Mga Cristianong Iglesia ng Diyos

[009z]

 

 

 

Buod:

Kalayaan at Tungkulin [009z]

 

(Edition 2.0 19940327-19991022)

 

 

Ang babasahing ito’y tumatanaw sa tungkulin ng isang Cristiyano na nililinaw ng Paskuwa at sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Ang sakripisyo ni Jesu Cristo sa pagkapako sa krus na dapat ay sa mga makasalanan na katulad ni Barabas ang sisiyasatin.

 

 

 

 

Christian Churches of God

PO Box 369,  WODEN  ACT 2606,  AUSTRALIA

 

E-mail: secretary@ccg.org

 

(Copyright ã 1994 [edited 1996, 1999] Christian Churches of God)

(Summary edited by Wade Cox)

 

(Tr.  2003)

 

This paper may be freely copied and distributed provided it is copied in total with no alterations or deletions. The publisher’s name and address and the copyright notice must be included.  No charge may be levied on recipients of distributed copies.  Brief quotations may be embodied in critical articles and reviews without breaching copyright.

 

 

Ang babasahing ito ay makikita sa World Wide Web page:
http://www.logon.org and http://www.ccg.org

 

 


 

Kalayaan at tungkulin [009z]

 


Ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura ay pagdiriwang sa pag-alis ng sina-unang Israel sa Egipto. Ang Egipto ang espiritual na larawan ng kasalanan at sistema ng buong mundo na kontrolado ng mga demonyo. Lahat ng bagay sa Egipto ay salungat at di nagpapahintulot na sambahin ang Iisang Tunay na Diyos. Ang mga kautusan at kalendaryo ay naibalik ng muli sa buong mundo kaya maari na siyang sambahin ngayon ng tama. Ang puwersa ng anti-nomianismo ay kumikilos at nagpipilit pigilan mangyari ito. Ibig sabihin ng anti-nomianismo ay hindi ayon o laban sa kautusan, kapag ang pagsamba sa Iisang Tunay na Diyos ay napaliban ng mga tradisyon ng tao, nagsisimulang mangyari ang walang kaayusan at simula ng kasamaan (Rom. 1:18-32).

 

Mahalagang aral ang natutuhan natin sa huling yugto ng buhay ni Cristo (Mak. 15:6-7; Luk.23:13-25). Si Barabas ay isang bilanggo sa salang pagpatay at hinihintay ang pataw ng parusang  kamatayan. Sa ilalim ng batas ng mga Judio at Romano. Napawalang-sala siya kapalit ng isang inosenteng tao. Si Jesus ang Mesiyas, naparusahan ng walang legal na batayan (Mat. 27:25). Nakakagulat na hiningi ng karamihan ang pananagutan sa dugo ni Cristo, natupad dito ang pahayag na kapag ang kordero ng paskua ay napatay na, ay ipinahid ang dugo nito sa poste ng mga pintuan upang lampasan ng anghel na tagapuksa. Si Cristo ang naging kordero ng paskua, ang kanyang dugo ang tumakip o nagkubli sa Israel. Si Barabas na pinawalang sala sa parusang kamatayan ang pinaka-larawan ng lahat ng tao at tulad nating lahat bawat isa sa atin (Rm. 6:23). Lahat tayo’y nagkasala at nararapat sa parusang kamatayan (1 Jn. 3:15). Ang poot o galit ay maari din mangahulugan ng walang pag-ibig o walang pagmamahal na makukumpara sa pagtatangi na diwa ng pag-patay, ito’y kasalanan (Jas.2:9). Kaya kung tayo’y napopoot o nagpapakita ng may pagtatangi nagiging bahagi din tayo sa kasalanan ng pagpatay.

 

Si Barabas ay isang mamamatay tao. Sa literal na batayan, nagkasala din siya ng rebelyon at pagtataksil sa gobyerno ng tao. Tayo din naman ay naging rebelde laban sa kautusan ng Diyos. Ginawa natin ang mga bagay na labag sa kalooban ng Diyos at naging rebelde tayo laban sa kanyang gobyerno o pamahalaan (Rm. 3:10-17; 8:7). Nang mapalaya si Barabas, si Cristo ang nagdusa sa lahat ng parusa na dapat niyang pagdusahan. Ang kamatayan ni Cristo ang pambayad sa lahat ng kasalanan ng tao. Ang Barabas ay pangalang literal na ibig sabihin, anak ng ama (Rm. 8:15). Sa napakalaking halagang binayad ng ating kapatid na si Jesu Cristo, ang Messiah, lahat tayo’y naging anak ng ating Amang nasa langit.

 

Si Jesus ay hinuli at pinarusahan ng walang awa ng mga sundalong Romano hanggang sa puntong manglupaypay, pagkatapos nito’y pinapasan sa kanya ang krus kung saan din siya ipapako. Nang maglaon, nakita nilang di niya makakayanan ito, kaya sapilitan silang kumuha ng isang taong nagngangalang Simon ng Cyrene mula sa karamihan upang ipabuhat ang krus ni Cristo.

 

Ang aral dito’y maging tulad tayo ni Cristo at katuwang sa kanyang mga paghihirap (Mat. 10:24-35). Naging bayad man ang sakripisyo ni Cristo sa parusa ng ating sariling kasalanan, hindi ibig sabihin nito’y inalis na sa atin ang tungkuling sumunod sa kautusan ng Diyos. Marami pang gustong makita ang Diyos sa atin na dapat natin gawin. At doon sa mas marami ang binigay na kaalaman at karunungan, marami din ang aasa sa kanya. Nang nabubuhay pa si Cristo, marami ang sumusunod sa kanya na may ibat-ibang dahilan. Ang iba’y may mga katanungan, ang iba’y naghahanap ng kagalingan o pagkain, ang iba gustong makakita ng mga nakakamanghang milagro o makapangyarihang pangitain sa langit. Ilan lang ang tumanggap at gustong makatupad sa kanyang mga aral (Lk. 14:26-27).

 

Mabigat na tungkulin ang inatang ni Cristo sa balikat ng mga nakaunawa sa kanyang mga aral, ibinigay niya sa atin ngayon ang gayon ding tungkulin para mapatunayan ang pananampalataya natin sa harapan ng Diyos. Ang salitang “napopoot” muli dito’y walang pag-ibig. Maihahambing sa buhay natin na dapat una sa lahat ang pag-ibig natin sa Diyos. Sa pagdamay natin kay Cristo sa pagpasan ng kanyang krus ay ang pagpapahirap ng sanlibutan sa atin sa kanyang dinalang mensahe (Heb 12:1-3; 1Cor 1:8-25). Sagisag din ito ng kahihiyan, nilalarawan ng krus ang pag-aalay ng sariling buhay para sa iba. Bukal sa kalooban ni Cristo na ginawa ito (Jn. 15:9-17). Dapat tayong mamuhay na handang tanggapin ang pasanin ng bawat isa; na handang ibigay ang ating sarili sa gawain sa lahat ng bagay at pati na rin ang pag-aalay ng ating buhay kapag ito’y ginusto ng Diyos (Lk. 14:28-33). Tayo ay tunay na pinalaya ni Cristo upang tayo’y mapasa-Diyos.

 

 

 

q