Christian Churches of God

No. F044vii

  

 

Mga Gawa Bahagi 7: Timeline ng mga Iglesia ng Diyos

(Edition 6.0 20010620-20021118-20081111-20100629-20191116-20220223-20241016)

 

Isang makasaysayan at modernong pananaw sa pag-uusig sa mga nangingilin ng Sabbath simula noong 27 CE.

 

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

E-mail: secretary@ccg.org

 

 

(Copyright © 2001, 2002, 2008, 2010, 2019, 2022, 2024 Christian Churches of God;

ed. Wade Cox; sub-editors Scott Rambo anor)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 

Mga Gawa Bahagi 7: Timeline ng mga Iglesia ng Diyos

 

 

 

27 CE

Sinaunang Pag-uusig sa Iglesia

Si Juan Bautista isang taong sinugo ng Diyos (Juan 1:6), Isang sugong naghahanda ng daan (Mal.3:1)

28 CE

Pinugutan ng ulo ni Juan Bautista - Sinimulan ni Cristo ang kanyang ministeryo.

30 CE

Si Cristo, ang Cordero ng Diyos na nangingilin ng Sabbath ay ipinako noong Paskuwa (Miyerkules Abril 5).

Ang pagkabuhay na mag-uli ni Jesus ng Nazaret sa pagtatapos ng araw ng Sabbath (Sabado Abril 8/Linggo Abril 9). Pagkatapos, sa unang araw ng sanglinggo (Linggo Abril 9, 9:00 a.m.), umakyat siya sa langit bilang handog ng inalog na bigki, ang una sa mga unang bunga. Tingnan ang araling Handog ng Inalog na Bigkis [106b].

30-31 CE

Ang mga alagad ay isinugo sa iba't ibang lupain upang itatag ang mga iglesia.

Si Jose na taga Arimatea, kasama si Aristobulo, ay pinaniniwalaang nagpahayag ng pananampalataya sa Britanya. Ipinahayag ito ni Judas Timoteo sa India, ipinahayag ito ni Marcos sa Alexandria, si Juan sa Efeso, ipinahayag ito ni Pedro sa Antioquia at sa Parto kasama ng iba na nagpunta rin sa ibang mga bansang nakalista sa Mga Gawa (tingnan ang araling Origin of the Christian Church in Britain (No. 266) at gayundin ang Establishment of the Church under the  70 (No. 122D)). Ang tekstong ito (Blg. 122D) ay sumasaklaw sa diocese at pagkamatay ng mga unang obispo ng iglesia.

30-70 CE

Ang Iglesia sa Jerusalem ay walang awang inusig ng mga Judio. Tingnan ang araling Ang Tanda ni Jonas at ang Kasaysayan ng Muling Pagtatayo ng Templo [013].

34 CE

Si Esteban ay binato hanggang mamatay. Ang mga mananampalataya ay nangalat sa buong Judea at Samaria.

Sudan. Unang mga Cristiano; ang ebanghelyo ay ipinahayag sa Nubia (Meroc) ng bating ng Etiopia na binautismohan ni Felipe.

Ang misyon ay pinalawig ni Felipe sa mga Samaritano; panibagong pag-uusig.

42 CE

Dumating si Marcos na Ebanghelista sa Alexandria; itinatag ang naging Coptic Church.

Fenicia Chipre, Antioquia: “Ang napakalaking bilang na sumampalataya ay nagbalik-loob sa Panginoon” (Gawa 11.21).

44 CE

Pag-uusig sa Jerusalem sa ilalim ni haring Herodes Agripa I; Si Santiago na kapatid ni Juan ay pinatay; pagkabilanggo at pagtakas ni Pedro.

50 CE

Ang mga Judio at Cristiano ay pinalayas sa Roma.

Itinatag ng Assyrian Christians ang Iglesia ng Silangan (na kalaunan ay naging Nestorian).

54 CE

Unang imperyal na pag-uusig ng Romano sa mga Cristiano, sa ilalim ni Emperador Nero.

58 CE

Hinuli si Pablo sa Jerusalem.

60 CE

Ipinadala ni Pablo para sa paglilitis sa Roma.

61 CE

Si Pablo ay nasa Roma sa ilalim ng militar na pagbabantay; ipinahayag ang ebanghelyo sa kabisera ng imperyo,

Isinulat ni Pablo: “Ang Mabuting Balita na dumating sa inyo ay lumalaganap sa sanlibutan” (Colosas 1.6, Jerusalem); “Ang Mabuting Balita, na inyong narinig, ay ipinangaral sa buong sangkatauhan” (Colosas 1.23; Griyego “sa lahat ng nilalang sa silong ng langit”). Britanya (kalaunan ay UK). Mga unang Cristianong nanirahan (mga sundalong Romano, mga mangangalakal); pinagmulan ng Celtic Church.

63-64 CE

Pagtatapos ng 62 sanglinggo ng mga taon ng Daniel 9:25.

Pagkamartir ni Santiago na kapatid ni Cristo, ang unang obispo ng Jerusalem.

Pagkamartir ni apostol Marcos sa Baucalis malapit sa Alexandria.

Nagsimula ang mga pag-uusig ni Nero; Sina Pablo at Pedro ay naging martir.

Dakilang Apoy sa Roma; libu-libong Cristiano ang sinunog o pinatay ni Emperador Nero.

66 CE

Anti-Jewish riots and pogroms sa Ehipto: 50,000 ang napatay sa Alexandria, 60,000 sa iba pang lugar. Si Vespasian kasama ang 60,000 kawal ay sinupil ang pag-aalsa ng mga Judio; muling sinakop ang Galilea.

70 CE

Pagtatapos ng Pitumpung Sanglinggo ng mga Taon at ang pagkawasak ng Templo. Ang pagkawasak ni Titus ng Jerusalem kasama ang 4 na legion; 600,000 ang pinatay sa Judea, 10,000 Judio ang ipinako, 90,000 Judio ang dinala sa Roma bilang alipin; Ang mga Judio nangalat sa ibang bansa. Ang mga Cristiano ay nakinig sa babala ng Mesiyas at tumakas patungong Pella sa ilalim ni Simeon upang makaligtas sa hukbong Romano. (Tingnan ang World Christian Encyclopedia (pp. 23-32), A Comparative Survey of Churches and Religions in the Modern World, Oxford University Press, 1982.)

71 CE

Itinayo ang Roman Coliseum - ginamit para sa pagmamartir sa mga Cristiano bilang aliwan.

72 CE

Ang mga Cristianong tumakas sa Jerusalem noong 70 CE ay bumalik na ngayon sa Jerusalem. Nagtayo sila ng mga iglesiang Cristiano sa buong Palestine, Syria at Mesopotamia ngunit sila ng hidwaan sa mga iglesiang Cristianong Griyego dahil sa mga suliranin sa pagsunod sa kautusan o Torah. Iniisip ito ng modernong Catholicism dahil si Pedro at Pablo ay nagtayo ng hiwalay na sistema sa mga Griyego, ngunit hindi iyon ang nangyari. Nararapat ding banggitin na ang titulong "papa" ay ginagamit ng mga obispo sa mga Pangunahing lugar ng Iglesia tulad ng Alexandria, Jerusalem at Antioquia noong ikatlong siglo, ngunit hindi kailanman ginamit ng mga apostol.

81 CE

Ika-2 imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ni Domitian.

98 CE

Ika-3 imperyal na pag-uusig, sa ilalim ni Trajan.

111 CE

Ang pagsamba tuwing Linggo ay unang pumasok sa iglesia sa Roma

115 CE

Pagkamartir ni Ignacio obispo ng Antioquia.

120 CE

Ang Waldensian Church ay nabuo sa mga lambak ng Piedmont pagkatapos ng ipadala si Polycarp, alagad ni Apostol Juan, mula sa Smirna. Mula sa panahong ito ipinasa nila mula sa ama hanggang sa anak ang mga aral na kanilang natanggap mula sa mga apostol kasama na ang pangingilin ng mga Sabbath, Bagong Buwan, at Kapistahan. Tingnan ang mga araling: General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122), Establishment of the Church under the Seventy (No. 122D), Ang mga Bagong Buwan ng Israel [132], at The Role of the Fourth Commandment in the Historical Sabbath-keeping Churches of God (No. 170)).

Tandaan: Ang mga Waldensian ay mga Subordinationist Unitarian na nangingilin ng Sabbath bago pa dumating si Waldo – ayon kay Dugger at Dodd, A History of the True Religion, (3rd ed. Jerusalem, 1972, p. 224ff.).

132 CE

Ikalawang paghihimagsik ng mga Judio sa ilalim ni Bar Kokhba; ikalawang pagkawasak ng Jerusalem sa kamay ng mga Romano noong 134; halos buong populasyon ng mga Judio sa Palestine ay namatay o tumakas.

154 CE

Ipinakilala ni Anicetus ang Paganong pista ng Easter sa Iglesiang Romano. Siya ay tinutulan ni Polycarp na alagad ni Juan. Pinamunuan ni Polycarp ang iglesia sa Silangan sa Smirna at nagsasalita para sa lahat ng Quartodecimans.

Isinulat ni Justin Martyr ang kanyang First Apology sa Emperador ng Roma sa ngalan ng Iglesia ng Roma. Ipinaliwanag niya na si Cristo ang Dakilang Anghel ng LT na nagbigay ng Kautusan kay Moises. Sa ngalan ng Iglesia sa Roma, isinulat ni Justin (Dial. LXXX) na kung makatagpo sila ng mga taong nagsasabing sila ay Cristiano at kapag sila ay namatay ay mapupunta sila sa langit ay huwag silang paniwalaan dahil hindi sila Cristiano. Ito ang pagsubok ng isang tunay na Cristiano. Ito ay isang palatandaan sa iglesia. Ang mga taong nagsasabi na kapag namatay sila ay mapupunta sila sa langit ay mga Gnostic impostor.

156 CE

Pagkamatay sa tulos ni Polycarp obispo ng Smirna.

161 CE

Ika-4 na imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ni Marcus Aurelius.

180 CE

Si Teofilo ng Antioquia ay gumawa ng unang pagbanggit ng isang trias na kalaunan ay maling isinalin sa Ingles bilang Trinity, at ang mga unang hakbang sa doktrinang Binitarian ay lumitaw sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng iglesia (tingnan ang Early Theology of the Godhead (No. 127)).

Tingnan din Binitarian and Trinitarian Misrepresentation of the Early Theology of the Godhead (No. 127B)).

192 CE

Sapilitang ipinatupad ni Obispo Victor ng Roma ang Easter sa halip na Paskuwa at nahati ng Pagtatalo sa Quartodeciman ang iglesia. Si Polycrates na alagad ni Polycarp ay tumindig laban sa ereheng Paksyon ng Romano. Sinubukan ni Irenaeus na obispo ng Lyon na mamagitan ngunit nabigo. Tingnan ang araling: The Quartodeciman Disputes (No.277).

193 CE

Ika-5 imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ng Septimius Severus.

195 CE

Ipinaliwanag ni Irenaeus ang tamang doktrinang Unitarian ng Kalikasan ng Diyos sa Against Heresies. Sinabi niya na ang layunin ng mga hinirang ay maging elohim o theoi (sa madaling salita mga diyos, cf. Zac. 12:8) ayon sa teksto ng Bibliya (tingnan ang araling The Elect as Elohim (No. 001)).

200 CE

Ang pangingilin ng Sabbath ay lumaganap at tila sinalungat ng Roma. Ito ay ipinangilin sa Ehipto gaya ng ipinapakita sa Oxyrhynchus Papyrus (c. 200-250 CE).

Iniutos din ni Origen ang pangingilin ng Sabbath.

Katulad nito isinasaad ng Constitution of the Holy Apostles (Ante-Nicene Fathers, Vol. 7, p. 413; c. 3rd century) na: Ipangilin mo ang Sabbath, alang-alang sa Kanya na tumigil sa Kanyang gawain ng paglalang, ngunit hindi tumigil sa Kanyang gawain ng pangangalaga: ito ay isang kapahingahan para sa pagninilay sa kautusan, hindi para sa pagkawalang-gawa.

Malupit na pag-uusig sa mga Coptic Christian sa Ehipto na may libu-libong martir.

Sinabi ni Tertullian na ang Iglesia sa Britanya ay matagal nang naitatag sa panahong ito.

220 CE

Lumitaw ang mga problema ng Modalism sa mga talakayan sa pagitan ng mga papa sa Roma at Alexandria. Sinubukan gumawa ng pagkakaiba sa Trias Ng Ama, ni Cristo at ng Banal na Espiritu. Dito makikita ang impluwensya ng Modalism ni Attis sa iglesiang Cristiano sa Roma. Si Cristo ay itinaas bilang Diyos bilang isang Modal structure sa unang pagkakataon. Tingnan ang araling Early Theology of the Godhead (No. 127).

 

Ang Sabbath sa India

220 CE

Ang pagpapakilala ng pangingilin ng Sabbath sa India ay nagdulot ng kontrobersya sa Budismo noong 220 CE. Ayon kay Lloyd (The Creed of Half Japan, p. 23) ang Kushan Dynasty ng Hilagang India ay nagtawag ng isang konseho ng mga paring Budista sa Vaisalia upang magkaisa ang mga Budistang monghe sa pangingilin ng kanilang lingguhang Sabbath. Ang ilan ay labis na humanga sa mga isinulat sa Lumang Tipan kaya't sinimulan nilang ipangilin ang Sabbath.

235 CE

Ika-6 na imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ni Maximinus.

249 CE

Ika-7 imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ng pinuno ng militar na si Decius; pagtatangka ng sistematikong estado na sirain ang Cristianismo.

253 CE

Ika-8 imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ni Valerian.

270 CE

Ika-9 na imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ni Aurelian.

300 CE

Sa ikaapat na siglo, ang mga pari ng paganong diyos na si Attis ay nagreklamo na ninakaw ng ministeryong Cristiano sa Roma ang lahat ng kanilang mga doktrina.

303 CE

Ika-10 at huling imperyal na pag-uusig ng Romano, sa ilalim ni Diocletian; iniutos ang pagwasak ng lahat ng mga gusali at kasulatan ng iglesia. Humigit-kumulang 500,000 Cristiano ang pinatay sa loob ng 10 taon ng sistematikong pagpaslang.

          

Ang Sabbath sa Espanya

305 CE

Mula sa canon 26 ng Konseho ng Elvira (c. 305), lumilitaw na ang iglesia sa Espanya ay pinangilin ang Sabbath. Ipinakilala ng Roma ang kaugalian ng pag-aayuno sa Sabbath upang kontrahin ang pangingilin ng Sabbath. Si Pope Sylvester (314-335) ang unang nag-utos sa mga iglesia na mag-ayuno sa araw ng Sabbath, at ginawa itong nagbubuklod na batas ni Pope Innocent (402-417) sa mga iglesiang sumusunod sa kanya.

Itinalaga ni Innocentius na ang Sabbath o Sabado ay laging ipag-aayuno (Peter Heylyn, History of the Sabbath, Part 2, Ch. 2, London, 1636, p. 44).

314 CE

Edict of Toleration ng Milan, sinubukan ng Emperador Constantine na gamitin ang Cristianismo para sa mga layuning pampulitika at sa simula ay sinuportahan ang paksyon ng Romano, na kalaunan ay tinanggap ang mga doktrina ni Athanasius at, kalaunan, ng mga Cappadocians. Ang doktrinal na posisyon ng iglesia ay naging malabo dahil sa Gnostic factions, na naimpluwensyahan ng mga kulto ng misteryo. Sinuportahan ni Constantine ang paksyon ng Athanasian sa maling akala na, dahil nangingibabaw ito sa Roma, ito ang pangunahing sekta, ngunit ang pagpapatalsik kay Arius sa kinontrol na Synod ng Alexandria ay humantong sa digmaan sa kanyang kasamang Emperador, si Licinius, at sa mga kaguluhan noong 322-323 CE.

Si Pope Sylvester (314-335) ang unang nag-utos sa mga iglesia na mag-ayuno ng Sabbath.

Tinangka ng Roma na kontrahin ang pangingilin ng Sabbath.

318 CE

Pagpupulong ng Deposyni: Noong 318 iniutos ni Constantine ang pagpupulong sa pagitan ng obispo ng Roma at ng desposyni; ang mga obispo ay mula sa pamilya ni Jesucristo.

Ang desposyni (literal na nangangahulugan sa Griyego na ‘Nauukol sa Panginoon’ dahil sila ay mga kadugo ni Jesucristo) ay humiling kay Sylvester, na mayroon nang suporta ng Roma, na bawiin ang kanyang pagkilala sa awtoridad ng mga Cristianong Griyegong obispo sa Jerusalem, sa Antioquia, sa Efeso, at sa Alexandria, at pangalanan ang mga obispo ng desposynos bilang kahalili nila. Dagdag pa rito, hiniling nila na ang kaugalian ng pagpapadala ng salapi sa Jerusalem, bilang pangunahing iglesia, ay ipagpatuloy. Ang kaugaliang ito ay madaling makikilala bilang sistema ng ikapu ng ikapu, na ipinatupad sa iglesia hanggang sa pagbabawal ni Emperador Hadrian noong 135 CE. Ang mga kadugong ito ni Cristo ay humiling na muling ipakilala ang Kautusan, na kinabibilangan ng Sabbath at ng Banal na Araw na sistema ng mga Kapistahan at Bagong Buwan ng Bibliya. Tinanggihan ni Sylvester ang kanilang mga pahayag at sinabi na mula ngayon ang pangunahing iglesia ay nasa Roma at iginiit niyang tanggapin nila ang mga obispong Griyego na mamuno sa kanila.

Ito ang huling nalalamang pag-uusap sa iglesiang nangingilin ng Sabbath sa Silangan na pinamumunuan ng mga alagad na nagmula sa mga kadugo ng Mesiyas.

Pagkatapos ang obispo, o papa, (lahat ng mga obispo ng mga pangunahing lugar ng iglesia ay tinawag na papa noong una nang ipakilala ang termino mula sa mga kulto) sa pakikipagsabwatan ng mga Romano, ay nag-utos na sila ay lipulin at ang kampanyang ito ng paglipol ay isinagawa laban sa immediate family ni Cristo mula 318 patuloy. Tingnan ang araling The Virgin Mariam and the Family of Jesus Christ (No. 232).

322 CE

Ang pagpapatalsik kay Arius sa kinontrol na Synod ng Alexandria ay ay humantong sa digmaan sa kanyang kasamang Emperador, si Licinius, at sa mga kaguluhan noong 322-323 CE.

325 CE

Ang Konseho ng Nicea ay ipinatawag. Ang mga Canon ng Konseho ng Nicea ay nawala. Kalaunan ay itinatag na mayroon lamang 20, na nagsimula ng pagpapakilala ng mga pagbaluktot tulad ng: mga patakaran sa paninirahan ng mga saserdote na nakatira kasama ng mga babae, i.e. hindi pag-aasawa; ang pag-uusig sa pamamagitan ng pagpapataw ng penitensiya sa mga Unitarian (maling tinawag na Arians) at sa mga sumuporta kay Licinius; ang pagtatatag ng diocesan system at mga kontrol nito sa mga saserdote at ang pagbabawal sa mga saserdote na magpautang nang may interes; at ang pagpapakilala ng pananalangin habang nakatayo sa pagsamba tuwing Linggo at sa "Panahon ng Paskuwa." Ang tinatawag na Panahon ng Paskuwa sa katunayan ay ang sapilitang pagpapakilala at pag-aayon sa Easter gaya ng ginagawa sa Kanluran mula sa Roma ng sistema ni Attis at ng mga Griyego sa Silangan sa ilalim ng sistema ni Adonis at sa Ehipto sa ilalim ng sistema ni Osiris/Isis. Ang pistang ito ay ipinalit sa Paskuwa ng Bibliya). Ang Creed na muling binuo mula sa Constantinople mismo, ay nagpakilala ng konsepto ng Binitarianism na mahalaga sa pagbubuo ng Trinity at ipinakilala ang pagbaluktot na si Cristo ang "bugtong na anak ng Ama" at samakatuwid ay inaalis ang pangako sa mga hinirang bilang mga anak ng Diyos. Sinabi ni Athanasius (sa Ad Afros) na mayroong 318 obispo na dumalo. Si Arius ay madalas na ipinatawag sa Konseho, na posibleng nagsimula noong 20 Mayo 325 CE sa ilalim ng Athanasian Hosius ng Cordova. Si Constantine ay sumali sa Konseho noong 14 Hunyo. Upang makakuha ng kasunduan nagmartsa si Constantine kasama ang isang pangkat ng mga sundalong Romano at hinuli ang ilang mga obispo at ipinatapon sina Arius, Theonas ng Marmarica at Secundus ng Ptolemais sa Illyrica. Pagkatapos ay sinunog ang mga isinulat ni Arius at ang tatlo ay itiniwalag. Ang natitira ay sumang-ayon sa simbolo ng Creed noong 19 Hunyo. Natapos ang Konseho noong 25 Agosto na may isang 'piging' na inihanda ni Constantine na may mga regalo sa mga obispo.

Tatlong buwan matapos ang Konseho, si Eusebius ng Nicomedia at Theognius ng Nicea, na napilitang lumagda sa Creed sa pananakot, ay ipinatapon dahil sa pagbawi at si Theodotus ng Laodicea, na lumagda rin sa pamimilit at binawi, ay umatras sa halip na sumama sa kanila.

Ang pag-uusig ay simulan sa pamamagitan ng pagpapataw ng penitensiya sa mga Unitarian (maling tinawag na Arians) at sa mga sumuporta kay Licinius.

328 CE

Dahil napagtanto ni Constantine na ang mga Athanasian ay hindi ang pangunahing sekta at ang pinagmumulan ng pagkakabaha-bahagi at pag-uusig sa Imperyo ay ipinatawag ang limang pinuno ng Unitarian (iminungkahi na sa paghimok ni Constantia, balo ni Licinius. Gayunpaman, mas malamang na isa lamang siyang kilalang Unitarian ng paksyon ng Eusebian o Arian). Ang problema sa sistema ng Cristianong Unitarian ay ang pagsunod nito sa mga aral ng Bibliya at hindi nababahala sa kontrol ng mga bansa. Ang bawat bansa ay hiwalay at napapailalim sa sarili nitong mga pinuno at ang sistema ng relihiyon ng bansang iyon ay nasa pagitan nila at ng Diyos. Kung paanong sumunod ang bansa sa Diyos ito ay pinagpapala. Ang imperyo ay nakatuon sa pangingibabaw sa mundo at ang mga napagbagong-loob sa iglesia sa Roma ay napuno rin ng ganitong kaisipan. Kaya't nilapitan nila ang isang organisasyong nagnanais ng pangingibabaw sa mundo at hindi papahintulutan ang pagsalungat sa sistemang iyon. Bilang bunga, inangkop ng sistema ng Iglesiang Romano ang paganong sistema ng mga kulto ng araw at mga Aryan sa Cristianismo, kung kaya't walang taong naniniwala sa Bibliya ang maaaring sumunod sa dalawang sistema.

 

Ang Sabbath sa Persia

335 CE

Ang mga iglesiang nangingilin ng Sabbath sa Persia ay sumailalim sa apatnapung taon ng pag-uusig sa ilalim ng Shapur II, partikular mula 335-375, dahil sila ay nangingilin ng Sabbath.

“Nilalapastangan  nila ang ating sun-god. Hindi ba si Zoroaster, ang banal na tagapagtatag ng ating banal na paniniwala, ang nagtatag ng Sunday isang libong taon na ang nakalilipas bilang parangal sa sun at pumalit sa Sabbath ng Lumang Tipan. Gayunpaman ang mga Cristianong ito ay may mga banal na paglilingkod ng Sabado" (O'Leary, The Syriac Church and Fathers, pp. 83-84, requoted Truth Triumphant p. 170).

Ang pag-uusig na ito ay ginaya sa Kanluran ng Konseho ng Laodicea (c. 366). Itinala ni Hefele:

Canon 16 - Ang mga Ebanghelyo kasama ng iba pang Kasulatan ay binabasa ng Sabbath (cf. din ang canon 49 at 51, Bacchiocchi, fn. 15, p. 217).

Canon 29 - Ang mga Cristiano ay hindi dapat tumulad sa gawi ng Judio sa pamamagitan ng pamamahinga ng Sabbath, kundi dapat gumawa sa araw na iyon na pinararangalan ang araw ng Panginoon sa pamamagitan ng pamamahinga, kung maaari, bilang mga Cristiano. Gayunpaman kung may matagpuang tumutulad sa mga gawi ng mga Judio, sila ay itiwalag sa ngalan ni Cristo (Mansi, II, pp. 569-570, tingnan din ang Hefele Councils, Vol. 2, b. 6)

337 CE

Ang Emperador Constantine ay binautismohan bilang Unitarian ni Eusebius bago ito mamatay.

339 CE

Nagkaroon ng matinding pag-uusig sa mga Cristiano sa Persia, hanggang 379; malupit na intermittent na pag-uusig ng mga pinuno ng Sassanian hanggang sa 640 sa pananakop ng Islam.

345 CE

Ang pag-uusig sa Silangang Syria at Persia ang nagtulak sa 400 Nestorians kasama ng isang obispo upang manirahan sa Malabar, India.

351 CE

Inilathala ng mga Unitarian Goth ang Bibliya sa Wikang Gothic.

 

Binago ng mga Judio ang Kalendaryo

358 CE

Ang Jewish calendar ay binago mula sa modelo noong panahon ng Templo tungo sa sistema ng pagkalkula at itinakda sa ilalim ni Rabbi Hillel II ca. 358 CE (mula sa input ng Babylonian rabbis ng ca. 344 CE). Ang Waldensian at kalaunan ang Transylvanian Sabbatarians ay hindi sumunod sa Jewish calendar kundi gumamit ng astronomical conjunction ng Bagong Buwan. Tingnan ang araling: God's Calendar (No. 156) at ang paunang salita ni Cox to R. Samuel Kohn, The Sabbatarians in Transylvania (No. A_B2), [1894], CCG Publishing, 1998.

380 CE

Ang mga Montanist noong ikalawang siglo ay nagsimula ng isang kulto ng pagsamba sa Banal na Espiritu dahil inaasahan nilang darating ang Banal na Espiritu at papalit sa mga anak at maghahayag ng isang mas ganap na ebanghelyo. Ang pananaw na ito ay pinigilan ngunit humantong sa Ikaapat na Konseho ng Roma noong 380 kung saan kinondena ni Pope Damasus ang sinumang tumanggi na ang Banal na Espiritu ay dapat sambahin tulad ng Ama at ng Anak (ibid., p. 711). Kaya sa susunod na taon (381) sa Konseho ng Constantinople, ang Banal na Espiritu ay idinagdag sa Godhead bilang Trinity ngunit hindi ito kasing matagumpay gaya ng nais ng mga Cappadocians. Ito ang bumubuo sa susunod na malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga Iglesia ng Diyos at Trinitarianism.

381 CE

Nakita ng Konseho ng Constantinople ang pagbuo ng doktrina ng trinity at ang pagtukoy sa Banal na Espiritu bilang ikatlong bahagi ng Godhead, na pinalalakas ang Binitarian heresy na nagmula sa konseho ng Nicaea. Gayunpaman, ang buong doktrinal na posisyon ay hindi napagkasunduan hanggang sa Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Nakita ng konsehong ito ang paglabas ng tatlumpu't anim na semi-Arian, Macedonian o Pneumatomachi. Ang konseho, pagkatapos ng paglabas na iyon, ay binubuo lamang ng 150 obispo. Kaya’t hindi ito kumakatawan sa karamihan ng Cristianismo noong panahong iyon.

Si Ambrose ng Milan, kasama si Theodosius ay nakamit ang kontrol sa Iglesiang Romano.

Ang mga pagtatalo ng Athanasian/Arian ay humantong sa matinding pag-uusig.

Ang mga doktrinang iniuugnay sa tinatawag na Arianism, na nagsasabing ang Banal na Espiritu ay nilikha ni Cristo, ay hindi napatunayan mula sa anumang mga sinulat ni Arius o ng paksyon.

Tingnan ang aralin: Socinianism, Arianism and Unitarianism (No. 185)).

Walang Trinitarian na Emperador sa trono hanggang 381, nang binuo ang Trinity sa Constantinople sa ilalim ng proteksyon ni Theodosius. Lahat sila ay Unitarian hanggang 381 maliban kay Julian na Apostata.

Ang Unitarian creed na ito ay batay sa teolohiyang ipinahayag sa Awit 45:6-7 at Hebreo 1:8-9. Pinaniniwalaan ito ng mga unang apologist gaya ni Irenaeus sa Lyons noong ikalawang siglo. Ang teolohiyang ito ay pinaniwalaan ng Goths, Vandals, Alans, Suevi, Heruli, Britons, Lombards, Germans, at lahat ng hilagang lipi. Tingnan ang aralin: The Pre-Existence of Jesus Christ (No. 243) para sa creed ng Goths. Nagmula ito sa mga turo ng mga teologo at mga alagad ng mga apostol na ilang siglo na bago ang Konseho ng Nicea noong 325 CE, kung saan naroroon ang karamihan sa mga obispong ito. Ang heresiya ng Binitarianism ay nagsimula sa Konsehong ito.

Noong 381 ang Trinity ay idineklara sa Constantinople mula sa teolohiya ng Cappadocians Basil, Gregory ng Nyssa at Gregory ng Nazianzus. Ang pagkasira ng pananampalataya ng mga Griyego at Romano ay nagsimulang maramdaman. Mali at hindi tapat na tinawag ng mga Trinitarian ang creed bilang Arianism, upang magbigay ng impresyon na ang kanilang doktrina ay mas luma at ang doktrinang ito ay nagmula kay Arius noong ikaapat na siglo. Pagkatapos ang mga Trinitarian ay halinhinang tinatawag ang subordinationist Unitarian doctrine mula kay Arius (Arianism) at pagkatapos ay kay Eusebius ng Nicomedia (Eusebianism) at iba pang mas nakatatandang obispo kay Arius (na hindi naman dumalo sa Nicea, ipinatawag lamang doon para sa payo tungkol sa lohika). Inaakusahan ng mga Trinitarian ang Arians na pinaniniwalaan na ang Espiritu ay nilikha ng anak, gayong sa katunayan ito ang doktrina ng Filioque na isinulong mula sa Konseho ng Toledo, ng mga Katoliko mismo noong ikaanim na siglo. Maging ang mga Griyego ay tinanggihan ang pananaw na ito. Ang mga taong tumatawag sa pananaw na ito bilang Arian ay maaaring sadyang hindi tapat, o hindi sapat ang pagkaunawa upang malaman kung ano ang kanilang sinasabi.

382 CE

Noong 382 ​​pinatira muli ni Theodosius I ang mga Visigoth sa imperyo ngunit nanatili silang Unitarian. Sinasabing ang mga Emperador, lalo na si Valens, ang napagbagong-loob sa mga hilagang lipi sa Unitarianism at hindi sa Trinitarianism. Ang Goths, Vandals, Alans, Suevi, Heruli, ay pawang mga Unitarian gaya ng mga lipi ng Teutons at may ilang mga obispo mula sa mga liping Unitarian sa Nicea. Ang German Hermunduri ay nanatiling Unitarian hanggang sa ikawalong siglo. Gayundin ang mga obispo ng Celtic ng Britanya ay mga Unitarian Sabbatarian.

385 CE

Ang pagpapatapon sa ilang Sabbatarians mula sa Britanya patungong Ireland pagkatapos ng pagbitay kay Priscillian.

 

Ang pangingilin ng Sabbath ng Celtic

 

Si Henry Charles Lea, ang pinakadalubhasang awtoridad sa Papal Inquisitions, ay nagtala sa panahon ng pagsisimula ng pag-uusig na kinasasangkutan ng parusang kamatayan para sa heresiya na sa panahon ng pagbitay kay Priscillian kasama ang anim sa kanyang mga tagasunod noong 385 AD, "ang iba ay ipinatapon sa isang barbarous island sa labas ng Britanya." (A History of the Inquisition of the Middle Ages, vol.1, New York: Harper & Brothers 1887, p.213.) Ano ang barbarous island na ito? Malamang, ito ay ang Ireland. Ang Britanya at Ireland ay mga paboritong lugar para sa pagpapatapon at pagbebenta ng mga alipin noong mga panahong iyon. Kung talagang maraming matapat na "erehe" ang ipinatapon sa Ireland sa loob ng maraming siglo, hindi maiiwasang magkaroon ito ng matinding epekto sa islang iyon, na naging isang dakilang sentro ng kaliwanagan sa ilalim ni Patrick (ika-5 siglo), Columba (521-597), at Columbanus (c. 540-615) habang lumaganap ang kadiliman ng paniniil ng kapapahan sa kontinente. Nagpunta ang mga misyonero mula sa Ireland patungong Switzerland, Bohemia at Kiev. Ang Ireland ay isa sa pinakamahirap na lugar para sa Roma na sakupin, at ito ang dahilan kung bakit walang katapusang pagsisikap ang ginawa ng mahigit 1200 taon upang ganap na masakop ang islang ito ng Ireland. (Kinuha mula sa Cherith Chronicle, April-June 1998, pp. 46-47.)

Ang Celtic Church, na nanahan sa Ireland, Scotland at Britanya, ay mayroong kasulatang Syriac (Byzantine) sa halip na Latin vulgate ng Roma. Ang Celtic Church, kasama ang mga Waldenses at ang imperyo ng Silangan, ay nangingilin ng ikapitong araw na Sabbath. Nang tumakas si Queen Margaret sa Scotland kasama ang kanyang ama na si Edward Atheling, na umaangkin sa trono ng Ingles, sumulat siya "sa kanyang mga pinsang Ingles na nagpapahayag ng pagkamangha sa mga relihiyosong kaugalian ng Scots. Kabilang sa 'kakaibang kaugalian' ng Scots ay "gumagawa sila tuwing Linggo, ngunit pinananatili ang Sabado sa paraang sabbatical." Sa isa pang sulat ay nagreklamo siya, “Nakasanayan din nilang hindi bigyan ng karampatang paggalang ang mga araw ng Panginoon (Linggo); kaya’t nagpapatuloy sila sa lahat ng gawain tulad ng sa ibang mga araw ng makamundong gawain.”

"Ang pangingilin ng Sabbath ng Sabado ng karamihan sa Scots ay kaakibat ng kanilang pagtanggi na 'kilalain ang pamumuno ng Papa sa mga bagay na espirituwal'. Sa kabila ng pagsusumikap ni Haring Nectan ilang siglo na ang nakalilipas, nananatili ang Scottish Christianity na 'Columban' o 'Celtic', hindi ang 'Roman'.

"Ang pinakatanyag na kasaysayan ng pagsasalaysay ng Scotland-- Scotland: A Concise History ni P. Hume Brown (Langsyne) -- ay nagpapatunay na sa pag-upo ni Margaret, 'ang mga tao ay gumagawa tuwing Linggo at itinuturing ang Sabado bilang araw ng Sabbath'”. Isinulat ni Peter Berresford Ellis sa Celtic lnheritance (Constable, 1992) pahina 45 na: “Nang magsimulang magkaroon ng partikular na interes ang Roma sa Celtic Church sa pagtatapos ng ikaanim na siglo AD mayroong ilang pagkakaiba sa pagitan nila... Ang Celtic Sabbath ay ipinagdiriwang tuwing Sabado.” Ang komento ni Ellis ay sumasaklaw sa Celtic Church sa Wales, Ireland, Cornwall at Gaul, pati na rin sa Scotland. Ang Romanism ay, lumilitaw, na papasok sa Scotland ngunit walang impluwensya sa hilaga ng Forth.

"Ito ang nagbigay kay Queen Margaret ng kanyang crusade (at ng kanyang daan tungo sa canonization): 'Ginawa ni Margaret ang lahat ng kanyang makakaya upang gawin at paniwalaan ng Scottish clergy nang eksakto ang inutos ng Iglesia ng Roma.' Kabilang dito ang pagpapatupad ng pangingilin ng Linggo, isang patakarang ipinagpatuloy ng kanyang anak, si King David I. Gayunpaman, sa bisperas ng Repormasyon, marami pa ring komunidad sa Scottish Highland ang tapat sa ikapitong araw na Sabbath, na salungat sa 'Linggo ng Papa'.

"Dalawang aklat na inilathala noong 1963-- upang gunitain ang paglapag ni Columba sa Iona noong 563-- ay tumalakay sa 'katangian ng Celtic' at kabilang sa mga ito ang pangingilin sa ikapitong araw na Sabbath. Inilathala ni Dr. W.D. Simpson ang The Historical St. Columba sa Edinburgh. Kinumpirma niya na si Columba at ang kanyang mga kasamahan ay nangilin 'ng araw ng Sabbath' at kung sakaling magkaroon ng anumang pagdududa ay idinagdag sa isang footnote na 'Sabado, siyempre'... Si F.W. Fawcett ay inatasang isulat ang tungkol kay Columba--Pilgrim for Christ ng Lord Bishop of Derry and Raphoe. Ang kanyang aklat ay inilathala sa Londonderry at inilimbag ng Derry Standard na may kaugnayan sa paggunita ng Irish sa misyon ni Columba. Binalangkas ni Fawcett ang walong katangian ng Celtic. Kabilang sa mga ito ay ang mga Celtic ay may pagkasaserdote na kasal at kanilang pinangingilin ang ikapitong araw bilang Sabbath." --David Marshall, The Celtic Connection, England: Stanborough Press, 1994, pp.29, 30.

"Naging malinaw ang dahilan kung bakit itinuring ni Pope Gregory I ang Celtic Church bilang isang malaking banta at kung bakit siya at ang kanyang mga kahalili ay gumugol ng gayong pagsisikap sa pagsira sa katangian ng 'kaugaliang Irish'.

"Sina A.O. at M.O. Anderson, sa Panimula sa kanilang Adomnan's Life of Columba (Thomas Nelson 1961), ay nagbigay linaw, hindi lamang sa kasanayan ng pangingilin ng ikapitong araw na Sabbath ni Columba, kundi sa unti-unting 'pagsasaayos' ng mga manuskrito ng mga henerasyon ng mga Romanong eskriba, sa pagtatangkang magbigay ng impresyon na itinuring ng Celtic saints ang Linggo na sagrado.

"Ang paggamit ni Adomnan ng sabbatum para sa Sabado, ang ikapitong araw ng sanglinggo, ay malinaw na indikasyon mula sa 'Bibig ni Columba' na 'Ang Sabbath ay hindi Linggo.' Ang Linggo, ang unang araw ng sanglinggo ay 'araw ng Panginoon.' Ang pananaw ni Adomnan sa Linggo ay mahalaga, dahil sumulat siya sa panahon na nagkaroon ng kontrobersya sa tanong kung ang ritwal ng Sabbath sa Bibliya ay ililipat sa araw ng Panginoon ng mga Cristiano.' (A.O. at M.O. Anderson (eds) Adomnan's Life of Columba (Thomas Nelson's Medieval Texts, 1961), pages 25-26.)

"Ang Lumang Tipan ay nangangailangan ng pangingilin ng ikapitong araw na Sabbath at, ayon sa mga editor ni Adomnan, dahil ang Bagong Tipan ay hindi pinawalang-bisa saanman ang ikaapat na utos, ang ikapitong araw ay ipinangilin ng lahat ng mga sinaunang Cristiano. Ang patunay na kanilang inilahad ay nagmumungkahi na walang aktwal na pagkalito na naganap sa pagitan ng Linggo at 'ng Sabbath' hanggang sa unang bahagi ng ikaanim na siglo, at noon lamang sa mga sulatin ni Caesarius ng Arles. (ibid., page 26.)

"'Sa England, ang usapin sa Linggo ay maaaring kabilang sa 'iba pang mga usaping pang-iglesia' na tinalakay ng Synod of Whitby noong 664', ayon sa Andersons, bilang karagdagan sa petsa ng Easter na hindi maaaring magdulot ng ganitong pagkakabahagi. Mayroong lingguhan, hindi lamang taunang pagingilin ang naghiwalay sa Celts mula sa mga Romano. Ngunit ang mga Romano ang may tungkulin ng pagsusulat ng kasaysayan ng Iglesia at pagpaparami ng kasulatan ng mga ama ng Iglesia. Bagama't may mahigpit na utos na huwag magdagdag o magbawas ng mga salita ng Aklat at, sa pangkalahatan, ay nakagawa ng maayos na trabaho, ang parehong pamantayan ay hindi nasusunod noong kinopya nila ang mga isinulat ng mga ama ng Iglesia Habang lumilipas ang mga siglo ang mga sulatin ng Celtic saints, kabilang si Patrick ay 'binago' upang magbigay ng impresyon na ang mga banal ay itinuturing ang Linggo na sagrado, samantalang, sa pinakamaagang bersyon ng kanilang mga manuskrito, malinaw na pinangingilin nila ang ikapitong araw na Sabbath (ibid., pages 26-28).

Upang palitan ang Celtic Sabbath ng Linggo ang Romanong 'kilusan' ay 'nagtapos sa paggawa ng isang (apocryphal) na 'Liham ni Jesus', o 'Liham ng araw ng Panginoon', na sinasabing natagpuan sa dambana ni Pedro sa Roma; at sinasabi sa mga talaan na dinala sa Ireland ng pilgrim (c. 886). Sa batayang ito ang mga batas ay ipinatupad, na nagpapataw ng mabibigat na parusa para sa mga lumalabag sa Linggo sa ilang mga regulasyon na nagmula sa mga pagbabawal ng Judio sa Sabbath... Sa katunayan ay walang makasaysayang patunay na si Ninian, o Patrick, o Columba, o sinuman sa kapanahunan nila sa Ireland, ang nangilin Linggo bilang Sabbath.' (ibid., p. 28).

"Ang ikapitong araw na Sabbath, na ipinag-utos ng ikaapat sa sampung utos, ay sinunod ni Jesus at wala saanman sa Kasulatan na binawasan o inilipat ang kabanalan nito sa ibang araw....

Isang "sinaunang bersyon ng The Rule of Columba ay isinama sa Columba—Pilgrim for Christ ni [Clergyman] F.W. Fawcett, MA. [Clergyman] Fawcett ay isang clergyman ng Iglesia ng Ireland. Siya ay inatasan ng Lord Bishop of Derry and Raphoe na gawin ang aklat na ito bilang bahagi ng mga pagdiriwang noong 1963 ng pag-alis ni Columba patungo sa Iona noong AD 563." --Marshall, The Celtic Connection, 46.

Ang ikalimang patakaran ng Celtic Church na nakalista sa The Rule of Columba ay "Ang Ikapitong Araw ay ipangingilin bilang Sabbath".

392 CE

Muling pinag-isa ni Theodosius the Great (392-395) ang imperyo, ngunit ito ay muling hinati ng kanyang mga kahalili na sina Honorius at Arcadius noong 395.

396 CE

Sinalakay ng mga Visigoth sa ilalim ni Alaric ang Gresya. Alinsunod sa kautusan ng Bibliya, sinira niya ang mga paganong estatwa doon kaya't pinaniniwalaang ninakawan niya ang Athens at pagkatapos ay ang Balkan noong 398. Noong 401 ay sinalakay nila ang Italya hanggang 403.

400 CE

Sinabi ni Socrates the Historian na:

Bagama’t halos lahat ng mga Iglesia sa buong mundo ay nagdiriwang ng mga banal na misteryo [na tinukoy ng mga Katoliko na Eucharist o tinatawag na Hapunan ng Panginoon] tuwing Sabbath ng bawat sanglinggo, gayunpaman ang mga Cristiano ng Alexandria at Roma, dahil sa ilang sinaunang tradisyon, ay tumatangging gawin ito (Socrates, Ecclesiastical History, Bk 5, Ch. 22, p. 289).

 

Ang Sabbath sa Africa

 

Pinatunayan ni Augustine ng Hippo, isang debotong nangingilin ng Linggo, na ang Sabbath ay pinangingilin sa karamihan ng mundo ng mga Cristiano (Nicene and Post-Nicene Fathers (NPNF), First Series, Vol. 1, pp. 353-354) at ikinadismaya niya ang katotohanan na sa dalawang magkalapit na Iglesia sa Africa, ang isa ay nangingilin ng ikapitong araw na Sabbath, habang ang isa pa ay nag-aayuno sa araw na iyon (Peter Heylyn, op. cit., p. 416).

Tingnan ang aralin: General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122)).

Ang mga Iglesia sa pangkalahatan ay nangilin ng Sabbath sa loob ng ilang panahon.

Ang mga sinaunang Cristiano ay napakamaingat sa pangingilin ng Sabado, o ang ikapitong araw ... Malinaw na ang lahat ng iglesia sa Silangan, at ang karamihang bahagi ng mundo, ay nangingilin ng Sabbath bilang isang pista ... Si Athanasius ay nagsabi rin sa atin na sila ay nagdaos ng mga relihiyosong pagtitipon sa Sabbath, hindi dahil gumaya sila sa Judaismo, kundi upang sambahin si Jesus, ang Panginoon ng Sabbath, sinabi rin ito Epiphanius (Antiquities of the Christian Church, Vol. II, Bk. Xx, Ch. 3, Sec 1, 66. 1137,1136). Si Athanasius ay isang ereheng Binitarian kaya nabanggit ang: "sambahin si Jesus".

 

Ang Sabbath sa Tsina

 

Sa huling bahagi ng ikaapat na siglo, noong 370, ang obispo ng Abyssinian Church na nangingilin ng Sabbath, si Museus, ay bumisita sa Tsina. Sinabi ni Ambrose ng Milan na si Museus ay naglakbay halos sa lahat ng bahagi ng bansang Seres' (Tsina) (Ambrose, De Moribus, Brachman-orium Opera Omnia, 1132, found in Migne, Patriologia Latina, Vol. 17, pp. 1131-1132). Pinaniniwalaan ni Mingana na si Abyssinian Museus ay naglakbay sa Arabia, Persia, India at Tsina noong 370 (tingnan din ang fn. 27 sa Truth Triumphant, p. 308).

Ang mga Iglesia ng Sabbath ay itinatag sa Persia at sa Tigris-Euphrates basin. Pinangilin nila ang Sabbath at nagbigay ng ikapu sa kanilang mga Iglesia (Realencyclopæie fur Protestantishe und Kirche, art. 'Nestorianer'; see also Yule, The Book of Ser Marco Polo, Vol. 2, p. 409).

Ang mga Cristianong ng St. Thomas ng India ay hindi kailanman nakipagkaisa sa Roma.

Sila ay nangingilin ng Sabbath, gayundin ang mga humiwalay sa pakikiisa sa Roma pagkatapos ng Konseho ng Chalcedon, katulad ng Abyssinian, ang Jacobites, ang Maronites, at ang Armenians at ang Kurds, na sumusunod sa kautusan sa pagkain at itinatanggi ang kumpisal at purgatoryo (Schaff-Herzog, The New Encyclopædia of Religious Knowledge, art. ‘Nestorians’ and ‘Nestorianer’).

402 CE

Ginawang nagbubuklod na batas ni Pope Innocent (402-417) ang pag-aayuno sa Sabbath sa mga Iglesiang sumusunod sa kanya.

“Itinalaga ni Innocentius na laging mag-ayuno ng Sabado o Sabbath” (Peter Heylyn, History of the Sabbath, Part 2, Ch. 2, London, 1636, p. 44).

406 CE

Si Gunderic ay naging hari ng mga Vandal.

Ang kaharian ng Burgundian ng Worms ay itinatag.

Ang mga liping Teutonic na ito ay pawang mga Unitarian

409 CE

Ang mga Vandal ay Unitarian at samakatuwid ay iconoclastic at kinamumuhian nila ang mga imahe at idolo ng ganap na umusbong na sistema sa Roma at ang paghahalo ng mga paniniwala ng mga naunang paganong ritwal at estatwa. Unang winasak nila ang mga ito ay sa Gaul noong 409-411 at pagdating sa Espanya, sa Africa at muli sa Roma. Binansagan sila bilang pagan barbarians at mula rito hinango natin ang salitang vandalism, ngunit sa katunayan sila ay iconoclasts na kinamumuhian ang pinaghalong pagsamba sa diyos-diyosan. Wawasakin sana nila ang Roma dahil sa itinuturing nilang pagsamba sa diyos-diyosan, ngunit nagparaya sila sa kahilingan ni Leo noong 2 Hunyo 455.

Sinabi ni Dr. Peter Heylyn (History of the Sabbath, London 1636, Part 2, para. 5, pp. 73-74) na ang Milan ay nangingilin ng Sabbath mula pa noong sinaunang panahon na sumusunod sa mga kaugalian sa silangan.

416 CE

Sinakop ng mga Vandal ang Espanya, at ang Espanya ay Unitarian. Sinakop ng mga Visigoth ang kaharian ng Vandal sa Espanya noong 416. Kaya lahat ng lugar sa hilaga at kanluran ay Unitarian. Ang Italya ay sinasabing Trinitarian, ngunit mas madalas na napapailalim sa mga Unitarian. Noong 418 nanirahan ang mga Frank sa mga bahagi ng Gaul. Sa parehong taon si Theodoric I ay naging hari ng mga Visigoth. Pagsapit ng 425 ang mga tinatawag na barbarians na ito, na sa katunayan mga Unitarian, sa pangkalahatan ay nanirahan sa mga lalawigan ng Roma. Ang Vandals ay nasa timog Espanya, ang Huns ay nasa Pannonia, ang Ostrogoths (at kasunod ang Heruli) ay nasa Dalmatia at ang Visigoths at Suevi ay nasa hilagang Portugal at Espanya. Nanatili doon sa Pannonia ang European Huns hanggang ca. 470 nang umalis sila sa Europa.

417 CE

Ang Milan, (sa kasaysayan ng pangingilin ng Sabbath) ay tumigil na maging sentro ng paglutas ng pagtatalo nang gawin ni Pope Zosimus si Patrocoles, obispo ng Arles, na kanyang vicar o kinatawan sa Gaul.

425 CE

Noong 425 si Valentinian III ay naging Western Roman Emperor sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang ina na si Galla Placidia. Si Gaiseric (428-477) ay naging hari ng mga Vandal sa taong iyon.

Noong 429 ang Picts at Scots ay pinaalis mula sa timog England ng Angles, Saxons at Jutes. (Ang mga Scots ay hindi pumasok sa Scotland hanggang 501 CE.) Noong 457, sa labanan sa Crayford, tinalo ng Jutes sa ilalim ni Hengest ang mga Briton at sinakop ang Kent kung saan sila nananatili. Noong taong 429 si Aetius punong ministro ni Valentinian III ay naging tagapamahala ng Kanlurang Imperyong Romano (429-454). Sa parehong taon itinatag ni Gaiseric ang kaharian ng Vandal ng Hilagang Africa. Noong 443 nakuha niya ang huling teritoryo ng mga Romano sa Hilagang Africa at ang Africa ay muling napasailalim sa Unitarian domination.

433 CE

Si Attila (d. 453) ay naging pinuno ng Huns. Noong 436 umalis ang huling hukbong Romano sa Britanya. Sa parehong taon ay winasak ng Huns ang kaharian ng Burgundian ng Worms. Ang mga Burgundian ay bahagi ng malaking kilusang ito sa Europa na ginawa ng Anglo-Saxons at Lombards at ng iba pang mga lipi na tila mula sa pangkat ng Parthian.

443 CE

Ang Alemanni Germans (German Swiss) ay nanirahan sa Alsace.

Noong 453 namatay si Attila ng Huns at si Theodoric II (453-466) ay naging hari ng mga Visigoth, hanggang sa patayin siya ng kanyang kapatid na si Eric (466-484), na humalili sa kanya. Ang kaganapang ito ay sinundan ng pananalakay sa Roma ng mga Vandal noong 455. Ang katotohanan ay ang mga Vandal ay mga Unitarian. Winasak nila ang mga paganong diyos-diyosan na binigyan ng mga pangalang Cristiano na itinuturing nitong kasuklam-suklam at paglabag sa ikalawang utos. Ang terminong Vandalism ay nagmula sa gawaing ito. Ang pagwasak sa katunayan ay ang paggamit ng kapangyarihan sa Bibliya sa pagwasak sa mga paganong diyos-diyosan.

451 CE

Ang buong doktrinal na posisyon na naniniwala sa Banal na Espiritu bilang kapantay na bahagi ng Godhead ay hindi napagkasunduan hanggang sa Konseho ng Chalcedon. Ang papel at tungkulin ng mga anak ng Diyos bilang mga sugo at mga espiritung naglilingkod ay nabawasan sa puntong ang kanilang pag-iral ay minaliit at ang salitang anghel ay hindi na naging isang tungkuling naglalarawan ng isang anak ng Diyos sa pagpapatupad ng plano ng Diyos. Ito ay naging isang entidad sa sarili nito, na nagkaroon ng isang mas mababang katayuan kumpara sa itinuturing na papel ng Mesiyas at ng mga hinirang. Ang pananaw na ito ay itaas ang Christology at alisin si Cristo mula sa paglalang sa lahat ng antas alinsunod sa Trinitarian dogma. Ang pananaw na ito ay hindi pananaw ng sinaunang Iglesia at ang terminong anghel ay tinitingnan lamang bilang isang tungkulin ng mga anak ng Diyos.

471 CE

Si Theodoric the Great ay naging hari ng mga Ostrogoth mula 471-526.

Ang mga Romanong Emperador sa Silangan noong panahong iyon ay sina Theodosius II (d. 450), Marcian 450-457), Leo I (457-474). Noong 457 si Childeric I (457-481) ay naging hari ng mga Salien Frank. Noong 460 nakuha ng mga Frank ang Cologne. Winasak rin ng mga Vandal ang hukbong-dagat ng mga Romano ng Cartagena sa parehong taon.

Ang mga tunggalian sa buong Europa ay karaniwang tungkol sa kung aling lipi ang makakakuha ng kontrol sa mga maunlad na rehiyon ng Europa. Bagaman sila ay mga Unitarian sila rin ay pinamumunuan ng mga sakim at walang paninindigang tao at iyon ang nagdulot ng kanilang kapahamakan.

Ang huling mga Romanong Emperador sa Kanluran sa panahong iyon mula 461 ay sina Severus (461-465); Athemius (hanggang 467); Alybrius (hanggang 473); Glycerius (hanggang 474); Julius Nepos (hanggang 475); at Romulus Augustulus (hanggang 476). Ang Kanlurang Imperyo ay nagwakas dahil sa kahinaan ng mga pinuno nito. Ang German Odoacer (433-493) ay nakuha at pinatay si Orestes sa Placentia at pagkatapos ay pinatay ang kanyang anak na si Romulus Augustulus at idineklara bilang hari ng Italya.

Kaya nagtapos ang Kanlurang Imperyo ng Roma, na walang natatag na Simbahang Katoliko at walang malinaw na patakaran sa buong Europa.

474 CE

Pagsupil sa mga Silangang Sekta

Noong 474 si Zeno ay naging Romanong Emperador sa Silangan (474-491). Ang mga paaralang Trinitarian ay mas lalong napalaganap sa Silangang imperyo mula sa panahong ito, kung saan ang Neo-Platonist model ay itinatag ni Proclus na naging pinuno ng Platonic academy sa Athens noong 476. Ang sistemang Trinitarian ay ginawang pormal sa Konseho ng Chalcedon noong 451. Ang Egyptian Coptic Divisions ay mula sa panahong ito. Noong 483 si Pope Simplicius ay hinalinhan ni Felix III (-492). Noong 484 ang kanyang pagtiwalag kay Patriarch Acacius ng Constantinople ay nagdulot unang pagkakahati ng Kanluran at Silangang iglesiang Trinitarian (484-519).

476 CE

Ipinagbili ni Gaiseric na hari ng mga Vandal ang silangang Sicily kay Theodoric na hari ng mga Visigoth. Ang mga Unitarian sa ilalim ng Hunneric na hari ng mga Vandal ay nagsimulang gumawa ng mga hakbang laban sa mga Katoliko, kung saan sila ay naging magandang halimbawa sa kanilang pagpaparaya hanggang ngayon, maliban sa pagsamba sa diyos-diyosan. Ang mga pagtatalo ng Unitarian/Trinitarian ay nagsimula na ngayong magdulot ng pag-uusig. Ang Trinitarian o Katoliko/Orthodox na paksyon ay sa pangkalahatan ay mahina at ang mga Unitarian ay nangibabaw. Ito ay nagbago sa suporta ng Salien Franks.

481 CE

Ang pag-aalsa ni Vahan Mamikonian ay naganap mula 481-484 at ang tagumpay na ito ay nagbigay ng kalayaan sa relihiyon at pulitika sa Armenia. Ang kalayaang ito ay tila instrumento din sa pagtulong sa iglesiang nangingilin ng Sabbath na maging matatag kasama ng mga Paulician sa Kabundukan ng Taurus. Ang mga Paulician ay matatagpuan pa rin sa Silangan noong ikalabinsiyam na siglo. Ang pangkat na ito ay patuloy pa rin sa ikadalawampung siglo. Ang kanilang mga inapo, na may bilang na milyon o higit pa, ay nalipol sa bahagi ng Armenia pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang nasa pagitan ng isang milyon at dalawang milyong Sabbatarian ang nalipol matapos ang ipagbawal ang Bektashi Islam pagkatapos ng 1927. Ang proseso ng paglipol na ito ay nagpatuloy hanggang sa Holocaust sa Europa at hanggang 1953 at pagkamatay ni Stalin.

Namatay si Childeric I at pinalitan ng kanyang anak na si Clovis (d. 511) na naging tagapagtatag ng kapangyarihan ng Merovingian. Noong 484 si Hunneric na hari ng mga Vandal ay hinalinhan ng kanyang pamangkin na si Gunthamund (d. 496). Noong 486 natalo ni Clovis si Syagrius ang huling Romanong gobernador ng Gaul. Wala nang kapangyarihan ang Roma sa Gaul.

487 CE

Sa panahong ito din (487-493) sinimulan ng Unitarian Ostrogoths ang kanilang pananakop sa Italya. Tinalo ni Theodoric ang German Odoacer sa Isonzo River at muli malapit sa Verona (489).

489 CE

Noong 489 winasak ng Silangang Emperador na si Zeno ang Nestorian Christian school sa Edessa at itinayo ang iglesia ng St. Symeon Stylites sa palibot ng kanyang haligi. Noong 491 ay pinutol ng Iglesiang Armenian ang koneksyon sa Byzantium at Roma at noong 498 ay nanirahan ang mga Nestorian sa Nisibis sa Persia. Ang iglesia na mula sa Jerusalem ay nanirahan sa Armenia ay hindi Trinitarian Diphysite at ito ay nangingili ng Sabbath. Ito rin ang imbakan, sa Edessa, ng mga tekstong Aramaic at ang bersyong Peshitta ng Bibliya, hanggang sa ito ay supilin. Ang Sabbath ay ipinalaganap hanggang sa Tsina ng sinaunang iglesia mula sa Silangan. Tingnan ang araling: General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122).

492 CE

Ang mga papa sa panahong ito, mula sa pagkamatay ni Felix III, ay sina Gelasius (492-496); at Anastasius II (hanggang 498) at Symmachus (hanggang 514). Ipinakilala ni Gelasius ang Gelasian Missa, Aklat ng mga panalangin, chants at mga utos para sa pagdiriwang ng Misa.

493 CE

Si Odoacer ay sumuko sa mga Ostrogoth at pinatay ni Theodoric na siyang nagtatag ng Ostrogothic kingdom ng Italya at nagpakasal sa isang kapatid na babae ni Clovis. Sinakop ng mga Ostrogoth ang Malta mula 494-534. Noong 500, pinakasalan ni Thrasamund ang kapatid ni Theodoric at binigyan ng kanlurang Sicily bilang dote.

498 CE

Ang mga Nestorians ay nanirahan sa Nisibis sa Persia.

499 CE

Noong 499 ang synod ng Roma ay naglabas ng isang utos sa papal elections at, noong 500, ang insenso ay ipinakilala sa mga paglilingkod ng iglesia ng Trinitarian sa unang pagkakataon sa anumang iglesiang Cristiano.

500 CE

Sinalakay ng German Marcomanni sa Bohemia ang Bavaria at, sa kanilang pag-alis, ang mga Czech ay nanirahan sa Bohemia.

510 CE

Ang Provence, ang timog-silangang bahagi ng France, ay napunta sa mga Italian Ostrogoth hanggang 563. Ipinapaliwanag ng mga katotohanang ito kung bakit ang mga Sabbatati ay nasa buong timog France, hilagang Spain, at hilagang Italy. Ipinangilin ng Cristianismo ang Sabbath hanggang ikalimang siglo at sa panahon ni Jerome (ca. 420) ang pinakamatapat na Cristiano ay gumagawa ng ordinaryong gawain tuwing Linggo (Dr. White bishop of Ely, Treatise of the Sabbath Day, p. 219; cf. Augustine of Hippo, NPNF First Series, Vol. 1, pp. 353-354 at gayundin ang araling General Distribution of Sabbath-keeping Churches (No. 122), p. 2).

511 CE

Noong 511 si Clovis, hari ng mga Frank, ay namatay at ang kanyang kaharian ay nahati sa kanyang apat na anak na si Theodoric I (d. 534); Chlodomer (d. 524); Childebert I (d. 558) at Chlothar (d. 561) at nagtatag sila ng mga hukuman sa Soissons, Paris, Metz, at Orleans ayon sa pagkakabanggit. Sa panahong ito din itinatag ang kumbento sa St Césaire sa Arles. Ang monasticism ay may mahalagang bahagi din sa mga pagpapalawak ng Trinitarian.

523 CE

Noong 523 namatay si Thrasamund hari ng mga Vandal at hinalinhan ni Hilderic (hanggang 530). Noong 524 ay pinatay ni Chlodomer na anak ni Clovis I si Sigismund. Itinayo ng mga Ostrogoth ang tinatawag na Arian Baptistery na kilala ngayon bilang Baptistery of S Maria sa Cosmedin, Ravenna noong 525. Gayunpaman, noong 526 namatay si Theodoric the Great at inilibing sa Ravenna. Ang kanyang anak na si Amalaswintha ay naging regent ng Italya (hanggang 534).

Pagpatay sa mga Arabong Cristiano sa Najran at Himyar (Arabia) ng haring Jewish Arab.

527 CE

Noong 527 si Justinian I ay naging Emperador Byzantine (hanggang 565) at isang sunod-sunod na mga kabiguan at pagbabago ang nangyari sa mga Goth at Vandal at samakatuwid ang iglesiang Unitarian sa panahong ito hanggang 590. Ito ang pinakamahalagang pagbabago sa kasaysayan ng Europa na ang Franks ay naging Trinitarian, dahil ang katotohanang ito ay nakatulong sa pagtatatag ng Simbahang Katoliko sa Europa. Kung wala ang Franks ay wala sila. Makikita natin ang hindi mapipigilang pagsulong na ito hanggang sa deklarasyon ng Banal na Imperyong Romano mula 590 CE at ang imperyong ito ay tatagal ng 1260 taon hanggang sa ito ay makontrol noong 1850 at ang papa ay lubhang nalimitahan mula 1870.

 

 

          

Mga Huling Digmaan tungo sa pag-usbong ng Islam at ang Banal na Imperyong Romano

529 CE

Noong 529 pinasara ni Justinian ang 1,000 taong gulang na Greek school of philosophy sa Athens. Ang hakbang na ito ay di-umano'y nakadirekta sa Paganism, ngunit nagresulta ito sa paghahalo ng mga paniniwala Neo-Platonists at nagresulta sa paglipat ng mga propesor sa Persia at Syria kung saan, mula sa susunod na taon sa ilalim ng Chosroes I (531-579), ang Persia ay umabot sa bagong taas ng karunungan. Ito ay upang ilipat ang sentro ng karunungan sa magiging mundo ng Islam, kapag ito ay nabuo sa susunod na siglo bilang bunga sa mga paglaganap ng Trinitarian mula sa Constantinople.

532 CE

Noong 532 pinabagsak ng mga Frank ang kaharian ng Burgundy, na sumasakop sa mga bahagi ng France, Switzerland at Austria. Iniligtas din ng heneral na si Belisarius ang trono ni Justinian sa pamamagitan ng pagpipigil ng Nika revolt sa Constantinople. Siya ay pinabalik ng nakaraang taon matapos siyang tanggalin sa tungkulin dahil sa kanyang pagkatalo sa mga Persian. Ang Constantinople ay muling itinayo. Noong 533 pinabagsak ni Belisarius ang kaharian ng Vandal at ginawang Byzantine Province ang Hilagang Africa. Noong 534 ang Toledo ay naging kabisera ng Unitarian Visigothic kingdom sa Espanya (hanggang 711). Noong 535 sinakop ni Belisarius ang Ostrogothic kingdom ng Italya at nanatili hanggang 540. Ang kilos na ito ang nagbigay-daan sa Provence na lumipat mula sa Ostrogoth patungo sa kaharian ng mga Frank at ang Naples ay naging bahagi ng Byzantine Empire.

539 CE

Mula 539 hanggang 562 ang Byzantine Empire ay nakikipagdigma sa Persia. Ang digmaan ang nagbigay-daan kay Totila ng mga Ostrogoth na wakasan ang pamamahala ng Byzantine sa Italya noong 540 at naging hari noong 541 sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin na si Hildebad (hanggang 552). Noong 546 ay pumasok si Totila sa Roma (umalis muli noong 547). Sa taong iyon itinatag ni Adouin the Lombard ang bagong dinastiyang Lombard at pinalawig ang kanyang paghahari lampas sa Save River.

543 CE

Noong 543 ang mga sinulat ni Origen ay kinondena sa utos ni Justinian. Kahit na si Origen ay may quasi-Gnostic tendencies, ang kanyang mga sinulat at Hexapla ay mahalaga din. Ang kilos na ito ay bahagi ng pagpapatibay ng anti-Sabbatarian Trinitarian dogmas sa Silangan. Namatay si Empress Theodora noong 548.

550 CE

Noong 550 muling nasakop ni Totila ang Roma at ang mga Unitarian ay naibalik sa kapangyarihan. Sa parehong taon nagsimula ang pakanlurang paglipat ng mga Turkish Avar at ang mga liping Slav ay nanirahan sa Mecklenburg.

Ang Poles ay nanirahan sa kanlurang Galicia, at ang Ukrainians ay nanirahan sa silangang Galicia. Sa parehong taon din, ang Welsh ay ganap na napagbagong-loob sa Cristianismo ni David at ang pangingilin ng Sabbath ay naging matatag sa Wales, kung saan hindi ito tuluyang naalis hanggang ikalabing-isang siglo. Nagpatuloy ang klerong may asawa hanggang ikalabindalawang siglo doon. Si Columban ang misyonerong Irish sa France at Italy (550-615) ay nagmula rin sa taong ito. Ang mga kampana ay ginamit sa mga iglesia sa France sa unang pagkakataon mula sa taong ito din na minarkahan ang impluwensia ng syncretic Trinitarian sa pamamagitan ng mga Frank.

551 CE

Noong 551 ang hukbong dagat ng Ostrogoth ay natalo ng mga Byzantine. Si Totila na hari ng mga Ostrogoth ay pinatay noong sumunod na taon ng mga Byzantine sa ilalim ng bating na si Narses (c. 478-c. 573) sa labanan sa Taginae. Noong 553 sinakop ni Narses ang Naples at Roma para sa Byzantine at siya ay hinirang na Exarch ng Italya, na naging pinakamataas na awtoridad sa militar at sibil. Ang trono ng arsobispo Maximian ay itinatag din sa Ravenna sa taong ito.

558 CE

Noong 558 muling pinagsama ni Clothar I na anak ni Clovis ang kaharian ng mga Frank na tumagal hanggang 561 nang muli itong nahati sa ilalim ng kanyang mga anak na sina Charibert, Guntram, Sigebert at Chilperic.

563 CE

Noong 563 ang Sabbatarian Celtic Missionary Columba, ay nanirahan sa Isla ng Iona at nagsimulang ipagbagong-loob ang Picts.

565 CE

Noong 565 namatay si Justinian I at hinalinhan ng kanyang pamangkin na si Justin II (d. 578). Pagkatapos ay itinaboy ng mga Lombard ang mga Byzantine mula sa hilagang Italya hanggang sa timog, ngunit iniwan sila sa Ravenna. Si Audoin ay hinalinhan ng kanyang anak na si Alboin na, sa tulong ng mga Avars, ay sumira sa Gothic kingdom ng Gepidae sa ibabang Vistula at noong 568 ay nagtatag ng kahariang Lombard sa hilaga at gitnang Italya.

567 CE

Noong 567 itinaboy ni Leovigild na hari ng mga Visigoth (hanggang 586) ang mga Byzantine mula sa Kanlurang Espanya at nasakop ang buong Espanya noong 585. Ang Frankish kingdom ay nahati din sa Austrasia na binubuo ng Lorraine, Belgium at ang kanang pampang ng Rhine at Neustria (France) at Burgundy.

570 CE

Noong 570 Ang Propetan si Qasim ibn Abdullah ibn Abdul Muttalib ng Quresh sa Becca/Petra (maling pinangalanang Muhammad), ang nagtatag ng Islam, ay isinilang. Noong 572 muling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Persia at Byzantines at nagpatuloy sa ilalim ni Chosroes II pagkatapos ng kanyang pag-upo noong 590 hanggang 628, at ang Islam ay naitatag noong 632. Noong 632 naitatag ang mga pampulitikang pagkakabahagi na sa huli ay hahantong sa WWIII.

573 CE

Noong 573 ang mga anak ni Clothar na sina Chilperic at Sigebert ay nakipagdigma.

589 CE

Idinaos ang Konseho ng Toledo. Ang Espiritu ay ipinahayag na nagmula sa Ama at sa Anak (Filioque: Romano Katoliko). Kaya, ang mga Trinitarian ay naniniwala sa posisyon na taliwas sa kasulatan na ang Anak ay nagmula sa Ama, ngunit walang panahon na hindi umiral ang Anak. gayundin ang paniniwala sa Banal na Espiritu.

Ipinagbabawal din ng konseho sa mga Judio na bumili ng mga aliping Cristiano at ipinatupad na ang sinumang Judio na magtutuli sa gayong alipin ayon sa Genesis 17:12f. ay mawawalan ng karapatan sa kanya.

Ang mga Unitarian Visigoth sa Espanya ay napagbagong-loob sa Katolisismo, na idineklara bilang relihiyon ng estado sa Toledo.

 

 

590-1850: Ang 1260 taon ng Iglesia sa Ilang

590 CE

Noong 590 si Authari, hari ng mga Lombard, ay hinalinhan ni Agilulf (d. 615) at si pope Pelagius II ay hinalinhan ni pope Gregory I na tinawag na Dakila. Idineklara niya ang Banal na Imperyong Romano. Pagkatapos ay inusig ng Romano Katoliko o Triune system ang Unitarianism.

591 CE

Noong 591 dumating si Columbanus (b. 543) sa Brittany mula sa Ireland.

597 CE

Ipinadala ni Gregory si Augustine bilang misyonero sa England noong 597 na binautismohan si Ethelbert sa Kent at nagpasimula ng sistemang Katoliko sa Britanya.

Ang Iglesia ay nagsimulang usigin at lumaganap sa mga lugar na hindi sakop ng Imperyo ng Roma. Kaya naman, ito ay labas sa saklaw ng iglesiang Orthodox hanggang sa unti-unting pagbabagong-loob ng mga Unitarian o tinatawag na “Arians,” na tumagal hanggang ikawalong siglo at gayundin mula sa pagkakatatag ng Banal na Imperyong Romano noong 590. Ang mga pag-uusig sa pananampalataya ay tumagal ng mahabang panahon, na sumasaklaw sa kapangyarihan at pamamahala ng Banal na Imperyong Romano mula 590 to 1850. Tingnan ang araling: General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122).

 

Sa loob ng 1260 taon mula 590 hanggang 1850 ay itinayo ng Simbahang Romano Katoliko ang teolohiya nito sa huwad na batayan ayon sa Greek Philosophy at mga paganong sistema ng pagsamba. Ang paggamit nila sa paganong kalendaryo ang nagdulot ng salungatan ng Trinitarianism sa bawat lipi at bayan na nagkaroon, o nakapagbasa, o nag-aral ng Bibliya at ng Kautusan ng Diyos. Bilang bunga, upang mapanatili ang awtoridad nito, ipinakilala nito ang sistemang pambansa at international ng pag-uusig at panunupil, na magreresulta sa paglipol sa milyun-milyong mamamayang mapayapang sumusunod sa kautusan sa kontinente ng Europa at sa Asia Minor (at kalaunan sa America). Ang mga pagsalakay nito sa Gitnang Silangan sa tinaguriang Crusades ang nagpaalab ng poot ng Islam na humantong ngayon sa matinding pagkakabahagi sa kalahati ng mundo. Nakita ng ikadalawampung siglo ang digmaang ito na inilunsad laban sa mamamayang mapayapang sumusunod sa kautusan sa Europa, na sadyang malawakang pagpuksa at genocide sa mga Judio at mga Cristianong nangingilin ng Sabbath sa Europa. Ang usaping ito ay higit na sinusuri sa www.holocaustrevealed.org.

 

Ang Sabbath sa Britanya

597 CE

Ang Katolisismo ay hindi naitatag sa Britanya hanggang sa pagbabagong-loob ng Angles sa pamamagitan ni Augustine ng Canterbury. Si Ethelbert hari ng Kent ay napagbagong-loob sa Katolisismo noong Pentecostes 597 (ayon kay Butler, Lives of the Saints, ed. Walsh, concise edn., p. 158) at maraming (mga 10,000) nasasakupan ang nabinyagan (nawisikan) sa pagan midwinter Christmas fire festival ng 597. Ang mga Cristiano ng Britanya, hanggang sa panahong iyon, ay karamihan, kung hindi man lahat, ay mga Subordinationist Unitarian na nangingilin ng Sabbath lahat, na sumusunod sa mga kautusan sa pagkain at sa mga Banal na Araw. Hindi sila napailalim sa Roma hanggang sa Synod of Whitby noong 664 sa Hilda's Abbey, kung saan sila ay nagpasakop sa ilalim ng pagpilit.

Pinangilin ni Columba ng Iona ang Sabbath at inihula ang kanyang kamatayan sa Sabbath, Sabado 9 Hunyo 597 (Butler, Lives of the Saints, Vol. 1, art. 'St. Columba', p. 762). Sinabi ni Butler sa kanyang footnote na ang kaugalian ng pagtawag sa araw ng Panginoon na Sabbath ay hindi nagsimla hanggang sa lumipas ang isang libong taon (Adamnan, Life of Columba, Dublin, 1857, p. 230. Nagkomento rin dito si W.T. Skene sa kanyang akdang Adamnan's Life of St. Columba, 1874, p. 96). (Tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122)).

600 CE

Sinimulan ni Gregory ang programa para sa mapayapang pagbabagong-loob ng mga Judio. Pagkatapos ay ipinakilala niya ang mga aklat na may larawan upang palitan ang Bibliya para sa mga hindi marunong bumasa at sumulat. Ang Gothic Bible ay nagmula noong ca. 351. Ang Bibliya ay pinababa ang halaga, na tuluyang inalis ng Roma mula sa pangkalahatang publiko hanggang matapos ang pangangalat ng Banal na Imperyong Romano noong 1850.

603 CE

Ang mga Lombard ay napagbagong-loob sa Romano Catholicism. Ang Cristianismong Trinitarian ay lumaganap sa mamamayan ng Russia sa pagtatapos ng ikasampung siglo mula sa istrukturang Greek Orthodox sa Constantinople. Maaaring ito ay isang ganap na politikal na desisyon dahil sa katotohanan na ang mga Khazar sa timog at sa buong Ukraine patungo sa Europa ay pawang mga Unitarian na nangingilin ng Sabbath, kapwa Judio at Cristiano. Gayundin ang Bulgars na sumating kasabay ng Huns noong ikasampung siglo. Gayundin ang mga Paulician ay inilipat sa Thrace sa ilalim ni Constantine Capronymous noong ikawalong siglo at kalaunan ni John Tsimiskes noong ikasampung siglo (tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122)).

609 CE

Ang Roman Pantheon ay itinalaga bilang iglesia ni S. Maria Rotunda.

610 CE

Ang propetang si Qasim kasama ang konseho ni Muhammad ay nagsimulang mangaral sa Arabia.

Tingnan ang araling Christ and the Koran (No. 163) at Commentary on the Koran Q001, Q001B at Q001D.

613 CE

Ang Unang Hejira sa ilalim ni Jafir hanggang Aksom, Abyssinia

622 CE

Ang Hejira. Ang paglikas ng propeta at ng iglesia mula Becca patungong Medina.

741-775 CE

Inaanyayahan ni Constantine Capronymous, Unitarian Emperor ng Silangan, ang mga Paulician na manirahan sa Thrace.

745 CE

Ang Konseho ng Liftinae sa Belgium noong 745 sa ikatlong pangaral nito ay nagbabala laban sa pangingilin ng Sabbath at tumutukoy sa Konseho ng Laodicea (ca. 366).

           

Ang Sabbath sa Asya

781 CE

Ang pangunahing karanasan sa Sabbath sa Asya ay hindi Trinitarian hanggang sa simulan ng mga Jesuita ang kanilang misyonerong gawain. Ang mga Nestorian, at ang mga misyonerong African (tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122)) ay sumunod sa sinaunang iglesia sa Persia, India at pagkatapos ay sa Tsina. Ang Unitarian na nangingilin ng Sabbath ay nagdulot ng matinding banta sa Buddhism at ipinagbawal ng Buddhism. Ang mga iglesiang nangingilin ng Sabbath sa Asya ay, karaniwang, hindi Trinitarian. Sinunod nila ang mga kautusan sa pagkain at tinanggihan din ang pangungumpisal at purgatoryo. Ang mga pagkakabahagi ng mga iglesiang ito ay sumunod, sa pangkalahatan, mula sa mga Konseho ng Constantinople at Chalcedon.

Matagal nang naranasan ng mga Tsino ang sistemang Cristiano at, gaya ng ibang lugar, ang Sabbath ay tanda ng literalism sa Bibliya. Noong 781 ito ay naitatag na (tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122)).

Noong 781 ang sikat na Monumento ng Tsina ay nakasulat sa marmol upang isalaysay ang paglago ng Cristianismo sa Tsina noong panahong iyon. Ang inskripsiyon na 763 salita ay natagpuan malapit sa lungsod ng Changan noong 1625 at di-umano'y nakatayo ngayon sa Forest of Tablets sa Changan. Ang sipi mula sa tablet ay nagsasaad:

"Sa ikapitong araw kami ay naghandog ng mga hain, matapos linisin ang aming mga puso, at makatanggap ng kapatawaran para sa aming mga kasalanan. Ang relihiyong ito, napakasakdal at napakahusay, ay mahirap pangalanan, ngunit ito ay nagdadala ng kaliwanagan sa dilim sa pamamagitan ng maningning na mga tuntunin nito" (M. l'Abbe Hue, Christianity in Tsina, Vol. I, Ch. 2, pp. 48-49).

Ang mga Jacobites ay kilala bilang mga tagapangilin ng Sabbath noong 1625 sa India (Pilgrimmes, Pt. 2, p. 1269).

Ang Abyssinian Church ay nanatiling nangingilin ng Sabbath at sa Ethiopia ay sinubukan ng mga Jesuita na ipatanggap sa mga Abyssinian ang Romano Catholicism. Ang Abyssinian legate sa korte ng Lisbon ay itinanggi na sila ay nangingilin ng Sabbath sa panggagaya sa mga Judio, kundi sa pagsunod kay Cristo at sa mga Apostol (Geddes, Church History of Ethiopia, pp. 87-88). Naimpluwensyahan ng mga Jesuita si Haring Zadenghel na magmungkahi na magpasakop sa Papacy noong 1604, at ipinagbabawal ang pagsamba sa Sabbath sa ilalim ng mabigat na parusa (Geddes, ibid., p. 311 at gayundin ang Gibbons, Decline and Fall of the Roman Empire, Ch. 47).

 

Ang Sabbath sa Italya

791 CE

Di-umano, pinangilin ni Ambrose ng Milan ang Sabbath sa Milan at Linggo sa Roma, kaya't lumitaw ang kasabihang kapag nasa Roma gawin ang ginagawa ng Roma (Heylyn, op. cit., 1612). Tinukoy ni Heylyn ang Iglesia sa Milan mula sa ikaapat na siglo bilang sentro ng pangingilin ng Sabbath sa Kanluran (ibid., bahagi 2, para 5, pp. 73-74). Kaya't hindi kataka-taka na ang Sabbatati ay nagkaroon ng kanilang paaralan doon, gaya ng naitala sa ilalim ng Vallenses noong panahong sumama sa kanila si Peter Waldo. Ang Sabbath ay pinangingilin sa Italya sa loob ng maraming siglo at ang Konseho ng Friaul (c. 791) ay nagsalita laban sa pangingilin ng mga magsasaka nito sa canon 13. "Iniutos namin sa lahat ng mga Cristiano na ipangilin ang araw ng Panginoon na gaganapin hindi bilang parangal sa nakalipas na Sabbath, ngunit dahil sa banal na gabi ng unang araw ng sanglinggo na tinawag na araw ng Panginoon. Kapag nagsasalita tungkol sa Sabbath na ipinangilin ng mga Judio, ang huling araw ng sanglinggo na pinangingilin ng ating mga magsasaka ... " (Mansi, 13, 851).

800 CE

Lumilitaw na ang Huns ay lumipat sa mga steppes, naging kaalyado ng mga Khazar, at nanatili doon hanggang sa muli nilang sakupin ang Pannonia pagkatapos ng 800, na may suporta ng mga Khazar, na opisyal na ngayong mga Judio. Hindi maaaring balewalain ang posibilidad na ang mga Sabbatarian sa Transylvania ay talagang dumating bilang bahagi ng hukbo ng Huns mula sa Khazaria at Levedia at naging bahagi ng iglesia sa Silangan na itinatag mula pa sa simula ng mga apostol sa pamamagitan ng imperyong Parthian (cf. Grun, The Timetable of History, 3rd ed., Touchstone, 1991, p. 30) (cf. din ang paunang salita ni Cox kay R. Samuel Kohn, The Sabbatarians in Transylvania (No. A_B2), [1894], CCG Publishing, 1998).

800-900 CE

Ang mga Paulician ay natalo sa ilalim ni Chrysocheir sa Tephrike ngunit muling lumakas sa ilalim ng Smbat sa Armenia sa Thondrak at kaya tinawag na mga Thondrakian. Ang ilan ay tinatawag na Athingani sa Phrygia at tinukoy bilang Melchizedekites ni Timotheus ng Constantinople (Reception of Heretics) at mga Selikians din.

Ginamit ni Nicephorus (802-811) ang mga Paulician sa proteksyon ng imperyo sa silangang hangganan nito.

Ang mga Emperador na sina Michael at Leo V ay walang awang inusig ang mga Paulician ngunit sila ay masyadong malakas at organisado upang piliting mapasunod sa orthodoxy. Ipinataw sa kanila ni Theodora (842-857) ang mas marahas na pag-uusig.

Ang Athingani ay nasa malapit na ugnayan kay Emperador Michael II (821-829).

 970 CE

Ang ikalawang paglipat ng Sabbatarian Paulicians sa Thrace ay nangyari sa ilalim ni John Tsimiskes.

1012 CE

Ang pag-uusig sa mga “erehe” ay nagsimula sa Germany

1064 CE

Ang Sabbath ay naging isang matinding pagtatalo sa paghihiwalay ng 1064 sa pagitan ng kanluran at silangang mga Iglesia.

1095 CE

Ipinagbawal ang mga Cristiano sa Jerusalem.

1096 CE

Unang Crusade sa ilalim ni Pope Urban II.

1123 CE

Ang Unang Konsehong Lateran sa Roma ay ipinagbawal ang pagpapakasal ng mga pari. Ang mga celibate ang namahala sa Iglesiang Romano, na nagdulot ng mabilis na pagbaba ng moralidad.

1139 CE

Si Malachy O'Morgair arsobispo ng Armagh (nagbitiw noong 1138) ay nagtungo kay pope Innocent sa Roma at nagpetisyon para sa mga pallium para sa mga lugar ng iglesia ng Armagh at Cashel. Siya ay hinirang na legate para sa Ireland. Isinulat niya ang Listahan ng mga Papa hanggang sa panahon ng pagtatapos ng Iglesiang Romano. Bumalik siya sa pamamagitan ng Clairvaux sa ilalim ni Bernard. Doon ay nakahikayat siya ng limang monghe sa ilalim ni Christian, isang Irishman, at bumalik sa Ireland at itinatag ang Abbey of Mellifont noong 1142. Tingnan din ang The Last Pope (No.288).

1147 CE

Ikalawang Crusade.

1159 CE

Ang ipinanganak sa Britanya na si Pope Adrian IV (Nicholas Brekespear) sa kanyang pagbisita sa Beneventum ay hinikayat ni John ng Salisbury na ibigay ang Ireland sa England sa ilalim ni Henry II. Ang tunay na layunin ay lipulin ang mga Quartodeciman na aktibo pa rin sa Ireland mula sa Cashel. Ang mga pari lamang mula sa Armagh ang kinilala ng Roma. Ang Ireland ay sumailalim sa matinding barbarism mula sa puntong ito. Ang mga papa sa loob ng apat na siglo ay inangkin ang pangangasiwa sa Ireland batay sa Pagkakaloob ni Adrian. Ang batayan ng pagbibigay ng tinatawag na Hibernia sa England ay ginawa sa paniniwalang itinatag ni Constantine ng Simbahang Romano Katoliko:

“Sa aking pakiusap ay ibinigay niya at ipinagkaloob ang Hibernia kay Henry II, ang dakilang hari ng England, upang makuha sa pamamagitan ng karapatang minana, gaya ng pinatutunayan ng kanyang liham [na umiiral] hanggang sa araw na ito. Para sa lahat ng mga isla ng sinaunang karapatan, ayon sa Pagkakaloob ni Constantine, ay sinasabing kabilang sa Iglesiang Romano, na kanyang itinatag.

1160 CE

Si Peter Waldo ay naging pinuno ng mga Waldensian sa Lyons. Mali ang pahayag ng Trinitarian historians na nagsimula ang mga Waldensian kay si Peter Waldo sa pagsisikap na maliitin ang kanilang mga paniniwala at turo; gayunpaman, sinusundan lamang niya ang mahabang kasaysayan ng mga Cristianong Unitarian Subordinationist mula sa kanilang pagbabagong-loob sa pamamagitan ni Polycarp at ng kanyang mga obispo mula sa Smirna mula 120 CE. Ang kaugalian ng pagkilala sa mga pinuno ng iglesia sa paglipas ng panahon bilang mga tagapagtatag ng magkakahiwalay na mga iglesia ay isang karaniwang taktika ng Trinitarian na naglalayong ikubli ang pagpapatuloy nito.

1179 CE

Ang Waldensian Barbes ay nakapanayam ng English monks bago ang Ikatlong Konsehong Lateran at hinatulan sa Konseho. Ang orihinal na sistemang Sabbatarian Waldensian ay hinatulan bilang heresiya.

Ikatlong Konsehong Lateran. Ang mga Waldensian ay hinatulan at ang Inquisition ay naitatag mula sa pagsunod sa mga konseho. Nagsimula ang Albigensian Crusades. Ang mga Sabbatarian ay ibinibigay upang sunugin nang maramihan mula sa panahong ito. Ang Trinitarian Protestants ay kabilang din sa pag-uusig sa iglesia mula sa Repormasyon.

1180 CE

Ang mga Waldensian (mga anti-Trinitarian hanggang sa Repormasyon) ay hinatulan kabilang at sa ilalim ng pangkalahatang pagkakalarawan ng Arianism noong 1180 sa treatise ni Bernard ng Fontcaude (Adversus Vallenses et Arianos). Tingnan ang araling The Role of the Fourth Commandment in the Historical Sabbath-keeping Churches of God (No. 170).

1184 CE

Isang sentensya ng pagtitiwalag ng Konseho ng Verona ang nakapagtaboy sa natitirang mga tagasunod ni Waldo sa Lyons at dinala sila sa Provence, Dauphine, at sa mga lambak ng Piedmont, Lombardy, at maging ang ilan ay sa Alemanya. Napakarami nila kaya ipinadala ni Innocent III ang kanyang pinakamahusay na legates upang supilin sila noong mga taong 1198, 1201, at 1203.

1189 CE

Ikatlong Crusade.

1190 CE

Iniutos ng Konseho ng Genoa na ang mga Waldensian ay hulihing nakatanikala upang sunugin. Isinulat ni Bernard ng Fontcaude ang Liber Contra Vallenses.

1190-2 CE

Ang mga Sabbatarian na inusig sa England at ang Publiani o Pauliani ay sinunog sa Oxford.

1192 CE

Iniutos ni Bishop Otto ng Toul na ang lahat ng Waldenses ay hulihing nakatanikala sa Episcopal tribunal.

1202 CE

Ikaapat na Crusade.

1206 CE

Si Genghis Khan ang namahala sa mga Mongol.

1208 CE

Ang crusade ng Albigensian ay nagsimula, na tumagal hanggang 1244 at ito ang paksa ng pinakamalupit na panunupil. 20,000 Albigensian ang minasaker bilang mga erehe sa utos ng papa.

1210 CE

Inutusan ni Emperor Otho ang arsobispo ng Turin na paalisin ang Waldenses sa kanyang diocese, at noong 1220 ay ipinagbawal ng mga Batas ng Pignerol sa mga naninirahan na patuluyin sila. Ang ilan ay tumakas sa Picardy, at itinaboy sila ni Philip Augustus sa Flanders. Ang ilan ay nakarating sa Mayence at Bingen, kung saan 50 ang sinunog noong 1232 (Adeney, ibid.). (Tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122).)

1212 CE

Children’s Crusade: iilan lang sa 50,000 batang French at German ang bumalik. Karamihan ay namatay o naging alipin sa North Africa.

1221 CE

Ikalimang Crusade.

1228 CE

Ikaanim na Crusade.

1229 CE

Sa Inquisition sa Toulouse, France ipinagbawal sa mga hindi inorden na magbasa ng Bibliya.

Ang Konseho ng Toulouse ay naglathala ng mga canon laban sa Sabbatati.

Canon 3 - Ang mga panginoon ng iba't ibang distrito ay dapat na inaatasang halughuging maigi ang mga nayon, kabahayan at kakahuyan, at wasakin ang mga pinagtataguan ng mga erehe.

Canon 14 - Ang mga karaniwang miyembro ay hindi pinahihintulutang magkaroon ng mga aklat ng Luma o Bagong Tipan (Hefele 5, 931,962).

 

Nagsimula ang Inquisitions

1231 CE

Binuo ni Pope Gregory IX ang Inquisition sa pagtatangkang harapin ang mga tinaguriang "erehe".

Alam natin mula sa patunay ng Inquisitions kung ano ang mga doktrina ng Iglesia sa iba't ibang yugto ng pamamahagi nito.

Ang Albigensian Crusades

Ang Albigensian Crusades noong ikalabintatlong siglo ay binubuo ng mga pangkat na walang dudang nangingilin ng Sabbath. Tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122). Ang pagnanais ng Simbahang Romano Katoliko na itago ang katotohanang ito ay humantong sa ilang kakaibang mga pahayag tungkol sa linguistic derivation ng salitang Sabbatati. Gayunpaman, alam din natin na sila ay mga Unitarian.

Ang buong Albigensian crusade ay itinuon ng Roma laban sa parehong grupo noong ikalabintatlong siglo. Ang mga Albigensian ay may proteksyon sa timog ng France sa ilalim ni Raymond Konde ng Toulouse. Ang Vallenses o Sabbatati ay mas malaki at mas malawak, at pinalawig sa Espanya. Maaari nating buuin muli ang mga doktrina ng Vallenses mula sa Spanish branch ng Sabbatati dahil sa matinding pag-uusig na kanilang dinanas.

1237 CE

Si Pope Gregory IX ay nagpadala ng toro sa arsobispo ng Tarragona, na nagresulta sa pagsunog ng labinlimang Waldensian, na tinawag na erehe ng Iglesiang Romano; Si Haring Ferdinand mismo ang naghahagis ng kahoy sa apoy. Sa paglipas ng panahon, ang Spanish Waldensians ay napuksa.

1249 CE

Ikapitong Crusade na pinamunuan ni Haring Louis IX ng France.

1270 CE

Ikawalong Crusade.

1310 CE

Ang Bohemian Sabbatarians ay may bilang ng isang-kapat ng populasyon ng Bohemia na dumarami rin sa Austria, Lombardy, Bohemia, North Germany, Thuringia, Brabdenburg at Moravia.

1315 CE

Ang mga Unitarian sa Austria ay naging martir at kinondena ng Inquisitor ng Krems ang 36 na lokalidad, na sinunog ang 130 martir. Ang obispo ng Neumeister ay sinunog bilang isa sa mga ereheng ito sa Vienna. Sinasabing idineklara niya na mayroong humigit-kumulang 80,000 Waldensian sa duchy ng Austria.

1348 CE

Sinisisi ng Flagelants (mga religious fanatics na sinasaktan ang kanilang sarili ng mga latigo atbp.) ang mga Judio (dahil sa salot na Black Death) at sinusunog ang mga Judio sa maraming lungsod sa Europa. Ang mga Sabbatarian ay hinahatulan ng lahat ng mga paksyon ng Trinitarian bilang mga Judio mula sa panahong ito sa Europa.

1349 CE

Ang pag-uusig sa mga Judio ay sumiklab sa Germany.

1351 CE

1347-1351 CE 75 milyong European ang namatay sa Black Death (Bubonic plague?)

1415 CE

Ang Bohemian reformer na si Jan Hus ay sinunog sa tulos dahil sa heresiya.

 

Ang Pag-uusig ng Orthodox sa mga Sabbatarian at Iba pa

1441-1905 CE

Ang Iglesiang Orthodox sa Russia at ang mga kalapit na lugar nito ay walang-awang inusig ang mga tumututol sa relihiyon at tinangkang puksain ang lahat ng Sabbatarian sa loob ng kanilang nasasakupan (tingnan ang link sa itaas para sa mas malalim na pagtalakay sa kasaysayan ng Monasteries as Prisons, the Inmates Incarcerated there, Religious Dissenters and Sectarians, Political Activists and Criminals, the Intolerance of Imperial Russia, and the Struggle for Orthodox Supremacy) na aklat ni Daniel H. Shubin.

Ang panahong sakop ay nagsimula noong 1441 sa pagdating ni Isidore, ang metropolitan ng Moscow, sa Moscow Chudov (Miracles) Monastery upang ikulong. Ang Russian Monasteries ay ginamit ng Orthodox Russian Church upang ikulong ang mga tumututol sa relihiyon at sectarian, mga aktibista sa politika at mga kriminal.

Mula sa panahong ito hanggang sa batas ng pagpaparaya sa relihiyon ni Tsar Nicholas II noong 1905 CE., nang palayain ang mga huling bilanggo mula sa Suzdal Spasso-Evfimiev Monastery, maraming mga Cristianong nangingilin ng Sabbath ang gumugol ng huling araw ng kanilang buhay sa mga piitan ng mga bilangguan ng monasteryo. Maraming mga babaeng Cristianong nangingilin ng Sabbath ang nakulong din sa mga kumbento ng Orthodox.

 

Ang Sabbath sa Hilagang Europa

1436 CE

Ang Sabbatarianism ay inusig sa Norway, mula sa Konseho ng Simbahan sa Bergen, 22 Agosto 1435 at sa pagpupulong sa Oslo noong 1436. Ang mga tao sa iba't ibang lugar ng kaharian ay nagsimulang ipangilin ng banal ang araw ng Sabbath at ipinagbawal ito ng arsobispo sa kadahilanang:

Mahigpit na ipinagbabawal - nakasaad - sa Batas ng Simbahan, para sa sinuman na mangilin o tumanggap ng mga banal na araw, maliban sa mga itinalaga ng papa, arsobispo, o mga obispo (R. Keyser, The History of the Norwegian Church under Catholicism, Vol II, Oslo, 1858, p. 488).

Muli nating nakikita ang araw ng kapahingahan na iniutos ng Diyos na pinalitan ng araw ng kapahingahan na iniutos ng tao.

Gayundin sa Catholic Provincial Council ng Bergen 1435, sinabi:

Napag-alaman naming may ilang tao sa iba't ibang distrito ng kaharian ang tumanggap at nagpanatili ng pangingilin ng Sabado.

Mahigpit na ipinagbabawal - sackanon ng banal na simbahan - [para sa] isa at lahat na mangilin ng mga araw maliban sa mga ipinag-uutos ng banal na Papa, arsobispo, o mga obispo. Ang pangingilin ng Sabado ay hindi dapat pahintulutan kailanman maliban kung iniutos ng canon ng simbahan. Kaya't pinapayuhan namin ang lahat ng mga kaibigan ng Diyos sa buong Norway na gustong sumunod sa banal na simbahan na iwanan ang kasamaan ng pangingilin ng Sabado; at ang iba ay ipinagbabawal namin sa pagpapataw ng mabigat na parusa ng simbahan na ipangiling banal ang Sabado (Dip. Norveg, 7, 397).

Ang Pagpupulong ng Simbahan sa Oslo noong 1436 ay nagsasaad:

Ipinagbabawal sa ilalim ng parehong parusa na ipangiling banal ang Sabado sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagtatrabaho (History of the Norwegian Church etc., p. 401).

1458 CE

Si Frederic Reiser, pagkaraan ng 25 taon kasama ng mga Waldensian ng Bohemia at Austria, ay sinunog sa Strassburg.

Kaya may hindi bababa sa apat na pangkat sa humigit-kumulang walong bansa, ang ilan ay isinama sa mga Protestante. May mga Subordinationist, o Unitarian, sa Austria noong ikalabintatlong siglo at (tingnan ang 1315 CE sa itaas) kinondena ng Inquisitor ng Krems ang 36 na lokalidad noong 1315, na sinunog ang 130 martir.

 

Ang Spanish Inquisition

1478 CE

Sinimulan ni Pope Sixtus IV ang Spanish Inquisition at nagpatuloy ito hanggang sa supilin sa pamamagitan ng batas noong 1834 CE.

1488 CE

Ang mga Cristianong Vaudois na naninirahan sa Cottian at Dauphinese Alps ay pinatay. Sa kabuuan mahigit 3,000 Vaudois ang namatay, kabilang ang buong populasyon ng Val Loyse, matapos silang magtago sa isang kuweba mula sa papalapit na hukbo. Inutusan ng Panginoon ng La Palu ang kanyang mga tauhan na sunugin ang malalaking tambak ng kahoy at dahilan upang hindi makahinga ang mga naninirahan sa lambak sa loob ng kuweba. Natagpuan dito ang 400 sanggol na nalagutan ng hininga sa kanilang mga duyan o sa mga bisig ng kanilang mga namatay na ina.

 

Ang Sabbath sa Moscow

1503 CE

Konseho, Moscow, 1503: "Ang mga nasasakdal (mga nangingilin ng Sabbath) ay ipinatawag; hayaga nilang kinilala ang bagong (sic) pananampalataya, at ipinagtanggol ito. Ang pinakatanyag sa kanila,... ay hinatulan ng kamatayan, at sinunog sa publiko sa mga kulungan, sa Moscow, Disyembre 17.1503-" H. Sternberfi, Geschichte der Juden.

1507 CE

Nagsimulang magbenta ang Simbahan ng mga indulhensiya upang bayaran ang St. Peter’s Basilica, Rome.

1517 CE

Sinimulan umano ni Martin Luther ang "Repormasyon" sa Europa.

1519 CE

Ang Edict of the Faith na inilabas sa Valencia ni Andres de Palacio, Inquisitor sa Valencia, at inilathala ni Roth. Makikita mula sa Edict na iyon na mayroong pangkalahatang serye ng mga katotohanan at pamahiin na tumukoy sa tatlong grupo ng mga tao. Ang una ay ang mga Cristiano na naniniwala sa tinatawag na kaugaliang maka-Judio. Ang ikalawang pangkat ay ang mga Judio mismo at ang ikatlong pangkat ay ang mga Muslim. Malinaw mula sa Edict na ang mga doktrina ay nakapasok mismo sa Simbahang Romano Katoliko dahil ang mga salitang binigkas sa Eucharist ay partikular na tinukoy bilang isang tagapagpahiwatig ng diumano'y heresiya sa Edict. Gayundin ang Krus, o ang Sign of the Cross, ay hindi ginamit ng Sabbatati. Mula sa pagsusuri sa Edict tila itinanggi ng pangkat ang Kaluluwa at ang mga doktrina ng Langit at Impiyerno. Pinangilin nila ang Sabbath mula sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado na hindi gumagawa ng anumang gawain sa Sabbath. Ipinagdiwang nila ang kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura at Paskuwa na may mapapait na gulay. Nag-ayuno sila sa Araw ng Pagbabayad-sala (Roth, pp. 77ff.).

Ang pangkalahatang pananaw at pangingilin ng mga Judio ay kasama sa listahan tulad ng ipinakita sa Edict upang pagsamahin ang mga sistema na nagpapahirap tukuyin ang eksaktong pagkakaiba sa pagitan nila. Sinunod nila ang mga kautusan sa pagkain at inilibing din ang kanilang mga patay ayon sa kaugalian ng mga Judio. Karamihan sa Edict ay kinabibilangan ng mga pamahiin na iniuugnay sa mga sekta (e.g. p  78). Tinanggihan nila ang Mariolatry at ito ay isinama sa pagtanggi ng mga Judio sa Mesiyas.

Ang doktrina ng Transubstantiation ay tinanggihan, gayundin ang Katolikong pagkaunawa ng doktrina ng Omnipresence, na Platonic Animism (p. 78). Ang mga pari ay tila kasangkot at nakilala mula sa pagtatalaga. Ang mga Cristiano ay tila nagdamit bilang mga Judio na sumusunod sa mga kautusan sa tela ng kasuotan (p. 79). Nagtitipon sila sa kabahayang iglesia at nagbabasa ng mga Bibliya sa sariling wika. Ang ari-arian ng mga erehe ay kinumpiska at walang dudang nakatulong ito sa sigasig ng mga Inquisitor.

Ang Marranos o Bagong Cristiano ay hindi maaaring tanggapin bilang mga saksi sa anumang paglilitis. Ang pagtatago ng mga pangalan ng mga saksi ay ipinakilala noong ikalabintatlong siglo upang protektahan umano ang mahihina laban sa makapangyarihang nasasakdal ngunit ito ay naging pamantayan at walang sinuman ang maaring makaalam ng mga pangalan ng mga nag-aakusa sa kanila. (Tama ang tinukoy ni Roth na kahit hanggang 1836 sa England ang mga akusadong kriminal ay hindi maaaring magkaroon ng abogado o makakita ng mga kopya ng mga testimonya na ginawa laban sa kanila.) Ang panahon mismo ay barbaric at ang Inquisition ang pinakamasahol sa barbarism.

 

Mga Sabbatati sa Silangang Europa

 

Lubusan nating nalalaman kung ano ang mga doktrina ng mga iglesia ng Hungarian at Transylvanian mula noong ikalabinlima hanggang ikalabinsiyam na siglo. Ang talaan ay pinangalagaan ni Dr Samuel Kohn, Punong Rabbi ng Budapest, Hungary sa DIE SABBATHARIER IN SIEBENBURGEN Ihre Geschicte, Literatur, und Dogmatik, Budapest, Verlag von Singer & Wolfer, 1894, Leipzig, Verlag von Franz Wagner. Ang mga puntong ito ay tinukoy sa araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122) sa pp. 22ff.). Ang buong istruktura ay nakalista sa aklat na isinalin mula sa German: The Sabbatarians in Transylvania, by Samuel Kohn, ed. W. Cox, CCG Publishing, USA 1998 (see The Sabbatarians in Transylvania (No. A_B2).

Alam natin nang tiyak na ang sangay na ito ng Vallenses o Sabbatati ay Unitarian sapagkat si Frances David o Davidis ay namatay sa bilangguan noong 1579. Sinabi ni Kohn na ibinalik nila ang orihinal at tunay na Cristianismo (Kohn, p. 8). Ang iglesiang Unitarian ay nahati sa mga sumasamba ng Linggo at ng Sabbath noong 1579. Ang sangay ng Sabbath sa ilalim ni Eossi ay mas tapat sa katotohanan.

Nagsagawa sila ng pagbabautismo sa adult. Pinangilin nila ang mga Sabbath at mga Banal na Araw, kabilang ang Paskuwa, Tinapay na Walang Lebadura, Pentecostes, Pagbabayad-sala, Tabernakulo at ang Huling Dakilang Araw at, higit sa lahat, ang mga Bagong Buwan. Ang Pakakak ay hindi nakalista nang hiwalay sa hymnal at tila ipinagdiriwang kasama ang mga imno ng Bagong Buwan.

Ang kanilang mga doktrina ay sumasaklaw sa pisikal na Milenyo ng 1,000 taon sa simula kung kailan babalik si Cristo at muling titipunin ang Juda at Israel.

Ginamit nila ang kalendaryo ng Diyos batay sa mga Bagong Buwan.

Itinuro nila ang dalawang pagkabuhay na mag-uli, isa ay tungo sa buhay na walang hanggan sa pagdating ni Cristo at ang isa pa ay tungo sa paghuhukom sa katapusan ng Milenyo.

Itinuro nila ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya ngunit kailangan pa ring sundin ang mga kautusan.

Naniniwala sila na tinatawag ng Diyos ang mga tao at ang mundo sa pangkalahatan ay nabulag.

Ang kanilang doktrina ni Cristo ay ganap na subordinationist Unitarian.

 

(Tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122), p. 22ff.)

Kaya ay makikita na ang sinaunang Sabbath Church ay Unitarian, na sumusunod sa mga kautusan ng Lumang Tipan. Ang Sabbath ay isang bahagi lamang ng kanilang sistema ng paniniwala, na nagtuturo sa pagsamba sa Nag-iisang Tunay na Diyos. Sila ay inuusig sa Silangang Europa dahil sa kanilang Unitarianism higit pa kaysa sa kanilang pangingilin ng Sabbath (pinili ni Francis Davidis na manatili sa bilangguan, kung saan siya namatay, kaysa ikompromiso ang pananampalatayang Unitarian, kahit na si Socinus, na isang Unitarian mismo, ay sinubukan siyang hikayatin na baguhin ang kanyang paninindigan sa Unitarianism upang mailigtas ang kanyang buhay). Ipinagkait sa kanila ang katayuan ng isang iglesia kahit na ang mga Judio ay binigyan ng gayong katayuan. Pinagkaitan sila ng access sa palimbagan at sa gayo'y ang kanilang mga sermon ay sulat-kamay sa istilong chain letter. Ang Inquisition ay walang awa sa pagsupil sa sistemang ito at, sa Kanluran, ang pangingilin ng Sabbath lamang ay sapat na upang sila ay ipapatay.

1544 CE

Ang Pagpupulong ng Iglesia sa Oslo ay muling naglabas ng babala noong 1436.

Ipinagbabawal sa ilalim ng parehong parusa na ipangiling banal ang Sabado sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagtatrabaho (History of the Norwegian Church etc., p. 401).

Ang ilan sa inyo, sa kabila ng babala, ay nangingilin ng Sabado. Dapat kayong maparusahan nang mabigat. Sinuman ang matagpuang nangingilin ng Sabado, ay kailangang magbayad ng multa na sampung marks (History of King Christian the Third, Niels Krag and S. Stephanius).

Kaya't malinaw, na ang pangingilin ng Sabbath ay naging malalim sa Norway, sa loob ng hindi bababa sa isang daang taon.

Ang Sabbatarianism at ang pag-unawa man sa ikapitong araw na Sabbath ay umiiral din sa Norway mula sa repormasyon, ayon sa mga komentong ginawa sa mga notasyon o pagsasalin: halimbawa tingnan ang Documents and Studies Concerning the History of the Lutheran Catechism in the Nordish Churches, Christiania, 1893; at gayundin ang Theological Periodicals for the Evangelical Lutheran Church in Norway, Vol. 1, Oslo, p. 184. Ang pangingilin ng Sabbath ay lumaganap din sa Sweden at patuloy na sinusupil.

Ang sigasig na ito para sa pangingilin ng Sabado ay nagpatuloy ng mahabang panahon: kahit na maliliit na bagay na maaaring magpalakas sa kaugalian ng pangingilin ng Sabado ay pinarusahan (Bishop Anjou, Svenska Kirkans Historis, (after) Motet i Upsala).

Ang kaugalian ay umabot sa Finland at si Haring Gustavus Vasa I ng Sweden ay sumulat sa mga tao ng Finland.

Noong nakaraan, narinig namin na ang ilang tao sa Finland ay nahulog sa isang malaking pagkakamali at pinangilin ang ikapitong araw, na tinatawag na Sabado (State Library at Helsingfors, Reichsregister, Vom. J., 1554, Teil BB leaf 1120, pp. 175-180a).

Gayunpaman, ang mga Iglesiang nangingilin ng Sabbath, ay nananatiling umiiral sa Sweden hanggang sa kasalukuyang panahon.

Sisikapin natin ngayon na ipakita na ang pagpapabanal sa Sabbath ay may batayan at pinagmulan sa isang kautusan na itinatag ng Diyos sa paglalang mismo para sa buong mundo, at kaya naman ito ay dapat sundin lahat ng tao sa lahat ng panahon (Evangelisten (The Evangelist), Stockholm, May 30 to August 15, 1863: organ of the Swedish Baptist Church).

1555 CE

Maraming mga Protestante (at mga nangingilin ng Sabbath) ang sinunog sa England.

1562 CE

Si Lelius Socinius ay pangunahing nanirahan sa Zurich ngunit siya ang pangunahing suporta ng partido, na nagtipon sa Cracow. Namatay siya noong 1562 at ang mga anti-Trinitarian ay dumanas ng pagkakagulo mula sa puntong ito. Noong 1570 naghiwalay ang Socinians at, sa impluwensya ni John Sigismund, nagtatag sila sa Racow.

1566 CE

Si Francis Davidis umano ang nagtatag ng Iglesiang Unitarian sa Transylvania. Gayunpaman ang sistemang Waldesian ay malalim na sa Silangan sa loob ng maraming siglo bago pa iyon.

1572 CE

St. Bartholomew's Day Massacre: maraming Huguenot sa France ang pinatay.

1574 CE

Inilabas ang Catechism ng mga Unitarian sa Poland.

1579 CE

Noong 1579 dumating si Faustus sa Poland dala ang mga papeles ng kanyang tiyuhin. Napag-alaman niyang nahahati ang sekta at noong una ay tinanggihan siya dahil hindi siya papayag sa ikalawang bautismo. Ang kanyang unang bautismo kung gayon ay bilang adult. Noong 1574 ang mga Socinian ay naglabas ng Catechism of the Unitarians. Ang kalikasan at pagiging sakdal ng Godhead ay inilarawan ngunit hindi binanggit ng dokumento ang mga banal na katangian, na itinuturing na mahiwaga (ng mga Katoliko). Si Cristo ay pinaniniwalaang ang ipinangakong tao at ang tagapamagitan ng sangnilikha. Sa panahong ito makikita natin ang pagtatatag ng kung ano ang sa katunayan ay radical Unitarianism o ang pagtanggi sa pre-existence ni Cristo.

Pinag-isa ni Faustus Socinius ang mga paksyon sa ilalim ng niya mula 1579. Inanyayahan siya sa Siebenburg (o Siebenburgen) upang kontrahin ang anti-Trinitarian na paninindigan ni Francis David (o Davidis) (1510-1579). Namatay si David sa Deva Castle kung saan siya nakulong dahil sa kanyang pananaw sa kalikasan ni Cristo. Ang Iglesia sa Siebenburg pagkatapos ng kamatayan ni Francis David ay pinamumunuan ni Andreas Eossi at ito ang Iglesia sa Silangang Europa kung saan ang mga miyembro ay mga inapo ng mga Waldensian. Alam natin nang walang duda na sila ay Unitarian (madalas na tinatawag na Arian ng mga Katoliko). Pinangilin nila ang Sabbath, mga Banal na Araw at Bagong Buwan at sila ang tunay na Iglesia ng Diyos sa Europa, na tinatawag nating panahon ng Tiatira (Tingnan ang mga araling : General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122) at The Role of the Fourth Commandment in the Historical Sabbath-keeping Churches of God (No. 170).)

Tumanggi si David na tanggapin ang kakaibang paniniwala ng Socinian na si Cristo, bagaman hindi Diyos, ay dapat sambahin. Ang Iglesia ng Diyos sa Europa ay hindi kailanman tinanggap na si Cristo ang layunin ng pagsamba o adorasyon. Ang pagtanggi sa pagsamba kay Cristo ang hindi nagbabagong pananaw ng Iglesia ng Diyos sa paglipas ng mga siglo, kabilang ang mga Waldensian kung saan bahagi ang iglesia sa Siebenburg. Ibinilanggo si David dahil sa pananaw na ito at namatay sa bilangguan. Itinala rin ni Hugh Pope na si Budnaeus ay inalis sa posisyon dahil sa pagkakaroon ng parehong pananaw kay David at itiniwalag noong 1584. Ang dalawang ito ay napagbagong-loob sa pananampalataya mula sa tinatawag na Orthodoxy.

Pinigilan ng mga Socinians sa panahong ito ang lumang cathechism at naglabas ng bago na pinamagatang Catechism of Racow, na bagaman binuo ni Faustus Socinius ay hindi nailathala hanggang 1605, ang taon pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ito ay unang inilathala sa Polish at pagkatapos ay sa Latin noong 1609.

Umunlad ang mga Socinian. Nagtatag sila ng mga kolehiyo, nagdaos ng mga synod, at nagmay-ari ng mga palimbagan kung saan gumawa sila ng maraming literatura. Ang literaturang ito ay tinipon ni Sandius sa ilalim ng pamagat na Bibliotheca Antitrinitarianorum. Ang mga akda ni Faustus ay tinipon sa akdang Bibliotheca Fratrum Polonorum.

Ang Iglesia ng Diyos sa Siebenburg, sa kabilang banda, ay tinanggihan ang katayuan ng isang iglesia at tinanggihan ang isang palimbagan. Sinulat ni Eossi ang kanyang akda ng sulat-kamay at kinopya ito ng mga katulong.

1579 CE

Ang iglesiang Unitarian ay nahahati sa dalawang bahagi pagkatapos ng kamatayan ni Davidis; Mga nangingilin ng Linggo at Sabbath. Tinanggap ni Andreas Eossi ang pananampalatayang Unitarian noong 1567. Hindi kuntento na itinuturo ng mga Unitarian ang lahat ng katotohanan sa Bibliya, nagsimula siyang masusing pag-aralan ang Bibliya. Itinuro niya ang mga sumusunod na doktrina sa kanyang mga tagasunod:

1. Ang Paskuwa, Mga Araw ng Tinapay na Walang Lebadura, Pentecostes, [ang mga Pakakak ay maling hindi naisama?] Araw ng Pagbabayad-sala, Kapistahan ng Tabernakulo, ang Huling Dakilang Araw.

Tandaan: ang Kapistahan ng mga Pakakak ay hindi nakalista sa Lumang Aklat ng mga Awit ng Sabbath sa ilalim ng sarili nitong kapistahan. Sa pahina 62-67 ng aklat ni Kohn (nailathala noong 1894) sinasabi tungkol sa hymnal na: Ang hymnal ay isinulat sa Hungarian nina [Andreas] Eossi, Enok Alvinczi at Johannes Bokenyi. Thomas Pankotai at Simon Pechi. ... Binubuo ito ng 102 Imno: 44 para sa Sabbath, 5 para sa Bagong Buwan, 11 para sa Paskuwa at Tinapay na Walang Lebadura, 6 para sa Kapistahan ng mga Sanglinggo, 6 para sa Tabernakulo, 3 para sa Bagong Taon, 1 para sa Pagbabayad-sala, 26 para sa pang-araw-araw na layunin. Tingnan ang The Sabbatarians in Transylvania (No. A_B2) at Ang mga Bagong Buwan ng Israel [132].

2. Ang Sampung Utos.

3. Ang mga Kautusan sa Kalusugan (hindi pagkain ng dugo, baboy, mga binitay na hayop).

4. Ang Milenyo na tatagal ng 1000 taon, at sa simula nito ay babalik si Cristo at muling titipunin ang Juda at Israel.

5. Ang paggamit ng banal na kalendaryo ng Diyos.

6. Dalawang magkaibang pagkabuhay na mag-uli: ang isa ay tungo sa buhay na walang hanggan sa pagdating ni Cristo; ang isa pa ay tungo sa paghuhukom sa katapusan 1000 taon.

7. Kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, ngunit kailangan pa ring sundin ang mga kautusan.

8. Ang Diyos ang tumatawag sa mga tao sa Kanyang katotohanan. Ang mundo sa pangkalahatan ay nabulag.

9. Si Cristo ang pinakadakila sa mga propeta, ang pinakabanal sa lahat ng tao, ang "Panginoong ipinako", "ang Kataas-taasang Ulo at Hari ng mga tunay na mananampalataya, ang lubusang minamahal at banal na Anak ng Diyos."

 

Ang Paglago ng Unitarianism

1600 CE

Sa Repormasyon, nagsimulang lumago ang Unitarianism at hindi lamang ito limitado sa mga nangingilin ng Sabbath. Sa madaling salita, hindi lahat ng Unitarian ay tunay na mga miyembro ng mga Iglesia ng Diyos gaya ng hindi lahat ng mga nangingilin ng Sabbath ay mga tunay na miyembro.

Ang terminong Unitarianism ay isang salitang Ingles na nagmula sa Latin na unitarius at ito ay unang ginamit ng isang legal na relihiyon noong 1600 (Encyclopedia of Religion and Ethics (ERE), art. ‘Unitarianism’, Vol. 12, p. 519). Ito ay partikular na itinatag sa paniniwala sa nag-iisang personalidad ng Diyos salungat sa orthodox doctrine ng Kanyang triune nature.

1604 CE

Sa Ethiopia, 1604 AD, naimpluwensyahan ng mga Jesuita si Haring Zadenghel na magmungkahi na magpasakop sa Papacy "Ipinagbabawal sa lahat ng kanyang nasasakupan, sa ilalim ng mabigat na parusa, na ipangilin pa ang Sabado."- Geddes’ Church History of Ethiopia, pahina 311 at gayundin sa Gibbon’s Decline and Fall of the Roman Empire, kabanata 47.

1608 CE

Ang mga Pilgrim Fathers, na mga Sabbatarian Unitarian ng Brownist movement, ay tumakas mula sa pag-uusig sa England patungong Amsterdam Holland, pagkatapos ay patungong Leyden at nanatili doon ng halos 12 taon (tingnan ang The Dutch Connection of the Pilgrim Fathers (No. 264)).

1620 CE

Dumating ang Mayflower sa Plymouth Rock, New England. Ang Pilgrim Fathers ay bumaba sa pampang. Sila ay inusig ng mga kalaunang dumating na Trinitarian sa America. Sa loob ng dalawampung taon kinailangan nilang tumakas at bumuo ng bagong kolonya sa Rhode Island. Kasunod nito walang awa silang inusig sa US sa ilalim ng kalaunang Blue Laws.

1618 CE

Ang 30 Taong Digmaan ay nagsimula sa Defenestration of Prague.

 

Ang Sabbath sa England

1618 CE

Noong 1618, isang matinding pagtatalo ang sumiklab sa mga English theologian kung ang Sabbath ng ikaapat na utos ay may bisa pa at, ikalawa, sa anong batayan ang unang araw ng sanglinggo ay nararapat ipangilin, bilang Sabbath (Haydn's Dictionary of Dates, art. ‘Sabbatarians’, p. 602). Si Mrs Traske, isang guro, ay nakulong noong 1618 sa loob ng labinlima o labing-anim na taon, sa Maiden Lane, isang bilangguan para sa mga hindi sumasang-ayon sa Iglesia ng England. Siya ay tumanggi na magturo sa Sabbath at magtuturo lamang ng limang araw sa isang linggo

1628 CE

Sa kabila ng mga pagtatangka ng Ingles na pigilan siya sinakop ni Cardinal Richelieu, ang punong ministro ni Louis XIII, ang kuta ng French-Protestant na La Rochelle at winasak ang kapangyarihan ng Huguenots.

1633 CE

Pinipilit ng simbahang Katoliko si Galileo na sabihin na ang araw ay umiikot sa mundo (World History Encyclopedia, Millennium Edition, p. 235).

1638 CE

Noong 1638 iginiit ng mga Katoliko na palayasin ang mga Socinian.

1642 CE

Nagsimula ang Civil War sa pagitan ng Hari at Parlamento. Mula sa panahong ito, nakita ng mga dibisyong panrelihiyon ang paglitaw ng Unitarian theology sa mga tao tulad nina Milton, Isaac Newton at iba pa. Si Cromwell ay naging simbolo ng mga sumasalungat sa dominasyon at pag-uusig ng Katoliko. Noong 1645 ay idineklara na isang malaking paglabag ang pagiging Sabbatarian o Unitarian.

1647 CE

Tinanong ni Charles I ang Parliamentary Commissioners at iginiit na ang pagsamba ng Linggo ay direktang nagmumula sa awtoridad ng Iglesia.

Sapagkat hindi matatagpuan sa Kasulatan na ang Sabado ay hindi na dapat ipangilin, o gagawing Linggo kung kaya't malamang na ang awtoridad ng Iglesia ang nagpabago sa isa at nagtatag sa isa pa (R. Cox, Sabbath Laws, p. 333).

Ang pagpapalagay dito ay ang pagtanggi sa papacy ay kinakailangang may kinalaman sa mga pagbabagong lubusang nakasalalay sa mga Konseho ng Iglesia para sa awtoridad, tulad ng pagsamba ng Linggo. Inilalagay ng lohika ang Protestantism sa isang mapanganib na katayuan. Kinilala ni Milton ang lohikang ito at sinabi:

"Tiyak na mas ligtas na sundin ang ikapito, ayon sa ipinahayag na utos ng Diyos, kaysa tanggapin ang una batay lamang sa haka-haka ng tao" (Sab. Lit. 2, 46-54).

1648 CE

Ang Treaty of Westphalia ang nagwakas sa 30 Taong Digmaan.

1661 CE

Ang mga Unitarian na nangingilin ng Sabbath ay mas naging hayag sa England noong ikalabing pitong siglo.

 

Ang Sabbath sa America

1664 CE

Ang pangingilin ng Sabbath ay halos nagdulot ng sapilitang paglipat sa America. Ayon kay Jas. Bailey, Stephen Mumford, ang unang nangingilin ng Sabbath sa America ay nagmula sa London noong 1664 (J. Bailey, History of the Seventh Day Baptist General Conference, pp. 237-238). Alam natin na ito ay hindi totoo dahil ang Pilgrim Fathers ay mga nangingilin ng Sabbath at sa gayon ang mga tagapagtatag ng mga kolonya sa America ay Sabbatarian Brownists. Noong 1671 ang Seventh Day Baptist ay humiwalay sa Baptist Church upang maipangilin ang Sabbath (tingnan ang Bailey, History, pp. 9-10). Gayunpaman, ang mga Pilgrim Fathers ay mula sa isang tradisyong nangingilin ng Sabbath (cf. ang araling The Dutch Connection of the Pilgrim Fathers (No. 264)). Gayundin tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122).

1671 CE

Itinatag ni Stephen Mumford (o Momford) ang Seventh Day Baptists sa Rhode Island.

1686 CE

Noong 1686, isang taon pagkatapos ng Edict of Nantes, nagpadala si Louis XIV ng liham sa kanyang pinsan, si Victor Amadeus II duke ng Savoy, na humihiling na usigin niya ang mga Waldensian, habang inuusig niya ang Huguenots, dahil sila ay tinutulungan ng mga Waldensian. Nang magsimula ang pag-uusig, ang mga Swiss Protestant sa Basle ay namagitan, na nag-alok sa mga Waldensian ng pagpapatapon sa Switzerland. Ang mga sugo ng Switzerland ay nagtagumpay, na pinaghirapan ng labis, upang hikayatin ang mga Waldensian na tanggapin ang pagpapatapong ito. Noong 9 Abril 1686 nilagdaan ng duke ang isang utos na nagpapahintulot sa pagpapatapon. Gayunpaman, sa kabila nito, ang ilang tumanggap ng pagpapatapon ay dinakip at ikinulong. Ang mga Waldensian ay lumaban pagkatapos ng paglabag na ito sa mga tuntunin. Nagsimula ang digmaan at sa pagtatapos ng taon, 9,000 ang napatay at 12,000 ang nabihag, karamihan ay namatay sa mga piitan ng Piedmont. May mga 200 na lang ang natitira sa kabundukan at nagpatuloy sila sa guerilla warfare hanggang sa wakas ay mapalaya na nila ang mga nakaligtas na bilanggo at ang kanilang ligtas na paglalakbay patungong Switzerland. 3000 nakaligtas ay pinalaya noong 1687. Naglakbay sila sa Alps patungo sa Geneva (karaniwang labindalawang araw na paglalakbay), at marami ang namatay sa niyebe. Ginawa ito sa kabila ng protesta ng mga Swiss, at ang mga batang wala pang labindalawa ay ikinulong upang turuan bilang mga Romano Katoliko. Ipinangalat sila hanggang sa Brabdenburg, Prussia, Wurtemberg at Palatinate, upang pigilan ang kanilang mga pagtatangkang bumalik.

1716 CE

Ipinagbabawal ng Emperador ng Tsina ang pagtuturo ng Cristianismo.

1738 CE

Ang mga nangingilin ng Sabbath ay pinamunuan ni Count Zinzendorf sa Moravia. Lumipat sila sa USA noong 1741.

1789 CE

Ang pagsupil sa Sabbatarianism ay nagpapatuloy sa bahagi ng Romania, Czecho-Slovakia at sa Balkan at ang Edict of Toleration ni Joseph II ay hindi sumasaklaw sa mga Sabbatarian, na ang ilan ay nawalan ng lahat ng kanilang mga ari-arian.

1808 CE

Inalis ni Napoleon ang Inquisition sa Italya at Espanya.

Itinala ni Roth ang pagbubukas ng Opisina sa Lisbon bago ito ginawang Opera House. Ang mga ulat mula sa mga nakasaksi (nakalimbag sa Annual Register ng 1821) ay walang dudang nagpapakita, na may mga labi ng tao na natagpuan sa mga piitan, na ginagamit (mula sa isang sulat sa isang pader ng piitan) hanggang 1809. Kabilang dito ang mga monghe na ang mga kasuotan ay natagpuan sa gitna ng labi ng tao at iba pa na nakahiga sa mga baitang ng mga piitan at sa gitna ng ebidensya ng pagpatay parehong luma at kamakailan, na ginawa roon (Roth, pp. 84-85).

Karaniwan ang pagkaantala ng tatlo hanggang apat na taon sa pagitan ng pag-aresto at paghatol at sa isang naitalang kaso ay lumipas ang labing-apat na taon. Ang mga buntis na babae ay kinaladkad sa tulos at ang pang-aabuso sa mga bilanggo, o marahil ang pakikipag-ugnayan sa kanila, ang nagtulak kay Cardinal Ximenes noong 1512 na pagbantaan ng kamatayan ang sinumang opisyal na matagpuang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga bilanggo. Ang gastos sa pagkakabilanggo ay binabayaran ng nasasakdal gaano man ito katagal. Isang halimbawa ng mga gastos na natamo sa apat na taong pagkakabilanggo ng isang madre sa Sicily, na pinawalang-sala at pinalaya noong 1703, ay binabayaran pa rin ng kanyang mga tagapagmana hanggang 1872 (Roth, p. 87). Karaniwan, ang mga ari-arian ay kinumpiska sa oras ng pag-aresto.

 

Huling Inquisition sa Papal States

 

Tingnan ang link: The Inquisitions of the Papal States

1823-1846 CE

Ang Huling Inquisition ay naganap sa taong 1823-1846. Hindi ito kasing-lawak ng mga naunang Inquisition dahil limitado lamang ito sa Papal States at ang populasyon mismo ang naglimita sa pagpatay. Gayunpaman, ang kalupitan nito at ang takot na naidulot nito sa mga tao ang naging dahilan ng pagwawakas ng Banal na Imperyong Romano.

Ang European Inquisitions ay nagsimula sa timog ng France noong ikalabintatlong siglo at natapos sa Papal States noong 1846. Sa pagitan ng 1823 at 1846, 200,000 katao sa Papal States lamang ang hinatulan ng kamatayan, habambuhay na pagkabilanggo, pagpapatapon o sa galleys, kasama ang 1.5 milyon na isinailalim sa pagsubaybay (tingnan Malachi Martin, The Decline and Fall of the Roman Church, p. 254 at ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122), p. 29 para sa mga sipi). Sinipi ni Roth ang kawalan ng pag-asa ng mga indibidwal mula pa sa simula noong ikalabintatlong siglo sa timog ng France.

1850 CE

1260 taon o panahon, mga panahon at kalahati ng isang panahon mula sa Pagtatatag ng Banal na Imperyong Romano sa ilalim ni Gregory 1. Sa wakas ay nakontrol na ang Inquisitions. Ang mga Rebolusyon sa Europa noong 1848 ang nagtapos sa paniniil. Ang kalaunang mamamayan ay bumoto na sumama sa Republika ng Italya at ang Banal na Imperyong Romano ay nagwakas.

Ang pangingilin ng Sabbath ay buhay at aktibo rin noong panahon ng paghihimagsik sa Taiping noong 1850.

Tingnan ang araling General Distribution of the Sabbath-keeping Churches (No. 122).

1894 CE

Ang Sultan, si Abdul Hamid, ay unang naglabas ng isang opisyal na patakaran ng pamahalaan para sa genocide laban sa mga Armenian ng Imperyo ng Ottoman noong 1894. Ang mga sistematikong massacre ay naganap noong 1894-1896 nang walang-awang pinatay ni Abdul ang 300,000 Armenian sa buong lalawigan.

 

Ang Dakilang Holocaust ng Ikadalawampung Siglo

Tingnan ang link: Badges of the Holocaust

1901 CE

Ang Konstitusyon ng Australia ay nagdeklara ng kalayaan sa relihiyon. "Ang Commonwealth ay hindi gagawa ng anumang batas para sa pagtatatag ng anumang relihiyon."

1905 CE

Winakasan ng Edict of Toleration ni Czar Nicholas ang ilang siglong lumang Russian Orthodox Persecutions na nagsimula noong 1441. Ang tumitinding pagtutol ay humahantong sa Rebolusyon, na hindi nalalayo, na nagsimula pagkaraan ng 12 taon noong 1917.

1909 CE

Pinatay ng mga hukbo ng pamahalaan ng Turkey ang mahigit 20,000 Cristianong Armenian sa bayan ng Adana lamang.

1914CE

WWI -nagsimula ang mga digmaan ng wakas.

Tingnan ang araling The Fall of Egypt The Prophecy of Pharaoh's Broken Arms (No. 036).

1915 CE

Ang susunod na hakbang ng Armenian Genocide ay nagsimula noong 24 Abril 1915 sa malawakang pag-aresto, at tuluyang pagpatay, sa mga pinuno ng relihiyon, politika at intelektwal sa Constantinople at sa ibang lugar sa imperyo. Pagkatapos sa bawat komunidad ng Armenian naganap ang isang masusing pagpaplano ng Genocide: Pag-aresto sa mga clergy at iba pang mga kilalang tao, pagkukumpiska ng mga armas sa populasyon at mga sundalong Armenian na naglilingkod sa hukbong Ottoman, paghihiwalay at pampublikong pagbitay sa mga pinuno at malalakas na kalalakihan, at ang pagpapatapon sa natitirang mga Armenian na mga babae, bata at matatanda sa mga disyerto. Nagsimula ang Genocide mula sa mga distrito ng hangganan at dalampasigan, at papaloob sa pinakamalalayong nayon. Mahigit 1.5 milyong Cristianong Armenian, kabilang ang mahigit 4,000 obispo at saserdote, ang napatay sa hakbang na ito ng genocide.

1916 CE

Ang Pitong beses o 2520 taon ng sistema ng Babilonia mula 605 BCE sa mga propetang sina Ezekiel (No. 036 at 036_2) at Daniel (F027iv at F027xiii) ay naisakatuparan na sa mga patayan sa Somme. Ang nakaplanong kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng UK at Germany noong 1916 ay isinantabi sa mga pamamagitan ng European Jews na ipinangakong makukuha nila ang tulong ng US kung ang British Empire ay magpapatuloy sa WWI at ideklara ang Jewish Homeland. Sumang-ayon ang UK at nabawi ng Australia ang Beersheba at Jerusalem alinsunod sa mga propesiya ni Habakuk (No. F021H) at Hagai (F021J) kasama ang Australian Light Horse, at pagkatapos ang buong Palestine noong 1917. Inilabas ang Balfour Declaration na nagdedeklara ng Jewish Homeland, at ang Panahon ng Kaguluhan para kay Jacob ay nagsimula. Ito ay sa dalawang bahagi ng apatnapung taon at nagpapatuloy hanggang 1996-7 sa pagtatapos ng Panahon ng mga Gentil. Ang panahon ng Holocaust ay sumasaklaw ng mahigit walumpung taon mula 1941-1945 sa Unang Holocaust hanggang 2021-2025 sa Ikalawang Holocaust mula sa Mga Digmaan ng Ikalima at Ikaanim na Pakakak at sa Imperyo ng Sampung Daliri ng Daniel (F027ii).

1917 CE

Nagsimula ang Russian Revolution. Ang Russian Orthodox ay inuusig na ngayon tulad ng pag-uusig nila sa mga tumututol sa kanila noon.

Balfour Declaration: Sinusuportahan ng Britanya ang tinubuang-bayan para sa mga Judio sa Palestine.

1920 CE

Si Joan of Arc ay na-canonized (idineklarang santo).

1922 CE

Noong 9 Setyembre 1922, ang Turks ay pumasok sa Smirna; at pagkatapos sistematikong patayin ang mga Armenian sa kanilang sariling mga tahanan, ang mga puwersa ni Ataturk ay hinarap ang mga Griyego na lumaki ang bilang sa pagdaragdag ng mga refugee na tumakas sa kanilang nayon sa loob ng Turkey hanggang sa mahigit 400,000 lalaki, babae at bata. Ang mga mananakop na Turks ay nagbahay-bahay, nagnakaw, nanloob, nanggahasa at pumatay sa populasyon. Sa wakas, nang magbago ang direksyon ng hangin patungong dagat upang di manganib ang maliit na Turkish quarter, ang mga pwersang Turkish, sa pangunguna ng kanilang mga opisyal, ay nagbuhos ng kerosene sa mga gusali at tahanan ng mga sektor ng Griyego at Armenian at sinunog ang mga ito. Kaya, ang sinumang natitirang mga naninirahan sa lungsod ay pinalabas upang maipit sa pagitan ng pader ng apoy at ng dagat. Ang pier ng Smyrna ay naging isang tagpo ng sukdulang kawalan ng pag-asa dahil sa papalapit na apoy ay pinilit ang libu-libo na tumalon sa kanilang kamatayan o matupok ng apoy.

1924 CE

1260 taon o isang panahon, mga panahon at kalahati ng isang panahon mula nang itatag ang dominasyon ng Catholic Trinitarian sa mga taong British o English-speaking sa Synod of Whitby.

Ang Armenian Holocaust ay nagsasangkot ng 1 milyon o higit pang napatay.

1927 CE

Ang mga Paulician ay matatagpuan pa rin sa Silangan noong ikalabinsiyam na siglo. Ang pangkat na ito ay aktibo pa rin sa ikadalawampung siglo. Ang kanilang mga inapo at ang mga Cristiano ng Armenia na may bilang na isang milyon o higit pa ang napuksa sa bahagi ng Armenia pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig hanggang 1924. Marahil ay nasa pagitan ng isang milyon at dalawang milyong Sabbatarian ang napuksa o “nawala” na lamang pagkatapos ipagbawal ang Bektashi Islam pagkatapos ng 1927. Ang prosesong ito ng pagpuksa ay nagpatuloy hanggang sa Holocaust sa Europa at hanggang 1953 at sa kamatayan ni Stalin.

Pagbabawal sa Bektashi Order noong 1927 nang magpasa ang Turkish State ng batas na nagbabawal sa Bektashi order ng Sufi Islam. Humigit-kumulang 5 milyong tao ang nawala na lamang sa panahong ito at mahigit isang milyong Cristianong Sabbatarian ang kabilang sa kanila.

1932 CE

Nagsimula ang Pag-uusig sa Ukraine sa ilalim ni Stalin at 12 milyon ang pinatay.

Ang mga Sabbatarian sa ilalim ng Russians ay ipinadala sa Siberia.

Ipinasa ng SA ang unang Kampo sa Lutheran Diaconate sa Hamburg noong Disyembre 1932. Tingnan ang link: Holocaust Timeline.

1933 CE

Hinirang ni Adolf Hitler ang Chancellor ng Germany. Ang unang opisyal na Nazi concentration camp ay binuksan sa Dachau.

 

Tingnan ang link: Camp List

1936 CE

Binuo nina Hitler at Mussolini ang Rome-Berlin Axis.

1938 CE

Kristallnacht (Gabi ng Basag na Salamin).

1939 CE

Ang WWII ay idineklara ng UK at British Commonwealth laban sa Germany at Italy at kalaunan ang Japan na pumasok sa panig ng Axis.

1941 CE

Pag-atake sa Pearl Harbor - Nagdeklara ng digmaan ang America sa Japan at Germany.

1944-5 CE

Nagpakamatay si Hitler, natapos ang WWII.

Tingnan ang Timetable ng Holocaust 1933-1945: Holocaust Timeline.

1947 CE

Ang Dead Sea Scrolls ay natuklasan sa mga kuweba sa Qumran, Jordan.

1953 CE

Namatay si Joseph Stalin.

Siya at ang sistemang itinatag niya ay pumatay ng 65 milyon sa Gulags ng Soviets.

1967 CE

Natapos ang 2300 gabi at umaga ng Daniel kabanata 8 (F027viii) at pinag-isa at naibalik sa Juda ang Jerusalem

 

 

 

⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛Ang mga Huling Araw⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛⌛

1978 CE

Ikaapatnapung Jubileo mula sa Mesiyas at ang ika-120 Jubileo mula noong pagbagsak ni Adan; at nagsimula na ang paglayo.

Ang mga SDA ay opisyal na naging Trinitarian pagkatapos ng kanilang pagtanggap at paghina mula sa pagkamatay ni Uriah Smith at sa mga aktibidad mula 1931.

1990-2001 CE

Ang patuloy na digmaan ng pagpuksa sa Karen sa Burma dahil sa sinasabi nilang sinaunang kaugnayan sa nawawalang sampung lipi.

Ang digmaan ng pagpuksa sa Kurds ay sistematikong nagpapatuloy.

1994 CE

Noong 7 Abril 1994, ang Hutu President noon, na si Juvenal Habariymana, ay napatay nang pabagsakin ang kanyang eroplano. Hindi pa natukoy kung sino ang may pananagutan sa gawain ngunit marami ang naniniwala na ito ay gawa ng Hutu extremists na tutol sa pagbabahagi ng kapangyarihan sa RPF. Sa parehong araw sa Kigali, ang natitirang pamahalaan ng Hutu extremist government ay ipinahayag, at nagsimula ang malawakang pagpuksa sa Tutsis at Hutu moderates. Bagaman hindi kailanman malalaman ang eksaktong bilang, tinatayang nasa 800,000 katao ang napatay sa loob ng humigit-kumulang 100 araw. Inalis ng UN ang lahat maliban sa 270 hukbo nito. Ang mga nanatili ay walang pahintulot na makialam sa mga pagpatay. Ang sukat at bilis ng pangyayari ay humantong sa isang matinding paniniwala na ang mga pagpatay ay lubhang organisado at may motibong pampulitika, at ang pagkamatay ng pangulo ay dahilan lamang upang magsimula ang mga pagpatay. Naipaalam sa UN ilang buwan bago pa man na may planong malawakang pagpatay ngunit hindi gumawa ng anumang mabisang aksyon sa impormasyon. Ang mga Tutsi na pinatay ay pinaniniwalaang mainstream Christian missionaries na posibleng mga inapo ng nawawalang sampung lipi ng Israel, at nagmula rin sa Unitarian Ethiopian Coptic Church mula pa noong pagbabagong-loob ng Ethiopian Eunuch sa pamamagitan ni Felipe c.31-34 CE.

Tingnan ang link: Africa

1995 CE

Ang Worldwide Church of God ay nagpahayag ng Trinitarianism pagkatapos ng pagtanggap.

Tingnan ang araling Binitarianism and Trinitarianism (No. 076).

1996 CE

Pagtatapos ng Panahon ng mga Gentil. 2000 taon o 40 jubileo mula sa kapanganakan ng Mesiyas.

Ika-3000 anibersaryo ng pagpasok ni David sa Jerusalem.

1997 CE

Ang Church of God (Seventh Day) ay nagpahayag na ito ay Binitarian at pagkatapos ay Trinitarian noong 1999.

(Ang Seventh Day Adventist movement ay pangunahin at opisyal din na Unitarian hanggang 1931 sa pagkamatay ni Uriah Smith at hanggang 1978).

Ang Theology ng Churches of God ay halos tuluyang nasakop ng heresiya ng Binitarians/Ditheism at Trinitarian. Malapit nang makumpleto ang propesiya ni Daniel sa pagdaig ni Satanas sa mga banal. Ang CCG na lamang ang nananatili sa orihinal na mga doktrina ng pananampalataya.

Tingnan ang araling The Unitarian/Trinitarian Wars (No. 268)

< http://english.ccg.org/weblibs/study-papers/P268.html>

1987-2027

Ipinahayag ang Pagsukat sa Templo.

1997-2027 CE

Tatlumpung Taon ng katapusan. Tingnan ang araling Ang Huling Tatlumpung Taon: ang Huling Pakikibaka [219].

1997-2028 CE

Inalis ang mga Prinsipe, Saserdote at Propeta. Tingnan ang araling Measuring the Temple (No. 137). Tingnan din ang pagkakasunod-sunod ng mga digmaan sa seryeng P141C, C_2, C_3, C_4; P141D, D_2, D_2B, D_3, D_3A, D_3B; P141E, E_2, E_2B, P141F, P141F_2, P141G, P141H.

2028 Magsisimula ang Milenyo

Ang Jubileo ay magaganap sa taong 24 at 74 BCE at 27 at 77 CE sa bawat siglo. Ang susunod na jubileo, ang ikaapatnapung jubileo mula sa ministeryo ng Mesiyas at ang ikaapatnapu't siyam na jubileo mula noong muling pagtatayo ng Templo at ang pagpapanumbalik ng Kautusan sa ilalim ni Ezra at Nehemias, ay nasa banal na taon ng 2027/8. Ang taong 2028 ang magsisimula ng Jubileo ng mga Jubileo at ang bagong milenyong paghahari ng Mesiyas bilang 1/50 (Tingnan ang mga araling: Reading the Law with Ezra and Nehemiah (No. 250); The Meaning of Ezekiel's Vision (No. 108); Timing of the Crucifixion and the Resurrection (No. 159); at Outline Timetable of the Age (No. 272).)

 

Ang Kalendaryo ng Diyos ay ganap na tumutugma sa Kanyang plano na isinagawa alinsunod sa kalendaryong iyon sa loob ng millennia. Ito ay ganap na naaayon sa Kanyang kautusan. Sa pagtanggap ng pagtutuwid hinahanap muna natin ang Kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran (Mat. 6:33) at gayundin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagkilala sa Nag-iisang Tunay na Diyos at kay Cristo na Kanyang sinugo (Juan 17:3). Ang hangarin ng Christian Churches of God na panghawakan mabuti ng bayan ng Diyos ang tagubiling ibinigay ng Ama, kay Cristo para sa Iglesia gaya ng pinatutunayan ng mga kasulatan (IThes. 5:21), sa gayon ay hinahangad ang ganap na pagpapanumbalik.

 

Malinaw sa nabanggit na kasaysayan na ang iglesia ay sistematikong inusig at winasak at ang mainstream Christian system ay nalasing sa dugo ng mga banal at martir sa loob ng maraming siglo gaya ng inihula sa Apocalipsis. Tingnan ang Komentaryo sa Apocalipsis [F066iv] na tumatalakay sa ika-5 Tatak

 

q