Mga Cristianong Iglesia ng Diyos

[106a]

 

 

 

Ang Luma at Bagong Lebadura [106a]

 

(Edition 1.1 19980101-19980101)

 

Ang Simbolo ng lebadura sa Bagong Tipan ay ginagamit kaugnay sa luma at Bagong Lebadura; kailangan natin alisin ang isang uri ng lebabura at palitan ng iba, Ang simbolo ay may mahalagang espiritual na kahulugan para sa Christiano. Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay naunawaan sa ganitong kalinaw na pagpapalit ng lebadura ng masamang hangarin at kasamaan, sa lebadura ng katapatan at katotohanan. Meron din lebadura na mga inaalay sa Pentecoste, at ito din ay may simbolo ng Banal na Espiritu.

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

E-mail: secretary@ccg.org

 

 

(Copyright 1995, 1997 Wade Cox)

(tr. 2001)

 

Ang babasahing ito ay malayang makopya at maibahagi kung ito ay kukuhain ng buo na walang babaguhin o aalisin. Dapat na isama ang pangalan ng tagapaglathala at iba pang impormasyon na nakapaloob dito. Walang bayad na dapat ipataw sa mga mambabasa at makatatanggap ng babasahing ito.

Ang babasahing ito ay makikita sa World Wide Web page:

http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 


Ang Luma at Bagong Lebadura [106a]

 


Ang pagkaunawa sa kasalanan, na ang pagkakasala ay ang pagsuway sa kautusan.

 

1Juan 3:4 Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.

 

Rom. 5:12-14  Kaya kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: ngunit hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan. 14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moses, kahit doon sa hindi nangagkasala man tulad sa pagsalangsang ni Adan, na siyang anyo niyaong darating.

 

Si Cristo’y pinatay buhat ng matatag ang sanglibutan.

 

Apoc.13:8 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya (Hayop 0 Beast), na ang kani-kaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.

 

Samakatuwid, mayroon ng kasalanan buhat ng matatag ang sanglibutan tulad ng pagkatawag sa atin. Ang pagkakatalaga ng hinirang ay makikita sa Roma 8:28-30.

 

Roma 8:28-30 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisi-ibig sa Diyos, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa. 29 Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid: 30At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya.

 

Ang kautusan ay ang Sampung Utos, at lahat ng mga dumadaloy doon ay batas na inilatag ng Diyos sa pamamagitan ng Cristo bilang anghel sa Sinai noong itoy maibigay kay Moses. Ang utos ay matatagpuan sa Lumang Tipan at itoy sa gayon nakatugma sa Bagong Tipan. Ang mga gawa ng kautusan o Ergon Nomou na binabanggit ni Paul sa Galatia 2 at 3 ay isang partikular na kabuoan ng pagtuturo sa mga secta ng sinaunang siglo. Tinawag na Miqsat Ma’ase Ha-Torah o MMT. Sa maigsing salita, mga gawa ng kautusan na naiiba mula sa mga kung ano ang nauunawaan natin tulad ng sa sampung utos. Hindi natin maaring isang-tabi ang mga pahayag ni Paul. (tingnan  ang mga babasahing naglilinaw dito; Distinction in the Law [096], Love and the Structure of the Law [104] and The Relationship Between Salvation by Grace and the Law [082].

 

Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan mula sa pagsuway sa kautusan.

 

Roma 6:23  Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

 

Sa pamamagitan ng kautusan ay namamalayan natin ang kasalanan. Ang kautusan ang magpapatahimik sa bawat bibig at pananagutan ang lahat sa Diyos.

 

Roma 3:19-20 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Diyos: 20Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakakilala ng kasalanan.

 

Ang kasalanan samakatuwid ay mamamalayan mo mula sa kautusan. Ngunit ang kautusan ay banal, matuwid at mabuti dahil itoy sumisibol mula sa katangian ng Diyos (tingnan ang babasahing papel na The Government of God [174]).

Roma 7:9-12 At nang isang panahon akoy nabubuhay na walang kautusan: datapuwa’t nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at akoy namatay; 10 At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong itoy sa ikamamatay; 11 Sapagka’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako. 12 Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.

 

Ang hatol na igagawad sa pagsuway ng kautusan ay nadaig sa pagbibigay-katarungan ni Cristo.

Roma 5:18  Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay.

 

Ang utos ay hindi sumasalungat sa pangako ng Diyos. Ang pangako ay pinagkakaloob, bagama’t sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, na ating tagapamagitan, doon sa mga naniniwala.

 

Galatia 3:20-22  Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa’t ang Diyos ay isa. 21 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Diyos? Huwag nawang mangyari: sapagka’t kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan. 22 Datapuwa’t kinulong ng kautusan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay JesuCristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.

 

1Timoteo 2:5  Sapagka’t may isang Diyos at may isang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si JesuCristo, 6 Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling  kapanahunan.

 

Hindi ang mga nakakarinig ng kautusan ang siyang matuwid kundi ang mga sumusunod. Hindi iyong mga nakarinig ng unang utos at pinarami ang Diyos katumbas sa isang Diyos, o ang mga hindi nangingilin ng Sabado, subalit sa ibang araw, o iyong gumagawa ng mga inukit na imahen, o masuwayin sa magulang, o mapag-imbot sa kapakinabangan ng iba, o nagsisinungaling o nagnanakaw. Kundi ang mga umiibig sa Diyos, sa kanyang mga kautusan at sa bawat isa.

 

Mga Awit 119:1-16 Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. 2 Mapalad silang nangag-iingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. 3 Oo silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; silay nagsisilakad sa kaniyang mga daan. 4Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. 5 Oh, matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!

6Hindi nga ako mapapahiya, pagka akoy nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. 7 Akoy magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, 8 Aking tutuparin ang mga palatuntunan: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. 9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. 10 Hinahanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. 11 Ang salita moy aking iningatan sa aking puso: Upang huwag akong magkasala laban sa iyo. 12 Mapalad ka, Oh Panginoon: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 13 Aking ipinahayag ang aking mga labi. Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. 14 Akoy nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, Na gaya ng lahat na kayamanan. 15 Akoy magbubulay sa iyong mga tuntunin, At gagalang sa iyong mga daan. 16 Akoy mag-aaliw sa iyong mga palatuntunan: Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

 

Mga Awit 119:97-106  Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. 98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; Sapagkat mga laging sumasa akin. 99 Akoy may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; Sapagkat ang iyong mga patotoo ay gunita ko. 100 Akoy nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, Sapagkat aking iningatan ang mga tuntunin mo. 101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, Upang aking masunod ang salita mo. 102 Akoy hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; Sapagkat iyong tinuruan ako. 103Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo matamis kay sa pulot sa aking bibig! 104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: Kayat aking ipinagtatanim ang bawat lakad na sinungaling. 105 Ang salita moy ilawan sa aking mga paa, At liwanag sa aking landas. 106 Akoy sumumpa, at pinagtibay ko, Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. 

 

Roma 2:12-16  Sapagkat ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangagpapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan; 13 Sapagkat hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Diyos, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap; 14 (Sapagkat kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili; 15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pag-iisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isat-isa); 16 Sa araw na hahatulan ng Diyos ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni JesuCristo.

 

Ang Banal na Espiritu at ang kaloob ng Diyos ay hindi tayo ginawang malaya sa pananagutan sa pagtupad ng kautusan.

Roma 6:15-18  Ano nga? Mangagkakasala ba tayo, dahil sa tayoy wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari. 16 Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayoy mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid? 17 Datapuwat salamat sa Diyos, na, bagamat kayoy naging mga alipin ng kasalanan, kayoy naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo; 18 At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.

 

Tayoy natuling espiritual sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, kung ating susuwayin ang kautusan, tayoy nagiging hindi tuli at samakatuwid wala sa pangako. Nalalagay tayo sa paghatol ng mga sumusunod sa kautusan. Ang isang tao ay Judio kung nasa kanyang kalooban ang pagtutuli sa pamamagitan ng espiritu, at hindi sa pamamagitan sa sulat ng tuntunin ng kasulatan mula sa puso ng buong pagnanais.

Roma 2:25-29  Sapagkat ang pagtutuli’y tunay na pinakikinabangan, kung tinutupad mo ang kautusan; datapuwat kung ikaw ay masuwayin sa kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli. 26 Kung ang hindi natuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan, hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli? 27 At ang di pagtutuli sa katutubo, kung tumupad ng kautusan, ay hindi baga hahatol sa iyo na may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan? 28 Sapagkat siyay hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman; 29 Datapuwat siyay hindi Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Diyos.

 

Ang Iglesia ay hinaharap (kinu-confronta) ng mga nagsasabing silay mga Judio at hindi naman pala. Ang mga bulalas ng pagsasa-Israel ay sinasamahan ng kahangalan laban sa Judio (Anti-Semitism). Tinatanggihan ang likas at di-maiiwasan pagyakap sa Israel kaugnay ng pagbabagong loob bilang isang miyembro ng espiritual na Israel, itong mga huwad na nagbagong loob na nag-aakong espiritual na Israel na tumatangi sa mga proseso at mga sagisag.

Apoc. 3:9 Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing silay mga Judio, at silay hindi, kundi nangagbubulaan; narito, silay aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking iniibig.

Ang salita dito na pagsamba ay “pruskuneo” na siyang kilos ng sarili na pagpapatirapa na ang mga braso ay nakaunat sa mukha sa harap ng isang tao ay paggalang. Samakatuwid, ang salitang ginamit na gumagawa ng paggalang sa Diyos, itong mga huwad na Christiano o huwad na Israelita na ang sarili nila ang magiging at gagawin na magpatirapa sa katapusan sa harap ng hinirang na kanilang pinagmalupitan.

 

Ang mga kautusan ay nasusulat sa ating mga puso o isipan mula sa pagbabagong-loob.

 

Hebreo 8:10 Sapagkat ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel. Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip, At sa kanilang mga puso’y aking isusulat ang mga ito. At akoy magiging Diyos nila, At silay magiging bayan ko.

 

Samakatuwid itoy hindi inalis at naging pipi. Sa pagsasagawa at pagtuturo nitong mga kautusan tayoy tatawaging mga Dakila sa kaharian ng Diyos.

Mateo 5:17-20 Huwag ninyong isiping akoy naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta; akoy naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. 18 Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo. Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kuldit,sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. 19 Kayat ang sinomang sumuway sa isa sa kaliit-liitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliit-liitang sa kaharian ng langit: datapuwat ang sinomang gumanap at ituro, itoy tatawaging dakila sa kaharian ng langit. 20 Sapagkat  sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

 

(tignan din ang babasahin papel Lazarus and the Rich Man [228]).

 

Ang kabuuan ng utos ay pag-ibig sa kapuwa tulad sa iyong sarili.

 

Mateo 7:12 Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyoy gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagkat ito ang sa kautusan at ang mga propeta.

 

Datapuwa’t, una sa lahat ay ang pag-ibig sa Diyos.

Mateo 22:36-40  Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan? 37At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. 38 Ito ang dakila at pangunahing utos. 39 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na itoy nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.

 

Sa pamamagitan nito tayoy ginawang mga anak na lalake (at babae) ng Diyos.

 

1John 3:2-3  Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Diyos, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siyay mahayag, tayoy magiging katulad niya: sapagkat siyay ating makikitang gaya ng kaniyang sarili. 3 At sinomang mayroon ng pag-asang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili, gaya naman niyang malinis.

 

Sa gayon ituloy natin ang isinasalarawan ng 1 John 3:4.

1John 3:4 Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.

 

Ang paglilinis ng hirang ay inilalagay ang sarili sa proseso ng pag-aalis ng kasalanan, ito ay inilarawan ng pag-kaunawa sa lebadura ng masamang hangarin at kasamaan.

 

1Corinto 5:6-8 Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak? 7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayoy maging bagong limpak, na tulad sa kayoy walang lebadura. Sapagkat ang kordero ng ating paskua (Passover) ay naihain na, samakatuwid bagay si Cristo: 8 Kaya nga ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.

 

Maraming bagay ang sinasabi ni Paul dito. Ang una, na si Cristo ang kordero ng paskuwa, ang sakripisyo ng paskuwa (Passover) na inihain sa harap ng kataasan saserdote na siyang ayon sa Mishnah, na mayroon lang iisa. Ipinahayag ito ni Schurer dito sa The History of the Jewish People in the age of Jesus Christ (Vol. 1, p. 522). Ang ikalawang punto, na ang lebadura ay hindi kasalanan kundi mayroon dalawang uri ng lebadura. Ang lebadura na siyang dating na sa atin, ang lebadura ng masamang hangarin at kasalanan.

 

Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay pinagdiriwang ang katotohanang na tayoy iniligtas ng Cristo na inalisan ng lebadura sa katayuan ng katapatan at katotohanan, kailangan ipagdiwang natin ang kapistahang ito sa ganong kaisipan.

 

Ikatlo, hindi pa natin natatanggap ang banal na espiritu na siyang pinagkaloob sa Pentecoste.

 

Ang Espiritung ito ay ang bagong lebadura ng Kaharian ng Diyos.

Mateo 13:33  Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga: Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago hanggang sa itoy na-lebadurahang lahat sa tatlong takal na harina.

 

Ang takal ay ang mga pagkakasunod-sunod na daloy mula sa Diyos Ama tungo kay Cristo hanggang sa hinirang. Gayon man ang babae ay ang Iglesia, ang lebadura ay ang Banal na Espiritu at ang tatlong takal ay ang antas ng pakikitungo na sakop sa pamilya ng Diyos. Hanggang lahat ay na-lebadurahan, ang Diyos ay magiging lahat sa lahat. (Efeso 4:6).

 

Ang simbolo ng dalawang tinapay sa Pentecoste, na siyang mga na-lebadurahan, may direktong kaugnayan sa isinalarawang ito (tignan ang babasahing papel na Pentecost at Sinai [115]).

 

Ang pagkaunawa na may kinalaman na dapat natin alisin sa ating sarili ang anumang lebadura sa kapistahan na ito. Alisin ang masamang hangarin at kasamaan at ituloy ang pagbuo ng katangian ng banal na katuwiran sa espiritu. Itoy ilalarawan ang paglago hanggang sa Pentecoste na siyang simboliko ng ating ani bilang pangkalahatan na unang bunga sumunod kay Cristo. Ang aning ito ay nauna sa pangkalahatan ani sa Pista ng Tabernakulo o Kubol dahil sa itoy tuloy-tuloy sa loob ng dalawang libong-taong panahaon. Ngayon na tayo hinuhusgahan.

 

Ang simboliko ng pagkakasunod-sunod ng paglago patungo sa Pentecoste na ang pitong linggo ay simbolo sa panahon ng Jubilee na may kaugnayan sa sangkatauhan. Ang buhay ng isang tao ay umigsi mula sa 120 taon sa 70 taon. Ang isang tao na nasa hustong gulang ay 20 taon ang edad. Silay mayroon 50 taon para matuto para sa pinakahuling yugto ng kanilang buhay at ang pakikipag-isa sa Diyos sa muling pagkabuhay. Ito ang pinaka-simbolo ng bawat pananaw ng pananampalataya. Ito ang simbolo sa 50 araw sa Pentecoste. Ito ang sinasagisag sa pinaka disenyo ng Templo ng Diyos na pinatayo ni Solomon ayon sa tagubilin at mga kagamitan binigay sa kanya. Ang pagkakayari rito ang sumasagisag sa Templo na siyang naging buhay na Templo ng Iglesia. Itoy may pitong yugto sa buong malaking gusali. Ang anim dito ay nasa ibabaw ng iba sa pinaka- sentro ng templo, ang ika-pito ang lugar ng pinaka-bulwagan na patungo sa Banal ng mga Banal. Hindi tayo maaaring makapasok dito sa pinaka-huling bahagi hanggang namatay na si Cristo at nahati sa dalawa ang tabing ng templo at gawa nitoy maaari na tayong makapasok. Ito ang kahulugan ng pitong lingo na patungong Pentecoste. Sa huling bahagi na ito, ang Banal na Espiritu ay pinasok ang Iglesia na ang Diyos ay naging lahat sa lahat. Ito na ang pinakamalaking ani. Si Cristo ang winagayway na bigkis o ang una sa mga berdeng butil ng barley bilang ang winagayway na bigkis, ginapos sa kanyang kamuraan. Ang ikalawang pag-ani ay nagsimula sa trigo saka nagtuloy-tuloy hanggang sa panahon ng pag-aani na siyang ikatlong bahagi ng ani ng Diyos. Itong huling bahagi na ito ang sumasagisag ng mga banal na araw ng ikapitong buwan.

 

Samakatuwid, ang kinahahantungan ng Pentecoste ang pinaka huling bahagi na nasa mga simbolo ng pag-unlad ng bawat tao bilang Templo ng Diyos. Ang pagsisimula ng proseso mula Pentecoste ay sinasagisag na ang ani ay umuunlad hanggang sa ikalawang pagdating at ang pag-aani ng sanlibong taon (Millennium). Ang huling dakilang araw ay ang siyudad ng Diyos kapag ang kaharian ay naibigay na ni Cristo sa Diyos at ang pinakawakas ang Diyos ay ang lahat sa lahat bilang siyudad ng Diyos.

 

Samakatuwid, ang Lebadura sa Pentecoste ay hindi sumasagisag ng kasalanan. Isinasagisag nito na naalis ng ganap ang kasalanan na pinaka resulta ng mga taon ng Jubilee, nang ang Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay napaunlad ang katangian ng banal na katuwiran sa lahat ng mga anak ng Diyos. Sa gayon silay mga nilalang na lubos na nagbalik loob.

 

Ang pagbabalik loob na ito ay sakop ang pag-aalis lahat ng kasamaan ng kasalanan sa bawat tao sa panahon ng pagtawag, pag-aaring ganap at pag-luwalhati tulad ng nakikita natin mula sa Roma 8:29-30.

 

Kung iniibig natin si Cristo, tutuparin natin ang kanyang mga kautusan (Juan 14:15). Sakop ng kautusan ang pag-ibig sa Diyos at ang pag-ibig sa bawat isa na ating nakikita. Paano natin iibigin ang Diyos na hindi pa natin nakikta, dahil ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig (Gal. 5:22).

 

1Juan 4:11-13  Mga minamahal, kung tayoy inibig ng Diyos ng gayon, ay nararapat na mangag-ibigan din naman tayo. 12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Diyos: kung tayoy nangag-iibigan sa bawat isa, ang Diyos ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pag-ibig ay nagiging sakdal sa atin: 13 Ditoy nakikilala natin na tayoy nangananahan sa kaniya at siyay sa atin, sapagkat binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.

 

Punahin ninyo, na si Juan ay sumusulat maigi ng wala na si Cristo. At nakita niya si Cristo bagamat nakalagay dito, tulad ng nasa Juan 1:18  “walang taong nakakita KAILAN MAN sa Diyos”. Dahil sa matibay na pag-ibig ng Diyos sa atin na tayo ay inaring ganap. Ibinigay niya sa atin ang kanyang sariling Espiritu upang maari nating maabot ang pagiging ganap. Inalay ni Cristo ang kanyang buhay para sa mga tupa. Hindi niya ito hinayaang malapa sila ng mga lobo. Kundi minarapat niyang ialay ang kaniyang buhay para sa kanila (Juan 10:15, 13:37).

 

Nasabi ko na noong una at sasabihin kong muli; karangalan ko na mabilang isa sa atin.