Pahayag ng Paniniwala ng Kristiyanong Pananampalataya

                            

(Edition 1.0 19971223-19971223)

                                                                                                                                                                                                [A1]                                                                                                                                                    

Panimula

 

Sa loob ng labing-pitong daang taon ang Kristiyanismo ay nahubog sa teolohikal na sistema na nababatay sa Griyegong pilosopiya at sistemang nauugnay sa Neo-platonismo. Ang paniniwalang may iisang Diyos ang pinakasimpleng mensahe ng bibliya sa pinagbuklod na pahayag ng Diyos sa tao sa dalawang testamento ay iniiba at di-tumutugma dahil sa kapakanan ng kapangyarihan at sa kapangunahan ng mundo.

 

Ang huling resulta ay kung ano ang naiintindihan sa kayarian katulad ng inihain sa kapulungan ng Nicaea (c. 325 AD), Laodecea (c. 366 AD), Constantinple (381 AD), at Chalcedon (451 AD). Ang kayarian ang siyang bumago sa pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng mga naisulat nasiyang lumikha sa Tatlong Persona. Ang kapulungan ng Laodicea (canon 29) ay lumabag din sa araw ng pangilin, bilang kapalit, tinanggap nila ang paganong pista mula sa Linggong pagsamba patungo sa Disyembreng Pista ng Araw at ang Mahal na Araw ay ipinalit sa Paskuwa. At ang isa pang napalitan ay kung paano unawain ang paraan at kautusan sa bibliya na dapat ipaliwanag. Ang kautusan n ibinigay kay Moises ay sinasabing hindi na kaugnay-ugnay at ang Bagong Tipang pahina na ipinaliwanag muli upang bigyang katarungan ang kasalukuyang paganong gawi.

 

Isang halimbawa, ang batas sa mga pagkain na inalis dahil sa maling paggamit ng Gawa 10 at ng iba pang kasulatan. Madaling nakita ang epekto nito sa kalusugan ng tao. Subalit, ang resulta sa kapaligiran ay tunay na makikita lamang pagkalipas ng mga dalawang libong taon. Ang pagkaputol ng ikot ng pagkain (food chain) ay kinabibilangan ng, sa malalaking antas, na pagkonsumo ng pagkaing ipinagbabawal sa bibliya.

 

Ang pagkapeste ng mga lupain ay makikita lamang pagkatapos na ang lupa ay sairin ng hindi pagsunod sa hubileong sistema at ang pagpapahinga sa lupa dahil sa di-mabuong pag-uugnay sa kalendaryo na nababase sa ikalabing-siyam na taon ng siklo ng buwan ang pagpapakilala ng arawang kalendaryo na siya mismong pangunahing hakbang sa pagpuksa sa pang-unawang huwarang modelo at siklo na itinatag ng Diyos na natayo para sa likas na armonya.

 

Ang Kristiyano ay may maliit lamang na pagkakatulad kung mayroon man sa orihinal na Kristiyano. Ang pag-usbong ng Islam at ang gulo sa kanila ay walang pasubaling resulta ng maling sistema ng Kristiyano na nakatakda na sa Europa at sa Kanlurang Asya sa pamamagitan ng sistemang teolohikal ng Griyego na ginagamit ang teolohiyang Cappadocian na base sa paniniwalang may tatlong Diyos at tinangkang mistikal na pagbuklurin ito sa Diyos at bilang Diyos.

 

Ang paniniwalang may tatlong Diyos ay ‘di nagtagumpay. Ang huling resulta sa ikalabing-pitong daan taon ng maling doktrina ay naging malapit na pagkawasak ng planeta at ang pag-uusig sa mga tao na tunay at nagpupumilit na sumusunod sa kautusan ng bibliya.

 

Ang layunin ng gawaing ito ay ihiwalay ng malinaw at simple sa posibleng paraan ang tunay na mensahe ng Bibliya at ng Bagong Tipang iglesia sa ilalim ni Hesus Kristo at ng mga apostoles. Walang alinlangan ang ibang tinatanging pabula ay mahahamon at wawasakin sa kung ano ang sinasabi dito. Ang gawaing ito ay isinulat upang ito ay malapit hangga’t maaari sa serye ng biblikang pahayag o bigay-kahulugan na sumusuporta sa binabanggit ng teksto. Sa ganoong paraan ang pag-aaral sa gawaing ito ay hindi naman malabo at ang nilalaman ng pahayag ay malinaw. Na kung saan posibleng ang kumpletong hanay ng teksto sa isang paksa ay nakatala upang maiwasan ang lahat ng lumalaganap na gawi ng pag-uulit ng bukod o pag-uulit ng maling pagbuo ng teksto. Ang ibang biblikang teksto ay pangkaraniwan huwad (e.g. 1Jn. 5:7 KJV; 1Tim. 3:16 KJV mula sa Codex A), o maling pagsasalin (1Cor. 15:28 RSV etc; Apo.3:14 NIV at iba pa), ginawa upang salungatin ang teksto na sinusuportahan ang paniniwalang may tatlong Diyos o Cappadociang sistema kung kailan naipakita ang pagbubukod.

 

Sa pagbabalik ng Mesiyas muli niyang ipakikilala ang kabuuan na sistema ng kautusan na ibinigay niya kay Moises sa Sinai. Lahat ng Kristiyano ay may obligasyong kilalanin at isagawa ang sistema ng pamumuhay at pagsamba na ipinapakita ng Bibliya. Ang Kristiyano ay obligadong tularan ang paraan ng pamumuhay ni Hesus Kristo at mabuhay sa sistemang ipinakilala niya ng nabubuhay pa siya bilang tao at bago nagkatawang-tao. Ang gawaing ito ay inaalay sa pagllikha ng buong sistema na nagkakaisa at madaling kilalanin na paraan upang ang maling sistema ng ikalabing-pitong daan taon ay maaari ng tanggalin at ang orihinal at totoong paraan ay maaari ng ipakilala at isagawa sa buhay ng lahat ng tao kahit anupaman ang ginawa nila sa nakaraan. Ang atin tungkulin ay tawagin ang mga ito sa pagsisisi at pagbabagong-buhay.

 

Eloah ang Diyos ng Lumang Tipan at ang Templo at ang diyos ni Hesus Kristo sa Bagong Tipan. Ang Templo sa Herusalem ay ang tahanan ng Eloah (Ezra 4:24; 5:2,13,15,16,17; 6:3,5,7,8,16,17; 7:23). Siya ang Eloah ng Israel (Ezra 5:1; 7:15), ang makapangyarihang Eloah ng langit (Ezra 5:8,12). Siya ang dahilan ng pagpapakasakit sa Templo (Ezra 6:10) na siyang dahilan ng pamamahay ng kanyang pangalan (Ezra 6:12). Siya ang nag-utos ng pagtatatag ng Templo (Ezra 6:14) at ang mga pari ang siyang tumatayong tagapaglingkod niya (Ezra 6:18; 7:24) at gumagawa ng kanyang nais (Ezra 7:18). Ang kautusan ay kautusan ng Diyos sa langit (Ezra 7:12,14). Sa mga nakakaalam ng kautusan ng Diyos ay dapat ituro sa mga ‘di pa nakakaalam (Ezra 7:25) at ang paghusga ay sa kautusan ng Diyos (Ezra 7:26). Ang katauhang ito ay ang Ama na siyang nag-iisang Diyos at kataas-taasang Diyos, ang Ama ng Mesiya at lahat ng anak ng Diyos.

 

 

KABANATA  1

 

ANG PUNONG-DIYOS

 

1.1 Ang Diyos Ama

Ang kataas-taasan sa buong sansinukob ay ang Diyos. Siya ang pinakamakapangyarihan, ang lumikha at tagapangalaga ng langit, lupa at lahat ng bagay dito  (Gen. 1:1; Neh. 9:6; Awit 124:8; Isa. 40:26,28; Gawa 14:15; 17:24-25; Apocalipsis 14:7).  Siya lamang ang may buhay na walang hanggan (1Tim. 6:16). Siya ang ating Diyos at Ama  at Diyos at ama ni Hesus Kristo (Jn. 20:17). Siya ang kataas-taasang Diyos (Gen. 14:18; Num. 24:16; Deut. 32:8; Mar. 5:7) at ang nag-iisa at tunay na Diyos (Jn. 17:3; 1Jn. 5:20).

 

1.2 Hesus ang Anak ng Diyos

 

Si Hesus ang kauna-unahang pinagmulan (proototokos) ng paglikha (Col. 1:15) samakatuwid siya ang simula (arche) ng paglikha ng Diyos (Apocalipsis 3:14). Siya ang nag-iisang ipinanganak (monogene) na anak ng Diyos (Mat. 3:17; Jn. 1:18; 1 Jn. 4:9), nilalang ng Espiritu Santo at ipinanganak ni Birheng Maria (Lu. 1:26-35). Siya ay si Kristo o ang Mesiyas (Mat. 16:16; Jn. 1:14), ipinadala ng Diyos upang ating maging tagapagligtas at manunubos (Mat. 14:33; Jn. 8:42; Efeso;7; Tit. 2 ;14). Siya ay tinatawag na anak ng kataas-taasang Diyos (Mar. 5:7). Sa kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay sa kapangyarihan ng banal na espiritu kinilala siyang anak ng Diyos (Roma 1:4). Siya ay iniluklok sa trono ni David upang mamuno sa sambahayan ni Jacob at sa kanyang Kaharian  na walang hanggan.

 

1.3  Ang Banal na Espiritu

 

Ang Banal na Espiritu (Gawa 2;4), ay ang kakayahang o kapangyarihan ng Diyos na ipinangako ni Kristo na ipadadala sa mga hinirang (Jn. 16:7). Hindi tao subalit karugtong ng buhay na kapangyarihan ng Diyos. Ng dahil dito kaya tayo naging bahagi ng kanyang likas na kabanalan (2Pedro 1:4), na napupuno ng Banal na Espiritu (Gawa 9:17; Efeso 5:18) at kaya lahat ng anak ng Diyos (Job 38:7; Roma 8:14; 1 Jn. 3:1-2) at tagapagmanang kasama ni Kristo (Roma 8:17; Galacia 3:29; Tit. 3:7; Heb. 1:14, 6:17, 11:9; Santiago 2:5; 1Pedro 3:7). Ito ay ibinigay ng Diyos sa mga humihiling (Lucas 11:9-13) at sumusunod sa kanya, nananatili sa mga sumusunod  sa mga kautusan ng Diyos (1Jn. 3:24; Gawa 5:32). Ang Banal na Espiritu ang nagtuturo sa mga tagapaglingkod ng Diyos sa lahat ng katotohanan (Jn. 14:16,17,26). Ang Banal na Espiritu ang nagpapakita ng kapangyarihan maging saksi (Gawa 1:8). Ito ang nangangasiwa ng mga kakayahan na nakatala sa 1Corinto 12:7-11 at may bunga na inilalarawan sa Galacia 5:22-23 na hinda ipinagkaloob na sinusukat (Jn. 3:34 RSV; Roma 12:6). Ito ay sa paraan na ang Diyos ay maaaring maging lahat, sa lahat (1Corinto 15;28; Efeso 4:6).

 

1.4 Ang Relasyon ng Banal na Espiritu kay Kristo at sa Sangkatauhan

                                                                                                                                                                                                                                                                                    

Ang Banal na Espiritu ay gumagawa na bago pa ang pagbibinyag. Ang espiritu ang naglalapit sa bawat tao sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo (Heb. 7:25).

 

Ang pangunahing bunga ng espiritu ay ipinagkakaloob sa bawat tao sa kanilang pagbibinyag, mula sa Roma 8:23, kung saan malinaw na sinasabi na ang pagkupkop ay hindi mangyayari hanggang sa pagtubos sa ating katawan.

 

Sa ganitong paraan tayo ay ipinanganak na muli subalit patuloy tayo sa pagpapalaki sa espiritu araw-araw kay Kristo Hesus hanggang sa dumating tayo luwalhati ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ay ang espiritu ng katotohanan (1Jn. 4:6, 5:6) at sa pagsasabi ng katotohanan ang lahat ng bagay ay magsisilaki kay Kristo na ating pinuno ng buong respeto (Efeso 4:15). Ang Banal na Espiritu ay ng espiritu ng Diyos (Roma 8:14) at ang espiritu ng pananampalataya (2Cor. 4:13) kung saan nakikita lahat at alam lahat (1Cor. 2:10-11,12:3ff).

 

Dahil dito ang Banal na Espiritu ay hindi umaasa sa aspeto ng paniniwalang may tatlong Diyos sa halip ito ay paraan upang tayo ay naging elohim (Zacarias 12:8). Ang Espiritu nagpapabatid sa Diyos ng ating mga kaisipan at pagkatao. Ang daan sa pagkatao sa pamamagitan ni Hesus Kristo bilang ating tagapamagitan at tagapamagitang elohim o theos  (Awit 45:6-7; Zac. 12:8; Heb.1:8-9) itinulot na si Kristo ay makatulong, magturo at aluin tayo at itulot na tayo ay magsanay sa kapangyarihan ng Diyos. Ang Espiritu ang nagbibigay sa bawat tao ng katangiang nais ng Diyos upang makinabang ang katawan kagaya ng balangkas sa 1Corinto 12;7-11.

 

Ang Espiritu ay maaaring mawala (1Tesalonica 5:19) dahil sa pagwawalang bahala o pagdadalamhati (Efeso 4:30) at sa gayon ay tinatanggap ang mga nakakamit at nawawala sa isang indibidwal.

 

Ang bunga ng banal na Espiritu ay pag-ibig mula sa Galacia 5:22. Samakatuwid, kapag hindi natin minahal ang bawat isa ang Banal na Espiritu ay hindi lantad.

 

Ang Epiritu ay ang paraan kung saan tayo ay nagpupuri sa Diyos na ipinahahayag sa Filipos 3:3. Subalit, hindi maaaring ang Diyos bilang layon ng pagpupuri at, kaya, kapantay ng Diyos Ama. Ito ay lakas na nagbibigay kapangyarihan kay Kristo. Si Kristo sa gayong paraan ay walang hanggang Ama (Isa. 9:6) kung saan marami ang sangbahayan sa langit at sa lupa (Efeso 3:15). Si Kristo ang naging Walang hanggang Ama sa pamamagitan mng delegasyon.

 

Ang lahat ng sangbahayan o pamilyang pinangalanan para sa Diyos Ama na siyang dahilan ng ating pagluhod sa Diyos Ama, nagpupuri sa kanya (Efeso 3:14-15).

 

Si Kristo ang unang ipinanganak o unang pinagmulan ng paglikha. Sa Kaniya  lahat ng bagay ay nilikha sa langit at sa lupa, nakikita at di-nakikita, maging trono o dominyon o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nalalang sa  pamamagitan Niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat ng mga bagay at sa kanya lahat ng mga bagay nanatiling  magkakasama (Col. 1:16-17). Pero ang Diyos ang lumikha sa Kanya at siyang maykaloob na ang paglikha ay mabubuhay at mananatili kay Kristo. Samakatuwid, si Kristo ay hindi Diyos sa kahit na anong kamalayan na Diyos at ang Diyos Ama ay ang Diyos at siya lamang ang walang kamatayan (1Tim. 6:16) nabubuhay sa habang panahong pamamalagi.

 

Ang mga Kristiyano ay tinatawag sa mundong ito para sa habang buhay na paglilingkod at pagtatalaga. Marami ang tinawag ngunit kaunti lamang ang napili (Mat. 20:16, 22:14). Ang mga Kristiyano ang napili gaya ni Kristo na pinili ng Diyos (Lk. 23:35). Ang mga hinirang ay pinili ni Kristo (Jn. 6:70, !5: 16,19),sa ilalim ng utos ng Diyos (1Ped. 2:4).

 

Upang tulungan ang iglesia, ang mga hinirang na kumakatawan sa iglesia, o ang iglesia, ay binigyan ng pang-unawa sa mga misteryo ng Diyos. Ang banal na Espiritu ay ang mekanismo kung saan binigyan sila ng pang-unawa sa misteryo ng kaharian ng Diyos (Marcos 4:11). Para sa karunungan ng Diyos ay sinasabi na mahiwaga (1Cor. 2:7), na ipinaliwanag ng mga tagapaglingkod ng Diyos (1Cor. 2:7, 15:51). Para sa kalooban ng Diyos ay ipinaliwanag na mahiwaga (Efeso 1:9) na binigay ng Diyos sa kanyang tagapaglingkod sa pamamagitan ng paghahayag. At saka ang misteryo ay nasa pamamahala ni Kristo sa pamamagitan ng mga hinirang.Si Paul ay sumulat

…ipagpalagay na narinig mo ang pamamahala ng grasya ng Diyos na ibinigay mo sa akin para sa inyo, kung paanong ang misteryo ay nalaman dahil sa akin sa pamamagitan  ng pahayag, kagaya ng maikling isinulat ko. Kapag binasa niyo ito makikita n’yo ang aking maliit na kaalaman sa misteryo ni Kristo, na hindi ipinalam sa mga anak ng sangkatauhan sa ibang henerasyon na ngayon ay ipinahayag sa kanyang banal na disipulo at propeta sa pamamagitan ng Espiritu, iyon ay, kun paano ang ibang lahi na kapwa tagapagmana, nabibilang sa parehong puno, at kasama sa pangako kay Kristo Hesus sa pamamagitan ng ebanghelyo (Efeso 3:2-6).

 

1.5 Ang relasyon ni Kristo, Satanas at ang Hukbo sa Diyos

 

Marami ang entidad na binanggit sa Bibliya bilang Elohim o Theoi, ibig sabihin ay Diyos. Si Kristo ay isa sa mga nakababa sa entidad na binanggit sa Lumang Tipan bilang Elohim (tingnan sa Zacarias 12:8). Si Kristo ay binanggit sa Bagong Tipan bilang bagong tala sa umaga at sa kanyang pagbabalik sa lupa. Ibabahagi Niya ang katayuang ito sa kanyang mga hinirang (Apo. 2:28, 22:16).

 

Ang Diyos ay itinalaga sa Bibliya na Diyos at ama ni Kristo (mula sa Roma 15:6; 2Cor. 1:3, 11:31; Apo. 1:1, 6, 15:3). Kinuha ni Kristo ang kanyang buhay, lakas at kapangyarihan sa utos ng Diyos ama (Jn. 10:17-18).

 

Ang hangarin ni Kristo ay ayon sa kalooban ng Diyos, na siyang Ama (Mat. 21:31, 26:39; Mar. 14:36; Jn. 3:16, 4:34). Ibinigay ng Diyos kay Kristo ang mga hinirang at ang Diyos ay nakakahigit kay Kristo (Jn. 14:28) at higit sa lahat (Jn. 10:29). Dahil dito ipinadala ng Diyos ang nag-iisang nilikhang (monogene) anak sa lupa upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya (1Jn. 4:9). Tanging ang Diyos ang nagpaparangal at nagpupunyagi kay Kristo (Jn. 8:54), ang Diyos bilang nakakahigit kay Kristo (Jn. 14:28).

 

Ang Diyos ay ang Bato (sur) tulad ng Tibagan at Bundok kung saan ang iba ay gumuho, ang pingkiang bato ni Josue 5:2 na nagtuli sa mga Israel, ang puno at sanhi (Deut. 32:4). Ang Diyos ay ang Bato ng Israel, ang Bato ng kaligtasan (Deut. 32:15), ang Bato na naging sanggalan nila (Deut. 32:15, 28-31). 1Samuel 2:2 nagpapakita na ang ating Diyos ay ang ating Bato, ang walang hanggang Bato (Isa. 26:4). Mula sa Batong ito na ang iba ay pinutol tulad ng lahat ng inapo ni Abraham sa pananampalataya (Isa. 51:1-2). Ang Mesiyas ay pinutol mula sa Batong ito (Dan. 2:34,45) upang supilin ang mundo sa paghahari. Ang Diyos ay ang Bato o pundasyon sa simulain na inihain at sa kay Kristo na magtatayo ng kanyang iglesia (Mat. 16:18) at sa kung saan Siya ay mamahinga. Ang Mesiyas ay ang Puno ng Haligi ng Templong Bato ay pinutol lahat sa Bato ng Diyos, tulad kay Kristo at ang binigay kay Kristo, ang Espiritung Bato (1Cor. 10:4), ang batong pangbuwal at batong katitisuran (Roma 9:33) na bubuo sa Templo.

 

Si Kristo ay gumagawa ng Templo upang ang Diyos ay sumasa lahat, nasa lahat (Efeso 4:6). Ibinigay ng Diyos si Kristo sa lahat at lahat (panta kai en pasin Col. 3:11) inilagay lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang paa (1Cor. 15:27) ipinagkaloob sa kanya upang maging pinuno sa lahat ng bagay sa iglesia kung saan ito ang kanyang katawan, ang kabuuan niya na pupuno ng lahat sa lahat (Efeso 1:22-23). Ng ilagay ng Diyos lahat ng bagay sa ilalim ni Kristo, makikita na maliban sa Diyos ang lahat ng bagay ay inilagay Niya sa ilalim ng paa ni Kristo (1Cor. 15:27).

 

Kapag pinasuko ni Kristo lahat ng bagay noon din si Kristo ay susuko sa Diyos na Siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ni Kristo upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat (panta kai en pasin 1Cor. 15:28 hindi bilang kada RSV). Samakatuwid ang Platosismong doktrina na nagpapakita ng pagsasama ng Diyos at ni Kristo sa Tatlong-isa ay sumasalungat sa Bibliya. Si Kristo ay umupo sa kanan ng Diyos, sa utos ng Diyos (Heb. 1:3,13, 8:1, 10:12, 12:2; 1Ped. 3:22) at kasama ng Diyos sa trono maging ang mga hinirang ay makakasama sa trono na ibinigay kay Kristo (Apo. 3:21) na ang trono ng Diyos (Awit 45:6-7; Heb. 1:8) o ang Diyos ay ang Trono na isinalin sa  Ang Trono mo o Diyos.

 

Ang Diyos, na siyang nagpadala, ay nakahihigit kaysa sa ipinadala (Jn. 13:16), ang alipin ay hindi hihigit kaysa sa kanyang panginoon (Jn.15:20).

 

Si Kristo ay hinamon sa ilang ni Satanas at ang bunga ng pagsubok ni Satanas ay nagsimula. Si Satanas, na siyang umagang bituin, ang Lucifer o Tagapagdala ng liwanag sa mundong ito (Isa. 14:12) bilang tagabantay at guro noon, sa naging bunga, isa sa mga Elohim na siyang nakabababa sa Diyos Ama.

 

Si Kristo ay ang bituin na dapat lalabas sa Jacob (sa Bilang 24:17). Subalit ipinahayag sa aklat ni Moises na isa sa umagang tala na binanggit bilang kaharap sa pagbuo ng mundong ito (sa Job 38:7) isa sa mga elohim, ay magiging tao pagdating kay Jacob at mula kay David (Apoc. 22:16).

 

Ang Elohim na ating alam na si Hesus Kristo ay hindi ang umagang tala ng mundong ito. Ang hanay na iyon ay hawak ni Satanas (mula sa Isa. 14:12 at Ezek. 28:2-10).

 

Si Kristo ay pinahiran ng langis bilang elohim ng Israel mula sa Awit 45:7 at pinahiran ng langis sa ibabaw ng mga kasama niya. Gayunpaman, si Kristo wala sa katayuan ng umagang bituin at hindi umasam ng tungkulin hanggang sa kanyang ikalawang pagbabalik. Ang katayuan at tungkulin ay ibabahagi kay Kristo sa mga hinirang, na ibinabahagi ang kanyang kalikasan bilang umagang bituin sa kanilang mga puso (isinalin sa Araw na Bituin sa 2Pedro 1:19). Ang mga hinirang ay ipinangako na ibabahagi sa kapangyarihan na ito mula sa Apocalipsis 2:28.

 

Si Satanas, bilang umagang bituin, hinamon niya ang Diyos ng kataas-taasan o ang Diyos Ama na siyang sinasabi sa atin sa Isaias 14:12. Pinilit niyang iakyat at dakilain ang kanyang trono, ang trono ng Diyos, sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos o ang kapulungan ng Elohim.Itong kapulungan  ay ang kapisanan ng mga Elohim o mga Diyos na tinutukoy sa Awit 82:1. Ito ay sa kapakanan para alalahanin na si Irenaeus, ang disipulo ni Policarpio, disipulo ni Juan, pinanatili sa Awit 82:1 na tumutukoy sa Theoi o mga Diyos na isinama rin ang mga hinirang, na pinangalanang sa mga inampon (Against Heresies, Bk. 31 Ch.6, ANF. Vol. 1, p. 419).

Marami ang anak ng Diyos (mula Job 1:6, 2:1, 38:7; Awit 86:8-10,  95:3, 96:4, 135:5) na kinilala bilang mga Bene Elyon o mga Anak ng Kataas-taasan. Ang mga taong hinirang ay kasama rin sa hukbo sa kalangitan bilang Anak ng Diyos (mula sa Roma 8:14). Gayunpaman, si Kristo at ang mga hinirang bilang Anak ng Diyos ay kaisa ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, itinalaga mula sa pagtatatag ng mundo. Si Kristo ay nagpababa ng kanyang kapangyarihan upang maging tao. Siya sa lahat ng mga hinirang ay nakatanggap ng kapangyarihan bilang anak ayon sa Espiritu ng kabanalan sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ng mga patay (Roma 1:4).

Mula sa Gawa 7:35-39 na isang anghel ang nagsalita kay Moises sa Sinai at ang anghel na ito ay si Kristo. Sa Galacia 4:14 I Paul ay tinanggap tulad ng isang anghel ng Diyos tulad kay Kristo Hesus.

Tayo rin ay magiging anghel (Mat. 22:30) bilang isang kautusan o isaggelos (mula sa Lk. 20:36) bilang kapwa tagapagmana ni Kristo (Roma 8:17; Gal. 3:29; Tito 3:7; Heb. 1:14, 6:17, 11:9; San. 2:5; 1Ped. 3:7). Sa Lumang Tipan ipinakilala ang Anghel ng YHWH na magkaparehong Jehovah at Elohim  (Ex.3:2,4-6 kung saan ang Diyos o elohim rito ay isang anghel; cf. Zac. 12:8).

Awit 89:6-8 nagpapakita na may Kapulungan ng mga Banal (qedosim o qadoshim, ginagamit din ng tao) na sumasaklaw sa loob at labas ng kapulungan. Ito ay mauunawaang makalangit na kapulungan ng mga Elohim na makatarungan.

1.5.1 Si Kristo Bilang Anak ng Diyos

Tinangka ni Satanas na tuksuhin si Kristo sa maraming paraan. Una tinukoy ni Satanas si Kristo na Anak ng Diyos (sa Mat. 4:3, 4:6; Lk. 4:3). Ang mga demonyo rin ay tinukoy si Kristo na Anak ng Diyos (sa Mat. 8:29; Lk. 4:41; Mar. 3:11). Pinilit ni Satanas si Kristo na patunayan ang kanyang katayuan bilang anak ng Diyos sa pagpapakita ng kapangyarihan, na ipinangako ng Diyos na ibibigay niya ang kanyang mga anghel na mag-iingat sa kanya (Awit 91:11-12 ).Kinaligtaan na ni Satanas na magpakabuti sa lahat ng paraan at idagdag pa na sa lahat ng panahon. Gayunpaman, sa maling paglalagay ng teksto ng Bibliya, si Satanas ay nagtangkang kuhanin ang buhay ni Kristo.

Kahit kailan hindi tinuwid ni Kristo si Satanas o ang mga demonyo sa paghahayag na siya ay Diyos sa halip na Anak ng Diyos. Sa katunayan, walang demonyong nagtangkang ipahayag ang paglilinlang na si Kristo ay kataas-taasang Diyos hanggang matapos ang kanyang pagkamatay upang mailahad ang doktrina na nagsasaad na si Kristo ay Diyos, pagkatapos ng kanyang kamatayan, isang panlilinlang na si Kristo ay pinabulaanan sa buhay. Sa bawat tuksong ang layunin ay papanghinain ang pagkamasunurin ni Kristo sa Diyos at sa, ang bunga, pagsuway sa Bibliya. Si Satanas ay nagtangka na si Kristo ay sumamba sa kanya. Ipinangako niya kay Kristo ang pamumuno sa planeta pagkatapos kung si Kristo ay sasamba sa kanya.

Hindi hinamon ni Kristo ang kanyang karapatan sa paglilipat ng pamumuno sa planeta na sa katunayan siya ang pinuno. Sa halip si Kristo ay nagpahayag na                                                   …..  ito ay nasusulat: Kayo ay sasamba sa Panginoon na inyong Diyos at siya lamang ang  paglilingkuran. Hindi sinabi ni Kristo kay Satanas na sambahin siya pero sa halip ay tinukoy niya ang kautusan sa kanya. Si Kristo hindi kailanman at sa anumang panahon ng kanyang pangangaral na angkinin ang pagiging Diyos. Sinabi niya na siya ay anak ng Diyos. Dahil sa dahilang ito kaya siya nalagay sa pagsubok.

At sinabi sa Mateo 27:43    

Nananalig siya sa Diyos.  Ililigtas niya siya ngayon kung siya ay iniibig,sapagkat sinabi niya, ‘Ako’y anak ng Diyos’.

 At dito ng si Kristo ay umiyak upang tuparin ang sinasaad sa Bibliya ng Awit 22:1

            Diyos ko, Diyos ko, Bakit mo ako pinabayaan?

Si Kristo malinaw na hindi inisip ang sarili na Diyos. Na iminungkahi na siya ay bahagi ng entidad kung saaan umapila, sa pantay na anyo, na ang bahagi na hindi mangyayari, ay walang katotohanan.

 

1.5.2 Ang Doktrina ng Anti-Kristo

 

Ang doktrina ng laban kay Kristo ay ipinahyg sa 1Juan 4:1-2. Ang tamang  matandang teksto para sa 1Juan 4:1-2 ay binuo muli mula sa Irenaeus, kabanata 16:8 (ANF, Vol. 1, fn.p.443).

Sa pamamagitan nito nakilala n’yo ang espiritu ng Diyos: Bawat espiritu na nagtapat na si Hesus Kristo ay naparitong nasa laman ay nasa Diyos; at bawat espiritu na hinihiwalay si Hesus Kristo ay hindi na Diyos sa halip ay nasa anti-Kristo.

 

Si Socrates ang mananalaysay ay nagsabi (VII, 32,p.38) na ang daan ay tinanggal ng mga gustong ihiwalay ang pagiging tao ni Hesus Kristo mula sa kanyang pagka-Diyos.

 

Si Kristo bilang anak ay hindi ang nag-iisang tunay na Diyos (Jn. 17:3)

At saka sa Lucas 22:70 lahat silang nagsabi  Ikaw baga ang anak ng Diyos?

At sinabi niya sa kanila Kayo ay tama na nagsasabing ako nga.

 

Siya ay nakilala bilang Anak ng Diyos sa

·        Mateo 27:54 kung saan sinabi Tunay na siya ang Anak ng Diyos.

·        Marcos 1:1 isinasaad sa Ebanghelyo na kay Hesus Kristo, Ang Anak ng Diyos.

·        Lucas 1:35 nagpapahayag na ang Banal na bagay ay ipanganganak ay tatawaging Anak ng Diyos.

Upang maintindihan na si Kristo ay ang anak ng Diyos ay pagpapahayag mula sa Diyos.

At sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw si Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” At sumagot si Hesus at sa kanya’y sinabi “Mapalad ka Simon Bar-Jonas, sapagkat hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at dugo, kundi ng Aking Ama na nasa langit.(Mat.16:16-17)

 

Gayundin sa Mateo 11:27 ipinahayag

Ang lahat ng bagay ay inihatid sa akin ng Aking Ama  at wala ni isa mang nakakakilala sa Anak maliban ang Ama. Ni kahit isa man ang nakakaalam sa Ama maliban sa Anak at sa isa kung sino ang Anak ay sa kanya nais na ipahayag.

Dahil dito ang Ama ay nagpahayag ng mga bagay sa bawat isa at ibinigay sila kay Kristo na siya namang nagpahayag ng tungkol sa ama sa kanila.

 

1.5.3 Ang Pangalan at Kapangyarihan ng Diyos

 

Walang duda na ang Diyos ay nag-iisa at makapangyarihan. Kawikaan 30:4-5 na nagpapakita ng pangalan ng Diyos at Siya ay may anak.

            Sino ang inakyat sa langit at bumaba?

            Sino ang nakapagtipon ng hangin sa Kaniyang mga palad?

            Sino ang nagbalot  ng tubig sa Kanyang kasuutan?

            Sinong nagtatag sa lahat ng sulok ng daigdig?

Ano ang Kanyang pangalan at ang pangalan ng Kanyang anak? Sabihin n’yo sa akin kung alam n’yo.

Bawat salita ng Diyos [ELOAH] ay walang kapintasan: Siya’y kalasag sa kanila na nanganganlong sa Kanya.

Huwag kang magdagdag sa Kanyng mg salita, baka Kanyang sawayin ka at patunayang sinungaling ka.

Ang Bibliya ay nagpapaliwanag sa sarili at ang pangalan ng Diyos ay kaagad na tinustusan ang sumusunod na tanong at ito ay maliwanag na ang entidad na ito ay hindi kasama ng Diyos at Anak pero, sa halip, Siya ay may Anak.

 

At saka, ang Bagong Tipan ay nagpapahayag ng malinaw na ang Ama ay siya ang layunin ng pagsamba. Binalaan ni Kristo ang  Samaritanang babae sa Juan 4:21 na may oras na darating na hindi na nila sasambahin ang Ama na kahit sa kanyang bundok (Samaria) o sa Herusalem. Subalit maliwanag na kanyang sinabi sa Juan 4:23

Datapuwa’t dumarating ang panahon at ngayon nga na sasambahin ng tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat sila ang uri ng mananamba na hinahanap ng Ama.

 

Dito ipinakilala ni Kristo ang layon ng pagsamba ay ang Ama at hindi siya. Samakatuwid ganap na walang-kapitagan na ipahayag na ang dapat sambahin ay ang itinaas na si Kristo mula bawatsaling-wika ni Juan 3:14 kung saan ang Anak ng tao ay kailangang itaas kagaya ng kay Moises na itinaas ang ahas sa ilang . Ang layunin ng pagpapako sa krus ay upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, hindi upang si Kristo ang maging layon ng pagsamba na siyang maling pahayag. Mula sa maling premisa, ito rin ay maling pahayag na ang mga Kristiyanong mananamba sa katawan ni Kristo at dugo ng Eukaristiya.

 

Eloah ang Diyos ng Lumang Tipan at ang Templo at ang diyos ni Hesus Kristo sa Bagong Tipan. Ang Templo sa Herusalem ay ang tahanan ng Eloah (Ezra 4:24; 5:2,13,15,16,17; 6:3,5,7,8,16,17; 7:23). Siya ang Eloah ng Israel (Ezra 5:1; 7:15), ang makapangyarihang Eloah ng langit (Ezra 5:8,12). Siya ang dahilan ng pagpapakasakit sa Templo (Ezra 6:10) na siyang dahilan ng pamamahay ng kanyang pangalan (Ezra 6:12). Siya ang nag-utos ng pagtatatag ng Templo (Ezra 6:14) at ang mga pari ang siyang tumatayong tagapaglingkod niya (Ezra 6:18; 7:24) at gumagawa ng kanyang nais (Ezra 7:18). Ang kautusan ay kautusan ng Diyos sa langit (Ezra 7:12,14). Sa mga nakakaalam ng kautusan ng Diyos ay dapat ituro s mga ‘di pa nakakaalam (Ezra 7:25) at ang paghusga ay sa kautusan ng Diyos (Ezra 7:26). Ang katauhang ito ay ang Ama na siyang nag-iisang Diyos at kataas-taasang Diyos, ang Ama ng Mesiya at lahat ng anak ng Diyos.

 

KABANATA  2

 

ANG PLANO NG KALIGTASAN

 

2.1 Ang Pagguho ng Sangkatauhan

 

Ang Sangkatauhan ay nilikha sa larawan at katulad ng Diyos (Gen. 1: 26-27). Si Adan at Eba ay isinumpa dahil sa pagsuway (Gen. 3:16-19). At bilang bunga ng paghihimagsik na ito, kasalanan at kamatayan ang dumating sa lahat tao (1Cor. 15:22; Roma 5:12)

 

2.2 Ang Kaligtasan ng Sangkatauhan

 

Ayaw ng Diyos na mapahamak ang sinoman (2Ped. 3:9). At upang ang sangkatauhan ay makaligtas sa parusa ng kasalanan, na kamatayan, ang Diyos ay lumikha ng plano ng kaligtasan na kinasasangkutan ng sakripisyo sa kamatayan at pagkabuhay na muli ng Kanyang anak na si Hesus Kristo (Jn. 3:16). Ang plano ay ang pagkasunod na ani na kung saan si Kristo ay ang unangbunga sa mga namatay na (1Cor. 15:20). Ang plano ng kaligtasan ay nasasalamin sa taunang Banal na araw ng Bibliya (Lev. 23).

 

2.3 Ang Bibliya bilang Insirasyong Katotohanan

 

Sinabi ni Kristo: Nasusulat ang tao hindi sa tinapay lamang nabubuhay, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.(Mat. 4:4; Lk. 4:4). Ang Bibliya ay kilala bilang Bibliya (Dan. 10:21), at ito ay tiyak patungo sa kaligtasan ng sangkatauhan at ang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos (Ex. 9:16; Roma 9:17). Ang ibig sabihin na ang kaligtasan ay si Kristo (Roma 10:11) na siyang hinulaan mula sa kasulatan ni Moises at ang mga propeta (Lk. 24:27), hinulaan ang katauhan sa kasulatan (Mat. 26:56; Roma 1:2).Lahat ng Bibliya ay inspirasyon ng Diyos at mahalaga sa pagtuturo, upang may katunayan, para itama, at para sa pagsasanay sa kabutihan, na ang tao ng Diyos ay makumpleto, may kasangkapan sa mabuting gawain (2Tim. 3:16).

 

Ang Bibliya sa panahon ni Kristo at ng mga apostol ay ang Lumang Tipan (Mat. 21:42; Mar. 12:10; Gawa 17:2). Ang Lumang Tipan ay ang Bibliyang kinasihan ng Diyos o mapapakinabangan na nasa 2Tim. 3:16. Ang Bagong Tipan ay karagdagan sa Lumang Tipan. Hindi nito pinalitan ang Lumang Tipan.

 

Ang Lumang  Tipan ay nasulatsa lumipas na panahon para sa ating  pagtuturo, upang sa pagtitiis at pagpapasigla ng Bibliya ay magkaroon tayo ng pag-asa (Roma 15:4). Ang pagkakamali ay nanggaling mula sa kaunting kaalaman sa mga Kasulatan (Mat. 22:29; Mar. 12:24). Ang mga Beroeans (o Bereans KJV) pinag-aralan ang kasulatan araw-araw, upang patunayan kung ang sinasabi ay tama. Ito ay masusukat bilang marangal (Gawa 17:11). Ang buong larawan ng Bibliya ay kinuha mula sa lahat ng bahagi ng kasulatan, utos sa utos, linya sa linya (Isa. 28:10). Ang kasulatan ay nagpapakita na si Hesus ay ang Mesiyas o Krista (Gawa 18:28). Si Hesus Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na siyang nagbukas ng kaisipan ng mga hinirang magmula sa mga  apostol, upang ang kasulatan ay kanilang maunawaan (Lk. 24:45).

 

Ang kasulatan ng Lumang Tipan ay kailangang matupad (Mat. 26:54, 56; Mar. 12:10, 14:49) a hindi maaring sirain (Jn. 10:35). Marami sa kasulatan ang sinunod at tinupad kay Kristo, o matutupad kay Kristo sa kanyang ikalawang pagbabalik (Apo. 1:7,12:10, 17:14, 19:11-21), na may kapangyarihan at kaluwalhatian (Mat. 24:30).

 

2.4 Pagsisisi at Pagbabagong-loob

 

Para mabuhay ang sangkatauhan, o magkaroon ng buhay na walang hanggan, hiniling ng Diyos na magsisi kapag hindi kayo nagsisi kayo ay mamatay (Lk. 13:3,5).

 

Ipinadala si Iglesia Kristo upang tawagin ang sangkatauhan sa pagsisisi (Lk. 11:32). Ang pangangaral ni Kristo ay nagsimula pagkatapos na makulong si Juan ang Mambibinyag (Mat. 4:12). Ang pagkabilanggo ni Juan ay nangyari sa mga panahong tapos na ang Paskuwa ng 28 AD (Jn.3:22-24, 4:12) bilang Paskuwa sa pagtatapos ng pangangaral ni Juan sa ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio (Lk. 3:1). Mula sa panahaong iyon, nagsimula angpangangaral ni Hesus na sinasabing magsisi kayo, sapagkat ang kaharian ng langit ay malapit na (Mat. 4:17).Binigyan ni Kristo ng tungkulin ang kanyang disipulo na ipangaral ang ebanghelyo ng pagsisisi, na binibigyan niya sila ng kapangyarihan higit sa mga demonyo o maruruming espiritu (Mar. 6:7, 12; Lk. 10:1, 17:20).

 

Ang pagsisisi ay itinuro bilang paunang pagpawi ng mga kasalanan (o kahinaan) (Gawa 8:22) upang kung ang panahon ng kaginhawaan ay dumating mula sa harapan ng Panginoon, at upang kanyang ipadala ang Kristo na itinalaga para sa atin (Gawa 3:19-20).

 

Ang panahon ng kawalang-malay, na siyang tawag, angDiyos ay nakaligtaan subalit, pagkatapos ni Kristo, inutusan Niya ang lahat ng tao na magsisi, mayroong araw na itinakda para sa paghuhukom sa kanila (Gawa 17:30).

 

Mula sa pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos, ang nagsisisi ay kailangang gumawa ng mga gawa na karapat-dapat sa pagsisisi (Gawa 26:20).

 

Ang Iglesia sa Efeso ay tinawag sa pagsisisi at magugunita kung ano ang dahilan kung saan sila ay bumagsak, at gawin uli ang gawain na ginawa nila nung una (Apo. 2:5). Ganoon din ang Iglesia ng Pergamo ay tinawag din sa pagsisisi (Apo.2:16). Sa gayon din ang Iglesia sa Tiatira (Apo. 2:22-23) kung saan ang mga mangangaral nila ay naratay sa relihiyon. Ang Iglesia sa Sardis ay tinawag din sa pagsisisi o si Kristo ang pupunta sa kanila na tulad ng magnanakaw sa gabi at hindi mo alam kung anong panahon siya darating (Apo. 3:3). Sa mga pinagsisisi at dinadalisay sila. Hiniling niya na sila’y (sa kasong ito ang Laodiceans), ay nagseselos at sila’y nagsisi  (Apo. 3:19). Ang pagsisisi dahil dito ay patuloy sa lahat ng Simbahan ng Diyos, na siyang responsibilidad ng lahat (San. 5:19-20).

 

2.5 Pagbibinyag

 

Lahat ng kapangyarihan ay ipinagkaloob kay Kristo kasunod sa kanyang muling pagkabuhay (Mat. 28:18). Ipinag-utos sa kanya na humayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa na sila’y bibinyagan sa ngalan ng Ama, at ng Anakat ng Espiritu Santo (Mat. 28:19). Na ituturo sa kanila na gawin ang lahat ng ipinag-uutos ni Kristo. Dahil dito sumasa kanila siyang palagi hanggang sa katapusan ng sanglibutan (Mat. 28:20).

 

Ang pagsisisi ay kailangang may kasamang pagbibinyag para sa paggagawad ng kaloob ng Espiritu Santo (Gawa 2:38). Hindi ka makatatanggap ng Espiritu Santo maliban kung magsisisi ka at mabinyagan kaya ikaw ai ipanganganak muli. Maliban kung ikaw ay ipanganak muli hindi ka makakapasok sa kaharian ng Diyos (Jn. 3:3, 5). Ang pagsisisi ay kondisyon para sa pagbibinyag at pagtanggap ng Espiritu Santo. Kaya ang pagbibinyag sa sanggol ay makatuwirang ipagbawal dahil laban sa Bibliya. Ang kailangan sa pagsisisi ay binigyang-diin ng misyon ni Juan ang Mambibinyag na siyang nangunguna sa pagbibinyag ng Banal na Espiritu kay Kristo (Mar. 1:4, 8). Sinabi  ni Juan na si Kristo ay bibinyagan sila sa Espiritu Santo at sa apoy , tungkol sahindi pa nagsisisi (na ilalarawan bilang ipa) (Lk. 3:16-17). Ang Banal na Espiritu ay ipinagkaloob sa utos ng Diyos. Sa kahilingan, ipinaalam sa paglalagay ng kamay, angBanal na Espiritu pumapasok sa isang tao. Ang Espiritu ay kaya para sa bawat katangian ng gawa. Ang Banal na Espiritu ay gumaganap na sa isang tao bago pa mabinyagan. Ang Espiritu ay nakapagligtas ng mga hinirang sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo (Heb. 7:25). Ang unangbunga ng espiritu ay ipinagkaloob sa bawat tao sa pagbibinyag, mula sa Roma 8:23, na malinaw na sinasabi na ang pagkupkop ay hindi agad mangyayari hanggang ang pagtubos sa ating katawan. Dahil dito tayo ay ipanganganak muli subalit patuloy sa paglaki sa espiritu araw-araw kay Kristo Hesus hanggang tayo ay makarating sa kaluwalhatian ng Diyos.

 

Ang pagkakaloob ng Banal na Espiritu sa pagbibinyag ay ang tubig sa balon ng kaligtasan na pangako ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang propeta (Isa. 12:3). Itong tubig ng Banal na Espiritu ay pangako ng Diyos kay Jacob na nakalarawan sa Isaias 44:3. Ang Panginoong Diyos ay ang bukal ng tubig ng buhay na tubig (Jer. 2:13, 17:13; at Zech14:8). Ito ay ang ilog ng tubig ng buhay (Apo. 22:1). Si Kristo, nagsasalita tungkol sa Espiritu (Jn. 7:39), sinabi niya mula sa kanya ang tubig ng buhay ay aagos (Jn. 4:10-14, 7:38; Isa.21:3, 55:1,58:11; Ezek. 47:1). Ang Israel ay malinis na espiriu dahil sa tubig mula sa Ezekiel 36:25, na ang tubig ng buhay o ang Banal na Espiritu ang mga hinirang ay kumuha ng tubig na io ng walang kapalit (Apo. 22:17).

 

 

KABANATA 3

 

DOKTRINANG PAMAMAHALA NG TAONG MAY PANANAGUTAN

 

3.1 Pagdarasal at Pagsamba

 

3.1.1 Ang Diyos bilang Layon ng Pagdarasal at Pagsamba

 

3.1.1.1 Ang Layon ng Pagsamba

 

Ang pangunahing katayuan at ulo ng palatandaaan ng mga hinirang ay lagi at ganap na monoteismo at paniniwala na pantulong sa relasyon kay Kristo. Sinasamba natin hindi ang ibang Elohim kundi ang Diyos lamang (Ex. 34:14; Deut. 11:16) o kayo ay malipol (Deut. 30:17-18). Ibinigay ng Diyos ang kanyang unang kautusan na

Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa’yo sa lupain ng Ehipto sa lupain ng pagka-alipin. Huwag kang magkakaroon mga ibang Diyos (elohim) sa harap ko (Ex. 20:2).

 

Ang kaisipan ng harap dito ay iyon sa bukod sa bilang sa lugar na o walang kapangyarihan na

ang Diyos ay nauunawaan nating na siyang Diyos Ama.

 

Mamahalin natin ang Panginoon na ating Diyos at paglilingkuran siya ng buong puso at kaluluwa,           

i.e. ang pagkatao, at bilang kapalit tayo ay magkakaroon ng ulan sa kapanahunan para sa ating pananiman at pastulan para sa ating mga hayop. Sa madaling salita, tayo ay pakakainin ng marami (Deut.11:13-15).Pero tayo ay may Bagong kasunduan kung saan ang Panginoon nagtatag ng Kanyang kauusan sa ating isipan at isinulat niya sa ating mga puso. Siya ang ating Diyos at tayo ang kanyang tagapaglingkod, sinasamba Siya, sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos ng kusang loob (Heb.8:10-13).

 

Tayo ay sasamba sa harap ng Panginoon na ating Diyos (Deut. 26:10; 1Sam. 1:3, 15:25). Itong Diyos ay Nag-iisang tunay na Diyos na siyang Diyos Ama. Ang kinakailangan para sa buhay na walang hanggan ay ang kilala natin Siya at ang Kanyang anak na si Hesus Kristo (Jn. 17:7). Ibinigay natin sa Panginoon ang kaluwalhatian sa Kanyang pangalan; sinasamba natin ang Panginoon sa kanyang kabanalan (Awit 29:2; 96:9). Lahat sa lupa ay sumasamba sa Kanya at umaawit ng papuri sa Kanyang pangalan (Awit 29:66:4). Ito ay hinulaan at paparating na. Lahat ng bansa na Kanyang ginawa ay darating at yuyuko, nanginginig (Awit 96:9) sa harap Niya, nagpupuri sa kanyang pangalan, sapagkat Ikaw mag-isa ay Diyos (Awi 86:9-10), ang Panginoon na lumikha sa atin. Siya ay ating Diyos at tayo ay tupa ng Kanyang kamay (Awit 95: 6-7). Siya ay Banal (Awit 99:5, 9). Ang pang-unawa na kung sino ang ating sinasamba ay ipinapakita ng dalawang palatandaan na kasama ang pang-unawang tungkol sa kalikasan ng Diyos na bumuo ng tatak ng mga hinirang ang dalawang palatandaan ay mga:

1.                              Ang Sabbath (mula Ex. 20:8, 10,11; Deut. 5:12). Ang Sabbath ay ang tanda sa pagitan natin at ng Diyos na nagpabanal sa atin (Ex. 31:12-14).

2.                              Ang Paskuwa. Ang Paskuwa ay tanda o tatak kung saan mula sa Exodo 13:9, 16, ang Paskuwa, kasama ng Pista ng Tinapay na walang lebadura, ay ang tanda ng kautusan ng Panginoon (Deut. 6:8) at ang pagtubos Niya sa mga Israel (Deut. 6:10) kung saan, mula sa Bagong Tipan, iniabot sa mga naniniwala kay Kristo (Roma 9:6, 11:25-26).

 

Ang palatandaang ito ng kautusan, ang Sabbath at Paskuwa, na tuwirang pinangangalagaan laban sa pagsamba sa ibang mga Diyos (Deut. 11:16). Itong dalawang palatandaang ito ay mga tatak sa kamay at ang ulo ng mga hinirang ng Diyos at, kasama ang Banal na Espiritu, ay bubuo ng araw sa Apocalipsis 7:3 . Sila ang namumuno sa natitirang Banal na mga Araw.

 

Sinabi ni Kristo: Kayo ay sasamba sa Panginoon na inyong Diyos at Siya lamang ang inyong sasambahin (o paglilingkuran) (Mat. 4:10; Lk.4:8). Sa gayon ang paglilingkod ay pagsamba sa bibliyang katawagan.

 

Ang pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng mga utos ng tao ay pagsamba ng walang halaga (Mat. 15:8-9). Dahil ang nais ng Ama na ang tao ay sumasamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan (Jn. 4:21-24). Sapagkat tayo ang tunay na pagtutuli na sumasamba sa Diyos sa espiritu at pagpupuri

kay Kristo Hesus (Fil. 3:3). Lahat ng kapulungan ng Kataas-taasan, kasama si Kristo ay sumasamba sa harap ng Diyos, na lumikha ng lahat ng bagay at sa kaninong kalooban na sila’y likhain at lumitaw (Apo. 4:10). Sa utos ni Kristo, parehong sa kautusan (Ex. 20;3) at sa pagpapahayag, sinasamba natin angDiyos (Apo. 22:9).

 

3.1.1.2 Ang Layon ng Panalangin

 

Ang sangkatauhan ay dumadalangin sa Panginoong Diyos (Awit 39:12; 54:2) na nakririnig. Anuman ang hingin sa panalangin ay matatanggap mo kapag may pananampalataya ka (Mat. 21:22). Si Kristo ay ang halimbawa sa mga tao na nanalangin sa kanyang Diyos at sa ating Diyos na siyang Ama (Lk. 6:12).

 

Ang pangunahing layunin ng mga hinirang at ang pangangaral ay panalangin at ang pangangaral o paglilingkod ng mga salita (Gawa 6:4). Ang kapulungan ng mga kataas-taasan ay binigyang tungkulin para sa pagbabantay ng mga panalangin ng mga taong banal (Apo. 5:8).

 

3.1.1.3 Pansarili at Sama-samang Panalangin sa Kapakanan ng Iba

 

Ang sama-samang panalangin ng isang kasunduan ay isang halimbawa ng mga apostol (Gawa 1:14). Ito ay kinuha pa ng  buong Simbahan (Gawa 12:5).

 

Ang panalangin ay hindi lang para sa Simbahan; ito ay para sa mga may sagisag pero hindi marunong at hindi nagpaubaya sa katuwiran ng Diyos. Dahil si Kristo ang kauuwian (o layon) ng kautusan na ang lahat na may pananampalataya ay maitutuwid (Roma 10;1-4).

 

Ang Panalangin ay nagdadala ng tulong. Biyaya ang ibibigay na sagot sa maraming panalangin na dapat bigyan ng kaukulang pasasalamat, gayundin sa maraming pananalangin (2Cor. 1:11). Ang panalangin ay dapat nasa espiritu (Efeso 6:18). Ang panalangin ay dapat na matiyagang panalangin (Col. 4:2-4) at ito ay gamot sa kakayahang makatayo ng tuwid sa katotohanan at katuwiran (Efeso 6:14).

 

Ang panalangin ng makatuwirang tao ay may malakas na kapangyarihan ang bisa nito. Ang panalangin ng pananampalataya ay makakagaling ng sakit at katiyakan ng kapatawaran ng kasalanan. Kung ganoon, magpahayag tayo ng ating kasalanan sa isa’t isa at manalangin para sa isa’t isa ng tayo ay gumaling (Sam.5:15-16).

 

3.2 Ang Relasyon ng Tao sa Pagitan ng Kaligtasan at ng Kautusan

 

3.2.1 Ang Diyos ay Ating Bato

 

Ang Diyos ay ating malaking bato, ating lakas at ating kaligtasan, na sa kaniya’y nagkanlong tayo (Awit 18:1-2). Sa kanya tayo’y may tiwala at hindi matatakot (Isa. 12:2). Ang kaalaman sa kaligtasan ay pagtupad ni Kristo at ng mga propeta (Lk. 1:77). Itong kaalaman ay ipinaabot sa Simbahan kung saan ang mga taong banal ang tagapamahala ng mga hiwaga ng Diyos (1Cor. 4:1). Ang kaligtasan  ay mula sa mga Hudyo (Jn. 4:22) pero iniabot ni Kristo sa mga sumasamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan (Jn. 4:23-24). May kaligtasan sa iba na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao upang tayo ay maligtas (Gawa 4:12). Kaya ang kaligatasan ay ibinigay ng ebanghelyo, sa kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng lahat ng may pananampalataya, unang darating sa mga Hudyo at  pagkatapos sa mga Gentil. Sa ebanghelyo, ang katuwiran ng Diyos ay ipinahayag sa pamamagitan ng pananampalataya para sa pananampalataya, dahil siya sa pamamagitan ng pananampalataya ay makatuwiran na mabuhay (Roma 1:14-17). Hindi itinalaga ng Diyos ang sangkatauhan para kapootan subalit upang magtamo ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus Kristo (1Tes. 5:9).

 

Ang pang-unawa ng Diyos ay nagbunga ng makadiyos na dalamhati; na nagbunsod sa atin para magsisisi na magdadala sa atin sa kaligtasan (2Cor. 7:10). Kaya ang ebanghelyo ay ang salita ng katotohanan at ito nga, samakatuwid, ang ebanghelyo ay kaligtasan, na tinatakan ng Banal na Espiritu ang mga nagsisi (Efeso 1:13). Ang kaligtasan ay matatamo mula sa sagradong panulat o kasulatan. Bilang pinasigla ng Diyos, ang kasulatan ay maaaring magturo ng pagsisisi para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus Kristo (2Tim. 3:15-16). Kahit na siya ay Anak, natuto siya ng pagkamasunurin dahil sa kanyang tiniis. Bilang ginawang perpekto, siya ang naging simula ng walang hanggang kaligtasan sa mg sumusunod sa kanya (Heb. 5:8-9)

 

Kaya, minsan siya ay naihandog upang dalhin ang kasalanan at babalik sa ikalawang pagkakataon, hindi upang dalhin ang kasalanan kundi iligtas ang mga nasasabik na naghihintay sa kanya (Heb. 9:28). Ang kaligtasan ay kaya karaniwan sa lahat at minsan at para sa lahat ng dinala sa mga banal (Judas 3). Kaya walang paghahayag matapos na bigyan si Hesus Kristo ng Diyos at ipinasa kay Juan. Lahat ng kailangan para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay nilalaman ng Bibliya. Kaligtasan at kapangyarihan at kaluwalhatian ay galing sa Diyos at Siya ang nagpahayag sa kanyang tagapaglingkod sa pamamagitan ni Kristo at hindi na ito mababago pa (Apo. 22:18-19).

 

Ang huling pagtatatak ng mga banal na tao ay sas pamamagitan ng Banal na Espiritu bilang basehan ng kautusan ng diyos na ipinagtapat sa Bibliya mula sa Lumang Tipan nagsisismula sa paghahayag ng kaututsan.

 

Ibinigay ni Kristo ang kautusan sa Sinai bilang Anghel ng Kasunduan o Pagharap, ang anghel ni Yahweh. Sinabi niya na

… hanggang ang langit at lupa ay mawala, hindi isang kudlit, hindi isang tuldok, ang mawawala sa kautusan hanggang lahat ay matupad. Kung sinuman sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito at ituro ang ganoon sa tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit,pero ang sinuman ang gumawa at ituro ay tatawagin dakila sa kaharian ng langit… (Mat. 5:18-19).

 

Kaya si Kristo walang dako na binawasan ang kautusan . Iningatan niya ang kautusan at iniutos niya sa tao na gawin din. Ang kautusan at ang mga propeta ay hanggang kay Juan. Mula kay Juan, ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos ay pinangaral, at lahat pumapasok dito ay nagpupumilit (o ay nagsusumiksik) (Lk. 16:16).

Ngunit as madali para sa langit at lupa ang mawala, kaysa sa isang kudlit ng kautusan na maging walang laman (Lk. 16:16-17).

 

Ang kautusan ay binigay sa pamamagitan ni Moises, pero hindi pa rin sinunod (Jn. 7:12). Sa mga nagkasala na walang kautusan, mapapahamak ng walang kautusan. Sa mga nagkasala sa ilalim ng kautusan ay mapapahamak sa ilalim din ng kautusan (Roma 2:12) dahil ang kasalanan ay di-pagkilala o paglabag ng kautusan (1Jn. 3:4). Ang pagtutuli ay isinasapuso at ang pagsunod ng mga paniniwala ng kautusan ay masusukat ng pagtutuli. Sinomang sumusunod sa kautusan ay natuli sa puso, habang sinoman ang natuli at hindi sumunod sa kaututsan ay tulad siya ng suwail. Sa mga Hudyo ay ang mga sumusunod sa kautusan mula sa puso bilang Hudyo sa panloob. Subalit sa mga nagsasabing sila ay Hudyo at hindi naman, ay dumating sa kahatulan (Apo. 3:9) at sila’y magpapatirapa sa harap ng mga santo. (Ang pagpapatirapang ito ay isinalin din bilang pagsamba at ginamit kay Kristo at sa mga hinirang).

 

Ang kautusan ay banal at ang mga utos ay banal at dapat at mabuti (Roma 7:12). Ang kautusan, kaya, hindi nagdudulot ng kamatayan sa halip kasalanan, kung saan ay paglabag ng kautusan, ginagawa ng bawat tao (Roma 7:13).

 

Ang kautusan ay espiritu pero ang sangkatauhan ay makalaman na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan (Roma 7:14). Ang tunay na nagbagong tao kalugud-lugod sa kautusan ng Diyos sa kanilang kaloob-looban (Awit 119:1 ff: Roma 7:22). Dahil ang kautusan ang nangunguna sa tao kay Kristo na siyang wakas ng kautusan (Roma 10:4). Bilang pinangunahan ng Espiritu pinalaya ang bawat tao mula sa pagkakailalim sa kautusan (Gal. 5:18). Hindi dahil alisin ang kautusan sa halip ay upang itulot ang kautusan na sundin mula sa panloob na kagustuhan at tamang paggawa, bilang sa pagiging natural natin (Heb. 8:10-13). Ang kautusan ng Diyos ay magpatuloy sa paniniwala at hindi ng mga gawa (Roma 9:32). Ang pagkamasunuring sa mga utos ay kinakailangan sa pagpapanatili ng Banal na Espiritu na nanahan sa mga sumusunod sa utos ng Diyos (1Jn. 3:24, Gawa 5:32). Kaya imposibleng maging Kristiyano at mahalin ang Diyos at si Kristo ng hindi sinusunod ang kautusan. Ito, ng pangangailangan, kinasasangkutan ng pagsunod ng Sabbath bilang ikaapat na utos.

 

3.2.2 Kaligtasan sa Kabaitan

 

Ang kabaitan ng Diyos ay lumitaw para sa kaligtasan ng lahat ng tao, sinasanay tayo na itakwil lahat ng di-makarelihiyon at madamdaming salita, at mabuhay ng matino, makatuwiran at makadiyos na pamumuhay dito sa mundo, naghihintay sa pinagpalang pag-asa at paglitaw ng kaluwalhatian ng makapangyarihang Diyos at ang ating tagapagligtas; Si Hesus Kristo (Tit. 2:11 tingnan Marshall’s RSV Interlinear Greek-English New Testament). Si Kristo ay ang paglitaw ng kaluwalhatian ng makapangyarihang Diyos na siyang Tagapagligtas (Tit. 2:10). Kaya kabaitan ang produkto ng gawain ni Hesus Kristo.

 

Ang Iglesia ay binantayan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng paniniwala para sa kaligtasan na nakahanda upang ipahayag sa huling panahon (1Ped. 1:5). Ang kinalabasan ng paniniwala ay ang kaligtasan ng kaluluwa. Ang mga propeta ay nanghula tungkol sa kaligtasan pero hndi alam ang panahon o ang pagkatao ng Mesiyas ng hinulaan nila ang kanyang paghihirap at kasunod na kaluwalhatian (1Ped. 1:9-10).

 

Dumating ang kasalanan dito sa mundo dahil kay Adan at namayani mula kay Adan hanggang kay Moises. Kamatayan ang bunga ng kasalanan (Roma 5:12). Ang kasalanan ay narito na bago pa ibinigay ang kautusan kay Moises (Roma 5:13). Kaya ang kahihinatnan ng kautusan ay alam na mula kay Adan, kaya ang kasalanan ay ‘di binilang kung saan wala pa ang kautusan. Ang biyaya ay nanagana pa dahil sa pagkatubos ng tao mula sa kasalanan at ang kautusan. Dumarami ang kasalanan, sa ilalim ng kautusan, ang biyaya ay sagana (Roma 5:15-21). Sa pagkamasunurin ng isang tao marami ang gagawing maghahari sa biyaya na mananatili sa pamamagitan ng katuwiran sa buhay na walang-hanggan kay Hesus (Roma 5:20-21).

 

Kaya ngayon ay walang kaparusahan para sa mga na kay Kristo (Roma 8:1). Ang kautusan ay kaya natupad na sa atin na lumalakad ayon sa Espiritu (Roma 8:4).

 

Ang Espiritu ang nagtutuwid ng isipan ayon sa layunin (Roma 8:5). Ang kaisipan ay nakakabit na sa laman ay laban sa Diyos. Hindi ito nagpapaubaya sa kautusan ng Diyos at sa katunayan hindi nagpapasaklaw sa kautusan (Roma 8:7). Kaya, ang makalaman o hindi pa nabagong kaisipan ay kinikilala sa kanyang pagsalungat sa pag-iingat ng kautusan ng Diyos.

 

Ang Espiritu Niya na bumangon kay Kristo mula sa pagkamatay nananatili sa mga Kristiyano, nagbibigay buhay sa pamamagitan ng Espiritong namamahay sa bawat tao (Roma 8:11). Lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos (Roma 8:14) at ito ay dahil sa biyaya ng Diyos. Ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises, ang biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesus Kristo (Jn. 1:17). Kaya tayo ay sumisigaw Abba o Ama nililinang ang tulad ng Pagka-anak (Roma 8:15) na ibinigay sa ating kapatid na Hesus Kristo.

 

Ang kautusan mismo ay hindi nagbibigay ng kahatulan. Ang tao ay hinatulan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus Kristo (Gal. 2:16). Ang buhay na kanilang ikinabuhay sa pananampalataya sa Anak ng Diyos (Gal. 2:20). Sa pamamagitan ng kautusan, tayo’y mamatay sa kautusan upang tayo ay mabuhay sa Diyos (Gal. 2:19). Pero hindi natin winawalang halaga ang biyaya ng Diyos sa pagsunod ng Kautusan dahil tayo  ay hindi kinakatwiranan ng kautusan (Gal. 2:21). Iniingatan natin ang kautusan dahil ang Espiritu ang nagtuturo sa atin at ang kautusan sumusulong mula sa kabanalan ng Diyos na ating iniligay at upang tayo ay makibahagi (2Ped. 1:4), kagaya ni Kristo.

 

Tayo ay naligtas hindi sa kautusan kundi sa biyaya ni Hesus Kristo (Gawa 15:11). Ang kasalanan ay walang kapangyarihan sa ibabaw ng mga hinirang dahil sila ay wala sa ilalim ng kautusan pero sa ilalim ng biyaya at mga alipin ng Diyos (Roma 6:14-15). Gayunman, hindi tayo nagkasala sa paglabag ng kautusan dahil tayo ay alipin ng Diyos at makatarungan at hindi sa kasalanan, sa pagiging masunurin mula sa puso sa pamantayan ng pagtuturo na dapat nating gawin (Roma 6:17-18). Sapagkat, bago tayo mamatay sa pamamagitan ng ating kasalanan, tayo ngayon ay ginawang buhay kasama si Kristo sa biyaya (Efeso 2:5). Tayo ay kasamang ibinangon at umupo kasama ni Kristo sa kalangitan upang ipakita ng Diyos sa darating na panahon ang lawak  at kayamanan ng Kanyang biyaya at kabaitan sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus (Efeso 2:6-7). Ng dahil sa biyaya tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalatay. Ito ay hindi gawain ng isang tao; ito ay regalo ng Diyos at hindi dahil sa gawa upang walang tao ang magmayabang (Efeso 2:9). Kaya,iniingatan natin ang kautusan sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos sa biyaya.

 

3.2.3 Obligasyon sa Ilalim ng Kautusan

 

Mayroong patuloy na obligasyon na ingatan ang kautusan na hindi nawawala, o mapapalitan na  nakita natin sa (Mat. 5:18; Lk.16:17). Hindi ito nasusunod ng tama ng mga Hudyo sa panahon ni Kristo (Jn. 7:19), na napalitan dahil sa tradisyon (Mat. 15:2-3, 6; Mar. 7:3, 5, 8-9, 13) sa pamamagitan o kabusabusan ng mga Hudyong guro ng araw na ‘yon, na gumagawa ng pagsubok sa Diyos (Gawa 15:10).

 

Mayroon nga, mula sa itaas, na patuloy na obligasyon na sundin ang utos ng Diyos. Ito ay malawak at hindi mawawala hanggang sa katapusan ng panahon na may kinalaman sa buhay ng tao.

 

3.2.3.1 Bakit ang mga Kistiyano Sumusunod sa Kautusan

 

Ang mga Kristiyano ay naligtas ng pananampalataya at hindi ng kautusan. Bakit noon ito ay sinimulan na kanilang tinaggap at sundin ang kautusan? Dahil:

Ang kautusan ng Diyos naggagaling mula sa palagiang kabutihan ng Kanyang kalikasan.

Ang kautusan ng Diyos sumulong mula sa kalikasan ng Diyos at kaya ito nakatayo magpasawalang-hanggan dahil ang Diyos mismo ay hindi magbabago, sa pagiging lubos na mabuti bilang sentro ng kahuli-hulihang kabutihan. Sa Marcos 10:18 sinabi ni Kristo: Bakit mo akong tinawag na mabuti? Ang Diyos lamang ay mabuti o Bakit mo tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? May isa na siyang mabuti. Kung papasok ka sa buhay ingatan mo ang utos (Mat. 19:17). Ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa bawat isa sa atin sa pagsisisi (Roma 2:4). Ang kabanalan ng Diyos ay sa hindi mapapalitang kabutihan. Ang punong-abala ng kalangitan na nakikibahagi sa kanyang kabanalan kaya, sila’y naging matapat sa banal na kabanalan at kabutihan.

 

Sa ganitong paraan si Kristo ay pareho kahapon, ngayon at magpakailanman (aioonas) (Heb. 13:8). Ang mga hinirang, sa pakikibahagi ng kabanalan (2Ped. 1:4), magiging bahagi ng banal na pagkapari, ng sa Melquisedec na ito ay naiilipat (aparabaton) o hindi mapapalitan ng panahon (aioona) (Heb. 7:24). Si Kristo ay maykayang  iligtas ng  lubos ang mga nagsisilapit sa Diyos sa pamamagitan niya (tingnan Heb. 7:25 Marshall’s Greek-English Interlinear). Pero hindi siya ang layon ng pagsamba o kaya ang Diyos na nag-utos sa kagustuhan.

 

Ang kautusan ng Diyos ay nagpatuloy sa pananampalataya at hindi ng mga gawa (Roma 9:32). Tayo ay mayroong Bagong Tipan kung saan ang Panginoon ay magtatatag ng Kanyang mga kautusan sa ating isipan at isususlat ito sa ating mga puso. Siya ang ating Diyos at tayo ang Kanyang tagapaglingkod, sumasamba sa kanya, sa pagsunod sa Kanyang mga kautusan sa ating pinakabanal (Heb. 8:10-13). Kaya, ang panlabas na tanda ay balewala. Ito ay ang pagsunod ng utos ng Diyos na nagtuli sa atin (1Cor. 71:19) bilang mga Kristiyano at miyembro ng espirituwal na Israel. Ito ay sa mga galitin ang dragon sa pagsunod ng utos ng Diyos. Ang pagsunod sa mga utos ng Diyos ipinakilala sa paghahatol (Apo. 12:17). Ito ay ang mga banal na sumusunod sa mga utos ng Diyos at mananatili (Apo. 14:12).

 

3.2.3.2 Ang mga Kristiyano bilang Templo ng Diyos

 

Ang mga santo ay ang Templo o dambana, ang naos, ng Diyos at Espiritu ng Diyos ay namamahay sa kanila. Kung sinuman ang sumira sa Templo ng Diyos, siya ay pupuksain ng Diyos. Sapagkat ang mga Templo ng Diyos ay banal at ang Templo ay tayo (1Cor. 3:16-17). Sa dahilang ito, may mga obligasyon sa mga Kristiyano na panatilihin ang kanilang sariling katawan sa malusog na kalagayan upang maging angkop na sisidlan para sa Espiritu ng Diyos. Sa sinabi ng Diyos na Siya ay mabubuhay sa atin, at gagalaw kasama natin at Siya ang magiging Diyos natin. Tayo ay dapat maging banal at hiwalay. Ang Diyos ay ang ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak (2Cor. 6:16-18 malayang inihayag sa bilang ng OT teksto: Lev. 26:12; Ezek. 37:27; Isaias 52:11; 2Sam. 7:14).

 

Sa dahilang ito, ang Kristiyano ay hindi dapat ipares sa mga hindi naniniwala (2Cor. 6:14). Dapat nilang linisin ang kanilang sarili mula sa bawat kalapastanganan ng katawan at espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Diyos (2Cor. 7:1). Sila ay kaya mga pimili mula sa simula at iligtas sa pamamagitan ng santipikasyon ng Espiritu at paniniwala sa katotohanan (2Tes. 2:14). Ang katotohanan ay kaya sapilitan sa kalusugang pangkaisipan at tanda sa mga hinirang. Ito ay maaaring makita mula sa paglalahad na ito ng pangkalahatang kautusan ng Bibliya ay may tiyak na kahulugan at layunin. Ang sukatan ng Templo ng Diyos na pinakita na sang-ayon sa mga kautusan na ito (Apo. 11:1).

 

3.2.4 Ang Sampung Utos

 

Ang Iglesia ay may kasunduan sa pagsunod ng Sampung Utos na matatagpuan sa Exodo 20:1-17 at Deuteronomio 5:6-21.

Ang unang utos ay

Ako ang Panginoon mong Diyos, na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, sa labas ng bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos sa harap ko.

Ang Diyos Ama ay ang nag-iisa tunay na Diyos (Jn. 17:3) at walang elohim bago pa , o may kapantay, Niya. Ito ay hindi pinahihintulot na sambahin o ipagdasal sa kahit anong ibang entidad kabilang si Hesus Kristo.

 

Ang ikalawang utos ay

Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan, o ng kahit anong kawangis ng kahit anong bagay na nasa itaas ng langit,o nasa ibaba ng lupa; Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila; sapagkat akong Panginoon mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking dindalaw ang katampalasangan ng mga magulang sa mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin lahi na mga napopoot sa akin, pero pinakikitaan ko ng pagmamahal ang mga nagmamahal sa akin at tumutupad ng mga utos.

Kaya ito ay hindi pinahihintulot na gumawa ng mga anyo o kawangis ng anumang paglalarawan para gamitin sa relihiyosong pagsamba o pagsisimbolo. Ang krus ay kaya ipinagbabawal sa mga Iglesia bilang simbolo.

 

Ang mga utos mismo ay bumubuo ng bahagi sa paglalarawan ng relihiyosong sistema at kaya lahat ay nakikialam.

Ang ikatlong utos ay

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat ang Panginoon ay hindi aariin ang walang sala na bumabanggit ng kanyang pangalan sa wa;ang kabuluhan.

Ang panglan ng Panginoong Diyos ay nagkakaloob ng kapangyarihan at, kaya, itong kautusan ipinamimigay hindi lamang sa simpleng kalapastanganan kundi ipinaabot sa maling gamit ng kapangyarihan ng Iglesia at sa lahat ng mga kabuluhan ng gawa sa utos ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus Kristo.

 

Ang ikaapat na utos ay

Alalahanin mo ang araw ng Sabbath (Pangilin), na gawin mo itong banal. Anim na araw kang magtatrabaho, at  iyong gagawin lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Paanginoon mong Diyos. Sa araw na iyan ay hindi ka gagawa ng kahit anong gawain, ikaw, o ang iyong anak na lalake, o anak mong babae, o ang iyong aliping lalake, o alipin mong babae, o ang iyong baka, o ang iyong taga-ibang lupa na nasa loob ng iyong pintuan; sapagkat sa anim na araw ang Panginoon ginawa ang langit at lupa, ang dagat  at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw sa gayon ang Panginoon pinagpala ang araw ng Sabbath at sagrado ito.

Ang ikapitong araw na Sabbath ay kaya sapilitan sa pananampalataya. Walang Kristiyano ang maaaring  maglingkod sa Diyos at mabigong igalang ang sabbath, na kilala sa kasalakuyang kalendaryo bilang Sabado. Ang pagtatatag ng ibang araw sa pagsamba maliban sa ikapitong araw hindi lamang sumisira sa utos na ito nagiging mismo simbolo ng pagsamba sa diyus-diyusan pagkatao sa panlabas na ipinahayag na kalooban ng Diyos. Ito ay ikalawang utos na pinakikialaman ang ikaapat na naging pagsamba sa diyus-diyusan. Ang linggo sa ikutang batayan ay may parehong epekto.

 

Ang unang apat na mga utos malalaman ang relasyon ng tao sa Diyos at kinilala sa ilalim ng una at mahalagang ulo ng kautusan, pinangalanang: ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng iyong kaluluwa, at ng buong isipan (at ng buong lakas mo Mar. 12:30). Ito ay ang dakila at unang utos (Mat. 22:37-38).

 

Ang kumpletong pagkakakilanlan ng Diyos nagsasanga mula sa pananampalataya’t pagtangkilik sa mga utos na ito at ang pag-ilag sa anumang galaw na maaaring  mapinsala sila.

 

Ang ikalawang dakilang utos ay

Mahalin mo ang iyong kapwa ng gaya ng iyong sarili. Wala ng iba pang utos na higit pa rito (Mat. 22:39; Mk. 12;310).

Ang ikalawang dakilang utos ay kumakatawan sa relasyong una pa sa ilalim ng huling anim na  mga utos  sa sampu at ito’y mag-uugnay sa sangkatauhan.

 

Ang ikalimang utos ay

Igalang mo ang iyong ama at iyong ina, ng ang mga araw mo ay tumagal sa lupang ibinigay ng Panginoon mong Diyos.

Ang pamilyang relasyon ay ang esensiyal na gusaling harang ng sinumang tao at ibalik ang saloobing ipinakita sa malawak na relihiyosong kayarian.

 

Ang ikaanim na utos ay

            Huwag kang papatay.

Ang mga Kristiyano ay hinahatulan ng mataas na kautusan na hindi magalit sa kanilang kapwa. Sa pagkimkim ng galit ay paggawa ng dahas sa iyong kapwa. Sinumang galit sa kapwa niya ay mananagot sa paghahatol; sinuman uminsulto sa kanyang kapwa ay mananagot sa kapulungn, at sinumang magsabi, ‘Ikaw ungas!’ ay mananagot sa Gehenna (o ang libingan o impiyerno) (Mat. 5:22).

 

Ang ikapitong utos ay

            Huwag kang makikiapid.

Ang mga Kristiyano ay hinuhusgahan ng mataas na kautusan ng kasabikan pagkatapos ng isa pang tao na hindi naman nila asawa (Mat. 5:28).

 

Ang ikawalong utos ay

            Huwag kang magnakaw.

Ang magnakaw ay gumawa ng dahas sa kapwa mo at pagsira ng relasyon mo sa Diyos.

 

Ang ikasiyam na utos ay

            Huwag kang magbibintang laban sa iyong kapwa.

Makatuwiran at makatarungan ay mga mahalagang parehong kaisipan ng pagkatao na parehong salita sa Hebreo. Kaya ang Kristiyano ay hindi maaaring makatuwiran lamang ang pagkatao. Ang kasinsayan ng katarungan ng maling patunay na pumapasok sa kaligtasan ng Kristiyano.

Ang ikasampung utos ay

Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalake, o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o anumang bagay na nasa iyong kapwa.

 

Pagkamaimbutin ay pamamaraan na maglalagay ng materyosong bagay o ang seksuwal na relasyon sa ibabaw ng isang relasyon sa Diyos. Dito mauunawaan ang pagsamba sa diyus-diyusan. Gumagawa ito ng isa pang bagay ang sentro ng pagnanasa at ito lumalabag sa ibang mga utos. Sa kamalayang ito, ang mga utos ay palibot-sulat doon sa pagkamaimbutin ay nagiging pangunahin sa pagkasira ng iba at, kaya, ang pagkasira ng isang aspekto ng kautusan sisirain nito lahat. Mayroon kaya walang relasyon sa kasalanan. Ang kasalanan ay paglabag ng kautusan . Si Kristo ay nagbigay ng paliwanag ng tunay na pang-unawa sa kautusan sa Mateo 5:21-48; tumutukoy sa Exodo 20:13; Deuteronomio 5:17, 16:18 at Lucas 12:57-59.

 

Ang mga utos ay dapat ituro ng lahat ng mga magulang sa kanilang anak sa patuloy na batayan. Sila ay dapat tandaan sa kamay at noo (sa isipan at gawa) at ilagay sa haligi ng pintuan ng bahay (Deut. 7:7-9).

 

3.2.5 Iba pang Kautusan na Namamahala sa Asal ng Tao

 

3.2.5.1 Ang mga Kautusan sa Pagkain

 

Ang mga kautusan sa pagkain ay matatagpuan sa Levitico 11:1-47 at Deuteronomio 14:4-21. Sila ay batay sa alituntunin ng katawan ng tao sa maayos na kalagayan ng kalusugan at batay sa pantarok pangkatawan simulain. Ang utos ay dapat banal at ang katawan ibinigay bilang angkop na sisidlan para sa Banal na Espiritu. Mayroon na pang-arok pang-agham batayan para sa mga kautusan sa pagkain. Ang pagkain ng dugo ay ipinagbabawal sa Levitico 3:17. Walang namamatay sa sarili o nakakasira na makakain (Ezek. 44:31). Ang mga pagbabawal sa pagkain ng prutas sa mga kautusan namamahala sa prutas ay matatagpuan sa Levitico 19:23-26. Ang mga kautusang ito ay may ispirituwal na mga kahulugan.

 

3.2.5.2 Ang Sabbath

 

Ang ikapitong araw na Sabbath ay dapat ingatan (mula sa Ex.20:8-11; Deut. 5:12-15) bilang ipinahayag na kautusan ng Panginoon at isa sa sampung utos. Ang mga ito ay di-malabag na kautusan habangbuhay ng lahat ng tao. Ang Sabbath ay banal. Sinuman ang lumapastangan sa Sabbath maghihirap sa kamatayan at puputulin mula sa kanilang mamamayan (Ex. 31:14-15). Ito ay habang panahon na kasunduan sa pagitan ng mamamayan ng Isarael at simbolo habangbuhay sa pagitan nila at ng Diyos, na tinatanggap Siya bilang tagapaglikha (Ex. 31:15-16). Lahat ng mga Kristiyano ay espirituwal na Israel at lahat ng mga Gentil ay kahuli-hulihang makakapasok sa bansa ng Israel. Samakatuwid, ang Sabbath ay simbolo sa pagitan ng Diyos at Kanyang mga mamamayan sa lahat ng panahon. Ang kaparusahan para sa lumalapastangan sa Sabbath ay ang kamatayan mangangailangan ng parusang Banal na Espirito at ililipat sa ikalawang muling-pagkabuhay (tingnan Apo. 20:5). Ang Sabbath ay galak at dapat parangalan bilang ang Banal na Araw ng Diyos. Hindi ito araw ng kalayawan kundi ng banal na pagtitipon (Isa. 58:13-14). Walang trabaho o pasanin na dapat dalhin dito (Jer. 17:21-22).

 

Ang Panginoon iningatan ang Sabbath noong panahon ng kanyang buhay (Mar. 6:2). Ang mga apostol iningatan ang Sabbath (at Banal na mga Araw) at ating iingatan ang mga Sabbath. Ang panginoon ay ipakikilala uli ang Sabbath, Bagong Buwan at Banal na mga Araw na sapilitan sa kautusan sa milinyal na pananauli sa mga huling araw sa ilalim ng Mesiyas na pamamahala, parurusahan ang mga bansa na hindi sumunod (Isa. 66:22-23; Zac. 14:16-19).

 

3.2.5.3 Ang Bagong Buwan

 

Ang Bagong Buwan ay kailangan ingatan sa ilalim ng kautusan (Bilang 10:10, 28:11-15; 1Cro. 23:31; 2Cro. 2:4, 8, 13, 3:13). Ang kalakahan ay pinahinto sa panahong ito gaya ng sa Sabbath (Amos 8:5). Ang Israel ay iningatan ang Bagong Buwan kasama ng Sabbath at  Banal na mga Araw (Col. 2:16). Ang Bagong Buwan ay iingatan sa ilalim ng Mesiyas bilang Sabbath (Isa. 66:23; Ezek. 45:77, 46:1, 3, 6).

 

3.2.5.4 Ang Taunang Banal na mga Araw

 

Ang taunang Banal na mga Araw ay matatagpuan sa Lev. 23:1-44 at Deut. 16:1-16. Itong mga taunang Banal na mga Araw masasalamin ang plano ng kaligtasan ng Panginoon. Ang Banal na mga Araw binubuo ng:

·        Ang Paskuwa at ang Pista ng Lebadura

·        Pentekostes

·        Ang Pista ng mga Trumpeta

·        Ang Araw ng Pagtatakip-sala

·        Ang Pista ng Tabernakulo o Habong

·        Ang Huling Dakilang Araw

Sila ay sapilitan at nagdadala ng tiyak na mga kailangan bilang simbolo sa pagitan ng Diyos at Kanyang mamamayan. Ang Banal na Araw ay ipinalalagay na Sabbath.

 

3.2.5.5 Pag-aasawa

 

Ang Pag-aasawa ay banal na linangan. Ito ay kumakatawan sa pagkakaisa ni Kristo at ng Iglesia sa ilalim ng Diyos (Apo. 19:7, 9). Ang parabula ito ay ipinaliwanag sa Mateo 22:2-14. Ito ang ipinagbawal na linangan kay Kristo (Mat. 25:10) batay sa espirituwal na paghahanda. Mula sa panahon ng panghuling pagkakasundo ay wala ng mag-aasawa. Ang pag-aasawa ay ginawa para sa tao at hindi linangan ng Punong-abala (Mat. 22:30). Kaya, kapag ang tao ay nabuhay mula sa pagkamatay sila alinma’y hindi kasal o ibinigay sa pag-aasawa (Mar. 12:25). Ito ay ang susunod na panahon sa pamamagitan ng muling-pagkabuhay. Sila ay noon kahalintulad sa mga anghel at mga Anak ng Diyos (Lk. 20;34-36).

 

Kaya, ang pag-aasawa ay linangang dinisenyo para sa mga tao at kalooban na matapos sa buhay pagkatapos ang anyo ng tao nilikha ay tapos na. Mula sa paglikha kay Adan, ang linangan ay itinatag upang ang tao’y iwanan ang kanyang ama at kanyang ina at makisama sa kanyang asawa, at sila’y magiging isang laman (Gen. 2:24).

 

Ang asawa ay asawa sa kasunduan at ang Panginoon hangad ng makadiyos na bunga mula dito. Ang Panginoon ay namumuhi sa paghihiwalay kung saan ay marahas (Mal. 2:16). Ang paghihiwalay ay pinahihintulutan ni Moises pero ang mga Kristiyano ay hindi dapat hiwalayan ang kanilang asawa maliban kung sa pakikiapid (Mat. 5:31-32). Anumang pinagbuklod ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao (Mat. 19:3-12). Samantalang ang hindi naniniwalang asawa noon ang pag-aasawa ay dapat manatili (1Cor. 7:10-16).

 

3.2.6 Pananalaping Pamamahala

 

3.2.6.1 Patungo sa Diyos

 

Pananalaping responsibilidad ukol sa Diyos ay matatagpuan mula sa Deut. 12:5-19. Ito ay ang responsibilidad ng bawat Kristiyano upang suportahan ang mga gawain ng  Iglesia. Ang simulain ay kinuha mula sa ikapu na hinandog sa Diyos sa pamamagitan ng mga pari at ng tagapataw mula sa hanapbuhay ng Israel (Deut. 12:9-14) at nanguna ang Templo. Ang Templong buwis ay kinuha sa Pagtatakip-sala. Ang pataw ay kinukuha na nakatala sa Nehemias 10:32. Ang gawain ay patuloy sa pamamagitan ng pagtatayo ng milimyal na kaharian ng Mesiyas (Mal. 3:1-6). Sa Malakias 3:7, inutos ng Diyos ang pagbabalik ng bansa sa Kanyang at Siya ay babalik sa kanila. Ang pagbabalik ay katuparan sa gawain ng Diyos at ang pagpopondo sa gawaing iyon ay sa ikapu (Mal. 3:7). Ang pagkabigong magbayad ng ikapu ay ipinantay sa pagnanakaw sa Diyos (Mal.3:8-10).

 

Ang pagbabayad ng ikapu, kung saan sinundan ng paniningil, tiyakin na ang gawain ng Diyos ay magpapatuloy at ang mga bunga ng lupa ay tiniyak ng Diyos bilang kapalit (Mal. 3:10-12). Ang responsibilidad ng Iglesia sa Diyos ay karugtong mula sa mga apostol kahit na hindi laging nagampanan, o ito ay ipinaubaya ng namamahala (2Cor. 12:13-18). Kaya si Kristo ay nagpadala ng mga matatanda, dalawahan, at sila’y susuportahan sa gawain ng kapulungan kung saan sila nagtrabaho (Lk. 10:1-12). Sa mga may trabaho sa templong naglilingkod at ipinabayad ang ebanghelyo ay dapat suportahan ng ebanghelyo (1Cor. 9:13-14). Ito ay pananagutan ng Iglesia na bigyan para sa sa mga nagtatrabaho sa pagtuturo at pangangaral ng buong araw (1Tim. 5:17-18; cf. Deut. 24:14-15).

 

Ang mga ikapu ay tinatanggap ng Diyos maliban kung saan malinaw na ipinahayag mula sa pagiging hindi matapat na nakamit o sa ipinagpakasakit sa mga idolo (1Cor. 10:27). Ang mga ikapu ay binayaran sa Iglesia upang ito ay makatulong sa mga bilang ng nangangailangan (1Tim. 5:9-10, 16). Ang mga ikapu ay sinisingil batay sa lokal na pulong at ang ikapu ng ikapu ay babayaran sa punong himpilan na inalis sa Bilang 18:26 at Nehemias10:37-39. Ang kautusan sa unangbunga nangangailangan ng madaliang pagbabayad (Ex.22:29). Ang una sa mga unangbunga ay dapat dalhin sa harap ng Diyos agad sa simula ng pista; at lalo na sa unang gabi ng Pagtitipon o Tabernakulo (Ex. 23:19). Ang panganay ay banal din sa Diyos (Bilang 18:15-18).

 

3.2.6.2 Patungo sa Iba

 

Sinumang hindi nagbigay para sa kanyang kamag-anak at lalo na sa kanyang sariling pamilya ipinagkaila ang pananampalataya at na mas masama pa sa erehe (1Tim. 5:8).

 

Walang Kristiyano na mang-api o pigilin ang sahod ng kahit sinong tao (Deut. 24:15). Sila ay magbabayad lahat ng perang inutang at, sa taon ng Pangilin, na patawarin ang mga sala ng inutang ng iba sa pananampalataya (Deut. 15:1-3; Neh. 10:31).

 

Ang pag-iikapu para sa pista ay isinaayos sa bilang ng teksto. Ang ikalawang ikapu ay hindi dapat gastusin sa loob ng tahanan pero sa lugar kung saan ang Panginoon ang pipili (Deut. 12:17-19).

 

Sa ikatlong taon ng panahon ng pangilin, ang mga ikapu ay babayaran para sa kabutihan ng mahihirap (Deut. 14:28, 26:12). Ang tatlong ikapu ng taon ay babagsak sa mga taon ng 1994-95, 2001-02, 2008-09, 2015-16, 2022-23, 2030-31. Ang sagradong taon 2030-31 ay ang unang tatlong ikapung taon ng bagong Hubileong panahon o ang bagong Milenyo. Ito ay batay sa paghahandog na maaaring talikdan o pabagu-bago ayon sa pagtatatag ng Iglesia sa mga lugar kung saan ang panlipunang sistema ng seguridad ay sapat.

 

Ang Pangiling taon ay taon ng pahinga para sa mga lupa, ang mga binya at ang gulayan upang ang mahirap makakain at ang likas palahayupan makakain (Ex. 23:10-11). Ang taon ng Pangilin ay babagsak sa mga sagradong taon na 1998-99, 2005-06, 2012-13, 2019-20, 2026-27 kasama ang Hubileong taon na babagsak sa 2027-28.

 

Sinuman ang mabait sa mahirap ay nagpautang sa Panginoon at Siya ay babayaran para sa kanyang ginawa (Kaw. 19:17) at hindi niya gugustuhin (Kaw. 28:27), at magkakaroon din ng kayamanan sa langit (Mar. 10:21). Ang Diyos ay maykaya na magbigay upang ikaw ay magbigay sa bawat mabuting gawain hindi lamang tustusan ang mga gusto ng mga banal subalit umapaw sa pagpapasalamat sa Diyos (2Cor. 9:6-12).

 

3.2.7 Pagdirigmaan at Pagboto

 

3.2.7.1 Pagdirigmaan

 

Ang mga banal ay mga pari ng Kataas-taasang Diyos. Ito ay di-naaangkop para sa kahit  sinong Kristiyano na kunin ang buhay ng iba (Ex. 20:13; Mat. 5:38-48; Lk. 6:27-36). Kung ang mga tagapaglingkod ni Kristo ay nasa sanglibutan sila ay makikipaglaban na sila ay hindi mahawakan sa ibabaw ng mga makamundong kapangyarihan (Jn. 18:36). Kahit na sila nabubuhay sa sanglibutan, sila ay hindi nagdadala ng makamundong digmaan (2Cor. 10:3). Ang mga sandatang ginamit ng mga hinirang ay may banal na kapangyarihan na pinanghahawakang wasakin (2Cor. 10:4). Kaya, ito ay ang paghahandog ng mga Kristiyano na suportahan ang pamahalaan ng kanilang bansa at gumawa sa pagdarasal at tapat na pagsunod sa mga mabuting tao ng kanilang bansa, upang ang Diyos ipagsanggalang sila sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan.

 

3.2.7.2 Pagboto

 

Ang mga Kristiyano ay dapat panindigan ang mga batas ng lupa maliban kung saan may tuwirang paglalaban sa kautusan ng bibliya. Kung saan kailangan sa kautusan na bumoto, ang mga Kristiyano ay maaaring magsanay tumistigo sa pagboto kung saan dito ay walang paglalaban sa bibliyang simulain. Ang pagpili ng mga mamumuno sa pagboto ay makukuha mula sa Deuteronomio 1:9-14 at ang wakas ng panahon o milinyal na paghahayag ng Hosea 1:11. Ang pagkasangkot sa pakikipaglabang pulitikal ay makikita na karugtong ng pagdirimaan.

 

KABANATA 4

 

DOKTRINA TUNGKOL SA MESIYAS

 

4.1 Ang Pagkabuhay ni Kristo

 

Si Hesus Kristo ay nabuhay bilang espirituwal na nilalang. Siya ay nabuhay mula sa simula ng paglikha (Jn. 1:1) bilang kauna-unahang pinagmulan ng paglikha (Col. 1:15) at, samakatuwid, siya ang simula ng paglikha ng Diyos (Apo. 3:14). Siya ay ang katauhan tinutukoy sa Lumang Tipan bilang Anghel ni Yahweh, ang Anghel ng Pagharap o ang Kasunduan. Siya ay ang Anghel na nagdala sa Israel sa labas ng Ehipto at sa pamamagitan ng Pulang Dagat. Siya ay ang Anghel sa Ulap at ang Anghel na nagsalita kay Moises sa Sinai (Gawa 7:35-38). Siya ay ang El Bethel o ang El, ang Diyos o Mataas na Pari ng Tahanan ng Diyos (Gen. 28:17, 21-2, 31:11-13; Heb. 3:1). Si Kristo ay ang Anghel ng HaElohim (Gen. 31:11-13). Siya ay tinalaga bilang elohim ng kanyang elohim (Awit 45:6-7) na Diyos Ama. Siya ay gaya ni Moises ay matapat din sa tahanan ng Diyos (Heb. 3:2), subalit bilang tagapaglingkod.

 

Si Kristo ay dumating dito sa mundo na saksi taglay ang katotohanan (Jn. 18:37). Ang Kanyang Kaharian ay gayunpaman darating sa lupa. Siya ay itinalaga bago pa ang pagtatatag ng daigdig pero ginawang ipakita sa huling panahon para sa ating kapakanan (1Ped. 1:20).

 

4.2 Ang Pagkapako at Muling-pagkabuhay

 

Si Kristo ay pinadala sa daigdig  para iligtas ang sangkatauhan sa pag-aalis ng kasalanan sa sanglibutan (Mat. 1:21, 9:6; Mar. 3:28) bilang kordero (Apo. 5:6-8). Siya na pinatay mula ng itatag ang sanglibutan bilang kasanayan ng banal na presensiya ng Diyos (Apo. 13:8).

 

Maliban kung ang sangkatauhan ay maniwala na si Kristo ay Mesiyas sila ay mamamatay sa kanilang kasalanan (Jn. 8:24).

 

Si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan at siya ay nilibing at nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Kasulatan (1Cor. 15:3-4), nagpakita sa mahigit na limang daang kapatid (1Cor. 15:5-6). Si Kristo ay buhay na bago pa ang araw na tinawag na Linggo o ang unang araw ng Linggo (Jn. 20:1; tingnan din ang Mar.16:9-10, na mapapansin ang kayarian pagkatapos niyang mabuhay). Siya ay sinabi na tatlong araw na at tatlong gabi sa puso ng sanglibutan bilang Tanda ni Jonah (Mat. 12:39-40; tingnan din sa Lk. 24:6-8).

 

Si Kristo ay pinako (Mat. 27:32-50; Mar. 15:24-37; Lk. 23:33-46; Jn.19:23-30) bandang ikatlong oras, i.e. 9 nu (Mar. 15:25), hanggang ikasiyam na oras, i.e. 3 nh (Mar. 15:33), ng 14 ng Nisan. Walang katibayan na kung  ito ay taya o ang huling paghahayag ng T krus. Walang pansin ito, ang krus hindi kinuha bilang simbolo ng pananampalataya, na nag-uugat mula sa sinaunang hindi-Kristiyano pamahiin.

 

Si Kristo ay pinako at nabuhay (Mar. 16:6). Sa kanyang muling-pagkabuhay siya ay umakyat sa kanyang Ama at ating Ama, at kanyang Diyos at ating Diyos (Jn. 20:11-18). Siya ay umupo sa kanan ng Diyos kasama ng mga anghel, kapamahalaan at kapangyarihan ipinasakop sa kanya (1Ped. 3:22).

 

Ibinigay ni Kristo ang kapangyarihan na magpatawad at magpanatili ng mga kasalanan sa Iglesia sa pamamagitan ng mga apostol (Jn. 20:22-23).

 

4.3 Ang Ikalawang Pagdating ni Kristo

 

Si Kristo ay dumating una bilang pagpapakasakit para sa pagtubos ng kasalanan. Hindi siya unang dumating bilang Haring Mesiyas at ito ay maling pakahulugan ng mga Hudyo sa kanyang kapanahunan. Sila ay umasa sa manlulupig na Hari (Mat. 27:11, 29-37; Lk. 23:2-3, 37-38; Jn. 19:14-16). Gayunman siya ay kinilala, ng iba sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, bilang Hari ng Israel (Jn. 1:49, 12:13-15) kaya tutuparin ang hinula (Zac. 9:9).

 

Si Hesus ay darating uli sa kapangyarihan, sasamahan ng Hukbo ng langit (Mat. 25;31) bilang Haring Mesiyas (Apo. 17:14). Ang Kanyang pagdating ay malinaw na nakikita bilang kidlat ng langit (Mat. 24:27). Siya ay maghahari sa kapangyarihan kasama ng mga muling nabuhay na mga banal (Apo. 20:4).

 

Kanyang pupuksain ang tao na makasalanan sa kanyang pagdating (2Tes. 2:8) at sumunod ang mundong makapangyarihan. Ang taong makasalanan ay magkakaroon ng kapangyarihan sa pamamagitan ng gawain ni Satanas na makapangyarihan at nagpamalas na mga tanda at ng kababalaghan (2Tes. 2:9). Itong pagbabalikwas ay pinadala sa Templo ng Diyos dahil sila ay hindi nagmahal ng katotohanan at upang sila ay mapaniwala kung ano ang mali dahil sila ay hindi kumapit ng mabilis sa katotohanan ‘nung una (2Tes. 2:10-12). Ang Panginoon pupuksain itong pagbalikwas na sistema sa hininga ng kanyang bibig at ang pagsapit ng kanyang pagdating (2Tes. 2:8).

 

4.4 Ang Milinyal na Paghahari ni Kristo

 

Si Kristo ay magtatatag ng paghahari sa mundong ito sa sanglibong taon kasama ng muling nabuhay na mga banal. (Apo. 20;3-4). Si Satanas ay igagapos sa sanglibong taon at ikukulong sa walang-hangganan na hukay o tartaroo, ang lugar ng mga nalaglag na anghel (2Ped. 2:4). Ang mga banal, ‘yung mga pinugutan ng ulo para sa salaysay kay Kristo at ang salita ng Diyos at sa mga hindi sumamba sa hayop at kanyang larawan o tumanggap ng marka sa kanilang mga noo o mga kamay, ay mabubuhay na muli at maghahari kasama ni Kristo para sa sanglibong taon (Apo. 20:4). Ito ay ang unang muling-pagkabuhay (Apo. 20:5). Ang ibang mga patay ay hindi mabubuhay hanggang sa ang isang libong taon ay matapos (Apo. 20:5). Ito ay ang ikalawa o pangkalahatang muling-pagkabuhay.

 

Sa panahong ito ng isang libong taon, si Kristo ay magtatatag uli ng Kaharian ayon sa mga kautusan ng bibliya na binigay niya sa Sinai. Ito ay lilitaw mula sa araw na tumayo siya sa bundok ng Olibo (Zac. 14:4, 6 ff.). Ang mga bansa ay magwawagayway ng digmaan laban sa Herusalem at mapupuksa (Zac. 14:12). Lahat ng mabubuhay sa mga bansa ay aakyat bawat taon upang sumamba sa Panginoon ng mga Hukbo at iingatan ang Pista ng Habong o Tabernakulo (Zac. 14:16). Ang Sabbath, Bagong Buwan at Banal na mga Araw ay sapilitan at ang kautusan ay ilalabas mula sa Herusalem. “Yung mga bansa kung saan hindi nagpadala ng kanilang mga sugong lihim sa Jerusalem para sa Pista ng Tabernakulo ay hindi tatanggap ng ulan sa angkop na panahon (Zac. 14;16-19).

 

Sa katapusan ng Milenyo, si Satanas ay pakakawalan ulit upang mandaya ng mga bansa sa ibabaw ng daigdig (Apo. 20:7-8). Sila ay iipunin ulit para sa paglalaban, pero pupuksain sa pamamagitan ng apoy (Apo. 20:9); at pagkatapos si Satanas ay pupuksain. Ang pangkalahatang muling-pagkabuhay ay mangyayari na, at ang Paghuhusga (Apo. 20:13-15).

 

 

KABANATA 5

 

ANG SULIRANIN NG MAKASALANAN

 

5.1 Ang Paglitaw ng Makasalanan sa Pamamagitan ng Paghihimagsik ng Hukbo

 

Si Satanas ay pinalayas sa langit para sa kasalanan ng paghihimagsik kung saan, dahil naghahanap ng pagkakaroon ng kaloobang pantay sa o higit sa DiyosAma, ay pagsamba sa diyus-diyosan (o kulam na sinasabi sa 1Sam. 15:23). Ginawa ni Satanas ang sariling kapantay ng Kataas-taasan o Diyos Ama. Si Kristo, sa kabila noon, hindi naghangad na maging kapantay ang Diyos, tinupad Niya ang hangarin nito (Jn. 4:34).

 

[Siya} bilang nasa kalikasan ng Diyos hindi inisip ng pagkapantay sa Diyos bagay na masunggaban.

Pero ginawa niyang wala ang sarili, kinuha ang kalikasan ng tagapaglingkod, bilang ginawang katulad ng tao, at bilang matagpuan sa anyo bilang tao, pinababa niya ang sarili at naging masunurin sa kamatayan- kahit kamatayan sa krus!

Samakatuwid ang Diyos dinangal siya sa pinakamataas na lugar at binigyan ng pangalan na mataas sa bawat pangalan … (Fil. 2:6).

 

Kaya ang Diyos itinaas si Kristo sa pamamagitan ng pagkamasunurin dahil hindi siya naghanap ng pagkapantay sa Kanya at hindi naghanap na itiwalag ang Diyos, bilang ikatlo sa elohim at bene elohim sa katunayan nakita na ginawa.

 

Sa Lucas 10:18 sinabi ni Kristo nakita niya si Satanas na nalaglag, gaya ng kidlat, mula sa langit. Kinuha ni Satanas ang ikatlong bahagi ng mga Anghel o Bituin sa Langit (Apo. 12:4). Ang mga anghel na ito ay pinalayas kasama si Satanas sa sanglibutan (Apo. 12:9). Itong lagim ay sumimbolo ng lagim na tinukoy sa Apo. 8:10 kung saan ang ikatlong anghel ipinamalas uli ang lagim na sanhi ng paglaglag ng Bituin ng Hukbo pinabayaan na ikatlo ng paglikha. Ang Hukbo ay nasalanta ng paghihimagsik na nakita ng ikatlo ng sa tabernakulong natanggal at ang sistema sa sanglibutan nagpahayag ng walang-pitagan laban sa pangalan  ng Diyos at Kanyang pananahan, na iyon ay, sa mga nananahan sa langit (Apo. 13:6). Kaya, ang Diyos nanahan sa parehong makalangit na tabernakulo kung saan ay ang makalangit na Hukbo at gayundin ang mga hinirang, na mga makalupang nanahan sa Diyos.

 

5.2 Ang mga Doktrina Tungkol sa Katalagahan

 

Ito ay Diyos sa pamamagitan ni Kristo, sa hangarin ng Banal na Espiritu, na nagbukas ng isip ng lahat ng mga hinirang simula sa mga apostol, upang Kasulatan ay maunawaan (Lk. 24:45). Si Kristo ay nangusap sa talinhaga upang ‘yung mga hindi napili ay hindi maunawaan. Kaya, sila ay magbabalik at maliligtas (Mat. 13:10-17) bago sila ay maykaya ng makapasok sa paghuhusga. Ang Diyos ay maawain at hindi hinangad ang sinuman na maghirap. Kaya sa Kanyang banal na prebisyon ang bawat isa ay tinawag ayon sa Kanyang dahilan. Para sa mga nauna Niya, Kanyang tinalaga na umalinsunod sa larawan ng Kanyang Anak upang sa ganoon siya ay maykapangyarihan na maging panganay sa maraming kapatid. At ‘yung mga itinalaga Niya ay Kanyang tinawag din, at ang mga tinawag Niya at Kanyang inaring-ganap at niluluwalhati din Niya. Ano ang ating sasabihin dito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?

 

5.3 Ang Kalagayan ng Patay

 

Ang kalagayan ng patay ay payapa (Awit 115:17) at madilim (Awit 143:3). Walang habangbuhay na kaluluwa. Ang isang tadhana ay darating sa lahat ng tao (Ecle. 9:3). Ang mga patay ay walang malalaman (Ecle. 9:5).

 

Ilan sa sinaunang patay walang muling-pagkabuhay (Isa. 26:14; tingnan ang Companion Bible notations at Interlinears).

 

Ang patay na mga banal ay tinawag na natutulog o ‘yung mga nakatulog (tingnan Mat. 9:24; Jn. 11:11; 1Cor. 11:30, 15;6, 18, 51; 1Tes. 4:13-15; 2Ped. 3:4).

 

5.4 Ang Muling-Pagkabuhay ng Patay

 

Ang Diyos ay gumagawa ng kababalaghan para sa patay at sa mga namatay na mabuhay para sambahin Siya (Awit 88:10). Ang Kanyang matatag na pagmamahal ay ipinahayag mula sa hukay (Awit 88:11) kapag ang namatay ay nabuhay muli. Na alam ni Job na ang kanyang tagapagligtas ay nabubuhay (Job 11:25) at sa wakas siya ay tatayo sa lupa. Pagkatapos na mapuksa si Job, alam niya na mula sa kanyang laman makikita niya ang Diyos, na nasa kanyang tabi, at sa kanyang mata makikita Siya at hindi ng [ibang mata] (Job 19:25-27).

 

Binuhay ni Kristo ang patay upang malaman na siya ay ang Mesiyas (Mat. 11:4-5). Si Lazarus ay ang halimbawa ng kanyang kapangyarihan (Jn. 11:11). Itong kaisipan ng muling-pagkabuhay bilang pinakahulugan ng Mesiyas ay dapat na malaman at inasahan ng mga pamahalaan ng kanyang panahon (Mat. 14:2).

 

Ito ay mauunawaan na hindi dapat lahat matulog sa halip dapat lahat tayo ay magbago, sa huling trumpeta (1Cor. 15:51). Kaya, ang mga kapatid ay lilipas sa maraming salin-lahi at makakatulog, pero sa huling mga araw ng Mesiyas ay darating habang ang iba sa mga banal mabubuhay. Samakatuwid lahat ay mapapalitan na walang-kamatayang espirituwal na katawan (1Cor. 15:44 ff). ‘Yung mga nakatulog ay mabubuhay. ‘Yung mga buhay na naiwan hanggang sa pagdating ng Panginoon hindi mauuna sa mga nakatulog (1Tes. 4:13-15). Ang Panginoon ay bababa mula sa langit kasama ang Arkanghel na tawag at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang patay ay unang nabuhay, at ang mga buhay, na natira ay kasamang huhulihin at kaya laging sa Panginoon (1Tes. 4:16-17).

 

Mula sa muling-pagkabuhay, ang milinyal na pamamahala ng mga banal ay sinimulan. Ang mga banal ay namamahala ng mga bansa na pamalong bakal (Apo. 2:26-27).

 

Sa muling-pagkabuhay mawawala na ang pag-aasawa (Mat. 22:30). Ang mga banal ay itataas bilang esirituwal na entidad. Si Kristo ay namatay para sa atin upang kapag tayo ay gumising mula sa pagkakahimbing tayo ay mamumuhay kasama niya (1Tes. 5:10).

 

Ito ay mahalaga na maunawaan na ang matuwid lamang ang tinutukoy sa unang muling-pagkabuhay. Pagkamatuwid (zedek) at Makatarungan sa Hebreo ay parehong salita. Sila ay mauunawaan na parehong bagay. Kaya, ang hindi pa nagsisising kalisyaan ng katarungan ay hindi kasama ng hinirang mula sa unang muling-pagkabuhay.

 

5.5 Ang Parusa ng Mahina

 

Ang sangkatauhan ay sumailalim sa sistema ng matuwid na pagsasanay. Ito ay kagustuhan ng Diyos ng walang laman ang maghihirap sa halip ang lahat ay umabot sa pagsisisi (2Ped. 3:9).

 

Kung ang Diyos kinuha muli ang Kanyang espirito kaya lahat ng laman ay maghihirap ng sama-sama at ang tao ay babalik sa alabok (Job 34:15), kaya ang kaluluwa ay di-buhay.

 

Ang buong sangkatauhan ay hindi mabubuhay sa unang muling-pagkabuhay, kung saan ay mainam na muling-pagkabuhay (Heb. 11:35), ay mabubuhay mula sa pagkapatay sa ikalawang muling-pagkabuhay pagkatapos ng milinyal na paghahari ng Mesiyas. Itong pamamaraan ay panahon ng paghuhusga kung saan lilitaw na sasaklaw sa loob ng isang daang taon (Isa. 65:20). Ang muling-pagkabuhay ng hinusgahan (Jn. 5:29) ay isa sa itinama at tinuro upang lahat ng sangkatauhan ay maghanda na tumanggap ng walang-hanggang buhay. Ang salita para sa paghusga (kriseoos) (isinaling pagsumpa sa KJV) na may ibig sabihin na pasiya.

 

Ang pang-unawa ay nasa itinamang nag-uugat mula sa mga paniniwala o mga pasiyang binigay nauukol sa mga gawa. Nadadala ang kaisipan ng parusa o ganti. Subalit, ang kabuuang nananahan na hindi nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang Diyos ay mahirap parusahan para sa katotohanang iyon. Ang mahina ay papailalim sa matinding pagsasanay. Kapag hindi sila nagsisi pagkatapos ng panahon ng isang daaang taon pinayagan mula ng ikalawang muling-pagkabuhay, sila ay tutulutang mamatay at ang kanilang katawan ay pupuksan ng Gehennang apoy (isinalin na impiyerno) (Mat. 5:22, 29, 30; 10:28, 18:9, 23:15, 33; Mar. 9:43, 45, 47; Lk. 12:5; San. 3:16).

 

May tatlong salita sa Bagong Tipan na nasalin bilang impiyerno. Ito ay mga SGD 86 hades kung saan halos maging SHD 7585 Sheol, o ang hukay o ang libingan ang lugar kung saan ang patay na katawan ay inilalagay. Ang dalawang iba pang teksto ay SGD 1067 Gehenna, kung saan ay sa Hebreo nagmula para sa Talon ng Hinnom. Ito ay basurang hukay kung saan itinanggi at mga patay na hayop mula sa Jerusalem ang sinunog. Kaya, ginamit ni Kristo ito sa paglalarawan sa pagtutukoy ng pagtatapon ng patay, parehong katawan at kaluluwa (Mat. 10:28), pagkatapos ng paghuhusga. Ang ikatlo ay SGD 5020 tartaros ay ang bangin kung saan ang mga anghel ay kinulong pagkatapos ng paghihimagsik.

 

Ang walang-hangang parusa (kolasin, penal na parusa) tinukoy sa Mateo 25:46 ay nasa pagtutol sa walang-hanggang buhay. Ito ay simpleng kamatayan. Ang pang-unawa sa kaparusahan ay gaya ng higpit sa Hebreo 10:29 na nag-uugat sa kamalayan ng pangangatwiran. 2Corinto 2:6 ginamit ang salitang epitimia mula sa pahalagahan bilang mamamayan. Samakatuwid, ang kaparusahan ay may halaga sa pagtatanggolng pagpapahalaga bilang mamamayan.

 

Kaya, walang lugar sa walang-hanggang pighati ng patay. Ang mga banal ay matatawag sa unang muling-pagkabuhay na gumawa ng gawain na pagtuturo sa Milenyo upang ang mga demonyo ay mahusgahan laban sa kanilang pagganap at ang mundo ay magkakaroon ng pamantayang paghahambing na masusukat at ang mga bunga. Ito ay hindi mamamatay, sa kamalayan na sila ay hinusgahan na ngayon. Sila ay tinukoy na bilang nakatulog.

 

Ang iba sa mundo, na hindi bahagi ng hinirang, ay hindi pa hinusgahan ngayon. Ang iba sa mundo ay itataas at itatama sa ilalim ng tagapangasiwa sa ikalawang muling-pagkabuhay (Apo. 20:12-13). Wala ng iba pang muling-pagkabuhay o kaparusahan maliban sa ikalawa o pangkalahatang muling-pagkabuhay. Ang nagsisisi ay binigyn ng walang-hangang buhay kasama ng mga banal ng unang muling-pagkabuhay at ang di-nagsisi ay agad mamamatay at ang kanilang katawan ay masusunog. Pagkatapos nito, ang katayuan o kalagayan ng kamatayan at ang libing, o Hades, ay mawawala na (Apo. 20:14). Ang mahina na buhay pa sa pagbabalik ng Mesiyas ay papatayin (Mal.4:3) at dadalhin sa ikalawang muling-pagkabuhay.

 

Ang ikalawang muling-pagkabuhay ay ang kaparusahang pinarusa kay Hudas dahil sa kanyang pagtanggi kay Kristo. Sila ay ang mga anak ng kaharian na itinapon sa labas ng kadiliman (Mat. 8:12). Sila ya pinarusahan bilang bansa sa ikalawang muling-pagkabuhay sa halip na makibahagi sa likas na kabanalan (2Ped. 1:4) at ang unang muling-pagkabuhay. Marami ang tinawag pero kaunti ang napili na sumailalim sa tungkuling ito (Mat. 22:13-14). Marami ang yumakap kay Kristo, pero inapi ang kanyang hinirang, o ‘yung hindi masigasig (Mat. 25:30) ay sa katunayan inilipat sa ikalawang muling-pagkabuhay (Mat. 24:51, 25:30) na marami ang di-kasama (Lk. 13:26-28) at kahit ‘yung nasa unang muling-pagkabuhay ay nilagay sa hanay ng una (Lk. 13:30).

 

 

 

KABANATA 6

 

ANG IGLESIA

 

6.1 Sino o Ano ang Iglesia

 

Sinabi ni Kristo na siya ay magtatayo ng kanyang Iglesia sa bato at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi mananaig laban dito (Mat. 16:18). Ang Diyos ay ang bato kung saan ang Iglesia ay itinayo. Ang Iglesia ay pagtitipon ng mga tao. Hindi ito gusali o korporasyong kayarian.  Ang Iglesia ng Diyos ay ang pangalan kung saan ang mga tao ay natawag (1Cor. 1:2; 2Cor. 1:1 at 1Cor. 11:22 din sa batayan ng Iglesia sa Corinto). Sila ay magkakasamang nakilala bilang Iglesia ng Diyos (Gawa 20:28; Gal.1:13; 1Tim. 3:5) at ang mga Iglesia ng Diyos (1Cor. 11:16; 1Tes. 2:14; 2Tes. 1:4). Unang Corinto 14:33 tumukoy sa mga Iglesia ng mga banal, tumutukoy sa mga tao na kung saan sila ay binuo. Ang mga Iglesia ay maraming-pook at bawat isa ay may pananagutan para sa sariling mga gawain.

 

Ang mga tao ay tinawag ng Diyos at binigay kay Kristo (Jn. 17:11-12; Heb. 2:13, 9:15). Ang Panginoon nagdadagdag sa bilang ng Iglesia araw-araw ayon doon sa mga naligtas (Gawa 2:47). Ang mga Iglesia ay kinilala sa lugar (Roma 16:4, 1Cor. 1:2; 1Tes. 1:1; 2Tes. 1:1; 1Ped. 5:13) at madalas maliit o tahanang Iglesia (Roma 16:5, 23; 1Cor. 16:19l; Col.4:15; Fil. 1:2). Si Kristo ay ginawang pinuno ng lahat ng mga bagay para sa Iglesia (Efeso 1:22). Ibinunyag ng Diyos sa makalangit na kapangyarihan, ang Kanyang kaalaman sa pamamagitan ng Iglesia (Efeso 3:10). Si Kristo ay ang pinuno ng Iglesia, kung saan ay kanyang katawan, at ito ay pinailalim kay Kristo. Si Kristo binigay ang sarili para sa Iglesia, bilang pinuno ng bawat tahanan ay kailangan para sa pangkat na ‘yon (Efeso 5:23-26). Ang Iglesia ay kailangan para iharap kay Kristo na walang marka o kulubot bilang banal at walang dungis (Efeso 5:27). Ang Iglesia ay pinakakain ni Kristo (Efeso 5:29). Si Kristo, bilang pinuno ng Iglesia, ay ang panganay mula sa patay upang siya ay magkaroon ng higit na kagalingan. Kaya ang Iglesia, bilang katawan ni Kristo ay kasal kay Kristo bilang grupo sa unang muling-pagkabuhay kapag ang mga magnobyo ay dumating (Mat. 5:1-10; Col.1:18-20). Ang Iglesia sinasaklaw ang mga Iglesia ng mga panganay at kanilang pangalan ay nakasulat sa langit (Heb. 12:23). Ang Bahay ng Diyos ay ang Iglesia ng Buhay na Diyos, ang haligi at suhay ng katotohanan kaya, ang Iglesia ng Diyos ay tinatag sa katotohanan (1Tim. 3:15).

 

6.2 Pagtatatag ng Iglesia

 

Ang Iglesia bilang entidad ay pananagutan para sa kabutihan ng kanyang mamamayan (1 Tim. 5:16). Ito ay sa lokal na batayan.

 

Ang Iglesia ay pinapasturan ng mga matatanda at mga diyakono, na pinili ng mga kapatid (Gawa 1:22, 26, 6:3,5-6; 15:22; 1Cor. 16:3; 2Cor. 8:19, 23), na nagdadasal at nagpapahid ng langis sa maysakit na kapatid sa pangalan ng Panginoon (Sam. 5:14). Ang Banal na Espiritu ginawa silang mga katiwala ng pangkat kung saan ay ang Iglesia ng Diyos (Gawa 20:28). Ang mga iglesia ay mayroong magaling na pamahalaan (3Jn. 1:9-10). Ang pangsiwaanng gawain ng mga Iglesia ay sa sinagawa ng mga diyakono at diyakonesa (Rom. 16:1), na mapatutunayan ng tanggapang ito (Fil. 1:1; 1Tim. 3:8-15). Mayroong mga, sa Iglesia, sarisaring mga tungkulin kasama na ‘yung mga sa propeta at mga guro (Gawa 13:1), pagkatapos mga himala, mga tulong, mga pamahalaan at iba’t ibang mga wika (1Cor 12;28). Ang pagtuturo ng Iglesia ay sa mga pananalita, o mga wika na maayos at nauunawaan, na ipinaliwanag ng mga naroon (1Cor. 14:4-5).

 

Ang mga Iglesia ay may panagutan para tulungan ang gawain ng mga alagad o ebanghelista na inatasan gawin sa malalawak na lugar, kaysa sa bawat Iglesia (Gawa 14:23, 27, 15:3, 4, 22, 18:222, 20:17; 1Cor. 4:17).

 

Si Kristo nagbigay ng tiyak na mga mensahe sa bawat Iglesia at ang mga anghel na may tungkulin sa bawat isa sa kanila na maging mga halimbawa sa hinirang (Apo. 2:1, 8, 12, 18, 3:1, 7, 14).

 

Ang tungkulin ng paghusga at pagpapasiya ng araw-araw na mga gawain ay ginagawa ng karaniwang mga kasapi ng Iglesia, na sila ay mapaunlad para sa kanilang mga gingampanan sa paghuhusga ng Hukbo (1Cor. 6:4).

 

6.3 Mga Hangad at mga Layunin ng Iglesia

 

Ang unang layunin ng Iglesia ay ipagpatuloy ang paghahayag ng ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos na ito ay inuutos kay Heus Kristo (Mat. 4:17, 10:7, 11:1; Mar. 3:14, 16:15; Lk. 4:43, 9:60).

 

Ang Iglesia ay dapat ipangaral ang mabuting balita na mapagkumbaba, upang pagbuklurin ang sawi, ipahayag ang kalayaan ng mga nabihag, ang pagbubukas ng kulungan sa kanila na nakagapos (o nalamog) (Isa. 61:1), at ang pagbabalik ng paningin sa mga bulag (Lk. 4:18). Ito ay upang pagalingin ang maysakit (Lk. 9:2).

 

Ito ay pangangaral ng katanggap-tanggap na panahon ng Panginoon (Lk. 4:19) at patunayan na si Kristo na tinalaga ng Diyos na maging tagapaghusga ng nabubuhay at namatay (Gawa 10:42).

 

Ang pakanin ang mga Iglesia ay ang ikalawang layunin ng mga matatanda (Gawa 20:28) na nagsisikap na magturo saan mang dako sa bawat Iglesia (1Cor. 4:17). Ang mga regalo ng 1 Corinto 12:28 ay ginamit upang tulungan ang pagpapaunlad ng Iglesia (1Cor. 14:12). Ang pamumuno sa sariling tahanan ng isang tao ay gabay sa mabisang pamumuno ng Iglesia ng Diyos (1Tim. 3:5).

 

6.4 Pagpapakabanal

 

‘Yung mga nasa Iglesiang tinawag ng Banal na espiritu (Roma 15:16) para maging santo ay pinapagingbanal (1Cor. 1:2) ng Diyos Ama at iningatan kay Hesus Kristo (Jud.1).

 

Ang mga santo ay pinapagingbanal ng Diyos sa pamamagitan ng dugo ng tipan (Heb. 10:29) at sa katawan ni Hesus Kristo (Heb. 10:9-10). Ang mga Santo ay naligtas dahil sa pagbibinyag (1Cor. 6:11). Kaya ang Banal na Espiritu ay espiritu ng ating Diyos, at sa pamamagitan ng pangalan ni Hesus Kristo ang mga hinirang ay gayon panagingbanal at nahugasan ng kanyang pagpapakasakit patungo sa pananampalataya sa pamamagitan ng Diyos (Gawa 26:18)

 

Ang mga hinirang ay pinagkalooban ng kapatawaran sa pagpapanatili ng kanilang katayuan sa pamamagitan ng pananampalataya kaya pagpapabanal sa bawat isa sa parehong Iglesia at sa pamilya (1Cor. 7:14). Samakatuwid, ang di-naniniwalang asawa at mga anak ay pipagingbanal sa mga hinirang. Ang mga hinirang ay pinapagingbanal sa katawan ni Kristo bilang isang katawan kay Kristo (Roma 12:5; 1Cor. 12:20-27) at, kaya, pagpapakabanal ay hindi umaasa sa uri ng samahan.

 

KABANATA 7

 

ANG KAHARIAN NG DIYOS

 

7.1 Ang Pagtatatag ng Kaharian

 

Ang pagtatatag ng Kaharian ng Diyos ay unang sinabi bilang pag-aalis ng mga kaharian sa mundong ito sa pagdating ng Mesiyas sa wakas ng panahon (Dan. 2:44). Ang Kaharian ng Diyos ay pinangaral ni Kristo na nagsabi na ito ay malapit na (Mar. 1:14-15). Kaya ang Kaharian ay nasa dalawang aspeto. Una, ang espirituwal na Kaharian at, pangalawa, ang pisikal na milinyal na Kaharian sa ilalim ng Mesiyas.

 

7.1.1 Ang Espirituwal na Kaharian

 

Pataas hanggang Pentekostes 30 AD ngunit kakaunti na mga propeta at namumuno ng Israel ang nabigyan ng Banal na Espiritu at para sa tiyak na dahilan. Walang ibang bansa, pataas hanggang sa pagtanggap sa mga Gentil sa Iglesia mula 30 AD, ang may Banal na Espiritu. Kaya lahat ay tinalaga sa ikalawang o pangkalahatang muling-pagkabuhay sa Apocalipsis 20:4 ff.

 

Ang Banal na Espiritu ay binibigay sa sangkatauhan, mula sa kamatayan ni Kristo, bilang unang aspeto ng Kaharian mula sa Pentekostes 30 AD (Gawa 2:14) kung saan nakita nilang dumating na may kapangyarihan (Mar. 9:1). Nakakahiya na ito ay matatanggap at magpunyagi para sa karunungan na parang maliit bata (Mar. 10:15). Maliban kung ang tao ay ipanganak na muli, sa pamamagitan ng tubig at Espiritu, hindi nila makikita ang Kaharian ng Diyos (Jn. 3:3-5).

 

Ang mga hiwaga ng Kaharian ng Diyos ay nanatili sa loob ng mga hinirang at ang pang-unawa ay ipinagkaloob ng Banal na Espiritu. Kaya ang Bibliya ay nakasulat sa talinhaga (Lk. 8:10). Ang Kaharian ng Diyos ay hindi karne at inumin, sa halip ay kabutihan at kapayapaan at lugod sa Banal na Espiritu (Rom. 14;17). Hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan (1Cor. 4:20).

 

Pagsisisi ay lubos na kailangan sa pagpasok sa Kaharian. Ang nagsisising makasalanan ay tatanggapin bago ang pansariling-kabutihan (Mat. 21:31-32). Ang pagkatawag sa mga hinirang ay sa pangkalahatang paglaganap ng kabatiran kagaya ng buto (Mat. 13:3-9). Ito ay laganap at natanggap na may dakilang punyagi sa pamamagitan ng Espiritu (Mat. 13:44-46). Pero, marami ang tinawag ngunit kaunti lamang ang pinili (Mat. 20;16, 22:14). Ang tinawag ay tinipon ang iba, katulad ‘nung mga hinirang, na mga sifted sa wakas ng panahon, alinman sa pagdating ng Mesiyas o, para sa mga patay, sa mga muling-pagkabuhay (Mat. 13:25-30, 36 38-40, 47-50). Ang mga hinirang ay nakatalaga na tatawagin at kaya pinatunayan at niluwalhati (Rom. 8:29).

 

Kapag ang Kaharian ay binigay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ito ay gaya ng buto ng mustasa kung saan lumalaki na makapangyarihang puno, o gaya ng pampaalsa kung saan pinaaalsa ang buong pagkatao (Mat. 13:31-32), kaya maaaring ang Diyos ay magiging lahat para sa lahat (1Cor. 15:28) (tingnan Marshall’s Interlinear Efeso 4:6).

 

Ang kinakailangan ay una hanapin ang Kaharian ng Diyos at lahat ng bagay ay ipagkaloob sa iyo (Mat. 6:33). Ang kapangyarihan laban sa mga demonyo ay tanda na ng Kaharian ng Diyos sa bawat tao (Mat. 12:28). Ang pagpapatupad sa kalooban ng Diyos ay ang pinakamahalagang kailangan sa pagpapanitili ng Kaharian sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Kapag ito ay hindi nagamit ng mahusay ito ay kukunin at ibibigay sa ibang nagpapakita ng bunga nito (Mat. 21:31, 43).

 

Ang Kaharian ay darating hindi sa pagmamasid, kundi sa loob ng bawat isa (Lk. 17:20-21). Ang Kaharian ng Diyos, na tinawag ding Kaharian ng Langit, ay hindi nakukuha sa propesyon ni Kristo bilang Diyos, na isang katangian ng hinirang, kundi sa pagpapatupad ng kalooban ng Diyos Ama (Mat. 7:21). Dahil sa mapagkumbabang pagtupad ng kalooban ng Diyos ang isa nagiging dakila sa Kaharian ng Diyos (Mat. 18:3-4).

 

‘Yung mga sinama mula sa pakikibahagi ng Kaharian ay tahasang  binanggit sa 1Corinto 6:9-10, Galacia 5:21 at Efeso 5:5.

 

7.1.2 Ang Milinyal na Paghahari ni Kristo

 

Ang milinyal na paghahari ng Mesiyas ay tahasang sinabi sa Apocalipsis 20:2-7. Ang sanglibong taon na panahon ay tinukoy bilang Milenyo o Chiliad.

 

7.1.2.1 Ang Pagbabalik ng Mesiyas

 

Ang panunumbalik ng sistema ng Bibliya sa pamamagitan ng pagsilang ng Mesiyas ay matatagpuan sa Zacarias 14:4. Sinabi ni Kristo, sa talinhaga , na siya ay aalis at babalik (Lk. 19:12).

 

Ang Mesiyas ay magtutungo sa Bundok ng Olibo. Sa kanyang mga hinirang itatayo niya ang kanyang pamahalaan. Itatayo niyang muli ang kanyang Templo (Gawa 15:16). Ipakikilala niyang muli ang sistema ng Bibliya kasama na ang Sabbath, Bagong Buwan at ang taunang Banal na mga Araw. Lahat ng bansa ay kinakailangan na magpadala ng kanilang sugong lihim sa Herusalem para sa takdang panahon. (Zac. 14:16-19).

 

Ang pagdating ay may dakilang tanda at kababalaghan sa kapangyarihan at dakilang luwalhati (Mat. 24:27, 30; Apo. 1:7). Ang kanyang pagbabalik ay lantad  at may kasamang makalangit na tanda (Apo. 6:12). Ang kapangyarihan ay mayayanig. Ang araw ay magdidilim at ang buwan at titigil sa pagliwanag (Mat 24:29; Gawa 2:20). Siya ay mauupo sa kanang kamay ng makapangyarihan at tutungo sa ulap ng kalangitan. Samakatuwid, binigyan ng Diyos si Kristo ng kapangyarihan (Mat. 26:64; Mar. 14:62; Lk. 21:27; Gawa 1:11).

 

Si Kristo ay darating sa pamamagitan ng sigaw ng isang Arkanghel Michael at ang pagtunog ng huling trumpeta (1Tes. 4:16-17; Apo. 11:15).

 

Kapag ang anak ng tao bumalik sa lahat ng kanyang kaluwalhatian para purihin ang kanyang mga Santo (2Tes. 1:10), kasama ng kanyang mga anghel, paghihiwalayin niya ang mga tao at makikitungo sa kanila (Mat. 25:31-46).

 

Ang mga hinirang, doon sa kaharian ng Diyos, na ibinigay ng banal na espiritu sa pamamagitan ng pagsisisi at maygulang na pagbibinyag, pagsunod sa kautusan, ay muling mabubuhay sa pagbabalik ni Kristo. Ito ang unang muling-pagkabuhay. Ang mga natitirang patay ay di-mabubuhay hanggang sa pagtatapos ng milenyo. Ito ang ikalawang muling-pagkabuhay (Apo. 20:4 ff.). Ang mga hinirang ay ang pag-asa at dahilan ng pagbabalik ng Mesiyas (1Tes. 2:19; Apo. 22:20). Ang mga hinirang ay matatag sa di-masising kabanalan para sa pagbabalik ni Kristo at ng Hukbo (1Tes. 3:13; 1Tes. 5;23). Ang pagmamahal sa katotohanan ay kailangan para maligtas (2Tes. 2:10). Parurusahan ng Diyos ang makasalanan sa kanyang pagbabalik ng hininga ng kanyang bibig (2Tes. 2:8). Ang Iglesia ay pinayuhan na manatiling gising at hindi tulog dahil hindi nito malalaman ang oras ng pagdating ng Panginoon (Mar. 13:35-37; Apo. 3:3, 11). Si Kristo ay babalik na hahatol ng matuwid at makikipagbaka sa mga sumusuway na sundin ang kautusan ng Diyos (Awit 96:13; Apo.19:11). Si Kristo ay babalik at makikitungo sa sangkatauhan sa kanilang mga gawain (Apo. 22:12).

 

7.1.2.2 Ang Pagtitipon ng Israel

 

Sa pagbabalik ng Mesiyas ang mga hinirang at ang mga nabuhay sa pisikal na Israel, ang iba ay gagawing pari, titipunin niya sa Herusalem mula sa apat na sulok ng ng daigdig (Isa. 11:12, 66:19-21).

 

7.1.2.3 Ang Araw ng Panginoon

 

Bago ang Araw ng Diyos, ay magkakaroon ng paghihimagsik o pagbabalikwas, ang paglayo (mula sa apostasia) mula sa katotohanan at ang batas sa mga hinirang. Ang tao ng walang kinikilalang batas (anomias), na pinangalanan para sa paglayo mula sa mga kautusan ng Diyos sa pamamagitan na kanyang pagtuturo sa mga hinirang, ay pinahayag (2Tes. 2:3-8). Siya ay naupo sa Templo ng Diyos at tinawag ng Diyos. Siya ay papatayin ng Mesiyas sa kanyang pagdating.

 

Pupuksain ng Panginoon ‘yung mga nakikidigma laban sa Herusalem. Mamamayan, na napuksa, ay matatakot, magbabalik laban sa kanilang kapwa (Zac. 14:12-13). Ito ay mangyayari ng di-inaasahan (1Tes. 5:2).

 

Ang pakatupok ay yayanigin ang daigdig. Ang sangkatauhan ay magtatago sa mga bundok at mga bato dahil si Kristo ay dumating sa galit at walani isa ang makakatayo (Apo. 6:15-17), binigan ang mga trumpeta at mga salot na ibubuhos ng Diyos sa mga huling araw (Apo. 8:7-21; Apo. 16:1-20). Ang katapusan ng Araw ng Panginoon, kung saan ay sumasaklaw hanggang Milenyo, ay makikita ang wakas ng daigdig na alam natin. Ang mundo ay pupuksain sa pamamagitan ng apoy (2Ped. 3:7-10, 12), kaya tatanggalin lahat ng bakas ng pamumuhay ng tao. 

 

Ang kabuuang proseso ng Araw ng Panginoon ay engrenahe ng paghusga sa daigdig at itama ang sangkatauhan (Jud. 14-16). ‘Yung mga hinirang na nagkasala ay ibinalik sa sistema ng daigdig upang sila ay maligtas sa Araw ng Panginoon, na bilang tinama sa ikalawang muling-pagkabuhay (1Cor. 5:5). Samakatuwid mayroong dalawa lamang na muling-pagkabuhay.                                                                                                                                    

 

7.1.3 Ang Walang-Hanggang Kaharian ng Diyos

 

7.1.3.1 Ang Pagdating ng Diyos

 

Ng supilin ni Kristo ang pamamahala at kapangyarihan, kanyang ibabalik sa Diyos ang kabuuang sistema (1Cor. 15:24, 28). Pagkatapos ang Diyos ay bababa sa daigdig at ililipat ang pamamahala ng langit dito. Ang buong daigdig ay noon mapupuno ng Kanyang Luwalhati (Isa. 6:3) at ang Diyos at ang Kordero ay ang liwanag ng sistema (Apo. 21:23).

 

7.1.3.2 Ang Bagong Daigdig at ang Bagong Herusalem

 

Sinabi sa Isaias 65:17 na magkakaroon ng bagong langit at bagong daigdig na nilikha. Ang binhi ng Israel ay mananatili sa harap ng Diyos sa loob ng bagong sistema (Isa. 66:22) hanggang sa katapusan ng Milenyo kapag lahat ng laman ay lipas na. Ang Diyos ay mananahan sa Zion at ito ay tatawaging ang matapat na lungsod (Zac. 8:3). Ang lungsod ng Bagong Herusalem ay lalabas sa kalangitan (Apo. 3:12).  Itong Bagong Herusalem ay ang Banal na Lungsod kung saan lumabas ang paglikha ng bagong langit at ang bagong daigdig (Apo. 21:1-4, 7, 10). Pagkatapos ang Diyos ay makakasam ng mga tao. Ang mga nakalipas na mga bagay ay hindi na maaalala pa (Isa. 65:17). Tayo ay naghihintay sa bagong langit at ang bagong daigdig, na kung saan ang kabutihan ay mananahan, ayon sa pangako (2Ped. 3:13). Marami sa nahirang na nagtagumpay ang gagawing haligi sa bagong Templo ng Diyos (Apo. 3:12). Kaya ito ay ispirituwal na gusali.

 

7.1.3.3 Ang Tadhana ng Sangkatauhan

 

Ang mga hinirang ay bibigyan ng pamamahala sa daigdig para sa Milenyo (Lk. 19:17, 19), na katulad ng mga anghel (Mat. 22:30), na mamanahin ang lupa at ang pinakahuli ay makita ang Diyos, bilang Anak ng Diyos (Mat. 5:3-11). Ang katayuang ito ay ipinaabot sa lahat ng mga bansa (Mat. 8:11). Ito ay ang kagustuhan ng Diyos Ama (Lk. 12:32). Para sa lahat na inakay ng Espiritu ng Diyos ay mga Anak ng Diyos (Roma 8:14).

 

Ang milinyal na Kaharian ng Mesiyas ay malamang na tagapagturo upang ihanda ang sangkatauhan para sa huling tungkulin, kaya ang pagsasakatuparan ng kanilang kakayahan at plano ng Diyos kung saan ay inihain na bago ang pagtatatag ng daigdig.

 

Ang pinakahuling tadhana ng sangkatauhan ay ang maging handa sa pagganap ng kanilang katayuan sa bagong pinag-isang sistema ng Hukbo at upang kunin ang kanilang karapatang magmana ng pagpapaunlad at pamumuno sa daigdig (Awit 8:1-9; Dan. 2:44-45) at ang pinakabagong tuntunin ng sansinukob (Dan. 7:27, 12:3).

 

 

     

Apendiks

 

Ang Espiritu sa Trinitaryanismo

 

Ang mga Trinitaryan ay pinaghiwalay ang teolohiya mula sa tinatawag na ekonomiya ng kaligtasan sa pagkakatawang-tao ni Hesus Kristo. LaCaugna (GOD FOR US The Trinity and Christian Life, Harper San Francisco 1991), sa pagtunghay sa pag-unlad ng doktrina ng Tatlong-isa (Trinity) at ang paghihiwalay ng teolohiya mula sa Plano ng Kaligtasan (o soterlohiyo) na nahayag sa Pagkakatawang-tao ni Kristo, paalaala na ang Cappadocians naaangkop sa toelohiyo sa direksiyon kung saan nagtaguyod na makadagdag sa paghihiwalay ng ekonomiya at teolohiya. Itong landasin, o kaparaanan, tumungo

            via ngativa ng Pseudo-Dionysius at, sa teolohiya ni Gregory Palamas (Kabanata 6).

Sa Kanlurang Latino, sa panahong sumunod sa Nicaea, ang teolohiyan gaya ni Hilary ng Poitiers at, marahil na sa sukdulang antas, Marcellus ng Ancyra, pinanatili ang kaugnayan sa pagitan ng banal hypostases at ang  ekonomiya ng kaligtasan. Augustine pinasinayaan sa kabuuang bagong paraan. Ang kanyang umpisang punto ay hindi na sa monarkiya ng Ama peroang banal na sangkap na binahagi sa tatlong tao [ dinagdagan ng diin]. Sa halip na siyasatin ang sakop ng teolohiya na ito ay nahayag sa pagkakatawang-tao ni Kristo at diyusin ng Espiritu [digdagan ng diin]. Si Augustine ay nagtanong sa mga bakas ng Tatlong-tao na makikita sa kaluluwa ng isang tao. Si Augustine ay nagpatuloy sa sikolohikal na pagkasunud-sunod para sa hindi trinitaryang relasyon na nangangahulugan na trinitaryang doktrina  pagkatapos noon  ay nakababalisa sa relasyong ‘panloob’ sa Punong-Diyos, di-tumutugma kung anong pagkakaalam natin sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo sa Espiritu (La Caugna, p.44).

 

Ang Medyebal na Latinong teolohiya ay sinundan si Augustine at ang paghihiwalay ng teolohiya mula sa ekonomiya o soteryolohiya. Ang kabuuang anyo ay naging sangkot sa neo-Platonismo at Mistisimo.

 

Ang mahalagang notasyon ng La Caugna ay nagmula kay Augustine ang Monarkiya ng Ama ay hindi na ngayon pinakamataas. Ang Tatlong-isa nagpalagay ng pagkapantay-pantay. Ito ang ikalawang hakbang na sumunod sa maling paninindigan sa pagkawalang-hanggan. Ang tamang premisa ay ang konsepto ng manipestasyon ng Punong-Diyos sa bawat isa, pinangalanang ang operasyon ng Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu kung saan nanggaling sa kanya mula kay Hesus Kristo.Itong direksiyon mula kay Hesus Kristo, itinulot kay Kristo para bantayan at idirekto ang indibidwal sang-ayon sa kagustuhan ng Diyos na nabuhay sa loob ng bawat pinili.

 

Si Kristo ay hindi pinagmulan ng Banal na Espiritu. Siya ang tagapamagitang tagapagbantay. Siya ang gumaganap para sa Diyos katulad ng madalas niyang pagganap at sang-ayon sa gusto ng Diyos. Ngunit hindi siya ang Diyos. Ang Trinitayanismo ay nabulag sa ganitong katotohanan, kung sa katunayan na talagang naintindihan nila ang kahalagahan. Tulad ng sinabi sa

Ang teolohiya ng tatlong Diyos ay lumitaw na dinagdag sa pagsaalang-alang ng isang Diyos (p. 44).

 

Ito’y nakaapekto sa esensiyal na gawain ng Kristiyano ang pagdarasal. Kung saan, hindi sila nagdarasal sa Ama lamang (Mat. 6:6, 9) msa ngalan ng anak tulad ng sabi sa Bibliya (mula sa Lk. 11:12), pagsamba sa Ama (Jn. 4:23), ngunit sa Ama, Anak at Banal na Espiritu. At saka ang mga iskolar ay napaunlad ng metapisikang teolohiya nila. Ngunit ang kabuuang edipisyo ay nabuo sa di-pagpansin o manipulasyon sa Bibliya. Iyon ang dahilan kaya ang mga Trinitaryan ay hindi kailan man inilalahad ang lahat ng nilalaman ng Bibliya sa isang paksa at maling-pagsalin at maling-banggit ng ibang mga salitang pinakalaman na binalewala ang mga hindi nila kayang baguhin. Ngunit ang kanilang sistema ay batay sa Mistisismo at Platonismo. Sinabi sa LaCaugna na

Ang Cappadocians (at Augustine din) nauwi sa pagsasaalang-alang higit sa kasulatang pagkakaunawa sa ekonomiya sa paghahanap ng relasyon ng Diyos sa Anak (at ang Espiritu) sa ‘pinakabanal’ lantas(p. 54).

 

Ang nag-iisang-Diyos nabuhay bilang ousia sa tatlong kaibahang hypostases. Nakita natin (Cox, Ang mga Hinirang bilang Elohim) na ang Platonikang katangiang ousia at ang Stoikang katawagang hypostases ay lubos na iisa lamang.

 

Ang pagpapaalis sa Espiritu sa operasyon sa loob ng kabanalang antas na ang pinili ay hindi kailanman maaring makibahagi sa kalikasan ng Diyos gaya ni Kristo na nakibahagi sa ganoong kalikasan.Itong pagpapahayag ay taliwas sa Bibliya. Ang pinili ay makibahagi sa kabanalang kalikasan (2Ped. 1:4).

 

Sa Efeso 1:22 inilagay ng Diyos ang lahat sa ilalim ng paa ni Kristo at ginawa siyang tagapamuno sa lahat ng bagay tungkol sa Iglesia. Itinaas ng Diyos Kristo

Mula sa pagkamatay at ginawa Niyang maupo sa Kanyang kanang kamay sa kalangitan, malayo sa ibabaw ng pamumuno at katungkulan at kapangyarihan at dominyan, at sa taas ng bawat pangalan na pinangalanan, hindi lamang sa panahong ito subalit sa darating na; at inilagay Niya lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang paanan  at ginawa niyang pinuno ng lahat para sa Iglesia, na kanyang katawan, ang kabuuan niya na pumuno ng lahat sa lahat.

 

Si Kristo ay binigyan ng kapangyarihan sa lahat ng bawat pangalan, tulad ng kanyang pangalan niya na binubuo ng kapangyarihan. Siya ay binigyan nga kapangyarihan sa lahat ng bagay upang ang Iglesia ay mauwi sa kanyang mana sa pamamagitan ni Kristo kung kanino ay nananahan ang buong kapuspusan ng Sangbahayan sa kalagayan ayon sa laman (Col. 2:9). Itong salita na isinaling-wika sa  dito ay theotetos ibig sabihin diyos o ang katayuan bilang Diyos.

 

Ngayon, sinabi ni Thayer na ang diyos (theot) kaiba sa kabanalan (Theiot) bilang kakanyahan magkaiba ito sa uri o katangian (Thayer’s, p. 288). Ang ibig-sabihin dito ay ang kabuuang kakanyahan ng Diyos ay nananahan ayon sa katawan kay Kristo. Sa ganitong kabuuan ng kakanyahan na ibinigay sa atin upang ang lahat ng tao ay malagay sa bagong kalikasan ng Diyos (Col. 3:10). Sila ng hindi maaaring alinman sa Hudyo o Griyego ngunit lahat ay kay Kristo sapagkat siya ay nasa lahat (Col.3:11). Nilinang niya ang mga tao, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, upang sa wakas na ang Diyos ay maging lahat para sa lahat (1Cor. 15:28).

Kapag lahat ng bagay ar isinuko sa kanya, noon ang Anak mismo ay susuko rin sa kanya na naglagay lahat ng bagay sa ilalim niya, na ang Diyos ay maaaring [lahat sa lahat KJV] (panta en pasin) [tingnan Marshall’s Interlinear at gayundin sa Col. 3:11 (panta kai en pasin)].

 

Ang mga Trinitaryan ay nagsimulang isalin-wika ang teksto bilang lahat ng bagay sa lahat ng tao para maiwasan ang lohikal na pagdudugtong ng Diyos gaya ng kakanyahang iduktong sa lahat ng tao tulad ng ginawa Niya kay Kriso ayon sa nasusulat.

 

Si Kristo ang nagpuno sa atin kasama ang kabuuan ng Diyos (Efeso 3:19). Ang kabuuan ni Kristo bilang larawan ng Ama (Efeso 4:13). Sa ganitong paraan tayo ay naging larawan o eikon ng Ama gaya ni Kristo at kaya tayo ay Anak ng Diyos at kasama ni Kristo sa Kaharian ng Diyos (Rom. 8:17; San. 2:5). Tagapagmana ayon sa pangako (Gal. 3:29) ng kaligtasan (Heb. 1:14) at tagapagmana kasama ng biyaya (1Ped. 3:7).

 

Ang Anak ng Diyos ay magiging walang-hanggang Ama din (Isa. 9:6) bilang ulo ng sangbahayan ng pantaong Hukbo ginagampanan niya kasama ng ibang sangbahayan sa langit kung saan sila doon ay marami (Efeso 3:14).

Sa kadahilanang ito lumuhod ako sa harap ng Ama, kung saan nagmula ang bawat pamilya sa langit at sa lupa ay pinangalan.

Ang salitang pamilya dito ay patria o pagiging-ama. Kaya ang titulong ama, maging sa tahanan o sa tahanan ng Diyos, ay ang delegadong titulo ipinamamalas ang matinding responsibilidad sa mga nasasakupan nila.

 

Ang banal na Espiritu ay ang mekanismo na nagdudugtong ng lahat ng entidad na ito sa bawat isa at igawad ang kapasidad na maging Elohim sa mga Hukbo.  Walang tanong na ang Banal naEspiritu ay Diyos kahit saan tignan na kung saan ay kaiba sa isang indibidwal at nakakulong sa loob sa kabanalang relasyon ng tatlong entidad.  Lahat ay Anak ng Diyos at, samakatuwid, kamana kasama ni Kristo.  Ang pagsamba sa Banal na Espiritu ay sa pamamagitan lamang ng sariling paghanga gaya ng ibig sabihin na ang Diyos ang lahat para sa lahat.

 

Samakatuwid, ang pagsamba dito ay lohikal na ipinagbabawal bilang sariling paghanga na ito ay sa parte ng isang indibidwal.  Ito ay nauukol na kapangyarihan  o iginawad na katangian at hindi ang Diyos mismo.  Ang Banal na Espiritu ipinagkaloob sa ating abilidad na maging Elohim o Theoi.

 

Ang Punong Diyos ay isang straktura kung saan tumutukoy sa Hukbo. Yaong Hukbo ay tinukoy sa Mga Awit at ibang textong tinukoy sa ibaba at ang Trono ng Diyos at ang Hukbo ng mga Nakatatanda ay nilirawan sa Apocalipsis 4:1 hanggang 5:14.  Itong  Hukbo kung saan kabilang si Hesus Kristo Bilang ang Tupa, at Kataas-taasang Pari (mula sa Heb. 8:1-2), paglingkuran at sambahin angPanginoong Diyos na Makapangyarihan (Apo. 4:8-11). Sa paglilingkod sa Diyos , inalay ni Hesus Kristo ang kanyang buhay, tulad ng isang pari na dapat mag-handog sa Diyos sa paraan ng pag-aalay (Heb. 8:3).

 

Apocalipsis 4:8-11 tinala na ang Paginoong Diyos na Makapangyarihan ay nakaluklok sa Trono na nakatataas sa mga Nakatatanda na mga nakaluklok din sa trono.  Ngunit ang mga korona nila ay bahagi lamang ng nasa Panginoong Diyos na Makapangyarihan kung kanino Niya nilikha ang lahat ng bagay.  Siya ang Panginoong Diyos ni Hesus Kristo at ng Hukbo.

 

Marami ang anak ng Diyos (mula Job 1:6, 2:1, 38:7; Awit 86:8-10,  95:3, 96:4, 135:5) na kinilala bilang mga Bene Elyon o mga Anak ng Kataas-taasan (tignan sa Sabourin SJ, The Psalms: Their Origin and Meaning, Alba House, NY, pp.72-74). Ang mga taong hinirang ay kasama rin sa hukbo sa kalangitan bilang Anak ng Diyos (mula sa Roma 8:14).

 

Si Kristo ang unang ipinanganak o unang pinagmulan ng paglikha. Sa Kaniya  lahat ng bagay ay nilikha sa langit at sa lupa, nakikita at di-nakikita, maging trono o dominyon o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nalalang sa  pamamagitan Niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat ng mga bagay at sa kanya lahat ng mga bagay nanatiling  magkakasama (Col. 1:16-17). Pero ang Diyos ang lumikha sa Kanya at siyang maykaloob na ang paglikha ay mabubuhay at mananatili kay Kristo. Samakatuwid, si Kristo ay hindi Diyos sa kahit na anong kamalayan na Diyos at ang Diyos Ama ay ang Diyos at siya lamang ang walang kamatayan (1Tim. 6:16) nabubuhay sa habang panahong pamamalagi.

 

Ang Diyos ay itinalaga sa Bibliya na Diyos at ama ni Kristo (mula sa Roma 15:6; 2Cor. 1:3, 11:31; Apo. 1:1, 6, 15:3). Kinuha ni Kristo ang kanyang buhay, lakas at kapangyarihan sa utos ng Diyos ama (Jn. 10:17-18). Ang hangarin ni Kristo ay ayon sa kalooban ng Diyos, na siyang Ama (Mat. 21:31, 26:39; Mar. 14:36; Jn. 3:16, 4:34). Ibinigay ng Diyos kay Kristo ang mga hinirang at ang Diyos ay nakakahigit kay Kristo (Jn. 14:28) at higit sa lahat (Jn. 10:29).

 

Dahil dito ipinadala ng Diyos ang nag-iisang nilikhang (monogene) anak sa lupa upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya (1Jn. 4:9). Tanging ang Diyos ang nagpaparangal at nagpupunyagi kay Kristo (Jn. 8:54), ang Diyos bilang nakakahigit kay Kristo (Jn. 8:54).

 

Si Kristo ay nagpakababa ng kanyang kapangyarihan bilang isang Anak ng Diyos at naging tao, na nagmula sa binhi ni David ayon sa laman (Rom. 1:3).  Na ipinahayag ns Anak ng Diyos na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan na pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga’y si Hesus Kristo na Paginoon natin. (Rom. 1:4)

 

Ang Diyos ay ang Bato (sur) tulad ng Tibagan at Bundok kung saan ang iba ay gumuho, ang pingkiang bato ni Josue 5:2 na nagtuli sa mga Israel, ang puno at sanhi (Deut. 32:4, tignan sa Maimmonedes, Guide of the Perplexed, University of Chicago Press, 1965, Ch. 16, pp. 42 ff). Ang Diyos ay ang Bato ng Israel, ang Bato ng kaligtasan (Deut. 32:15), ang Bato na naging sanggalan nila (Deut. 32:15, 28-31). 1Samuel 2:2 nagpapakita na ang ating Diyos ay ang ating Bato, ang walang hanggang Bato (Isa. 26:4). Mula sa Batong ito na ang iba ay pinutol tulad ng lahat ng inapo ni Abraham sa pananampalataya (Isa. 51:1-2). Ang Mesiyas ay pinutol mula sa Batong ito (Dan. 2:34,45) upang supilin ang mundo sa paghahari. Ang Diyos ay ang Bato o pundasyon sa simulain na inihain at sa kay Kristo na magtatayo ng kanyang iglesia (Mat. 16:18) at sa kung saan Siya ay mamahinga bilang pundasyon.

 

Ang Mesiyas ay ang Puno ng Haligi ng Templong Bato ay pinutol lahat sa Bato ng Diyos, tulad kay Kristo at ang binigay kay Kristo, ang Espiritung Bato (1Cor. 10:4), ang batong pangbuwal at batong katitisuran (Roma 9:33) na bubuo sa Templo.  Si Kristo ay gumagawa ng Templo upang ang Diyos ay sumasa lahat, nasa lahat (Efeso 4:6). Ibinigay ng Diyos si Kristo sa lahat at lahat (panta kai en pasin Col. 3:11) inilagay lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang paa (1Cor. 15:27) ipinagkaloob sa kanya upang maging pinuno sa lahat ng bagay sa iglesia kung saan ito ang kanyang katawan, ang kabuuan niya na pupuno ng lahat sa lahat (Efeso 1:22-23). Ng ilagay ng Diyos lahat ng bagay sa ilalim ni Kristo, makikita na maliban sa Diyos ang lahat ng bagay ay inilagay Niya sa ilalim ng paa ni Kristo (1Cor. 15:27).

 

Kapag pinasuko ni Kristo lahat ng bagay noon din si Kristo ay susuko sa Diyos na Siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ni Kristo upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat (panta kai en pasin 1Cor. 15:28 hindi bilang kada RSV). Samakatuwid ang Platosismong doktrina na nagpapakita ng pagsasama ng Diyos at ni Kristo sa Tatlong-isa ay sumasalungat sa Bibliya. Si Kristo ay umupo sa kanan ng Diyos, sa utos ng Diyos (Heb. 1:3,13, 8:1, 10:12, 12:2; 1Ped. 3:22) at kasama ng Diyos sa trono maging ang mga hinirang ay makakasama sa trono na ibinigay kay Kristo (Apo. 3:21) na ang trono ng Diyos (Awit 45:6-7; Heb. 1:8) o ang Diyos ay ang Trono na isinalin sa  Ang Trono mo o Diyos.

 

Ang Diyos, na siyang nagpadala, ay nakahihigit kaysa sa ipinadala (Jn. 13:16), ang alipin ay hindi hihigit kaysa sa kanyang panginoon (Jn.15:20).  Ito ang pinaka-kabaligtaran na masasabi na ang isang nilikha ay maaring maging sakripisyo sa kanyang sarili.  Ang gawaing ito, makatwiran, na pagpapakamatay, o, sa loob ng Trinitaryanismo, ay bahagiang paggiba.  Kaya, ang doktrina ay ikinaila ang muling-pagkabuhay lalo na sa 1Corinto 15.

 

Kaya ang kalinawan sa pagkapako sa krus at muling pag-kabuhay ay sapilitan at kumpleto.  Ang muling pag-kabuhay ay dapat sa laman kasama ang pagsaling-wika bilang Wave Offering, kung hindi walang  kaligtasa at walang patuloy na pag-aani.  Ang paghahanda ni Kristo para sa pagpanhik Niya sa Kanyang Diyos at ating Diyos, na ating Ama (Jn. 20 :17) ay totoo at katangi-tangi.