5At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, 6At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan. 7Sapagka't ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios: 8Datapuwa't kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin. 9Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito: 10Sapagka't ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo. 11At ninanasa namin na ang bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan: 12Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako. 13Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay ipinanumpa ang kaniyang sarili, 14Na sinasabi, Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita. 15At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako. 16Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan. 17Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;

 

“Si Cristo ang una sa linya ng mga kapatid na magdadala ng Kaharian ng Diyos sa kalooban ng mga tao at pamumunuan sila sa isang bagong espirituwal na pag-iral.

 

Ang Kaban ay hindi na maiisip dahil ito ang sentro ng isang sistema na lumipas na. Ito ay pinalitan ng isang bagong sistema na nakasentro sa kapangyarihan ng Diyos at ginagawa ang tao bilang pagpapalawig ng Kanyang pagiging sa pamamagitan ng pananahan ng Banal na Espiritu.

 

Ang daan patungo sa Kaban ng Tipan at sa Dakong Kabanal-banalan ay binuksan para sa atin mula sa kamatayan ni Cristo sa Paskuwa. Sa kanyang kamatayan ang tabing ng templo ay napunit sa dalawa at ang daan patungo sa Dakong Kabanal-banalan ay nabuksan (Mat. 27:51; Mar. 15:38; Luc. 23:45; Heb. 6:19; 9:3; 10 :20).” (cf. No. 196).

 

 18Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan: 19Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing; 20Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

 

Sa pamamagitan ng pananampalatayang ito lahat tayo ay nagiging karapat-dapat na maging mga Dakilang Saserdote sa ating sariling karapatan na nakakapunta sa likod ng tabing gaya ng nagawa ni Cristo na makapunta sa likod ng tabing bilang ating Dakilang Saserdote ay pinalitan ang mga Levi upang tayong lahat ay maging karapat-dapat sa ganitong kaayusan at pagkakaiba.

 

Mula sa Kabanata 7 makikita nating ipinaliwanag ang pagkasaserdote nang mas detalyado. Dito ipinaliwanag si Melquisedec bilang nakatataas na pagkasaserdote at ang mga anak ni Shem ay pinagpala sa bagay na ito ngunit ang lahat ng mga bansang Gentil ay ginawang karapat-dapat sa pamamagitan ni Melquisedec upang maging mga saserdote ng Diyos sa ilalim ni Jesucristo na kanilang Dakilang Saserdote na mula sa Juda at sa kanila ay walang binanggit na saserdote. Gayunpaman lahat sila ay nakalista mula sa Apocalipsis Kab. 7 bilang mga saserdote ng mga Lipi ng 144,000 at ng Lubhang karamihan. Sa aspetong ito pinakamahalagang maunawaan natin na ang Kaban ng Tipan ay kumakatawan sa sangkatauhan bilang sisidlan ng mga Kautusan ng Diyos at ang Patotoo ng Banal na Espiritu na mananahan sa sangkatauhan. Para sa mga kadahilanang iyon itinago ito ni Jeremias upang hindi na muling maalala (tingnan ang araling The Ark of the Covenant (No. 196)).

 

Kabanata 7

1Sapagka't itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya, 2Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan;

 

Ang teksto ay nagsasabi na ang Melquisedec ay nangangahulugang hari ng katuwiran at hari ng Salem, o kapayapaan. Ang pagkaunawa sa Hebreo ayon kay Milik at Vermes ay ang ibig sabihin ng Melquisedec ay Ang Aking Hari ay Katarungan (o Katuwiran) at siya ay hari ng Hukbo ng liwanag. Ang pangalan ni Satanas ay Melkiresha’ na nangangahulugang Ang Aking Hari ay Kasamaan (tingnan J.T. Milik, Journal of Jewish Studies, 1972, pp. 126-135 and also Vermes, op. cit., pp. 252-253). Walang alinlangan na ang ating pinag-uusapan ay ang labanang Satanas/Mesiyas sa mga huling araw sa pananaw ng DSS.

 

 3Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man.

 

Siya ay pinaniniwalaang walang ama at walang ina at walang lahi (apatoor, ametoor, agenealogetos). Wala siyang pasimula ng mga araw o katapusan ng buhay, ngunit katulad ng Anak ng Diyos siya ay magpapatuloy na isang saserdote magpakailanman. Ang Mesiyanikong pananaw sa tekstong ito ay tila nakabatay sa pag-aakalang wala siyang tandaan ng lahi at siya ay walang hanggan. Kaya siya ay Mesiyas. Sinasabi ng teksto na siya ay katulad ng Anak ng Diyos. Hindi nito sinasabi na siya ang Anak ng Diyos. Ang salita ay aphomoioo: upang maging katulad, o gawing tulad. Sa gayon siya ay ginawang tulad ng Anak ng Diyos. Ang layunin ay parehong katanggap-tanggap na ang entidad na ito, na isa sa mga patriyarka, ay naaayon sa imahe ng Anak ng Diyos, gaya ng lahat ng hinirang, sa espiritu, at ginawang isang uri ng saserdote na papalit sa Aaronic bago pa itinalaga ang Aaronic. Ang teksto ay nababasang siya ay walang hanggang nananatiling isang saserdote (tingnan ang Marshall's Interlinear). Ang terminong magpapatuloy na isang saserdote magpakailanman ay madalas ipakahulugan bilang patuloy na buhay. Hindi ito ang kaso maliban sa parehong kahulugan ng sa hinirang na tinutukoy bilang natutulog.

 

Ang kahulugan ng mga tekstong ito ay tinalakay sa Melchisedek (No. 128) kaugnay ng kautusan na namamahala sa pagkasaserdote. Ang pangako ng pagkasaserdoteng ito ay matatagpuan sa Hebreo 6:17-20.

 

4Talagang napakadakila ang taong ito! Maging si Abraham na patriyarka ay nagbigay sa kanya ng ikasampung bahagi ng mga samsam. 5At ang mga anak ni Levi na tumanggap ng katungkulang pari ay mayroong utos ayon sa kautusan na maglikom ng ikasampung bahagi mula sa taong-bayan, samakatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagaman ang mga ito ay mga nagmula sa balakang ni Abraham. 6Ngunit ang taong ito na hindi mula sa kanilang lahi ay tumanggap ng mga ikasampung bahagi mula kay Abraham, at binasbasan ang tumanggap ng mga pangako.

 

Sinasabi rin ng tekstong ito na ang taong ito na hindi binibilang ang kanyang lahi sa kanila (tingnan ang Marshall's Interlinear) ay tumanggap ng ikapu mula kay Abraham. Hindi nito sinasabing wala siyang lahi.

 

7Datapuwa't walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas. 8At dito'y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi; datapuwa't doon ay ang isa, na pinatutunayang nabubuhay.

 

Ang dalawang versikulong ito ang pangunahing teksto para sa pagsasabing si Melquisedec ay hindi tao. Ang parehong pahayag ay sinabi sa mga hinirang. Hindi sila namamatay. Natutulog sila (1Cor. 15:6,18).

 

9At sa makatuwid baga'y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi; 10Sapagka't siya'y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito'y salubungin ni Melquisedec.

 

Ang pagbabayad ng ikapu sa pagkasaserdote ay upang ipakita na ang mga kautusan ng Diyos ay nagpapatuloy at hindi nakadepende kay Moises at sa Levitikong pagkasaserdote.

 

11Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagka't sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron? 12Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan. 13Sapagka't yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan, na doon ang sinoma'y hindi naglilingkod sa dambana. 14Sapagka't maliwanag na ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda; na tungkol sa angkang yao'y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote.

 

Ang pagpapalawig ng pagkasaserdote labas kay Levi ay partikular na binanggit mula sa tekstong ito. Ang teksto ay nagpatuloy sa pagbanggit sa pagkakatulad ng Mesiyas kay Melquisedec. Gayunpaman tinutukoy nito ang Mesiyas na “ayon sa pagkasaserdote ni” at pagkatapos ay itinaas siya nang higit sa orihinal.

 

15At lalo pang napakaliwanag ito, kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote, 16Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan: 17Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 18Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan 19(Sapagka't ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios.

 

Ang intensyon ng pagtanggal ng lahi bilang layunin ng teksto ay ginawang malinaw dito. Ang pagkasaserdote ay hindi ipinagkakaloob sa pamamagitan ng lahi kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng isang hindi masisirang buhay (tingnan sa Rom. 1:4). Kaya ipinagkaloob ng Banal na Espiritu ang kapangyarihan kay Melquisedec gaya ng ginawa nito kay Abraham at sa lahat ng mga patriyarka, gayundin kay David, sa mga Hukom at sa mga Propeta, na nagpapatuloy sa mga apostol at sa mga hinirang. Ang kahalagahan ng teksto ay wala sa katotohanang maaaring si Melquisedec ang Mesiyas kundi, sa halip, mas mahalaga kung siya ay hindi.

 

20At yamang yao'y hindi naging sa walang sumpa 21(Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya, Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man); 22Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan.

 

Sa pamamagitan ng patotoo ng Diyos na ang hinirang ay nanunungkulan. Ang Mesiyas ay binigyan ng katungkulan ayon sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ng panunumpa.

 

Ang Levitikong pagkasaserdote ay napigilan ng kamatayan sa pagpapatuloy sa panunungkulan. Makikibahagi sila sa ikalawang pagkabuhay na mag-uli. Ang orden ni Melquisedec ay makikibahagi sa unang pagkabuhay na mag-uli. Ang mga hinirang ay may mas mabuting pagkabuhay na mag-uli (Heb. 11:35).

 

23At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy: 24Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.

 

Ang pagpapatuloy magpakailanman ay nagmumula sa pamamagitan ng kamatayan hanggang sa pagkabuhay na mag-uli. Ang pagkasaserdote ay hindi inalis sa mga hinirang, dahil hindi ito inalis sa Mesiyas at sa mga patriyarka.

 

 25Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila. 26Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit; 27Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili. 28Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man.

 

Sa gayon ang Mesiyas ang katuparan ng bagong orden ng pagkasaserdoteng ito na pinalawig sa mga pinili ng Diyos, na nagtalaga sa Mesiyas at ginawa siyang sakdal magpakailanman.

 

Nakita natin na ang ilang Judaic sects ay itinuturing ang Mesiyas bilang si Miguel (mula sa Dan. 12:1). Ang mga pagpapalagay ay batay sa katotohanan na si Miguel ang tagapag-ingat ng bayang Israel, at ang Bansang Israel ay ibinigay kay Yahovah ng Kataas-taasan noong hinati Niya ang mga bansa ayon sa mga anak ng Diyos (cf. Deut. 32:8 RSV, ang LXX at ang DSS). Ang Melquisedec ay may kahulugang Ang Aking Hari ay Katuwiran o Ang Aking Hari ay Katarungan (kung saan ang katarungan at katuwiran ay magkasingkahulugan) (Vermes, Dead Sea Scrolls in English, p. 253). Ipinapalagay din na ang Melquisidec ay isang pangalan para sa pinuno ng Hukbo ng Liwanag, na nakita natin ay isang tungkulin ng Mesiyas (Vermes, p. 260).

 

Ang mga pagpapalagay na iyon ay nagmula sa nasirang Testament of Amram. Iyon ay sumusuporta sa ugnayang Melchizedek-Messiah ng mga Essene. Gayunpaman, kung si Melquisedec ay magiging Mesiyas kung gayon ay mayroong mabigat na problema sa pagkakatawang-tao at sa sakripisyo. Tatalakayin na natin ngayon ang kaugnayan ng kautusan sa pagkasaserdote.

 

Ang titulo ay tila isang namamanang titulo ng hari ng Jerusalem (o Urusalaim). Ilang daang taon pagkatapos ni Abraham ay nakatagpo tayo ng isa pang hari na may katulad na titulong Panginoon ng Katuwiran o Aking Panginoon ay Katuwiran, noong panahon ng pananakop ng Israel sa Canaan sa ilalim ni Josue. Dito sa Josue 10:1 makikilala natin si Adonizedek, na isa pang anyo ng Melquisedec, na namumuno sa Jerusalem. Sa gayon ang titulo, sa iba't ibang anyo nito, ay namamana at ipinagkakaloob sa Mesiyas sa bisa ng kanyang pamumuno mula sa Jerusalem, at marahil ay ganito rin ang pananaw ni David. Sa ganitong paraan din ang mga hinirang ay mga saserdote mula sa orden ni Melquisedec, dahil sila ay mamamahala kasama niya mula sa Jerusalem bilang elohim (cf. Zac. 12:8; Apoc. 7:1-17).

 

Ang pagpapalagay ng Cristiano na si Melquisedec ay Mesiyas ay dahil sa maling pagkaunawa sa mga teksto sa Hebreo 7:3. Ang mga terminong walang ama, ina at tandaan ng lahi (apator atbp.) ay tumutukoy sa pangangailangan ng pagkakaroon ng naitalang angkan ni Aaron (Neh. 7:64) para sa Levitikong pagkasaserdote.

 

Ang terminong pasimula ng mga araw at katapusan ng buhay ay tumutukoy sa pangangailangan na magsimula ng mga tungkulin sa edad na tatlumpung taon at tumigil ng limampung taon (Blg. 4:47). Ang Dakilang Saserdote ay nagtagumpay sa araw ng kamatayan ng kanyang hinalinhan. Ang Melquisedec ay walang ganitong pangangailangan. Ang mga tala ng Hebreo sa pagsasalin ng Marshall’s Interlinear ay siya ay isang tao (Heb. 7:4). Siya ay ginawang tulad ng Anak ng Diyos (Heb. 7:3) ngunit hindi siya ang Anak ng Diyos, na isa pang saserdote (Heb. 7:11). Sa gayon ang lahat ng hinirang ay maaaring makibahagi sa pagkasaserdote, na ginawang tulad ng Anak ng Diyos, anuman ang lahi at edad, na nagpapatuloy nang walang hanggan. Tungkol sa kung sino si Melquisedec ay maaari lamang tayong magpalagay. Binibigyang-kahulugan ng mga Essene ang teksto sa paraang mesiyaniko tulad ng ilang modern fundamentalists. Ang ilang mga Paulicians na may ganito ring pananaw ay tinawag na mga Melchisedekian, ngunit ginawa nila siyang naiiba sa Mesiyas bilang makalangit na tagapamagitan (tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122)). Lumilitaw na ang Hebreo ay isinulat upang itama ang pagkakamaling ito ngunit ito mismo ay maling naunawaan. Pinaniniwalaan ng Midrash na siya ay si Shem (Rashi) bilang hari (melek) sa isang matuwid na lugar (tsedek) (Abraham ibn Ezra & Nachmanides). Ang lugar na ito ay kung saan itatayo ang templo para sa Banal na Presensya, na inilalapat ng Midrash sa Jerusalem sa kabuuan mula sa tekstong Katuwiran ay tumatahan sa kanya (Is. 1:21) (ibn Ezra & Nachmanides, tingnan ang Soncino, fn. Gen 14 :18).

 

Higit sa lahat, ang konsepto ng isang Konseho ng Elohim ay ganap at hindi maikakaila bilang ang wastong pagkakaunawa ng kahulugan ng mga teksto sa Lumang Tipan na tungkol sa elohim. Ang subordinate structure ng Elohim ay nauunawaan sa isang banda, ngunit hindi nauunawaan pagdating kina Miguel at Melquisedec.

 

Ipinakikita ng Apocalipsis 4 at 5 na ang grupong ito ay may bilang na tatlumpung entidad kasama ang apat na kerubin. Kaya tatlumpung pirasong pilak ang kailangan para sa pagkakanulo kay Cristo (Mat. 27:3,9; cf. Zac. 11:12-13) sapagkat ito ay isang pagkakasala laban sa buong Godhead. Ang mga Matatanda ay inatasan sa pagsubaybay sa mga panalangin ng mga banal (Apoc. 5:8) at si Cristo ang kanilang Dakilang Saserdote. Siya ang miyembro ng mga Matatanda na natagpuang karapat-dapat na magbukas ng aklat ng plano ng Diyos nang tubusin ang mga tao at ginawa silang kaharian at mga saserdote sa ating Diyos – i.e. ang Diyos ng Konseho at ni Cristo (Apoc. 5:9-10).

 

Ang pagtubos ng mga tao ay bahagi ng pagpapanumbalik sa katapusan ng panahon, na magaganap sa ikalawang pagdating ng Mesiyas bilang Hari ng Israel; ang kanyang unang pagdating ay nauunawaan bilang ang Mesiyas ni Aaron. Ang unang pagparito ng Mesiyas ay ang pagtutubos para sa kasalanan at ang pagtatatag ng pagkasaserdote ni Melquisedec. Ang pagpapanumbalik sa katapusan ng panahon ay naunawaan na isang pagpapalawig ng elohim na inilalarawan sa Zacarias 12:8.

 

Sa ganitong kaayusan ay binigyan tayo ng buhay na walang hanggan at sa pamamagitan ng Unang Pagkabuhay na Mag-uli ay nagpapatuloy tayo bilang mga saserdote magpakailanman at pagkatapos mula sa Ikalawang Pagkabuhay na Mag-uli ay magagawa nating bigyang-daan ang buong sangkatauhan na makamit ang buhay na walang hanggan sa pagkasaserdoteng ito.

 

Kabanata 8

Mula sa   Kabanata 8 ay makikita natin ang layunin ng Dakilang Saserdote at ang lugar nito kung saan ang Mesiyas ay nakaupo sa luklukan sa Kanang Kamay ng Diyos at gumagawa upang makamit ang pagtawag para sa buong sangkatauhan at sa lahat ng ibinigay sa kanya mula sa pasimula ng mundo. Si Cristo ay dapat maglingkod sa Makalangit na Santuwaryo, kung saan ang Makalupang Santuwaryo ay isang lamang kopya.

 

Kabanata 8

 1Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit, 2Ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao. 3Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman: sa ganito'y kinakailangan din namang siya'y magkaroon ng anomang ihahandog. 4Kung siya nga'y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan, palibhasa'y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan; 5Na nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi niya, Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok. 6Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako. 7Sapagka't kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa. 8Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda. 9Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon. 10Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko: 11At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan, At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing, Kilalanin mo ang Panginoon: Sapagka't ako'y makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila. 12Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa. 13Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.

 

Ang Tolda at ang makalupang santuwaryo at Templo ay itinulad sa Templo sa kalangitan. Ang buong layunin ng Paglalang at pagtatatag ng Tabernakulo ay upang magtatag ng isang pagkasaserdote ng mga anak ng Diyos na kinabibilangan din ng isang elemento ng tao ng parehong uri upang ang wakas ay maging isang espirituwal na istruktura ng mga tao at elohim (maling tinawag na mga anghel mula sa ang salitang Griyego para sa mensahero) upang ang lahat ay maging elohim at ang lahat ay makamit ang pagsisisi at kapatawaran at pagpapabanal at sa ilalim ng isa sa mga ito na kabilang sa dalawang elemento at kung sino ang karapat-dapat sa pamamagitan ng pagsasakripisyo sa sarili upang pamunuan sila bilang Dakilang Saserdote sa paglilingkod sa Diyos na kanilang Tagapaglikha sa ilalim ng nilalang na isinugo upang gawin silang karapat-dapat. Upang makamit ang layuning iyan, ang lahat ng tao sa kalaunan ay magkakaroon ng kaligtasan na pinalawig sa kanila una sa pamamagitan ng mga Patriyarka at mga Propeta at pagkatapos ay sa pamamagitan ng Mesiyas at ng mga Apostol at pagkatapos ay ipinaabot sa mga Gentil alinsunod sa Plano ng Diyos upang ang lahat ay maging Templo ng Diyos. Ang resulta ay ang Diyos at si Cristo ay magiging bahagi ng at mabubuhay sa loob ng espirituwal na gusali na siyang Hukbo ng Tao at Makalangit na Hukbo na naging Espirituwal na gusali na siyang Templo ng Diyos.

 

Ang katuparan nito ay inilatag bilang Unang Tipan na nagmula sa mga propeta at sa Bansang Israel kung saan nagmula ang Mesiyas na siyang bituing mula kay Jacob (Blg. 24:17). Ang bituin dito ay nangangahulugang siya ang magiging Tala sa Umaga na pumalit kay Satanas sa lupa bilang pinuno ng Hukbo. Ang Dakong Kabanal-banalan o naos ay bukas lamang sa Dakilang Saserdote at isang beses lamang sa isang taon. Upang palawigin ang Unang Tipan na iyon si Cristo bilang Dakilang Saserdote ay kailangang pumasok dala ang kanyang sariling dugo ngunit kailangan ding patunayan ng iglesia ang halaga nito bilang bahagi ng mga sakripisyo na kailangan nilang tiisin sa loob ng Apatnapung jubileo ng Iglesia sa ilang sa pagpili ng 144,000 at ang Lubhang Karamihan ng Apocalipsis Kab. 7. Ang pagpapalawig ng Banal na Espiritu sa iglesia ang Ikalawang Tipan na ipinaabot sa sangkatauhan upang sila mismo ay maging mga Dakilang Saserdote sa pagkakabahagi ng kanilang mga bansa ng Pitumpu (’t Dalawa) at patuloy sa paglipas ng panahon at sa pagpapalawak ng Makalangit na Hukbo.

 

Tulad ng nakita natin mula sa kabanata 6 sa itaas kinakatawan ng Kaban ang mga hinirang bilang sisidlan ng Banal na Espiritu at ng kautusan ng Diyos, na Kanyang kalikasan, at na ipinagkaloob upang tayo ay hubugin bilang Logoi ng Diyos kung paanong si Cristo ay Logos bago tayo.

 

Sa ibabaw ng Kaban na ito ay nakatayo ang mga kerubin ng Kaluwalhatian. Ang mga Kerubin ng Kaluwalhatiang ito ang anyo at kaluwalhatian ng Panginoon na itinalagang maging katulad din ng mga hinirang.

 

Mula sa kabanata 9 makikita natin ang layunin ng santuwaryo na umunlad mula sa Una hanggang sa Ikalawang Tipan.

 

Kabanata 9

 1Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang santuario, ang santuario ng sanglibutang ito. 2Sapagka't inihanda ang isang tabernakulo, ang una, na kinaroroonan ng kandelero, at ng dulang, at ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal. 3At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan; 4Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan; 5At sa ibabaw nito ay ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa luklukan ng awa; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa. 6At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok ang mga saserdote, na tinutupad ang mga katungkulan; 7Datapuwa't sa ikalawa ay pumapasok na nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan: 8Na ipinakikilala ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo; 9Na yao'y isang talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, na hindi magpapasakdal sa sumasamba, 10Palibhasa'y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis). 11Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito, 12At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan. 13Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: 14Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?

 

Ang teksto sa Hebreo ay ipinapaliwanag ang mga nilalaman ng Santuwaryo ngunit hindi ipinaliwanag ang kahulugan ng mga nilalaman ng Dakong Kabanal-banalan. Ang panloob na santuwaryo o tabernakulo ay iniulat na itinago ng propetang si Jeremias ayon sa utos ng Diyos. Bakit nga ba ito ginawa, at ano ang sinisimbolo nito? Ang mga tanong na ito ay hindi naipaliwanag at kailangan itong ipaliwanag sa mga huling araw na ito. Sinuri ang mga ito sa araling The Ark of the Covenant (No. 196).

 

Kaya, mula sa itaas, ang Mesiyas ay kailangang gawing tagapamagitan ng Bagong Tipan lalo na dahil siya ang nagbigay ng Unang Tipan kay Moises sa ilang at sa gayon ang kamatayan ng nagbigay ay kinakailangan upang mapalitan ng Bagong Tipan ang luma sa pamamagitan ng pagpapalawig nito sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at mapaabot din sa mga Gentil sa pamamagitan ng Dugo ng Cordero ng Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ang mga paghahain ay inalis na minsan at magpakailanman.

 

15At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan. 16Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon. 17Sapagka't ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa. 18Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo. 19Sapagka't nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing, na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang boong bayan, 20Na sinasabi, Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo. 21Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan. 22At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran. 23Kinakailangan nga na ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito. 24Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin: 25At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili; 26Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili. 27At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom; 28Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

 

Kung gayon: Bakit kinailangang mamatay si Jesus? Nakita natin mula sa nakaraang pagsusuri na ang proseso ng kasalanan ay pinahihintulutang pumasok sa pamamagitan ng Makalangit na Hukbo sa pinakamataas na antas ng mga Tumatakip na Kerubin. Nakita din natin sa plano ng Diyos na ang instrumento ng kaligtasan ay kailangang magmula sa parehong antas at isa sa Elohim, o mga Anak ng Diyos, ay kailangang maging tao at mamatay para sa Makalangit na Hukbo at sa Hukbo ng Tao na nakorap ng mga ito. Ito ang Anghel ng Presensya na siyang elohim ng Israel na magiging Jesucristo (Gen. 48:15-16; Awit 45:6-7; Heb. 1:8-9). Sa ganoong paraan silang lahat ay maaaring maging mga Anak ng Diyos bilang elohim (tingnan ang Juan 10:34-36). Ang paraan ng kaligtasan na ito ay kailangang magmula sa Pinakamataas na antas ng elohim at siya ay kinuha mula sa isa sa libong pangunahing mga anak ng Diyos (Job. 1:6, 2:1, 33:23).

http://ccg.org/weblibs/study-papers/p052b.html

 

Ang dahilan kung bakit Ang Lumang Tipan ay inalis na ay para sa napakabuting dahilan at ito rin ay gaya ng nakasaad sa kabanata 10 na tumutukoy pabalik sa Awit 110 (cf. Psalm 110 (No. 178)).

 

Kabanata 10

1Sapagka't ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon. 2Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan. 3Nguni't sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon. 4Sapagka't di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan. 5Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; 6Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod. 7Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban. 8Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan), 9Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. 10Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. 11At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan: 12Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios; 13Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa. 14Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal. 15At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na, 16Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip; 17At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa. 18At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan. 19Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, 20Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman; 21At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios; 22Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig, 23Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako: 24At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; 25Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. 26Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, 27Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway. 28Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa: 29Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? 30Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan. 31Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay. 32Datapuwa't alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata; 33Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon. 34Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak ang pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasa'y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal. 35Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala. 36Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako. 37Sapagka't sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat. 38Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa. 39Nguni't tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

 

Kaya makikita natin na ang bagay na naging lipas na sa Lumang Tipan ay ang sistema ng paghahain para sa pagtubos na hindi na kinailangan dahil hindi ito nagbigay ng direktang kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng direktang paglapit sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng direktang paglapit sa pamamagitan ng Banal na Espiritu nagagawa nating sundin nang direkta ang kautusan nang walang mga guro, dahil direktang ginagabayan patungo sa mga daan at kalikasan ng Diyos.

 

Ang Bagong Tipan na ito ay inilarawan sa likas na katangian ng pagkakatala ng kautusan. Ibinigay kay Moises ang kautusan sa dalawang tapyas na bato. Ang mga ito ay inukit ng Diyos. Gayunpaman, sa pagwasak ni Moses ng mga ito ay kinailangan niya (Moises) mismong gumawa ng dalawa pang tapyas. Ang mga tapyas na ito ay sapat ang liit upang madala ni Moises sa isang kamay. Ang mga ito ay nakaukit din sa magkabilang panig. Minsan ay dala-dala ni Moises ang mga ito sa bawat kamay. Ang ukit sa dalawang tapyas sa magkabilang panig ay nagpapahiwatig ng dalawang aspeto ng kautusan – ang pisikal at espirituwal. Ang unang dakilang utos, na binubuo ng unang apat na utos na may kaugnayan sa relasyon ng Diyos at tao, ay tila nasa isang panig. Ang ikalawang dakilang utos ng pisikal na relasyon ng sangkatauhan ay nasa kabilang panig. Ang dalawang tapyas ay tumutukoy sa duality ng kautusan sa parehong paraan at gayundin sa ikalawang tipan. Kaya ang istruktura ng mga tapyas ay tumutukoy sa hinaharap. Ang tao ay hindi mabubuhay ayon sa pisikal na kautusan at hindi matutupad ang kautusan kung wala ang Banal na Espiritu. Ang tungkod ni Aaron na namulaklak at ang manna ay kasama rin sa Kaban. Ang mga ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos sa pagkasaserdote at sa pangangalaga sa Israel sa ilang. (Ang istrukturang ito ng mga utos ay isang magandang aralin ng Bibliya sa sarili nitong karapatan.) Ang nakasulat na mga utos ay nakalagay sa labas ng Kaban (tingnan ang araling Pagkakaiba sa Kautusan [096]; (cf. No. 196)).

 

Kaya dapat nating tingnan ang ating kaligtasan sa pagdating ng Mesiyas dahil ito ay darating sa pamamagitan ng Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay (cf. Apoc. Kab 20). Ang gantimpalang iyon ay bunga ng ating pagtitiis sa pamamagitan ng pananampalataya gaya ng makikita natin sa kabanata 11.

 

Kabanata 11

 1Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. 2Sapagka't sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan. 3Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios, ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita. 4Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa. 5Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios: 6At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap. 7Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya. 8Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon. 9Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya: 10Sapagka't inaasahan niya ang bayang may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios. 11Sa pananampalataya si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako: 12Kaya naman sumibol sa isa, sa kaniya na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat. 13Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa. 14Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili. 15At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik. 16Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan. 17Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak; 18Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi: 19Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang halimbawa. 20Sa pananampalataya'y binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating. 21Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod. 22Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto. 23Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagka't kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari. 24Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon; 25Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala; 26Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran. 27Sa pananampalataya'y iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita. 28Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin. 29Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod. 30Sa pananampalataya'y nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw. 31Sa pananampalataya'y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik. 32At ano pa ang aking sasabihin? sapagka't kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang tungkol kay Gideon, kay Barac, kay Samson, kay Jefte; tungkol kay David, at kay Samuel at sa mga propeta: 33Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, nangagtamo ng mga pangako, nangagtikom ng mga bibig ng mga leon, 34Nagsipatay ng bisa ng apoy, nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa. 35Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli: 36At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman: 37Sila'y pinagbabato, pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan 38(Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa. 39At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako, 40Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod sa atin.

 

Mula sa pagkakasunod-sunod ng kabanata ng pananampalataya ay makikita natin ang pagpapalawig ng kaligtasan sa buong kapatiran mula sa mga patriyarka hanggang sa mga propeta at sa pamamagitan ng mga Lipi at ng mga Bansa at pagkatapos ay sa pamamagitan ng iglesia hanggang sa buong mundo. 

 

Lahat tayo ay magdurusa para sa pananampalataya. Marami sa atin ang pinatay sa iba't ibang paraan. Ang mga sinaunang propeta at pinili ng Diyos ay sinubok ngunit sila ay maghihintay sa atin sa unang Pagkabuhay na Mag-uli at pagkatapos ay sa Milenyong Paghahari ni Cristo. Hindi sila magiging sakdal nang hiwalay sa atin (tingnan Unang Pagkabuhay na Mag-uli ng mga Patay [143A] ).

 

Kaya tayong lahat ay dapat mapalakas ng ating pananampalataya at isantabi ang mga kasalanang nagpapahirap sa atin at ang pag-uusig na napipilitan nating tiisin gaya ng pagtitiis ni Cristo bago tayo para sa ating halimbawa. Sa pamamagitan ng kanyang pagtitiis at pananampalataya ay naupo siya sa Kanang Kamay ng Diyos tulad ng igagantimpala din sa atin na nagtitiis. Gayundin tayo didisiplinahin ng Diyos at tutuwirin tayong mga pinili ng Diyos.

 

Kabanata 12

 1Kaya't yamang napapalibutan tayo ng gayong kakapal na bilang ng mga saksi, itabi natin ang bawat pabigat at ang pagkakasalang madaling bumibitag sa atin, at tumakbo tayong may pagtitiis sa takbuhing inilagay sa harapan natin. 2Pagmasdan natin si Jesus na siyang nagtatag at nagpasakdal ng ating pananampalataya, na dahil sa kagalakang inilagay sa kanyang harapan ay tiniis niya ang krus, hindi inalintana ang kahihiyan, at siya'y umupo sa kanan ng trono ng Diyos. 3Isaalang-alang ninyo siya na nagtiis ng gayong pagsalungat ng mga makasalanan laban sa kanyang sarili, upang kayo'y huwag manghina o manlupaypay. 4Sa inyong pakikipaglaban sa kasalanan, hindi pa kayo humantong sa pagdanak ng inyong dugo. 5At nakalimutan na ninyo ang pangaral na sinasabi niya sa inyo bilang mga anak, “Anak ko, huwag mong ipagwalang-bahala ang disiplina ng Panginoon; huwag kang manlupaypay kung ikaw ay sinasaway niya; 6sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang kanyang minamahal, at pinarurusahan ang bawat itinuturing na anak.” 7Magtiis kayo alang-alang sa disiplina. Kayo ay pinapakitunguhan ng Diyos bilang mga anak, sapagkat ano ngang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? 8Ngunit kung kayo ay hindi dinidisiplina, na siyang naranasan ng lahat, kung gayon kayo'y mga anak sa labas, at hindi mga tunay na anak. 9Bukod dito, tayo'y nagkaroon ng mga ama sa laman upang tayo'y disiplinahin, at sila'y ating iginagalang. Hindi ba dapat na tayo'y lalong pasakop sa Ama ng mga espiritu upang tayo'y mabuhay? 10Sapagkat tayo'y kanilang dinidisiplina nang maikling panahon ayon sa kanilang minamabuti, ngunit dinidisiplina niya tayo alang-alang sa ikabubuti natin, upang tayo'y makabahagi sa kanyang kabanalan. 11Subalit ang lahat ng disiplina sa kasalukuyan ay tila hindi kanais-nais kundi masakit, subalit sa hinaharap ay magdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran sa mga nasanay sa pamamagitan nito. 12Kaya't itaas ninyo ang mga kamay na nanghihina at muling palakasin ang mga tuhod na nanlulupaypay, 13at gumawa kayo ng matuwid na landas para sa inyong mga paa, upang huwag malinsad ang pilay, kundi bagkus ay gumaling. 14Pagsikapan ninyong magkaroon ng kapayapaan sa lahat at ng kabanalan na kung wala nito'y walang sinumang makakakita sa Panginoon. 15Pakaingatan ninyo na baka ang sinuma'y mahulog mula sa biyaya ng Diyos; baka may ilang ugat ng kapaitan ang sumibol at bumagabag sa inyo at mahawa nito ang marami. 16Tiyakin ninyong walang sinuman sa inyo na maging gaya ni Esau na mapakiapid, o lapastangan, na kapalit ng isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kanyang sariling pagkapanganay. 17Nalalaman ninyo na pagkatapos, nang nais niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil sapagkat wala na siyang natagpuang pagkakataon upang magsisi, bagama't pinagsikapan niya iyon na may pagluha. 18Sapagkat hindi pa kayo lumapit sa bundok na nahihipo, sa apoy na nagliliyab, sa kadiliman, sa kapanglawan, at sa unos, 19sa tunog ng trumpeta, at sa tunog ng mga salita na ang nakarinig ay nakiusap na huwag nang magsalita pa sa kanila ng anuman. 20Sapagkat hindi nila matiis ang iniuutos na, “Maging isang hayop man ang tumuntong sa bundok ay pagbababatuhin.” 21At kakilakilabot ang nakikita kaya't sinabi ni Moises, “Ako'y natatakot at nanginginig.” 22Subalit kayo'y lumapit sa Bundok ng Zion, at sa lunsod ng Diyos na buháy, sa makalangit na Jerusalem, at sa mga di-mabilang na mga anghel, sa isang masayang pagtitipon, 23at sa kapulungan ng mga panganay na nakatala sa langit, at sa Diyos na Hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga matuwid na pinasakdal, 24at kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at sa dugong iwinisik na nagsasalita ng lalong mabuti kaysa dugo ni Abel. 25Pag-ingatan ninyong huwag itakuwil ang nagsasalita; sapagkat kung hindi nakatakas ang mga nagtakuwil sa nagbabala sa kanila sa lupa, lalo pa tayo kung tatalikuran natin ang nagbabala buhat sa langit! 26Sa pagkakataong iyon niyanig ng kanyang tinig ang lupa. Subalit ngayo'y nangako siya na sinasabi, “Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ang langit.” 27Ngayon ang salitang, “Minsan pa,” ay nagpapahiwatig ng pag-aalis ng mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang manatili ang mga bagay na hindi nayayanig. 28Kaya't yamang tinanggap natin ang isang kahariang hindi mayayanig, magkaroon tayo ng biyaya na sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayo sa Diyos ng kalugud-lugod na paglilingkod, na may paggalang at takot, 29sapagkat ang Diyos natin ay isang apoy na tumutupok.

 

Kaya pinili tayo ng Diyos na maging kasamang tagapagmana kasama ni Cristo at ng Makalangit na Hukbo at ng Kapulungan ng mga Panganay na nakatakdang manirahan sa loob ng lungsod ng Buhay na Diyos sa Bundok Sion at ng Makalangit na Jerusalem na Ina nating lahat.

 

Sa pagpapanumbalik ng mga huling araw, kapag ang Mesiyas ay dumating sa Sion gaya ng naunawaan mula sa Hebreo 12:22-23, ang pagkakasunod-sunod ng pagparito ay nagsasangkot ng pagtatanggol sa Jerusalem at ng pagpapalakas ng pisikal na mga naninirahan sa lungsod para sa Milenyong paghahari. Ngunit tandaan na si Zacarias ay nagpatuloy sa pagsasabing:

Ang nabubuwal sa kanila ay magiging gaya ni David, at ang sambahayan ni David ay magiging gaya ng Diyos (elohim), gaya ng anghel ni Jehova na nauuna sa kanila (idinagdag ang pagbibigay-diin).

Ang kahalagahan dito ay binigyan si Zacarias ng pang-unawa na ang Anghel ni YHVH ay isang elohim, at ang sambahayan ni David (na matagal nang patay) ay bubuuin ng mga magiging elohim, bilang bahagi ng sambahayan ni David.

 

Ang Hebreo ay isinulat para sa mga anak ni Jacob at sa lahat ng hinirang na pinili ng Diyos. Ito ay ipinadala ni Pablo upang ang patuloy na pagtawag sa mga hinirang sa pagkasaserdote ni Melquisedec ay mapaabot sa lahat at upang maunawaan natin ang ating posisyon sa ilalim ng Dakilang Saserdote bilang Panganay mula sa mga patay at ulo natin na piniling pagkasaserdote ni Melquisedec.

 

Sa mga huling araw na ito tayo ay tinawag sa iglesia ng pag-ibig sa kapatid bilang iglesia ng Filadelfia (cf. ang Pillars of Philadelphia (No. 283).

 

Kabanata 13

 1Ipagpatuloy ninyo ang pag-iibigang magkakapatid. 2Huwag ninyong kalimutan ang magpatulóy ng mga dayuhan, sapagkat sa paggawa nito ang iba ay nakapagpatulóy na ng mga anghel nang hindi nila namamalayan. 3Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na parang kayo'y nakabilanggong kasama nila; ang mga inaapi na parang kayo na rin sa katawan. 4Maging marangal sa lahat ang pag-aasawa, at huwag dungisan ang higaan, sapagkat ang mga nakikiapid at ang mga mangangalunya ay hahatulan ng Diyos. 5Umiwas kayo sa pag-ibig sa salapi at kayo'y masiyahan na kung anong mayroon kayo, sapagkat sinabi niya, “Sa anumang paraan ay hindi kita iiwan, o pababayaan man.” 6Kaya't panatag nating masasabi, “Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?” 7Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, silang nagsalita sa inyo ng salita ng Diyos; tingnan ninyo ang kinalabasan ng kanilang pamumuhay, tularan ninyo ang kanilang pananampalataya. 8Si Jesu-Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. 9Huwag kayong padala sa sari-sari at kakaibang mga turo, sapagkat mabuti na ang puso ay patibayin ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakinabangan ng mga tumupad ng mga iyon. 10Tayo ay may isang dambana, na kung saan ang mga naglilingkod sa tabernakulo ay walang karapatang kumain. 11Sapagkat ang katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng pinakapunong pari sa santuwaryo para sa kasalanan ay sinusunog sa labas ng kampo. 12Kaya si Jesus man ay nagdusa sa labas ng pintuan ng lunsod upang gawing banal ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo. 13Kaya't puntahan natin siya sa labas ng kampo na dala ang kanyang kahihiyan. 14Sapagkat dito'y wala tayong lunsod na magtatagal, ngunit hinahanap natin ang lunsod na darating. 15Kaya't sa pamamagitan niya ay maghandog tayong patuloy ng alay ng pagpupuri sa Diyos, samakatuwid ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kanyang pangalan. 16Huwag ninyong kaliligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pamamahagi, sapagkat ang Diyos ay nalulugod sa mga gayong handog. 17Sumunod kayo at pasakop sa mga namumuno sa inyo, sapagkat sila'y matamang nagbabantay alang-alang sa inyong mga kaluluwa bilang mga mananagot. Hayaang gampanan nila ito na may kagalakan at hindi nang may hapis, sapagkat kung ganito'y hindi ito magiging kapaki-pakinabang sa inyo. 18Idalangin ninyo kami, sapagkat kami'y naniniwalang kami ay may mabuting budhi, na nagnanais na mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay. 19At ako'y lalo pang nakikiusap sa inyo na inyong gawin ito, upang ako'y madaling maibalik sa inyo. 20Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan na bumuhay mula sa mga patay sa ating Panginoong Jesus, ang dakilang pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, 21nawa'y gawin niya kayong ganap sa bawat mabuting bagay upang magawa ninyo ang kanyang kalooban, at gawin sa atin ang nakakalugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na sa kanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. 22Mga kapatid, ngayon ay nananawagan ako sa inyo na inyong pagtiisan ang aking salita ng pangaral, sapagkat sa pamamagitan ng iilang mga salita ay sumulat ako sa inyo. 23Nais kong malaman ninyo na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinalaya na; at kung siya'y dumating agad, kasama ko siyang makikita kayo. 24Batiin ninyo ang lahat ng mga namumuno sa inyo at ang lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng mga nasa Italia. 25Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Amen.

 

Kaya dito tayo ay hinihikayat na mahalin ang isa’t-isa at maging kontento sa kung ano ang mayroon tayo at hikayatin at alalahanin ang mga bilanggo na parang nakabilanggong kasama nila. Hikayatin din ang mga nagkakasala at paalalahanan sila na magsisi at iwasto ang kanilang ginawa at umiwas din sa kasalanan. Tandaan na si Jesus ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. Ang pagkakasunod-sunod ng iglesia ay pareho mula sa simula at kaya huwag madala ng mga kakaibang doktrina.

 

Tayo ay may isang dambana na kung saan ang mga naglilingkod sa Tabernakulo ay walang karapatang kumain. Tayo ay isang mas mataas na pagkasaserdote ni Melquisedec kung saan yaong mga napili kay Aaron ay aanyayahan na dumalo ngunit sa ngayon ay wala pang karapatang kumain sa ating Dambana. Wala tayong pangmatagalang lungsod ngunit dinadala natin ang pagdurusa upang tulad ni Cristo ay maari tayong makibahagi sa lungsod na darating. Dahil dito nagbibigay tayo ng papuri sa Diyos. Dahil dito sinusunod natin ang ating mga pinuno na may pananagutan sa atin.

 

Sinabi ni Pablo na pinalaya si Timoteo at pupunta siya sa mga Hebreo sa Parto at magpapadala ng pagbati mula sa mga kapatid sa Italya. Si Pedro na namamahala sa mga Hebreo sa Parto na kumikilos din mula sa Antioquia ay kalaunang binanggit ang teksto sa kanyang liham sa kanila 2Ped. 3:15-16 (bagaman ang kanyang pagiging may-akda ay pinagdudahan ng kalaunang sceptics).

 

Appendix

Companion Bible Notes

 

THE EPISTLE TO THE HEBREWS.

THE STRUCTURE OF THE EPISTLE AS A WHOLE.

1:12, 18. DOCTRINAL INTRODUCTION.

1:2-14. SON OF GOD. BETTER THAN ANGELS

2:5-18. SON OF MAN. LOWER THAN ANGELS.

3:1-4:13. THE MISSION OF CHRIST.

3:1-6. THE APOSTLES, &c.

3:6-19. WARNING.

4:1-13. THE REST GIVER.

4:14-16. GENERAL APPLICATION. "HAVING THEREFORE."

5:1-10:18. THE PRIESTHOOD OF CHRIST.

5:5-10. CHRIST CALLED OF GOD AFTER THE ORDER OF MELCHISEDEC.

5:11-6:20. DIGRESSION. EXHORTATION.

7:1-28. PRIESTHOOD OF THE SON (MESSIAH); AFTER THE ORDER OF MELCHISEDEC.

8:3-10:18. THE EFFICACY OF CHRIST'S PRIESTHOOD.

10:19-12:29. PARTICULAR APPLICATION. "HAVING THEREFORE."

10:19-23. EXHORTATION TO DRAW NEAR...CHRIST BEING ACCESSIBLE/FAITHFUL.

10:38, 39. LIVING BY FAITH.

11:1-40. EXAMPLES OF FAITH.

12:5 24. CHASTISEMENT.

12:12 24. COUNSELS AND ENCOURAGEMENTS.

13:1 25. PRACTICAL CONCLUSION.

INTRODUCTORY NOTES.

The general subject of the Epistle is that the Messiah of the Old Testament Scriptures must suffer as Man (i.e. as Incarnate Man), and that Jesus is the Messiah.

ADDRESSED. "To the Hebrews":to the nation under its earliest name, Palestinian Jews and the Diaspora (Joh 7:35) alike. Outwardly for believers (Cp. Heb 6:8; Heb 12:15, Heb 12:16; Heb 13:10).

 

1:1-2:18. DOCTRINAL INTRODUCTION.

1:1, 2-. God speaking.

-2-14. Son of God. Better than angels.

2:1-4. God speaking.

2:5-18. Son of Man. Lower than angels.

1:-2-14. SON OF GOD. BETTER THAN ANGELS.

-2-3. Glory of His Person and work.

4-7. Superiority over angels.

8-12. Glory of His character and eternal being.

13, 14. Superiority over angels.

2:5-18. SON OF MAN. LOWER THAN ANGELS.

5, 6. God's purpose. Not angels, but man, to have dominion.

7, 8-. Man's equipment for dominion.

-8. First Adam's failure.

9-. Purpose fulfilled in the Lord Jesus.

-9-18. His fitness for dominion.

3:1-4:13. THE MISSION OF CHRIST.

3:1-6-. The Apostle and High Priest.

3:-6-19. Warning.

4:1-13. The Rest-giver.

3:1-6. THE APOSTLE, &C.

1. Christ.

2. His faithfulness.

3. Greater than Moses.

4. Reason.

5. Moses' faithfulness.

6-. The Son.

3:-6-19. WARNING.

6. Condition of belonging to the Lord's house.

7, 8. "Harden not."

9. Provocation.

10. God grieved.

11. God's oath.

12, 13. Unbelief.

14. Condition of being partakers of Christ.

15. "Harden not."

16. Provocation.

17. God grieved.

18. God's oath.

19. Unbelief.

4:1-13. THE REST-GIVER.

1. Exhortation. "Let us fear, lest."

2. Reason. The Word of God.

3, 4, 5. God's rest and its character.

6, 7, 8. Perfect rest future.

9, 10. Rest for God's people, and its character.

11. Exhortation. "Let us labour, lest."

12, 13. Reason. God and His Word.

4:12, 13. REASON. GOD AND HIS WORD.

12-. God Whose Word is wonderful.

-12-. What His Word is. Living, powerful, a sharp sword.

-12-. What His Word does. Pierces, divides asunder.

-12. What His Word is. A critic of the heart.

13. God Whose eye sees all.

4:14-16. GENERAL APPLICATION.

14-. Our great High Priest. The Son of God.

-14. Exhortation based upon it.

15. Our great High Priest. The Son of Man.

16. Exhortation based upon it.

5:1-10. THE PRIESTHOOD OF CHRIST.

5:1-4. Priesthood in general. "For ever" (Pas gar).

5:5-10. Christ called of God after the order of Melchisedec.

5:11-6:20 Digression before considering Melchisedec as a type.

7:1-28. Christ called after the order of Melchisedec.

8:1, 2. Summation. Christ the Antitype.

8:3-10:18. The efficacy of Christ's priesthood in particular. "For ever" (Pas gar).

5:1-4. PRIESTHOOD IN GENERAL.

1-. The ordination of the High Priest.

-1. His offering for sins.

2-. His compassion for other' infirmities.

-2. The reason; his own infirmities.

3. His offering for sins.

4. The ordination of the High Priest.

5:5-10. CHRIST CALLED OF GOD AFTER THE ORDER OF MELCHISEDEC.

5, 6. Christ a High Priest.

7, 8. His salvation and obedience.

9. His people's salvation and obedience.

10. Christ a High Priest.

5:11-6:20. DIGRESSION.

5:11-6:3. Exhortation.

6:4-6. Peril of Apostasy.

6:7-20. Exhortation.

5:11-6:3. EXHORTATION.

5:11. Personal.

5:12-. First principles.

5:-12. Milk and strong meat.

5:13, 14. Milk and strong meat.

6:1, 2. First principles.

6:3. Personal.

6:7-20. EXHORTATION.

7-11. Hope based on illustration of earth, and rain upon it.

12-15. The promises and the oath.

16, 17. The oath and the promises.

18-20. Hope based on illustration of heaven, and Jesus having entered therein.

7:1-28. PRIESTHOOD OF THE SON (MESSIAH):AFTER THE ORDER OF MELCHISEDEC.

1-3-. Melchisedec's greatness. Greater than Levitical priests.

-3. His priesthood not transmissible.

4-10. Greater than Abraham, and therefore than Levi.

11-14. Change of priesthood. Change of law.

15-19. Change of priesthood. Disannulling of commandment.

20-23. The Lord's greatness. God's oath.

24. His priesthood intransmissible.

25-28. The Lord's greatness. Greater than Levitical priests.

8:3-10:18. THE EFFICACY OF CHRIST'S PRIESTHOOD.

8:3-6. A more excellent ministry. A better covenant on better promises.

8:7-13. The Old and New Covenants compared and contrasted.

9:1-5. The earthly sanctuary a copy of the heavenly pattern.

9:6-10. The offerings.

9:11-14. A greater and more perfect tabernacle. His own blood.

9:15-23. The Old and New Covenants compared and contrasted.

9:24. The heavenly sanctuary the pattern of the earthly copy.

9:25-10:18. The offerings.

8:7-13. THE OLD AND NEW COVENANTS COMPARED AND CONTRASTED.

7, 8. The First Covenant faulty.

9. The New Covenant. Not the same in the persons taking part (Neg.).

10. The New Covenant spiritual (Pos.).

11. The New Covenant. Not the same in result (Neg.).

12. The New Covenant spiritual (Pos.).

13. The First Covenant evanescent.

9:15-23. THE OLD AND NEW COVANANTS COMPARED AND CONTRASTED.

15. The Old Covenant related to the promise of eternal inheritance.

16. Death necessary for its making.

17. Reason.

18. Blood necessary for its consecration.

19-23-. Reason.

-23. The New Covenant related to the heavenly things themselves.

9:25-10:18. THE OFFERINGS.

9:25. Yearly sacrifices ineffectual. Because offered oftentimes.

9:26-28. Christ's sacrifice effectual. Once (hapax).

10:1-4. Yearly sacrifice ineffectual. Offered continually.

10:5-10. Christ's sacrifice effectual. Once for all (ephapax).

10:11. Daily sacrifices ineffectual. Offered oftentimes.

10:12-18. Christ's sacrifice effectual. Having offered One, He sat down for a continuance.

10:19-12:29. PATICULAR APPLICATION.

10:19-23. Exhortation to draw near in view of Christ being accessible and faithful.

10:24, 25. Duty to accept exhortation.

10:26-31. Warning in view of God's being the living God.

10:32-37. Patience in view of the promise.

10:38, 39. Living by faith.

11:1-40. Examples of faith.

12:1. Patience in view of the examples.

12:2-4. Exhortation to look away from examples to the supreme Example.

12:5-24. Duty to endure chastening.

12:25-29. Warning in view of God's being a consuming fire.

11:1-40. EXAMPLES OF FAITH.

1-7. A group of three. Abel, Enoch, Noah.

8-12. Abraham and Sarah.

13-19. General reflections.

20, 21. Isaac and Jacob.

22. Joseph.

23-28. Moses' parents and Moses.

29-31. Israel and Rahab.

32-38. Two groups. Faith conquering through God; faith suffering for God.

39, 40. General reflections.

12:5-24. CHASTISMENT.

5-11. Duty to endure chastening.

12-24. Counsels and encouragements.

12:5-11. DUTY TO ENDURE CHASTENING.

5. Chastening not to be despised.

6. Proof of love.

7. A mark of sonship. Positive.

8. The lack of it. Negative.

9-. Submission to earthly fathers.

-9. Much more to the Father of spirits.

10-. The earthly fathers as they thought well.

-10. The Heavenly Father for our profit.

11-. Chastening for the present grievous.

-11. The fruits afterwards.

12:12-24. COUNSELS AND ENCOURAGEMENTS.

12, 13. The weak to be helped.

14-. Peace with all.

-14. Holiness essential.

15-. Watching against failure.

-15. The defining effect of bitterness.

16, 17. The warning of Esau's disappointment.

18, 19. The terribleness of Sinai.

20, 21. Its threatening of death.

22, 23. The blessedness of the heavenly Jerusalem.

24. Its promise of life.

13:1-25. PRACTICAL CONCLUSION.

1-6. Exhortation.

7-9. Their teachers. Strange teachings unprofitable.

10, 11. The servers of the tabernacle.

12-16. The sanctified people.

17. Their teachers. Disobedience unprofitable.

18-25. Closing requests and doxology.

 

 

 

 

q