Christian
Churches of God
No. CB82
21-Araw na Yugto ng Pagpapabanal
(Edition 1.0 20090216-20090216)
Nilinis ni
Jesu-Cristo ang Templo sa Jerusalem bago ang Paskuwa bilang isang babala
at isang tanda sa atin na
tayo rin ay kailangang linisin ang Templo upang maging karapat-dapat na tumanggap ng tinapay at alak ng Hapunan ng Panginoon.
PO Box 369, WODEN
ACT 2606, AUSTRALIA
E-mail: secretary@ccg.org
(Copyright ã
2009 Christian Churches of God, ed.
Wade Cox)
This
paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with
no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright
notice must be included. No charge may
be levied on recipients of distributed copies.
Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews
without breaching copyright.
This paper is available from the World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org
21-Araw na Yugto ng Pagpapabanal
Ang Kalendaryo
ng Diyos ay nagbabalangkas
ng mga taunang araw ng pagsamba na ibinigay sa
atin nang detalyado sa Levitico
23 at Deuteronomio 16. Ang unang
araw ng Bagong Taon ang nagtatakda ng buong kalendaryo para sa isang taong yugto.
Ang unang araw na ito ay mahalaga
dahil ito ay isang Bagong Buwan, ngunit dahil din ito ang simula ng taunang yugto ng pagpapaging banal. Ang taunang yugto ng pagpapaging banal na ito ay tumatagal ng dalawampu't isang araw at ito ay nagtatapos sa huling
araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura.
Ang dalawampu't
isang araw sa unang buwan
ay sumasalamin sa dalawampu't isang araw na yugto
ng ikapitong buwan na nagsisimula sa Bagong Buwan ng mga Trumpeta at nagtatapos sa huling araw
ng Kapistahan ng mga Tabernakulo. Ating pagyayamanin pa ang konseptong ito sa aralin
Atonement and Reconciliation (No. CB140).
Taun-taon,
sa panahon ng Hapunan ng Panginoon, ang mga bautisadong adult ay nagpapanibago ng kanilang pangako sa bautismo.
Ipinapanibago nila ang kanilang pangako na unahin ang Diyos
at sundin ang Kanyang paraan ng pamumuhay na nakabalangkas sa Kautusan. Ito ay isang yugto na
tinitingnan natin ang ating
nakaraan at kasalukuyang pag-uugali at sinusubukang alisin ang kasalanan sa ating mga
isipan at gawa. Gayunpaman, hindi inaasahan ng Diyos na ang prosesong ito ay magtatagal lamang ng isang araw. Hindi rin Niya inaasahan na ang prosesong ito ay tututuon lamang sa indibidwal. Ang prosesong ito ng pagpapaging banal ay nagsisimula sa unang araw
ng Bagong Taon at nagtatapos
sa huling araw ng Tinapay na Walang Lebadura. Ito ay kabuuang Dalawampu't isang araw, o tatlong
pitong-araw na yugto at nagsasangkot ng higit pa sa indibidwal
na pagpapaging banal lamang.
Ano ang ibig
sabihin ng magpabanal o pagpapaging banal? Ang magpabanal
ay qadash (SHD 6942) at hagiazo (SGD 37). Kasama sa mga
kahulugan ang italaga, pabanalin, ihanda, ilaan, maging banal, maging hiwalay. Sa ibang salita, ito
ay nangangahulugang ibukod o ihiwalay sa masasamang
bagay, o gawing banal. Nangangahulugan
din ito na ilaan, maging dalisay
o malinis sa espirituwal na kahulugan.
Ang pagpapaging
banal ay resulta ng presensya
ng Diyos sa isang bagay o isang tao. Pinabanal ng Diyos ang Tabernakulo sa pamamagitan ng Kanyang presensya (Ex. 29:43);
ang ating mga anak ay pinabanal ng Diyos dahil sa
magulang na nananampalataya (1Cor. 7:14). Ang ating
bahagi sa proseso ng pagpapaging banal ay ihanda ang ating sarili para sa presensya ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aalis ng kasalanan. Ang bahagi ng Diyos ay manahan sa atin
sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu na ginagawa tayong
templo ng Diyos.
1 Corinto
3:16 Hindi ba ninyo nalalaman na kayo ay templo ng Diyos, at ang Espiritu
ng Diyos ay naninirahan sa inyo? (AB01)
Hindi niya
tayo maaaring ilagay sa templo hangga’t
hindi tayo maayos na naihahanda, at kung sa anumang pagkakataon
ay matagpuang hindi tayo karapat-dapat para sa templo, kinakailangan tayong alisin at muling hubugin sa labas ng templo,
bago tayo muling ibalik sa ating
tamang kalagayan (1 Hari.
6:7).
Pinabanal ng Diyos
ang ikapitong araw ng linggo at ginawa itong banal.
Genesis 2:3 At binasbasan
ng Diyos ang ikapitong araw at kanyang ginawang [qadash] banal, sapagkat sa araw
na iyon ay nagpahinga ang Diyos sa lahat ng gawain na kanyang ginawa.
(AB01)
Pinabanal ng Diyos
ang bansang Israel.
Exodo 31:12-13 At sinabi
ng PANGINOON kay Moises, “Sabihin mo
sa mga anak
ni Israel, ‘Inyong ipapangilin ang aking mga Sabbath, sapagkat ito'y isang tanda
sa akin at sa inyo sa buong
panahon ng inyong mga salinlahi, upang inyong makilala
na akong PANGINOON ang nagpapabanal [qadash] sa inyo. (Ab01)
Noong gabi bago
ipinako si Jesus sa krus, nanalangin
siya sa Diyos
Ama. Sa kanyang panalangin,
nanalangin siya na pabanalin ng Diyos, sa katotohanan,
ang mga taong nakakilala sa Diyos
at naniwala kay Jesu-Cristo.
Juan 17:14-19 Ibinigay ko sa kanila ang iyong
salita at napoot sa kanila ang sanlibutan,
sapagkat hindi sila taga-sanlibutan, gaya ko naman na hindi taga-sanlibutan. Hindi ko hinihiling na alisin
mo sila sa
sanlibutan, kundi ingatan mo sila
mula sa masama.
Hindi sila taga-sanlibutan,
na gaya ko na hindi taga-sanlibutan.
Pabanalin [hagiazo] mo sila sa
katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. Kung paanong ako'y iyong
sinugo sa sanlibutan, sila ay sinugo ko rin sa
sanlibutan. At dahil sa kanila'y pinabanal
[hagiazo] ko ang aking sarili, upang sila
naman ay pabanalin [hagiazo]
sa katotohanan. (AB01)
Tayo ay pinabanal
ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesu-Cristo.
Mga Gawa 26:15-18 At sinabi ko, ‘Sino ka ba, Panginoon?’ At sinabi ng Panginoon, ‘Ako'y si Jesus na iyong
pinag-uusig. Subalit bumangon ka, at ikaw ay tumindig sapagkat sa layuning ito
nagpakita ako sa iyo, upang
italaga kang lingkod at maging saksi sa
mga bagay na nakita mo sa
akin at sa mga bagay na ipapakita ko pa sa iyo. Ililigtas
kita sa mga
kababayan mo at sa mga Hentil,
na sa kanila'y
isinusugo kita, upang buksan ang kanilang mga mata,
at sila'y magbalik mula sa kadiliman
tungo sa liwanag at mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Diyos, upang
makatanggap sila ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng isang pook sa piling ng mga ginawang banal[hagiazo] sa pamamagitan
ng pananampalataya sa
akin.' (RSV)
Ang presensya
ng Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu,
ang siyang nagpapabanal sa templo at ginagawa
itong banal. Ito ay tumutukoy
sa kapwa pisikal na mga
templo at espirituwal na mga templo,
na tayo iyon.
Ang proseso
ng pagpapaging banal ay nagsisimula
sa unang Bagong Buwan ng taon. Ang simula ng Bagong Taon ay makahulugan sa maraming paraan. Ang lupa ay naibalik sa ilalim ni
Noe sa Unang Araw ng Unang Buwan.
Genesis 8:13 At nang
taong ikaanimnaraan at isa,
nang unang araw ng unang buwan,
ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa.
Inalis ni Noe ang takip ng daong at tumingin siya, at nakita niyang ang ibabaw ng lupa ay natuyo na. (AB01)
Si Moises ay inutusan
na itayo ang Tabernakulo sa unang araw ng unang
buwan.
Exodo 40:1-2 At nagsalita
ang PANGINOON kay Moises na sinasabi,
“Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng toldang tipanan.” (AB01)
Ang pagpapanumbalik
sa ilalim ni Hezekias ay nagsimula sa unang
araw ng Bagong Taon.
2 Cronica
29:12-17 At tumindig ang mga
Levita, si Mahat na anak ni Amasai, at si Joel na anak
ni Azarias, mula sa mga anak
ng mga Kohatita; at mula sa mga
anak ni Merari, si Kish na anak
ni Abdi, at si Azarias na anak ni
Jehalelel; mula sa mga Gershonita,
si Joah na anak ni Zima, at si Eden na anak
ni Joah; at sa mga anak ni
Elisafan, sina Simri at
Jeiel; sa mga anak ni Asaf, si
Zacarias at si Matanias; sa mga anak
ni Heman, sina Jeiel at
Shimei; at sa mga anak ni Jedutun,
sina Shemaya at Uziel. Tinipon nila ang kanilang mga kapatid,
at nagpakabanal, at pumasok
ayon sa utos
ng hari, sa pamamagitan ng mga salita ng PANGINOON, upang linisin ang bahay ng PANGINOON.
Ang mga pari ay pumasok sa loob
na bahagi ng bahay ng PANGINOON upang linisin ito, at kanilang inilabas ang lahat ng karumihan na kanilang
natagpuan sa templo ng PANGINOON tungo sa bulwagan ng bahay ng PANGINOON. At kinuha ito ng mga Levita at inilabas ito sa
batis ng Cedron. Sila'y nagpasimulang
magpakabanal sa unang araw ng unang
buwan, at sa ikawalong araw ng buwan ay pumunta sila sa portiko
ng PANGINOON. Pagkatapos ay kanilang
itinalaga ang bahay ng
PANGINOON sa loob ng walong araw; at sa ikalabing-anim na araw ng unang
buwan ay nakatapos sila. (AB01)
Ibinigay din sa atin ang halimbawa ni Jesu-Cristo na nililinis ang Templo sa Jerusalem
bago ang kanyang pagpapako sa krus.
Alam natin mula sa tiyempo ng kanyang pagdating sa Jerusalem sa ika-8 araw ng unang buwan na
nililinis ni Jesus ang
Templo sa loob ng Dalawampu't isang araw ng Pagpapaging Banal.
(Tingnan ang aralin na Timing of the Crucifixion and the Resurrection (No. 159).)
Alam natin na
ngayon itinuturing ng Diyos ang bawat isa sa mga hinirang
bilang bahagi ng espirituwal na templo (1 Cor. 3:16-17; 6:19). Kahit na
hindi pa tayo nabautismuhan,
kailangan pa rin nating makibahagi sa proseso ng pagpapaging
banal upang tayo ay natututong
sumunod sa mga paraan ng Diyos
at binibigyan ng pang-unawa.
Ang Katawan
ni Jesu-Cristo, bilang pinagsamang Templo ng Diyos, ay dapat pabanalin bago tumanggap ng Paskuwa. Gaya ng tinalakay kanina, ang presensya ng Diyos ang nagpapabanal sa templo at ginagawa
itong banal. Gayunpaman,
maraming mga halimbawa sa Bibliya kung saan hinihiling din ng Diyos sa mga
tao na pabanalin
ang mga bagay-bagay.
Hiniling ng Diyos,
sa pamamagitan ng Anghel ng
Presensya, kay Moises na pabanalin ang Israel.
Exodo 19:10-11 Sinabi ng PANGINOON
kay Moises, “Pumaroon ka sa
bayan at italaga [SHD 6942 qadash]
mo sila ngayon
at bukas, at labhan nila ang kanilang mga kasuotan, at humanda sa ikatlong
araw, sapagkat sa ikatlong araw
ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai. (AB01)
Sinabi rin niya kay Moises na pahiran si Aaron at pabanalin siya.
Exodo 40:12-13 Iyong dadalhin
si Aaron at ang kanyang mga anak sa
pintuan ng toldang tipanan, at iyong huhugasan ng tubig. Iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuotan; at iyong bubuhusan siya ng langis at iyong pababanalin [qadash] siya, upang
ako'y mapaglingkuran niya bilang saserdote.
(AB01)
Nakialam si Hezekias upang pabanalin ang Israel.
2 Cronica
30:17-20 Sapagkat
marami sa kapulungan na hindi
nagpakabanal ng kanilang sarili; kaya't kailangang patayin ng mga Levita ang kordero ng paskuwa para sa bawat isa na hindi
malinis, upang iyon ay gawing banal sa PANGINOON. Sapagkat napakarami sa mga
tao, marami sa kanila ay mula
sa Efraim, Manases, Isacar,
at sa Zebulon, ang hindi naglinis ng kanilang sarili, gayunma'y kumain sila ng kordero ng paskuwa na hindi ayon
sa ipinag-utos. Sapagkat idinalangin sila ni Hezekias,
na sinasabi, “Patawarin nawa ng mabuting PANGINOON ang bawat isa,
na nagtatalaga ng kanyang puso upang hanapin ang Diyos, ang PANGINOONg Diyos ng kanyang mga ninuno,
bagaman hindi ayon sa kautusan
ng santuwaryo hinggil sa paglilinis.” Pinakinggan ng PANGINOON si Hezekias, at pinagaling ang taong-bayan. (AB01)
Pinapabanal natin ang ating
sarili kapag sundin natin ang mga Kautusan ng Diyos at tumalima sa mga
ito.
Levitico 11:44-45 Sapagkat
ako ang PANGINOON ninyong Diyos, kaya't pakabanalin
[sanctify] ninyo ang inyong
mga sarili, at kayo'y maging banal, sapagkat ako ay banal. Huwag ninyong durungisan
ang inyong mga sarili sa pamamagitan
ng anumang umuusad sa ibabaw ng lupa.
Sapagkat ako ang PANGINOON na naglabas sa
inyo mula sa lupain ng Ehipto,
upang maging inyong Diyos; kayo nga'y magpakabanal, sapagkat ako'y banal."
(AB01)
Ang mga lipi at ang mga bansa ay pinababanal ng ating mga gawa
katulad ng tayo ay pinabanal
ni Cristo at ng kanyang mga gawa (Heb
10:10).
Si Job ay kumilos
din upang pabanalin ang kanyang pamilya nang siya ay maghandog
ng pamamagitan para sa mga simple at nagkakamali.
Job 1:4-5 Ang kanyang mga anak na
lalaki ay laging nagtutungo at nagdaraos ng pagdiriwang sa bahay ng bawat isa sa kanyang araw;
at sila'y nagsusugo at inaanyayahan ang kanilang tatlong kapatid na babae upang
kumain at uminom na kasalo nila.
Pagkatapos ng mga araw ng kanilang pagdiriwang, sila ay ipinasugo ni Job at pinapagbanal. Siya'y maagang bumabangon sa umaga at naghahandog
ng mga handog na sinusunog ayon
sa bilang nilang lahat, sapagkat sinabi ni Job, “Maaaring ang aking mga anak ay nagkasala,
at sinumpa ang Diyos sa kanilang mga
puso.” Ganito ang palaging ginagawa ni Job. (AB01)
Kapag pinabanal
natin ang iba o ang ating sarili, naghahanda tayo para sa presensya ng Diyos.
Tatlong Pitong Araw na Yugto:
Ang taunang
21-araw na yugto ng pagpapakabanal ay maaaring hatiin sa tatlong
pitong araw na yugto.
Ang pangunahing
yugto ay nagsisimula sa unang Bagong Buwan at nagtatapos sa ika-7 araw ng unang buwan,
na siyang araw ng pag-aayuno. Ang unang yugto ito
ay kung kailan natin sinisimulang linisin
ang templo (ang ating sarili), ngunit isinasaalang-alang din natin ang mga
bansa sa mundo at ang kanilang pangangailangang mapabanal. Dati,
ang proseso ng pagpapabanal
sa bansa ay nakasalalay sa mga anak ni
Levi (ang mga saserdote),
at pagkatapos sa pisikal na kahulugan
sa mga anak
ni Zadok. Ang tungkuling ito ngayon ay nakasalalay
sa Iglesia bilang pagkasaserdote ni Melquisedec. Sa
Joel, ipinapakita sa atin ng Bibliya na ang pag-aayuno ay isang paraan ng pagpapabanal at pakikipagkasundo
ng Israel sa Diyos.
Joel 1:14 Magtakda
kayo ng pag-aayuno, tumawag
kayo ng isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang matatanda at ang lahat
ng naninirahan sa lupain sa bahay
ng PANGINOON ninyong Diyos,
at dumaing kayo sa
PANGINOON. (AB01)
Sa Ikapitong
Araw ng Unang Buwan, lumalapit tayo sa ating Ama upang
manalangin para sa mga payak o mangmang
sa gitna ng ating bayan na hindi nakikilala ang mga daan ng Diyos
at hindi kayang papagbanalin ang kanilang mga sarili (Ezek. 45:18-20; Heb.
5:1-2).
Ezekiel 45:18-20 "Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sa unang araw ng unang
buwan, kukuha ka ng batang toro na walang kapintasan; at iyong lilinisin ang santuwaryo. At ang pari ay kukuha ng dugo ng handog pangkasalanan, at ilalagay sa mga
haligi ng pintuan ng templo, sa apat
na sulok ng patungang dambana, at sa mga haligi
ng pintuan ng pinakaloob ng
bulwagan. Gayundin ang iyong gagawin sa
ikapitong araw ng buwan para sa bawat
nagkakasala dahil sa pagkakamali o kawalang-malay; gayon ninyo tutubusin ang bahay. (AB01)
Mga Hebreo
5:1-2 Bawat pinakapunong pari na pinili
mula sa mga
tao ay pinangasiwa sa mga bagay na
may kaugnayan sa Diyos, para sa kanilang kapakanan, upang siya'y makapaghandog
ng mga kaloob at ng mga alay para sa
mga kasalanan. Siya ay marunong makitungo na may kaamuan sa mga mangmang
at naliligaw, yamang siya man ay napapaligiran ng kahinaan. (AB01)
Ang pagpapabanal
sa loob ng Iglesia ay ang proseso ng pagkatalaga ng sarili sa Diyos
sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno habang pinag-aaralan ang Kanyang salita. Itinuturo sa atin
ng Kasulatan na kalagin ang mga gapos ng kasamaan, alisin ang mabibigat na pasan, palayain
ang mga naaapi, at wasakin ang bawat pamatok, upang ang ating bayan ay mapagkasundo sa ating Diyos
at Ama. (cf. Isa. 58:6-12).
Maaari tayong
mag-ayuno at manalangin
para sa mga hindi pa nababautismuhan at sa mga hindi
nakakakilala sa Diyos at sa Kanyang
daan ng buhay. Tayo ay nag-aayuno para sa mga hindi maasahang
papagbanalin ang kanilang mga sarili. (Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang aralin na Sanctification of the Simple and Erroneous (No. 291).) Tayo ay naghahandog
ng ating mga buhay para sa ating
mga kapatid sa makahulugang paraan sa pamamagitan
ng pag-aayuno at panalangin,
upang dalhin ang lahat ng tao sa pagkakilala
sa Diyos, nang sa gayon
Siya ay maging lahat sa
lahat.
Nang tumayo
si Moises sa tabi ng Israel
at itinaas ang kanyang mga kamay, nangailangan
din siya ng tulong. Tumayo sina Aaron at Hur sa tabi niya at inalalayan ang kanyang mga kamay sa
itaas ng kanyang ulo at tumulong na iligtas
ang Israel sa pamamagitan
ng kanilang pakiusap (Ex.
17:8-13). (Tingnan ang aralin na
Moises at ang mga Israelita
Lumipat sa Sinai [CB040] para sa detalyadong kuwento.) Kaya naman,
ibinigay tayo kay Cristo upang
tumulong na iligtas ang Israel at dalhin ito sa katuwiran.
Gumagamit ang Diyos ng mga tao upang
isakatuparan ang Kanyang gawain bilang isang
aral para sa paglago at pag-unlad.
Ilan sa
maraming bagay na ipapanalangin
sa panahon ng pag-aayunong ito ay ang: maraming
mabigyan ng kaloob ng pagtawag ng Diyos at ibuhos sa kanila
ang kapangyarihan ng Banal na
Espiritu; magkaroon tayo ng pagkakataong
turuan nang wasto ang mga tao
sa Daan ng Diyos at maibalik ang mga tao sa tunay
na Pananampalataya; magawa nating ayusin
ang sirang pagkakaunawaan
at maibalik ang landas ng katuwiran; hindi mahadlangan ang gawain ng panunumbalik ng mga naglalabang huwad na propesiya at mga doktrina; bigyan
ng pagpapalakas ang mga miyembro at mga pinuno ng lahat ng mga Iglesia ng
Diyos; magkaroon ng kapayapaan at kalayaan sa lahat ng tao; at mailayo ang lahat sa Masamang Isa (cf. Lk. 11:1-4). (Kinuha
mula sa Passover Calendar 2000 (A_P2009).)
Tayo ay pinapaalalahanan
na: "Ang panalangin ng
taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa"
(Sant. 5:16; 2 Cron. 30:18-20).
Pangalawang Pitong Araw na
Yugto (ika-8 araw hanggang ika-14 na araw)
Mula sa Ikawalong Araw hanggang sa Ikalabing-apat na Araw ng Unang Buwan, dapat tayong patuloy na magtuon sa
ating personal na pangako sa Diyos.
Ito ay isang yugto ng pagmumuni-muni at isang panahon upang alalahanin
kung ano ang ating mga prayoridad at ito ay nagtatapos sa Hapunan ng Panginoon
sa Ikalabing-apat. Dapat nating unahin ang Diyos, pangalawa ang pamilya, at pangatlo ang trabaho/paaralan/libangan. Maaari nating balikan sa ating isipan
kung paano tayo noong nakaraang taon, at kung ano ang maaari nating gawin nang
iba para sa darating na taon.
Halimbawa, maaari nating isipin ang ating mga gawi
sa pananalangin at pag-aaral at mga paraan kung paano natin mapapabuti ang mga ito sa susunod
na taon.
Ang ikalawang
pitong-araw na yugtong ito ay kinabibilangan ng ika-10 araw ng buwan. Ito ang araw na hiniling ng Diyos sa Israel na pumili ng kanilang
kordero ng Paskuwa at ibukod ito. Kinailangan
itong maging isang perpektong lalaking kordero na unang taon
(Ex. 12:3-5). Ang korderong ito
ng Paskuwa ay isang pisikal na representasyon
ni Jesu-Cristo na ibinukod bilang ating Kordero ng Paskuwa. Ang korderong isinakripisyo noong gabi ng Paskuwa ay isang halimbawa kung paano darating si Jesu-Cristo at magiging ating korderong handog.
1 Pedro 1:18-21 Nalalaman
ninyong kayo'y tinubos mula sa
inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana
ninyo sa inyong mga ninuno,
hindi ng mga bagay na nasisira, tulad
ng pilak o ginto, kundi ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa korderong
walang kapintasan at walang dungis. ay itinalaga na nang
una bago itinatag ang sanlibutan, ngunit inihayag sa mga huling
panahon dahil sa inyo. Sa pamamagitan
niya ay nanampalataya kayo sa Diyos, na
bumuhay sa kanya mula sa mga
patay at sa kanya'y nagbigay ng kaluwalhatian, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nakatuon sa Diyos. (AB01)
Ang Ikasampung
Araw ng Unang Buwan ay isang magandang
panahon para magtuon tayo sa ating relasyon
kay Jesu-Cristo. Siya ang ating Dakilang
Saserdote (Heb 4:14), ating kapatid (Rom 8:16-17) at ating malapit nang
dumating na hari (Jer. 23:5).
Kailangan nating tandaan na tayo ay pinababanal sa pamamagitan ng dugo ni Jesu-Cristo. Ang kanyang sakripisyo ang nagbigay sa atin ng pagkakataon
sa buhay na walang hanggan.
Ang huling
araw ng ikalawang pitong-araw na yugto ay ang Ikalabing-Apat na Araw ng Unang Buwan. Sa pagsisimula
ng Ikalabing-Apat na Araw
ng buwang ito ay ginaganap ang Hapunan ng Panginoon. Ito ay isang serbisyo na inilalaan
para sa mga nabautismuhang adult kung saan sila ay nagmumuni-muni tungkol sa kanilang
pagtawag, bautismo, at pagtatalaga sa Nag-iisang Tunay na Diyos. Ito ang panahon kung kailan ang mga bautisadong adult na miyembro ng Iglesia ay nakikibahagi
sa taunang paghuhugas ng paa (Juan 13:1-5) at kumakain ng tinapay at umiinom ng alak (sumasagisag o kumakatawan sa katawan at dugo ni Cristo). Ang serbisyo ay para lamang sa mga
bautisadong miyembro dahil ito ay panahon
ng pagpapanibago ng tipan sa bautismo. (Tingnan ang aralin na The Lord’s Supper (No. CB135)). Mahalagang
makibahagi ang mga bautisadong miyembro sa taunang proseso
ng pagpapaging banal habang
inihahanda nila ang kanilang sarili para sa serbisyo ng Hapunan ng Panginoon.
Huling Pitong Araw na Yugto (ika-15 araw - ika-21 araw)
Ang proseso
ng pagpapaging banal ay hindi
nagtatapos sa mga serbisyo ng Hapunan ng Panginoon. Ang dalawampu't isang araw ng pagpapaging banal ay nagpapatuloy hanggang sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura at nagtatapos sa huling araw
ng Kapistahan. Ang Kapistahang
ito ay naglalarawan ng kaligtasan ng bansang Israel at
ng buong planeta. Ipinakita sa atin
ng Diyos na sa pamamagitan ng paglabas ng Israel sa Ehipto, ilalabas din Niya tayo sa kasalanan. Sa hinaharap, ilalabas ng Diyos ang lahat sa planeta mula sa
kasalanan.
Ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura (ika-15) ay isang banal na araw at ang huling araw ng Tinapay na Walang Lebadura (ika-21) ay isa ring banal na
araw. Ito ang ikatlong yugto ng pitong araw sa panahon
ng pagpapaging banal. Ito ay panahon
para sa Iglesia na magkasama-sama, at magtulungan sa ating patuloy
na pangako sa Diyos at sa
isa't isa. Tayo ay naglalakbay
palayo sa ating mga tahanan
upang ipaalala sa ating sarili
na tayo ay dapat lumabas sa espirituwal
na Ehipto (kasalanan) at italaga ang ating sarili sa
paraan ng pamumuhay ng Diyos. Ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang yugto ng pagpapaging banal hanggang sa Kapistahan
ng Tinapay na Walang Lebadura ay dahil ito ay isang pagkakataon
para sa Iglesia na maghanda para sa pagpapanibago ng kapangyarihan ng
Banal na Espiritu sa Pentecostes.
Ang dalawampu't
isang Araw ng Pagpapaging
Banal ay nagsisimula sa isang Bagong Buwan at nagtatapos sa isang banal na araw, at ang kahalagahan nito ay sinasalamin ng mga gawain ng Ikapitong buwan. Kabilang dito ang tatlong pitong-araw na yugto na umuunlad
mula sa pagpapaging
banal ng mga bansa (pag-aayuno para sa mga simple at nagkakamali sa ika-7) hanggang sa pagpapaging banal ng indibidwal (pakikibahagi sa Hapunan ng Panginoon
sa ika-14) at sa huli ay isang pitong-araw
na yugto ng pagpapaging banal ng grupo na tinatawag na
Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Ang taunang yugtong ito ng pagpapaging banal ay ating obligasyon upang ipakita ang pag-ibig sa ating
kapwa, pag-ibig sa ating relasyon
sa Diyos/ating sarili, at pag-ibig sa Katawan
ni Jesu-Cristo.
q